Against All Odds 2[22]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kahit
mag-iisang oras ng nakahiga si Ryan sa kaniyang kama at kahit medyo
napagod siya sa paglabas nila ni Dan nung gabing iyon ay hindi parin
magawa ng kaniyang mga mata na sumara at mahimbing ng makatulog.
Paulit-ulit kasing tumatakbo sa kaniyang isip ang magandang ngiti ni
Dan, ang malalambot na kamay nito, ang boses nitong musika sa
kaniyang pandinig at ang ugali nitong hindi papadaig sa kaniya sa
tuwing sinisinghalan niya ito.
Hindi
rin maalis sa kaniyang isip ang halos pagdampi ng mga labi nila at
ang tila ba pag-aalinlangan ni Dan na lubos niyang ipinagtataka. Ito
ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip nang makarinig siya ng
marahang pag-katok sa kaniyang pinto. Hindi niya ito sinagot, iniisip
na baka ang kapatid niya lamang ang nasa labas at mangungulit lamang
ito kapag pinagbuksan niya kaya naman laking gulat niya nang marinig
niya ang marahang pagtawag sa kaniyang pangalan ni Dan.
“Ryan?”
nagaalangang tawag ni Dan na ikinabalikwas ni Ryan sa pagkakahiga sa
kama.
“I-I'm
sorry to w-wake you up. I'll c-come back tomorrow--- I'm sorry.”
nauutal na saad ni Dan sabay tatalikod na sana nang pigilan siya ni
Ryan.
“It's
OK, Dan. Di rin naman ako makatulog---uhmm--- tuloy ka---” saad ni
Ryan na nagtulak kay Dan na pumasok sa loob ng kwarto ng huli.
0000oo0000
Namumula
ang pisngi, hindi mapakali at nakatitig lang sa kaniyang mapuputing
paa. Ganyan ang itsura ni Dan sa loob ng maglilimang minuto nang asa
loob ng kwarto ni Ryan, habang si Ryan naman ay matiyagang nagaantay
ng sasabihin ni Dan habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Maaaring
tumagal ng isang buong magdamag ang dalawa sa ganitong tagpo na hindi
napapansin ng mga ito.
“---uhmm---
I-I like to ask y-you something that's why I-I'm here.” simula ni
Dan na siyang gumising kay Ryan sa pagtitig sa mga mukha nito.
“OK.”
marahang pagpayag ni Ryan sa gustong mangyari ng huli.
“W-why
did you hold my hand the whole night while we were at the park and
inside the cab? Why do you act like a jealous boyfriend and were you
about to kiss me earlier at the front door?” lakas loob na sunod
sunod na tanong ni Dan sa gulat na gulat at natatamemeng si Ryan.
“Uhmmm---
I just felt like holding your hands---” simula ni Ryan pero agad
din siyang pinutol sa pagsasalita ni Dan.
“Please---”
pagmamakaawa ni Dan. Kitang kita ni Ryan na gumugulo ito ng sobra kay
Dan kaya naman umamin na rin siya.
“I-I
like you, Dan.” pag-amin ni Ryan sabay buntong hininga.
“Like?”
pagkukumpirma ni Dan.
“Yes.
I like you. I was attracted to you since the first time I saw you.
Pinigilan ko lang yung sarili ko because I was seeing someone at the
time. I tried hiding it by being an ass to you which is a convenient
cover since I was trying sooo hard to be an ass to my brother so our
parents would think that I hate being here and I want to transfer
back to my old school but you were acting so cute all the time that
it makes my heart melt whenever I try being an ass to you, you kept
on being so sweet even when I'm pushing you away that I can't help
but like you even more---” sunod sunod at mabilis na pag-amin ni
Ryan habang nakatingin ng daretso sa mga mata ni Dan.
“But
you're still involved with someone else.” singit ni Dan na siyang
gumulo sa isip ni Ryan.
“What?”
tanong ulit ng huli.
“I
saw you kiss this guy a few blocks away from Gustav's.” paglilinaw
ni Dan sa kaniyang gustong iparating.
Saglit
na natigilan si Ryan, hinahalungkat ang sariling utak kung kailan
maaaring naganap ang pangyayaring iyon na tinutukoy ni Dan. Kumain pa
ng ilang saglit bago pumasok sa isip ni Ryan ang huling paghahalikan
nila ng lalaking minahal niya ng ilang taon.
