Against All Odds 2[13]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Isang buong semester na ang lumipas. Nahihirapan man sa sabay na pagtratrabaho at pagaaral ay nagpupursigi parin si Dan. Hindi na nga niya hinayaan pang magkaroon ng pagkakataong saktan siya nila Bryan at Ryan. Umaalis siya ng tulog pa ang mga ito at umuuwi galing sa trabaho ng tulog na ang mga ito. Ilang beses din siyang sinubukang kausapin ni Bryan ngunit iniiwasan niya lang ito, hindi siya nagpapadala sa malungkot na itsura nito sa tuwing iiwasan niya ito, iniisip na ito lang ang paraan para hindi na siya muli pang magtiwala at hindi na muli pang masaktan.


Asshole!” singhal ni Bryan sa kaniyang kapatid sabay tulak dito matapos siyang muling iwasan ng nagmamadaling si Dan.

What?!” pasinghal na tanong rin ni Ryan sa kaniyang kapatid, hindi ma-gets kung bakit siya nito sininghalan gayong kakikita pa lang naman nila noong umagang iyon.


After that 'I don't eat scraps” speech of yours, Dan got so cold that penguins would walk out of the place he's in!” singhal muli ni Bryan.


And I should care because?!” singhal ulit ni Ryan na nakapagpailing kay Bryan.


Who are you and what have you done to my brother?!” singhal ni Bryan sabay bunggo sa kaniyang kakambal nang daanan niya ito habang naglalakad palayo, hindi makapaniwala sa malaking pinagbago ng kaniyang kakambal.


Hindi mapigilan ni Ryan ang sarili na matameme habang pinapanood ang kaniyang kapatid na maglakad palayo mula sa kaniya. Alam niya ang tinutumbok nito, ngunit hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang kaniyang pakikitungo kay Dan.


0000oo0000


Pareho ng pinapasukang unibersidad sila Bryan, Ryan at Dan, kaya naman hindi malayong magkita-kita o kaya naman ay ang magkasalubong ang mga ito. Sa di kalayuan ng inuupuan ni Bryan sa loob ng silid aklatan ay ang inuupuan naman ni Dan, sinadya niyang hindi magpakita dito dahil alam niyang iiwasan nanaman siya nito, kaya naman nagkasya na lang siya sa panonood sa bawat kilos nito.


Hindi ang pagiging tahimik at malamig na tao ang nakita ni Bryan kay Dan nang una silang magkakilala nito. Nababasa man ni Bryan na may dinadala itong problema ay naging masiyahin o kaya naman puno parin ito ng buhay pero lahat ng iyon ay nagbago nang magpasaring ang kaniyang kakambal dito nang uwian sila nito ng shawarma.


Halos anim na buwan na sila nitong iniiwasan.


Something's bothering you, Dan. I can feel it.” sabi ni Bryan sa sarili habang mataman paring nakatitig kay Dan. Dahil desedido rin si Bryan na malaman ang ikinakaganoon ng kaibigan at desedido itong tumulong ay hindi na siya nagdalawang isip na damputin ang kaniyang telepono at i-dial ang numero ng taong alam niyang makakatulong sa kaniya.


Hello tita?”


0000oo0000


Sa kaniyang buong buhay na pagiging ina ay hindi pa sumakit ang ulo ni Brenda sa kaniyang mga anak. Ngayon lang. Ang kaniyang panganay, nairaos niya at ngayon ay may sarili ng pamilya, ang kaniya ngayong pinoproblema ay si Mike.


Tila nawalan ito ng dahilan upang mabuhay. Matapos ang paglalayas ni Dan ay tila ba pakiramdam ni Brenda ay naglayas din ang kaniyang anak na si Mike. Hindi niya ito makausap ng maayos, pumapasok ito sa skwelahan ngunit tila ba ang isip nito ay wala sa itinuturo ng kaniyang mga guro, nagsimula na itong pumayat, madalas niyang naaabutang nakatitig sa isang tabi tila ba napakalalim ng iniisip.


