Against All Odds 2[19]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
napigilan ni Dan ang sarili na tanungin ang sarili. Natatandaan
niyang ilang beses ng pahapyaw na sinabi sa kaniya ni Bryan ang
maaaring tungkol sa sekswalidad ng kapatid pero ilang beses niya rin
itong binalewala at ikinibit balikat. Sunod niyang tinanong sa sarili
ay kung ano ang kaniyang dapat maramdaman sa nalamang ito at kung ano
ang dapat niyang maging reaksyon.
“What
the hell is wrong with you?!” taas kilay na tanong ni Bryan sabay
ikinumpas kumpas pa ang kamay,
“Oh---uhmm---
Yes, I think you should buy her a book and not a lingerie.” wala sa
sariling sagot ni Dan sabay halo ng kaniyang nilulutong ulam, tila
naman nagising sa isang mabisang sumpa si Dan nang marinig niya ang
malakas na pagtawa ni Bryan.
“What?”
natatawa naring tanong ni Dan nang makita niya ang maluha-luha dahil
sa katatawa na damulag sa kaniyang harapan habang hawak hawak ang
tiyan na miya mo ang pagtawa na iyon ang nagtutulak na mahirapan siya
sa pag-hinga.
“That
question was like fifteen topics ago. I wasn't even asking you right
now. All I said before you began getting weird and talking about
books and lingerie's is that how I'm thankful that you're here to
cook for my brother and I.” saad ni Bryan sa pagitan ng kaniyang
malalakas na tawa.
“That
topic was not fifteen topics ago and even if it was ikaw parin ang
dapat sisihin dahil masyado kang mabilis mag palit ng topic!” balik
ni Dan kay Bryan na lalo lang napatawa.
“Spaceman!”
balik ni Bryan sabay muestra sa kaniyang daliri sa tagiliran ng
kaniyang ulo, nagsasabing nababaliw na ang kaniyang kaharap na si
Dan.
“Douche
bag!” balik naman ni Dan.
Asa
ganitong tagpo ang dalawang magkaibigan nang dumating si Ryan.
“Hey
guys!” masayang bati nito sa dalawa.
“Hey
bro!” balik naman ni Bryan.
Tinignan
ni Ryan si Dan, umaasa ng isa ring masayang pagbati mula dito matapos
ang kanilang bonding sa perya noong nakaraang araw pero walang
pagkawili o maski ngiti ay wala siyang nakita sa mukha nito. Blangko
lang ito na tila ba hinigop ng kung ano ang kakayahan nitong
makaramdam at maglabas ng kahit anong emosyon o reaksyon.
Hindi
maintindihan ni Dan kung bakit siya biglang nakaramdam ng ibayong
inis pagka-kitang pagka kita niya kay Ryan. Nadagdagan ang inis na
iyon nang makita niya ang tuwa sa mukha nito na tila ba naka-score
ito sa isang palaro. Kaya naman nang bumati ito bilang bigay pansin
na andun na siya at nakauwi na ay hindi na ito pinansin ni Dan sa
takot na may masabi pa siyang masama dito.
“Dinner
is ready.” saad ni Dan sabay patay sa kalan at iniwan ang bagong
lutong pagkain.
“Where
are you going? Aren't you going to eat with us?” sunod sunod na
tanong ni Bryan habang kinukuwa ang bagong lutong ulam at umuupo sa
hapagkainan upang magsimula ng kumain.
“No.
Di pa ako nagugutom eh. Lalabas na lang ako mamya kapag nagutom na
ako.” walang emosyong saad nanaman ni Dan na ikinabura na ng
tuluyan ng ngiti sa mukha ni Ryan at ikinakunot ng noo nito.
“OK.”
bulol na saad ni Bryan dahil sa malaking tipak ng ulam na nakapasok
sa bibig nito.
Habang
naglalakad si Dan papunta ng kanilang kwarto ni Bryan ay hindi siya
tinantanan ng tingin ni Ryan. Nakakunot ang noo nito at pinagiisipang
maigi kung meron nanaman ba siyang nagawang mali o nasabing hindi
maganda. Hinahalughog pa ni Ryan ang kaniyang isip sa mga maaaring
rason kung bakit lumamig ulit ang pakikitungo sa kaniya ni Dan nang
makaramdam siya ng pagkalabit sa kaniyang tagiliran.