“That
kiss is the last kiss we shared, Dan. I broke it off with him since I
realized that I like you.” sinserong sagot ni Ryan. Ang sinseridad
na ito ni Ryan ay hindi nakaligtas kay Dan, kitang kita ito ni Dan sa
mga mata ng huli, basang basa sa mga labi nito at dinig na dinig sa
boses nito.
“Is
that why you kept on pushing me away this past few weeks?” tanong
ni Ryan atsaka dahan-dahang tumayo mula sa kaniyang kama at
unti-unting lumapit kay Dan na hindi makapaniwala sa kaniyang mga
naririnig.
“I
don't want to get into trouble if ever you're still in a
relationship. I don't want to ruin things between you and that
guy---” hindi na naituloy pa ni Dan ang kaniyang mga gusto pang
sabihin nang ilapat ni Ryan ang kaniyang hintuturo sa mga labi ng
huli.
“Does
that mean you like me too?” pabulong na saad ni Ryan saka idinikit
ang kaniyang katawan sa katawan ni Dan. Namula ang mga pisngi ni Dan,
alam niya kasing wala na siyang kawala pa at ang tangi na lang niyang
magagawa ay ang umamin, wala rin sa sariling napayuko si Dan, hindi
maisalubong ang kaniyang tingin sa mga tingin ni Ryan at nagtense din
ang kaniyang buong katawan dahil sa lapit nila sa isa't-isa.
Marahang
inabot ni Ryan ang mukha ni Dan at marahang itinaas ang tingin nito
pasalubong sa kaniyang mga tingin. Tumango si Dan bilang sagot sa
tanong ni Ryan na ikinabilis ng tibok ng puso ni Ryan na tila ba
nagtulak kay Ryan na isalubong ang kaniyang mga labi sa mapupulang
labi ni Dan.
0000oo0000
“Where
the hell did you sleep last night?!” bulaga ni Bryan na nagdulot sa
magkatabi at magkahawak kamay na si Dan at Ryan na mapatalon palayo
sa isa't isa.
“Uhmmm
I fell asleep at the couch. I couldn't sleep last night after talking
to you so I decided to watch the T.V. and fell asleep on the couch.”
nauutal na sagot ni Dan habang humaharap dito, hindi pinapahalata ang
kakaibang paglapit ng kanilang mga katawan ni Ryan kanina sa kakambal
nito.
“Yeah
right.” naniningkit matang pambabara ni Bryan kay Dan na ikinamula
ng mga pisngi ng dalawa.
“I'm
hungry. What's for breakfast?” biglang singit ni Bryan na
ikinahagikgik ni Ryan at ikina-iling na lang ni Dan matapos nilang
magpalitan ng isang makahulugang tingin.
“You
two are being weird.” singit ulit ni Bryan sabay kagat sa hawak
hawak na pandesal nang mahuli niya ang dalawa na nagpapalitan ng
makahulugan na tingin. Nang hindi nakasagot ang dalawa ay muling
nagsalita si Bryan.
“Are
you guys fucking each other now?” walang prenong tanong ni Bryan na
ikinasamid ni Ryan at ikinalambot at ikinamutla naman ni Dan.
“DUDE!”
“BRYAN!” sabay na saad ni Dan at Ryan nang makabawi sa gulat.
“That's
none of your business---” “Stop being a jerk---” sabay ulit na
protesta ng dalawa na tumagal pa ng ilang saglit. Sa dinami dami ng
sinabi ng dalawa ang lahat naman ng iyon ay idinaan na lang ni Bryan
sa pagkibit ng balikat.
“HOLD
YOUR HORSES! I was just asking you know! Dami dami niyo ng sinabi.”
kaswal na sagot ni Bryan saka nagpatuloy sa pagkain, muling
nagkatinginan si Dan at Ryan.
0000oo0000
“DAN!
ANDITO NA SI BRYAN!” sigaw ng gwardya ng Gustav's pagkatapos ng
shift ni Dan.
“MANONG!
