Against All Odds 2[12]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Halos
mapaiyak siya nang makita niya kung magkano lamang ang kaniyang
kinita. Tatlong libo mahigit para sa labing limang araw na pagbabanat
ng buto, nilunok na lamang niya ang bigat ng loob na iyon, iniisip na
ngayon ay may tatlong libo na siyang idadagdag sa kaniyang inipon
para sa darating na pasukan. Bago siya tumalikod sa taong
nagpapasweldo sa kaniya ay nginitian niya muna ito at nagpasalamat.
Marami
mang dahilan upang magpalamon siya sa lungkot ay inisip naman niyang
mas maraming dahilan upang siya ay patuloy na ngumiti.
Nang
makauwi ay bagsak balikat siyang pumasok sa apartment na kaniyang
tinutuluyan dahil sa pagod. Saglit na lumingon-lingon. Hindi parin
mapigilang malungkot kahit pa magdadalawang buwan na siyang tumutuloy
doon, iniisip na kahit isa sa mga gamit sa kaniyang paligid ay hindi
sa kaniya.
Na
wala siyang karapatan sa lugar na iyon.
Kumpara
sa kumportable niyang kama sa kanilang bahay, masasabing ang sofa na
kaniya ngayong hinihigaan ay dahilan ng kaniyang sakit sa katawan na
nararamdaman tuwing pagkagising sa umaga, pero katulad ng kaniyang
naisip kanina, nagpapasalamat na lang siya na may sofa siyang
nahihigaan at may bubong at pader na tumatabing sa kaniya mula sa
lamig.
Ipinikit
na niya ang kaniyang mga mata. Taimtim na nagdasal na sana ay hindi
na siya muli pang dalawin ng mga masasamang panaginip na siyang
lalong nagiging dahilan ng kaniyang pagiging miserable. Matapos
magdasal ay kaniya ng ipinahinga ang kaniyang mga mata at utak.
Ngunit
hindi pa man nagtatagal ay tila isang pelikula na ipinapalabas sa
kaniyang sariling utak ang mga bagay na pilit na niyang ibinabaon sa
limot, mga bagay na nagtutulak sa kaniya upang maging miserable, mga
bagay na hanggang ngayon ay sa kaniya'y nagdudulot ng matinding
sakit.
0000oo0000
“Dude!
He's crying! Who the hell cries in his sleep?” tanong ng isang
lalaki na nakapagpagising sa kaniya. Dali-dali siyang bumalikwas,
idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib at itinago ang
kaniyang ulo sa pagitan ng mga ito.
“P-please
don't h-hurt me.” nangangatal niyang sagot.
Tumahimik
ang buong paligid, walang ibang mariring kundi ang kaniyang paghikbi.
“Hey
buddy, we're not going to hurt you. I'm sorry if I scared you.”
marahang saad ng lalaking nagtatanong kanina.
Dahan-dahan
siyang nagtaas ng tingin sa pagitan ng mga hikbi. Noong una ay
naguluhan pa siya, akala niya ay nahihilo parin siya dahil sa antok
at dalawa na ang kaniyang tingin sa taong kaniyang kausap, huli na ng
mapagtanto niyang dalawang tao nga ang kaniyang kaharap, huli na ng
maisip niya na ito pala'y kambal.
Magkamukhang-magkamukha
ang mga ito, halos wala kang makitang pagkakaiba, pati ang
nagaalalang mga tingin ng mga ito ay magkaterno. Ngunit ang tingin ng
kambal na nasa kaniyang kaliwa, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay
mabilis na napalitan mula sa pagaalala papunta sa pagkainis.
“Call
me when this drama is over.” saad ng kambal na nasa kaliwa sabay
talikod at pabalang na pumasok sa kwarto malapit sa may kusina.
“Don't
mind that asshole. I'm Bryan by the way. You can call me Bry and that
asshole is my twin brother, Ryan, you can call him Ry. My mother
thought it was cute to give us rhyming names. My brother and I thinks
it's stupid, though.” saad ng kambal na nasa kaniyang kanan sabay
ngiti at abot ng kamay.
Saglit
niyang tinignan ang kamay nito at nang masiguro sa sarili na hindi
siya nito sasaktan ay dahan-dahan niyang inabot ang kamay niya dito
at nagpakilala narin.
“I-I'm
Dan.”
