Thursday, January 17, 2013

Against All Odds 2[20]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Wala ng nagawa pa si Dan kundi ang umiling habang pinapanood niya ang ubod ng tahimik na si Ryan, tahimik tapos naka-kunot ang noo at nakatitig sa malayo habang asa dyip sila pauwi na kala mo napakalalim ng iniisip. Pabiro nitong sinuntok ang malaking braso ng huli kung saan naman malungkot lang na ngumiti si Ryan atsaka ipinagpatuloy ang pagtitig sa malayo.


Baka may toyo nanaman.” sabi ni Dan sa sarili niya habang iniisip kung pababayaan niya ba ito sa pagtitig sa malayo o kung tatanungin niya kung anong bumabagabag dito. Mas nanaig ang kaniyang pagiging maaalalahanin kaya naman wala sa sarili niya itong tinanong.

Hey, what's wrong?” nagaalala ng tanong ni Dan, iginawi ni Ryan ang tingin niya kay Dan at nagtama ang tingin ng mga ito. Hindi nakaligtas ang seryoso at nagaalalang tingin ni Dan kaya naman wala sa sarili narin niyang sinagot ang tanong.


It's just that I don't want you sleeping with guys to earn money.” naiinis pero nagaalala ding sagot ni Ryan.


Nung una ay hindi alam ni Dan kung san nakuwa ni Ryan ang ideya na iyon pero nung maglaon ay naalala niya ang sinabi niya dito habang paalis sila ng Gustav's. Hindi niya tuloy alam ngayon ni Dan ang mararamdaman niya, kung mao-offend ba siya sa iniisip na ito sa kaniya ni Ryan gayong biro naman niya ang pinanggalingan ng ideya na iyon, matatawa dahil sineryoso pala ni Ryan ang biro niyang iyon at kung matutuwa ba siya dahil kahit papano ay nagaalala at pinanghahalagahan narin siya ni Ryan katulad ng pagpapahalaga sa kaniya ni Bryan.


I was just joking earlier, Ryan. Yes, my boss is also gay but that doesn't mean I'll jump his bones so he can give me money. Besides, Sir Jase is already married and is faithfully in love with his partner.” paniniguro ni Dan kay Ryan na agad na nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ang kaniyang pagkakamali. Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti sa nalamang ito. Isang ngiti na nagsasabing nabunutan ito ng tinik sa kaniyang puso.


Wait, you're not actually thinking that I'll sell myself, right?” seryosong tanong ni Dan na ikinayuko na lang ni Ryan dahil sa hiya.


Eh mapagpatol ka pala eh!” halos pasigaw na saad ni Dan sabay turo kay Ryan at tumawa.


Sira ulo ka kasi, kung ano-ano ang pinagsasabi mo!” nakangiting balik ni Ryan sabay wala sa sariling umakbay kay Dan.


Ang biglaang pag-akbay na ito ni Ryan kay Dan ay tila naman nagdulot sa mga kalamnan ni Dan na maging bato. Sa pangalawang pagkakataon, matapos ang pag-akbay din nito sa kaniya noong asa library sila upang ipagtabuyan ang gumugulo kay Dan ay hindi sinumpong ng panic attacks ang huli, walang masasamang ala-ala ang pumasok sa kaniyang isipan. Hindi siya lumayo at nagtungo sa sulok ng dyip na iyon dahil sa takot na baka saktan siya ni Ryan.


Tila kasi kinikilala ng kaniyang katawan na hindi siya sasaktan ni Ryan. Na wala itong intensyong masama.


Hindi man nami-miss ni Dan ang mga panic attacks ay natakot parin siya sa kaniyang nararamdaman. Iba na kasi ang kaniyang naramdaman nang magdikit ang kanilang mga balat ni Ryan. Tila ang pagdidikit na iyon ng kanilang mga balat at braso ang siyang tanging iniintay ni Dan na mangyari. Napansin ni Ryan ang pagtahimik ni Dan kaya't iginawi niya ang kaniyang tingin sa mga mata nito, iniisip na susubukan niyang tignan base sa reaksyon sa mukha ito ang iniisip nito pero ang lahat ng ito ay kaniyang nakalimutan nang magsalubong ang tingin nilang dalawa ni Dan.