HINDI SI BRYAN YAN! SI RYAN YAN.” humahagikgik at namumulang pisngi
na saad ni Dan habang inaayos ang kaniyang mga gamit bilang
paghahanda bago umuwi. Ang totoo niyan nung wala ng pumapasok na
customer ay tinapos na lahat ni Dan ang kaniyang dapat gawin at
tumambay na sa tapat ng bintana kung saan kitang kita niya ang gate
kung saan madalas siyang sunduin ni Bryan dati at ngayon ni Ryan.
Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita niya ang papalapit na si
Ryan, hindi mapigilan ng kaniyang puso ang tumibok ng mabilis at
hindi mapigilan ang sariling mga paa na manginig dahil sa
antisipasyon.
Ang
mga nakakatuwang bagay na ito ay hindi nakaligtas kay Jase na alam na
alam ang ganoong pakiramdam lalo pa't dalawang beses na niya itong
nararamdaman.
“Ipakilala
mo nga sakin yang kinahuhumalingan mo kaya ka hindi mapa-pirmi dito
sa restaurant nang makilatis at para malaman kung karapat dapat ba
siyang ika excite mo.” nakangising saad ni Jase sa likod ni Dan na
ikinagulat nito. Nang makita kung sino ang nagsalitang ito ay agad na
ngumiti si Dan.
Hindi
ikinakaila ni Dan sa kaniyang boss ang tungkol sa kaniyang
sekswalidad dahil alam naman niyang maiintindihan ito ng huli kaya
naman hindi magiging mahirap sa kaniya na ipakilala dito si Ryan.
0000oo0000
Hindi
na pinansin pa ni Dan ang mapanuring mga mata ng gwardya na hindi
parin naniniwala na siya si Ryan at hindi ang kakambal niyang si
Bryan na madalas nitong kakuwentuhan dahil abala na siya sa
pag-iintay sa tanging tao na kaniyang ipinunta doon. Si Dan. Iniintay
ang oras na bumukas ang kulay itim na pinto na siyang nilalabasan ng
mga nagtratrabaho doon sa restaurant na iyon.
“Hindi
ka ba talaga si Bryan?” tanong ulit ng gwardya na ikinahagikgik
naman ni Ryan.
“Hindi
po, manong. Kapatid ko po yun.” nakangiting saad ni Ryan na
ikinakunot ulit ng noo ng gwardya, hindi nagtagal at tila ba naniwala
na ito kaya naman tumango-tango na ito.
“Oo
nga, hindi ikaw si Bryan, hindi ka madaldal eh.” saad naman ng
gwardya sabay talikod kay Ryan na tila ba wala na itong gana dito
makipag-usap na ikinailing na lang ni Ryan, iniisip ang mga klase ng
mga tao na kinakaibigan ng kaniyang kapatid ay mas matindi pa ang
sapak kesa sa kaniya.
Nang
sa wakas ay narinig na ni Ryan ang pagpihit ng door knob ng itim na
pinto na iyon ay biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Dahan
dahan siyang humarap sa gawi ng pinto at pinanood itong bumukas. Nang
makita niya ang nakangiting mukha ni Dan ay hindi niya napigilan ang
sarili na mapangiti pa lalo ng malaki.
Pero
ang ngiting iyon ay unti-unting nahupa nang makita niyang may kasama
si Dan.
0000oo0000
Nangunot
ang noo ni Dan nang makita niya ang sasalubong sa kaniya na si Ryan
ay nakasibanghot ang mukha at halos mag-dikit na ang nguso at ang
matangos na ilong nito. Hindi rin nakaligtas kay Dan ang nakatiklop
nitong mga malalaking braso sa dibdib at ang pagtapik ng kaliwang paa
nito sa lupa kung saan siya nakatayo.
“Hi
Ryan!” nakangiti paring bati ni Dan kahit pa naniningkit ang tingin
nito sa kaniya.
“Uwi
na tayo.” malamig na balik ni Ryan saka lalong nanghaba ang nguso
na hindi naman nakaligtas kay Jase na alam na alam na ang kilos at
tingin na iyon.
“Yup
uwi na tayo---” masayang simula parin ni Dan sa kabila ng malamig
na salubong sa kaniya ni Ryan. “---but first I have to introduce
you to my boss, sir Jase, this is Ryan, Ryan si Sir Jase.” pakilala
ni Dan kay Jase at Ryan.