Dahan
dahan niyang sinalubong ang kaparehas na kaparehas na tingin ng
kaniyang kapatid. Patuloy parin ito sa pag nguya at kinailangan pa ng
ilang segundo bago ito makapasalita dahil sa sobrang puno ang bibig
nito.
“Are
you going to eat that?” tanong ni Bryan na ikinairap lang ni Ryan.
“No.”
naiiritang saad ni Ryan sabay tayo mula sa hapagkainan at mainit ang
ulo na sumalampak sa sofa at nanood na lang ng T.V.
Saglit
na pinagmasdan ni Bryan ang kaniyang kakambal at ang kasasara lamang
na pinto ng kwarto nila ni Dan. Iniisip na meron nanamang
nangyayaring sigalot sa pagitan ng dalawa niyang kasama sa bahay pero
hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin dahil gutom na gutom na
siya.
“May
toyo nanaman siguro pareho.” sabi
ni Bryan sa sarili sabay kagat ulit sa kaniyang ulam.
0000oo0000
Nakadilat
na patihayang nakahiga si Dan sa kaniyang kama. Iniisip ang kaniyang
inasal, naisip narin niya kung bakit siya biglang nainis nang
dumating si Ryan. Nagseselos siya. Ayaw man niya itong aminin sa
sarili pero hindi siya maaaring magkamali. Hindi niya rin inakalang
unti unti na pala siyang nagkakagusto kay Ryan nang hindi niya
nalalaman, napagtanto na lang niya ito nang maisip niya kung gaano
niya kadalas tignan si Ryan kahit pa tahimik ito at pilit silang
hindi pinapansin ni Bryan sa isang tabi, kung pano siya naaapektuhan
ng walang saysay na pagsinghal nito at mga pasaring nito sa kaniya.
Sumagi din sa isip ni Dan na baka kaya hindi niya ito napansin ay
dahil pilit itong iniignora ng kaniyang isip dahil sa nangyari at sa
ginawa ng huling tao na kaniyang nagustuhan.
“Pero
unfair kay Ryan yung inasal ko.” bulong
ni Dan sa sarili habang inuusig siya ng kaniyang konsensya.
Alam
niyang walang alam si Ryan sa kaniyang unti-unting pagkagusto dito at
wala itong kasalanan kung may iba itong gusto at karelasyon. Walang
kasalanan si Ryan kung nagseselos siya dahil wala naman silang
relasyong dalawa, walang kasalanan si Ryan dahil hindi naman sila
pareho ng nararamdaman ni Dan sa isa't isa.
“Ako
lang naman talaga itong nagpapakatanga nanaman.” sabi
muli ni Dan sa sarili.
Tila
naman umayon ang kaniyang tiyan sa kaniyang sinabing iyon dahil
kumalam ito dahil sa gutom. Muli ipinaalala nanaman sa kaniya ng
kaniyang isip ang kaniyang katangahan at di magandang inasal.
“Tignan
mo yan ginutom mo pa ang sarili mo dahil sa kaartehan na yan.” sabi
ulit ni Dan sa kaniyang sarili at nang hindi na niya natiis pa ang
gutom ay akto na siyang tatayo mula sa kama nang biglang bumukas ang
pinto ng kanilang kwarto.
Dahil
nababalot ng kadiliman ang buong kwarto ay hindi nakilala agad ni Dan
kung sino ang nasa may pinto.
“Bryan?”
pabulong na tawag dito ni Dan, matagal bago sumagot ang lalaking
kapapasok lang ng kwarto, tila ba nagaalangan.
“No,
it's Ryan.” sagot naman ng huli sabay abot sa switch ng ilaw at
binuksan ito. Tila naman nanlamig ang buong katawan ni Dan. Hindi
niya alam kung paano hihingi ng tawad kay Ryan.
““Look,
I'm sorry.”” sabay na saad ng dalawa na naglagay ng nahihiyang
ngiti sa mga labi ng mga ito.
“Ryan,---”
“Dan,---” sabay ulit na sabi ng dalawa na nakapagpahagikgik na sa
dalawa.
“You
go, first.” naunang saad ni Dan. Hindi na nag-atubili pa si Ryan at
agad na niyang sinabi ang kaniyang gustong sabihin na ilang beses
niya pang inensayo sa harap ng salamin sa loob ng kanilang banyo.
