Against All Odds 2[11]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Palinga-linga si Mike. Puno ng kaniyang mga kapwa magaaral ang gymanasium ng kanilang paaralan para sa kanilang pagtatapos. Masasaya ang mga ito, ang iba, katulad ni Mark ay dahil wala ng mga nakakairitang guro na magbibigay sa kanila ng assignments, tulad ni Dave ay wala ng uniform na mandatory na ipapasuot sa kanila, katulad ni Martin na umaasang makakapagsimula ulit siya ng bago sa kolehiyo at hindi na muli pang pasasaringan. Pero kabaligtaran ng kasiyahan ng mga ito ang nararamdaman ni Mike.

Hindi siya mapakali at nangangamba siya sa hindi maipaliwanag na rason. Ilang linggo bago ang kanilang final exams ay hindi na muli pang nakita ni Mike ang kaniyang best friend. Pero hindi ang pangangamba na hindi ito makagraduate ang kaniyang nararamdaman ngayon dahil alam niya na ito ang hinirang na valedictorian ng kanilang klase, kahit pa karamihan sa kanila ay nagtataka kung pano nangyari iyon. Ang kaniyang pangangambang nararamdaman ay hindi niya maipaliwanag.


Martin---” tawag ni Mike kay Martin nang makita niya ito na katulad niya ay palinga-linga rin at alam niyang nagiintay din ito kay Dan.


Have you seen Dan?” tanong ni Mike.


No, not yet---”


Mike---!” singit ng lalaking nasa likod ni Martin na ikinagulat ng huli. “Long time no see!” nakangising pagtatapos ni Melvin, pilit na iniwas ni Mike ang tingin kay Melvin at muling humarap kay Martin upang kausapin ito, ngunit lahat ng kaniyang sasabihin dito ay tuluyan na niyang nakalimutan matapos siyang salubungin ng pinaghalo-halong galit, pandidiri at panghuhusgang tingin ni Martin.


Pinili na lang ni Mike na umiwas sa gulo.


E-excuse me.” bulong ni Mike sabay talikod at lakad palayo.


Aww! Iiwan mo ako ng hindi man lang tayo naguusap?” nakangising habol ulit ni Melvin kay Mike ngunit hindi na ito pinansin pa ng huli na nagmamadali namang umalis sa lugar na iyon na lalong ikinakulo ng dugo ni Martin.


Shut up.” singhal ni Martin na ikinagulat ni Melvin.


Buong buhay nilang dalawang magkapatid, si Martin ang mahina, lampa, mabagal at puro pagaaral ang alam. Hindi sumasagot sa mga magulang at hindi nanunumbat kahit pa ilang beses silang makalimutan ng mga ito. Tinignan ng mariin ni Melvin si Martin, wala siyang ibang makita sa mga mata nito kundi galit, pagkadismaya at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay may halo ring pandidiri ang tingin na iyon.


Ma---” simulang pagtawag pansin sana ni Melvin sa kapatid nang biglang dumating ang isang guro at pinapila na ang mga estudyanteng magsisipagtapos.


0000oo0000


But Ma'am wala pa po si Dan---” pagmamatigas ni Mike pero hindi na siya pinansin pa ng guro at marahan parin siyang itinulak papunta sa pila ng mga estudyanteng magsisipagtapos.


Damit, Danny! Where the hell are you?!” nagaalalang saad ni Mike, hindi na niya natiis at hinanap na niya ang pwesto nila Mark at Dave, iniisip na maaaring pinagtutulungan nanaman ng mga ito si Dan, napanatag na lang ang loob niya nang makita niya itong tahimik na humahagikgik habang nilalagyan ng mga lantang bulaklak mula sa isang vase ang buhok ng isa sa kanilang mga kaklase.


Danny.” saad ulit ni Mike sa sarili habang hindi alam kung saan pa hahagilapin ang kaibigan. Tumingin siya sa gawi ng kaniyang mga magulang, umaasa na katabi ng mga ito ang kaniyang tita Lily at si Dan ay malayo lamang na nakapila sa kaniya kaya't hindi niya ito makita, ngunit nang makitang wala rin sa tabi ng kaniyang mga magulang ang kaniyang tita Lily ay wala ng nagawa pa si Mike kundi ang magalala ng tahimik sa kaniyang kinatatayuan.


0000oo0000


Where are you?” pang ilang beses ng text ni Mike kay Dan ngunit, katulad ng ilang naunang text na kaniyang pinadala dito ay hindi parin ito sumasagot. Sinubukan na niya itong tawagan ngunit ring lang ito ng ring.


