Against All Odds 2[11]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Palinga-linga
si Mike. Puno ng kaniyang mga kapwa magaaral ang gymanasium ng
kanilang paaralan para sa kanilang pagtatapos. Masasaya ang mga ito,
ang iba, katulad ni Mark ay dahil wala ng mga nakakairitang guro na
magbibigay sa kanila ng assignments, tulad ni Dave ay wala ng uniform
na mandatory na ipapasuot sa kanila, katulad ni Martin na umaasang
makakapagsimula ulit siya ng bago sa kolehiyo at hindi na muli pang
pasasaringan. Pero kabaligtaran ng kasiyahan ng mga ito ang
nararamdaman ni Mike.
Hindi
siya mapakali at nangangamba siya sa hindi maipaliwanag na rason.
Ilang linggo bago ang kanilang final exams ay hindi na muli pang
nakita ni Mike ang kaniyang best friend. Pero hindi ang pangangamba
na hindi ito makagraduate ang kaniyang nararamdaman ngayon dahil alam
niya na ito ang hinirang na valedictorian ng kanilang klase, kahit pa
karamihan sa kanila ay nagtataka kung pano nangyari iyon. Ang
kaniyang pangangambang nararamdaman ay hindi niya maipaliwanag.
“Martin---”
tawag ni Mike kay Martin nang makita niya ito na katulad niya ay
palinga-linga rin at alam niyang nagiintay din ito kay Dan.
“Have
you seen Dan?” tanong ni Mike.
“No,
not yet---”
“Mike---!”
singit ng lalaking nasa likod ni Martin na ikinagulat ng huli. “Long
time no see!” nakangising pagtatapos ni Melvin, pilit na iniwas ni
Mike ang tingin kay Melvin at muling humarap kay Martin upang
kausapin ito, ngunit lahat ng kaniyang sasabihin dito ay tuluyan na
niyang nakalimutan matapos siyang salubungin ng pinaghalo-halong
galit, pandidiri at panghuhusgang tingin ni Martin.
Pinili
na lang ni Mike na umiwas sa gulo.
“E-excuse
me.” bulong ni Mike sabay talikod at lakad palayo.
“Aww!
Iiwan mo ako ng hindi man lang tayo naguusap?” nakangising habol
ulit ni Melvin kay Mike ngunit hindi na ito pinansin pa ng huli na
nagmamadali namang umalis sa lugar na iyon na lalong ikinakulo ng
dugo ni Martin.
“Shut
up.” singhal ni Martin na ikinagulat ni Melvin.
Buong
buhay nilang dalawang magkapatid, si Martin ang mahina, lampa,
mabagal at puro pagaaral ang alam. Hindi sumasagot sa mga magulang at
hindi nanunumbat kahit pa ilang beses silang makalimutan ng mga ito.
Tinignan ng mariin ni Melvin si Martin, wala siyang ibang makita sa
mga mata nito kundi galit, pagkadismaya at sa hindi niya maipaliwanag
na dahilan ay may halo ring pandidiri ang tingin na iyon.
“Ma---”
simulang pagtawag pansin sana ni Melvin sa kapatid nang biglang
dumating ang isang guro at pinapila na ang mga estudyanteng
magsisipagtapos.
0000oo0000
“But
Ma'am wala pa po si Dan---” pagmamatigas ni Mike pero hindi na siya
pinansin pa ng guro at marahan parin siyang itinulak papunta sa pila
ng mga estudyanteng magsisipagtapos.
“Damit,
Danny! Where the hell are you?!” nagaalalang
saad ni Mike, hindi na niya natiis at hinanap na niya ang pwesto nila
Mark at Dave, iniisip na maaaring pinagtutulungan nanaman ng mga ito
si Dan, napanatag na lang ang loob niya nang makita niya itong
tahimik na humahagikgik habang nilalagyan ng mga lantang bulaklak
mula sa isang vase ang buhok ng isa sa kanilang mga kaklase.
“Danny.”
saad ulit ni Mike sa sarili
habang hindi alam kung saan pa hahagilapin ang kaibigan. Tumingin
siya sa gawi ng kaniyang mga magulang, umaasa na katabi ng mga ito
ang kaniyang tita Lily at si Dan ay malayo lamang na nakapila sa
kaniya kaya't hindi niya ito makita, ngunit nang makitang wala rin sa
tabi ng kaniyang mga magulang ang kaniyang tita Lily ay wala ng
nagawa pa si Mike kundi ang magalala ng tahimik sa kaniyang
kinatatayuan.