Tila
naman bumalik sa pagkabata si Jase at muling lumikot ang isip nito
para gumawa ng isang kalokohan. Nang i-abot ni Ryan ang kaniyang
kamay kay Jase ay hinila niya ito payakap sa kaniya at binulungan.
Ang lakas ng bulong na iyon ay sapat lang para sa kanilang dalawa,
malayo para sa mga tenga ni Dan.
“Huwag
na wag mong sasaktan si Dan or I swear you'll never have him.” may
lason na sabi ni Jase kay Ryan na natigilan pa saglit.
“Never.
I'll never hurt him.” balik naman ni Ryan saka agad siyang
pinakawalan ni Jase upang hindi na mahalata pa ni Dan ang kanilang
palihim na paguusap.
“Nice
to meet you, Ryan.” nakangisi pero matalim na tingin na sabi ni
Jase kay Ryan.
“Same
here.” matipid na balik ni Ryan.
“See
you tomorrow.” baling naman ni Jase kay Dan sabay yakap ng mahigpit
dito na ikinagulat ni Dan, hindi na siya nagdalawang isip pa na
ibalik ang yakap na iyon ni Jase dahil alam niyang wala itong
intensyon na masama sa kaniya. Itinuturing na niya ito at ang nobyo
nito bilang mga nakatatandang kapatid na hindi na kailangan
pagdudahan pa ang intensyon. Hindi man ito maipaliwanag ni Dan sa
sarili, pero pakiramdam niya ba ay alam nila Jase at ng nobyo nito
ang kaniyang pinagdaanan kaya naman alam niyang hindi sila nito
sasaktan.
Kinuwa
ni Jase ang pagkakataon na ito upang lalong asarin si Ryan na alam
niyang inis na inis na sa kaniya. Tumingin siya sa naka sibanghot na
mukha ni Ryan at nag-make face. Agad namang namula ang mukha ni Ryan
dahil sa galit at hindi nga nagtagal ay pinutol na niya ang
pagyayakapan ng dalawa.
“Ehem.
I would like to go home now.” malamig na saad ni Ryan.
0000oo0000
“Hey.
Why are you so quiet?” tanong ni Dan nang hindi na siya makatiis sa
pananahimik ni Ryan nang makasakay na sila ng dyip pauwi.
“Nothing.”
matipid at tila isang batang natatakot na sagot ni Ryan.
“C'mon.
You can tell me.” nagaalala ng pagpupursigi ni Dan kay Ryan sabay
simpleng abot ng kamay nito na pinakamalapit sa kaniya. Hindi
mapigilan ni Ryan na mapatingin sa malambot na kamay na iyon ni Dan
na siyang bumabalot sa kaniyang kamay. Ang paghawak na ito ni Dan sa
kamay ni Ryan ang nagtulak sa huli na itanong na ang bumabagabag sa
kaniya.
“D-do
you like him also? I-I m-mean do you like him like the way you like
me?” parang bata ulit na tanong ni Ryan kay Dan na ikinagulo man ng
isip ni Dan ay ikinabahala niya rin dahil kitang kita niya ang
pangamba sa mga mata ni Ryan.
“Huh?”
“Your
boss. Do you like him like the way you like me and like the way I
like you or are you just really close to him?” paglilinaw ni Ryan.
Saglit na naguluhan si Dan pero nang makuwa na niya ang ibig sabihin
ng huli ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.
“Is
that why you're so cold to him earlier?---” simulang tanong ni Dan,
pinipigilan ang sarili na mapatawa ng malakas. “B-because you're
jealous?” nauutal na pagtatapos ni Dan dahil sa pinipigilang tawa.
“Who
wouldn't be?! I mean, He's rich, he's handsome he has everything
every gay guy would want---” nababahala paring simula ni Ryan na
agad namang pinutol ni Dan.
“Hey.
He might be rich, handsome and everything a gay guy could ask for but
I still don't like him the way I like you because he's not you---”
simulang pagpapapanatag ng loob ni Dan kay Ryan. “---and besides,
Sir Jase is so in-love with his boyfriend it's not even funny
anymore.” paniniguro pa ni Dan kay Ryan na tila naman unti-unti ng
nagigising sa kaniyang katangahan.
