Against All Odds 2[17]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
na nagawa pang sumagot ni Dan. Ayaw niya kasing pumatol sa naka-inom
kaya naman pinalagpas na lang niya ang tinototyo nanamang si Ryan.
Muli siyang tumalikod dito at ipinagpatuloy na lang ang pagluluto ng
shanghai, hindi nagtagal ay nakarinig na si Dan ng pagsinghap bilang
tanda na hindi natuwa si Ryan sa kaniyang pagtalikod dito habang
nag-uusap sila at hindi pagsagot sa tanong nito.
Hindi
na nagulat pa si Dan nang marinig niya ang pabalang na pagbagsak ng
pinto ng kwarto ni Ryan, kasunod ang ingay na tila ba may nagwawala
sa loob ng kwarto nito. Hindi na ito bago pa kay Dan sapagkat alam
niyang nasasagi lamang ni Ryan ang mga gamit na iyon kaya't
nagkakalabugan, ilang beses na niya ito nasasaksihan kaya't di na
siya nababahala pa na baka nasaktan si Ryan sa tuwing nangyayari ito.
Kaya
naman ipinagpatuloy lamang ni Dan ang kaniyang pagluluto. Nang
makaluto na ay nag-ahin na siya at umupo na upang kumain sana pero
nang maalala niya na hindi pa nga pala niya naaalok si Ryan kumain
kahit alam niyang tatanggihan lamang siya nito ay muli siyang tumayo
at tinungo ang kwarto ng huli.
Ilang
beses pang kinatok ni Dan ang kwarto ni Ryan ngunit hindi ito
sumasagot. Dati rati sa tuwing kakatukin niya ito, hindi man siya
nito pagbuksan ay maguusap sila habang nakasarado ang pinto pero sa
puntong iyon ay ni pasinghal na pagtanggi ay hindi nagawa ng huli
kaya naman wala sa sariling pinihit ni Dan ang door knob ng pinto ng
kwarto ni Ryan.
“Ryan?!”
000oo000
Pagkalabas
na pagkalabas ni Mike sa pinto ng clinic ni Cha ay wala sa sarili
siyang napa buntong hininga, natutuwa sa sobrang pag gaang ng
kaniyang loob matapos ang ilang session sa kaniyang therapist. Andun
parin ang paminsan-minsang pangongonsensya sa sarili, andun parin ang
mga tanong at pagaalala kila Lily at Dan pero sa tulong ni Cha ay
madalang na ito.
Ayaw
man niyang ibaon sa limot lahat ng kaniyang masasamang bagay na
nagawa sa best friend at sa ina nito ay hindi naman niya ito
mapipigilan lalo pa't ang payo sa kaniya ni Cha ay dapat muli na
siyang mabuhay para sa sarili niya dahil mukhang ito na ang ginagawa
ng kaniyang tita Lily, hindi man niya masabi na ito rin ang ginagawa
ni Dan dahil sa magpasahanggang ngayon ay wala parin siyang balita
dito ay iniisip na lang ni Mike na asa maayos itong kalagayan dahil
kung hindi, gaya ng sinabi ni Cha sa isa sa kanilang mga session ay
ikababaliw niya at ikalulunod sa depresyon ang pag-iisip ng mga bagay
na iyon.
“Everything
is OK now.” saad ni Mike sa sarili saka naglakad palayo sa clinic
ni Cha.
“Everything
is OK now.” saad muli ni Mike sabay ngiti. Ngiting naaayon sa gaang
ng kaniyang loob na nararamdaman ngayon.
000ooo000
Mabilis
na nilapitan ni Dan ang nakahandusay na si Ryan sa sahig ng sariling
kwarto. Agad niya itong itinihaya at tinignan kung meron itong mga
sugat lalong lalo na sa ulo sa pag-iisip na baka tumama ito sa
matigas na bagay nang mawalan ito ng malay, nang masigurong wala
itong sugat at mukhang ayos naman ay sinubukan niya itong gisingin
ngunit tanging isang hindi maintindihan na salita lang ang ibubulalas
nito saka muling matutulog ng malalim.
“Ughhh.”
sagot ni Ryan sabay tulog ulit na ikina-iling na lang ni Dan.
“Ryan,
sasakit ang katawan mo dito sa sahig dapat sa kama ka na humiga pero
kailangan mong tulungan ang sarili mong tumayo dahil hindi kita
kayang buhatin.” naiinis ng saad ni Dan ngunit hindi na talaga
maintindihan pa ang mga salitang sinasabi ni Ryan.