0000oo0000
Hindi
mapigilan ni Dan ang ma-conscious lalo pa't mukhang di magawang
pigilan ni Bryan ang titigan siya habang inililigpit niya ang
kaniyang pinaghigaan sa salas na tila ba isa siyang nakaaaliw na isda
sa loob ng aquarium.
“I'm
sorry. My brother took and locked the room that's supposed to be
yours. He's not supposed to be here, he was expelled from his last
school because of some fraternity trouble.” tuloy tuloy na saad ni
Bryan.
“I-It's
OK. I'm not going to use that room if it wasn't locked anyways.”
“Bakit
naman?” parang batang tanong ulit ni Bryan.
“B-baka
kasi m-may mawala---” nahihiyang simula ni Dan na ikinabura ng
ngiti sa mukha ni Bryan at ikinakunot ng noo nito.
“Tita
said you're a good guy--- if she says you're a good guy then I trust
you. Kahit pa may nawala sa gamit namin, hindi ka namin pagiisipan ng
masama because tita said you're a good guy. She also asked us to
share our apartment with you until all of us graduate college. She
also said that you have a very big problem and that we should look
after you like you are part of the family---” tuloy tuloy na saad
ni Bryan, hindi mapigilan ni Dan na mapaisip saglit.
“Where
are you planning to go after the graduation?” tanong ni Mrs.
Hernando pagka-abot na pagka-abot nito ng kaniyang transcript na
maagang ni-request ni Dan, hindi alintana ng principal na hindi na
binabalak na di Dan na umattend ng graduation.
“I-I
d-don't know yet.” naluluha nanamang sagot ni Dan.
“Where
are you planning to study college?” nagaalala muling tanong ni Mrs.
Hernando, hindi mapigilang maawa sa batang tila ba pasan pasan ang
buong mundo. Umiling lang bilang sagot si Dan, ang tangi lang kasi
nitong napla-plano ay ang kaniyang pag-alis sa oras na makuwa na niya
ang mahahalagang papeles mula sa kaniyang paaralan, hindi pa niya
naiisip kung san siya titira at kung magko-kolehiyo pa ba siya.
“I
know a place where you can stay and I can recommend you to a
university. Pwede ka nilang bigyan ng scholarship doon, hindi nga
lang full scholarship---” hindi pa man natatapos ng principal ang
kaniyang sasabihin ay muli na siyang niyakap ng mahigpit ni Dan.
“T-tita
niyo si Mrs. Hernando?” tanong ni Dan na siyang nagbalik muli ng
ngiti sa mukha ni Bryan.
“She's
my favorite Aunt.” proud na sagot ni Bryan sabay tayo mula sa
kinauupuan at pumalakpak na parang bata.
“I'm
hungry. Do you want breakfast? Did you eat already? I can't cook,
though. Can you cook? I'm hungry---” parang bata at masayang sunod
sunod na saad ni Bryan na sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwan
ay nakapag pangiti kay Dan. Iniisip na hindi malayong magkasundo sila
ni Bryan.
“Shut
up, Bry. You know how annoying you are when you're like that.”
singit naman ni Ryan na halos ikatalon ni Dan dahil sa gulat.
Sinulyapan siya ni Ryan, nung una ay parang hindi siya nito nakikita
at nang tumalikod ito upang lumabas sa front door ay nakita pa ni Dan
na sumimangot ito.
Kung
panatag ang kaniyang loob sa masiyahing si Bryan, kabaligtaran naman
ang kaniyang nararamdaman kay Ryan.
0000oo0000
“This
is so cool! It's like having an extra brother! I've always wanted a
little brother when we were young!” sunod sunod na saad ni Bryan na
muling nakapagpangiti kay Dan. Sa loob ng ilang oras na kasama niya
ito ay napansin ni Dan na may kakaiba kay Bryan, masyado itong hyper
maski ang pagsasalita nito na tila ba walang katapusan ay napansin
din ni Dan, ngunit isinang tabi niya ito lalo pa't masaya naman itong
kasama.
“It's
like having a pajama party every night!” masayang saad ni Bryan
ngunit agad na nagbago ang expresyon sa mukha nito at napalitan iyon
ng lungkot. “Ryan and I used to have those when we were little---
but hey! We can still have those! I can ask Ryan to sleep with us!”
sunod sunod at masaya muling saad ni Bryan.