0000oo0000
“Where
are you?” pang ilang beses ng
text ni Mike kay Dan ngunit, katulad ng ilang naunang text na
kaniyang pinadala dito ay hindi parin ito sumasagot. Sinubukan na
niya itong tawagan ngunit ring lang ito ng ring.
“And
now, may we call on our Valedictorian for his Valedictory speech.”
saad ng isa sa mga guro. Ang buong gymnasium ay nilunod ng malalakas
na palakpakan.
Ngunit
walang Valedictorian na umakyat sa stage.
“Mr.
Daniel Arellano.” tawag pansin ulit ng guro na kinakabahang
tumingin sa kanilang principal matapos nitong tawagin ang mismong
pangalan na ng valedictorian. Ang kinakabahang tingin na ito ay tila
hindi naman napansin ng lahat dahil muling nalunod sa malakas na
palakpakan ang buong gymnasium.
Ngunit
matapos ang pangalawang pag-tawag pansin na iyon para kay Dan ay
hindi parin ito sumulpot sa may entablado. Nagsimula ng magtinginan
ang magbulung-bulungan ang mga magulang ng ibang magaaral,
kaniya-kaniyang haka-haka kung nasaan marahil ang valedictorian na
matapos ang ilang ulit na pagtawag sa pangalan nito ay hindi parin
nagpapakita.
Umakyat
na sa entablado si Mrs. Hernando, namumula ang pisngi nito, hindi
malaman ng lahat kung dahil sa galit o dahil sa hiya dahil naantala
ang kanilang programa.
“I'm
sorry, but it seems our Valedictorian did a rain check---” simula
ni Mrs. Hernando, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi na
narinig pa ni Mike ang mga sumunod na sinabi ni Mrs. Hernando, ang
kanina kasing pangangamba sa kinaroroonan ni Dan at ang hindi
maipaliwanag na hindi magandang pakiramdam ay tuluyan ng nauwi sa
takot.
Wala
sa sariling tumayo si Mike mula sa kaniyang kinatatayuan at tumakbo
sa gawi ng exit ng kanilang gymnasium. Walang pakielam sa nagtatakang
tingin ng halos lahat ng tao doon.
0000oo0000
“Mrs.
Hernando, can I have a minute?” kaswal na tanong ng ina nila Martin
at Melvin matapos nitong ma-solo si Mrs. Hernandez pagkatapos na
pagkatapos ng graduation. Habang ang dalawang magkapatid ay tahimik
lamang na nanonood sa gagawin ng kanilang ina.
“Yes,
Mrs---?”
“Mrs.
Roxas.” pagpapakilala ng ina nila Martin na nakasuot ng magarang
damit at halatang halata ang mataas na pinagaralan.
“Mrs.
Roxas, what can I do for you?” kaswal na balik naman ni Mrs.
Hernando.
“I'll
go to the point already since I can see that you're busy--- You see
Mrs. Hernando, my son deserves more, nakita ko na hindi ganoong ka
committed ang napili niyong valedictorian and based from what I
heard, binigyan niyo ng special exams ang 'valedictorian'
na iyan---” simula ni Mrs. Roxas ngunit agad sin siyang pinutol ni
Mrs. Hernando lalo pa't nakukuwa na nito ang ibig nitong ipahiwatig.
“Excuse
me, Mrs. Roxas. Ma'am, hindi naman po sa pambabastos ano, pero ang
exams po na ibinigay namin kay Mr. Arellano ay from the director of
Catholic Schools in Manila. Those exams are extra hard, umabot pa sa
point na ang ilang mga tanong ay mas advance pa sa naituro sa kaniya.
So ibig sabihin po nun ay hindi kami nagbigay ng special favors kay
Mr. Arellano. Ang tangi lamang naming ginawa ay kundi ang pagbibigay
dito ng mahihirap na exams two weeks early---”
“Exactly!
Bakit kailangan niyang kuwanin ang exams two weeks early? Hindi ba
special treatment ang tawag don? And if I were you, Mrs. Hernando, I
should be careful, you might lose your job because of these special
favors na ibinibigay mo sa mga students mo.” may pagbibintang at
pagbabantang balik ni Mrs. Roxas. Ang inaasta ng ginang na ito ay
hindi nakaligtas sa kaniyang anak na si Martin na tila gusto ng
magpakain sa lupa habang si Melvin naman ay pilit paring tinatanong
ang sarili sa biglaang pag-iiba ng ugali ng kapatid.
At
ang inaasta na ito ni Mrs. Roxas ay tila naman nagtulak kay Mrs.
