Against All Odds 2[17]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi na nagawa pang sumagot ni Dan. Ayaw niya kasing pumatol sa naka-inom kaya naman pinalagpas na lang niya ang tinototyo nanamang si Ryan. Muli siyang tumalikod dito at ipinagpatuloy na lang ang pagluluto ng shanghai, hindi nagtagal ay nakarinig na si Dan ng pagsinghap bilang tanda na hindi natuwa si Ryan sa kaniyang pagtalikod dito habang nag-uusap sila at hindi pagsagot sa tanong nito.


Hindi na nagulat pa si Dan nang marinig niya ang pabalang na pagbagsak ng pinto ng kwarto ni Ryan, kasunod ang ingay na tila ba may nagwawala sa loob ng kwarto nito. Hindi na ito bago pa kay Dan sapagkat alam niyang nasasagi lamang ni Ryan ang mga gamit na iyon kaya't nagkakalabugan, ilang beses na niya ito nasasaksihan kaya't di na siya nababahala pa na baka nasaktan si Ryan sa tuwing nangyayari ito.

Kaya naman ipinagpatuloy lamang ni Dan ang kaniyang pagluluto. Nang makaluto na ay nag-ahin na siya at umupo na upang kumain sana pero nang maalala niya na hindi pa nga pala niya naaalok si Ryan kumain kahit alam niyang tatanggihan lamang siya nito ay muli siyang tumayo at tinungo ang kwarto ng huli.


Ilang beses pang kinatok ni Dan ang kwarto ni Ryan ngunit hindi ito sumasagot. Dati rati sa tuwing kakatukin niya ito, hindi man siya nito pagbuksan ay maguusap sila habang nakasarado ang pinto pero sa puntong iyon ay ni pasinghal na pagtanggi ay hindi nagawa ng huli kaya naman wala sa sariling pinihit ni Dan ang door knob ng pinto ng kwarto ni Ryan.


Ryan?!”


000oo000


Pagkalabas na pagkalabas ni Mike sa pinto ng clinic ni Cha ay wala sa sarili siyang napa buntong hininga, natutuwa sa sobrang pag gaang ng kaniyang loob matapos ang ilang session sa kaniyang therapist. Andun parin ang paminsan-minsang pangongonsensya sa sarili, andun parin ang mga tanong at pagaalala kila Lily at Dan pero sa tulong ni Cha ay madalang na ito.


Ayaw man niyang ibaon sa limot lahat ng kaniyang masasamang bagay na nagawa sa best friend at sa ina nito ay hindi naman niya ito mapipigilan lalo pa't ang payo sa kaniya ni Cha ay dapat muli na siyang mabuhay para sa sarili niya dahil mukhang ito na ang ginagawa ng kaniyang tita Lily, hindi man niya masabi na ito rin ang ginagawa ni Dan dahil sa magpasahanggang ngayon ay wala parin siyang balita dito ay iniisip na lang ni Mike na asa maayos itong kalagayan dahil kung hindi, gaya ng sinabi ni Cha sa isa sa kanilang mga session ay ikababaliw niya at ikalulunod sa depresyon ang pag-iisip ng mga bagay na iyon.


Everything is OK now.” saad ni Mike sa sarili saka naglakad palayo sa clinic ni Cha.


Everything is OK now.” saad muli ni Mike sabay ngiti. Ngiting naaayon sa gaang ng kaniyang loob na nararamdaman ngayon.


000ooo000


Mabilis na nilapitan ni Dan ang nakahandusay na si Ryan sa sahig ng sariling kwarto. Agad niya itong itinihaya at tinignan kung meron itong mga sugat lalong lalo na sa ulo sa pag-iisip na baka tumama ito sa matigas na bagay nang mawalan ito ng malay, nang masigurong wala itong sugat at mukhang ayos naman ay sinubukan niya itong gisingin ngunit tanging isang hindi maintindihan na salita lang ang ibubulalas nito saka muling matutulog ng malalim.


Ughhh.” sagot ni Ryan sabay tulog ulit na ikina-iling na lang ni Dan.


Ryan, sasakit ang katawan mo dito sa sahig dapat sa kama ka na humiga pero kailangan mong tulungan ang sarili mong tumayo dahil hindi kita kayang buhatin.” naiinis ng saad ni Dan ngunit hindi na talaga maintindihan pa ang mga salitang sinasabi ni Ryan.


