Against All Odds 2[14]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi alam ni Bryan ang gagawin. Hindi niya inakalang magiging ganito ang reaksyon ni Dan sa oras na sabihin niyang alam na niya ang tungkol sa nakaraan nito. Oo, karumaldumal ang nangyari dito noon pero ang hindi lang maintindihan ngayon ni Bryan ay kung bakit sila nilalayuan ni Dan at kung bakit ito nanlalamig sa kanila gayong hindi naman nila magagawa ng kaniyang kakambal ang ginawa ng mga dati nitong kaibigan dito.

Hey.” mahinang saad ni Bryan kay Dan sabay luhod sa harapan nito at niyakap ito ng mahigpit. Nung una ay itinutulak siya nito palayo habang paulit-ulit na nagmamakaawa na huwag siya nitong saktan na siya namang kumurot sa puso ni Bryan.


We're not like them, Dan. You can trust us. We're not going to hurt you. You can trust me.” sunod-sunod na saad ni Bryan habang mahigpit paring nakayakap sa humihinahon ng si Dan.


Shhhh--- I'm not going to hurt you---”


0000oo0000


What have you done, Mike?”


Nanlamig ang buong katawan ni Mike habang binabato ng nagmamakaawang tingin ang kaniyang ina sa kabila ng kaniyang lunod na lunod na sa luhang mga mata. Ngayon, sigurado na siya na tuluyan ng mawawala ang mga tao na malapit sa kaniya.


I-I'm sorry.” umiiyak na saad ni Dan sa kaniyang ina, hindi inaalis ang pagmamakaawa sa mga mata nito. Wala sa sariling napailing si Brenda.


Sa pag-iling na iyon ng kaniyang ina ay iniisip na ni Mike na hindi lang pagkadismaya ang nararamdaman ngayon ng kaniyang ina kundi ay handa narin siya nitong itakwil dahil sa kaniyang mga nagawa.


I'M SORRY!” sigaw ni Mike na ikinagulat, pareho ni Lily at Brenda sabay nagtatatakbo palabas ng bahay habang umiiyak.


0000oo0000


Nagising si Dan nang makaramdam siya ng may mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib. Sinubukan niyang alalahanin ang mga bagay na nangyari bago siya mawalan ng malay nung gabing yun. Naaalala niya ang muling pag-iyak, ang muling pag-bigat ng kaniyang loob at muling paghagulgol katulad nung mga panahong asa paligid niya pa ang mga taong nanakit sa kaniya.


Pero ang mga ala-ala na iyon na pamimigat ng loob at mga luha na walang tigil sa pagpatak ay unti-unting napapaltan ng isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararamdaman. Ang pakiramdam ng pagiging ligtas at ito ay dahil kay Bryan na mahigpit paring nakayakap sa kaniya na para bang isa siyang mamahaling vase na hindi kailanman dapat mabasag.


You're my brother now. No matter what happens I'm going to be here for you.” bulong ni Bryan saka naramdaman muli ni Dan ang paghigpit ng malalaking braso ni Bryan sa kaniyang katawan.


T-Thank you.” lumuluhang sagot ni Dan saka inilapat ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ni Bryan. Kung noong mga nakaraang pagkakataon na umiiyak siya ay dahil sa kawalan ng pag-asa, iba ang pag-iyak na ito ngayon ni Dan dahil sa wakas ay nararamdaman na niyang magsisimula nang muling sumaya ang kaniyang buhay.


0000oo0000


Hindi alam ni Mike kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Ang tangi niya lang alam ay dapat na siyang makalayo sa bayan na iyon dahil alam niyang wala ng muli pang tatanggap sa kaniya matapos malaman ng kaniyang mga magulang ang mga nangyari at masasamang bagay na kaniyang ginawa sa hanggang ngayon ay nawawala parin niyang kaibigan na si Dan.


Sira na ang kaniyang kinabukasan nuong sandaling pumayag siya sa gusto nila Mark at Dave na gahasain si Dan, kaya naman ngayon ay magaang na lang kay Mike na tanggapin ang katotohanan na hindi na siya makatatapos ng pagaaral katulad ng magkasalo nilang plano ni Dan nung sila ay bata pa, tanggap narin niya na malaki ang posibilidad na siya ay makulong o ipakulong ng sariling mga magulang.