Hernando na masaid ang kaniyang pasensya. Pilit pinapakalma ang
sarili ay inisip niya na ginawa niya ang lahat ng iyon upang
matulungan si Dan at ang pakikipag-away sa isa sa mga magulang ng
kanilang mga estudyante ay makakasama pa sa kaniyang layunin na iyon.
“Dan,
na-perfect mo lahat ng exams mo, Congrats!” masayang
bati ni Mrs. Hernando nang makita niya ang naglilimas at
nagmamadaling si Dan sa tahimik na hallway ng skwelahan. Ngunit imbis
na kagalakan ang nakita ni Mrs. Hernando ay lungkot ang nakita niya
sa mga mata nito.
“Aren't
you happy na ikaw ang magiging valedictorian?”
nagtatakang tanong ni Mrs. Hernando. Umiling sagit si Dan saka
isinara ang kaniyang locker na katatapos niya lang limasin ang mga
laman.
“I
told you, Ma'am. I don't need the title. I just want to graduate and
leave this school.” malamig at
walang ganang sagot ni Dan na tila isang taong nawalang ng pag-asa.
Saglit na tinitigan ni Mrs. Hernando si Dan, nang aktong patalikod na
at maglalakad na palayo sa kaniya si Dan ay tinanong niya ito.
“Why?”
pabulong at marahang tanong ni Mrs. Hernando. Hindi napigilan ni Dan
ang sariling mga luha na tumulo.
Nanghihinayang
si Dam, dahil isa sana iyon sa mga rason upang maging masaya silang
dalawang mag-ina. Matagal na niyang minimithi ang umakyat sa stage at
tanggapin ang titulo na iyon kasama ang kaniyang ina na marahil sana
ay proud na proud sa kaniya.
Ngunit
hindi na iyon mangyayari.
Hindi
nakaligtas ang pagtulo ng mga luha ni Dan kay Mrs. Hernando. Tila
isang de awtomatikong makina ay biglang nag-switch si Mrs. Hernando
mula sa pagiging striktang principal papunta sa isang malambing na
ina. Niyakap niya ang naghihinagpis na si Dan na lalo namang
humagulgol. Lumipas pa ang ilang minuto na yakap yakap lamang ng
matandang babae si Dan bago ito nagsalita.
“S-sinaktan
nila a-ako---”
Muli,
nang maalala ni Mrs. Hernando ang mga ikinuwento ni Dan ay hindi niya
mapigilan ang kaniyang mga luha na mangilid sa kaniyang mga mata,
mangilabot at magalit. Hindi man niya inasahan ang hindi nito pagsipot sa kanilang graduation ay pilit naman itong inintindi ni Mrs. Hernando, lalo pa't alam niyang may binabalak ito.
“Put
yourself in my shoes, Mrs. Roxas---” kalmadong simula ni Mr.
Hernando. “---Kung nilapitan ka ng isang student mo na muntik ng
mamatay dahil sa pam bu-bugbog at pangga-gahasa ng mga taong
itinuring niyang kaibigan at pinagkakatiwalaan, estudyante na walang
kakampi maski ang kaniyang ina at wala ng iba pang hiniling kundi ang
makalis sa skwelahang ito at makalayo sa mga taong bumaboy sa kaniya
at sa patuloy na sumisira sa kaniya, anong gagawin mo?” kalmado
pero puno ng diin na saad ni Mrs. Hernando na ikinatameme ni Mrs.
Roxas, ikinakuwa ng atensyon ni Melvin at ikinamutla nito at lalong
nagdulot kay Martin na ihiling sa sarili na kainin na siya ng lupa.
“I-I---”
nauutal na simula ni Mrs. Roxas.
“Speechless?
Yeah, Mr. Arellano left me speechless too when he told me the reason
why he wanted to leave the school early. His story was backed up by
the medical reports he submitted to the school clinic for being
absent for almost two months. You can see them if you want and if
you're still in doubt about the school's decision to name Mr.
Arellano as this school years valedictorian.” matapang paring balik
ni Mrs. Hernando sa namumutla ng si Mrs. Roxas.
0000oo0000
“Martin,
wait.” tawag pansin ni Melvin sa kaniyang nakababatang kapatid nang
hindi na niya matiis pa ang sarili na itanong dito ang dahilan ng
biglaang pag-iiba ng ugali nito, partikular sa kaniya. Matagal na
niyang natanggap ang pagiging malamig at pambabalewala ng kanilang
mga magulang, ngunit ang biglaang panlalamig sa kaniya ng kaniyang
nagiisang kapatid na aminin niya man o hindi ay ang tanging tao
lamang na natitira na maaaring sumuporta sa kaniya kapag nangailangan
siya ay talaga namang ikinabahala niya.