Kaya't
wala man lakas pa ay pilit paring itinayo ni Dan ang may kalakihang
si Ryan at inalalayan ito pahiga sa kama. Dahil sa bigat at doble ang
laki ng katawan ni Ryan sa katawan ni Dan ay hindi naiwasan ni Dan
ang mawalan ng balanse kaya't hindi sinasadyang bumagsak ang katawan
ni Ryan sa kama na lalong nakapag-pahilo dito.
Saglit
na binuksan ni Ryan ang kaniyang mga mata, nung una ay akala ni Dan
na sisinghalan at sisigawan ulit siya ni Ryan pero nang nakita niyang
naduduwal ito ay agad niya itong itinagilid upang hindi ito mabulunan
sa sariling suka at para hindi narin nito masukahan ang kama.
“Bakit
naman kasi iinom-inom hindi naman pala kaya!” singhal ni Dan habang
hinahagod ang likod ni Ryan.
Nang
tumigil na sa pagsusuka si Ryan ay inayos niya na ito ng higa saka
kumuwa ng bimpo upang linisan ito. Hindi na sana niya ito papalitan
pa ng damit pero may mga bahid ng suka sa mga damit nito kaya naman
wala na siyang nagawa pa kundi ang palitan ito ng damit. Hindi
napigilan ni Dan ang pagmasdan ang makinis na balat at magandang
katawan ni Ryan.
“Ano
bang ginagawa mo, Dan?!” umiiling na tanong ni Dan sa sarili na
miya mo ginigising ang sarili sa isang masamang panaginip. Matapos
mapakalma ang sarili ay saka siya kumuwa ng malinis na t-shirt sa
aparador ni Ryan at isinuot ito sa tulog na tulog paring si Ryan.
Matapos
linisin ni Dan ang pinagsukahan ni Ryan ay saka siya naglinis naman
ng sarili atsaka itinuloy ang pagkain. Habang mag-isang kumakain sa
hapag kainan ay hindi maiwasang isipin ni Dan ang dahilan kung bakit
madalas maglasing si Ryan gayong mukha naman itong walang problema,
ilang dahilan pa ang sumayad sa isip ni Dan habang kumakain siya at
naghuhugas na siya ng pinagkainan ng matandaan ang nabanggit sa
kaniya noon ni Bryan.
“I'm
sorry. My brother took and locked the room that's supposed to be
yours. He's not supposed to be here, he was expelled from his last
school because of some fraternity trouble.” ang
natatandaan ni Dan na unang pakilala ni Bryan sa kaniyang kapatid na
si Ryan nung una palang silang magkakilala nito.
Sumagi
tuloy sa isip ni Dan na baka kunektado ang nangyari noon sa
pagkakaganun ni Ryan lalo pa't nakwento rin ni Bryan na hindi ganun
si Ryan noon. Naisip niya na hindi talaga gusto ni Ryan ang lumipat
ng unibersidad at ang pagtira ngayon nito kasama ang kapatid ay
nakapagpapaalala ng buhay niya ng wala itong kasama, walang
nagbabawal at may mga nakakaintindi sa kaniyang trip.
“Baka
yun nga yung reason.” saad naman ni Dan saka ipinagpatuloy ang
paghuhugas ng plato.
0000oo0000
“Mag-e-enroll
ka na bukas ah.” nakangiting saad ni Obet sa anak nang makita niya
itong nagbabasa ng libro. Agad na ibinaba ni Mike ang kaniyang
binabasang libro atsaka lumapit sa ama upang mag-mano.
“Opo.”
excited na sagot ni Mike na hindi naman nakaligtas kay Obet.
“Good.
Give it your best shot, anak.” nakangiti paring saad ni Obet sa
anak sabay yakap dito. Hindi nagtagal ay bumitiw narin si Obet sa
yakapan na iyon ng kanilang anak, hindi maitago ang kasihayan na
nararamdaman samuling pagbabalik ng kaniyang anak.
Nakangiting
pinanood ni Mike ang ama na maglakad palayo, nang masigurong hindi na
ito babalik pa upang silipin siya ay wala siya sa sariling lumakap
papunta sa bintana ng kaniyang kwarto at tinanaw ang katapat na
bahay. Madilim na madilim ito, napabuntong hininga si Mike, alam niya
kung bakit tila abandonadong bahay ang bahay nila Dan gayong andun
naman si Lily sa loob.