Ang
mga ngiti sa mukha ni Dan ay unti-unting nabura. Ganitong ganito rin
ang nangyari noon sa kanila nila Mike, Mark at Dave. Madali niyang
pinagkatiwalaan ang mga ito at sa huli ay sinaktan lamang siya ng mga
ito. Hindi mapigilan ni Dan ang matakot. Iniisip na kailangan na
niyang linawin ang lahat kay Bryan at kung maaari kay Ryan din,
lalong lalo na ang tungkol sa kaniyang sekswalidad para kung sakaling
hindi siya tanggap ng mga ito ay hindi na siya magaaksaya pa ng
panahon na lumayo dito bago pa siya saktan ng mga ito katulad ng
ginawa nila Mike, Mark at Dave.
“---we
used to play chess until we fall asleep--- Do you play chess?---”
sunod sunod paring pagdakdak ni Bryan habang inaayos ang extrang
higaan sa tabi ng kaniyang kama para higaan ni Dan.
“Bry---”
tawag pansin ni Dan kay Bryan na agad namang tumigil sa pagsasalita
at masuyong nakangiting humarap sa kaniya.
“I-I
h-have to tell you and your b-brother s-something.”
0000oo0000
“Ryan!
Dan needs to tell us something!” sigaw ni Bryan sabay ibinagsak ang
sarili sa sofa. Dikit kilay naman na lumabas si Ryan sa kaniyang
sariling kwarto, ang ekspresyon na makikita sa mukha nito ay
pagkainis tila ba sinasabing na-iistorbo siya ni Dan.
Umupo
si Ryan sa sofa katabi ni Bryan, hindi man lang magbato ng tingin kay
Dan. Sa mga sandaling iyon ay agad na naihambing ni Dan ang dalawang
magkapatid. Si Bryan ang kambal na masiyahin, easy go lucky at
masayang kausap at kasama habang si Ryan naman ang tahimik na kambal,
yung tipong mangangapa ka pa sa ugali nito sa tuwing kasama mo ito na
magdudulot sayo na mahiya pa.
Magkapareho
sa laki at ganda ang katawan ng mga ito na halata mong banat sa gym.
Parehong matangkad at maputi, parehong maamo ang mukha pero para kay
Dan ay hanggang doon lang pagkakapareho ng dalawa dahil pagdating sa
paguugali ay magkaibang-magkaiba na ang mga ito at napatunayan iyon
sa mga susunod na mangyayari.
“I-I
asked your Tita for a little help. I need a place to stay while
finishing college and she gave me the key to this apartment. B-but I
can't just stay here like you're obliged to keep me here. I-If we're
going to have problems or if you think you're going to have problems
with me, s-sabihin niyo lang sakin and I will go---” simula ni Dan
ngunit agad siyang pinutol ni Bryan.
“Of
course we want you here, Dan!”
Saglit
na natigilan si Dan, hindi parin siya tinitignan ni Ryan na tila ba
bored na bored na habang si Bryan naman ay nakatingin sa kaniya na
tila ba ngayon lang ito nakakita ng tao.
“I'm
gay.” wala sa sariling bulalas ni Dan na lalong nakapagpatahimik sa
dalawa. Lalong nangunot ang noo ni Bryan na tila ba hindi nito
naiintindihan ang salitang “gay” habang si Ryan naman, sa unang
pagkakataon matapos siyang gisingin ng kambal ay binato si Dan ng
isang tingin. Isang hindi maipaliwanag na tingin. Hindi niya
mapigilang salubungin ang tingin nito at makipagtitigan dito.
Ilang
minuto pang binalot ng katahimikan ang buong paligid. Walang ibang
naririnig si Dan kundi ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at
pagkabog ng kaniyang dibdib habang nakikipagtitigan kay Ryan.
0000oo0000
“So
what if you're gay!? Ryan is---” simula ni Bryan ngunit siniko ito
ni Ryan sa tigiliran. “---OW! What was that for?” tanong ni
Bryan.
“Shut
up, Bryan!” singhal ni Ryan sabay pinagmulatan ito ng mata. Tila
naman may sikretong mensahe ang sinabing iyon ni Ryan na siyang
nakapagpatahimik kay Bryan.
