Against All Odds 2[18]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
mapigilan ni Dan ang sariling pisngi sa pamumula nang makita niya ang
namumulang pisngi ni Ryan habang nakayuko ito at nilalaro ng paa
nitong naka chucks ang mga bato sa kinatatayuan nito, tila isang bata
na nahihiya o isang batang may gustong hilingin. Hindi na napigilan
pa ni Dan ang mapangiti.
“Hi
Bri!” bati pabalik ni Dan na agad ikina-angat ng tingin ni Ryan,
iniisip na nagkamali lang siya ng rinig.
“H-hindi
ako si B---” simula ni Ryan pero agad din siyang pinutol sa
pagsasalita ni Dan.
“Ready
ka na sa pagpunta natin sa perya?” natatawang panloloko ni Dan kay
Ryan na mukhang litong-lito na.
“H--”
simula muli ni Ryan pero hindi ulit siya hinayaan pa ni Dan na
magsalita.
“Ayan
ka nanaman eh! Tagal na nating pinagplanuhan yang perya na yan eh!
I-cancel mo na yang date mo at ituloy na natin yan!” galit-galitang
saad ni Dan sabay hila sa kamay ni Ryan na hindi napigilan ang sarili
na mapatingin sa malalambot na kamay ni Dan na bumabalot sa kaniyang
kamay.
Hindi
na nagawa pang itama ni Ryan ang akala niyang maling akala ni Dan,
dahil tila ba ayaw na niyang alisin pa ni Dan ang kamay na iyon sa
kaniyang kamay kahit pa ang akala nito ay siya ang kaniyang kapatid.
0000oo0000
Hindi
mapigilan ni Mike ang mapangiti pagkababang pagkababa niya ng dyip sa
harapan ng kaniyang magiging bagong skwelahan. Iniisip na dito
magsisimulang matupad ang kaniyang mga pangarap at pangarap para sa
kaniya ng kaniyang mga magulang. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng
unibersidad hindi ikinakaila sa sarili ang magandang pakiramdam na
bumabalot sa kaniyang buong katawan.
Nakangiti
parin niyang ihinakbang ang kaniyang kanang paa papasok sa
naglalakihang gates ng unibersidad na iyon.
0000oo0000
Pinipigilan
ni Dan ang mapahagikgik sa tuwing titignan niya ang naka kunot noo at
tila ba isang batang nawawala na reaksyon ni Ryan habang asa dyip
sila papunta sa perya. Hindi parin kasi nito nakukuwa na ginu-good
time lang siya ni Dan. Tahimik lang ito, naka-kunot ang noo na akala
mo malalim ang iniisip habang namumula parin ang mga pisngi na miya
mo may nagawa itong kahihiyan.
Hindi
na napigilan pa ni Dan ang sarili at marahan niyang sinuntok ang
malaking braso ng huli saka tumawa ng malakas pagkababa na pagkababa
nila ng dyip na lubos na ikinalito lalo ni Ryan.
“Niloloko
mo lang ako no?!” sigaw ni Ryan na miya mo isang bata na nakaisip
ng isang magandang ideya nang biglang magliwanag ang mukha nito, ang
reaksyon na ito ni Ryan ang lalong nakapagpatawa kay Dan.
Hindi
mapigilan ni Ryan ang pagmasdan si Dan habang tumatawa ito. Tila kasi
ito ang unang beses na tumawa ulit ito ng ganong kalakas at kasaya,
hindi niya rin mapigilang isipin na mas bagay dito ang tumawa ng
ganun dahil tila ba anlaki ng ibinata ng itsura nito at ang huli sa
madami niyang napansin ay ang tila ba musikang tunog na tawa ni Dan
para sa kaniyang mga tainga.
“Asshole.”
nangingiting singhal ni Ryan.
“Yeah
right.” saad ni Dan sa pagitan ng kaniyang mga tawa.
“Alam
mo pala kanina pa! Pinagtri-tripan mo lang pala ako!” naniningkit
pero nakangiting saad ni Ryan.
“Couldn't
get over with your help
me I'm lost look!
It looks epic!” saad ulit ni Dan sa pagitan ng kaniyang palakas na
palakas na tawa.
“Gago
ka!” saad ni Ryan at di na napigilan ang sarili at napatawa na
din.
