Against All Odds 2[15]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Biglang napabalikwas si Bryan sa kaniyang kama nang bigla siyang makarinig ng isang impit na sigaw. Inabot niya ang bukasan ng ilaw sa tabi ng kaniyang kama, miya miya pa ay binalot ng liwanag ang kanilang kwarto ni Dan. Hindi ito unang beses na nangyari. Sa loob ng kalahating taon na pagsasama nila sa iisang kwarto ni Dan ay lagpas sampung beses na siyang nagigising ng mga impit na sigaw ng huli.

Noong una ay iniisip na lang ni Bryan na madalas lang magkaroon ng masamang panaginip si Dan. Sinubukan niya ring tawagin ang pansin ni Dan tungkol dito pero ikinikibit balikat lang ito ng huli at iniiwasang pag-usapan pa. Paminsan-minsan pagkatapos buksan ni Bryan ang ilaw upang tignan kung OK lang si Dan ay magpapanggap itong parang walang nangyari at mahimbing na natutulog na siya namang pinapalagpas ng huli kahit pa alam ni Bryan na tahimik itong humihikbi at lumuluha.


Pero hindi na ito kaya pang palagpasin ni Bryan lalo pa't alam na niya kung tungkol saan marahil ang masamang panaginip na iyon. Katulad ng nakasanayan ay umarteng walang nangyari si Dan. Pinagpatuloy lang nito ang pagtutulog-tulugan upang hindi na siya pakielamanan pa ni Bryan pero hindi ito kinagat ng huli.


“Hey. It's just a bad dream.” pang-aalo ni Bryan.


Hindi na napigilan pa ni Dan ang sarili at inilabas na niya lahat ng takot na kaniyang nararamdaman. Sa kaniyang panaginip kasi ay nakita niya ang mga mukha ng kaniyang dating mga kaibigan, lango ang mga ito at pilit siyang hinahabol sa huli ng panaginip ay naabutan siya ng mga ito na siyang nagtutulak sa kaniya na sumigaw ng malakas na sa hindi niya namamalayang pagkakataon ay naisisigaw niya rin pala sa kaniyang pagtulog na nagiging dahilan ng pagkaputol ng kaniyang masamang panaginip na iyon at pagkagising ni Bryan na ilang dipa lang ang layo ng hinihigaan mula sa kaniya.


Kahit nagising na si Dan sa masasamang panaginip na iyon ay hindi parin nito napipigilan ang sarili na makaramdam ng pagod at panghihina pero hindi lang pisikal na aspeto ng pagkato ni Dan ang naaapektuhan ng panaginip na iyon, pati ang kaniyang emosyonal na aspeto sapagkat sa tuwing tatakbo ang masamang panaginip na iyon sa kaniyang pagtulog ay hindi niya parin maiwasan ang makaramdam ng sakit, sakit bunga pagtratraydor ng kaniyang mga kaibigan, sakit sa pananakit ng mga ito sa kaniya, sakit na may kasamang galit.


Madalas, pilit niya itong itinatago kay Bryan, nagkukunwari na siya ay mahimbing paring natutulog na parang walang nangyari kahit pa ang katotohanan ay takot na takot siya. Bumabalik din ang sakit na kaniyang naramdaman noong gabing nangyari ang lahat ng iyon na parang kahapon lang ito nangyari. Nagkukunwari na mahimbing parin siyang natutulog kahit pa ang totoo ay pinipigilan niya ang sarili na manginig dahil sa sobrang galit.


Pero iba ngayon. Alam na ni Bryan ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kaniyang kaarawan. Wala ng saysay ang pagkukunwari na walang masamang panaginip ang patuloy parin na gumigising sa kaniya paminsan minsan kaya naman tinanggap na lang niya ang mahigpit na yakap na inaalok sa kaniya ni Bryan at humagulgol hanggang sa muling gumaang ang kaniyang loob.


000oo000


Nagising si Ryan nang makaramdam siya ng pamimigat ng pantog, ge-gewang-gewang pa siyang bumangon, nag-ingat ng saglit atsaka naglakad palabas ng kaniyang kwarto papunta sa banyo. Matapos umihi ay inaantok paring naglakad pabalik si Ryan sa kaniyang kwarto para ipagpatuloy ang kaniyang pag-tulog pero bago iyon ay napatigil muna siya sa labas ng kwarto ng kaniyang kakambal kung saan nanggagaling ang liwanag na sumilaw sa kaniya na siyang kumuwa ng kaniyang pansin.