And now, may we call on our Valedictorian for his Valedictory speech.” saad ng isa sa mga guro. Ang buong gymnasium ay nilunod ng malalakas na palakpakan.


Ngunit walang Valedictorian na umakyat sa stage.


Mr. Daniel Arellano.” tawag pansin ulit ng guro na kinakabahang tumingin sa kanilang principal matapos nitong tawagin ang mismong pangalan na ng valedictorian. Ang kinakabahang tingin na ito ay tila hindi naman napansin ng lahat dahil muling nalunod sa malakas na palakpakan ang buong gymnasium.


Ngunit matapos ang pangalawang pag-tawag pansin na iyon para kay Dan ay hindi parin ito sumulpot sa may entablado. Nagsimula ng magtinginan ang magbulung-bulungan ang mga magulang ng ibang magaaral, kaniya-kaniyang haka-haka kung nasaan marahil ang valedictorian na matapos ang ilang ulit na pagtawag sa pangalan nito ay hindi parin nagpapakita.


Umakyat na sa entablado si Mrs. Hernando, namumula ang pisngi nito, hindi malaman ng lahat kung dahil sa galit o dahil sa hiya dahil naantala ang kanilang programa.


I'm sorry, but it seems our Valedictorian did a rain check---” simula ni Mrs. Hernando, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi na narinig pa ni Mike ang mga sumunod na sinabi ni Mrs. Hernando, ang kanina kasing pangangamba sa kinaroroonan ni Dan at ang hindi maipaliwanag na hindi magandang pakiramdam ay tuluyan ng nauwi sa takot.


Wala sa sariling tumayo si Mike mula sa kaniyang kinatatayuan at tumakbo sa gawi ng exit ng kanilang gymnasium. Walang pakielam sa nagtatakang tingin ng halos lahat ng tao doon.


0000oo0000


Mrs. Hernando, can I have a minute?” kaswal na tanong ng ina nila Martin at Melvin matapos nitong ma-solo si Mrs. Hernandez pagkatapos na pagkatapos ng graduation. Habang ang dalawang magkapatid ay tahimik lamang na nanonood sa gagawin ng kanilang ina.


Yes, Mrs---?”


Mrs. Roxas.” pagpapakilala ng ina nila Martin na nakasuot ng magarang damit at halatang halata ang mataas na pinagaralan.


Mrs. Roxas, what can I do for you?” kaswal na balik naman ni Mrs. Hernando.


I'll go to the point already since I can see that you're busy--- You see Mrs. Hernando, my son deserves more, nakita ko na hindi ganoong ka committed ang napili niyong valedictorian and based from what I heard, binigyan niyo ng special exams ang 'valedictorian' na iyan---” simula ni Mrs. Roxas ngunit agad sin siyang pinutol ni Mrs. Hernando lalo pa't nakukuwa na nito ang ibig nitong ipahiwatig.


Excuse me, Mrs. Roxas. Ma'am, hindi naman po sa pambabastos ano, pero ang exams po na ibinigay namin kay Mr. Arellano ay from the director of Catholic Schools in Manila. Those exams are extra hard, umabot pa sa point na ang ilang mga tanong ay mas advance pa sa naituro sa kaniya. So ibig sabihin po nun ay hindi kami nagbigay ng special favors kay Mr. Arellano. Ang tangi lamang naming ginawa ay kundi ang pagbibigay dito ng mahihirap na exams two weeks early---”


Exactly! Bakit kailangan niyang kuwanin ang exams two weeks early? Hindi ba special treatment ang tawag don? And if I were you, Mrs. Hernando, I should be careful, you might lose your job because of these special favors na ibinibigay mo sa mga students mo.” may pagbibintang at pagbabantang balik ni Mrs. Roxas. Ang inaasta ng ginang na ito ay hindi nakaligtas sa kaniyang anak na si Martin na tila gusto ng magpakain sa lupa habang si Melvin naman ay pilit paring tinatanong ang sarili sa biglaang pag-iiba ng ugali ng kapatid.


At ang inaasta na ito ni Mrs. Roxas ay tila naman nagtulak kay Mrs. Hernando na masaid ang kaniyang pasensya. Pilit pinapakalma ang sarili ay inisip niya na ginawa niya ang lahat ng iyon upang matulungan si Dan at ang pakikipag-away sa isa sa mga magulang ng kanilang mga estudyante ay makakasama pa sa kaniyang layunin na iyon.