“H-he
told me that I'll never have you if—if---” simula ulit ni Ryan sa
isa pa sa mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Napa-iling na lang si
Dan sa sinabing ito ni Ryan, iniisip na dahil sa gusto siyang
protektahan ni Jase ay pinagbantaan pa nito si Ryan na ikinakabagabag
naman ng loob ni Ryan.
“Shhhh---
he's just bluffing, Ry.” nakangiti ng paniniguro ni Dan kay Ryan na
hindi naman napigilan ang sarili na madala sa mga ngiting iyon ni
Dan.
“So
are you OK now? Di na magdidikit yang nguso at ilong mo?” sunod
sunod na tanong ni Dan na ikinamula ng pisngi ni Ryan.
“Yes.
I'm going to be OK.” sagot ni Ryan atsaka sila muling nagpalitan ng
ngiti. Ang mga magagandang ngiti na iyon ang nagbigay ng isang
magandang ideya kay Ryan na siya namang nagtulak sa kaniyang susunod
na gagawin.
“Manong
para!” malakas na saad ni Ryan na ikinataka ni Dan at ikinatigil
naman ng kanilang sinasakyang dyip.
“Pero
hindi pa tayo dito bababa, Ry.” pigil naman ni Dan.
“Basta!”
parang batang excited na excited na saad ni Ryan sabay hila pababa
kay Dan ng dyip.
0000oo0000
“Time
for a change of scenery.” nakangiting saad ni Ryan sa takang taka
parin na si Dan habang naglalakad sila papasok sa isang ferry.
“I
don't think this is something to be called a scenery.” kunot
noong saad ni Dan saka iginala ang tingin sa paligid ng ferry kung
saan madaming batang kalye na nagkalat malapit sa daungan ng ferry
pati narin ang gabundok ng basura na amtagal ng hindi nakokolekta
malapit sa pinaglalaruan ng mga batang ito. Narinig ni Dan na
humagikgik si Ryan kaya't tinignan niya ito ng mariin.
“Believe
me it'll get better.” matipid na saad ni Ryan sabay pisil sa kamay
ni Dan na ikinangiti at ikinamula ng pisngi ng huli.
Hindi
nagtagal ay umandar na nga ang ferry, hindi nagtagal at nag-iba na
nga ang paligid, andyan ang mga likod ng isang malaking paaralan, mga
tulay na puno ng kotse dahil sa trapik, mga tore ng simbahan na hindi
niya napapansin kung sa dyip siya nakasakay pauwi at mga likod ng
nagtataasang building na ibang-iba sa harapan nito dahil sa
natatakpan ito ng mga naglalakihang billboards sa high way. Mukha man
itong ordinaryo ay kakaiba ito para sa nakasanayang tagpo ni Dan,
hindi niya inakala na makikita niya ang kagandahan ng mga ito sa
ibang anggulo.
“Wow.”
saad ni Dan na ikinangiti na lang ni Ryan.
“There's
more.” saad ni Ryan na lalong ikinangiti ni Dan.
“There's
more?” parang batang hindi makapaniwalang tanong ni Dan na
ikinatango naman ni Ryan.
“Look.”
Pagkalingon
ni Dan sa bintana ng ferry ay hindi niya napigilan ang sarili na
mamangha. Ang bahagi na iyon ng ilog ay walang kahit na anong gusali
na nakatayo, napanatili ng kung sino mang nangangalaga dito ang mga
puno at halaman na karaniwang makikita sa tabi ng ilog sa mga
probinsya. Lalong nanlaki ang mga mata ni Dan nang makita niya na
tila ba sinilaban ang isa sa mga matataas na puno na iyon dahil bigla
itong nag-ilaw.
“Those
are not christmas lights either.” bulong ni Ryan sa manghang mangha
na si Dan. Ilang pulgada lang ang layo ng bibig ni Ryan mula sa
tainga ni Dan kaya naman gulat na gulat si Dan na humarap kay Ryan
dahil akala ng huli ay malayo ito sa kaniya.
Nang
biglaang humarap si Dan ay agad na nagtama ang tingin ng dalawa.