Kaya't wala man lakas pa ay pilit paring itinayo ni Dan ang may kalakihang si Ryan at inalalayan ito pahiga sa kama. Dahil sa bigat at doble ang laki ng katawan ni Ryan sa katawan ni Dan ay hindi naiwasan ni Dan ang mawalan ng balanse kaya't hindi sinasadyang bumagsak ang katawan ni Ryan sa kama na lalong nakapag-pahilo dito.


Saglit na binuksan ni Ryan ang kaniyang mga mata, nung una ay akala ni Dan na sisinghalan at sisigawan ulit siya ni Ryan pero nang nakita niyang naduduwal ito ay agad niya itong itinagilid upang hindi ito mabulunan sa sariling suka at para hindi narin nito masukahan ang kama.


Bakit naman kasi iinom-inom hindi naman pala kaya!” singhal ni Dan habang hinahagod ang likod ni Ryan.


Nang tumigil na sa pagsusuka si Ryan ay inayos niya na ito ng higa saka kumuwa ng bimpo upang linisan ito. Hindi na sana niya ito papalitan pa ng damit pero may mga bahid ng suka sa mga damit nito kaya naman wala na siyang nagawa pa kundi ang palitan ito ng damit. Hindi napigilan ni Dan ang pagmasdan ang makinis na balat at magandang katawan ni Ryan.


Ano bang ginagawa mo, Dan?!” umiiling na tanong ni Dan sa sarili na miya mo ginigising ang sarili sa isang masamang panaginip. Matapos mapakalma ang sarili ay saka siya kumuwa ng malinis na t-shirt sa aparador ni Ryan at isinuot ito sa tulog na tulog paring si Ryan.


Matapos linisin ni Dan ang pinagsukahan ni Ryan ay saka siya naglinis naman ng sarili atsaka itinuloy ang pagkain. Habang mag-isang kumakain sa hapag kainan ay hindi maiwasang isipin ni Dan ang dahilan kung bakit madalas maglasing si Ryan gayong mukha naman itong walang problema, ilang dahilan pa ang sumayad sa isip ni Dan habang kumakain siya at naghuhugas na siya ng pinagkainan ng matandaan ang nabanggit sa kaniya noon ni Bryan.


I'm sorry. My brother took and locked the room that's supposed to be yours. He's not supposed to be here, he was expelled from his last school because of some fraternity trouble.” ang natatandaan ni Dan na unang pakilala ni Bryan sa kaniyang kapatid na si Ryan nung una palang silang magkakilala nito.


Sumagi tuloy sa isip ni Dan na baka kunektado ang nangyari noon sa pagkakaganun ni Ryan lalo pa't nakwento rin ni Bryan na hindi ganun si Ryan noon. Naisip niya na hindi talaga gusto ni Ryan ang lumipat ng unibersidad at ang pagtira ngayon nito kasama ang kapatid ay nakapagpapaalala ng buhay niya ng wala itong kasama, walang nagbabawal at may mga nakakaintindi sa kaniyang trip.


Baka yun nga yung reason.” saad naman ni Dan saka ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato.


0000oo0000


Mag-e-enroll ka na bukas ah.” nakangiting saad ni Obet sa anak nang makita niya itong nagbabasa ng libro. Agad na ibinaba ni Mike ang kaniyang binabasang libro atsaka lumapit sa ama upang mag-mano.


Opo.” excited na sagot ni Mike na hindi naman nakaligtas kay Obet.


Good. Give it your best shot, anak.” nakangiti paring saad ni Obet sa anak sabay yakap dito. Hindi nagtagal ay bumitiw narin si Obet sa yakapan na iyon ng kanilang anak, hindi maitago ang kasihayan na nararamdaman samuling pagbabalik ng kaniyang anak.


Nakangiting pinanood ni Mike ang ama na maglakad palayo, nang masigurong hindi na ito babalik pa upang silipin siya ay wala siya sa sariling lumakap papunta sa bintana ng kaniyang kwarto at tinanaw ang katapat na bahay. Madilim na madilim ito, napabuntong hininga si Mike, alam niya kung bakit tila abandonadong bahay ang bahay nila Dan gayong andun naman si Lily sa loob.


Tita.” malungkot na saad ni Mike sabay talikod at bumaba papunta sa kusina.