Wala sa sarili siyang sumilip at doon nakita niya si Dan na mahigpit na nakayakap sa kaniyang kakambal na tila ba naka depende dito ang kaniyang buhay at ang kaniyang kapatid na mahigpit ding nakayakap sa huli.


Nangunot ang noo ni Ryan. Alam niya ang tungkol sa sekswalidad ni Dan at wala siyang problema dito ang ipinagtataka niya ay ang sa kaniyang kapatid, alam niyang straight ito at wala siyang duda dito, muli niyang tinignan ang dalawa na siyang magkayakap parin at pinaalalahanan ang sarili na itatanong niya ito sa kaniyang kapatid bukas.



000oo000


Naabutan ni Ryan si Dan at Bryan na masayang nagkukuwentuhan sa may kusina, kumakain ang mga ito ng niluto ni Dan. Dahil abala si Ryan sa panonood sa dalawa habang iniisip na parang walang nangyari noong nakaraang gabi ay hindi napansin ni Ryan na sa kaniya na pala nakatingin si Dan.


“Want some breakfast?” tanong ni Dan na gumising sa pagmumuni muni ni Ryan. Katulad ng nakagawian ay hindi na sumagot pa si Ryan, tumalikod na lang ito basta, naglakad palayo at lumabas ng pinto.


“Your brother is weird.” saad ni Dan na ikinasamid ni Bryan mula sa pagkain.



000oo000


Habang tumatagal ay napapansin ni Ryan ang pagiging malapit ng kaniyang kakambal kay Dan. Hindi niya nakaligtaan na itanong kay Bryan ang tungkol sa kaniyang napapansin ngunit imbis na sagutin siya nito ay tinawanan lang siya nito ng tinawanan hanggang sa mainis siya at magwalk out. Hindi rin nakaligtas kay Ryan ang pagbabago ni Dan, sa loob kasi ng dalawang linggo matapos magtapos ng unang semestre ay lagi ng may nakaplaster na mga ngiti sa mukha ni Dan, tila ang dating nawawalan ng pag-asa at galit na galit sa mundong si Dan ay dinukot ng masasamamang elemento at ipinalit ang isang masigla at masiyahing Daniel. Pero kung siya ang tatanungin ay mas gusto ni Ryan ang bersyon ng Dan na nasa kaniya ngayong unahan.


Kung dati-dati ay nagmamadali itong umalis ng kanilang apartment, ngayon, hindi lang sila babatiin ng kaniyang kambal ng good morning gumagawa pa ito ng oras upang sila ay ipag-luto ng agahan, ipinagmamalaki ang mga natutunan niyang mga putahe na itinuro sa kaniya ng kaniyang kaibigang shef sa pinagtratrabahuhang restaurant.


Muli sa ikalawang pagkakataon ay wala sa sariling tinitigan ni Ryan si Dan. Pinagmamasdan ang malaki nitong pinagbago simula nung pasaringan niya ito patungkol sa inuwi nitong shawarma.


Nawala ang mga malalaking eyebags nito sa ilalim ng mga mata. Lumiwanag ang mukha nito na dati ay tila ba nababalot dilim. Tumingkad ang mapupula nitong labi at hindi rin nakaligtas ang pantay pantay na mga ngipin na madalas na ngayon nilang nakikita sa tuwing ngingiti ang huli. Hindi rin nakaligtas sa pamumunang iyon ni Ryan ang tila ba bagong puno ng buhay, mapupungay at mga kulay tsokolate na mga mata ni Dan.


Natigil na lang ang pagtitig na iyon ni Ryan sa ngayong maaliwalas na mukha ni Dan nang mapansin niya ito na nakatingin narin sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin mula sa ngayo'y naka kunot noong si Dan, tumalikod at naglakad palabas ng kanilang apartment, hindi pinapansin ang pagaya sa kaniya ng kaniyang kapatid upang kumain ng agahan na niluto ni Dan.


“That's the second time that I caught him staring at me like I killed his favorite dog or something.” nagtataka at nagaalalang saad ni Dan na ikinasamid naman ni Bryan dahil sa impit na tawa habang ngumunguya.