Tumigigil
sa paglalakad sa likod ng kaniyang ina si Martin at tinignan ng
masama si Melvin na lubos namang ikinabigat ng loob ng huli.
“What's
wrong? May nagawa ba akong masama?” nagaalalang tanong ni Melvin.
Lalong bumakas ang galit sa mukha ni Martin na ikinabahala lalo ni
Melvin.
“Tingin
mo?” sarkastikong balik ni Martin, sinusubok ang kapatid.
“I-I'm
s-sorry. OK. Kung ano man---” naputol sa pagsasalita si Melvin ng
marinig niya ang pekeng tawa ng kapatid na ikinakilobot niya. Walang
nakakatawa sa tawa na iyon ng kaniyang kapatid. Wala siyang ibang
nakikita sa mga mata nito kundi ang galit.
“Still
playing dumb, kuya?” sarkastikong balik ni Martin na lalong
ikinatahimik ni Melvin.
“Let's
see kung mahuhulaan mo. Does the name Dan, ring a bell?--” simula
ni Martin na ikinamutla ni Melvin. “---how about the word drugs?”
putol muli ni Martin na ikinakabog lalo ng dibdib ni Melvin. “--you
still don't know what I'm talking about?---” tumataas boses ng
tanong ni Martin sa kapatid. “---How about the words gang rape?”
Sa
puntong ito, hindi lamang namumutla, at kinakabog ng dibdib si
Melvin. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig at nanlalambot. Hindi
alam na siya mismo ang nagsabi nito sa kaniyang kapatid nung minsang
high siya.
“I-I
didn't know what I was d-doing that night.” palusot ni Melvin
ngunit hindi ito kinagat ni Martin.
“What
did Dan do to you and the assholes who raped and attacked him para
ganunin niyo siya?”
Muling
natameme si Melvin sa tanong na ito ng kapatid. Hindi naglaon ay
umiling na lang si Melvin. Unti-unti na kasi siyang nilalamon ng
sariling konsensya sa kaniyang maling ginawa.
“You
disgust me.” singhal ni Martin.
Hindi
nakaligtas kay Melvin ang galit, sakit at pagkadismaya sa tono ng
sinabing ito sa kaniya ni Martin. At ang sinabing iyon ng kapatid ang
pinakamasakit na bagay na kaniyang naramdaman.
Nang
makapasok ng ng bahay si Martin ay wala sa sariling napasandal si
Melvin sa poste ng kanilang terrace, bumabaw ang paghinga at hindi
napigilan ang kaniyang sariling mga luha na tumulo.
0000oo0000
Walang
pakielam si Mike kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa kaniyang
paligid nang bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng gymnasium ng
kanilang school sa kalagitnaan ng kanilang graduation, walang
pakielam maski binabato na siya ng nagtatakang tanong ng kaniyang mga
guro at mga magulang, walang pakielam kung tinawag siya ng malakas ng
kaniyang ina nang makalabas sila ng gymnasium dahil ang tangi niyang
pakay ay mapanatag ang kaniyang loob na ligtas si Dan at walang
nangyaring masama dito katulad ng kaniyang narararamdaman.
“I'm
sorry. P-please don't let him do anything stupid.” umiiyak na
bulalas ni Mike sa sarili habang nagdadasal at habang nagtatatakbo
siya pauwi lalo pa't puno ng puno ang lahat ng dyip na kaniya sanang
sasakyan.
“This
is all my fault.” bulalas ulit sa sarili ni Mike habang marahas na
pinapahiran ang kaniyang mga luha na wala ng tigil sa pagdaloy
matapos niyang makalabas ng gymnasium.
“P-please.
I-I c-can't lose him. P-please don't make him do anything stupid.”
pagpapatuloy na dasal ni Mike habang tumatakbo parin.
“I-I
never wanted to hurt him. I-I n-never wanted anything bad to happen
to him. P-Please d-don't t-take him a-away from me. P-please.”
humahagulgol sa pagitan ng paghinga ng malalim ni Mike dahil sa
kaniyang pagtatatakbo.
“K-kinurot
a-ako ni Mommy.” lumuluhang
saad ng anim na taong gulang na si Mike kay Dan.
“Baka
kasi malikot ka.” balik naman
ng nagaalalang si Dan habang tinitignan ang namumula ng balat ni Mike
kung saan siya kinurot ni Brenda.
“Danny,
promise mo na hindi mo ako sasaktan at promise ko sayo na hindi rin
kita sasaktan.” umaasang saad
ni Mike kay Dan habang may mga natutuyong luha pa sa pisngi.