0000oo0000


Simula pagkabata ay alam na ni Mike kung asan ang switch mi-ultimo ang taguan ng pera sa bahay nila Dan kaya naman hindi siya nahirapan na buksan ang bawat ilaw na dapat buksan sa bahay na iyon nila Lily. Hindi siya nagkamali, andun nga sa loob si Lily, ngunit tulog ito. Tulog sa may salas, may mga basyo ng alak na katabi at umaalingasaw sa amoy ng alkohol.


Ayon sa kaniyang ina ay matagumpay naman daw ang dinadaluhan nilang mga support group pero alam din ni Mike na masyadong malakas ang hatak ng depresyon lalo pa't wala kang kasama sa bahay. Alam niyang mas nahihirapan kesa sa kaniya ang kaniyang tita Lily sapagkat anak niya ang nawawala pa hanggang ngayon at maski sabihin ni Mike na kailangan na nitong mabuhay para sa sarili ay hindi parin ito madali kay Lily dahil alam niya ding si Dan ang buhay nito.


At dahil sa alam nga ni Mike na hindi nga ito madali ay pinadadali na lamang ito ni Lily sa pamamagitan ng paginom.


I'm so sorry, tita.” malungkot muling saad ni Dan saka kinumutan si Lily matapos itong iwanan ng pagkain sa may lamesa.


Papalabas na sana siya ng bahay nang makasalubong niya ang kaniyang ina.


I heard the front door close after you so I decided to follow.” malungkot ding saad ni Brenda habang sumusulyap-sulyap sa tulog na tulog na si Lily.


It's all my fault.” mangiyakngiyak muli na saad ni Mike.


Shhhh--- we'll help them. I'll bring her to more support groups. I'll make her stop drinking even if it means flushing all the liquors in this house. W-we'll make it up to them.” tila pangungumbinsi ding saad ni Brenda sa sarili saka iniyakap ang kaniyang katawan kay Mike. Hindi ipinapakita ang kaniya ding tumutulong mga luha sa kaniyang anak.


0000oo0000


Nang hindi na maintay pa ni Dan si Bryan dahil sa sobrang antok ay nagpasiya na siyang matulog na ngunit papasok na siya sa kanilang kwarto nang maalala niya si Ryan at wala sa sariling silipin kung OK lang ito. Napansin ni Dan na hindi na ito nakukumutan kaya naman pumasok siya saglit sa kwarto nito at kinumutan ito.


Laking gulat ni Dan nang biglang hablutin ni Ryan ang kaniyang kamay at pilit siyang pinahiga sa tabi nito. Wala sa sariling tinignan ni Dan ang mukha ni Ryan at nakita niyang tulog na tulog parin ito. Hindi nanaman niya tuloy mapigilang isipin kung nagbibiro o nantritrip lamang ba ito o talagang tipikal lang na lasing ito na hindi alam ang ginagawa. Sinubukan ni Dan na bumangon mula sa tabi ni Ryan pero iniyakap na nito ang sarili sa kaniyang katawan.


Please stay.” tila isang batang nagmamakaawa na bulong ni Ryan sabay yakap ng mahigpit pa kay Dan.


Ipagpipilitan parin sana ni Dan na makawala sa mga yakap na iyon ni Ryan kaya lang ay naunahan siya ng masarap na yakap na iyon ni Ryan. Matagal na niyang hindi nararamdaman ang ganong klase ng yakap, yakap na tila ba nagsasabing hindi ka pakakawalan ng kung sino mang nakayakap sayo, yung yakap na nagsasabing ligtas ka kahit ano pa mang mangyari.


Pakiramdam ni Dan ay mas panatag at ligtas siya sa yakap na iyon ni Ryan kesa sa yakap ni Bryan kaya naman hinayaan na lang niya muna si Ryan na yakapin siya, iniisip na kapag lumuwag-luwag na ang yakap nito ay makakaalis din siya doon.


Ngunit hindi lumuwag ang yakap ni Ryan kaya naman dahil sa antok ay hindi narin napigilan ni Dan ang pumikit-pikit saglit at ipahinga ang kaniyang mga mata pero bago pa man siya tuluyang makatulog ay muli pang nagsalita si Ryan.


Thanks for staying, beh--- ”


Bago pa tuluyang lamunin ng antok si Dan ay hindi niya maiwasang isipin kung gaanong ka swerte ng babaeng tinatawag na beh ni Ryan at may isang Ryan na magtatanggol at magmamahal sa kaniya.