“Don't worry about him---” simula ni Bryan sa pagitan ng kaniyang mga pag-ubo. Tinulungan na ni Dan ang nasamid na si Bryan sa pamamagitan ng pag-hagod ng likuran nito. “--I'm sure he's just starting to fall in love with you.” wala sa sariling pagtatapos ni Bryan na ikinatigil ni Dan sa paghagod ng likod nito.


“Shoot! I gotta go---!” mabilis na saad ni Bryan matapos niyang tignan ang kaniyang relo para sa oras. Agad itong tumayo at kinuwa lahat ng pagkain na magkakasya sa kaniyang dalawang malalaking palad saka ngumiti at nagpasalamat kay Dan saka tuloy-tuloy na lumabas ng apartment. Iniwan si Dan na nagiisip mula sa huli nitong sinabi.


Pero hindi rin nagtagal at ikinibit balikat na lang iyon ni Dan. Iniisip na normal lang kay Bryan na magsabi ng mga ganung bagay.


000oo000


Hindi maikakaila ni Lily na nakatulong ng husto sa kaniya ang mga suhestiyon ng kaniyang kaibigang si Brenda. Mas magaang nga sa pakiramdam na nailalabas niya ang kaniyang mga suliranin at tunay na nararamdaman sa pagkawala ng kaniyang anak sa pamamagtan ng pagkukuwento dito sa harapan ng mga support group.


Pero hindi parin tuluyang nawawala ang bigat ng kaniyang pakiramdam. Para sa kaniya ay tila may libo libo paring tonelada siyang dala-dala at andun parin ang paninisi niya sa anak ng taong tumutulong sa kaniya ngayon.


Ayaw man niyang isipin ay sumasagi parin minsan sa kaniyang isip na maaaring naghuhugas kamay lamang si Brenda sa mga nagawa ng kaniyang anak at hindi talaga ito concern sa kaniyang pagiging pala-inom matapos lumayas ni Dan.


Dahil sa sobrang halo halo na ang kaniyang iniisip ay wala sa sariling pumunta si Brenda sa tukador ng alak ng kaniyang ama at nagbukas ng panibagong bote. Inaasahan na katulad ng dati ay mapapawi kahit pansamantala ng alak na iyon ang tonela-tonelada niyang pasanin.


0000oo0000


Sa katapat na bahay naman ay hindi mapigilan ni Obet at Brenda ang magpalitan ng masasayang tingin lalo pa't bumalik na ang sigla ng kanilang anak. Muli ng gumaganda ang katawan nito, palangiti muli, madaldal at muling bumalik ang sigla sa pagkain. Masaya man sa nakikita nila sa kanilang anak ay hindi parin makuwa ng dalawa ang magalala at magtanong sa sarili kung hanggang kailan kaya ang pagbuti ng kundisyon ng kanilang anak.


Isa sa kanilang mga tanong ay kung pano na kung matapos na ang session nito sa kainyang psychologist, mananatili kaya ang sigla ng kanilang anak o mapuputol din ito katulad ng kanilang mga session. Isa pang tanong ng dalawa sa kanilang mga sarili ay kung pakitang tao lang ba ito ni Mike o baka naman sa tuwing isasara na nito ang pinto ng kwarto ay muli itong iiyak.


Naisip ng dalawa ang mga tanong na ito lalo pa't paminsan-minsan ay nahuhuli nila si Mike na nakatulala sa isang tabi at tila ba malalim ang iniisip. Paminsan minsan din nila itong naririnig na sumigaw sa gabi matapos ang masamang panaginip at ang paghagulgol nito pagkatapos.


Pero sa kabila ng mga pagaalala na ito ay hindi parin mapigilan ng mag-asawa na matuwa para sa anak, lalo pa't nagpahayag ito ng kagustuhan na mag-aral muli at ipursigi ang pag aabugasya.


“Found a good school yet?” tanong ni Brenda sa anak na agad namang nagtaas ng tingin mula sa kaniyang platong kinakainan. Ngumiti ito, isang ngiti na nagsasabi kay Brenda at Obet na positibo ang sagot nito, na handa ito muling mag-aral na ginawa bilang tanda na bumubuti na nga muli ang pananaw ng kanilang anak sa buhay.


“Actually---” simula ni Mike.


0000oo0000


“Hey.” nakangiting bati ni Jase kay Dan habang naghuhugas ito ng plato.


“Hi, Boss!” masiglang bati pabalik ni Dan kay Jase na ikinawili ng huli. Ngayon lang kasi ito nakita ni Jase na masaya.