“Tita.”
malungkot na saad ni Mike sabay talikod at bumaba papunta sa kusina.
0000oo0000
Simula
pagkabata ay alam na ni Mike kung asan ang switch mi-ultimo ang
taguan ng pera sa bahay nila Dan kaya naman hindi siya nahirapan na
buksan ang bawat ilaw na dapat buksan sa bahay na iyon nila Lily.
Hindi siya nagkamali, andun nga sa loob si Lily, ngunit tulog ito.
Tulog sa may salas, may mga basyo ng alak na katabi at umaalingasaw
sa amoy ng alkohol.
Ayon
sa kaniyang ina ay matagumpay naman daw ang dinadaluhan nilang mga
support group pero alam din ni Mike na masyadong malakas ang hatak ng
depresyon lalo pa't wala kang kasama sa bahay. Alam niyang mas
nahihirapan kesa sa kaniya ang kaniyang tita Lily sapagkat anak niya
ang nawawala pa hanggang ngayon at maski sabihin ni Mike na kailangan
na nitong mabuhay para sa sarili ay hindi parin ito madali kay Lily
dahil alam niya ding si Dan ang buhay nito.
At
dahil sa alam nga ni Mike na hindi nga ito madali ay pinadadali na
lamang ito ni Lily sa pamamagitan ng paginom.
“I'm
so sorry, tita.” malungkot muling saad ni Dan saka kinumutan si
Lily matapos itong iwanan ng pagkain sa may lamesa.
Papalabas
na sana siya ng bahay nang makasalubong niya ang kaniyang ina.
“I
heard the front door close after you so I decided to follow.”
malungkot ding saad ni Brenda habang sumusulyap-sulyap sa tulog na
tulog na si Lily.
“It's
all my fault.” mangiyakngiyak muli na saad ni Mike.
“Shhhh---
we'll help them. I'll bring her to more support groups. I'll make her
stop drinking even if it means flushing all the liquors in this
house. W-we'll make it up to them.” tila pangungumbinsi ding saad
ni Brenda sa sarili saka iniyakap ang kaniyang katawan kay Mike.
Hindi ipinapakita ang kaniya ding tumutulong mga luha sa kaniyang
anak.
0000oo0000
Nang
hindi na maintay pa ni Dan si Bryan dahil sa sobrang antok ay
nagpasiya na siyang matulog na ngunit papasok na siya sa kanilang
kwarto nang maalala niya si Ryan at wala sa sariling silipin kung OK
lang ito. Napansin ni Dan na hindi na ito nakukumutan kaya naman
pumasok siya saglit sa kwarto nito at kinumutan ito.
Laking
gulat ni Dan nang biglang hablutin ni Ryan ang kaniyang kamay at
pilit siyang pinahiga sa tabi nito. Wala sa sariling tinignan ni Dan
ang mukha ni Ryan at nakita niyang tulog na tulog parin ito. Hindi
nanaman niya tuloy mapigilang isipin kung nagbibiro o nantritrip
lamang ba ito o talagang tipikal lang na lasing ito na hindi alam ang
ginagawa. Sinubukan ni Dan na bumangon mula sa tabi ni Ryan pero
iniyakap na nito ang sarili sa kaniyang katawan.
“Please
stay.” tila isang batang nagmamakaawa na bulong ni Ryan sabay yakap
ng mahigpit pa kay Dan.
Ipagpipilitan
parin sana ni Dan na makawala sa mga yakap na iyon ni Ryan kaya lang
ay naunahan siya ng masarap na yakap na iyon ni Ryan. Matagal na
niyang hindi nararamdaman ang ganong klase ng yakap, yakap na tila ba
nagsasabing hindi ka pakakawalan ng kung sino mang nakayakap sayo,
yung yakap na nagsasabing ligtas ka kahit ano pa mang mangyari.
Pakiramdam
ni Dan ay mas panatag at ligtas siya sa yakap na iyon ni Ryan kesa sa
yakap ni Bryan kaya naman hinayaan na lang niya muna si Ryan na
yakapin siya, iniisip na kapag lumuwag-luwag na ang yakap nito ay
makakaalis din siya doon.