Ilang beses na niyang sinabi dito na hindi niya kasalanan ang nangyari kay Dan, ngunit tila nakikipagusap siya sa hangin. Kinausap tungkol sa pag-aaral nito ngunit tumatango o umiiling lang ito. Hirap na hirap na si Brenda sa kaniyang bunso, gusto niyang gawin lahat ng kaniyang makakaya maibalik lang ang dati nito sigla.


Pero kahit gaano pa siya kagaling na ina at kahit anong tulong pa ang kaniyang i-abot sa kaniyang anak ay tila hindi pa iyon lahat sapat. Dahil hindi na niya alam pa kung ano ang gagawin para bumalik ang sigla nito.


We can't accept him for second sem, Mrs. Feliciano---” simula ng dean ng departamento ng kursong kinukuwa ni Mike, na siyang gumising sa malalim na pagiisip ng mag-ina sa loob ng opisina ng dean.


I'm sure we can do something about this. Arrange an agreement, perhaps?” nagbabakasakaling tanong ni Brenda sa sarili. Hindi niya ugali ang magmakaawa o kaya ang mamilit pero kinalimutan niya ang pride niya dahil sa isang alaala na kaniyang pinanghahawakan.


Ma, I want to be a lawyer.” walang sabi sabing saad ng isang desedidong- desedido na si Mike isang araw habang nag aalmusal silang mag-anak bago pa man ito tumuntong ng fourth year high school.


Law school is expensive---” simula ni Brenda ngunit nang makita niya ang pagbagsak ng mukha ni Mike ay agad siyang bumawi. “---but hey! We have no atty. in the family yet! I promise, no matter what happen, I'll do my best to support you all the way.” nakangiting pagtatapos ni Brenda na muling nagtatak ng ngiti sa mukha ni Mike.


I'm sorry, Mrs. Feliciano. We did everything we could for him to stay in this university. Pero mukhang siya naman yung ayaw magpatulong, Misis.” mahinahon at malungkot na saad ng dean. Pilit itong inintindi ni Brenda kaya naman wala na lang siyang nagawa pa kundi ang tumango at sundin ang gusto ng ina.


0000oo0000


What's happening to you, Mikee?” tahimik na tanong ni Brenda habang asa biyahe sila pauwi ng kaniyang anak.


Sa tawag na “Mikee” sa kaniya ng ina ay hindi napigilan ni Mike ang malungkot, mapapikit sa sakit habang pinipigilan ang mga luha sa pagtulo.


Masayang tumatakbo si Mike at Dan papunta sa isang burol hindi kalayuan sa kanilang mga bahay. Mataas ngunit hindi mainit ang sinag ng araw, katamtaman lang din ang ihip ng hangin kaya't inaya ni Mike na magpalipad ng saranggola sa may burol si Dan, ngunit si Dan, bilang si Dan ay may pagkamahina sa matagalang pag-takbo. Umiiyak itong napaupo sa madamong daan patungo sa tuktok ng burol.


Mikee!” sigaw ni Dan. Agad at nagaalalang tumingin si Mike sa kaniyang kaibigan, nakita niya itong umiiyak na nakaupo sa may damuhan. Agad siyang tumakbo papalapit dito dahil sa takot na nasaktan ang kaibigan.


OK ka lang Danny?” nagaalalang tanong ni Mike. Tumango si Dan bilang sagot at agad na pinahiran ang kaniyang mga luha dahil para sa kaniya ay wala na ang saysay ng pag-iyak sa pagkat andun na si Mike.


Napapagod na ako, Mikee.” sagot ni Dan sa pagitan ng mga hikbi. Napahagikgik naman si Mike at pinahiran ang natitira pang mga luha sa pisngi ni Dan sabay abot dito ng kanilang saranggola.


Ayan, hawakan mo, ipapasan kita.” sabi ni Mike sabay luhod sa damuhan para ipasan si Dan.


Yehey!” sigaw ni Dan sabay hablot ng mga saranggola at akyat sa likod ni Mike na muli namang napahagikgik.


Gusto mo lang atang ipasan kita eh.”


Oo naman.” humahagikgik naring sabi ni Dan.