Hindi niya alam kung bakit pero tila ba may nagsasabi sa kaniya na huwag niyang puputulin ang pagtititigan nilang iyon pero ilang segundo lang naman ang itinagal ng pagtitigan na iyon dahil si Dan na mismo ang pumutol ng pagtitigan na iyon kahit pa alam niya sa kaniyang sarili na hindi iyon ang kaniyang gustong gawin.


0000oo0000


Ayan ka nanaman, Dan. Kumplikasyon nanaman niyang pinapasok mo. Don't let your feeling get the best of you.” ang mga salitang nasabi ni Dan sa kaniyang sarili matapos maalala ang nasaksihang pakikipaghalikan ni Ryan sa isang taong sa kaniyang pakiwari ay karelasyon nito.


Don't let your feelings get the best of you. Gulo nanaman yan kapag nagkataon.” pagpapaalala ulit ni Dan sa kaniyang sarili saka pinutol na ang pagtititigan nila ni Ryan kahit pa ang bigat bigat sa loob para sa kaniya na gawin ito. Alam niyang wala siyang magiging problema sa oras na sabihin niya kay Ryan na may nararamdaman na siya para dito dahil alam na niya ang tungkol sa sekswalidad nito ang hindi niya sigurado ay kung pano nito maaapektuhan ang relasyon ni Ryan sa lalaking nakita ni Dan na kahalikan nito kapag nagkataon. Isa parin ang gulo sa mga dahilan kung bakit siya lumayas noon. Ayaw na niyang muling magkagulo. Ayaw na ni Dan pa ng gulo.


0000oo0000

Nangunot saglit ang noo ni Ryan sa inasal na ito ni Dan at agad na tinanggal na ang kaniyang malaking braso mula sa balikat ni Dan kahit gaano ka-tama ng pakiramdam nito doon.


You're always bluffing me! Sa susunod, hindi na kita paniniwalaan!” naniningkit matang saad ni Ryan kay Dan na agad namang ikinabahala ng huli sa pagaakalang nainis nanaman si Ryan sa kaniyang inasal, hindi alam ni Dan na sinabi at ginawa lang ito ni Ryan upang hindi magkaroon ng pagaalangan sa pagitan nilang dalawa. Pero nang makita ni Dan ang nagsisimulang ngiti sa mga labi ni Ryan ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti narin.


Pero sa kabila ng pagbabatuhan muli ng ngiti ay sinumpa ni Dan na hinding-hindi niya pamimihasain ang sariling damdamin na lumago pa lalo para kay Ryan upang makalayo na rin sa gulo.


0000oo0000


Hey. Wanna go out tonight?” namumulang pisngi at nagmamakaawang tingin na tanong ni Ryan kay Dan nang makababa sila sa dyip at naglalakad na papunta sa harapan ng kanilang tinitirhang apartment.


Saglit na natigilan si Dan sa paglalakad. Iniisip ang pangako sa sarili na kani-kanina niya lang binitawan sa loob ng dyip ay nagsimula ng umiling si Dan at mag-isip ng magandang palusot upang makaligtas sa aya na ito ni Ryan nang makita niya ang pinaghalo-halong tila ba pagkabahala, sakit at pagkapahiya sa mukha ni Ryan.


Uhmmm i-if you're n-not u-up for it. It's OK I'm going to a-ask somebody else.” pahabol ni Ryan na siyang nagtulak kay Dan ng kaniyang susunod na sasabihin.


OK. Uuhmmm I'll go out with you tonight.” may pagkamabilis na saad ni Dan na siyang naglagay ng isang napakalaking ngiti sa mukha ni Ryan.


0000oo0000


What the hell are you doing?! You're messing our room!” sigaw ni Bryan sabay hawak sa kaniyang buhok at sinabunutan ang sarili na tila ba ang ginagawang iyon ni Dan sa kanilang aparador ay nagtutulak sa kaniya upang mabaliw.