Ngunit
hindi lumuwag ang yakap ni Ryan kaya naman dahil sa antok ay hindi
narin napigilan ni Dan ang pumikit-pikit saglit at ipahinga ang
kaniyang mga mata pero bago pa man siya tuluyang makatulog ay muli
pang nagsalita si Ryan.
“Thanks
for staying, beh--- ”
Bago
pa tuluyang lamunin ng antok si Dan ay hindi niya maiwasang isipin
kung gaanong ka swerte ng babaeng tinatawag na beh ni Ryan at may
isang Ryan na magtatanggol at magmamahal sa kaniya.
0000oo0000
“I'm
home!” sigaw ni Bryan pero wala ng Dan na sumalubong sa kaniya.
Nagkibit balikat na lamang siya at nagtungo sa kusina upang malaman
kung ano ang kaniyang pwedeng makain. Nang makakita na ng kakainin ay
nagsimula ng isa-isahin ni Bryan ang mga kwarto, pinakahuling sinilip
ni Bryan ang kanilang kwartong dalawa ngunit hindi na siya nakarating
doon sapagkat nakita na niya si Dan na tahimik at tulog ng yakap
yakap ng kaniyang kakambal.
Hindi
mapigilan ni Bryan ang mapangiti.
“Good
night guys.”
0000oo0000
Nagising
si Ryan ng makaramdam siya ng sakit ng ulo pero ang sakit ng ulo na
iyon ay natalo ng hindi maipaliwanag na pakiramdam nang maabutan niya
ang payat na katawan ni Dan na nakayakap sa kaniya habang ginagawa
nitong unan ang kaniyang malaking braso na miya mo may mananakit dito
at kailangang kailangan nito ng magliligtas sa kaniya. Agad na napawi
ang inis niya dito nung hindi siya nito sagutin at talikuran na lang
basta nung naguusap sila, lalo pa nang makita niyang nilinis nito ang
kaniyang suka at pinalitan siya nito ng damit. Matapos ang tahimik na
pasasalamat ni Ryan kay Dan ay pinagmasdan pa saglit ni Ryan ang
maamong mukha nito at wala sa sarili siyang napangiti at ang kaninang
masakit na ulo na siyang gumising sa kaniya ay tuluyan ng
nakalimutan, siniksik niya pa ang sarili sa katawan ni Dan at natulog
muli.
0000oo0000
Maliwanag
na nang magising si Dan, nang igala niya ang kaniyang mata ay saka
niya napansing napalitan na pala ang kanilang pwestong dalawa ni Ryan
simula nung nakatulog siya noong nakaraang gabi. Hindi na si Ryan ang
nakayakap sa kaniya kundi siya na ang nakayakap dito na tila ba isa
siyang batang hindi marunong lumangoy na kapit na kapit sa kaniyang
salbabida. Nang mapagtanto niya kung ano ang kaniyang ginagawa ay
dahan dahan niyang inalis ang mga kamay sa pagkakayakap sa matipunong
katawan ni Ryan, laking pasasalamat na pinakawalan na siya nito at
hindi na muli pang hinila upang mapahiga lalo sa kama.
Nang
makabangon na ay saglit pang pinagmasdan ni Dan ang maamong mukha ni
Ryan, ngayon ay hindi na makapaniwala na hinayaan niya ang sarili na
doon matulog dahil sigurado siyang magagalit ito sa oras na malaman
nitong sa iisang kama lang sila natulog.
Habang
ipinagdadasal ni Dan na walang maalala si Ryan sa nakaraang gabi ay
tahimik narin siyang lumalabas sa kwartong iyon.
0000oo0000
Pagkasilaw
sa sinag ng araw na nanggagaling sa sariling bintana ang gumising kay
Ryan, saglit niyang kinusot ang kaniyang mga mata at iminulat ito.
Tila may isang bagay na hinahanap ang kaniyang mga kamay at kinapa
kapa nito ang kabuuan ng kaniyang kama, nakaramdam siya ng hindi
maipaliwanag na pagkadismaya nang hindi niya nakita sa kama ding iyon
si Dan.
Hindi
man maipaliwanag kung bakit ay naiinis paring bumangon si Ryan at
pumunta sa kalakip na banyo upang maghilamos at maghanda na para sa
panibagong libreng araw na iyon ng kanilang sem break. Iniisip na ang
hindi maipaliwanag na pagkadismayang iyon ay mawawala sa oras na
nagsimula ulit siyang gumala.