“Dan,
I'm sorry. Kung ano man yung nasabi ko o yung nagawa kong masama para
maging cold ka ulit, I'm sorry. Remember that shawarma incident? I
don't want that to happen again. I don't want you thinking that I'm a
total jerk--- I'm sorry.” sunod sunod at mabilis na saad ni Ryan
habang nakakunot ang noo nito at nakatingin ng mariin kay Dan. Hindi
naman mapigilan ni Dan ang mamutla at manlamig ang buong katawan.
Inusig
lalo siya ng kaniyang konsensya. Hindi niya ginusto na magisip ng
kung ano-ano si Ryan dahil lang sa kaniyang hindi nararapat na
pag-iinarte. Isang pagiinarte na wala naman siyang karapatan upang
gawin. Hindi niya kaya na aminin ang pagkakamali na ito kay Ryan kaya
naman ay mabilis na lang siyang umisip ng palusot.
“Wala
lang talaga ako sa mood---”
“Wala
sa mood eh kanina nadatnan ko kayong nagtatawanan ni Bryan?”
malungkot na putol ni Ryan sa sasabihin sana pa ni Dan dahil hindi
nito kinagat ang naunang palusot nito. Natigilan saglit si Dan at
tumingin ng daretso sa mga mata ni Ryan.
“Kung
andun ka lang bago kami magtawanan sasabihin mo na wala talaga ako sa
sarili ko. You see, nagkukuwento si Bryan at sobrang layo nung sagot
ko sa sinasabi niya, plus the fact na wala naman talaga siyang
tinatanong at sumagot ako ng wala sa hulog. Yun yung reason kaya mo
kami naabutang nagtatawanan pero wala talaga ako sa mood.” mahabang
palusot ulit ni Dan nang makabawi na tila naman kinagat ni Ryan.
“Yan
talaga ang reason? Promise?” seryosong parang batang tanong ni
Ryan.
“Promise.”
mabilis na sagot ni Dan sabay display ng isang pekeng ngiti.
“Ano
nga yung sasabihin mo kanina?” pagiiba ni Ryan sa kanilang paguusap
na dalawa.
“Uhmmm--
I'm sorry if I acted off earlier and--- a-and that If you're going to
tell me something, just say it, because I'm hungry and I was about to
get up and eat.” mabilis na palusot muli ni Dan na mukhang kinagat
naman ni Ryan kahit pa iniwas niya ang tingin sa huli at hindi na
muling maisalubong iyon sa mga tingin nito.
“Oh.”
tila nadismayang saad ni Ryan dahil nararamdaman niyang may
importanteng bagay pang hindi sinasabi si Dan sa kaniya.
“Yup.”
balik ni Dan sabay tayo mula sa kaniyang kama at naglakad palabas ng
kwarto, papunta sa kusina.
Naabutan
ni Dan na nakahiga si Bryan sa sofa nang daanan niya ang sala,
nakanganga at humihilik habang pinapalabas sa TV ang Victoria Secret
fashion show re-runs. Umiling na lang si Dan at tumuloy na sa kusina
habang si Ryan naman ay nakasunod lang sa kaniya na parang batang
dumidikit sa kaniyang nanay upang hindi mawala sa loob ng malaking
mall.
“Uhmmm---
where's the food?” tanong ni Dan sabay halughog sa lamesa na puno
ng walang laman na kaldero.
“Bryan
ate it all.” humahagikgik na saad ni Ryan sabay kalam din ng tiyan,
tineternuhan ang kumakalam na tiyan ni Dan.
“Di
ka rin kumain?” tanong ni Dan sabay tingin sa tiyan ni Ryan na
katutunog lang na tila ba ang pagtingin niyang iyon sa tiyan ng huli
ay makikita niya ang walang lamang sikmura nito.
“Nawalan
kasi ako ng gana matapos mo akong hindi pansinin. Di na kasi tumigil
yung isip ko sa kakaisip kung ano nanaman ang nasabi o nagawa kong
mali.” wala sa sariling sagot ni Ryan sabay namula ang mga pisngi
dahil sa hiya sa pagkakadulas ng dila niyang iyon.