Huh?” balik ni Dan sabay tayo ng daretso at tinignan ang kabuuan ng kanilang kwarto. Wala naman halos ipinagbago ito, kung naging makalat man ito ay dahil na rin sa pagiging burara ni Bryan at ang kalat ay nasa kalahating bahagi ng kwarto kung saan andun ang mga gamit ni Bryan. Pero hindi na ito sinabi ni Dan at humingi na lang siya ng pasensya kay Bryan.


Oh--- I'm sorry. I'm going to clean it up later, I just need to find some decent clothes.” wala sa sariling saad ni Dan, huli na ng mapagtanto niya ang kaniyang pagkakamaling sabihin ito kay Bryan.


What do you need decent clothes for? Your clothes are decent enough, I mean, yes they're old but you took care of them well so their still decent. Why do you need decent clothes again? I mean I only know one person who act that way and in need of decent clothes and he always does that whenever he's going out for a date--- WAIT A MINUTE! YOU'RE GOING OUT ON A DATE ARE YOU?!” mahaba at paligoy ligoy nanamang sabi ni Bryan.


Mahaba man at nakakahilo ang mga sinabing ito ni Bryan, hindi pa rin napigilan ni Dan ang mapatayo ng daretso at manigas ang buong katawan dahil kahit papano ay natumbok ni Bryan ang rason kung bakit siya nagpapanic sa paghahanap ng disenteng maisusuot kahit pa hindi naman talaga date ang kaniyang pupuntahan kasama si Ryan.


WHO ARE YOU GOING OUT WITH?!” nakangisi at nakakalokong tanong ni Bryan kay Dan sabay sinundot sundot ito sa braso gamit ang kahoy na pangkamot ng likod, pilit pinapaamin si Dan sa taong makaka-date nito.


S-STOP POKING ME!” balik naman ni Dan, umaasa na mapalayo sa usapan ang isip ni Bryan.


PSHH! YOU'RE GOING TO BE POKED BY SOMEBODY ELSE LATER AND I DEMAND TO KNOW HIS NAME! AS YOUR ROOMMATE AND BIG BROTHER I DEMAND TO KNOW HIS NAME!” parang batang nagtatatalon na saad ni Bryan, mas excited pa kay Dan sa paglabas nito para sa gabing iyon. Napailing na lang si Dan at hindi mapigilang mapangiti na din.


DOUCHEBAG!”


0000oo0000


Sa kabilang kwarto naman, hindi alam ni Ryan kung bakit siya nagkukumahog sa paghanap ng magandang damit gayong lalabas lang naman sila ni Dan. Nang maisip ang pangalan ni Dan at ang kanilang paglabas mamayang gabi ay hindi mapigilan ni Ryan ang mapangiti.


Noong una pa lang niyang makita si Dan na natutulog sa kanilang sofa ay hindi niya mapigilan ang sarili na isipin na may anghel na natutulog sa kanilang sofa. Kung paanong hindi niya napigilan ang sarili na mamangha sa mapupula nitong labi, matangos na ilong, mahahabang pilik mata, makakapal na kilay, maputi at makinis na mukha sa kabila ng ilang pilat nito sa may panga nito at ang makapal nitong buhok na sa kabila ng matagal nitong pagkakahiga ay mabango parin.


Pero sa kabila ng atraksyon na iyon ay pinilit ni Ryan na ilayo ang sarili kay Dan dahil ayaw niyang isipin ng kaniyang kapatid na masaya na siya doon sa apartment na iyon at sa bagong unibersidad kung saan siya pwersahang inilipat ng kanilang mga magulang. Idagdag pa ang katotohanang may mahal siyang iba kahit pa alam niyang ginagamit lamang siya nito.


Pero hindi parin napigilan ni Ryan ang sarili na mahulog ang kaniyang loob kay Dan lalo pa't araw araw niya itong nakikita. Kahit hindi ito magpa-cute ay nakyu-cute-an parin siya dito, kahit tignan lang siya nito, kahit magkasalubong lang sila nito at lalong lalo na sa tuwing ngi-ngiti-an siya nito ay talaga namang hindi napigilan ni Ryan ang sarili. Kahit pa sinisinghalan na siya nito sa tuwing pinasasaringan niya ito ay hindi mapigilan ni Ryan ang matuwa parin dito.