Ngayon
si Dan naman ang siyang tumitig sa tumatawang si Ryan. Katulad noong
unang beses niya itong nakitang ngumiti tila may isang sumpa na
tumama sa kaniya upang pagmasdan ang mapupulang labi nito, maamong
mga mata at pantay-pantay na ngipin. Nang mapansin ni Ryan na seryoso
ng nakatitg sa kaniya si Dan ay unti-unting nabura ang ngiti sa
kaniyang mukha at nagtama ang kanilang mga tingin.
Isang
minuto? Dalawa? O sampung minuto man ang dumaan ay tila ba wala ito
kila Ryan at Dan na tuloy lang ang pagtititigan, kung hindi pa
biglang sumulpot ang isang batang nagtatatalon at excited na
makapasok sa perya sa kanilang tabi ay hindi maghihiwalay ng tingin
ang dalawa.
“S-so---
uhmmm--- bakit nga ikaw yung sumama sakin ngayon dito sa perya?”
nauutal na tanong ni Dan habang nagsisimula ng maglakad papasok sa
perya, maiwasan lang ang pagkailang sa pagitan nilang dalawa matapos
ang hindi maipaliwanag na mahabang pagtititigan.
“Inaatake
ng gastritis si Bry---” simulang sagot ni Ryan na muling pintuol ni
Dan dahil sa pagaalala.
“Is
he OK? Do we need to go home---?” singit ni Dan na ikinangiti lang
ni Ryan, iniisip na nagaalala ito sa kaniyang kapatid dahil siguro
mahalaga na ito sa huli kasabay ng naisip na ito ay wala sa sariling
hiniling na sana ay pinahahalagahan din siya ni Dan katulad ng
pagpapahalaga nito sa kaniyang kapatid.
“When
I left he's eating a truckload of pizza---” simulang sagot ni Ryan
nang biglang may sumingit na alaala sa isip ni Dan.
“Oh
and to leave you and Ryan some alooooneeee time since he said that
you guys are boyfriends now!” kasabay ng naalalang ito ni Dan
ang alaala ng nangaasar na mukha ni Bryan. Ngayon alam na niya na
plinano ni Bryan ang lahat ng iyon at hindi talaga sumasakit ang
sikmura nito katulad ng sinabi ni Ryan.
“---I
think he's going to be OK.” pagtatapos ng sinabi ni Ryan.
“Well
he's not going to be OK when we get home.” pabulong na pagbabanta
ni Dan.
“I'm
sorry?” pagapapaulit ni Ryan sa sinabi ni Dan nang hindi niya ito
narinig ng maayos.
“Sabi
ko, buti napa-payag ka ni Bry na samahan ako dito sa perya.”
palusot ni Dan na ikinamula ng pisngi ni Ryan.
“Actually,
I was only planning to fetch you from Gustav's tapos ihahatid kita sa
bahay.” nahihiyang sagot ni Ryan na tila naman nagbuhos ng malamig
na tubig kay Dan.
“Assumer-o
ka kasi, Dan.” sabi ni Dan sa
sarili.
“B-but
I really want to come here. Nung narinig ko nga nung isang araw na
nagbabalak kayong pumunta dito gusto ko sanang sumingit sa usapan
niyo at sumama kaso nahiya lang ako eh.” agad na sabi ni Ryan nang
mapansin niya ang napahiyang reaksyon ni Dan na siyang nakapagpangiti
sa huli pagkatapos.
“Yun
naman pala eh. Bakit di mo sinabi agad?” nakangising saad ni Dan
sabay hila sa malatrosong braso ni Ryan na siya naman tinitigan ng
huli habang parang bata siyang kinakaladkad ni Dan papasok ng perya.
0000oo0000
“Humanda
ka sakin mamya!” text ni Dan
kay Bryan habang nakatalikod si Ryan at bumibili ng makakain nila.
“Hihi!
;p ” ang reply ni Bryan na
siyang umurat lalo kay Dan.
“Uhmm---
I don't know kung hot dog or cheese burger ang gusto mo kaya binili
ko na pareho.” nakayuko ulit at namumulang pisngi na bulaga ni Ryan
kay Dan na nagte-text ng kaniyang sagot sa nang-aasar na si Bryan.