“Oo
naman hindi kita sasaktan, Mikee. Best friends tayo eh.”
Lalong
nalungkot si Mike nang sumayad sa kaniyang isip ang alaala na iyon.
Iniisip na tinupad ni Dan hindi lamang ang pangako na iyon kundi ang
lahat ng ipinangako nito sa kaniya habang siya ay wala ni isa sa mga
iyon ang kaniyang napanghawakan lalo pa nung tumuntong pa silang
dalawa ng high school.
Matapos
ang lalong pagtutugis ng sariling konsensya sa kaniya ay hindi muli
niya mapigilan ang sarili na makaalala pa muli ng mga bagay na
kanilang pinagsasaluhan ni Dan at isa sa mga alaala na iyon ay ang
sinabi ni Dan sa kaniya nung gabing nagsimula ang lahat ng iyon.
“I
love you.”
Tandang-tanda
niya ang takot at pagaalala sa mga mata ni Dan nang sabihin ng huli
ang lahat ng iyon sa kaniya. Ngayon niya lang na-realize na hindi rin
naging madali kay Dan ang sabihin iyon sa kaniya at hindi muli
napigilan ni Mike na makaramdam ng konting kirot, iniisip na hindi
iyon masasabi sa kaniya ni Dan ng may halong takot at kaba kung
tinupad niya lang sana lahat ng kaniyang mga pangako noon dito.
Masasabi
sana iyon ni Dan sa kaniya ng walang pagaalinlangan kung tatanggapin
niya ba ang sinabing iyon ng huli o hindi at kung nasabi sana iyon sa
kaniya ni Dan noon pa edi sana hindi niya ito ngayon
pinangangambahan.
0000oo0000
Nang
sa wakas ay nakarating na si Mike sa bahay nila Dan ay walang
sabi-sabi siyang pumasok dito. Naabutan niya ang umiiyak na si Lily.
Ayon sa mga nakapalibot na wala ng laman na bote ng alak malapit sa
kinauupuan nito ay lasing na lasing na ito.
“T-Tita.”
tawag pansin ni Mike kay Lily. Agad na nagtaas ng tingin si Lily,
kitang kita ni Mike ang mga namumula nitong mata na patuloy parin sa
pag-luha.
“YOU!
You did this t-to my s-son!” sigaw ni Lily na ikinagulat naman ni
Mike. Nagsimula ng umatras palabas ng bahay si Mike ngunit nakita
niyang tumayo si Lily mula sa kinauupuan nito, malamang upang
palayasin siya ngunit dahil sa kalasingan ay matumba tumba ito. Agad
na lumapit si Mike at inalalayan ito paupo muli, dahil hindi narin
naman pa kaya ni Lily ay hinayaan na lang niya si Mike pero hindi
napigilan ng pagkalasing ang kaniyang pag-iyak at paninisi kay Mike.
“You
did this to my son.” saad ni Lily sa pagitan ng paghikbi.
“W-where's
Dan, Tita?” nangangambang tanong ni Mike na sinagot naman ng
marahas na pag-iling ni Lily sabay tapon dito ng isang maliit na
piraso ng papel. Nasalo ito ni Mike matapos siyang tamaan nito sa
mukha, itatapon na sana ito at hindi papansinin ni Mike nang makita
niya ang sulat kamay ni Dan sa binilot na papel. Muli niya itong
binuksan at inalis sa pagkakagusot.
“I'm
sorry if I'm such a disappointment to you. I'm sorry for causing you
so much pain. I'm sorry for making you forget your promise to me.
Sorry for being gay. Sorry for not being the person you want me to
be.”
Ang
liham na ito ay tila isang bala na tumama sa dalawang tao. Si Lily
bilang hindi pagtupad at pagkadismaya sa kaniyang anak ay sapul na
sapul ng liham na iyon at si Mike bilang kaibigan ng huli na nangako
din dito noong mga bata pa sila na kahit anong mangyari ay best
friends parin sila.
Agad
na tinungo ni Mike ang silid ni Dan matapos basahin ang maikling
liham na iyon, ngunit lalo lamang siyang napaiyak nang buksan niya
ang pinto ng kwarto ni Dan.
“I'm
s-sorry, Dan. I'm sorry.” bulong ni Mike habang hindi na napigilan
ang sariling mga paa na mawalan ng lakas at mapaluhod sa sahig ng
kwarto ni Dan.
Itutuloy...