0000oo0000


I'm home!” sigaw ni Bryan pero wala ng Dan na sumalubong sa kaniya. Nagkibit balikat na lamang siya at nagtungo sa kusina upang malaman kung ano ang kaniyang pwedeng makain. Nang makakita na ng kakainin ay nagsimula ng isa-isahin ni Bryan ang mga kwarto, pinakahuling sinilip ni Bryan ang kanilang kwartong dalawa ngunit hindi na siya nakarating doon sapagkat nakita na niya si Dan na tahimik at tulog ng yakap yakap ng kaniyang kakambal.


Hindi mapigilan ni Bryan ang mapangiti.


Good night guys.”


0000oo0000


Nagising si Ryan ng makaramdam siya ng sakit ng ulo pero ang sakit ng ulo na iyon ay natalo ng hindi maipaliwanag na pakiramdam nang maabutan niya ang payat na katawan ni Dan na nakayakap sa kaniya habang ginagawa nitong unan ang kaniyang malaking braso na miya mo may mananakit dito at kailangang kailangan nito ng magliligtas sa kaniya. Agad na napawi ang inis niya dito nung hindi siya nito sagutin at talikuran na lang basta nung naguusap sila, lalo pa nang makita niyang nilinis nito ang kaniyang suka at pinalitan siya nito ng damit. Matapos ang tahimik na pasasalamat ni Ryan kay Dan ay pinagmasdan pa saglit ni Ryan ang maamong mukha nito at wala sa sarili siyang napangiti at ang kaninang masakit na ulo na siyang gumising sa kaniya ay tuluyan ng nakalimutan, siniksik niya pa ang sarili sa katawan ni Dan at natulog muli.


0000oo0000


Maliwanag na nang magising si Dan, nang igala niya ang kaniyang mata ay saka niya napansing napalitan na pala ang kanilang pwestong dalawa ni Ryan simula nung nakatulog siya noong nakaraang gabi. Hindi na si Ryan ang nakayakap sa kaniya kundi siya na ang nakayakap dito na tila ba isa siyang batang hindi marunong lumangoy na kapit na kapit sa kaniyang salbabida. Nang mapagtanto niya kung ano ang kaniyang ginagawa ay dahan dahan niyang inalis ang mga kamay sa pagkakayakap sa matipunong katawan ni Ryan, laking pasasalamat na pinakawalan na siya nito at hindi na muli pang hinila upang mapahiga lalo sa kama.


Nang makabangon na ay saglit pang pinagmasdan ni Dan ang maamong mukha ni Ryan, ngayon ay hindi na makapaniwala na hinayaan niya ang sarili na doon matulog dahil sigurado siyang magagalit ito sa oras na malaman nitong sa iisang kama lang sila natulog.


Habang ipinagdadasal ni Dan na walang maalala si Ryan sa nakaraang gabi ay tahimik narin siyang lumalabas sa kwartong iyon.


0000oo0000


Pagkasilaw sa sinag ng araw na nanggagaling sa sariling bintana ang gumising kay Ryan, saglit niyang kinusot ang kaniyang mga mata at iminulat ito. Tila may isang bagay na hinahanap ang kaniyang mga kamay at kinapa kapa nito ang kabuuan ng kaniyang kama, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkadismaya nang hindi niya nakita sa kama ding iyon si Dan.


Hindi man maipaliwanag kung bakit ay naiinis paring bumangon si Ryan at pumunta sa kalakip na banyo upang maghilamos at maghanda na para sa panibagong libreng araw na iyon ng kanilang sem break. Iniisip na ang hindi maipaliwanag na pagkadismayang iyon ay mawawala sa oras na nagsimula ulit siyang gumala.


Naiinis parin si Ryan na lumabas ng kwarto matapos maligo at magbihis pero nang mapatapat siya sa bungad ng kusina ay agad siyang napatigil at napangiti. Sa may kusina habang naghahanda ng makakain para sa agahan ay si Dan na kumakanta at may pasayaw-sayaw pang ginagawa habang si Bryan ay kunot noo mang nanonood dito ay hindi rin mapigilan ang sarili na mapangiti.