“OK
na sakin yung cheese burger.” nakangiti namang sagot ni Dan na
siyang nakapag pangiti din kay Ryan. Tila isang batang excited na
umupo si Ryan sa katapat na upuan ni Dan, hindi ito napansin ng huli
sapagkat abala naman ito sa paglalabas ng sariling pitaka.
“Eto
oh.” saad ni Dan at nang tignan ni Ryan kung ano ang iniaabot nito
ay agad na nabura ang kaniyang mga ngiti sa mukha.
“My
treat.” umiiling na balik ni Ryan sabay tinatanggihan ang inaabot
na pera ni Dan.
“No---
may pera naman ak---” simula ni Dan.
“My
treat.” pagpupumilit nanaman ni Ryan na siyang pumutol sa sinasabi
ni Dan.
“I'm
not going to eat this kung hindi mo ito kukuwanin.” banta ni Dan na
hindi naman natanggihan ni Ryan. Saglit pa na nagtitigan ang dalawa,
si Ryan, binalak pang magmatigas pero naisip niya rin na magmamatigas
din si Dan kaya naman pinabayaan niya na lang ito sa kaniyang gusto.
“I
like you better when you're all quiet and shy.” bulong ni Ryan
sabay iling nang mainis siya sa pagpupumilit ni Dan. Ang tagpong ito
ang nakapagpangisi kay Dan.
“Live
with it. Because this Dan is going to stay for good.”
nakangising saad ni Dan sabay kagat sa kaniyang cheese burger.
Nang
abala na si Dan sa kaniyang pagkain ay hindi maiwasan ni Ryan na
titigan ito at panuorin kung pano ito kumain na parang bata, kaya
naman sa kabila ng kaniyang kaunting pagkainis dahil sa pagiging
mapilit nito ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti at
maganang kumagat sa kaniyang biniling pagkain.
0000oo0000
Pinanood
ni Dan kung paano ka seryoso si Ryan sa paglalaro sa isang booth sa
perya na iyon. Kailangan kasing i-bato ang isang bola at patumbahin
ang isang tore ng mga bloke upang manalo. Ngunit gaano mang kaseryoso
ni Ryan sa paglalaro ay hindi niya makuwa kuwang patumbahin ang tore
na iyon.
“Give
me the ball.” seryosong saad ni Dan kay Ryan na agad natigilan mula
sa pagbato sana ng huling bola nito.
“What?”
agad na tanong ni Ryan sabay tingin sa maliit na kamay ni Dan na
nakalahad sa kaniyang unahan. Pinagmasdan ni Ryan ang maliliit na
braso ni Dan, tila ba tinatanong sa sarili kung pano nito magagawang
patumbahin ang mga bloke na iyon gamit ang maliliit nitong braso.
Ang
pagngisi ni Ryan matapos nitong pagmasdan ang maliliit na braso ni
Dan ay hindi nakaligtas sa huli. Hindi mapigilan ni Dan ang mainis ng
kaunti pero hindi rin niya napigilan ang sarili na mapangisi din sa
naisip na mapapahiya si Ryan sa oras na mapatumba ni Dan ang mga
bloke na iyon na alam niyang magagawa niya.
“Be
my guest.” may pagka sarkastikong sabi ni Ryan sabay abot ng bola
sa nakangisi naring si Dan.
“Thank
you.” may pagka sarkastiko ring balik ni Dan sabay hablot ng bola
sa kamay ng huli.
Hindi
na nag-atubili pa si Dan, gamit ang kaniyang maliliit na braso,
presisyon ng kaniyang mga galaw, kalmadong isip at ang pasensya ng
isang propesyonal na manlalaro ay ibinato na ni Dan ang bola.
0000oo0000
Hindi
napigilan ni Ryan ang sarili na mamangha nang itaas ni Dan ang
kaniyang kamay na may hawak hawak na bola. Kitang kita niya ang bawat
pag-umbok ng kalamnan ni Dan kahit pa gaanong ka-kalmado ang mukha
nito. Hindi na nagawa pang panuorin ni Ryan ang pagbagsak ng tore ng
bloke matapos itong batuhin ng bola ni Dan dahil abala na siya sa
pagtitig sa magagandang labi ni Dan, pantay pantay nitong mga ngipin,
mapupulang pisngi at mapupungay na mata.