Tila
inusig nanaman ng sariling konsesya si Dan. Wala sa sarili niyang
sinalubong ang tingin ni Ryan at wala siyang ibang nakita doon kundi
ang sinseridad.
“I'm
sorry. Hindi ko sinasadya na pag-isipin ka ng ganun. Wala lang talaga
ako sa sarili. Wala sa hulog. Pagpasensyahan mo na. Pasensya na.”
paulit ulit na paghingi ni Dan ng pasensya kay Ryan na hindi
napigilan ang mapangiti.
“Pano
naman ako hindi magkaka-crush sayo kung ngiti ka ng ngiti ng ganyan!”
saad ni Dan sa sarili habang
pinagmamasdan ang mga pantay pantay na ngipin ni Ryan, mapupula
nitong labi at maamo nitong mukha.
“So
you said you're hungry and I'm hungry as hell too and since my
brother ate all the food you prepared for dinner--- what do you say
we go eat outside and leave the jerk alone with his mouth hanging
open like that?” taas babang kilay na tanong ni Ryan kay Dan na
nagdulot kay Dan na tigilan ang pagtitig sa mukha ni Ryan.
Hindi
mapigilan ni Dan ang mapangiti lalo pa't nakyu-cute-an siya sa
ginagawang paglalaro ni Ryan sa kaniyang kilay.
“Let's
leave the douche bag and eat outside.” sagot ni Dan sa pagitan ng
kaniyang mga hagikgik.
“Great!”
masayang saad naman ni Ryan na muling nagtulak kay Dan na titigan ang
mukha nito.
0000oo0000
Manghang
mangha si Dan sa kakaibang katakawan na ipinapakita ngayon ni Ryan.
Ngayon niya lang ito nakitang kumain ng ganun karami, noong asa perya
kasi sila ay naka isang hotdog lang ito sa kabila ng mabilis nitong
pagkain. Akala niya ay si Bryan lang ang bukod tanging ganun kumain,
ngayon alam ni Dan na nagkakamali siya at isa ang katakawan sa
maraming bagay na pagkakapareho ng kambal.
“What?”
bulol na tanong ni Ryan sa hindi makapaniwalang pagtitig na iyon ni
Dan dahil sa puno ng pagkain na bibig nito.
“Do
you really have to eat all those---at the same time?” natatawang
tanong ni Dan.
“I'm
hungry and I'm a growing boy. Of course I have to eat it all--- at
the same time.” sagot naman ni Ryan na kala mo hindi siya
makapaniwala na naglakas loob pa si Dan na itanong iyon sa kaniya.
“Well
then. Eat away. Eat away.” umiiling na saad ni Dan at kumagat na
din sa kaniyang kinakaing cheeseburger, hindi makapaniwalang hindi
parin tumataba ang kambal sa dami ng kinakain ng mga ito.
0000oo0000
Pinapanood
ni Jase ang ngayong tila ba bagong tao na si Dan. Masaya siya at
nagtuloy-tuloy na ang pag-buti nito. Masipag at matalinong bata si
Dan kaya naman gagawin niya ang lahat makatulong lang dito, kaya
naman nung may isang waiter na nag-resign sa kaniyang restaurant na
iyon na iniwan sa kaniya ng kaniyang namayapang kapatid ay hindi na
siya nagdalawang isip na ibigay ang bakanteng posisyon na ito kay
Dan.
Hindi
man ito kataasang pusisyon ay mas maganda naman ang bayad nito kesa
sa taga hugas ng pinggan, idagdag pa ang benepisyo ng pagiging
regular na trabahador. Naisip ni Jase na makakatulong ito kay Dan.
“Dan,
come her for a sec.” tawag pansin ni Jase kay Dan na tila ba
naguguluhan kung bakit tinawag ng kaniyang boss ang kaniyang pansin
gayong papauwi na siya at naibigay na nito ang kaniyang bayad para sa
gabi na iyon.
“You
know that mang Pancho left the restaurant, right?” tanong ni Jase
kay Dan na wala ng iba pang nagawa kundi ang tumango. “And now that
the restaurant is one man short would you consider taking mang
Pancho's place?” tuloy tuloy na saad ni Jase na siyang
nakapagpalaki ng mga mata ni Dan.