Naiinis
parin si Ryan na lumabas ng kwarto matapos maligo at magbihis pero
nang mapatapat siya sa bungad ng kusina ay agad siyang napatigil at
napangiti. Sa may kusina habang naghahanda ng makakain para sa agahan
ay si Dan na kumakanta at may pasayaw-sayaw pang ginagawa habang si
Bryan ay kunot noo mang nanonood dito ay hindi rin mapigilan ang
sarili na mapangiti.
Sino
nga bang hindi matatawa sa wala sa tonong pagkanta ni Dan ng mga
kanta ng maroon5 at ang saliwa nitong mga paa sa pagsasayaw. Nasa
ganitong tagpo naabutan ni Dan si Ryan nang bigla siyang humarap
upang ilagay na sa hapag kainan ang kaniyang nalutong scrambled egg.
Nagtama ang tingin ng dalawa. Hindi pareho mapigilan na mamula ang
mga pisngi, si Dan dahil sa napanood ni Ryan na kahihiyang ginawa
niya at si Ryan naman sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Ehem!
Hindi lalapag yang itlog na yan ng kusa sa plato ko at hindi rin yan
magic na papasok sa bibig ko.” natatawang singit ni Bryan sa
pagtititigan ng dalawa.
Agad
namang pinutol ng dalawa ang pagtititigan na iyon, si Dan ay isinalin
na ang kaniyang mga niluto sa nakaahing plato habang si Ryan naman ay
nagpasya na lang na tumalikod na at lumabas ng apartment upang
maggala. Ibinaling ni Dan muli ang tingin sa kanina lang ay
kinatatayuan ni Ryan at hindi mapigilang madismaya nang hindi na niya
ito nakita don. Nakasibanghot nang umupo si Dan sa tapat ng
kinauupuan ni Bryan at nagpasiyang kumain na lang.
“Para
kang tanga, Dan! Straight yan! Straight! Saka hindi mo pa nga alam
ang intensyon niyan sa oras na maging magkaibigan na kayo!”
pangongontrabida ni Dan sa
sarili kaya't hindi niya napansin ang pag-isod ng isang upuan sa
kaniyang tabi. Pumikit na si Dan at nag-antanda para sa nakasanayang
pagdarasal bago at pagkatapos kumain.
“God
is Good. God is Great. Thank You Lord for all these grace.”
dasal ni Dan sa sarili, hindi alam na sa oras na dumilat siya ay may
ipagpapasalamat pa siyang muli.
“Can
I have some fried rice?” tanong ng kauupo lang na si Ryan na
ikinagulat ni Dan at ikinailing pero ikinangisi naman ni Bryan.
“S-sure.”
namumulang pisngi na sagot ni Dan.
Nagtama
ulit ang tingin ng dalawa na tila ba ang pagtititigan na iyon lamang
ang dahilan kaya't ginawa ang kanilang mga mata.
Hindi
napigilan ni Bryan ang mapahagikgik habang pinapanood ang dalawa.
0000oo0000
“So
why are you and Ryan sleeping on the same bed?” tanong ni Bryan na
muntik ng ikatalon ni Dan sa sobrang gulat, mabuti na lang at nasalo
pa ni Bryan ang plato na kaniyang sinasabon kung hindi ay baka
nabasag pa ito.
“He
was drunk last night and he pulled me at his side, calling me 'beh'.
Nananaginip siya sa makatuwid at dahil gadambuhala kayong dalawa,
hindi na ako nakaalis sa yakap niya.” tapat na pagpapaliwanag ni
Dan, ngunit kahit gaano pa man ka-tapat ng pagpapaliwanag niya ay
hindi parin ito kinagat ni Bryan.
“yeah
right!” sigaw ni Bryan.
“Tanong
tanong ka diyan tapos di ka maniniwala.” pambabara ni Dan na
ikinahagikgik lang ni Bryan.
“Oi!
Nga pala tuloy tayo mamya sa perya ah!” sigaw ni Bryan sabay upo sa
sofa at nanood ng TV, pinapasok ng ilang malikot na ideya ang isip.
“Oo!”
sigaw naman pabalik ni Dan.
0000oo0000
“Dan!
Andito na sundo mo.” tawag ng gwardya ng Gustav's kay Dan. Gwardya
na madalas ka-kwentuhan ni Bryan sa tuwing dadaanan siya nito galing
sa pag-gagala upang sabay na sila pauwi.