Hindi
makapaniwala na maeengganyo siya sa pagiging kilos bata nito. Bata na
tila ba tuwang tuwa sa pagkapanalo nito sa isang laro.
“Yes!”
masayang saad ni Dan sabay ngisi na siyang gumising kay Ryan sa
pagtitig nito sa mukha ng huli.
“Tyamba
lang naman!” balik ni Ryan pero hindi maikakaila ang pagkamangha sa
mukha nito. Sasagutin na sana siya ni Dan nang biglang magsalita ang
nagpapasinaya ng palarong iyon.
“Eto
po oh.” sabi ng tagapag pasinaya sabay abot ng napanalunang
gadambuhalang teddy bear kay Dan.
“Here,
hon.” nakangising saad ni Dan sabay pwersahang inabot ang laruan
kay Ryan na agad namula ang pisngi matapos itong tawaging 'hon' ni
Dan.
“What
are you doing?” pinipigilang mapangiti na tanong ni Ryan nang
makita niyang nagaabot ng pera si Dan sa tagapasinaya ng larong iyon.
“I'm
going to prove na hindi 'tyamba' yung nangyari and going to
make you see that judging someone by their outward appearance is a
very very bad attitude..” nakangising sagot ni Dan habang
inaabot ang tatlong bola na ibinibigay sa kaniya ng tagapasinaya.
0000oo0000
Patuloy
parin sa pag-iling si Ryan habang naglalakad at karga karga niya ang
dalawang gadambuhalang teddy bear sa kaniyang magkabilang kamay
papunta sa susunod na laro na gusto nilang puntahang dalawa ni Dan,
hindi makapaniwala na muli nanamang pinaalala sa kaniya ni Dan na
mali ang pagkakakilala niya dito at muli nanaman siyang pinahamak ng
kaniyang panghuhusga. Matapos maglaro at ipamukha sa kaniya ni Dan na
mali ang pagkakakilala niya dito matapos nitong maitumba ang tore ng
bloke sa ikalawang pagkakataon ay hindi na nagsalita pa si Dan.
Nakangisi lang ito na tila ba may ibig ipahiwatig.
“I'm
sorry.” pabulong na saad ni Ryan nang hindi na niya matiis pa ang
katahimikan sa pagitan nila.
“Sorry
for what?” balik ni Dan kahit pa halata namang alam niya ang ibig
ipahiwatig ni Dan.
“Sorry
for being an asshole.”
“You're
an ass since the first day I met you, why apologize now?” nakataas
kilay pero nakangisi paring tanong ni Dan na ikinahiya naman ni Ryan.
“Sorry
for judging you.” saad ulit ni Ryan na ikinatigil ni Dan sa
paglalakad. Nagtama ulit ang tingin ng dalawa, nakita ni Dan ang
sinseridad at pagmamakaawa sa mga mata ni Ryan.
“Apology
accepted.” saad ni Dan na ikinangiti ulit ni Ryan.
Muli
ng naglakad ang dalawa, si Ryan natutuwa at tinanggap ni Dan ang
kaniyang sorry at si Dan naman ay nagiisip ng maigi kung kailangan
niya bang sabihin ang kaniyang susunod na sasabihin. Hindi na
nakatiis pa si Dan at muli na siyang tumigil sa paglalakad at humarap
kay Ryan na ikinagulat ng huli.
“You
were not just an asshole to me, you're an ass to your brother as
well.” wala sa sariling saad ni Dan nang hindi na siya nakatiis pa
na mangielam sa magkapatid lalo pa't ayos na ang sa kanila ngayon ni
Ryan.
“I-I
k-know---” simula ni Ryan sabay yuko ulit dahil sa hiya.
“You
should apologize to your brother also, you know. Sobrang taas ng
tingin sayo ni Bryan and every time you raise your voice or every
time he see you drunk or every time you ignore him makes him sad.”
sabi ulit ni Dan sabay tiklop ng kaniyang mga kamay sa kaniyang
dibdib, bilang pahiwatig na siya ay nagbibigay ng isang importanteng
leksyon kay Ryan.
“It
makes me sad also. We were so close before---” malungkot na saad ni
Ryan.