Ngunit kahit gaano niya kadalas sabihin na tanggap na niya ito ay hindi parin non maalis ang sakit. Sakit ng pagkawala ng iyong minamahal dahil sa isang pagkakamali, sakit ng katotohanang wala na siyang kinabukasan pa at sakit ng katotohanan na maaari siyang makulong.


Malalim na ang gabi, wala na masyadong tao sa kalsada kaya naman naisipan ni Mike na kung siya ay maglalayas na at hindi na muli pang babalik ay dapat muna siyang magpahinga at isipin ang mga susunod niyang dapat gawin.


0000oo0000


Hey.” nahihiyang bati ni Dan kay Bryan nang makita niya itong pumasok sa loob ng kusina habang nagluluto siya.


Hey bro!” masayang balik ni Bryan sabay nagpakawala ng isang napakagandang ngiti na siyang nagtulak kay Dan na magpakawala din ng isang ngiti.


There you go! I missed that smile! You know last last week I dreamt about you---” simula ni Bryan na ikinamula ng pisngi ni Dan, hindi ito nakaligtas kay Bryan na agad namang humagikgik. “Doofus! Not in that way!” habol ni Bryan sa pagitan ng hagikgik. “Anyway, I dreamt about that smile! Then after I woke up I swore to myself that I would see that smile again, but you kept on ignoring me and then I decided to know what's your deal so I asked someone who have known you before we did, so I asked tita---” sunod sunod ulit na daldal ni Bryan sabay kuwa ng mga naluto ng agahan sa harapan ni Dan na siyang nakapagpangiti sa huli, hindi makapaniwala kung paano niya namiss ang kadaldalan ng kambal.


---I mean, it's OK. I was diagnosed with ADHD when Ryan and I were young, I know being raped and being diagnosed with ADHD is not the same but I was also bullied in school before like you---” natigilan si Bryan nang makita niyang ngumiwi si Dan nang sabihin niya ang salitang “raped” alam niyang hindi ito kailanman magiging madali kay Dan kaya naman agad agad siyang humingi ng tawad dito. “I-I'm sorry, I don't mean to remind you of those awful things they did to you. Minsan maski ako nabu-bwisit sa madaldal kong bibig eh. Sabi nga ni Tita, this big mouth will be the death of me.” sunod sunod na daldal parin ni Bryan.


Anyways, dati niloloko nila akong abnormal, retarded at kung ano ano pa. It hurts you know, but Ryan was always there for me. Minsan pareho pa kaming binugbog niyan nung mga bullies dahil sinabihan niya ng tanga ang mga yun dahil di nila alam ang kaibahan ng ADHD saka ng retarded--- We were born via caesarean section, Ryan's older than me by only two minutes, that's why I call him kuya minsan and when we were young he took the job as my big brother seriously, lagi ako niyang pinagtatanggol. Alam mo, sabi ni Tita ganun din daw ang kailangan mo. Yung katulad ni Ryan, yung magtatanggol sayo lagi saka yung susuporta sa likod mo---” natigilan si Bryan sa pagsasalita nang makita niya ang nangingiti-ngiting mukha ni Dan.


Why are you smiling?” nangingiti-ngiti naring tanong ni Bryan. Hindi mapigilan ni Dan ang mapahagikgik, ngayon na lang niya ulit ito nagawa matapos ang lahat ng nangyari sa kaniya may ilang buwan na ang nakakalipas at halos nakalimutan na niya kung gaano kasarap pala itong gawin. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapatawa na ng tuluyan nang makita niya ang nagtatakang tingin ni Bryan kasama ang nangingiti-ngiti nitong bibig.


Ang daldal mo pala talaga kasi.” saad ni Dan sa pagitan ng kaniyang mga tawa. Bagay na matagal narin niyang hindi nagagawa.


Ang mga sumunod na tawa ni Bryan ay miya mo musika sa tenga ni Dan. Sa unang pagkakataon makalipas ang ilang buwan, nakita muli ni Dan ang sarili na nagsasaya. Isang bagay na akala niya ay hindi na niya kailan pang magagawa.


0000oo0000


Napabalikwas si Mike nang makarinig siya ng pagkaluskos sa kaniyang likuran. Magtatatakbo na sana siya papalayo sa lumalapit na mga pigura ngunit wala ng lakas ang kaniyang mga paa kaya naman wala na lang siya sa sariling tumayo sa lugar na iyon at inintay ang maaaring mangyari.