“Saglit
lang!” sigaw naman pabalik ni Dan, pero nang makalabas siya ay
hindi niya mapigilan ang magulat na muli, mapatigil sa paglalakad at
mapatitig sa kaniyang sundo.
“H-hi
Dan---”
Itutuloy...
Against All Odds 2[17]
by:
Migs
Happy New Year Guys! It's 2013 and wala parin akng decent sleep! Haha! Anyways, magaling na ako! Pero dahil duty ako ng dalawang araw ng dose oras at dahil nakakita pa ako ng duguang mga kamay na naputukan kagabi, baka magkasakit ulit ako. JOKE! Nope, mababait na ang tao ngayon at hindi na nagpapa-putok, dito yan sa Cavite ah. Nga pala, balik Cavite na ako, guys. Nag-resign na ako dun sa ospital na pinagtratrabahuhan ko sa Manila. :-) mas malaki ang offer eh. :-P
ReplyDeleteI'm starting to do the draft of AAO 4. haha! I'm thinking if I'm going to make it as heavy as this book (book2) or if I'm just going to make it lighter but HOTTER. :-P Wild ang book 4, maski ako nagulat sa pro-logue na naumpisahan ko kanina eh. Ahahahaha! Ngayon pa lang ako nagsulat ng ganon! Hahaha! Parang stories lang sa Kwentong Kalibugan ang peg or fifty shades of grey para sosyal. :-))
ENJOY READING GUYS! Malapit ng matapos ang book 2 and I'm sure meron na kayong idea kung ano ang magiging season finale nito. Hihi! :-))
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Akhii: welcome to my Blog, please do follow me at sana hindi ito ang first and last mong mag-comment. :-)
Frostking: sana tama ka sa hint mo na yan. :-) Happy New Year! :-)
-Edmond: I thought you're going to start writing na? Excited to see your own blog! For sure I'll be one of your followers! Good luck! :-) Yup madami-dami pang mangyayari at meron pang mga cameos na magsusulputan. :-P
aR: Martin is STRAIGHT so he's off the list! :-P OK lang ang mahabang comment. Nakakatuwa nga kapag ganun eh! :-)
Lawfer: expect to see more bright chapters! :-)
gavi: you're welcome. WELCOME BACK!
Johnny Quest: More of Ryan and Dan will definitely be on it's way! :-) SPOILER ALERT!
Therese Llama: haha! You're still pegging for Mike? :-)
Riley Delima: happy New year to you and your brother, though I'm not sure if he's still reading my shit. Haha!
Waydeejanyokio: pano mo naman nasabi na wala nga akong sandosenang anak? :-D
Joshua: kung ako ang tatanungin mo, si Dan ang mas gwapo sa kanila. :-) thanks sa pag-endorse ng stories ko sa FB mo! :-)
Moon Sung-Min: CP5 is still to be discussed. :-(
rascal: good call! :-) Happy New Year! :-)
robert_mendoza: mas higit pa sa paguusap ang magaganap sa chapter na ito. :-P
Ryge Stan: nawiwili na kayo ng kaka- back to back ha! Haha! NO MORE back to back chapters for you guys! Joke! :-) Happy new year, Ryge!
Russ: wag kang magalala extra lang ang mga bully na yun. :-)
adik_ngarag: pakikiligin pa kita sa mga susunod na chapters! :-)
ANDY: kailan pa nagkaroon ng makakatuluyan ang mga characters ng AAO? Haha! Joke! Abangan mo na lang! HAPPY NEW YEAR!
A D A N: thanks! Natuwa naman ako at may katuturan at nitutulong pala ang mga stories ko! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Wow! Magandang pambungad to sa New Year! Nakakakilig na ang mga nangyayari naiihi tuloy ako.. :D
ReplyDeleteSan ka banda sa cavite sir? gusto kita makita pero dapat di mo ko makita :>
ilang chapt din ako di nakapagcomment ah..
ReplyDeletenatutuwa naman ako at nagkakalapit na si ryan at dan.. kakilig tong chapter na to..
Happy New Year Migs.. ^_^
Good Afternoon Kuya Migs!
ReplyDeleteHappy New Year!
Ngayon lang ako nagcomment pero sobrang tagal na akong nagbabasa ng mga kwento mo from BOL days pa... (18 na ako, nagumpisa yata ako ng 14 or 15)
At kung bakit ngayon lang ako nagcomment ay dahil nahihiya ako at discreet pa ako...