Pagtatapos
ng unang yugto ng pangalawang libro ng Against All Odds
Against All Odds 2[11]
by:
Migs
Pasensya na muli sa sobrang tagal na hindi pagpo-post. Sana po ay hindi kayo magsawa sa pagababasa ng aking mga post at hindi magdalawang isip na i-refer sa mga friends niyo ang blog ko. I need more followers. Nakaka enganyo kasi magsulat kapag alam mong madaming magbabasa ng kwento mo lalo na kapag maraming magco-comment!
ReplyDeleteThis is the final chapter for this season of AAO book 2. Second season to be posted soon. :-) ABANGAN! :-))
Kaya po may mga season season na akong nalalaman ay dahil po sa hindi inaasahang pagkakagawa ng madaming chapter ng kwentong ito. At para narin po makadagdag ng thrill haha! Sorry, mahilig talaga akong mambitin eh. I'll try to post the first chap ng second season this thursday. :-)
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Marlon Lopez: Sorry for the long pause on my updates. :-( tungkol parin sa kanilang dalawa ang season two. :-)
adik_ngarag: Walang suicide at paghihiganting magaganap. SPOILER ALERT! SPOILER ALERT!
-icy: this story is actually for those victims of bullying. :-( NO TO BULLYING GUYS!
Lawfer: Martin has a very big part in this story. Hindi lang si Dan and Mike ang mga protagonist dito. Martin's the third protagonist. :-)
ANDY: bitin din 'tong sumunod na chapter. Haha!
Frostking: wala akong magandang maidikit na kwento dyan sa kantang yan ni Adele eh. :-)
@#_teresa of the faint smile: effort naman ng name mo. Haha! Don't worry, second season is much lighter than the first! :-)
rom: mas magaang na po sa dibdib ang susunod na chapters at dito niyo narin po malalaman kung may tutulong kay Dan. :-)
Yuan: Opo, expect niyo na po yan sa AAO series. :-) pa-follow na lang po ako sir saka sana po mag-comment na kayo lagi. :-)
ReplyDeleteemandeegee: you're welcome. Sir pa-follow po ah saka sana po lagi na kayong mag-comment! Salamat po.
Ryge Stan: we're promoting non violence here. Haha! So walang paghihiganting magaganap. :-P
rascal: I'll leave you guys hanging and guessing. :-) Next season malalaman niyo na kung bakit. Hopefully this thursday ko siya mapost.
Moon Sung-Min: iba na po ang characters ng book 3. :-) baka po ibig niyong sabihin sa season 2? :-) Book 3 will be posted next year around February na siguro after ng story na kasunod nitong AAO2 :-)
PIP: nurse ka din? :-) Sir, pa-follow naman ang blog ko saka pakiendorse sa friends mo pati narin sana lagi ka ng magco-comment! :-) Salamat! :-)
russ: sad to say hindi pa nasabi sa chap na 'to kung anong nangyari kay Dan.
robert_mendoza: kainis moment ba kapag si Lily na and Mike ang asa eksena? Haha! :-)
Edmond: salamat may nagbigay din ng kanilang pananaw! Iniintay ko kung sino ang pwedeng magsabi ng mga linyang... “HINDI YAN NAGPAKAMATAY KASI...” and thank goodness it was you! :-P
aR: wala pong gantihang magaganap. :-)
keantoot: things will look good for him in the next season. :-)
Johnny Quest: love the new nick! :-P nope, no revenge will take place. :-)
riley: no revenge will take place. I promote none-violence themed story. Hahaha! Impokrito ko lang samantalang na-rape nga yung protagonist ko.
Lynx Howard: yup, susunod na ang season 2. :-) Hindi pa po kasi ready yung mga kasama sa Chasing pavements, sir. Kailangan ko ng go signal from them bago ako mag-post. Masyado kasing madaming similarities and their not ready to share it to others baka po kasi may makakilala. Lalong lalo na sa sakin. Hihi. :-P
Therese Llama: pa follow ako ah. Saka sana lagi ka ng mag-comment. Stick around para malaman mo kung anong nangyari. :-)
makki: nope. No revenge will take place.
Anonymous November 29, 2012 7:05pm: sir pakilala ka po para ma-address ko kayo ng tama. Salamat! :-)
akosichristian: matagal pa yang kay Melvin. May Breaking Boundaries book 2 and AAO book 3 pa at pagiisipan ko pa kung dapat ba talaga siya gawan ng story. Hihi. :-) pero magkakaroon na kayo ng idea dito kung anong pwedeng maging story ng AAO4 kapag nagkataon.
WaydeejanYokio: Salamat, sir! For the first time nakagawa ako ng story na unpredictable. Haha! And Liam might have a cameo role here. Abangan! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Thank you Migs! My week is now complete. =D
ReplyDeleteAt this point, ayoko nang mag-speculate muna sa mga mangyayari. Nag-uumapaw na ang mga emosyon, parang simultaneous volcanic eruptions.