“Then
why do you keep on pushing him away? Pushing us away?”
tanong muli ni Dan na siyang nakapag-pa-angat ng tingin ni Ryan nang
marinig nito ang salitang 'us'.
“It's
a long story.” sagot ni Ryan, nahalata naman ni Dan na
hindi pa handa si Ryan na sabihin sa kaniya ang dahilan ng paglayo ng
loob ng magkapatid sa isa't isa kaya naman hindi na siya nagusisa pa.
“J-just
apologize to him, OK? I don't want to see him sad. I don't want to
see you sad.” nakangiting saad ni Dan sabay pisil sa braso
ni Ryan bilang tanda ng pagpupursigi dito na gawin ang kaniyang
sinasabi.
Ilang
beses pang ipinagpabalik-balik ni Ryan ang kaniyang tingin sa
nakadamping kamay ni Dan sa kaniyang matipunong braso at sa matatamis
nitong ngiti.
“I
will. I promise.” nahuling sagot ni Ryan sabay napangiti na din.
Hindi nagtagal ay muling naglakad sila Ryan at Dan sa iba pang mga
palaro sa loob ng peryang iyon. Isang masayang gabi ang nag-iintay sa
kanila.
0000oo0000
“What
did you feed my brother?” bulaga ni Bryan kay Dan nang sunduin niya
ito matapos ang shift nito sa Gustav's na siyang punagtratrabahuhan
ng huli.
“Bakit
mo ako inindian kagabi eh hindi ka naman talaga ina-atake ng
gastritis?!” pasinghal na pabalik tanong ni Dan dito. Nagbatuhan
muna ng naniningkit na mga tingin ang dalawa saka sabay na naglakad
papunta sa sakayan ng dyip pauwi sa kanilang apartment, tanda na wala
sa kanila ang may balak na sumagot sa tanong ng isa't isa.
“Thank
you---” wala sa sariling seryosong sagot ni Bryan na naglagay ng
isang matipid na ngiti sa mukha ni Dan, masaya siya na nakatulong
siya sa relasyon ng magkapatid sa isa't isa. “Ngayon ko lang ulit
siya nakita na lively and happy since we parted ways before going to
college. It's like having my brother back.” naluluha pero
nakangiting saad ni Bryan na lalong nakapagpangiti kay Dan.
“You're
welcome.” matipid na sagot na lang ni Dan sabay pisil sa malaking
braso ni Bryan.
“Just
don't run out of that love juice you gave him so he won't come back
to being an asshole.” nagbibirong saad ni Bryan na
nakapagpahagikgik kay Dan.
“I
promise.” nakangising balik ni Dan. Saglit na nagpalitan ng ngiti
si Dan at Bryan bago sumakay ng dyip.
“I
finally got laid last night---!” excited na pagiiba ng usapan ni
Bryan pagkaupo nila ng pagkaupo ni Dan sa loob ng dyip, pero ang mga
sumunod na sinabi ni Bryan ay hindi na nagawa pang pakinggan ni Dan
dahil sa nakita niyang tagpo nang igawi niya ang kaniyang tingin sa
labas ng bintana ng dyip na kanilang sinasakyan.
Sa
isang bench sa isang park malapit sa Gustav's ay nakatayo si Ryan,
may kausap ito na nakatalikod naman mula sa gawi ng dyip na
sinasakyan nila Dan kaya't hindi niya nakita ang mukha nito, pero ang
pagka-curious ni Dan sa pagkatao na kausap ni Ryan ay agad na nabura
nang makita niyang magsalubong ang mga labi ng mga ito.
Isang
maalab at puno ng emosyon na halikan ang sumunod na nasaksihan ni
Dan. Isang maalab na halikan sa pagitan ng dalawang lalaki. Ngayon,
alam na ni Dan na hindi babae ang swerteng tinatawag na beh ni
Ryan nung gabing inalagaan niya ito dahil sa sobrang pagkalasing.
Itutuloy...
Against All Odds 2[18]
by:
Migs
Hey guys! Sorry at inabot nanaman ng anim na araw ang pag-a-update ko. Alam ko sinusumpa niyo na ako. :) Last night I was able to meet up with one of my cyber friend na si Lance Cruz! Kaya siya ang sisihin niyo kung bakit di ako agad nakapag update! Haha! :-P (peace Lance!)