“What
my brother is saying is that Tita Melly wants you here. We can't do
anything about that. This place is hers. If she say we need to suck
it up. We will suck it up no matter how bad of a human you are, we
need to live with you. Are we done?! I need to do something more
important than this.” singhal ni Ryan na nakapagpatameme kay
Bryan at Dan sabay tayo mula sa sofa at muling pumasok sa kaniyang
kwarto na tila ba ang pinagkahirap-hirapan na pag-amin ni Dan
patungkol sa kaniyang sekswalidad ay balewala lamang sa kaniya.
“Don't
mind him. He's just in one of his moods---” pambabalewala ni Bryan
sa pagaalburoto ng kapatid sabay mabilis na humarap muli kay Dan at
nginisian ito. “Sooo you're gay, huh?! Do you find me attractive?”
habol tanong ni Bryan sabay ipinout ang kaniyang mga labi at pumikit.
Ang nakakatawang itsura na ito ni Bryan ang nagdulot kay Dan na huwag
seryosohin ang pasaring nito patungkol sa kaniyang sekswalidad.
“You're
not my type and besides--- You're my older brother.” nakangiting
saad ni Dan na nakapagpangiti lalo kay Bryan.
“Yey!
I have a new baby brother! So how about that game of chess---?”
simula muli ni Bryan na tila naman nagshift sa pagiging bata muli na
ikinangiting muli ni Dan.
0000oo0000
Pagkatapos
ang pasok ni Dan sa fast food chain na kaniyang pinagtratrabahuhan ay
agad naman siyang lumipat sa hindi kalayuan na restaurant kung saan
napakiusapan niya ang may ari na pagtrabahuhin siya bilang isang
dishwasher. Hindi man kalakihan ang kita doon ay nagagamit naman niya
ito para panggastos niya pang-araw araw. Hindi man siya sanay na
madungisan ang kaniyang kamay mula sa mga tira-tirang pinagkainan ng
iba't-ibang taong hindi niya kilala ay tinitiis niya ito dahil para
sa kaniya isa itong marangal na trabaho na makakatulong sa kaniyang
upang makatawid ng kolehiyo.
“Marami-rami
din ang nahugasan mo ngayon, Dan.” nakangiting bati ng may ari ng
restaurant sabay abot ng bayad kay Dan.
“Oo
nga po eh pero OK lang po yun---” simula ni Dan sabay punas ng
kaniyang kamay sa towel na nakasabit sa kaniyang balikat at inabot
ang pera na siyang kinita niya sa paghuhugas ng mga plato. “---Sir,
thank you po talaga ha. Di niyo po alam kung ganong kalaking tulong
ito saakin.” seryosong batid ni Dan, hindi na sumagot pa ang may
ari ng restaurant, inabot na lamang nito ang ulo ni Dan at ginulo ang
buhok nito na parang batang gumawa ng mabuti.
Nakangiti
at magalang na tumalikod si Dan ngunit hindi parin siya tinantanan ng
tingin ng may ari ng restaurant na iyon.
“---Di
niyo po alam kung ganong kalaking tulong ito saakin.” ang
muling pag-echo ng sinabi ni Dan sa utak ng may ari ng restaurant.
“I
know how much this means to you, Dan. I know.” bulong
ng may ari ng restaurant.
“Jase,
honey. We're ready to go.” marahang saad ng nobyo ni Jase na siyang
gumising sa kaniya mula sa pagtitig kay Dan at pagbabalik tanaw nito
sa ilang bahagi ng kaniyang nakaraan.
“OK,
hon.” masuyong balik ni Jase, ngunit bago iyon ay muli niyang
sinulyapan si Dan. Abala ito sa muling paghuhugas ng pinggan sa
restaurant na iyon na iniwan sa kaniya ng kaniyang kapatid na si Nate
at namayapang asawa na si Aaron, napansin niya kung gaano kadesedido
si Dan na magawa ng maayos ang trabaho na iyon dahil alam niya na isa
iyong trabaho na iyon na makakatulong sa kaniya.
Muling
nakita ni Jase si Aaron, ang kaniyang namayapang asawa sa pagkatao ni
Dan. Masigasig din ito katulad nito, mabait at matalino pero katulad
ni Aaron ay kitang kita din ni Jase sa mga mata ni Dan na malaki din
ang sinosolong problema nito, na katulad ni Aaron ay nagkukumahog din
ito upang magkaroon ng maayos na buhay.