Sino nga bang hindi matatawa sa wala sa tonong pagkanta ni Dan ng mga kanta ng maroon5 at ang saliwa nitong mga paa sa pagsasayaw. Nasa ganitong tagpo naabutan ni Dan si Ryan nang bigla siyang humarap upang ilagay na sa hapag kainan ang kaniyang nalutong scrambled egg. Nagtama ang tingin ng dalawa. Hindi pareho mapigilan na mamula ang mga pisngi, si Dan dahil sa napanood ni Ryan na kahihiyang ginawa niya at si Ryan naman sa hindi maipaliwanag na dahilan.


Ehem! Hindi lalapag yang itlog na yan ng kusa sa plato ko at hindi rin yan magic na papasok sa bibig ko.” natatawang singit ni Bryan sa pagtititigan ng dalawa.


Agad namang pinutol ng dalawa ang pagtititigan na iyon, si Dan ay isinalin na ang kaniyang mga niluto sa nakaahing plato habang si Ryan naman ay nagpasya na lang na tumalikod na at lumabas ng apartment upang maggala. Ibinaling ni Dan muli ang tingin sa kanina lang ay kinatatayuan ni Ryan at hindi mapigilang madismaya nang hindi na niya ito nakita don. Nakasibanghot nang umupo si Dan sa tapat ng kinauupuan ni Bryan at nagpasiyang kumain na lang.


Para kang tanga, Dan! Straight yan! Straight! Saka hindi mo pa nga alam ang intensyon niyan sa oras na maging magkaibigan na kayo!” pangongontrabida ni Dan sa sarili kaya't hindi niya napansin ang pag-isod ng isang upuan sa kaniyang tabi. Pumikit na si Dan at nag-antanda para sa nakasanayang pagdarasal bago at pagkatapos kumain.


God is Good. God is Great. Thank You Lord for all these grace.” dasal ni Dan sa sarili, hindi alam na sa oras na dumilat siya ay may ipagpapasalamat pa siyang muli.


Can I have some fried rice?” tanong ng kauupo lang na si Ryan na ikinagulat ni Dan at ikinailing pero ikinangisi naman ni Bryan.


S-sure.” namumulang pisngi na sagot ni Dan.


Nagtama ulit ang tingin ng dalawa na tila ba ang pagtititigan na iyon lamang ang dahilan kaya't ginawa ang kanilang mga mata.


Hindi napigilan ni Bryan ang mapahagikgik habang pinapanood ang dalawa.


0000oo0000


So why are you and Ryan sleeping on the same bed?” tanong ni Bryan na muntik ng ikatalon ni Dan sa sobrang gulat, mabuti na lang at nasalo pa ni Bryan ang plato na kaniyang sinasabon kung hindi ay baka nabasag pa ito.


He was drunk last night and he pulled me at his side, calling me 'beh'. Nananaginip siya sa makatuwid at dahil gadambuhala kayong dalawa, hindi na ako nakaalis sa yakap niya.” tapat na pagpapaliwanag ni Dan, ngunit kahit gaano pa man ka-tapat ng pagpapaliwanag niya ay hindi parin ito kinagat ni Bryan.


yeah right!” sigaw ni Bryan.


Tanong tanong ka diyan tapos di ka maniniwala.” pambabara ni Dan na ikinahagikgik lang ni Bryan.


Oi! Nga pala tuloy tayo mamya sa perya ah!” sigaw ni Bryan sabay upo sa sofa at nanood ng TV, pinapasok ng ilang malikot na ideya ang isip.


Oo!” sigaw naman pabalik ni Dan.


0000oo0000


Dan! Andito na sundo mo.” tawag ng gwardya ng Gustav's kay Dan. Gwardya na madalas ka-kwentuhan ni Bryan sa tuwing dadaanan siya nito galing sa pag-gagala upang sabay na sila pauwi.


Saglit lang!” sigaw naman pabalik ni Dan, pero nang makalabas siya ay hindi niya mapigilan ang magulat na muli, mapatigil sa paglalakad at mapatitig sa kaniyang sundo.


H-hi Dan---”


Itutuloy...