ReplyDeleteAnyways ilang tumbling na lang at season finale na. :-) at magsisimula na ang season three! :-P
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
AT ANG PINAKABAGO SA MGA I-E-ENDORSE KO AY ANG FACEBOOK PAGE NI JOSHUA.
http://www.facebook.com/MgaKwentongBawal
SuperKaid: lugi naman ata ako sa gusto mong mangyari. Haha! :P
Lexin: hanggang kailan ka kaya kikiligin. Haha! Spoiler alert! :-)
Ence Abella: Sana hindi ito ang first and last mo sa pagko-comment. Sana rin po ay i-follow mo ang blog ko, salamat!
Therese Llama: ahahaha! Si Mike ba ang peg mo at talaga namang sinusubaybayan mo parin ang kapalaran ni Cha ha. :-)
Joshua: salamat sa page-endorse sa blog ko. :-)
Rascal: salamat! :)
Januard: Saka na ang back to back ulit. :)
Moon Sung-Min: sige lang i-re-run mo muna ang CP series, i-pu-pull out ko na siya soon.
Lawfer: kilig, tapos andaming tawa? Ahaha! Naguluhan ako dun ah.
Riley De Lima: Salamat sa pagpapaalala sa kuya mo. Haha! :-) Yey for my pageviews! :-P
Johnny Quest: haha! Iniintay mo talaga si Mike na sumulpot ha?
Mars: move on? Tingin ko malayo pa siya makakapag move on. :-)
Jiru: I haven't read Divergent yet. But uhmmm I don't think kaya ng powers ko ang mala divergent na plot. Hahaha! Tignan ko din. :-)
aR: BAKA tama ang hinala mo. Haha! I'm feeling well na. Thanks! :-P
Ryge Stan: my number 0 fan, kamusta?! :-) Actually maiinip ka parin sa pagppost ko kasi busy parin naman ako, lumipat lang ako ng ospital na pinagtratrabahuhan but I still have two more jobs to attend to. :-(
ANDY: haha! Intayin mo na lang kung sino ang magkakatuluyan at kung sino ang hindi. Kaso baka magintay ka pa ng dalawa hanggang tatlong STORIES bago mo malaman. Haha! :-P
Gavi: Liam parin? Ahahaha! :-P My blog also misses you.
KV: nagkataon lang siguro? Haha! :-)
Akhii: thanks! :-)
russ: yup. Always busy.
Edmond: bakit binabantayan mo ang mga nagpapaputok? Ahaha!
<07>: eto na po ang request niyon next chapter. Sana po lagi ka ng magcomment at sana po i-follow niyo narin po ang blog ko.
Frontier: this chapter will reactivate your kilig perceptions also. Haha!
WaydeeJanyokio: tignan natin kung dun nga magaaral si Mike. Hehe!
Foxriver; Maraming salamat po kung ganon. :-)
adik_ngarag: wag mong kalimutan na kasama pa dito si Mike. Kasi suslpot na lang siya bigla diyan.
Adan: wala po akong dummy account sa fb kasi hindi po ako naniniwala sa mga ganon. Kasi para sakin para ko naring niloko ang sarili ko, diba? Hehe! Pero kung gusto mo akong kausapin pwede naman po sa mail. migusalvador@yahoo.com
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
grabe mababaliw ako kung si mike ang kahalikan ni ryan....kailangan ko ng bumili ng anti-psychotic for the next chapter...baka matuluyan ako...
ReplyDeleteSi Mike ba yun?argh!can't wait na Migs..grabe..paano na pag nagkita sila Dan at Mike?eksena to. :P
ReplyDeleteAnyway,thanks sa update Migs..maaga na to for me. :)
i will keep reading your works, i am hoping that your works will be published into a book. *i will hunt you then and beg you to sign it*
ReplyDeletenonetheless, i like what happened between ryan and dan here, and i am sucker for amusement parks dates kasi, haha
bakit may pull out na kaganapan kuya migs??????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????
ReplyDeleteahaha paesensya galit sa question mark.
Awwwwww. Another bitin chapter! Ugh! Hahaha
ReplyDeleteSino ba kasi yung "beh" na yun ni Ryan?! Mas gusto ko na sila ni Dan ang magkatuluyan ee. Pwede ba yun, Sir? :) or don't tell me si Liam un! (lol maisingit lang hehehehe)
I've read your email, i really think the problem is with the phone that's why i dumped it na :) hahahah jk..