Nang matapatan ng ilaw ang mukha ng taong papalapit sa kaniya ay hiniling na lang ni Mike na hold-up-er na lang ang kaniya ngayong kaharap imbis ang kaniyang ina na puno parin ng luha ang mga mata at mukhang pagod na pagod narin sa kakalakad, marahil dahil sa pagsunod at paghahanap sa kaniya. Nagsimula ng umatras si Mike palayo kay Brenda, ngunit hindi na siya hahayaan pang makalayo muli ng huli.


Imbis na pagsasampalin dahil sa karumaldumal niyang nalaman ay niyakap pa ni Brenda ang anak. Ipinaramdam niya ang pagmamahal niya bilang ina nito kahit ano pa man ang mangyari o nagawa nito. Ang ginawang ito ni Brenda ay talaga namang ikinagulat ng husto ni Mike. Akala kasi ng binata ay ipapahuli na siya nito sa mga pulis matapos ng kaniyang nagawa kay Dan o di kaya naman ay pandidirihan at itatakwil.


Pero laking pasasalamat na lang niya at nakukuwa pa siya nitong tignan, yakapin at mahalin sa kabila ng kaniyang mga karumaldumal na nagawa.


Everything is going to be OK.” tahimik na saad ni Brenda sa anak saka ito niyakap lalo ng mahigpit na lalong ikinahagulgol ni Mike na parang bata.


0000oo0000


Hindi mapigilan ni Lily ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib habang nakaharap sa may limampung tao. Sa karaniwan ay magpapanggap lang siya na wala siyang anak na ginahasa, binugbog at naglayas at mawawala na ang mabilis na pagkabog na iyon ng kaniyang dibdib at ang paranoya na pinaguusapan siya ng mga tao sa kaniyang paligid.


Pero iba ngayon.


Inisa-isa niya ang mukha ng mga tao sa kwartong iyon. Wala siyang pakielam kung abutin siya ng ilang oras sa harap ng mga taong iyon. May ilang tila ba walang pakielam sa babaeng kinakabahan na nakatayo sa harapan nilang lahat, may ilan na tila ba interesadong-interesado na malaman ang kaniyang kwento, may ilan na tila ba inaantok at nagsasabing hindi na bago na may isang babae na noon lang nila nakita ang maglalabas ng sariling baho sa harapan nilang lahat at may ilan na tila ba nagsasabing kaya niya ang kaniyang pagdadaanan.


Pero walang pakielam si Lily sa mga taong iyon. Nang makita niya ang mukha ng nagiisang tao na tangi niyang pinanghahalagahan sa puntong iyon ay itinuon na lang niya ang kaniyang pansin sa maganda at maamo nitong mukha. Nakita niya ang marahan nitong pagtango na tila ba nagsasabi na lagi siyang nasa likod nito kahit ano pang mangyari. Nagbuntong hininga si Lily.


I am Lily Arellano, a mother of a sixteen year old rape and bullying victim--- and I'm an alcoholic---” malakas na saad ni Lily sa harapan ng punong punong kwarto na iyon.


Hi Lily!” sabay sabay na sabi ng mga kapwa niya alcoholic kay Lily.


0000oo0000


So tell me something about yourself, Michael.”


Nagising si Mike sa kaniyang pagiisip ng malalim nang magsalita ang magandang babae sa kaniyang harapan. May mahaba, malalaking kulot at makintab itong itim na buhok, may makinis at maputing balat, maamong mukha na pang model ang mga features. Saglit na nag-alangan si Mike.


Where's the psychiatrist?” nagaalangan paring tanong ni Mike. Nagtaas ng kilay ang magandang babae sa kaniyang harapan atsaka ipinaghiwalay ang mga mapupulang labi at ngumiti.


I'm your psychiatrist. I'm Charity Sandoval. Now, we're not here for me. We're here to talk about you.” marrin pero mahinahong saad ni Cha.


Saglit na pumikit si Mike at huminga ng malalim.


I'm Michael Feliciano, sixteen years old---” bawat salita ay tila ba mabigat para kay Mike meron siyang ideya kung pano ito mapapagaang pero ang hindi niya alam ay kung makakaya niya ba itong gawin.


0000oo0000


I tried to ignore the fact that his powerful friends raped and tortured him---” lumuluhang saad ni Lily sa manghang mangha na tagapakinig.