Hindi
man kalakihan ang sweldo ng pagiging isang waiter ay hindi na ito
masama pa para kay Dan gayong makakadagdag ang sweswelduhin niya dito
para sa kaniyang pag-aaral at araw-araw na pang-gastos.
“I—I---
Y-yes! Yes! Of course I'll take the job!” nauutal dahil sa sobrang
excitement na sagot ni Dan na siyang ikinangiti ng todo ni Jase.
“Good.
Now I want you to come with me.” sabi ulit ni Jase na ikinakunot
nanaman ng noo ni Dan.
Iginawi
siya nito sa loob ng restaurant kung saan kumakain ang mga customer,
magkakalahating oras ng sarado ang restaurant kaya't alam niyang wala
ng tao doon pero nakakarinig parin siya ng paggalaw mula dito na
siyang lalo niyang ikinataka.
“CONGRATULATIONS!”
sigaw ng bawat staff sa restaurant na iyon. Hindi mapigilan ni Dan
ang mapangiti at makaramdam ng sobrang tuwa.
“Hey.
Good luck on your new job.” saad ng isang lalaki na nakilala niya
lang bilang ang lalaking ka-relasyon ng kaniyang boss kaya naman
nabigla siya ng yakapin pa siya nito. Madalas niyang nakikita itong
nakatingin sa kaniya, may halong awa at pagkilala ang tingin na iyon
pero hindi sila nito madalas mag-usap.
“If
you need anything. And I mean anything,
don't hesitate to come to us, OK?” bulong nito bago pakawalan si
Dan na wala na lang nagawa kundi ang suklian ng isang nagpapasalamat
na ngiti ang huli.
0000oo0000
Hindi
parin siya makapaniwala sa biglaang pagbabago ni Ryan. Siguro nga at
wala na itong nararamdaman para sa kaniya at kasalanan naman niya
iyon kung bakit, aminado naman siyang ipinagtulakan niya rin palayo
si Ryan dahil hindi niya alam kung pano magmahal pero ngayong lumayo
na ito at mukhang nakakita na ng bagong mamahalin ay saka niya
napagtantong mali ang kaniyang ginawa. Kaya naman ngayon ay sinundan
niya si Ryan, desedidong alamin kung ano ang nagtulak dito upang iwan
siya.
Sinundan
niya si Ryan hanggang sa likurang bahagi ng isang restaurant kung
saan madalas bumili ito ng paboritong shawarma. Hindi rin nakaligtas
sa kaniya kung pano ito mapangiti sa kabila ng tila ba kabadong
itsura. Nginitian ito ng gwardya at kinausap saglit.
“Err—uhmm---I'm
here for Dan.” nahihiyang bungad ni Ryan sa gwardya na ikinataka ng
huli.
“Oh
bakit hindi ka ata madaldal ngayon, Bry.” bati pabalik ng gwardya
na ikinangiti lang ni Ryan.
“Hindi
po ako si Bryan kuya. Kapatid ko po siya, ako po si Ryan.”
“Weh?!”
di makapaniwalang saad ng gwardya na nakapatawa kay Ryan.
0000oo0000
“Thank
you.” sinserong saad ni Dan kay Jase at sa boyfriend nito sabay
yakap kay Jase.
Ang
pagyayakapan na ito nila Jase at Dan ay hindi nakaligtas kay Ryan na
nakatayo ilang metro sa likurang pinto ng restaurant.
“Hindi
ba talaga ikaw si Bryan?” makulit na tanong ulit ng gwardya na
ikinangiti lang ni Ryan sa kabila ng isang kakaibang pakiramdam na
kaniya ngayong nararamdaman matapos niyang makita ang pagyayakapan na
iyon ni Dan at ng isa pang lalaki.
“Oh,
Ryan, wala ulit si Bry? Nagtatae nanaman ba?” nakangiting salubong
ni Dan kay Ryan nang makita niya itong nakatayo katabi ng guard.
“No.
I actually volunteered to fetch you from work tonight---” daretsong
simula ni Ryan na ikinamula ng pisngi ni Dan dahil sa kilig. “---
so tell me, do you usually hug your co-workers before going home?”
may isang tono na hindi maintindihan si Dan sa sinabing iyon ni Ryan
pero binalewala na lang niya ito at idinaan sa biro ang lahat.