Saglit lamang ang itinagal ng titigan na iyon dahil wala sa sariling
inabot ni Ryan ang mukha ni Dan at dahan dahan na inilapit ang
kaniyang mga labi sa labi ng huli. Sabay na napapikit ang dalawa bago
pa man magsalubong ang labi ng mga ito.
Nang
magtama ang labi ng dalawa ay hindi nila mapigilang maramdaman ang
mabibilis na pagtibok ng kanilang mga puso, ang pakiramdam na tila ba
ang kanilang ginagawang iyon ay isa sa bagay na kanilang matagal ng
pinkahihintay. Hindi lang maalab ang halikan na iyon, punong puno din
ito ng emosyon at walang pagaalinlangan.
Itutuloy...
Against All Odds 2[22]
by:
Migs
Hey guys! Sorry at inabot nanaman ng ilang araw ang pag-a-update ko, busy...busy...busy. Sensya na talaga, guys! Parang napapadalas na na ganito ang opening spills ko. :-( Sorry talaga.
ReplyDeleteENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
AT ANG PINAKABAGO SA MGA I-E-ENDORSE KO AY ANG FACEBOOK PAGE NI JOSHUA.
http://www.facebook.com/MgaKwentongBawal
Jonas Mejia: Sana dito rin sa chapter na 'to kiligin ka. :-)
Lawfer: ayan na ang alin? :-))
Rascal: sorry kung medyo napatagal nanaman. :-(
frontier: meron talagang naisip ikaw na phone conversation, ah?! :-)
--makki--: sulitin niyo na yang mga sweet moments na yan. Sa susunod wala na yan. Hihi.
Foxriver: hehe, narinig ko lang somewhere. :-)
marven cursat: iniintay mo ba ang pagbabalik ni Mike? :-) Thanks! :-) Trabaho-trabaho din. Haha! :-)
aR: hindi pa siya dito magpapakilala. :-P
Ryge Stan: Ryan will help Dan but Ryan will also break him soon. :-( SPOILER ALERT! SPOILER ALERT! :-P
Edmond: I would like to congratulate you, Bro! Looking forward sa success ng blog mo though wala pa akong makuwang time to visit it. Pero promise I'll visit and follow it! Congrats again and good luck! :-)
riley delima: alam na alam niya na talaga na lalabas pa si Mike ah? :-)
Joshua: huwag na. Baka di ko rin siya ma-maintain eh. Hihi. Nakakahiya naman na ikaw na nga ang gagawa, ikaw pa ang magme-maintain. :-) Ayos na ako sa paganito-ganito lang. :-) Thanks anyway! :-)
russ: I think you already know the answer to your question.
Waydeejanyokio: baka maging sila? Baka maging hindi? Haha! SPOILER ALERT!!!
frostking: salamat frostking! I hope hindi dahil da tagal ng update ko kaya ka naging silent reader ulit? :-(
Johnny Quest: may story line agad? Haha! Try mo kaya magsulat ng story? Malay mo diba? Maging tulad ka na ni Edmond na maglalabas na ng blog page! :-)
Jiru: I love it too.
Therese Llama: baka nga si Mike pero baka hindi. Haha! :-P Thanks!
Pink 5: of the century agad? Di ba pwedeng of the year muna? :-)
robert mendoza: magiging maganda naman pero ang totoong tanong? Magtatagal ba? :-)
ANDY: intayin mo na lang siguro ang pagbabalik ni Mike? :-P
adik_ngarag: haha kung pipilitin mo pa ako baka madami pang sumunod na kilig moments. Haha!
Gavi: more sweet moment to come? Gusto mo ba yun? Haha! :-)
Ej Jasmin: thanks! I hope you already followed my blog atsaka sana po lagi ka ng mag-comment! Salamat po! :-)
akosichristian: Where the hell have you been dude? Namiss ka namin! :-) Welcome back!
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Thankfully, I saw this blog entry when I refreshed my feed reader kaya yey first comment! =D
ReplyDeleteI just wanna enjoy what I read this chapter dahil alam kong babalik na si Mike any moment and magpapakilala na si ex-beh ni Ryan.
- Edmond
P.S.: 8 episodes na ng first series ko ang nag-aabang sa inyo. Hahaha!
AutHor Migs!