Dan, na-perfect mo lahat ng exams mo, Congrats!” masayang bati ni Mrs. Hernando nang makita niya ang naglilimas at nagmamadaling si Dan sa tahimik na hallway ng skwelahan. Ngunit imbis na kagalakan ang nakita ni Mrs. Hernando ay lungkot ang nakita niya sa mga mata nito.


Aren't you happy na ikaw ang magiging valedictorian?” nagtatakang tanong ni Mrs. Hernando. Umiling sagit si Dan saka isinara ang kaniyang locker na katatapos niya lang limasin ang mga laman.


I told you, Ma'am. I don't need the title. I just want to graduate and leave this school.” malamig at walang ganang sagot ni Dan na tila isang taong nawalang ng pag-asa. Saglit na tinitigan ni Mrs. Hernando si Dan, nang aktong patalikod na at maglalakad na palayo sa kaniya si Dan ay tinanong niya ito.


Why?” pabulong at marahang tanong ni Mrs. Hernando. Hindi napigilan ni Dan ang sariling mga luha na tumulo.


Nanghihinayang si Dam, dahil isa sana iyon sa mga rason upang maging masaya silang dalawang mag-ina. Matagal na niyang minimithi ang umakyat sa stage at tanggapin ang titulo na iyon kasama ang kaniyang ina na marahil sana ay proud na proud sa kaniya.


Ngunit hindi na iyon mangyayari.


Hindi nakaligtas ang pagtulo ng mga luha ni Dan kay Mrs. Hernando. Tila isang de awtomatikong makina ay biglang nag-switch si Mrs. Hernando mula sa pagiging striktang principal papunta sa isang malambing na ina. Niyakap niya ang naghihinagpis na si Dan na lalo namang humagulgol. Lumipas pa ang ilang minuto na yakap yakap lamang ng matandang babae si Dan bago ito nagsalita.


S-sinaktan nila a-ako---”


Muli, nang maalala ni Mrs. Hernando ang mga ikinuwento ni Dan ay hindi niya mapigilan ang kaniyang mga luha na mangilid sa kaniyang mga mata, mangilabot at magalit. Hindi man niya inasahan ang hindi nito pagsipot sa kanilang graduation ay pilit naman itong inintindi ni Mrs. Hernando, lalo pa't alam niyang may binabalak ito.


Put yourself in my shoes, Mrs. Roxas---” kalmadong simula ni Mr. Hernando. “---Kung nilapitan ka ng isang student mo na muntik ng mamatay dahil sa pam bu-bugbog at pangga-gahasa ng mga taong itinuring niyang kaibigan at pinagkakatiwalaan, estudyante na walang kakampi maski ang kaniyang ina at wala ng iba pang hiniling kundi ang makalis sa skwelahang ito at makalayo sa mga taong bumaboy sa kaniya at sa patuloy na sumisira sa kaniya, anong gagawin mo?” kalmado pero puno ng diin na saad ni Mrs. Hernando na ikinatameme ni Mrs. Roxas, ikinakuwa ng atensyon ni Melvin at ikinamutla nito at lalong nagdulot kay Martin na ihiling sa sarili na kainin na siya ng lupa.


I-I---” nauutal na simula ni Mrs. Roxas.


Speechless? Yeah, Mr. Arellano left me speechless too when he told me the reason why he wanted to leave the school early. His story was backed up by the medical reports he submitted to the school clinic for being absent for almost two months. You can see them if you want and if you're still in doubt about the school's decision to name Mr. Arellano as this school years valedictorian.” matapang paring balik ni Mrs. Hernando sa namumutla ng si Mrs. Roxas.


0000oo0000


Martin, wait.” tawag pansin ni Melvin sa kaniyang nakababatang kapatid nang hindi na niya matiis pa ang sarili na itanong dito ang dahilan ng biglaang pag-iiba ng ugali nito, partikular sa kaniya. Matagal na niyang natanggap ang pagiging malamig at pambabalewala ng kanilang mga magulang, ngunit ang biglaang panlalamig sa kaniya ng kaniyang nagiisang kapatid na aminin niya man o hindi ay ang tanging tao lamang na natitira na maaaring sumuporta sa kaniya kapag nangailangan siya ay talaga namang ikinabahala niya.


Tumigigil sa paglalakad sa likod ng kaniyang ina si Martin at tinignan ng masama si Melvin na lubos namang ikinabigat ng loob ng huli.


What's wrong? May nagawa ba akong masama?” nagaalalang tanong ni Melvin. Lalong bumakas ang galit sa mukha ni Martin na ikinabahala lalo ni Melvin.