“Don't
worry there's nothing going on between us and we're not having
sex---” simula ni Dan at nang makita niya ang pagbugha ng hangin ni
Ryan na tila ba nabunutan ito ng tinik sa kaniyang sinabi ay
napangisi siya at itinuloy na ang kaniyang sasabihin. “--yet.”
pagtatapos ni Dan na ikinalamig ulit ng buong katawan ni Ryan.
“What?!”
singhal ni Ryan na ikina ngisi ni Dan lalo.
“I
said we're not having sex yet.”
0000oo0000
Sa
hindi kalayuan, ang lalaking sumunod kay Ryan ay mataman parin siyang
pinapanood. Hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Alam niya ang
mga tingin na iyon ni Ryan, tingin iyon ng purong pagpapahalaga sa
isang tao, alam niya ito dahil minsan siyang sumailalim sa mga tingin
na iyon kaya naman sigurado siyang ito ang lalaking dahilan ng
biglaan nitong pagbabago.
Nang
mapagtantong tama ang kaniyang hinala ay aalis na sana siya at
titigil na sa panonood, iisip na sana siya ng plano upang mabawi si
Ryan pero nang aktong hahakbang na siya paalis ay saka naman humarap
ang lalaking tinatawag niyang tao na nakapagpabago kay Ryan.
Nanlalamig
ang buo niyang katawan, bumilis ang tibok ng kaniyang puso,
pinagpawisan siya ng malamig at biglang nanghina ang kaniyang mga
tuhod. Di makapaniwala na ang lalaking ipapalit sa kaniya ni Ryan ay
isang taong kaniyang kilala. Isang tao na akala niya ay hindi na niya
makikita pa.
“Dan?”
kapos hininga niyang saad.
Itutuloy...
Against All Odds 2[19]
by:
Migs
Hey guys! Sorry at inabot nanaman ng anim na araw ang pag-a-update ko, busy...busy...busy. Sensya na talaga, guys!
ReplyDeleteRamdam niyo na ba ang season finale at kung ano ang mangyayari? Haha! Ramdamin niyo na kasi malapit na! :-D
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
AT ANG PINAKABAGO SA MGA I-E-ENDORSE KO AY ANG FACEBOOK PAGE NI JOSHUA.
http://www.facebook.com/MgaKwentongBawal
Jonas Mejia: Sorry mas mababaliw ka sa chapter na ito. Haha! :-)
riley delima: yup magiging eksena nga pero... hindi tulad ng eksena na iniisip niyo. Haha! :-P
Jiru: Thanks! But I think I don't have what it takes to write and publish a story. :-)
Moon Sung-Min: hehe, kumplikado, di ko pwedeng sabihin dito. :-)
gavi: haha! Bumili ka pa talaga ng phone? And yes mabibitin ka ulit sa chap na ito. :-) 3-4 chapters pa ata bago ma-reveal ang katauhan ng “beh” ni Ryan. :-P
foxriver: I actually typed the name of Ryan's “beh” dahil sa sobrang pagod nung nabasa ko yung comment mo. Ahahahaha! Buti na lang I read it again, kung hindi SPOILER na ito! Haha! Peace, foxriver! :-)
Ence Abella: Thanks! Sorry sa madalas na pambibitin ko sainyo! Sana hindi niyo ako i-sumpa. :-(
frontier: malapit pa lang ang season finale. Haha!
SuperKaid: babaliktad kaagad ang sikmura? Haha!
Makki: hanggang ngayon pala hindi mo pa ako kilala sa pagsusulat. Haha!
Cef de Mesa: thanks po sa pagko-comment, sana po paki follow nadin yung blog ko saka sana lagi narin po kayong magco-comment.
Rascal: yup. First UN OFFICIAL DATE :-)
Johnny Quest: 3-4 Chapters pa ata before season finale.
Anonymous January 7, 2013 2:08PM: Si Ryan po ang kapartner ni Dan hindi po si Bryan. Thanks nga po pala sa comment. Sana po sa susunod na magco-comment kayo palagay na lang po ng name. Salamat po.