Ah ganun ah?! Sige, pagdating sa tuktok ihuhulog kita.” humahagikgik na banta ni Mike sa kaniyang kaibigan


.“Arghhhh! Mikee!” sigaw ni Dan nang bilisan ni Mike ang kaniyang paglalakad patungo sa tuktok ng burol upang ituloy ang pananakot kay Dan.


MIKEE!”


Mike?” nagaalala at may luha ng tanong ni Brenda sa kaniyang anak. Hindi ito nakaligtas kay Mike na muling napaisip ng malalim at iniiwas ang kaniyang tingin mula sa ina at itinuon iyon sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan.


Masyado nang maraming nasaktan sa pagkakamaling iyon na kaniyang ginawa kay Dan. Nung una ay sinisisi niya sila Mark at Dave pero ngayon, nang makita niyang masasaya ang mga ito na pumapasok sa kolehiyo na parang walang nangyaring masama kay Dan ay sumagi sa kaniyang isip na siya at wala ng iba pang dapat sisihin.


Ngayon hindi lang si Dan at ang ina nitong si Lily ang kaniyang nasasaktan kundi pati narin ang kaniyang mga magulang na siyang lalong nakadagdag ng kaniyang nararamdamang takot. Takot na pati ang mga ito ay mawala sa kaniya katulad ng pagkawala ni Dan at Lily sa buhay niya matapos niyang saktan ang mga ito.


000ooo000


How was work?” tanong ni Bryan kay Dan nang pumasok ito sa front door ng kanilang apartment na ikinatalon ng huli.


It's OK.” malamig na sagot ni Dan sa pagaakalang si Ryan ang nagtanong sa kaniya pero nang makita niya ang pinipigilang ngiti ng kambal ay agad niyang napagtanto ang pagkakamali. Si Bryan ang kaniyang kaharap ngayon, marahil natatawa sa kaniyang pagkagulat. Nagpakawala agad siya ng isang matipid na ngiti upang hindi maipaalam sa huli ang kaniyang simpleng pagkakamali na iyon.


Hey can we talk? Tagal na nating hindi nagkwe-kwentuhan.” habol ni Bryan kay Dan nang makita niya itong papunta na sa kanilang kwarto upang magpahinga na.


I-I'm really tired, Bryan. Can we do this tomorrow---”


That's what you said last night--- and the night before that.” malungkot na tingin ni Bryan kay Dan na nagpalungkot din sa huli. Masayang kasama si Bryan at alam niyang mabuti itong kaibigan, ngunit takot na si Dan na magtiwala muli. Hindi ba't ganun din naman si Mike, mabuti at masayang kaibigan, ngunit kinawawa parin siya nito.


I-I'm sorry.” ang nasabi na lang ni Dan sabay talikod ta aktong bubuksan na sana ni Dan ang door knob nang magsalita muli si Bryan.


Tita told me everything---” simula ni Bryan na siyang nakapagpatigil kay Dan sa muling pagiwas nito sa huli. “---now I understand why it is so hard for you to trust us. I wouldn't blame you. What they did was awful and I'm sorry it has to happen to you. I'm sorry.” pagtatapos ni Bryan na siyang nakapagpalamig sa dugo ni Dan.


Y-you h-have no right to talk about my p-past. Mrs. Hernando do-doesn't have the right to tell a-anybody a-about w-what happened!” singhal ni Dan. Nuon lang nakita ni Bryan ang galit na anyong iyon ni Dan, nanginginig na ito at walang tigil ang pagtulo ng luha.


I'm sorry. But I just want to know kung bakit ka biglang nanlamig samin.” nagaalalang saad ni bryan.


You have no r-right! You have no right!” sigaw ni Dan sabay upo at sandal sa pader. Idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib at itinago ang kaniyang mukha sa pagitan ng mga ito.


Sinubukang aluhin ni Bryan si Dan ngunit hindi niya ito maalo sa halip ay lalong tumitindi ang panginginig nito at pagiyak.


0000oo0000


Di ko na siya naintindihan right after Dan left.” wala sa sariling saad ni Brenda sa asawa habang nakatitig parin kay Lily.