Well by the way, ang ganda ganda talaga ng story mo, ikaw ang pinakasinusubaybayan kong writer sa genre na ito...
Sino kaya yung beh ni Ryan? Baka si Melvin yon? Hahaha
Sige dito na lang :)
peg ko talga si mike..hehe..feeling ko si ryan ung susundo...sana makasal na si charity..hahahaha
ReplyDeletehahaha si Ryan yung sumundo tapos may plano si Bryan sa kanilang dalawa ni Dan. hehehe pero kung ako po tatanungin niyo mas gwapo hu talaga si Ryan at mas feel ko siya para kay Dan. Wag ka pong mag-alala kuya ipagpapatuloy ko pa po ang pag endorse nitong blog mo. kuya pwede request endorse mo rin yung akin oh plssss kahit once lng. yung pangalan ng page is Mga Kwentong Bawal hehehe - Joshua
ReplyDeletehehehehehehe c ryan ang sumundo kay dan....galing.....my something na nararamdaman c ryan kay dan...whooooo....nice....galing
ReplyDeleteakala ko pa naman sir back to back ulit hehehehehe.
ReplyDeletethanks again sa story at god bless.
---januard
:(( naman kuya migs...huhuhuhuhu..sige mag CP rerun na lang muna ako...ahaha Happy New year Kuya!
ReplyDeleteyeah new year kea dpat bright chapters tlaga x3
ReplyDeleteknilig aq sa bed scene hahahahahahahahahaha
dami lng tawa :p
happy new year migs :)
Nako eto na Migs!may mangyayari na sa dalawa,may mangyayari nang pag uusap.hahaha!salamat sa update.Masayang bungad to para sa New Year.
ReplyDeleteAnd yes binabasa pa din ng kuya ko to,ako nga lang tagapagpaalala sa kanya. :D
I'm glad that you are doing okay.Happy New Year Migs!!
Migsss!! Happy New Year! :)
ReplyDeleteRyan and Dan? *himatay* Kiliggg ako sobra. Sigurado akong si Ryan yung sumundo kay Dan. O baka si Bryan at Ryan kung hindi si Ryan mag-isa.
DaRy=Dan and Ryan. ang terey terey!
Malapit na si Mike sumingit hanu? Naconclude q na din ang season finale. Can't wait. :pp
Thanks sa update Migs. :)
Waaa c ryan ba un??? Hehehe nice..move on na dan
ReplyDeleteYay! Happee New Year Boss Migs! Excited na ako dun sa AAO ala Fifty Shades of Grey mo, haha
ReplyDeletePS. How about creating a separate story in a dystopian world? (mala-divergent and peg, ganun, ^^)
Author Migs!
ReplyDeleteUna sa lahat,Post Merry Christmas greeting sayo and HAPP NEW YEAR!! haha
ayun, akala ko nahahabaan ka sa mga comment koXD
so ibig sa tapos na yung AAO3 since nag dradrfaft kana ng AAO4 hmmh. siguro mas maganda kung heavy and hotter hehe :P
anyway si Ryan yung sumundo sa kanya right? so this is what Bryan wants to do? hehe..sino si Beh ni Ryan? SINO? haha
since Imposed talaga na STRAIGHT si Martin!! Might Be Dave!! haha
bet ko sa season3 sila babalik since AAO2 is about Dan having a new life after the incident happen to him tapos si Mike/Lily/Brenda is moving on little by little...
BTW makukuhaba ni Dan yung revenge niya? kailangan maging palaban ni Dan!!
___________________________________________________________________________
sabi na may sakit ka nga kaya ka natagalan magpost last time aside kasi sa pagigging workaholic mo yun lang reason na pede :D
But good thing ok kana, ingatan ang health natin :)
-aR
What a nice start for a new year migs. I like this chapter, no I mean I love this chapter hehehe. Kakakilig. I have feeling that its Ryan who went to fetch Dan. But still I pity Lily for what is happening to her. Migz I can feel in my bones na mukhang ang school na pageenrolan ni mike is the same sa school ni Dan and they will meet again.
ReplyDeleteGood for you migs na your getting better everyday (hehehe) na you have more times to write kaya di na ko maiinip maghintay ng post (joke). By the way will look forward on reading AAO4.
Have a wonderful year migs and enjoy life. If time and place permits I hope to know you more. ang saya mo siguro kausap.
your number 0 fan
Ryge Stan
(Number 0 kasi I know marami ng nagclaclaim na sila ng number 1 fan di ba?)