Against All Odds 2[17]
by: Migs 

Comments

  1. Happy New Year Guys! It's 2013 and wala parin akng decent sleep! Haha! Anyways, magaling na ako! Pero dahil duty ako ng dalawang araw ng dose oras at dahil nakakita pa ako ng duguang mga kamay na naputukan kagabi, baka magkasakit ulit ako. JOKE! Nope, mababait na ang tao ngayon at hindi na nagpapa-putok, dito yan sa Cavite ah. Nga pala, balik Cavite na ako, guys. Nag-resign na ako dun sa ospital na pinagtratrabahuhan ko sa Manila. :-) mas malaki ang offer eh. :-P

    I'm starting to do the draft of AAO 4. haha! I'm thinking if I'm going to make it as heavy as this book (book2) or if I'm just going to make it lighter but HOTTER. :-P Wild ang book 4, maski ako nagulat sa pro-logue na naumpisahan ko kanina eh. Ahahahaha! Ngayon pa lang ako nagsulat ng ganon! Hahaha! Parang stories lang sa Kwentong Kalibugan ang peg or fifty shades of grey para sosyal. :-))

    ENJOY READING GUYS! Malapit ng matapos ang book 2 and I'm sure meron na kayong idea kung ano ang magiging season finale nito. Hihi! :-))

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Akhii: welcome to my Blog, please do follow me at sana hindi ito ang first and last mong mag-comment. :-)

    Frostking: sana tama ka sa hint mo na yan. :-) Happy New Year! :-)

    -Edmond: I thought you're going to start writing na? Excited to see your own blog! For sure I'll be one of your followers! Good luck! :-) Yup madami-dami pang mangyayari at meron pang mga cameos na magsusulputan. :-P

    aR: Martin is STRAIGHT so he's off the list! :-P OK lang ang mahabang comment. Nakakatuwa nga kapag ganun eh! :-)

    Lawfer: expect to see more bright chapters! :-)

    gavi: you're welcome. WELCOME BACK!

    Johnny Quest: More of Ryan and Dan will definitely be on it's way! :-) SPOILER ALERT!

    Therese Llama: haha! You're still pegging for Mike? :-)

    Riley Delima: happy New year to you and your brother, though I'm not sure if he's still reading my shit. Haha!

    Waydeejanyokio: pano mo naman nasabi na wala nga akong sandosenang anak? :-D

    Joshua: kung ako ang tatanungin mo, si Dan ang mas gwapo sa kanila. :-) thanks sa pag-endorse ng stories ko sa FB mo! :-)


    Moon Sung-Min: CP5 is still to be discussed. :-(

    rascal: good call! :-) Happy New Year! :-)

    robert_mendoza: mas higit pa sa paguusap ang magaganap sa chapter na ito. :-P

    Ryge Stan: nawiwili na kayo ng kaka- back to back ha! Haha! NO MORE back to back chapters for you guys! Joke! :-) Happy new year, Ryge!

    Russ: wag kang magalala extra lang ang mga bully na yun. :-)

    adik_ngarag: pakikiligin pa kita sa mga susunod na chapters! :-)

    ANDY: kailan pa nagkaroon ng makakatuluyan ang mga characters ng AAO? Haha! Joke! Abangan mo na lang! HAPPY NEW YEAR!

    A D A N: thanks! Natuwa naman ako at may katuturan at nitutulong pala ang mga stories ko! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Wow! Magandang pambungad to sa New Year! Nakakakilig na ang mga nangyayari naiihi tuloy ako.. :D

    San ka banda sa cavite sir? gusto kita makita pero dapat di mo ko makita :>

    ReplyDelete
  3. ilang chapt din ako di nakapagcomment ah..
    natutuwa naman ako at nagkakalapit na si ryan at dan.. kakilig tong chapter na to..
    Happy New Year Migs.. ^_^

    ReplyDelete
  4. Good Afternoon Kuya Migs!
    Happy New Year!
    Ngayon lang ako nagcomment pero sobrang tagal na akong nagbabasa ng mga kwento mo from BOL days pa... (18 na ako, nagumpisa yata ako ng 14 or 15)
    At kung bakit ngayon lang ako nagcomment ay dahil nahihiya ako at discreet pa ako...
    Well by the way, ang ganda ganda talaga ng story mo, ikaw ang pinakasinusubaybayan kong writer sa genre na ito...
    Sino kaya yung beh ni Ryan? Baka si Melvin yon? Hahaha
    Sige dito na lang :)

    ReplyDelete
  5. peg ko talga si mike..hehe..feeling ko si ryan ung susundo...sana makasal na si charity..hahahaha