Matapos ang misa ay tumuloy na ang mag-anak ni Brenda sa kanilang sasakyan. Doon nakita nila si Lily, nakikipagtismisan, nakikipagtawanan at tila ba wala lang sa kaniya ang pagkawala ni Dan na lubos na ikinairita ng magawasa sapagkat sila na nagsisilbi lamang na pangalawang magulang ni Dan ay apektadong apektado sa pagkawala nito samantalang si Lily na mismong nanay ng nawawala ay nakukuwa pang tumawa.


Shhh!” saway ni Obet sa asawa sabay tingin sa rear view mirror at tinignan si Mike na itinuloy lang ang pagkukunwari sa pagtulog, kunwaring napagod sa pakikinig sa mahabang misa.


It's just that I don't get her.” bulong na balik ni Brenda sabay hikbi. Hindi makapaniwala sa nangyayari sa kaibigan at anak nito. Agad namang niyakap ni Obet si Brenda upang aluhin ito.


Muli, kinain ng sariling konsensya si Mike matapos mapagtantong muli nanaman niyang nasasaktan ang mga tao sa kaniyang paligid dahil sa lahat ng mga nangyari.


0000oo0000


Natapos nanaman ang isang araw ng pagpapanggap. Ibinaba ni Lily ang kaniyang mga gamit mula sa pagsisimba, imbis na dumaretso sa kusina para magluto ng pananghalian katulad ng kaniyang nakasanayan noon nung nandun pa si Danny ay dumaretso na siya sa bar ng kaniyang namayapang ama, nagsalin ng yelo mula sa maliit na ref doon sa isang baso, naglagay ng maraming alak dito at nang lumamig na ang alak ay saka niya ito tinungga.


Pakiramdam niya ay nabura ng mataas na shot ng alak na iyon lahat ng kaniyang problema, na nabura ng alak na iyon ang ala-ala ng kaniyang pagpapanggap kanina sa harap ng maraming tao na siya ay OK lang at parang hindi siya nilayasan ng kaniyang anak.


0000oo0000


Nagising si Brenda nang makarinig siya ng kalansing sa kanilang kusina. Sinubukan niyang gisingin si Obet ngunit patuloy lang ito sa pagtulog. Bumangon siya sa kaniyang higaan at tahimik na bumababa at tinungo ang kanilang kusina. Doon naabutan niya si Mike na tila ba may hinahanap sa loob ng ref.


Iniisip na kaya pala laging walang gana itong kumain sa kanilang harapan ay kumakain pala ito ng palihim sa gabi at kaya pala laging nawawala ang mga pagkain na kaniyang itinatabi sa gabi. Iniisip na paaalalahanan na lang niya mula ang anak sa umaga na hindi tama ang ginagawa nitong pagkain sa gabi ay nagpasya na siya na pumanhik sa kanilang kwarto at matulog ulit.


Pero hindi pa man siya nakakatalikod mula sa bungad ng kusina ay muli siyang napatigil lalo pa ng mapansing hindi sa plato inililipat ni Mike ang mga pagkain na inihahanda nito mula sa ref kundi sa isang tupperware. Muling ibinalik ni Brenda ang pansin sa kaniyang anak.


Nagtago siya nang mapansing papalabas na ito ng kusina. Lihim niya itong pinanood habang kinakalikot ang mga susi na nakasabit malapit sa kanilang telepono at binuksan ang front door nila at gate.


Pagsasabihan na sana niya ito tungkol sa paglabas ng bahay ng dis oras ng gabi ngunit mas nananaig ang kaniyang kagustuhang malaman kung saan tutungo ang anak kaya naman tahimik na lang niya itong pinanood at sinundan.


Nakita niya kung paano ito mag-alangan habang tumatawid ng kalsada at kung pano ito mag-alangan habang binubuksan ang gate ng bahay nila Lily. Agad na nagdikit ang kilay ni Brenda. Tinatanong kung sino pa ang pupuntahan ng anak doon gayong may ilang buwan ng hindi umuuwi ang kaibigan nitong si Dan.