Tingin mo?” sarkastikong balik ni Martin, sinusubok ang kapatid.


I-I'm s-sorry. OK. Kung ano man---” naputol sa pagsasalita si Melvin ng marinig niya ang pekeng tawa ng kapatid na ikinakilobot niya. Walang nakakatawa sa tawa na iyon ng kaniyang kapatid. Wala siyang ibang nakikita sa mga mata nito kundi ang galit.


Still playing dumb, kuya?” sarkastikong balik ni Martin na lalong ikinatahimik ni Melvin.


Let's see kung mahuhulaan mo. Does the name Dan, ring a bell?--” simula ni Martin na ikinamutla ni Melvin. “---how about the word drugs?” putol muli ni Martin na ikinakabog lalo ng dibdib ni Melvin. “--you still don't know what I'm talking about?---” tumataas boses ng tanong ni Martin sa kapatid. “---How about the words gang rape?


Sa puntong ito, hindi lamang namumutla, at kinakabog ng dibdib si Melvin. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig at nanlalambot. Hindi alam na siya mismo ang nagsabi nito sa kaniyang kapatid nung minsang high siya.


I-I didn't know what I was d-doing that night.” palusot ni Melvin ngunit hindi ito kinagat ni Martin.


What did Dan do to you and the assholes who raped and attacked him para ganunin niyo siya?”


Muling natameme si Melvin sa tanong na ito ng kapatid. Hindi naglaon ay umiling na lang si Melvin. Unti-unti na kasi siyang nilalamon ng sariling konsensya sa kaniyang maling ginawa.


You disgust me.” singhal ni Martin.


Hindi nakaligtas kay Melvin ang galit, sakit at pagkadismaya sa tono ng sinabing ito sa kaniya ni Martin. At ang sinabing iyon ng kapatid ang pinakamasakit na bagay na kaniyang naramdaman.


Nang makapasok ng ng bahay si Martin ay wala sa sariling napasandal si Melvin sa poste ng kanilang terrace, bumabaw ang paghinga at hindi napigilan ang kaniyang sariling mga luha na tumulo.


0000oo0000


Walang pakielam si Mike kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa kaniyang paligid nang bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng gymnasium ng kanilang school sa kalagitnaan ng kanilang graduation, walang pakielam maski binabato na siya ng nagtatakang tanong ng kaniyang mga guro at mga magulang, walang pakielam kung tinawag siya ng malakas ng kaniyang ina nang makalabas sila ng gymnasium dahil ang tangi niyang pakay ay mapanatag ang kaniyang loob na ligtas si Dan at walang nangyaring masama dito katulad ng kaniyang narararamdaman.


I'm sorry. P-please don't let him do anything stupid.” umiiyak na bulalas ni Mike sa sarili habang nagdadasal at habang nagtatatakbo siya pauwi lalo pa't puno ng puno ang lahat ng dyip na kaniya sanang sasakyan.


This is all my fault.” bulalas ulit sa sarili ni Mike habang marahas na pinapahiran ang kaniyang mga luha na wala ng tigil sa pagdaloy matapos niyang makalabas ng gymnasium.


P-please. I-I c-can't lose him. P-please don't make him do anything stupid.” pagpapatuloy na dasal ni Mike habang tumatakbo parin.


I-I never wanted to hurt him. I-I n-never wanted anything bad to happen to him. P-Please d-don't t-take him a-away from me. P-please.” humahagulgol sa pagitan ng paghinga ng malalim ni Mike dahil sa kaniyang pagtatatakbo.


K-kinurot a-ako ni Mommy.” lumuluhang saad ng anim na taong gulang na si Mike kay Dan.


Baka kasi malikot ka.” balik naman ng nagaalalang si Dan habang tinitignan ang namumula ng balat ni Mike kung saan siya kinurot ni Brenda.


Danny, promise mo na hindi mo ako sasaktan at promise ko sayo na hindi rin kita sasaktan.” umaasang saad ni Mike kay Dan habang may mga natutuyong luha pa sa pisngi.


Oo naman hindi kita sasaktan, Mikee. Best friends tayo eh.”


Lalong nalungkot si Mike nang sumayad sa kaniyang isip ang alaala na iyon. Iniisip na tinupad ni Dan hindi lamang ang pangako na iyon kundi ang lahat ng ipinangako nito sa kaniya habang siya ay wala ni isa sa mga iyon ang kaniyang napanghawakan lalo pa nung tumuntong pa silang dalawa ng high school.