WaydeeJanYokio: di ko pa napapanood ang Mr. And Mrs. Smith. Haha! Sige hayaan mo panonoorin ko.
therese llama: Thanks for liking CP, unfortunately CP is off the chart for reasons I can't mention here. :-(
Edmond: yup, may back story yun. Though di pa siya sa chapter na 'to masasabi. Konting intay pa kung sino si “beh” ni Ryan. :-)
Josh: makikila niyo na ang “beh” ni Ryan--- soon. :-P
ANDY: pagiisipan ko yang request mo na yan! Haha! LOL! :-P
ryval winston: welcome back! :-)
lawfer: sige, guluhan tayong dalawa. Haha! :-)
adik_ngarag: “beh” and ryan are not boyfriends. They're just--- alam mo na.. :-)
aR: andaming request. Haha!
Marlon lopez: I think something in this chapter will erase Jase permanently on your list of possible “Beh” ni Ryan.
Robert mendoza: thanks robert! :-)
marven cursat: Thanks! Paki follow na lang din po ang blog ko. And to answer your question wala akong masyadong alam sa literature, isa nga yan sa loop holes ko nung high school and college eh. haha! :-)
A D A N: gustuhin ko mang gumawa ng page so you guys can be updated eh hindi ko rin siya maaasikaso. :-(
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
nga nga namn kasi kuya..mukhang kakailanganin kong pagma ECT ...bwahahaha
ReplyDeletenice chapter..mukhang babaliwin mo kami kuya..sa kakaisip kung sino si beh..hahaha
ReplyDeleteWho's that pokemon following Ryaaan?! Is it that Martin guy befooore na kapatid ni Melvin o si Melvin mismo o isa sa mga abnormal na nangrape kay Dan?!
ReplyDeleteNamiss ko ang magcomment Migs!! At syempre namiss ko rin ang magbasa. Grabe Nang makita kong tatambak na ang babasahin kong mga update. Eto ako at naabutan ko pa ang bagong update! NapakaGALING!
-IyanChan
OMG!!! Si Mike ba yun??? Si Mike??? Sino? Sino??
ReplyDeleteAng ganda talaga ng bawat chapter at ang cute ni bryan!!
Mukha ngang di nga yun ang eksenang iniisip namin..haha!gosh!si Mike na ba yun?parang ngayon ang mas magandang gawin mo Migs na i back to back ang chapters no?hihi
ReplyDeleteHindi ko na mahintay ang muling pagkikita ni Dan at Mike..makakabasa na naman ako ng mag linyang makabagbag damdamin :))
Salamat sa update and take care Migs :))
and ohhh! it's MIKEEEEE! hihihi!
ReplyDeleteHindi talaga si Mike un. Promise...
ReplyDeleteSure ako. Hahaha.
Kasi kapag si Mike un ang itatawag niya kay Dan ay Danny...
I think that was Martin...
ReplyDeleteGanda po ng chapter kuya migs!
Author Migs!
ReplyDeleteHaha sorry po, anywaytama nga siguro conclusion ko,si fubu ni Ryan aysi Mike, para sakin it all make sense, yung sabay ba pag babago ni mike with the therapy pagiging masayahin, hmmm i don't know but i have this feeling na magkilala sila ni, Since you said na Straight si martin, ihave to stick nasi mike nga yun!!
But on the other side of the story, pwedeng si Dave,Mark, or melvin?
but for sure dapat iback to back mo to, sana kasama yung part na kung how and when sila nagkakilala ni ryan.
>>oh! btw ido remember yung chapter7 talagang hinanap ko haha!! baka may name since wala at nag coconect dun sa kwento ni bryan na "ryan get kicked out d/t some frat issues! bingo! though im still on the process might be one of the three!! and if that's the case then mark and dave are closet-homophobes! right?! haha sorry sa spoiler ko can't help it kasi kahit ko nadadala sa emotions lalo na dun sa last part i feel him haha, very effective talaga ng mga story as always!
Cheers! Authot migs, feeling ko humaba nananamnXD
-aR
ayos lang yon kuya migs :)
ReplyDeletemalakas talaga ang paniniwala ko na si melvin yung "beh" ni ryan, pero syempre hula ko lang yun :)
ohhh malapit-lapit na pala matapos itong chapter na ito, I can't wait :)))))
sige and good luck :)
Joshua - first of all gusto ko munang mag OOOOHHHHH my GaawD! kase bitin na naman. parang may feeling na kasi ako na si mike yung beh ni ryan kainissssssssss...... kase hindi naman pwede sila dave at mark kasi diba wala silang pakealam kay dan so bakit magrereact ng ganun yung sumunod kay ryan. tapos gusto na niyang angkinin ngayon si ryan na may dan na siya.