Tahimik niya paring sinundan ang anak papasok sa bahay nila Lily at ang tagpong sumalubong sa kaniya ay talaga at lubusan naman niyang ikinagulat at ikinalungkot.


Madumi ang buong bahay. Malayong malayo sa itsura ng bahay na madalas niya noong pasukin para makipagkwentuhan sa kaibigan na si Lily. Ang mga maduduming damit ay nagkalat sa buong bahay, may mga tira-tirang pagkain na alam niyang iniluto niya may ilang araw na ang nakakaraan na nakakalat sa sahig na nilalanggam at iniipis na, mga piraso ng basag na plato sa sahig malapit sa pader kung saan sa kaniyang palagay ay ibinato sa pader na iyon kaya't nabasag.


Anong nangyayari dito?!” naguguluhang tanong ni Brenda sa sarili.


Tahimik parin niyang sinundan ang anak papunta sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang kwarto ng kaibigang si Lily, pero agad siyang natigilan sa inabutang tagpo.


IKAW NANAMAN?!” singhal ni Lily na halatang-halatang nakinom base sa pagewang gewang nitong ulo at base sa hindi tamang pagkumpas ng mga kamay nito.


Tita, I brought you food.” tahimik na sagot ni Mike na tila ba hindi niya narinig ang sinabi ni Lily.


Akala mo mapapatawad kita sa kahayupan na ginawa mo sa anak ko dahil lang sa pagpapalimos mo sa akin ng pagkain?!” singhal ulit ni Lily na nagdulot kay Mike upang mapapikit dahil sa sakit na nararamdaman mula sa pagpapaalala na iyon ni Lily.


Ang totoo niyan ay hindi hinihiling ni Mike ang patawarin siya ni Lily dahil lamang sa pagaaruga niya dito sa gabi sa tuwing hindi ito nagpapanggap na ayos ang lahat, ginagawa niya iyon dahil hindi niya matiis ang kalagayan ni Lily na itinuring na niyang pangalawang ina at dahil narin hindi niya kakayanin pa ng kaniyang konsensya kung pababayaan niya itong mawala rin sa kaniyang buhay katulad ng nangyari kay Dan.


Bakit mo yun nagawa kay Dan, Mikee?” malungkot na tanong ni Lily sabay napaupo muli sa kaniyang kama at inabot ang pagkaing inaalok ng binata at kinain ito.


I'm sorry, tita--- I never---” hindi pa man natatapos ni Mike ang kaniyang sasabihin ay agad na siyang umilag mula sa mabilis na lumilipad na takip ng tupperware na binato ni Lily.


Wala ng saysay lahat ng sorry na yan! Ilang beses ka ng nagsorry dahil sa pagpapakilala mo ng iba pang hayop na iyon kay Dan! Ilang beses ka ng nagsosorry dahil itinapon mo ang tiwala at pagmamahal na ibinigay sayo ni Dan! Ilang beses ka ng nagsorry dahil sa panggagahasa mo sa kaniya! Ilang beses ka ng nagso-sorry dahil sa pambubugbog mo sa kaniya! Ilang beses ka ng nagsosorry dahil sa muntikan mo na siyang mapatay! Iniisip mo parin ba na iba ang magiging sagot ko sayo ngayon katulad ng mga nakaraang gabi na humihingi ka sakin ng tawad? Pwes, mali ka sa iniisip mong yan dahil kailanman hindi kita mapapatawad! Dahil yang paghingi mo ng tawad ay hindi makakapagpabalik sa mga araw, oras, minuto at segundo na wala si Dan dito! Hindi maibabalik niyang peste mong “I'm sorry” ang puri ng anak ko!” sigaw ni Lily atsaka humagulgol, hindi nagtagal dahil sa kalasingan ay nakatulog na itong may mga luha sa pisngi katulad ng mga nakaraang gabi na binibisita ito ni Mike.


What have you done, Mike?” tahimik na bulong ni Brenda habang umiiyak matapos marinig ang litanyang iyon ni Lily.


Ang mahina at malungkot na tanong na ito ni Brenda ay tila ba mga salitang isinigaw sa megaphone para kay Mike. Agad itong humarap sa ina, nagtama ang tingin ng mga ito. May pagkadismaya, galit at sakit na makikita sa mga mata ni Brenda samantalang kay Mike naman ay lungkot at takot.