Ito ang isa sa mga naisip nilang paraan upang kahit papano ay gumaang na ang kaniyang loob, ang sumali sa mga support group para sa kaniyang pag-inom, depresyon at mabigat na konsensyang dinadala.


Tapos na si Lily sa alcoholic support group, narinig na niya ang iba't ibang dahilan ng pag-inom ng mga tao at ang maaari niyang gawin sa oras na umabot siya sa sitwasyon na ganon. Ngayon, nilalabanan at ginagawan niya ng paraan ang depresyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang pinagdadaanan sa mga taong may ganito ring karanasan, mga taong hindi siya kailanman huhusgahan sapagkat alam ng mga ito ang kaniyang pinagdadaanan at hindi rin maikakaila na nagawa niyang sumali sa mga ganitong support group dahil sa pagbibigay ng ibayong lakas ng loob ng kaniyang kaibigang si Brenda na matapos malaman ang ginawa niyang pag-iwan sa kaniyang anak ay imbis na husgahan siya at talikuran ay tinanggap pa siya bilang malapit paring kaibigan.


Matiyagang tinutulungan ni Brenda si Lily hindi dahil nakokonsensya din siya sa ginawa ng kaniyang anak sa anak nitong si Dan kundi dahil hindi niya rin kasi makayang nakikita na miserable ito. Nagpapanggap na walang bumabagabag pero ang totoo ay malapit na itong mamatay dahil sa sobrang depresyon.


Malungkot na ngumiti si Brenda nang tapunan siya ng nagpapasalamat na tingin ni Lily matapos nitong i-share ang kaniyang mga pinagdadaanan at pinagdaanan. Hindi rin mapigilang malungkot muli ni Brenda kahit ilang beses pang ikuwento ng kaniyang kaibigan ang mga pinagdadaanan nito, dahil hindi niya kailanman inakalang mangyayari sa kanilang dalawang magkaibigan ito lalong lalo ng hindi niya inakalang mangyayari ito sa kanilang mga anak.


0000oo0000


Kitang kita ni Mike ang galit sa mga mata ng kaniyang Nurse Psychiatrist na si Cha matapos niyang ikuwento dito ang kaniyang mga ginawa sa kaniyang kaibigan na si Dan na siyang dahilan upang humingi siya ng tulong sa huli upang kahit papano ay mai-alis ito sa kaniyang sistema upang makapamuhay ng hindi man malaya sa mga alaala ng masama niyang ginawa na iyon, kahit papano naman ay maayos.


Excuse me.” saad ni Cha na may halong galit saka tumayo at pumasok sa C.R.


Sixteen year old and already a rapist?! Ano ng nangyayari sa mundo?!” galit na saad ni Cha sa sariling repleksyon nang makapasok na siya ng C.R. Hindi makapaniwala na nagawang manggahasa at muntikan ng pumatay ng kaniyang pasyente na mukhang mabait naman.


Kasama ng pagtatanong sa sarili na ito ang pagsisisi, pagsisisi dahil sa hindi niya pagbabasa ng files ni Mike, kung nabasa niya lang sana ito ay baka hindi na niya tinanggap pa ang kasong iyon. Pero hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa naman niyang bitawan si Mike bilang kaniyang kliyente. Wala sa sariling naghugas ng kamay si Cha, nagbuntong hininga at lumabas ng banyo.


Dahil sa hindi inaasahan ang mabilis na paglabas ng banyo ng kaniyang psychiatrist ay hindi agad niya napunasan ang kaniyang mga luha. Hindi kasi kaila kay Mike na hinuhusgahan siya ng kaniyang psychiatrist base sa nakita niyang galit sa mga mata nito, masakit para sa kaniya ang inasta ng psychiatrist sapagkat akala niya ay ito na ang makakatulong sa kaniya.


Look, I'm sorry for wasting your time---” simula ni Mike sabay pahid ng kaniyang mga luha. Nawawalan ng pag-asa at sinisimulan ng tanggapin na hindi kailanman gagaang kahit papano ang kaniyang kunsensya mula sa mga maling nagawa.


Hindi nakaligtas ang lungkot, sakit, pagsisisi at kawalan ng pag-asa sa mukha ni Mike kay Cha. Ang galit na kaniyang nararamdaman kanina dito ay tuluyan ng nalusaw at napalitan ng awa. Kitang kita niya hindi lang ang pagsisisi sa mga mata ng binata, meron pang iba ngunit hindi niya pa masabi kung ano ito.