Matapos ang lalong pagtutugis ng sariling konsensya sa kaniya ay hindi muli niya mapigilan ang sarili na makaalala pa muli ng mga bagay na kanilang pinagsasaluhan ni Dan at isa sa mga alaala na iyon ay ang sinabi ni Dan sa kaniya nung gabing nagsimula ang lahat ng iyon.


I love you.”


Tandang-tanda niya ang takot at pagaalala sa mga mata ni Dan nang sabihin ng huli ang lahat ng iyon sa kaniya. Ngayon niya lang na-realize na hindi rin naging madali kay Dan ang sabihin iyon sa kaniya at hindi muli napigilan ni Mike na makaramdam ng konting kirot, iniisip na hindi iyon masasabi sa kaniya ni Dan ng may halong takot at kaba kung tinupad niya lang sana lahat ng kaniyang mga pangako noon dito.


Masasabi sana iyon ni Dan sa kaniya ng walang pagaalinlangan kung tatanggapin niya ba ang sinabing iyon ng huli o hindi at kung nasabi sana iyon sa kaniya ni Dan noon pa edi sana hindi niya ito ngayon pinangangambahan.


0000oo0000


Nang sa wakas ay nakarating na si Mike sa bahay nila Dan ay walang sabi-sabi siyang pumasok dito. Naabutan niya ang umiiyak na si Lily. Ayon sa mga nakapalibot na wala ng laman na bote ng alak malapit sa kinauupuan nito ay lasing na lasing na ito.


T-Tita.” tawag pansin ni Mike kay Lily. Agad na nagtaas ng tingin si Lily, kitang kita ni Mike ang mga namumula nitong mata na patuloy parin sa pag-luha.


YOU! You did this t-to my s-son!” sigaw ni Lily na ikinagulat naman ni Mike. Nagsimula ng umatras palabas ng bahay si Mike ngunit nakita niyang tumayo si Lily mula sa kinauupuan nito, malamang upang palayasin siya ngunit dahil sa kalasingan ay matumba tumba ito. Agad na lumapit si Mike at inalalayan ito paupo muli, dahil hindi narin naman pa kaya ni Lily ay hinayaan na lang niya si Mike pero hindi napigilan ng pagkalasing ang kaniyang pag-iyak at paninisi kay Mike.


You did this to my son.” saad ni Lily sa pagitan ng paghikbi.


W-where's Dan, Tita?” nangangambang tanong ni Mike na sinagot naman ng marahas na pag-iling ni Lily sabay tapon dito ng isang maliit na piraso ng papel. Nasalo ito ni Mike matapos siyang tamaan nito sa mukha, itatapon na sana ito at hindi papansinin ni Mike nang makita niya ang sulat kamay ni Dan sa binilot na papel. Muli niya itong binuksan at inalis sa pagkakagusot.


I'm sorry if I'm such a disappointment to you. I'm sorry for causing you so much pain. I'm sorry for making you forget your promise to me. Sorry for being gay. Sorry for not being the person you want me to be.”


Ang liham na ito ay tila isang bala na tumama sa dalawang tao. Si Lily bilang hindi pagtupad at pagkadismaya sa kaniyang anak ay sapul na sapul ng liham na iyon at si Mike bilang kaibigan ng huli na nangako din dito noong mga bata pa sila na kahit anong mangyari ay best friends parin sila.


Agad na tinungo ni Mike ang silid ni Dan matapos basahin ang maikling liham na iyon, ngunit lalo lamang siyang napaiyak nang buksan niya ang pinto ng kwarto ni Dan.


I'm s-sorry, Dan. I'm sorry.” bulong ni Mike habang hindi na napigilan ang sariling mga paa na mawalan ng lakas at mapaluhod sa sahig ng kwarto ni Dan.


Itutuloy...


Pagtatapos ng unang yugto ng pangalawang libro ng Against All Odds

Against All Odds 2[11]
by: Migs 

Comments

  1. Pasensya na muli sa sobrang tagal na hindi pagpo-post. Sana po ay hindi kayo magsawa sa pagababasa ng aking mga post at hindi magdalawang isip na i-refer sa mga friends niyo ang blog ko. I need more followers. Nakaka enganyo kasi magsulat kapag alam mong madaming magbabasa ng kwento mo lalo na kapag maraming magco-comment!