“Everything is doing great in your part, I suppose?” nakangiti paring tanong ni Jase na lalong ikinalawig ng ngiti ni Dan.


“Yup! Everything is great.”


“Base sa smile mo, di na ako magdududa sa sagot mo.” masayang saad ni Jase. Masaya dahil sa wakas ay tila ba bumubuti na ang lagay ni Dan.


“School?” pabitin na tanong ni Jase na agad namang naintindihan ni Dan.


“Will be enrolling for second sem next week.” proud na sagot ni Dan na ikinatuwa lalo ni Jase pero idinaan na lang niya ang pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagtango-tango.


“Job at the fast food?” tanong ulit ni Jase na tila ba nagtatanong ng naka sulat sa isang imahinasyong checklist.


“Will be expecting a pay raise next month.” matipid na sagot ni Dan.


“Wow congrats! Makakatulong sa pagiipon mo yan!” nakangiti at excited na saad ni Jase, tumango tango lang din si Dan, hindi maikakaila ang kasiyahan sa kaniyang mukha.


“Love life?” tanong ni Jase na ikinatigil ni Dan sa kaniyang ginagawa. Matagal na hindi sumagot si Dan kaya naman naisipan ni Jase na tanungin ulit si Dan.


“How---?” simulang tanong ni Jase ngunit naputol siya ng biglang dumating ang guard.


“Dan, andyan na yung makulit mong sundo sa labas.” humahagikgik na tawag pansin ng guard kay Dan.


“OK! Salamat---” saad ni Dan sa gwardya saka binanlawan ang huling plato, naghugas ng kamay at nagtuyo ito saka humarap kay Jase.


“Good to see you smile at last.” nakangiti paring balik ni Jase kay Dan sabay gulo sa buhok nito. “Here's for your good work today.” habol ni Jase sabay abot kay Dan ng sweldo niya para sa mga hinugasang pinggan sa araw na iyon. Saglit na natigilan si Dan at pinanood ang nakangiting si Jase maglakad palayo saka inihipo ang palad sa buhok na ginulo ni Jase. Naaalala ang dating kaibigang madalas gumawa noon sa kaniya.


Pilit na umiling si Dan, iniisip na hindi niya sisirain ang kaniyang araw dahil lamang sa ala-ala ng isang walang kwentang tao.


“Finally!” “Sa wakas!” sabay na sigaw ng gwardya ng restaurant atsaka ni Bryan na mukhang abala sa pagkukuwentuhan bago siya lumabas.


“Malapit na akong mabingi sa daldal nitong kaibigan mo.” “Si manong guard niyo hindi nagsasalita.” sabay ulit na saad ng dalawa saka nagkatinginan atsaka tumawa ng malakas. Hindi narin mapigilan ni Dan ang mapahagikgik.


“Pagpasensyahan niyo na po ang kadaldalan ng kaibigan ko.” saad ni Dan sa gwardya sabay hila sa braso ni Bryan. “TARA NA!” sigaw ni Dan lalo pa nang makita niyang magsasalita ulit si Bryan. Alam niya na kapag hinayaan niyang magsalita ito ay hindi nanaman niya ito mapipigilan.


Sa opisina ng restaurant ay kitang-kita ni Jase ang pagkaladkad ng tumatawang si Dan sa kasama nitong humahalakhak din. Iniisip na hindi na kailangan pangs agutin ni Dan ang kaniyang hindi nasagot na huling tanong dahil kitang kita niya sa kaniyang harapan na masaya rin si Dan sa kaniyang love life kahit pa wala siyang ebidensya na nobyo nga nito ang sumundo sa kaniya. Hindi mapigilan ni Jase ang mapangiti nang maalala niya na mahilig din itong gawin ni Aaron dati. Pero ang ngiting iyon ay saglit lang na lumagi sa kaniyang mukha sapagkat muli nanaman niyang naihahambing si Dan sa kaniyang namayapang nobyo.


Hinihiling na hanggang dun lang ang pagkakakahalintulad ng dalawa at hindi na mahahantong pa si Dan sa kinahantungan ni Aaron.


“Hon?” tanong ng nobyo ni Jase sabay yakap sa likod nito.


“Hey.” bati pabalik ni Jase sabay abot sa kamay nito at hinalikan ang palad nito.


“I'm bored.” saad ng nobyo ni Jase na ikinahalakhak ng huli.