What I love in this chapter is kung gaano karamdam si Dan, with the void he left in his absence. Now, I leave things in your hands sa kung anuman ang magiging mga kaganapan. =)
- Edmond
this chapter is packed with anger,hatred and regrets. ang bigat, worth-it ang paghihintay.
ReplyDeletesorry kuya migs, my bad... ahaha... ehh ano na ang nangyare, i mean mangyayari sa ikalawang yugto? so eggzoited!
saka request na din kuya next chapter CP5! thanks
yeah martin changed na nga
ReplyDeleteand im happi na 3rd protagonist pla tlaga xa... final chapter for d season wiw
i smell a vengeful season 2
bwahaha
:( :( :( danny - mikee - martin... sino sa kanila? hihihi
ReplyDeleteMigs, clue lng pls-
ReplyDeleteSabi mo kasi noon, wlang paghihiganting mangyayari dito. Sa next season ba meron?
umm super emo na ito migs..grabe halos di ako makahinga..feeling ko nasa loob mismo ako ng eksena at kasali nito..damang dama ko ang lungkot at pighati..
ReplyDeletedan..wat happen to you..
galing migs..
hehehheheehe...walang nakhula......ang agaling mo talaga migz....grabe kramihan ng chapter na nbasa nmin madugo,,i mean lagi nalng kmi npapaluha...dhil sa mga nangyari kay dan...hopefully sana sa next chapter ibang dan na ung makilala nmin..ung strong personality nya nmn....gudluck sau dan.....
ReplyDeleteAuthor Migs!!
ReplyDeleteO-eM-G!!! Don't tell me you've kill Dan for this book1?!!
Grabe sobrang na dissapoint ako kung ganun nga nangyari :( (sad-sad-sad)
and I guess wala nga talaga revenge for Dan since dedz na siya dito, pero hopes na sana naglayas parin..kasi naman sa letter niya na iniwan parang suicide letter naman..kainis!!
Kung ganun din naman..2 lang naiiisip kong scenario dito,it's either si MIKE or MARTIN gagawa ng revenge for DAN might be tandem pa hehe OR pwedeng may secret TWIN si DAN and secretly nalaman na patay na bunsong twin niya and he'll go and pretend as DAN during the REVENGE!! haha
hahaha,,it's my hobby na pangunahan ka XD pero PLEASE sana di mo kinill yung character ni DAN please :D
-aR
-WAIT!! gusto ko yang naisip mo aR! :)
Deleteactually sa simula plang prang ganun na ung iniisip ko, ung may twin brother si Dan at sya ung ppwesto bilang Danny sa kwento. :D
ayaw ko lng i-comment kay kuya migs bka ksi ma-imbyerna sya sa akin, isipin na pinangungunahan ko sya, ma-ban pa ako dito sa blog nya. tpos ang buhay ko. xD
Kuya migs!! STANDING OVATION ako sa chapter na ito! :))) *GOOSEBUMPS!* xD
npaka-emotional ng chapter na ito. at ang nkakuha sa akin ng pansin ay si martin, he changed drastically tlga. [natural, martin-dan fan ako. hehe. ayy, may danny pa ba?? :(] iiiiiihhhh... HINDI AKO MKATULOG! xD
next book ba, may revenge na mangyayari???? HINDI NA AKO MKAPAGHINTAY! xD
kuya, pakihabaan po ung ippost mo sa thursday ah? pleeeaasssee??? :)
maghihintay nlng po ako sa CP5 chap 3 mo. :)
missing in action si danny dito ah, where is he?
ReplyDeletethanks sa update migs...
natawa naman ako sa "ipokrito ko" :D
ReplyDeletenako naman Migs!asan na si Danny?gusto ko nang mabasa Book 2!haha!
o ayan binabalikan na sila ng lahat ng kasamaang ginawa nila kay Danny..well what goes up,goes down..
o diba nga?sa pagka excited ko namali pa?hahaha!
ReplyDeletegusto ko nang mabasa ang Season 2 ng Book 2..yan Migs..haha!
Migs! Migs! Migs!
ReplyDeleteDahil walang violence alam ko na kung paano sila magsisisi sa ginawa nila. It is because of their CONSCIENCE. But I doubt kung meron nun sila Mark at Dave. Errr. Kainit ng ulo ung mga bully na yan.