Kaya
nang magpakita ito sa harapan ng kaniyang restaurant, nagmamakaawa na
bigyan siya ng kahit anong trabaho ay hindi na nagdalawang isip pa si
Jase na bigyan ito ng trabaho kahit pa hindi naman kailangan ng
kaniyang restaurant ang dishwasher, iniisip na kahit sa maliit na
paraan na iyon ay parang natulungan narin niya si Aaron, na kahit
papano ay nakabawi siya sa dating nobyo nung panahong pinagtutulakan
niya ito palayo.
“He
reminds me of Aaron too.” marahang saad ulit ng nobyo ni Jase na
nakuwa ang tumatakbo sa isip ni Jase. Ngumiti si Jase at humarap sa
kaniyang nobyo, nginitian ito saka hinalikan ng mariin sa labi.
“Let's
go.” bulong nito sabay lakad palayo mula sa kusina ng restaurant.
0000oo0000
“Hey!
How's work?” masiglang tanong ni Bryan kay Dan.
“Hi
Bryan! Hi Ryan! Work was work.” nakangiting saad ni Dan sa kabila
ng pagod. “Hey I brought you guys food from the restaurant!”
pahabol ni Dan.
Hindi
na inintay pa ni Dan na sumagot ang dalawa. Nagpa excuse agad siya
upang magpalit at makabalik agad sa hapagkainan upang maibsan na ang
sobrang gutom na kaniyang nararamdaman. Ngunit nang makabalik siya sa
may living area ng apartment ay naabutan niya ang nakasibanghot at
hindi kumakain na si Ryan. Iniisip na wala nanaman ito sa mood ay
masuyo na lang itong inalok muli ni Dan na kumain.
“Ryan,
kain tayo. Masarap 'tong shawarma dun sa Gustav's.” masuyong alok
ni Dan kay Ryan.
“Sa
Gustav's?! Grabe sarap ng shwarama pita dun! Bakit di mo agad sinabi
na dun ka nagtratrabaho?! Naku, uwian mo lang si Ryan ng shawarma
pita dun panigurado maaalis na ang init ng ulo nun sayo.” tila
batang kinikilig na saad ni Bryan nung minsang nagkwentuhan sila
tungkol sa mga lugar na pinagtratrabahuhan ni Dan.
Kaya
naman kahit may pinaglalaanan si Dan sa pera na kaniyang kinita nung
gabing iyon kakahugas ng pinggan ay mas pinili parin niyang ibili ang
kambal ng paborito nitong shawarma, hindi para magpalakas kay Ryan
katulad ng sinabi ng kakambal nito na si Bryan kundi para maipakita
ang kaniyang pasasalamat sa pagpayag ng mga ito sa gusto ng kanilang
tiyahin na si Mrs. Hernando.
“I
don't eat table scraps.” singhal ni Ryan na ikinabura ng ngiti sa
mukha ni Dan at ikinatigil ni Bryan sa masuyong pagnguya.
“They're
not left---.” malungkot na simula ni Dan ngunit hindi na siya
pinatapos pa ni Ryan sa pagsasalita..
“Whatever---”
simulang balik nito sabay tayo, kinuwa ang wallet at susi ng sasakyan
“Don't wait for me. I'll be home late.” pahabol nito bago lumabas
ng front door ng kanilang apartment.
Wala
pa mang sampung segundo ang itinatagal ng pagkakasara ng front door
ay hindi na napigilan ni Dan ang mga luha na mangilid sa kaniyang mga
mata. Hindi makapaniwala na hanggang sa ngayon ay nahihirapan parin
siyang makipagkapwa tao katulad noong panahong tumuntong sila ni Mike
ng high school.
At
nagsasawa na siyang ipagsiksikan ang sarili o kaya naman ay pilitin
ang mga ito na magustuhan siya katulad noong ginawa niya kila Mark at
Dave at kasama ng pananawa na iyon ay ang takot, takot na kapag
pinabayaan niya ang sarili na mapalapit muli sa ibang tao katulad ng
kaniyang unang pakay kila Bryan at Ryan ay muli nanaman siyang
magbukas ng pagkakataon upang saktan siya ng ibang tao katulad ng
nangyari noon kay Mark at Dave.
“Hey,
don't mind him.” marahang saad ni Bryan na agad binitawan ang
kaniyang kinakaing shawarma para pagaangin ang loob ni Dan.