ReplyDeleteKILIG MUCH! -VG
hehe...cute yun lang..wala ako masabi..
TEens ugh..haha..how come your stories have this kind of romance while me here feels forever aloneXD
anyways excited pa rin sa upcoming comeback, kung sino man yan :D
-aR
ahhh to be young
ReplyDeletesweet ni ry ^w^
tama talaga ang feeling ko tuesday ang labas nito ehh..tuloy di ako naunang nagcomment..haha kinilig ako...
ReplyDeletewow nakakakilig nmn....sana wag lokohin ni ryan c dan..........anong nangyari kay mikee......hheheheehehe?
ReplyDeleteThis would be my first time to comment on your blog after a reading-marathon on your previously published fictional novels. I really like the way you write your stories...aside from the kilig moments and the witty conversational dialouges, you seem to easily utilize and establish the relationships each major role character that you introduce in each sequel of your fictional novels and interconnected them to your future novels. :D
ReplyDeleteAside from those said facts that I admire about your writing style, Against All Odds 2 seems to be my most favorite! The way you have injected realism wrt to the effects of a being gang raped, bullied and denied of justice seem to mirror factly the harshness of our societu today. Thanks so much! Kudos! b(^-^)d
DeleteAlam mo naman, ang galing mo naman kasi sa mga twists, kaya di na ako magtataka kung masasaktan ni Ryan si Dan. Hindi na ikaw ito kung hindi mangyayari ito. Hihi
ReplyDelete-frontier
i know someone is watching them..tama ba migs? kilig much ang scene!
ReplyDeletesana ganyan sa pinas talaga ung u can kiss your loveone in public..na hindi ka takot na may mandiri sa ginawa nyo..
ito yun ihh..ito ang gustong kong part..mga kilig na ganyan..hihihi..feeling ko lang din naman Migs na lalabas si mike,anytime soon..haha!
ReplyDeletebasta i really love this chapter..thanks sa update Migs..take care :))
"Ryan will help Dan but Ryan will also break him soon."--bat ganun parang naffeel ko si Mike yung kanyang FUBU...kawawa nman si Dan kung hihiwalayan din sya ni Ryan pero kung mangyari man yun at least natulungan sya ni Ryan. Ganunpaman magiging masakit yun kay Dan...
ReplyDeletenext na kuya Migz hehe.tc
Eee! Edi sila na! Sila na masaya! Hehe. Mas kyut pag sila nalang magkatuluyan sa huli. Pero wag lang umabot sa moment na may mamatay.. Hihi
ReplyDeleteYap kuya migs.. Tagal na akong follower mo. :)
Shoot is that for real migz? Sasaktan din ni Ryan si Dan? Pity Dan, I don't know what will happen to Dan if that happens. I hope malagpasan pa rin niya.
ReplyDeletekeep up the good work migz and enjoy your week.
Sana ending nlng to... ayoko nang mahirapan pa si dan. :(
ReplyDeleteDi ako nag silent reader dahil matagal ang mga updates mo..
Trip ko lng tlgang manahimik.
Waaa.. Migs, mula sa simula yung pag-grin ko consistent! Sobrang kiliggg talaga. Asa lobby ako ng office namin habang nagbabasa nito at siguro tingin nila sa akin baliw, kasi sobra yung ngiti ko at tawa. Feeling ko ako si Dan! Haha ang lande ko. :p
ReplyDeleteBest chapter dahil sa kilig moments. May ganito pa ba? Or pamellow na?
Naku. Naku. I tried to write Migs, pero nakakatulugan ko nalang ang pagbabasa at nawawala na ang trail of thoughts. Kalokers.
Thanks sa update. Have some rest pala. :)
~yaay! .. Haha naalala ko tuloy si vice sa ggv(KILIG MUCH) HAHA
ReplyDelete~anyway feling ko my nakamasid sa mga moment nila ry-dan .. Sana sila nalang .. Pero bkt my doubt ako nung sinabi mung "masasktan din sya ni ryan". Haha ah bsta .. Go for it dan!!