Lalong lalong hindi napigilan ni Ryan ang sarili na mahulog ang kaniyang loob kay Dan nang mapagtanto niyang hindi naman pala siya in-love sa taong kinakasama niya ngayon, na ang tanging habol niya lang dito ay makakasama at hindi mamahalin ng pang matagalan. Na si Dan pala ang matagal na niyang hinahangad


This is very unlikely of you, Ry.”


I know---” simulang sagot ni Ryan.


Maybe you should rest first, maybe you're just exhausted or something.” tila plastik na pagaalala ng lalaking tinatawag ni Ryan na beh. Alam kasi ni Ryan na sabik lang ito na makipagtalik sa kaniya. Hindi na sumagot pa si Ryan.


We're free to use this place for three hours, you can rest first if you like.” malamig pa nitong pahabol na hindi nakaligtas kay Ryan. Pinagmasdan pa saglit ni Ryan ang taong inakala niyang minahal niya ng halos magiisang taon na tumayo mula sa kama na kanilang hinihigaan, nagtapis at nagpunta sa may upuan, nagsindi ng sigarilyo at nagtext.


Pinagmasdan niya kung paano itong ngumiti habang nagtetext, iniisip na dati ay ibibigay niya ang lahat mapasa kaniya lamang ang ngiting iyon, pero iba na ngayon, may ibang ngiti na siyang gusto at tila ba de awtomatikong makina ang kaniyang utak ay biglang sumingit sa kaniyang isip ang mala anghel na ngiti ni Dan.


Tila naman pinaglaruan siya ng kaniyang sariling isip at puso. Pinapipili kung kaninong ngiti ang mas gusto niya. Ilang saglit pang pinagmasdan ni Ryan ang ngiti ng lalaking naninigarilyo at nakikipagtext sa ibang tao sa isang tabi ng kwartong iyon. Ngunit sa huli, mas nanaig ang ngiti ni Dan dahil naisip niya na ang mga ngiting iyon ay hindi magiging malamig sa oras na matapos sila sa kanilang pagtatalik katulad ng mga ngiti ng lalaking kasama niya ngayon. Na ang mga ngiti ni Dan ay hindi lang magiging mainit para sa kaniya dahil may kailangan ito sa kaniya katulad ng lalaking ngayon ay pinagmamasdan niya parin.


Maybe because I don't want to have sex tonight.” wala sa sariling saad ni Ryan na ikinatigil ng lalaki sa pagtetext.


What?” saad nito sabay tingin kay Ryan.


Maybe because I don't want us to have sex anymore---” umpisa ni Ryan sabay sinalubong ang tingin ng lalaking naka upo sa isang upuan sa may sulok ng kwartong iyon. Hindi ito sumagot o kaya naman ay nagsalita kaya naman ipinagpatuloy na ni Ryan ang kaniyang nasasaloob.


---Maybe because I don't want to do all this shit anymore. Maybe because I'm tired of just being a sex object to you. Maybe because I'm tired of being ignored after having sex, Maybe because I'm tired of proving how good I am to you. Maybe because I'm tired of waiting for you to love me back.” sunod sunod na bulalas ni Ryan na ikinagulat ng lalaking kaniyang kasama. Hindi nito napigilan ang tumayo mula sa kinauupuan at tabihan muli si Ryan sa kama. Ramdam na ramdam nito ang purong emosyon sa mga sinabi nito.


What are you saying, Ryan?”


I'm sorry.” umiiling na sagot ni Ryan sabay tayo at nagbihis. Wala ng nagawa ang lalaki kundi panoorin ang tanging tao na siyang nagpapahalaga sa kaniya na talikuran siya. Alam niyang wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili.


Goodbye.” halos pabulong ng sabi ni Ryan atsaka ipinihit ang door knob at lumabas na ng pinto.


Tila naman nagising siya sa pagbagsak ng pinto nang sarhan ito muli ni Ryan kaya naman agad siyang nag-bihis, natatakot na kapag hinayaan niyang makalayo si Ryan ay tuluyan na itong mawawala sa kaniya. Naabutan niya ito ilang metro ang layo sa kanilang tinuluyang motel, patungo ito sa kaniyang paboritong restaurant kung saan ayon dito ay gumagawa ng pinakamasarap na shawarma sa buong bansa.