    This is the final chapter for this season of AAO book 2. Second season to be posted soon. :-) ABANGAN! :-))

    Kaya po may mga season season na akong nalalaman ay dahil po sa hindi inaasahang pagkakagawa ng madaming chapter ng kwentong ito. At para narin po makadagdag ng thrill haha! Sorry, mahilig talaga akong mambitin eh. I'll try to post the first chap ng second season this thursday. :-)

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Marlon Lopez: Sorry for the long pause on my updates. :-( tungkol parin sa kanilang dalawa ang season two. :-)

    adik_ngarag: Walang suicide at paghihiganting magaganap. SPOILER ALERT! SPOILER ALERT!

    -icy: this story is actually for those victims of bullying. :-( NO TO BULLYING GUYS!

    Lawfer: Martin has a very big part in this story. Hindi lang si Dan and Mike ang mga protagonist dito. Martin's the third protagonist. :-)

    ANDY: bitin din 'tong sumunod na chapter. Haha!

    Frostking: wala akong magandang maidikit na kwento dyan sa kantang yan ni Adele eh. :-)

    @#_teresa of the faint smile: effort naman ng name mo. Haha! Don't worry, second season is much lighter than the first! :-)

    rom: mas magaang na po sa dibdib ang susunod na chapters at dito niyo narin po malalaman kung may tutulong kay Dan. :-)

    Yuan: Opo, expect niyo na po yan sa AAO series. :-) pa-follow na lang po ako sir saka sana po mag-comment na kayo lagi. :-)

    ReplyDelete

  2. emandeegee: you're welcome. Sir pa-follow po ah saka sana po lagi na kayong mag-comment! Salamat po.

    Ryge Stan: we're promoting non violence here. Haha! So walang paghihiganting magaganap. :-P

    rascal: I'll leave you guys hanging and guessing. :-) Next season malalaman niyo na kung bakit. Hopefully this thursday ko siya mapost.

    Moon Sung-Min: iba na po ang characters ng book 3. :-) baka po ibig niyong sabihin sa season 2? :-) Book 3 will be posted next year around February na siguro after ng story na kasunod nitong AAO2 :-)

    PIP: nurse ka din? :-) Sir, pa-follow naman ang blog ko saka pakiendorse sa friends mo pati narin sana lagi ka ng magco-comment! :-) Salamat! :-)

    russ: sad to say hindi pa nasabi sa chap na 'to kung anong nangyari kay Dan.

    robert_mendoza: kainis moment ba kapag si Lily na and Mike ang asa eksena? Haha! :-)

    Edmond: salamat may nagbigay din ng kanilang pananaw! Iniintay ko kung sino ang pwedeng magsabi ng mga linyang... “HINDI YAN NAGPAKAMATAY KASI...” and thank goodness it was you! :-P

    aR: wala pong gantihang magaganap. :-)

    keantoot: things will look good for him in the next season. :-)

    Johnny Quest: love the new nick! :-P nope, no revenge will take place. :-)

    riley: no revenge will take place. I promote none-violence themed story. Hahaha! Impokrito ko lang samantalang na-rape nga yung protagonist ko.

    Lynx Howard: yup, susunod na ang season 2. :-) Hindi pa po kasi ready yung mga kasama sa Chasing pavements, sir. Kailangan ko ng go signal from them bago ako mag-post. Masyado kasing madaming similarities and their not ready to share it to others baka po kasi may makakilala. Lalong lalo na sa sakin. Hihi. :-P

    Therese Llama: pa follow ako ah. Saka sana lagi ka ng mag-comment. Stick around para malaman mo kung anong nangyari. :-)

    makki: nope. No revenge will take place.

    Anonymous November 29, 2012 7:05pm: sir pakilala ka po para ma-address ko kayo ng tama. Salamat! :-)

    akosichristian: matagal pa yang kay Melvin. May Breaking Boundaries book 2 and AAO book 3 pa at pagiisipan ko pa kung dapat ba talaga siya gawan ng story. Hihi. :-) pero magkakaroon na kayo ng idea dito kung anong pwedeng maging story ng AAO4 kapag nagkataon.

    WaydeejanYokio: Salamat, sir! For the first time nakagawa ako ng story na unpredictable. Haha! And Liam might have a cameo role here. Abangan! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  3. Thank you Migs! My week is now complete. =D

    At this point, ayoko nang mag-speculate muna sa mga mangyayari. Nag-uumapaw na ang mga emosyon, parang simultaneous volcanic eruptions.