~WaydeeJanYokio
~at anu ang mangyayri s pagbblik ni mike?. Btw pasensya kung naka 3post ako sa coment q last update. Ayaw kc ma publish ung pgkahaba2ng coment. Hehe kya un. Gaya nito hihi :)
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
Isn't it that the FUBU of Ryan was Melvin? Now...I'm a bit confused :))
ReplyDeleteKuya Migs, does it mean that Mike is really meant for Dan? That when he raped Dan....Mike did it because of love or was it merely out of lust? Thanks! :D
Thankzz sa appreciation kuya migzz... actually hindi nga ako adik sa blog mu ehh.. hahaha later nakong mg coComment sa kwento ah.. basahin ko nalang sa bahay :)
ReplyDeletenung kailan kulang kasi nadiscover ung site nato,kaya binabasa ko yung mga dating kwento na post moh :)
nagulat ako sa chasing pavements kasi kwento moh pala.. hahah ang drama lang nang buhay???!!!.. pang MMK ang story mo migz.. hehehe,, hindi ako natulog nun.. tinapos ko kasi yung apat na books tapos sinunod ko ang love at its best.. na intriga lang sa edward moh.. hehehe the best ang lovelyf at mga friends moh...
nagtataka nanga ka office mate ko kung ngdadrugs nadaw ako.. kasi mukha nakong zombie pagpasok sa office.. well worth it naman.. savi kunlng sa sarili ko.. kanya kanya lng ng trip.. eto trip ko eh.. hahaha
I will post a comment, once na mabasa kuna itong episode nato..
oo nga pansin ku nga rin eh.. may katagalan ang pag post mo.. okz lang naman,.. nakikibasa lang kaya ako dito.. haha.. magrereklamo paba ko??? well sana hindi love life na naman yang problema mo now kaya ka nadedelay.. hehehe Gudluck Migz :)
nice.. migz.. very light lang ngayun ang kwento.. heheh finally naging sila din.. but mikee will come back.. hahah.. mukha ngang si martin ang fubu dati ni ryan before.. hehehe
Deletekinilig na naman ako! nice, migs!
ReplyDeletehehe, kasi idol nagbakasyon ako jan sa pinas, inabot din ako ng 7weeks, kaya nagmarathon ako agad pagbalik ko.. :p
ReplyDeleteyay! more!
ReplyDeletesbi na nga b eh, namatay asawa ni jase na aar0n pero cnu kya ung bgo nia c roby b?
ReplyDeleteHmm. i think c martin ung fubu ni ryan eh...
by the way waiting 4 nxt chapter
sbi na nga b eh, namatay asawa ni jase na aar0n pero cnu kya ung bgo nia c roby b?
ReplyDeleteHmm. i think c martin ung fubu ni ryan eh...
by the way waiting 4 nxt chapter
kiligness on every part of this chapter.. hahaha
ReplyDeletesuper can't wait sa mga revelations of this story.. haay
sino kaya sa huli ang magkakatuluyan.. i don't wanna over think it,, :)
God bless.. -- Roan ^^,
Kuya, sorry kung ngayon lang ako naka comment. nabasa ko na kasi to ng maaga pero hindi nag-comment kasi nung nabasa ko yung comment mo na iiwan ni ryan si dan parang nawalan na ako ng gana magbasaa kasi gusto ko talaga na sila magkatuluyan eh....
ReplyDeleteabout naman duon sa sinabi ko na kung pwede gagawan ko to ng page sa FB, pumayag ka na kuya, hindi lang naman ako ang magme-maintain nun eh. syempre open rin ako sa iba pang pwede maging admin. kunyare itong mga silent readers mo pwede silang maging admin para naman hindi hastle.
naisip ko rin kase na its my another way of showing of support. malay mo kuya mas dadami pa ang followers mo sa blog mo di ba?
- JOSHUA
hay salamat at umamin na si Ry at Dan...at nag kiss YEY!!!!!!....paano na si Mikee?:(
ReplyDeleteMooooooooore! :) thanks, sir.. Late lang nag comment :D di ko na talaga alam mangyayati sa story.. Waaaaaaaaaaah
ReplyDelete-- gavi :)
nako excited na ko malaman yang fubu ni ryan..asan na ba si mike??
ReplyDeletekilig much nman tong chapter na to miggs..sana ganito na lng palagi..hayaan na yang mga bad moments na yan...sana kung saktan mn ni ryan si dan wag naman masyado baka ni kyanin ni dan