Na-appreciate naman ito ni Dan, pero katulad ng kaniyang iniisip,
hindi na niya muli pang pagbubuksan ng pagkakataon muli ang kahit na
sino na saktan siya kaya naman agad niyang iniwas ang kamay mula sa
mga kamay ni Bryan.
“I-It's
OK. I-I'm sorry. I don't feel well. Magpapahinga muna ako.” palusot
ni Dan sabay tayo mula sa hapagkainan, iniwan ang hindi pa nagagalaw
na shawarma at tumuloy na sa kwarto.
Pinanood
ni Bryan si Dan habang naglalakad papunta sa kanilang kwarto,
nagtataka kung bakit ang bilis ng pagbabago ng ugali nito, mula sa
pagiging masayahin papunta sa pagiging malamig. Nang walang maisip na
posibleng dahilan ay ikinibit balikat na muna ito ni Bryan at
nagpatuloy lang sa pagkain, ngunit sa kabila noon ay isinumpa niya na
aalamin niya kung ano ang ikinagaganoon ni Dan.
Habang
nagiisip ay hindi napansin ni Bryan na naubos napala niya ang
kaniyang kinakaing shawarma, iniisip na hindi naman kakainin ni Ryan
at Dan ang kani-kanilang parte ay napagpasyahan niyang kainin na ang
mga ito, habang tinitignan niya ang loob ng plastic na kinalalagyan
ng mga shawarma ay hindi napigilan ni Bryan na mapansin ang isang
piraso ng papel. Nang basahin niya lang ang nakalagay sa papel na
iyon saka niya na-realize na isa pala itong resibo. Resibo ng anim na
shawarma na binili ni Dan. Nagpapatunay na hindi nga tira-tira ang
mga ito katulad ng sinabi ni Ryan.
“You're
such a douchebag, Ryan.” umiiling habang ngumunguyang saad ni
Bryan.
Itutuloy...
Pangalawang
yugto ng
Against All Odds 2[12]
by:
Migs
Hi guys! Effort ang pagpo-post ko ngayon dahil halos gapang na ako sa pagod. Haha! Pero OK lang, pinipilit ko na ulit makapag-post ng kahit two chaps per week kahit gaano ka-busy. Alam ko naman kasing yun ang hiling niyo lahat! :-P
ReplyDeleteEto na nga po pala ang second season ng book 2 ng AAO. ENJOY GUYS! :-)
Kaya po may mga season season na akong nalalaman ay dahil po sa hindi inaasahang pagkakagawa ng madaming chapter ng kwentong ito. At para narin po makadagdag ng thrill haha! Sorry, mahilig talaga akong mambitin eh.
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Edmond: sinusubukan ko kasi yung parang umpisa pa lang climax na tas biglang magiging chill yung chapters and then climax ulit saka mag-e-end. Haha! :-)
Moon Sung-Min: here's the second season. Wag masyadong excited. Hahaha! :-P
Lawfer: Martin is like Ivan sa breaking boundaries. :-)
makki: intayin mo sa huli kung sino ang makakatuluyan ni Mike. :-)
Frostking: walang mangyayaring paghihiganti sa story na ito, ever. :-)
russ: Thanks! Yun talag yung aim ko eh. Yung maramdaman niyo yung pain na nararamdaman both ni Mike and Lily. :-))
rascal: Matagal pa magiging strong si Dan. :-) baka mga towards the end na.
AR: hindi ko pa siya papatayin. :-P
Lynx Howard: Baka mo matagalan pa ang pagpopost ko ng CP 5. Kailangan ko pa po kasi ng go signal sa ibang involved sa story na yun eh.
Lexin: you're welcome.
Riley delima: matagal pa ang karma ng mga yan. :-)
Johnny Quest: naks naisip mo pa yun?! Haha! Gagaling talaga ng readers ng blog ko! Thanks Calle aso. :-)
Marlon Lopez: medyo malayo po ang inyong naisip. :-)
jonas mejia: ibang character po ang may ADHD. Dito na siya sa chap na ito lalabas! :-)
foxriver: here's season 2! :-)
enygma: sorry I can't indicate kung kailan ako makakapag post ng mga susunod na chapters. Madami din po kasi akong ginagawa, baka mamya kapag nagsabi ako sainyo tas di ko naman na-post magalit pa kayo sakin.