-gavi :)
its Mikee!!!!its gonna be so complicated and painful(again) for Danny....hay naku naman. Pero im excited na sa next chapter
ReplyDeleteyehey! mayroon na ulit :)
ReplyDeletelight yung chapter ngayon and kahit kakabitin, ay ayos namang hintayin :)
excited na ako for the next chapter :)
More kilig factor pa! Pero i guess season finale na so it is more on revalation ito right?.
ReplyDeleteBasta alam ko hindi si Mikey un...
-frontier
Ay nako baka mas lalo kang malugi pag nakita mo ko babaliktad sikmura mo pramis! haha
ReplyDeletewhat the?! waaaaaaah! naku naku pag si Mike yun,, wag naman sana..
ReplyDeletenku. nxt chapter n kaagad pls
ReplyDeleteheehehheehehheee......happy 3 kings kahapon........galing namn...its a date ...para kay ryan at dan......magkakasama na sa iisang scholl cna ryan ,dan at mike.....exciting.........!
ReplyDeletelove team na sana maging bato pa..
ReplyDeletei dont know sa kanilang \tatlo t kung sino ang pusong bato..
*Himatay* waaaa. Nahimatay ako sa sobrang kilig. CPR kay Ryan please!!! Chos! Hahahaha :DD
ReplyDeleteE sobrang kilig netong chapter na ito Migs. Kelan ending ng season 2 po?
Also, I think hindi si Mike yung kahalikan ni Ryan. :))
i like bryan and danny love team...
ReplyDeletenext chapter na po ♥
~ung sa perya sila na binabato ng bola. Parang sa scene lang ng mr. And mrs. Smith na di i-ni-expect ni bradpit na magaling pala ung asawa nya sa baril. Tapos ung price is gadambuhalang tedy bear at binato patalaga sakanya para sya mag bitbit. Ung totoo kuya migs Mr. And Mrs Smith movie ba ang inspiration mu sa chapter nato. Haha:)) :D :P
ReplyDelete~anyways wah?.. My kahalikan si ryan. Pero for sure di un si mike! Parang alam ko kung cnu(hmmm). Pagtama ang hinala ko hehe!
~wala nakong masabi update agad kuya! Haha exitd lang?. Makapg utos haha
~WaydeeJanYokio
sino ba yang beh ni ryan??sana si mark or dave..para magalit si dan ky ryan..hahaha..oo naman migs simula pa lang sa laib na inlove na ako ky charity
ReplyDeleteofftopic...gusto ko lng ipa alam sayo na ang "chasing pavements" ang pinaka magandang kwento para sa akin..hintay lng ako ng next installment..haha
Feeling ko talaga si Melvin ang "beh" ni Ryan (unless, unless si Jase eto.. Sana wag siya though kasi feeling ko nawalan ng saysay pagkamatay ni Aaron sa AAO1 na um-effort pang nag-beach para lang i-entrust si Jase to someone worthy.)
ReplyDeleteMay backstory ba kung bakit naging asshole si Ryan towards Bryan and Dan?
- Edmond
P.S.: "What happened in New Year's Eve stays in New Year's Eve." =p
Hello po kuya, joshua again. sobrang kinilig ako sa chapter nato. hahaha as in. kung alam lang siguro ng mga kaibigan ko na nagbabasa ako ng ganito tatawanan nila ako ng bonga hahaha XD. pero galing mambitin ha kaya Idol kiya eh. excited na talaga ako kung sino yung beh ni ryan, pero sana hindi yun si Mike kuya ha, i-promise mo yan!
ReplyDeletekasi naman tong ibang nagcommment puru mike, mike, mike. pagyan nagkakatotoo..... ewan ko na lang.
malalaman na po ba kuya sa susunod na chapter kung sino yung beh niya? sana po oo. kasi hindi na talaga ako makakapagconcentrate nito eh....please
kuya maraming salamat po sa pag endorse nung page ko sa FB ha! napakalaking tulong nun sa akin. maraming salamat po. wag po kayong mag-alala i eendorse ko parin tong blog mo kahit anung mangyare....:D salamat talaga kuya
Kuya MIgs naman!! Please! Utang na loob!! Parang awa mo na!! Ryan-Dan na lang. Nawalan na ng amor saken si Mike eh.