Get back to your seat.” marahang saad ni Cha na ikinagulat ni Mike na naglalakad na para lumabas ng pinto.


Ha?” balik dito ni Mike.


I said get back to your seat. We still have thirty minutes worth of session time.” marahan paring balik ni Cha sabay ngiti at upo sa kaniyang upuan.


Ang mga sumunod na nangyari ay tuluyang nakapagpabago ng isip ni Cha. Niyakap siya ng mahigpit ng binata, pinapaalam kung gaano ito nagpapasalamat. Sa puntong iyon ay sumumpa na si Cha na gagawin niya ang kaniyang makakaya, matulungan lang si Mike.


T-thank you.” saad ni Mike sa pagitan ng mga hikbi. Ngayon mailalabas na niya lahat ng kaniyang nararamdaman. Alam man kasi ng kaniyang ina ang nangyari ay hindi naman masabi ni Mike ang kaniyang mga nararamdaman at pinagdadaanan dito, dahil nagaalangan parin siya dahil baka mag-iba ang isip nito at tuluyan na siyang itakwil.


Ang panginginig at paghagulgol ni Mike pa parang batang pinalo ng magulang ang nagpatibay sa hinala ni Cha na hindi ginusto ni Mike ang nangyari at lubos itong nagsisisi.


Shhh, everything is going to be OK.” saad ni Cha kahit pa alam niyang magiging mahirap ito at ibang iba sa mga natulungan na niyang mga kaibigan.


0000oo0000


Nagising si Ryan sa malalakas na halakhakan na nanggagaling sa kusina ng kanilang apartment. Bagot na bagot siyang bumangon sa kaniyang kama, nagtungo sa banyo, naligo at naghanda para sa pagpasok niya sa umagang iyon. Nang makalabas siya ng banyo ay patuloy parin ang halakhakan kaya naman kunot noo siyang nagbihis, lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina.


Doon nakita niya si Dan at Bryan na nagtatawanan.


Hey! I told you it's going to look good on you!” humahagikgik na saad ni Bryan sabay turo sa kulay pink na apron na pwersahan niyang pinasuot kay Dan may mapagtripan lang.


Shut up!” humahagikgik ding saad ni Dan na siya namang nabawi ang kaniyang pagiging palabiro matapos patunayan sa kaniya ni Bryan magdadalawang linggo na ang nakakaraan na mapagkakatiwalaan siya nito at hindi dapat katakutan.


Bagay pala sayo ang maging house wife eh! Sige na wife-y pagluto mo na kami ng breakfast!” biro ulit ni Bryan, sinuntok na lang ni Dan ang braso ni Bryan atsaka sinubukang hubarin ang apron pero pinigilan siya ng huli wala na lang nagawa si Dan kundi ang suutin na lang ang kulay pink na apron kahit pa naaalibadbaran siya dito. Hindi ito nakaligtas kay Ryan na tahimik lang na nanonood sa bungad ng kusina. Wala sa sarili itong napangiti nang makita ang nakakatawang si Dan at madala narin sa malakas na halakhak ni Bryan.


Oh hey, Ryan! How was your sleep! I tried waiting for you last night but I got soooo sleepy! Hey! What do you think of Dan's apron?!” tuloy tuloy na sabi ni Bryan nang makita ang kakambal. Agad na namula ang pisngi ni Ryan nang malamang nahuli siya ng kakambal na nakangiti habang nakatingin kay Dan. Simula kasi ng ilipat siya ng unibersidad ng kaniyang mga magulang at mapatira kasama ang kapatid at si Dan ay sinusungitan niya ang mga ito bilang protesta na ayaw niya doon sa unibersidad na iyon at mas gusto niya sa dating pinapasukan, kaya naman agad niyang binura ang ngiti sa kaniyang mga mukha.


He looks gay!” singhal ni Ryan na ikinabura ng ngiti ni Bryan at ikinalamig ng dugo ni Dan. Pinigilan ni Dan ang sarili na magtago at magiiiyak ulit sa mga masasakit na salita katulad ng kaniyang nakasanayan matapos ang insidente noong nakaraan niyang birthday. Pinilit niyang huwag manginig sa takot.


NEWS FLASH! Dan is gay, Ryan! Live with it!” singhal ni Bryan na siyang dumagdag lakas sa pagpipigil ni Dan sa sarili na umiyak.