    What I love in this chapter is kung gaano karamdam si Dan, with the void he left in his absence. Now, I leave things in your hands sa kung anuman ang magiging mga kaganapan. =)

    - Edmond

    ReplyDelete
  4. this chapter is packed with anger,hatred and regrets. ang bigat, worth-it ang paghihintay.

    sorry kuya migs, my bad... ahaha... ehh ano na ang nangyare, i mean mangyayari sa ikalawang yugto? so eggzoited!

    saka request na din kuya next chapter CP5! thanks

    ReplyDelete
  5. yeah martin changed na nga
    and im happi na 3rd protagonist pla tlaga xa... final chapter for d season wiw
    i smell a vengeful season 2
    bwahaha

    ReplyDelete
  6. :( :( :( danny - mikee - martin... sino sa kanila? hihihi

    ReplyDelete
  7. Migs, clue lng pls-
    Sabi mo kasi noon, wlang paghihiganting mangyayari dito. Sa next season ba meron?

    ReplyDelete
  8. umm super emo na ito migs..grabe halos di ako makahinga..feeling ko nasa loob mismo ako ng eksena at kasali nito..damang dama ko ang lungkot at pighati..

    dan..wat happen to you..

    galing migs..

    ReplyDelete
  9. hehehheheehe...walang nakhula......ang agaling mo talaga migz....grabe kramihan ng chapter na nbasa nmin madugo,,i mean lagi nalng kmi npapaluha...dhil sa mga nangyari kay dan...hopefully sana sa next chapter ibang dan na ung makilala nmin..ung strong personality nya nmn....gudluck sau dan.....

    ReplyDelete
  10. Author Migs!!

    O-eM-G!!! Don't tell me you've kill Dan for this book1?!!
    Grabe sobrang na dissapoint ako kung ganun nga nangyari :( (sad-sad-sad)

    and I guess wala nga talaga revenge for Dan since dedz na siya dito, pero hopes na sana naglayas parin..kasi naman sa letter niya na iniwan parang suicide letter naman..kainis!!

    Kung ganun din naman..2 lang naiiisip kong scenario dito,it's either si MIKE or MARTIN gagawa ng revenge for DAN might be tandem pa hehe OR pwedeng may secret TWIN si DAN and secretly nalaman na patay na bunsong twin niya and he'll go and pretend as DAN during the REVENGE!! haha

    hahaha,,it's my hobby na pangunahan ka XD pero PLEASE sana di mo kinill yung character ni DAN please :D

    -aR

    ReplyDelete
    Replies
    1. -WAIT!! gusto ko yang naisip mo aR! :)
      actually sa simula plang prang ganun na ung iniisip ko, ung may twin brother si Dan at sya ung ppwesto bilang Danny sa kwento. :D
      ayaw ko lng i-comment kay kuya migs bka ksi ma-imbyerna sya sa akin, isipin na pinangungunahan ko sya, ma-ban pa ako dito sa blog nya. tpos ang buhay ko. xD

      Kuya migs!! STANDING OVATION ako sa chapter na ito! :))) *GOOSEBUMPS!* xD
      npaka-emotional ng chapter na ito. at ang nkakuha sa akin ng pansin ay si martin, he changed drastically tlga. [natural, martin-dan fan ako. hehe. ayy, may danny pa ba?? :(] iiiiiihhhh... HINDI AKO MKATULOG! xD
      next book ba, may revenge na mangyayari???? HINDI NA AKO MKAPAGHINTAY! xD
      kuya, pakihabaan po ung ippost mo sa thursday ah? pleeeaasssee??? :)

      maghihintay nlng po ako sa CP5 chap 3 mo. :)

      Delete
  11. missing in action si danny dito ah, where is he?
    thanks sa update migs...

    ReplyDelete
  12. natawa naman ako sa "ipokrito ko" :D

    nako naman Migs!asan na si Danny?gusto ko nang mabasa Book 2!haha!
    o ayan binabalikan na sila ng lahat ng kasamaang ginawa nila kay Danny..well what goes up,goes down..

    ReplyDelete
  13. o diba nga?sa pagka excited ko namali pa?hahaha!

    gusto ko nang mabasa ang Season 2 ng Book 2..yan Migs..haha!

    ReplyDelete
  14. Migs! Migs! Migs!
    Dahil walang violence alam ko na kung paano sila magsisisi sa ginawa nila. It is because of their CONSCIENCE. But I doubt kung meron nun sila Mark at Dave. Errr. Kainit ng ulo ung mga bully na yan.
    Naglayas lang yan si Dan. Kasi kung nagpakamatay siya bakit pa iinom si Lily dapat nagpunta na xa kaagad sa hospital. Bawal mamatay ang bida. May idea na ako kung saan pumunta si Dan. Hihihi :P
    Oh db nga? Spoiler ako! Hihih


    Nagmeet-up na pala kayo nila Josh at Lui kasama sila Sir Rovi? :PP

    ReplyDelete
  15. baka naman magaaral si Danny ng law o kaya naman ay magccross din ang landas nila mark, dave, mike, melvin at martin tapos sa pagkakataong yun ay alin man kay mark, dave, martin at mike ay makikita ang malaking pagbabago kay Dan na magpapa-ibig sa kanila lalo pat muli nilang masisilayan ang napakaamong mukha ni Dan.