ReplyDeleteParang mas maganda gawan ng love story si Ryan at Dan.
Fave chapter ko to!! Ang cute ng gestures ni Ryan. Haha!
PLEASE KUYA MIGS SANA HAPPY ENDING.
RYAN-DAN
P.S.
naisip ko tuloy si Ryan Bang. Haha!
I am 97% SURE na hindi si Mike ang kahalikan ni Ryan.
ReplyDeleteNkakaexcite at kaba!! Gusto ko na malaman.
Sana Back-to-back-to-Back-to-back!!!! Haha!
em back. :) i think c martin un.haha.
ReplyDeletewag kang maguluhan sadyang magulo lang tlaga aq, d masuklay haha
ReplyDeleteouch for dan x.x
and mike, mlapit nang mgulo ulit utak m 2lad q haha
yung totoo, landi ni ryan ha! hehe. may bf na nga, umaalembong pa kay dan. hahahaha
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeletehaha..ansaya naman at sweet pero bandang dulo boom!!, tama si Dan..assumero lang ang peg..haha
kahit pano nasaktan si Dan dun,i knew it,haha..kainis lang haha..
ngayon talaga nacucurious na ko,feeling ko talaga si Mike yan or Dave pero feeling ko si Mike talaga, tss..naman oh, kawawa naman si Dan.
make him happy.don't kill him,have him his sweet revenge, and give him someone who will protect him..
kailan irereveal si secret guy?
-aR
sino kaya yon?i think hindi talaga si Mike yun hahaha pero parang nararamdaman ko si Dave o si Jase yun...sakit naman nun kay Dan pati ako nasasaktan para sa kanya hehehe...next na kuya migz..plz
ReplyDelete-marlon lopez
nice aman at nagka auz na clang tatlo. good move mike. he he he
ReplyDeletehi kuya migz..
ReplyDeleteisa siguro ako sa mga silent readers moh..
hehehehe..
wala lang..
I dont want to keep silent forever,
-Marvencursat@yahoo.com
kung pde rin naman akung mag comment diba..
hehehe
ang galing mu tlga magsulat..
very accurate ang knowledge mo sa literature
nadadala mu kaming mga readers..
i wonder if may backgrounds kapo dun..
from against all the odds book 1
to breaking boundaries and now eto..
AAO book 2.. lupet.. sana ma post narin po ang
breaking boundaries part 2.. :)
its worth it kasi na paggugulan ko ng oras..
cge ingatz,..
ill try to participate na sa mga comments :)
Sir Miguel ..
ReplyDeleteTalagang napapagawa mo kong pangitiin sa chapter na'to...
Ibang klase ka talaga, simpleng scenes lang ang meron pero nagagawa mong sobrang nakakakilig.
Sana wag si ___blank___ yung kahalikan ni Ryan, kundi na pakalaking twist nanaman nito !
Akala ko pa naman ehh may magandang mangyayari sa oras na mag kasama yung dalawa sa perya kagaya na lamang na ma-realize ni Ryan na may feelings na sya kay Dan at ganun narin yung huli, kaso hindi ehh. Ttsss, SAYANG !
Somehow, mas gusto ko si Ryan para sa bida ntin ... RY-DAN AKO FOREVER !!!
Kidding a side ..
Ganun po ba? wala po kayong accpunt na open sa mga readers nyo?
Sana makagawa ka man para kahit papaano updated kami kung na post na ba yung stories mo.
In that case salamat na lang po :"3
--
A D A N
10:31 PM
1/11/2013
I'm doing great migz medyo busy lang lately kasi nagresign ung boss ko and I have to take over sa mga work nya. Dagdag trabaho pero walang dagdag sweldo ganito yata talaga if you work sa government.
ReplyDeleteAnyways kahit natagalan ung post mo its ok with me, its worth the wait hehehe. Mukhang maapit mo n ang matupad ung promise mo na in two eps marireveal na nag ka FUBU ni Ryan.
I thought this will be the last season but I'm glad na may third pa pala. That I will wait promise migz.
Have a great day!!!