“You're always bored.” balik ni Jase sabay unti-unting tinatanggal ang butones ng kaniyang polo shirt.


0000oo0000


Nagising si Ryan nang maramdaman niyang umalis mula sa kaniyang pagkakayakap ang kaniyang katabing natutulog. Pinagmasdan niya ang makinis nitong likod, umupo siya at hinaplos ang makinis nitong balat, iniisip kung gano siya magiging ka-swerte sa oras na mapasakanya ang loob ng taong kani-kanina lang ay kaniyang kayakap sa kamang iyon.


Dahil sa naisip na ito ay wala sa sarili siyang napa-buntong hininga na ikinalingon at ikinangiti ng maganda ng taong kanina lang ay kaniig niya.


“Aalis ka na agad?” tila isang batang natatakot maiwanang magisa na tanong ni Ryan na lalong ikinalaki ng ngiti ng huli na siyang gustong gusto naman ni Ryan, hindi na rin nito napigilan ang sarili na mapangiti.


Gustong-gusto ni Ryan ang ngiting iyon, tahimik na hinihiling sa sarili na sana ay sa kaniya lang ilalaan ng taong ito ang ngiting iyon, na sa kaniya lang sisilay ang mapupulang labi nito at pantay-pantay na ngipin. Lihim niya ring hinihiling na dahil sa kaniya kaya't mapupuno ng buhay ang mga kulay tsokolateng matang iyon.


Pinanood parin ni Ryan nang tumayo ito at naglakad papuntang banyo, wala sa sariling pinagmasdan ang repleksyon nito sa salamin ng banyo na siyang kitang kita sa kama na kaniyang kinahihigaan. Pinanood niya itong mag-ayos ng sarili, naghahanda sa kaniyang pag-alis.


"I need to be somewhere else." nahuling sagot nito kay Ryan na ikinabura ng ngiti ng huli. Hindi na ito bago kay Ryan. Sa tuwing magkikita sila nito ay tila ba naglalaro lang sila o kaya naman hobby lang nila ang mag niig, tila ba ang ginagawang iyon ay hindi dahil mahal nila ang isa't isa kundi para kamutin lang ang nangangating mga katawan. Walang emotional attachments. "Fuck Buddy" para sa iba.


Kung ito ay nangyari may dalawang linggo ang nakakaraan, marahil ay nasaktan pa si Ryan sapagkat aminin niya man o hindi ay mahal na niya ang taong ito kahit pa mas malamig sa yelo ang turing nito sa kaniya at kahit matigas pa sa bato ang ugali nito.


You're not going to be depressed or something again, right?” mayabang na tanong nito kay Ryan.


Kung may dalawang linggo ang nakakaraan nung sinabi ito kay Ryan ay malamang na depress nga ang huli, hindi narin ito bago kay Ryan, alam niyang pagkain lamang ito sa ego ng huli, noong una, Oo, masakit, ngunit ngayon, tila isa na lang itong biro sa kaniya, kaya't napatawa nalang din siya.


Kung ano man ang nagbago, hindi niya alam pero kahit ano pa man ang dahilan ng mga pagbabagong ito sa kaniyang nararamdaman sa taong kaniyang pinagmamasdan ngayon ay wala na siyang pakielam dahil maganda sa pakiramdam ang pagbabagong ito at wala na siyang balak pang burahin ang pagbabagong ito.


Saglit na nangunot ang noo ng taong kasama ni Ryan. Tinignan ito sa pamamagitan ng salamin. Ramdam niyang may nagbago dahil purong pagkawili ang naririnig niya sa tawang iyon ni Ryan at hindi sarkasmo. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nababahala parin siya sa pagbabagong ito ni Ryan.


0000oo0000


Good morning!” masigla pero inaantok pang bati ni Dan kay Ryan pagkapasok na pagkapasok nito sa front door ng kanilang apartment.


Hindi napigilan ni Ryan ang mapangiti lalo pa't tayo-tayo pa ang buhok ni Dan at parang bata pa itong nagkukusot ng mga mata dahil sa antok. Hindi nakaligtas ang ngiting ito ni Ryan nang ibaba na ni Dan ang kaniyang mga kamay matapos kusutin ang kaniyang mga mata.