Itutuloy...



Against All Odds 2[13]
by: Migs 

Comments

  1. Maraming salamat po sa mga nag comment sa unang chapter ng season two! Sana po ay hindi kayo mag-sawa! :-) SENSYA NA KUNG MEDYO WALANG KWENTA 'TONG MGA SAGOT KO SA COMMENT NIYO. Anong oras na kasi at literal na pumipikit na ng kusa yung mga mata ko! Haha! Gudnyt guys! And ENJOY! :-)

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    rascal: Sige lang hula ka lang pero sa huli mo pa malalaman kung tama ang mga hula mo ah? :-)

    Lawfer: magkapatid na magkaribal nanaman? Hindi kaya ako naguulit ng plot. Hehe! SPOILER ALERT! SPOILER ALERT.

    Jonas mejia: wala akong “K” magpublish no! Haha!

    SuperKaid: para may thrill! :-)

    therese llama: kaya pa naman! Tulad ngayon, pumipikit na yung mata ko habang sinasagot ko isa-isa yung mga comment niyo. Haha!

    Makki: Liam is straight.

    Frostking: ano bang naiisip mo? :-)

    Edmond: let's see. :-)

    emandeegee: sana nga appreciated. Pero sa onti ng comments mukhang hindi.

    LexinL intayin niyo na lang po kung sino ang ka-partner ni Jase sa book 3. :-)

    robert_mendoza: thanks sa papuri! :-)

    januard: thanks! Will do! :P

    Marlon Lopez: tinesting ko lang. And so far parang OK naman. :-)

    Johnny Quest: bitin pa ba para sayo? Haha! :-)

    foxriver: tignan mo na lang sa huli kung sino ang makakatuluyan ni Dan.

    Riley delima: magkapatid na magkaribal nanaman? Hindi kaya ako naguulit ng plot. Hehe! SPOILER ALERT! SPOILER ALERT.

    adik_ngarag: talaga? Bakit mo naman nasabi na beki si Ryan? Haha!

    WayDeeJanyokio: thanks! Sa susunod na book na po si Jase. :-)

    akosichristian: sa book 3 po ng AAO lahat ng request niyo at tanong niyo sa last comment niyo. :-)

    aR: bakit mo naman nasabing may papatayin ako.

    Moon Sung-Min: I like bryan too! :-) haha!

    ANDY: haha! Salamat naman at may pumuri din sa pagde-describe ko. At least ngayon alam ko na na hindi major fail ang mga description ko. haha! Thanks!

    Ryge Stan: Oi! Wag mo ng basahin yung mga dati kong stories. Haha! Makikita mo pa yung kaibahan eh at kung nag-improve or hindi! :-) Thanks parin kahit ganyan. Haha! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. ang pinaka ayaw ko sa part na ito is ang ITUTULOY..nakakadismaya pag ITUTULOY ang karugtong..hehehe


    LordNblue

    ReplyDelete
  3. migzzz!
    kainis ka! :(
    ung litanya ni lily, bgla aq naluha :(
    maga na naman mata q mmia pgkagcng q eh! huhuhu :(
    kasalanan m to! kea dapat blisan m next chapter para mkabawi ka skn!
    *pressure, pressure*

    haha joke lan :)

    great chapter migoy! :)

    ReplyDelete
  4. mamamatay ba c dan? :(

    ReplyDelete
  5. wew ayos bilis ng update natin ngun migs hehehe. grabe naman tong chapter na to super drama hehehe. I did'nt expect na malalaman ni brenda in a unusual way ang totoong nangyari kay dan.

    Anyways migs thanks for the update. Migs ganun talaga ko if I like something to do no one can't stop me just like reading your previous stories, Don't worry khit medyo may lapses ung mga story I still find it entertaining, amusing and inspiring pa rin. for me it does'nt matter on the short comings the author or writer has made (tao ka pa rin naman na nagkakamali rin), its the essence and thought that counts.

    have agreat day migs and keep on writing. Chao!!!