    ReplyDelete
  16. anu ba yan excited na tuloy ko..next na po please....kuya migzz...

    ReplyDelete
  17. nakakainis si melvin...siguro yan during childhood hindi nya na-satisfy ang sarili nya during his anal and oral stage,,,

    at yan namang dave and mark...ADHD to conduct disorder to anti-social individuals...

    sana hindi nagpakamatay si dan at naglayas na lang sya mas ok pa...mike <3 dan pa rin sana...

    bwahahaha sa sobrang inis ko nai post ko sa AAO 1o ang dapat na post ko dito..

    ReplyDelete
  18. cliff hanger!!!!! Waiting in vain for season 2!!!!! Post it. Post it. Post it. Soon.

    ReplyDelete
  19. bitin n nmn...

    nawawala tlga ang momentum s pgbabasa kpg matagal ang update.,

    sorry wala kasing internet s bhay eh.,kya mnsn nkkadisappoint lng n matagal ang updates esp i dont hav money always evry time pupunta s comp shop, but worth it nmn whenever u finish a chapter.,.sana lng just indicaTE kng when yung nxt updaTE mo pra by tht time nlng q mgopen..cnsya.demanding lng

    anyways,magaling k p rin kuya. :))

    ~enygma

    +a silent reader

    ReplyDelete
  20. Ui kuya, buti naman naglayas lang, akala ko nagsuicide na si Dan eh. :)

    post agad sir ng season2! :)

    ReplyDelete
  21. haha..ganun tlga pg mgbabasa ako ng aao dapat sa kwarto kasi naiiyak tlga ako

    asan na kaya si dan?wala ba tlagang gantihang mangyayari?o si dan lng ang hindi gaganti...kasi feeling ko si martin na ang gaganti para sa kanya eh..haha

    excited na ko sa THORSday...chek ko lng ulit ko d p na follow minsan kasi ng loloko ung pad ko eh..hehe..thnx sa update kuya migs

    ReplyDelete
  22. waah! .. Ewan wala talaga akong masabi .. Super unpridictable and clue less ng story nato! .. Ano kya mangyayari next. Abangan! .. Anyways lagi naman pong unpridctable ung story mo .. Pero super ganda! Keep it up! Your the best

    ps~iwant chasing pavements!!! .. Hehe anu nakayang ngyari after sa doctor's quarters??! HAHAHA


    ~~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  23. waah! .. Ewan wala talaga akong masabi .. Super unpridictable and clue less ng story nato! .. Ano kya mangyayari next. Abangan! .. Anyways lagi naman pong unpridctable ung story mo .. Pero super ganda! Keep it up! Your the best

    ps~iwant chasing pavements!!! .. Hehe anu nakayang ngyari after sa doctor's quarters??! HAHAHA


    ~~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  24. Waaah migz mukhang papatayin mo nanamn ang bida dito. I hope not. Nakakainis ka migz Im very clueless kung anu talaga mangyayari. But to some it up I love the story. keep it up my friend.

    Take Care and enjoy your week....

    ReplyDelete
  25. asan c danny??? oh no please wag patayin ang bida kawawa naman c mike.. :p ayoko mapunta xa sa iba, baka c martin pa ang at c mike ang magkatuluyan nian.. :p egg zoited na ako sa next season.. :p next season tlga.. lol

    ReplyDelete
  26. Haha Oo nga kuya Migs, bitin nga..

    Nakokonsensya na si Melvin. Bwahaha!

    I want Martin for Dan. <3

    ano kayang plano ni Dan?

    Sana mapagbayaran na nila Dave yung ginawa nila.

    Akala ko talaga nagcrossdress na si Dan. LOL

    galing kuya migs as always.

    ReplyDelete
  27. ha ha ha, nice ung ginawang pang supapal ng principal sa mother ni melvin,. . bulls eye. . . MIGS, lumayas ba s DAN? so excited again sa next chapter.

    ReplyDelete
  28. anong meron sa kwarto ni dan???! hahahahahaha

    siguro naglayas lang sya. parang wala masyadong nangyari sa chapter na ito, migs! hehe

    thanks for the update.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]