Hindi rin napigilan ni Dan ang sarili na mapangiti. Noon niya lang kasi nasilayan ang magandang ngiti na iyon ni Ryan, kamukhang kamukha man nito si Bryan ay hindi parin mapigilan ni Dan na isiping mas maganda ang tawa nito kesa sa kapatid. Pero ang ngiting iyon ay mabilis ding nabura nang mabilis ding binawi ni Ryan ang kaniyang ngiti.


Agad na binura ni Ryan ang kaniyang ngiti nang maisip kung sino ang kaniyang kaharap. Kung kaninong parang batang itsura ang kaniyang kinaaaliwan.


Itutuloy...

Against All Odds 2[15]
by: Migs 

Comments

  1. Maraming salamat ulit sa pagiintay. Pasensya na talaga. BUSY. Saulo niyo na ang salitang yan dahil madalas ko na yang dahilan sainyo. :-( hihingi pa po ulit ako ng pasensya pa dahil wala na pong kwenta ang mga sagot ko sa mga comments niyo sa huling chapter.

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    LordNblue: kung pwede nga lang na isang mahabang kwento na lang ito ginawa ko na.

    Lawfer: sensya na hindi ako nakabawi sobrang tagal ng post. :-(

    Frostking: paki subaybayan na lang po yung story.

    Ryge Stan: Salamat hayaan mo kapag nagkaoras ako iisa-isahin kong ie-edit yang mga stories ko dati.

    aR: di ko na nagawa yung pangako kong 2 stories a week dahil sa sobrang busy. :-(

    Edmond: dahil wala ka sa hulog mag comment last time, ngayon ako naman ang wala sa hulog sumagot. Hahaha! :-)

    waydeejanyokio: malalaman mo soon kung anong course niya.

    Rascal: thank you and you're welcome.

    robert_mendoza: it's my pleasure. :-)

    russ: wag kang magalala, matagal pa ito na tipong ikaw na ang magsasawa. :-)

    makki: salamat! :-)

    Lynx Howard: Heart shattering talaga? Sa Like or Rate naman, sige magtatanong ako kung posible bang malagyan yung blog ko ng ganun. :-)

    adik_ngarag: Mali ang feeling mo. Haha! :-)

    Moon Sung-Min: sino ang sinasabi mong gusto mong maka love team?

    Anonymous December 13, 2012 3:35AM: pakilala ka po para ma-acknowledge ka ng maayos. Salamat! :-)

    theresa of the faint smile: Sasaya na siya soon kaya sana maging masaya ka nadin. :-)

    foxriver: salamat sa effort na paghahanap ng iba pang adjectives na pwedeng idikit sakin! :-)

    Johny Quest: haha! Sino si vilma at nora? Di ko ata naabutan yung mga yun. :-P

    SuperKaid: wala naman. Pinatawad siya ni Brenda. :-))

    BoboyTuliag: buti naman at nagbalik ka! :-)

    riley delima: nastre-stress ka na ba din sa pagiisip ng kasunod? :-)

    ANDY: may nakakaalala pa pala na nagpalit lang ako ng POV? :-D Salamat ANDY! :-)

    jonas mejia: ayaw kong maging sikat. :-))

    -icy-: salamat! Ayain mo na din silang wag ng maging silent readers at mag comment na! :-)

    theresa Llama: soon magkikita na sila! :-)

    Anonymous December 18, 2012 8:51PM: eto na po ang nirequest niyong back to back. Pa lagay na lang po ng name sa susunod niyong pagcomment para mai-address ko kayo ng maayos.

    Anonymous December 19, 2012 6:01AM: pakilala po sa susunod na mag comment. Salamat po! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. andami talgang cameo! matutulog na ko! salamat sa stories mo kuya migs!!

    andito rin pala si cha sandoval! ahahaha nakalimutan ko lang i comment dun sa isa!! galing mo talgang mag weave ng storyline!

    forever a fan!! happy holidays ulit and ingat lagi and godbless!! ahahaha.

    -ichigoXd

    ReplyDelete
  3. migs, akala ko kung ano na nangyari sayo. kamusta po? ayos lng po b kayo?

    may idea na ako kung sino yung ka sex ni ryan. twist na naman to. xD

    ReplyDelete
  4. Hmmmm I think I know who's with Ryan, maybe its Jase, Mike or Melvin???. But I guess its mike or it might be Jase, or maybe Melvin hehehe. Gulo ko, hehehe nice one migs iniwan mo nanaman akong nagiisip, hindi sa nabitin ako sa chapter na to but there's something missing leaving me with a hanging mind thinking what is going to happen next.