Ryan!” tawag pansin niya dito. Agad naman itong tumalikod at humarap sa kaniya. Lumapit siya dito at saglit na nakipagtitigan, pilit ipinapaalam ang nararamdaman niya na hinding hindi niya kayang sabihin sa pamamagitan ng kaniyang tingin na iyon.


Don't go, please. I-I c-can't lose you too. I-I L-Lo---” sinubukan niyang tapusin ang kaniyang sasabihin pero hindi niya magawa-gawa na ituloy ang tatlong salitang yun. Tatlong salitang takot na takot niyang bitiwan kaya naman nagkasya na lang siya sa pagsalubong ng kaniyang mga labi sa mga labi ni Ryan.


Saglit pang lumaban si Ryan sa halikan na iyon, walang pakielam kung asa tabing kalsada pa sila at maraming maaaring makaalam at makakita sa kanilang dalawa. Pero nang mapagtanto nito kung ano ang kanilang ginagawa ay wala sa sariling humiwalay si Ryan sa halikan na iyon na lubos na ikinagulat ng lalaking kaniya ngayong kaharap. Sa makailang beses kasi nilang naghahalikan, ni isang beses ay hindi si Ryan ang humiwalay sa halikan.


It's too late. I'm sorry.” bulong ni Ryan sabay hakbang palayo at iniwan ang lalaki na hindi na napigilan ang sarili na mapaiyak.


Hindi napigilan ni Ryan ang sarili na mapangiti sa sariling repleksyon niya nang maalala ang mga tagpong iyon. Tila kasi nakalaya siya sa isang sumpa na matagal-tagal ng nababalot sa kaniya. Ngayon, katulad noong hindi pa sila tumutungtong sa kolehiyong magkapatid ay muli ng gumaang ang kaniyang loob sa lahat ng bagay na maaaring ikunekta sa kaniyang buhay ngayon.


At lahat ng ito ay naka sentro ngayon sa isang tao. Kay Dan.


0000oo0000

Holeee shi-it!---” excited at gulat na gulat na sigaw ni Bryan nang marinig niyang tinawag ng kaniyang kapatid si Dan upang umalis na para sa kanilang usapan na paglabas. “---Ryan's the guy who's going to poke you tonight?!” wala sa sariling pahabol ni Bryan na halos ikatumba ni Dan mula sa paglalakad palabas ng apartment at ikinasamid naman ni Ryan.


““WHAT?!”” sabay na sigaw ng dalawa nang makabawi ang mga ito, hindi mapigilan ni Bryan ang mapahagikgik lalo pa nang makita niya ang ternong namumulang mga pisngi nila Ryan at Dan.


We're just going to eat outside---” “Maybe go to the club and drink some.” sabay na depensa ulit ng dalawa na lalong ikina-aliw ni Bryan. Nagkatinginan sila Dan at Ryan dahil sa hiya at lalong namula ang mga pisngi. Hindi kasi talaga nila napagusapan ang tungkol sa kanilang paglabas na iyon at lalong-lalo na hindi nila napag-usapan kung ano ang sasabihin ila kay Bryan kapag nagtanong ito.


Uh-huh.” tumatangong saad ni Bryan, nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala sa mga ito habang abala sa pagsungkit sa kaniyang bulsa para sa kaniyang pitaka.


Well, humayo na kayo para makarami.” humahagikgik na saad ni Bryan atsaka ipinagtulakan ang dalawa palabas ng front door. “Ingat!” sigaw ulit nito sabay bato ng ilang pakete ng condom sa kaniyang kakambal.


Muling nagpalitan ng nababahalang tingin at namumulang pisngi sila Ryan at Dan. Pero hindi rin nagtagal ay nakuwa na nilang tumawa habang naglalakad para kumuwa ng taxi.


0000oo0000

I can't believe your brother actually thought we're going to have sex.” wala sa sariling saad ni Dan habang nasa loob sila ng taxi.