Well--- then he looks gayer!” singhal muli ni Ryan na ikinanganga sa gulat ni Bryan at ikinainit ng dugo ni Dan. Napupuno na siya kay Ryan, iniisip na hindi siya titigilang kutyain ng huli hangga't hindi siya lumalaban dito. Naisip niya na panahon na siguro upang ibalik ang kaniyang tapang at palaban na ugali.


Thank you, Ryan. You're getting better at being an asshole too. Isn't it great? Me being more gay and you improving as an asshole.” sarkastikong balik ni Dan na ikinagulat nilang tatlo. Sa sinabing ito ay hindi mapigilan ni Dan na makaramdam ng kaunting takot at saya. Pakiramdam niya ay nabawi na niya ang dating pagkatao at nakalabas na siya sa selda kung saan siya matagal ng naka kulong.


Whatever!” saad ni Ryan sabay talikod. Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niya na ang sigaw ng kaniyang kakambal!


DAN!!! THAT WAS SOOOOOO AWESOME!” sigaw ni Bryan sabay hagikgik na siya namang sinundan din ng malalakas na tawa ni Dan.


Pero imbis na mainis ay lihim pang napangiti si Ryan, umiiling pero nakangiting lumabas ng kanilang apartment at naglakad papunta sa kanilang skwelahan.


Itutuloy...


Against All Odds 2[14]
by: Migs 

Comments

  1. Maraming salamat ulit sa pagiintay. Pasensya na talaga. BUSY. Saulo niyo na ang salitang yan dahil madalas ko na yang dahilan sainyo. :-( hihingi pa po ulit ako ng pasensya pa dahil wala na pong kwenta ang mga sagot ko sa mga comments niyo sa huling chapter.

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    LordNblue: kung pwede nga lang na isang mahabang kwento na lang ito ginawa ko na.

    Lawfer: sensya na hindi ako nakabawi sobrang tagal ng post. :-(

    Frostking: paki subaybayan na lang po yung story.

    Ryge Stan: Salamat hayaan mo kapag nagkaoras ako iisa-isahin kong ie-edit yang mga stories ko dati.

    aR: di ko na nagawa yung pangako kong 2 stories a week dahil sa sobrang busy. :-(

    Edmond: dahil wala ka sa hulog mag comment last time, ngayon ako naman ang wala sa hulog sumagot. Hahaha! :-)

    waydeejanyokio: malalaman mo soon kung anong course niya.

    Rascal: thank you and you're welcome.

    robert_mendoza: it's my pleasure. :-)

    russ: wag kang magalala, matagal pa ito na tipong ikaw na ang magsasawa. :-)

    makki: salamat! :-)

    Lynx Howard: Heart shattering talaga? Sa Like or Rate naman, sige magtatanong ako kung posible bang malagyan yung blog ko ng ganun. :-)

    adik_ngarag: Mali ang feeling mo. Haha! :-)

    Moon Sung-Min: sino ang sinasabi mong gusto mong maka love team?

    Anonymous December 13, 2012 3:35AM: pakilala ka po para ma-acknowledge ka ng maayos. Salamat! :-)

    theresa of the faint smile: Sasaya na siya soon kaya sana maging masaya ka nadin. :-)

    foxriver: salamat sa effort na paghahanap ng iba pang adjectives na pwedeng idikit sakin! :-)

    Johny Quest: haha! Sino si vilma at nora? Di ko ata naabutan yung mga yun. :-P

    SuperKaid: wala naman. Pinatawad siya ni Brenda. :-))

    BoboyTuliag: buti naman at nagbalik ka! :-)

    riley delima: nastre-stress ka na ba din sa pagiisip ng kasunod? :-)

    ANDY: may nakakaalala pa pala na nagpalit lang ako ng POV? :-D Salamat ANDY! :-)

    jonas mejia: ayaw kong maging sikat. :-))

    -icy-: salamat! Ayain mo na din silang wag ng maging silent readers at mag comment na! :-)

    theresa Llama: soon magkikita na sila! :-)

    Anonymous December 18, 2012 8:51PM: eto na po ang nirequest niyong back to back. Pa lagay na lang po ng name sa susunod niyong pagcomment para mai-address ko kayo ng maayos.