    Thanks migs have a great day and keep on writing. Have a Happy Christmas my friend!!!

    ReplyDelete
  5. kuya migs kylan po ulit ung continuation?slmat

    ReplyDelete
  6. waaahh.. thanks for this back to back updates..

    still wondering kung sino yung "FU-BU" ni Ryan..

    please don't let it be Mike..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  7. Author Migs!

    haha daming tanong dito ngayon sa chapter na ito,hmmm.. how do i start? :D

    1. Since ok na si lily dahil sa support group niya, bakit diman lamg sila nag usap ni brenda ng masinsinan para maalis na sa isip niya baka naghuhugas kamay lng ito dahil sa kasalanan ng anak

    2. si mike ba ok na ba talaga?, ang galing talaga ni cha!! parang feel ko na sa school na pipiliin niya ay andun si Dan :D hehe

    3. Sino si hubby ni Jase? si Mr. Bus ba nanakausap ni Aaron?

    4. Sino itong ka fubu ni Ryan? since when? hahaha

    5. Sa fubu ni ryan..di kaya si David yan or Martin?? hahaha!!

    6. Abangers ako sa mga next episode kasi feel ko babalik sila mark,david,mike,martin sa buhay ni Dan.

    Wew that's all! haha ansaya ko lang dahil nagpost kana! at madaming nanayari sa back to back ngayon, di gaya ng dati pag nabitin ka kasi alam mong may dapat mangyari pero sa next episode pa hehe..atleast ngayon abangers lang talaga, walang thrill or suspense na iisipin na mangyayari..

    siguro pag natagalan ka mag post ng story e iisipin ko muna na busy ka bago yung kung may nangyari sayo :D haha

    -aR

    ReplyDelete
  8. Kuya migs.... ako po yung nag comment ng BACk TO BACk, name ko is Joshua. fan mo ko. actually may ginagawa rin akong story kac na inspire akong gumawa ng dahil dito sa mga binabasa ko sa blog mo. well ask ko lang meron ba tlgang makakatuluyan si Dan? may mamatay ba sa story? how about si mike? magkakatuluyan kaya sila ni Dan. Ano naman kaya yung kay Ryan at sinu yung nakasama niya? magkakagusto ba siya kay dan? hehehe dami kung tanong noh. well sana hindi ka magsawang gumawa ng mga ganitong klase ng kwento kasi parang true to life story eh kahit fictional.

    ReplyDelete
  9. ~kuya migs my pinahihiwatig kaba about sa pag compair ni jase kay aron at dan :( wag naman. At sino ang kaano ni ryan? Si LIAM BA?. Malay mo triper sya lols:)) :D at CONFIRM! bet na nga ni ryan si dany:)

    ~waydeeJanYokio

    ReplyDelete
  10. yun na nahuhulog na si ryan kay dan..sino kaya yung ka sex ni ryan sana wag si mike (pero feeling ko di tlaga siya.pero malay ko hahaha) parang may role din dito ang ka relasyon ni jase..hmmmm..sana magkita na sina dan at mike..

    salamat sa back to back chapters miggs...

    ReplyDelete
  11. Nako..sinu ito?may naaamoy akong pangyayari Migs..hihi..cge abangan ko na lang next chap kung tama nasa utak ko..

    Salamat Miguel sa back to back :))

    ReplyDelete
  12. hehehe at sino kaya ang lover ni ryan..migs hirit nga hehe

    ReplyDelete
  13. tnx migs sa back to back chapters, sulit na sulit he he he. iba ka talaga at nababalanse mo ang ung flow sa story. mukhang unti inting gumaganda ang twist ng kwento. goodluck! merry christmas po.

    ReplyDelete
  14. Migssssssssss!!!! Makatawag wagas e noh? Namiss ko kasi mga post mo ih. :D
    Yung totoo ha, namiss ko si Danny. Promise! Nahook na talaga ako sa kuwento niya, promise! Promise! Hihih paulit-ulit.

    May tanong ako Migs, masaya ako na lumabas si Cha dito pero yung totoo tatanda ba ng single ito si Cha? Hahahahahah sa tinagal tagal wala pang makawit ito si Cha na mapangasawa. Kaloka! Hihih

    Thanks sa update! Merry Christmas Migs. :)

    ReplyDelete
  15. hey galing.....unti unti nang nafafallin love c ryan kay dan....whoooo pano na c mike pag natutunan ng mahalin ni dan c ryan o d kaya c bryan.....