Neither do I.” sagot naman ni Ryan pero ang sagot na ito ay sinadya niyang ganon upang makakuwa ng ilan pang impormasyon patungkol sa nararamdaman ni Dan sa mga sinabi ng kaniyang kapatid at kung pano ito magre-react sa mga ganon.


Well, your brother is a douche bag. He says whatever he wants to say.” saad ni Dan sabay kibit balikat, pilit itinatago ang katotohanang hinihiling niya na sana totoo na lang ang mga sinasabi ni Bryan. Na date nga ang paglabas nilang iyon ni Ryan, pero ang naisip na ito ay agad ding binura ni Dan sa kaniyang isip nang maalala ang kaniyang pangako sa sarili.


Napatahimik naman si Ryan sa sagot na ito ni Dan. Nadismaya man ay hindi parin siya titigil hangga't di niya alam kung ano ang nararamdaman ni Dan sa mga ganong biro ni Bryan at kung may pag-asa na gawing makatotohanan ang mga biro na iyon.


0000oo0000

Hindi mapigilan ni Dan ang mamangha. Ngayon pa lang siya makakapasok sa isang Bar. Kaya naman nang hilahin siya ni Ryan papasok ay hindi na siya nagdalawang isip pa.


Pero ang paghila na ito ni Ryan at ang pagpasok naman ni Dan sa bar na iyon ay lubos nilang pinagsisihan.


Ang mga malilikot na ilaw. Mga malilikot na galaw ng mga katawan ng kabataan na nagsasayaw sa saliw ng tugtog, parehong babae at lalaki, ang halos nakasusulasok na amoy ng sigarilyo, ang nakasusukang amoy ng alak at ang nakakahilong lakas ng mga speaker na siyang nakakapagpakabog sa dibdib ni Dan na miya mo paulit ulit itong sinusuntok ang nagtulak sa isip ni Dan na sariwain lahat ng nangyari noong gabi ng kaniyang kaarawan magiisang taon na ang nakakaraan.


Ang mga malilikot na ilaw ay nakapagpaalala sa kaniya sa paulit ulit na pagkawala ng kaniyang malay habang ginagahasa siya ng mga taong kaniyang itinuring na kaibigan. Ang mga malilikot na galaw ng mga kabataang nagsasayaw ay nakapagpaalala naman sa kaniya ng kahalayang ginagawa ni Melvin kay Mike ilang dipa lang ang layo mula sa kinalalagyan ng kaniyang sugat-sugat at hinang hinang katawan. Ang mga nakasusulasok na amoy ay nakapagpaalala sa kaniya ng amoy ng pinaghalo-halong droga at mga alak na ginagamit ng kaniyang mga kaibigan at ang malalakas na tugtog ay nakapagpaalala sa kaniya ng mga sigaw at mura na ibinato sa kaniya nila Mark at Dave.


Wala sa sariling itinakip ni Dan ang kaniyang mga kamay sa kaniyang magkabilang tenga. Umatras siya, walang pakielam sa mga taong kaniyang maatrasan o matabig at nang lumapat ang kaniyang likod sa isang panig ng pader sa loob ng bar na iyon ay agad siyang sumandal dito, nagpadausdos paupo, itinago ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga hita at idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib saka nagdasal na sana ay tigilan na ng kaniyang mga kaibigan ang pananakit sa kaniya kahit pa ang tagpong ito ay nasa kaniya lamang namang isip.


Itutuloy...

Against All Odds 2[20]
by: Migs 

24 comments:

  1. Guys, sorry kung hindi ko masasagot ang mga comments niyo this time. Nagmamadali lang po kasi po may kailangan pa akong puntahan at pinost ko lang ito kasi kung hindi matatagalan pa bago ako makapag-post. Utang muna ang mga sagot sa comments ko ah. :-)

    LOVE YOU ALL! and thanks sa patuloy na pasuporta! :-)

    ReplyDelete
  2. ingatz migoy :)

    kwawang dan, andun pa dn ung trauma w :(
    dun wori, ryan’s there to help u

    ReplyDelete
  3. I'm not sure if Mikee's the fuck buddy. Excited for next chapter! :-)

    ReplyDelete
  4. dan how sad for you..

    migs kailan ba siya maka recover nya..

    i dont think si mikee's ang fubu nya..hehhe

    ReplyDelete
  5. panalong panalo tong chapter na to. nakakilig si dan at ryan. nakakaaliw si bryan!