^_^
hala kuya migs! Hindi pwedeng walang magkatuluyan!! Hindi pwede!! Please!!
ReplyDeleteSi Ryan ang sumundo kay Dan. Haha! Nabitin ako!
Sir! Nakakainis ka! Super bitin! Waaaaaaaaaaaah.. Nadadamihan ako sa characters sa kwentong to, di ko tuloy mahulaan ang mga mangyayari.. :D
ReplyDeleteP.S.
When ba magkakaroon ng story about Liam?? Haha :)
Missed posting comments here, Sir!
--Gavi :)
Si Dan kaya connected sa character na sila Jana or Jepoy ng Breaking Boundaries since pareho sila ng prayers na nakasanayan ng before and after meals. ^_^ ngayon na lang ako nakapagcomment Migs hehehe Happy New Year ^_^
ReplyDeleteKV
Well. I think Kung man mag kakaroon ng rel. si dan and ryan at sakto! Magkikita sila ni mike. Malaging gulo nanaman yan :)) More Stories to come! And By the way, Sana Lumitaw ulit si Ms. Lipstick girl na si Cha :D
ReplyDelete- Akhii
PS.
Tinupad ko gusto mo Nag comment ulit ako :))
Loving your stories :)) Agahan mo ng slight mr author cant wait eh ^__^
hehehehe sana migs may sweet moments sila anoh..ang busy mo talga migs..hheheh
ReplyDeleteHappy 2013 everyone! =D
ReplyDeleteGoodness, writing is not as easy as coming up with ideas. Pero yeah, I'll just surprise you. =)
Wow, interesting development for both Dan and Ryan. Feeling ko talaga si Ryan yung nanundo eh. (Since magkamukha sila ni Bryan, akala ni Manong Guard na si Bryan si Ryan.)
- Edmond
P.S.: Wala ngang masyadong nagpaputok sa 'tin nitong New Year's Eve.
happy new year po mr. author..
ReplyDeletenext chapter na po :)
nakakabitin..
<07>
kilig mode activated. hehe
ReplyDelete-frontier
~Happy 2013 kuya migs!!:)) good vibes ..
ReplyDelete~sympre ng babasa ako ng CP noh! .. Diba isa lang ung junakis mu? .. Hehe
anyways
~ohwEhmGhie!! Kinilabutan ako sa prayer ni DANY kuya!! Promiss!! Ng sitayuan ung balahibo ko dat prayer is from BB!!anung??
~weew!! Kilig sa DAN AND RYAN LOVETEAM!! Mas bet ko si ryan sya nalang kua plss!!at sya ung sumundo for sure ky dan. At d ako este kmi papayag na walang makatuluyan sya sa stories mu d2!! So tapus na ang AAO3?!!weew! Kaw nah!AAO4!!
ps
~dun din mag aaral si mike noh?!!:)
~WaydeeJanYokio
~Happy 2013 kuya migs!!:)) good vibes ..
ReplyDelete~sympre ng babasa ako ng CP noh! .. Diba isa lang ung junakis mu? .. Hehe
anyways
~ohwEhmGhie!! Kinilabutan ako sa prayer ni DANY kuya!! Promiss!! Ng sitayuan ung balahibo ko dat prayer is from BB!!anung??
~weew!! Kilig sa DAN AND RYAN LOVETEAM!! Mas bet ko si ryan sya nalang kua plss!!at sya ung sumundo for sure ky dan. At d ako este kmi papayag na walang makatuluyan sya sa stories mu d2!! So tapus na ang AAO3?!!weew! Kaw nah!AAO4!!
ps
~dun din mag aaral si mike noh?!!:)
~WaydeeJanYokio
happy new years migs. I am reading this and til the last chapter and all future stories that u will make.
ReplyDeletemigs, nagtagumpay ka.... sorang kinilig ako kay dan at ryan!!!!
ReplyDeleteano ba yan, parang bigla ko tuloy naklimutn na kasali pa pala sa main cast si mike! hahahahahaha
Mas gusto ko sina Ry.Dan (Ryan-Dan)
ReplyDeletekaysa dun sa Mikee, hehehe
cheelligs lang ehh ...
by the way Sir Migs, may fb acc. po ba kyo kahit yung dummy account lang?
--
A D A N
9:53 PM
1/5/2013