    ReplyDelete
  6. hahaha si Ryan yung sumundo tapos may plano si Bryan sa kanilang dalawa ni Dan. hehehe pero kung ako po tatanungin niyo mas gwapo hu talaga si Ryan at mas feel ko siya para kay Dan. Wag ka pong mag-alala kuya ipagpapatuloy ko pa po ang pag endorse nitong blog mo. kuya pwede request endorse mo rin yung akin oh plssss kahit once lng. yung pangalan ng page is Mga Kwentong Bawal hehehe - Joshua

    ReplyDelete
  7. hehehehehehe c ryan ang sumundo kay dan....galing.....my something na nararamdaman c ryan kay dan...whooooo....nice....galing

    ReplyDelete
  8. akala ko pa naman sir back to back ulit hehehehehe.
    thanks again sa story at god bless.


    ---januard

    ReplyDelete
  9. :(( naman kuya migs...huhuhuhuhu..sige mag CP rerun na lang muna ako...ahaha Happy New year Kuya!

    ReplyDelete
  10. yeah new year kea dpat bright chapters tlaga x3

    knilig aq sa bed scene hahahahahahahahahaha
    dami lng tawa :p

    happy new year migs :)

    ReplyDelete
  11. Nako eto na Migs!may mangyayari na sa dalawa,may mangyayari nang pag uusap.hahaha!salamat sa update.Masayang bungad to para sa New Year.

    And yes binabasa pa din ng kuya ko to,ako nga lang tagapagpaalala sa kanya. :D
    I'm glad that you are doing okay.Happy New Year Migs!!

    ReplyDelete
  12. Migsss!! Happy New Year! :)

    Ryan and Dan? *himatay* Kiliggg ako sobra. Sigurado akong si Ryan yung sumundo kay Dan. O baka si Bryan at Ryan kung hindi si Ryan mag-isa.
    DaRy=Dan and Ryan. ang terey terey!

    Malapit na si Mike sumingit hanu? Naconclude q na din ang season finale. Can't wait. :pp

    Thanks sa update Migs. :)

    ReplyDelete
  13. Waaa c ryan ba un??? Hehehe nice..move on na dan

    ReplyDelete
  14. Yay! Happee New Year Boss Migs! Excited na ako dun sa AAO ala Fifty Shades of Grey mo, haha

    PS. How about creating a separate story in a dystopian world? (mala-divergent and peg, ganun, ^^)

    ReplyDelete
  15. Author Migs!

    Una sa lahat,Post Merry Christmas greeting sayo and HAPP NEW YEAR!! haha

    ayun, akala ko nahahabaan ka sa mga comment koXD

    so ibig sa tapos na yung AAO3 since nag dradrfaft kana ng AAO4 hmmh. siguro mas maganda kung heavy and hotter hehe :P

    anyway si Ryan yung sumundo sa kanya right? so this is what Bryan wants to do? hehe..sino si Beh ni Ryan? SINO? haha

    since Imposed talaga na STRAIGHT si Martin!! Might Be Dave!! haha
    bet ko sa season3 sila babalik since AAO2 is about Dan having a new life after the incident happen to him tapos si Mike/Lily/Brenda is moving on little by little...

    BTW makukuhaba ni Dan yung revenge niya? kailangan maging palaban ni Dan!!
    ___________________________________________________________________________
    sabi na may sakit ka nga kaya ka natagalan magpost last time aside kasi sa pagigging workaholic mo yun lang reason na pede :D

    But good thing ok kana, ingatan ang health natin :)

    -aR

    ReplyDelete
  16. What a nice start for a new year migs. I like this chapter, no I mean I love this chapter hehehe. Kakakilig. I have feeling that its Ryan who went to fetch Dan. But still I pity Lily for what is happening to her. Migz I can feel in my bones na mukhang ang school na pageenrolan ni mike is the same sa school ni Dan and they will meet again.

    Good for you migs na your getting better everyday (hehehe) na you have more times to write kaya di na ko maiinip maghintay ng post (joke). By the way will look forward on reading AAO4.

    Have a wonderful year migs and enjoy life. If time and place permits I hope to know you more. ang saya mo siguro kausap.

    your number 0 fan

    Ryge Stan
    (Number 0 kasi I know marami ng nagclaclaim na sila ng number 1 fan di ba?)
    ^_^

    ReplyDelete
  17. hala kuya migs! Hindi pwedeng walang magkatuluyan!! Hindi pwede!! Please!!