    Anonymous December 19, 2012 6:01AM: pakilala po sa susunod na mag comment. Salamat po! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. wahhhhh. pinagpuyatan ko to. araw araw refresh! ahahaha

    kuya mike kumusta?!?!? antagal mong nawala, pero okey rin lang kasi busy ka sa work.

    NICE CHAPTER!AS ALWAYS, galing mo parin magpaiyak! tinupad mo nga pangako mo light chapters sana from now on!

    GODBLESS AND INGAT LAGI! HAPPY HOLIDAYS NA RIN! ahahaha :))

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  3. Hey migz no need to edit your stories. actually I like it as it is. hehehe
    By the way this is a great chapter. Good thing Dan is beginning to coup up on everything that has happened to him.

    Have great day migz and happy christmas!!!

    ReplyDelete
  4. Author Migs!

    OK lang unang naisip ko bakit "delay" OMG!! 1 week na!! baka may sakit si Migs kaya walang post..di ko naisip na busy kaXD haha..

    ANyway ok lang na di mo nagawa yung 2 stories per week i get it naman;)

    and bawing bawing kanaman dito ngayon!!

    >>Andito si cha! hoho i bet maganda lalo mangyayari dito :D

    -aR

    ReplyDelete
  5. Nandyan na naman si Cha!!!! hahahaha

    ReplyDelete
  6. ~Bat po ganun un clastm8 ko kasi sa college eh my ADHD sya. Pero d sya madaldal at tahimik lang. Nung una ng sasalit sya kc d panamin alam na may ADHD eh shunga ung prof. Palbhasa bago dn pala sya at kami eh 1st yer 1st day palang sa school. I annunce ba. Talaga sa madla! Ayun nahiya na sya. Naawa nga kami. Felin kc nya we talk behind his condition. Pero naun medyo ng sasalita na.

    ~anyways si CHA ang SAINTS NG MGA BAKLA. Hahaha umuksena nanamn.

    ~Parang ung sa(TAKING CHANCES lang na si CHINO at CHRIS) kwento mu ung makaasar wagas. Pero my gusto dn pala. Hmmm parang my somethng d2 eh (RYAN and DAN). Hehe wel let see!

    ~waydeeJanYokio

    ReplyDelete
  7. Di naman ako nastress sa kung anung mangyayari Migs..mas stress yata ako kung kelan ang next chapter.hahaha!

    But feel good ang chapter na to..di na sya ganun kabigat..hihi..at itong si Ryan kunwari pa..bibigay din yan kita mo..hahaha!
    Thanks sa update Migs!

    ReplyDelete
  8. ikaw na miggz..na miss ko ng sobra si cha..ang lakas naman ng trip ni ryan sungitsungitan..si bryan adik lng ang bibo masyado hahahaha..mukhang patungo na sa kabutihan ang lahat..ang kulang na lng ang bangkay nila dave mark at melvin...si martin kaya asan na??

    grabe sobrang saya nito..basahin ko muna ung kasunod hehehe

    ReplyDelete
  9. magsasawa migs? wala sa diksyunaryo ko yan hehehee..approve migs..

    ReplyDelete
  10. at last! that"s good at marami ng pagbabago. continue the good work frend!

    ReplyDelete
  11. i like bryan! Kahit may ADHD ka pa! Hahaha!!

    Sana mg tuloy tuloy na yung pagbuti nilang lahat.

    ReplyDelete
  12. Santa Caridad, ang santa ng mga beki. Amen! I'm now all the more positive sa magiging takbo ng kwento mo, especially now that Cha is onboard. =)

    Si Melvin kaya ang fubu ni Ryan? I doubt na si Jase, kasi dapat ma-recognise niya na kakambal ni Bryan (assuming na nakita siya ni Jase noong sinundo si Dan) si Ryan. Seriously, I hope it's not Jase kasi otherwise parang walang saysay ang pagkamatay ni Aaron sa AAO Book 1.

    Why do I have this feeling na baka si Bryan pa mismo (or rather ang kadaldalan niya) ang magpahamak kay Dan later on?

    Will Mike indeed go to the same school as Dan?

    Migs, di na ko sabaw ha. (Anong term naman yang "walang hulog"? Di yan uso sa generation ko, hahahaha!) Anyway, happy holidays to you and my fellow followers of yours.

    - Edmond

    P.S.: I'm seriously attempting to come up with my own story. I'm no writer myself although I have ideas, pero you're one of the reasons I got inspired para ma-activate ang right side ng brain ko. Thanks Migs! =D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]