ReplyDeleteI think its either mike or melvin, hindi rin naman kase pwede si martin dba kasi straight siya kagaya nga ng sinabi mo kuya. pero naku talaga kuya wag na wag si mike promise! mas gusto ko pang si melvin yung beh.
pero heto lang ha kung si mike nga yun ibig sabihin bakla na siya at kailan pa niya yan nalaman, nung ni rape niya si dan?! nakakabakla na pala ang panggagahasa ngayon hehehe pero I believe at sana nga ay totoo na hindi si mike yun
kuya plssssssssssss wag si mike, si melvin na lang plssssssssssssss :(((
joshua - i demand na tlga na back to back to back ang susunod na ipopost mo kasi maloloka ang ng di oras sa kwentong to eh
ReplyDelete~sure na talaga ako na si ____. Ung "Beh" ni ryan.
ReplyDelete~wala akong masabi sa chapter nato. This chapter made me so speachlesss!! Haha
~WaydeeJanYokio
bitin na bitin aq dto.humaygad. Akala q back2back. Cnu kaya un.
ReplyDeletenew karakter kaya yung guy? ...Dereck...
ReplyDeletewaaah! sya ung gumawa ng katarantaduhan kay dan? ang bestfrend nyang c? . . . my oh my! next chapter agad migs, he he he
ReplyDeleteoo nga noh kilala nya si dan? new character kaya?
ReplyDeleteMy god Migz! Totoo! Nakakabitin! I should have known and read your posted reply first. Usually kasi yun ang una kong binabasa prior to reading your post..hmmmmmm parang kilala ko na yung "beh" na yun. I just don't wanna be a spoiler haha :)) forget about mikee, i want Dan and Ryan na magkatuluyan.. :) wala bang back-to-back chapters? Pleeeeeeeease.. Hehee :p
ReplyDelete-gavi :)
tingin ko si martin yung ex ni ryan.
ReplyDeletehahahah...isa ako sa mga unang nkapag basa ng bagong update...heheh...ang ganda.... =>>
ReplyDelete"Xian"
its Mikee!!!!! Yey magmeet na sila!!!scary-crazy! Tnx Super Migs
ReplyDeletewell.. parang gets ko na yung tungkol sa deletion part..ahaha nagmamatalino lang...lels..pero mamimiss ko ang puno ng santol:((
ReplyDeletegrrrrrr.. sino siya?
ReplyDeletekalurkey naman...
Waaaaah you left me hanging again migz. sorry medyo busy lately kaya ngaun lang ako na kapag read at nakapagcomment.
ReplyDeleteThe story is turning its tide and I think it will greatly affect Dan kaya minsan totoong mahirap takasan ang nakaraan. I hope Dan is prepared for the worst.
Have a great day and I will wait for the next post.
Migs, ilang chapters pa ba 'to? Kahit many to go pa, sige lang. Nagiging interesting na yung Dan-Ryan angle and sana ma-explore pa siya nang konti, before yung mga matitindi pang kaganapan.
ReplyDelete- Edmond
P.S.: And yes, I am about to start my story within the week. (As you can see, may link na sa aking comment dito. =D)
what??? kuya migz.. sino yun???? hehehe next chapter agad... haha
ReplyDeletekuya migz.. I do agree sa ibang nag comments.. wag po si mikee.. umaasa parin kasi ako na sila parin sa huli.. since sa start.. kwento naman nilng dalawa yun ehh... okz lang kung si melvin,, na nagsisi narin sa ginawa.. heheh
DeleteOmg. Sooo intense. Love it.
ReplyDelete-icy-
wag, bka mahrapan kna mgsuklay! aq d na ngsu2klay eh, wla ng susuklayin haha
ReplyDeletebtw, who’s that pokemon?!
pakiramdam ko si mike yun..imposibleng si martin ang fubu ni ryan since he is str8..parang guguho nanaman ang mundo ni dan...pero sana si mike at dan p rin sa huli..
ReplyDeletemiggs teka lng..for good na bang hindi tutuloy ang chasing pavements or after a long time lng tsaka itutuloy
anyways kip safe miggs..stay happy..lab u