    ReplyDelete
  6. Authot Migs!

    haha,,sabi mo kasi sa last post hindi mo pa siya papatayin, so napaisip ako na baka patayin mo si Dan.

    Ang cute na metaphor na ginamit mo sa coldness ni Dan na "Dan got so cold that penguins would walk out of the place he's in" haha natuwa ako sa penguin talaga!!

    Ryan feeling ko homophobic siya, or maybe may same situation na nangyari sakanya gaya ng kay Dan, yung ngalang straight siya then natake advantage siya.

    Bryan - im not sure kung may gusto siya kay Dan, kasi too much curiosity on ones life could lead to somehow falling into that person..haha..based on my experience..haha XD abang abang

    Dan - Talagang sobrang trauma si Dan, ngayon alam na ni Bryan his past, I get Dan na sa sobrang hiya/pandidiri niya sa sarili ayaw na niyang may makaalam + yung awa na ibibigay ng taong makakaalam nun, so what naman diba kung maawa si Bryan di naman nun mabbalik yung nanyari!

    Mike/Lily/Brenda - mike's mother now know tha truth, alam na niya kung baki nawala at naging ganon si Lily. what's next? hmmm

    Author Migs! wag mo kami bibitinin sa biglang pag jump ng story ha? hehe
    plus yung sinabi at least na 2 stories a week, di ko iniisip yung at least kasi ang dating sakin 2 stories a week!! yey!! hahaha XD

    -aR

    ReplyDelete
  7. - Ryan has a "history". Gay siya?
    - Bryan kinda reminds me of Ted sa Different Similarities. I just hope na this time, he's straight and Ryan is the gay twin. Hehehe!
    - Sana maubos na ni Dan lahat ng luha niya. I just want him rise up na from the ashes.
    - Magiging lawyer pa kaya si Mike, against all odds?
    - Will Brenda forgive Mike, against all odds?

    And yeah, sabaw ako right now sa pag-comment. Ikaw kasi, you post without any warning eh. Hahahaha! =p

    - Edmond

    ReplyDelete
  8. ~anung course pala kinuha ni dan?. Wala lang na intriga lang ako. Haha, at si jase my story again?can't wait for that.

    ~~waydeeJanYokio

    ReplyDelete
  9. ......c mike lahat ung cnicc sa nangyari.....kawawa namn....pero hwag nmn nila ibuntong lahat kay mike..... i thinkc lily dapat ang unang gumawa ng paraan para maituwid ung pangkakamali d ba sabi nga lahat ng ikakabuti para sa isang anak ginagawa ng isang ina....thank kuya migz

    ReplyDelete
  10. naawa pa din me kay dan, sana mka move on na sya, sana ma win back ni bryan ung tiwala at frendship w dan, anu na kaya ang mangyayare kay mike at nlaman na ng mama nya ang lahat. mas kaabang abang ang next chapter. tnx MIGS SA PAGTYATYAGA SA PAGSHASHARE KAHIT SOBRA NA ANG PAGOD MO SA WORK.

    ReplyDelete
  11. mabigat ang mga linya migs..galing mo..wala akong mapipintas..sana magtagal pa ito..

    ReplyDelete
  12. grabe! nakapanlulumo ang mga eksena.. ang galing mo talaga migoy! yung tipong di mo na alam kung sino ang papanigan mo.. hihihi

    ReplyDelete
  13. -npaka HEART SHATTERING nman ng chapter na ito kuya migs.. ;'(
    ang bigat tlga sa dibdib. :(
    so, mgiging lawyer si mike?? haaayy... sa tingin ko, hndi na magkakatuluyan sila mike at dan tlga. ang bigat ng mga nangyari..
    anong course ang kinuha ni dan???
    kuya, sna mkapag update kpa. :)
    ang galing mo tlga, lalo na sa mga lines, pang box office! xD
    kung sna may LIKE o RATE this post ulit ang blog mo, thumbs up o 5 stars ang ibibigay ko sayo. :)

    ReplyDelete
  14. migs, feeling ko kasi insecure sya sa alindog ni dan kaya sya nagsusungit! hahahahaha