    Si Ryan ang sumundo kay Dan. Haha! Nabitin ako!

    ReplyDelete
  18. Sir! Nakakainis ka! Super bitin! Waaaaaaaaaaaah.. Nadadamihan ako sa characters sa kwentong to, di ko tuloy mahulaan ang mga mangyayari.. :D

    P.S.
    When ba magkakaroon ng story about Liam?? Haha :)

    Missed posting comments here, Sir!

    --Gavi :)

    ReplyDelete
  19. Si Dan kaya connected sa character na sila Jana or Jepoy ng Breaking Boundaries since pareho sila ng prayers na nakasanayan ng before and after meals. ^_^ ngayon na lang ako nakapagcomment Migs hehehe Happy New Year ^_^

    KV

    ReplyDelete
  20. Well. I think Kung man mag kakaroon ng rel. si dan and ryan at sakto! Magkikita sila ni mike. Malaging gulo nanaman yan :)) More Stories to come! And By the way, Sana Lumitaw ulit si Ms. Lipstick girl na si Cha :D
    - Akhii

    PS.
    Tinupad ko gusto mo Nag comment ulit ako :))
    Loving your stories :)) Agahan mo ng slight mr author cant wait eh ^__^

    ReplyDelete
  21. hehehehe sana migs may sweet moments sila anoh..ang busy mo talga migs..hheheh

    ReplyDelete
  22. Happy 2013 everyone! =D

    Goodness, writing is not as easy as coming up with ideas. Pero yeah, I'll just surprise you. =)

    Wow, interesting development for both Dan and Ryan. Feeling ko talaga si Ryan yung nanundo eh. (Since magkamukha sila ni Bryan, akala ni Manong Guard na si Bryan si Ryan.)

    - Edmond

    P.S.: Wala ngang masyadong nagpaputok sa 'tin nitong New Year's Eve.

    ReplyDelete
  23. happy new year po mr. author..


    next chapter na po :)

    nakakabitin..



    <07>

    ReplyDelete
  24. kilig mode activated. hehe

    -frontier

    ReplyDelete
  25. ~Happy 2013 kuya migs!!:)) good vibes ..

    ~sympre ng babasa ako ng CP noh! .. Diba isa lang ung junakis mu? .. Hehe

    anyways
    ~ohwEhmGhie!! Kinilabutan ako sa prayer ni DANY kuya!! Promiss!! Ng sitayuan ung balahibo ko dat prayer is from BB!!anung??

    ~weew!! Kilig sa DAN AND RYAN LOVETEAM!! Mas bet ko si ryan sya nalang kua plss!!at sya ung sumundo for sure ky dan. At d ako este kmi papayag na walang makatuluyan sya sa stories mu d2!! So tapus na ang AAO3?!!weew! Kaw nah!AAO4!!

    ps
    ~dun din mag aaral si mike noh?!!:)

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  26. ~Happy 2013 kuya migs!!:)) good vibes ..

    ~sympre ng babasa ako ng CP noh! .. Diba isa lang ung junakis mu? .. Hehe

    anyways
    ~ohwEhmGhie!! Kinilabutan ako sa prayer ni DANY kuya!! Promiss!! Ng sitayuan ung balahibo ko dat prayer is from BB!!anung??

    ~weew!! Kilig sa DAN AND RYAN LOVETEAM!! Mas bet ko si ryan sya nalang kua plss!!at sya ung sumundo for sure ky dan. At d ako este kmi papayag na walang makatuluyan sya sa stories mu d2!! So tapus na ang AAO3?!!weew! Kaw nah!AAO4!!

    ps
    ~dun din mag aaral si mike noh?!!:)

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  27. happy new years migs. I am reading this and til the last chapter and all future stories that u will make.

    ReplyDelete
  28. migs, nagtagumpay ka.... sorang kinilig ako kay dan at ryan!!!!

    ano ba yan, parang bigla ko tuloy naklimutn na kasali pa pala sa main cast si mike! hahahahahaha

    ReplyDelete
  29. Mas gusto ko sina Ry.Dan (Ryan-Dan)
    kaysa dun sa Mikee, hehehe
    cheelligs lang ehh ...
    by the way Sir Migs, may fb acc. po ba kyo kahit yung dummy account lang?

    --
    A D A N
    9:53 PM
    1/5/2013

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]