    ReplyDelete
  16. si Jase cguro ang lover ni ryan ano? hula lng naman... hihihi You made my day Migoy! Two Thumbs UP! and i declare! christmas break is finally on! MERRY CHRISTMAS! ^_^

    ReplyDelete
  17. i read the back to back chapters in the middle of my Ninang's wake(bad fox) :) eh kasi i can't wait hehehe, and i sooooooooo love it lalo na at medyo ok na si Dan and Mike's going there as well, thanks for bringing Cha back. The adjectives: i guess i have given it all Merriam run out of it hahahha. Thanks Migs, its always worth the wait.

    ReplyDelete
  18. i read the back to back chapters in the middle of my Ninang's wake(bad fox) :) eh kasi i can't wait hehehe, and i sooooooooo love it lalo na at medyo ok na si Dan and Mike's going there as well, thanks for bringing Cha back. The adjectives: i guess i have given it all Merriam run out of it hahahha. Thanks Migs, its always worth the wait.

    ReplyDelete
  19. migs, i knew it!!! beki nga si ryan!!!! hahahahahaahaha

    in fairness, hitik sa pagbabago ang naganap sa chapters ha.

    nako, eto na naman si cha! hahahahaha

    naiinlove na si ryan kay dan!!!

    ReplyDelete
  20. kami ni Bryan.wahahaha. dapat brotherly love lang sila ni dan...LOWL

    ReplyDelete
  21. i think it's not Mike. Diba nga nasa state of depression pa rin naman sya at paano naman nya magagawang makipagtalik eh sa diba nga lagi nya naiisip yung ginawa nya kay Dan..i think its Jase. Baka naman kasi hindi na sya nakipagrelasyon simula nung namatay si Aron kasi para sa kanya si Aron ang huli nyang mamahalin at wala nang iba..kaya siguro kung sya nga yung katalik ni Ryan eh friends with benefits nalang..

    anu ba yan kung anu anu tuloy ang tumatakbo sa isip ko hahaha.next na kuya migz.tc

    --marlon lopez

    ReplyDelete
  22. Haha! Kuya migs! Galing ng pagkakagawa mo kay Bryan. Lol. Natawa ako sa scene ni bryan with guard. Ang kulet!

    Ryan-Dan na 'to! Brother lang talaga si Bryan at Dan.

    ReplyDelete
  23. okay lng un migoy, back2back chapter naman eh :D sulit!

    mystery guy... hmm... lemme guess... third protagonist? :)

    ReplyDelete
  24. Thanks Migs! Don't be sorry about late postings ;)

    ReplyDelete
  25. - Santa Caridad, ang santa ng mga beki. (And everybody say Amen!) I'm now all the more positive sa magiging takbo ng kwento mo, especially now that Cha is onboard. =)

    - Si Melvin kaya ang fubu ni Ryan? I doubt na si Jase, kasi dapat ma-recognise niya na kakambal ni Bryan (assuming na nakita siya ni Jase noong sinundo si Dan) si Ryan. Seriously, I hope it's not Jase kasi otherwise parang walang saysay ang pagkamatay ni Aaron sa AAO Book 1. I also doubt it's Mike, lalo na't ganun state niya ngayon. Anyway, I think mas in character si Melvin to be a fubu and his latest involvement (if ever) can bring more conflict to this story considering he's one of the key players here.

    - And BTW, where the heck is Martin? You said before na he's the 3rd lead character here. I'm excited to see rin how his character has developed.

    - Why do I have this feeling na baka si Bryan pa mismo (or rather ang kadaldalan niya) ang magpahamak kay Dan later on?

    - Will Mike indeed go to the same school as Dan?

    Migs, di na ko sabaw ha. (Anong term naman yang "walang hulog"? Di yan uso sa generation ko, hahahaha!)

    Anyway, happy holidays to you and my fellow followers of yours. =)

    - Edmond

    P.S.: I'm seriously attempting to come up with my own story. I'm no writer myself although I have some ideas. Anyway, you're one of the reasons I got inspired para ma-activate ang right side ng brain ko, especially having followed your stories for the past months. Thanks Migs! =D

    ReplyDelete
  26. Hello Boss Miguel, I'm a fan! I rarely comment but I assure you, your works are appreciated. Happee Christmas ! ^^

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]