    ReplyDelete
  6. god help dan, akala ko na ka get over na si dan but i'm wrong mukhang nandun pa rin ung fear nya. its such a traumatic event in dan's life. sa sobrang excitement nya he forgot to think na there is a possibility that they would go to a place that will remind him of his past.

    anyways im glad that you still find time to post this chapter.

    Have a great day migs....

    ReplyDelete
  7. Ayyy, ano kaya ang mangyayari sa loob ng bar? Meron bang character na magbabalik at dun magpapakita?

    And I wonder kung madadaanan sa kwento yung love story ni Bryan. (He's straight di ba?)

    Anyway, salamat at naalala mo kami maski papaano and hope to hear from you soon Migs. SHAMELESS PLUG ALERT: Gaya ng sabi mo dati, sana makadaan ka paminsan-minsan sa blog ko. Bukas na magsisimula ang unang kwento ko. =D

    ReplyDelete
  8. mis ku na c jase at aar0n sa book 1 muxta na pu c aar0n kuya namatay pu b sya?

    db nklala nia c robi ata un

    ReplyDelete
  9. haist kawawang dan ...kc nmn sa barbkit di nalang kumain sa jollibe

    ReplyDelete
  10. kip safe miggs..

    mga assuming kasi eh...d mo kailangan iwasan si ryan dan..he is single...sino kaya yung fubu ni ryan na curious ako tlaga

    migs w8 ko reply mo tungkol.sa cp ha..hehe..thanks

    ReplyDelete
  11. I think its melvin .__.

    ReplyDelete
  12. ok lng migs, at least naka post ka muna b4 anything else. sana, matulungan ni ryan na maka move on n c dan, hirap pa din ng pinagdadaanan nya. sana maauz mo agad ang mga dapat mong tapusin MIGS. goodluck frend.

    ReplyDelete
  13. ~Bwhaha .. Bryan: “Well, humayo na kayo para makarami.” haha dami kung tawa sa sinabi ni douche bag! Haha well sana maka move on na si danny ..

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  14. when suddenly, it brings back the same feeling:(( Go Dan you can do it!

    ReplyDelete
  15. Nakakaawa naman si Dan..gosh ang hirap hirap ng ganun.
    Pero gusto ko talaga si Ryan for Dan..sila talaga dapat magkatuluyan.haha!demanding lang ako Migs. :D

    Salamat sa update Migs..ingat ka palagi. :))

    ReplyDelete
  16. Waaa. Ayan na! Kawawa naman si Danny. :((
    Ryannnn rescue him and have him escape on that place.
    Si Melvin nga yun beh ni Ryan. Hihi
    Thanks for the update Migs.

    ReplyDelete
  17. Aurhor Migs!

    haha,feelings to be known, past to be told, memories that haunt!

    Bitinn!! haha anyway apology accepted :D

    Still im having this feeling na it's either mark or dave is the fubu.

    ;) abangers nanamn atleast di umabotng sat hehe, so i guess sunday yung next,hmm just guessing lang naman :D

    ingat sa lakad :D

    -aR

    ReplyDelete
  18. hirap naman ng trauma ni Dan asan na ba kasi si Mikee?

    ReplyDelete
  19. ayos ah.. ang daming naki sympathy kay dan.. good job.. very effective.. good luck kuya migz... ilang chapter papoh, bago ang finale ng kwento ni dan?? hmpf.. im just asking lang :)

    ReplyDelete
  20. wawa naman c dan..ryan alagaan mu sya!!kundi sasamain ka saken.haha..cnu kaya ung fuck buddy n ryan?hhmmm

    ReplyDelete
  21. ingat kuya migs, thanks sa chapter na to.

    sana dan at ryan na talaga!!!! ayeeeeh!!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  22. Kawawa naman su Dan.. I really hope na si Ryan na makaalis ng trauma nia.. Hmmmmmm Sir Migz, dapat back to back ee super bitin naman to! Haha

    -gavi

    ReplyDelete