Naglayas lang yan si Dan. Kasi kung nagpakamatay siya bakit pa iinom si Lily dapat nagpunta na xa kaagad sa hospital. Bawal mamatay ang bida. May idea na ako kung saan pumunta si Dan. Hihihi :P
Oh db nga? Spoiler ako! Hihih
Nagmeet-up na pala kayo nila Josh at Lui kasama sila Sir Rovi? :PP
baka naman magaaral si Danny ng law o kaya naman ay magccross din ang landas nila mark, dave, mike, melvin at martin tapos sa pagkakataong yun ay alin man kay mark, dave, martin at mike ay makikita ang malaking pagbabago kay Dan na magpapa-ibig sa kanila lalo pat muli nilang masisilayan ang napakaamong mukha ni Dan.
ReplyDeleteanu ba yan excited na tuloy ko..next na po please....kuya migzz...
ReplyDeletenakakainis si melvin...siguro yan during childhood hindi nya na-satisfy ang sarili nya during his anal and oral stage,,,
ReplyDeleteat yan namang dave and mark...ADHD to conduct disorder to anti-social individuals...
sana hindi nagpakamatay si dan at naglayas na lang sya mas ok pa...mike <3 dan pa rin sana...
bwahahaha sa sobrang inis ko nai post ko sa AAO 1o ang dapat na post ko dito..
cliff hanger!!!!! Waiting in vain for season 2!!!!! Post it. Post it. Post it. Soon.
ReplyDeletebitin n nmn...
ReplyDeletenawawala tlga ang momentum s pgbabasa kpg matagal ang update.,
sorry wala kasing internet s bhay eh.,kya mnsn nkkadisappoint lng n matagal ang updates esp i dont hav money always evry time pupunta s comp shop, but worth it nmn whenever u finish a chapter.,.sana lng just indicaTE kng when yung nxt updaTE mo pra by tht time nlng q mgopen..cnsya.demanding lng
anyways,magaling k p rin kuya. :))
~enygma
+a silent reader
Ui kuya, buti naman naglayas lang, akala ko nagsuicide na si Dan eh. :)
ReplyDeletepost agad sir ng season2! :)
haha..ganun tlga pg mgbabasa ako ng aao dapat sa kwarto kasi naiiyak tlga ako
ReplyDeleteasan na kaya si dan?wala ba tlagang gantihang mangyayari?o si dan lng ang hindi gaganti...kasi feeling ko si martin na ang gaganti para sa kanya eh..haha
excited na ko sa THORSday...chek ko lng ulit ko d p na follow minsan kasi ng loloko ung pad ko eh..hehe..thnx sa update kuya migs
waah! .. Ewan wala talaga akong masabi .. Super unpridictable and clue less ng story nato! .. Ano kya mangyayari next. Abangan! .. Anyways lagi naman pong unpridctable ung story mo .. Pero super ganda! Keep it up! Your the best
ReplyDeleteps~iwant chasing pavements!!! .. Hehe anu nakayang ngyari after sa doctor's quarters??! HAHAHA
~~WaydeeJanYokio
waah! .. Ewan wala talaga akong masabi .. Super unpridictable and clue less ng story nato! .. Ano kya mangyayari next. Abangan! .. Anyways lagi naman pong unpridctable ung story mo .. Pero super ganda! Keep it up! Your the best
ReplyDeleteps~iwant chasing pavements!!! .. Hehe anu nakayang ngyari after sa doctor's quarters??! HAHAHA
~~WaydeeJanYokio
Waaah migz mukhang papatayin mo nanamn ang bida dito. I hope not. Nakakainis ka migz Im very clueless kung anu talaga mangyayari. But to some it up I love the story. keep it up my friend.
ReplyDeleteTake Care and enjoy your week....
asan c danny??? oh no please wag patayin ang bida kawawa naman c mike.. :p ayoko mapunta xa sa iba, baka c martin pa ang at c mike ang magkatuluyan nian.. :p egg zoited na ako sa next season.. :p next season tlga.. lol
ReplyDeleteHaha Oo nga kuya Migs, bitin nga..
ReplyDeleteNakokonsensya na si Melvin. Bwahaha!
I want Martin for Dan. <3
ano kayang plano ni Dan?
Sana mapagbayaran na nila Dave yung ginawa nila.
Akala ko talaga nagcrossdress na si Dan. LOL
galing kuya migs as always.
ha ha ha, nice ung ginawang pang supapal ng principal sa mother ni melvin,. . bulls eye. . . MIGS, lumayas ba s DAN? so excited again sa next chapter.
ReplyDeleteanong meron sa kwarto ni dan???! hahahahahaha
ReplyDeletesiguro naglayas lang sya. parang wala masyadong nangyari sa chapter na ito, migs! hehe
thanks for the update.