    ReplyDelete
  15. ayy...gusto ko ako love team nya...charlotte! ahaha

    ReplyDelete
  16. Isa lang nasabi ko after ko mabasa. "Ay pasabog, Brenda no?" HAHAHA

    ReplyDelete
  17. @_#teresa of the faint smileDecember 13, 2012 at 5:14 AM

    si ron ata ung kapartner ni jase eh, savi nga ni aaron eh bago sya mamatay tyaka para kay dan, . . .i-open m0h na ang sarili m0h and f0rget the past para sumaya kana, . . .nahahawa ako sa pagi2ng miserable m0h hehe un lang

    @_#teresa of the faint smile

    ReplyDelete
  18. Read this chapter around 6am in the office and I can't help but cry when Lily blurted to Mikee what she really feels. I feel for her its hard and painful. I understand why Mikee is doing that bec his guilt is killing him everyday, but to his best knowledge that's the best he could do and I know its not gonna turn things around. But I know at the end of it all, light will shine for all of them.
    Awesome is an understatement for your writing prowess Migs :). I have to check Merriam for another adjective hahaha. Thank you.

    ReplyDelete
  19. Ay Badtrip yung word na Itutuloy promise. Di na nasanay e noh? Migs. More of Bryan at Ryan. *Kilig* oh db nga parang buang lang kasi kinikilig. Hihi

    The best yung line ni Lily. Best Actress ang peg. Nahiya si Vilma at Nora sa breakdown scene niya. Aguy!

    Thank you Migs sa update. :)

    ReplyDelete
  20. Omgness anu ng mangyayari kay Mike ngayong alamn na ng kanyang ina ang lahat... obongon! >:)

    ReplyDelete
  21. Hi Miggy Boy... And I am back, sorry nawala ako sa circulation, narestrict kasi yung site mo sa unit ko dito sa office eh kaya hindi na ako nakasunod.. pero nabasa ko na ang lahat ng na-miss,. at ang pinakanamiss ko ay IKAW!!!...

    Ang galing mo talaga, wala ka pa ding kupas... hindi ko pa din mahulaan ang ending ng AAO 2 mo... hmmmmm, it excites me... just like you..

    ReplyDelete
  22. the best ka talaga Migs!ang galing..ayaw ko nang mag isip nang mag isip kung anu pa mangyayari,ikaw na talaga bahala hahaha!

    thanks sa update Migs :))

    ReplyDelete
  23. Nye! Lahat kuya migs ng stories mo winner! At mas maganda kuya migs simula ng magpalit ka ng style sa POV. Thumbsup!

    At ang ganda ng chapter na to.

    Lagi naman eh. Kaya sulit maghintay.

    Grabe tindi ng emosyon sa last part ng chapter na to.

    At ramdam talaga yung pagka gloomy ng mga eksena.

    Nkakaawa na din si Mike. :'(

    ReplyDelete
  24. haiist sorry kuya now lang nakapag comment busy ehhh...hahaha

    try mo lang publish work u... malay mo...mag click..instant sikat ka agad kuya nya..

    sana magka love life na si dan...masyado na syang avoidant ehh

    as for mike sana magka-balls kang hanapin si dan..

    ReplyDelete
  25. Kahit konti lang ang comments, for sure marami ka pa ring silent readers. I'm one of them. You are really blessed with your writing skills. Keep it up.

    -icy-

    ReplyDelete
  26. ganun..nakapikit pa tlaga..pero maraming salamat sa updates..hehe..lam naman na busy ka sa work. busy ka pa sa life. salamat sa pagsingit ng time para sa amin.

    something inside me na gustong magkita ulit si dan at mike..pra kasing hirap na hirap na si mike na aawa na ako sa kanya kahit na glit ako sa kanya..and wats d deal ky ryan..sungit nya ha..hahah

    ReplyDelete
  27. BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK! BACK TO BACK!

    ReplyDelete
  28. Agree! Back to back, please!

    ReplyDelete
  29. -ayy, wla pa??? ;'(

    BACK TO BACK TO BACK NA YAN KUYA AH?!! xD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]