SuperKAid: pano mo nalaman na naglayas lang si Dan? Wala anman akong sinabi sa last post.
Therese llama: sweet naman ni Martin kung ganun? :-)
WaydeeJanYokio: hehe! Matagal ko pa po mapopost ang CP. Dami ko pa po kasing dapat gawin. :-)
Ryge Stan: my story loves you also kaya wag kang mawawala sa pagco-comment.
Akosichristian: STRAIGHT si Martin. SPOLER ALERT! SPOILER ALERT! :-)
ANDY: Martin is straight! Hahaha! Pareho pa kayo ng sinabi ni akosichristian. Mali lang yung idinikit niyo kay Martin. :-)
robert_mendoza: ito na yung sagot kung lumayas nga si Dan. :-)
adik_ngarag: ganun naman lagi ang season finale diba? Walang masyadong nangyayari. Haha!
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
manghula na nga lang muna ako......hmmmm d kaya c ryan katulad din ni dan...at baka clang dalawa ang magkaroon ng relasyon sa nxt chapter...tpos c byan nmn mahuhulog ung loob kay dan...hmmmm.....kaabang abang.....good job author......
ReplyDeleteryan... hmm... nkikinita qng mgkakaron xa ng intimate relationshp ky dan
ReplyDeletehaha kambal mgkaribal?
gleng, nice start ng season :))
as expected from a great author...why not try to publish your work kuya into a book. ang galing galing ehhh..
ReplyDeleteand yes kuya pasin ko ang pag ka adhd nung isang kambal and yet yung isa may pagka avoidant..amazing twist,,
buccinator muscle on the rule...joke
Ewan ko haha basta navibes ko lang naglayas siya hahaha nagiwan ng sulat eh.. ikaw kasi sir hilig mo mambitin! ayan tuloy kung anu-ano na napasok sa isip ko tungkol sa susunod na mangyayari! :P
ReplyDeleteso straigth pla si martin..hehe..sayang..feeling ko walang ma lilink ky dan sa kambal pero magiging close sila..tlgang ng cameo pa si jase.hehehe..
ReplyDeletesana payagan k na ng mga frends mo dun sa CP5..prang iron man 3 lng yan na ang tgal.ko nang hinihintay..hehe
tapos miggz wag masyado mgpagod lam naman namin na busy ka sa work eh..baka mgkasakit ka...kung jn ka sa bahay mo ok lng sa kasi d ka naman pababayaan ni edward..hahahaha
so martin is out of the picture? then kambal vs. mikee? hahaha ay teka teka... tignan ko lng kung sino ang makakatuluyan? waaaaaah si LIAM? bwahahaha wagas kung makapag-isip ano? galing mo talaga migoy!
ReplyDeleteSAna mali ang naiisip ko tunkol sa ending nito. :(
ReplyDeleteFirst chapter pa lang ng Season 2 and I can feel the undertone of intense melancholy. All because of an innocence lost. I just hope na one of these characters will help Dan to pick up the shattered pieces of his heart and soul. I don't really care if he eventually falls in love with someone or not, pero mas important sa kin na makita ko na he becomes a better person.
ReplyDeletePakiusap lang Migs, OK lang walang lovelife pero wag sanang mamatay si Dan sa dulo nito. OK? =)
- Edmond
thanks sir migs sa pagpost kahit pagod ka na :)) dont worry very much appreciated po ang effort nio :))
ReplyDeleteWow! nakakatuwa at may cameo si jase dito, sino yung partner nya? si rob ba?
ReplyDeleteatlast lumabas din sa lungga si danny boi...
nice chapter migs..
migs..may pag.ibigan ba na magaganap?? sana migs kahit busy ka happy ka pa din..
ReplyDeletegaleng mo idol, he he he, buti naman at may tumulong sa kanya. i know marereach nya ang kanyang goal kahit marami pa syang pagdadaanan dahil sa kanyang sipag, tyaga at talino. GO! GO! dan.
ReplyDelete-Hmm... OK! hindi ko na alam ang sasabihin ko. bsta ang alam ko, ang galing mong magsulat kuya!! :D
ReplyDeletekailan kaya babalik si dan sa lugar nila?? siguro kpag mayaman na sya? eeii... npapaisip tuloy ako. xD
at mukhang mgiging magkaribal si mike at ryan kay dan ahh.. npakamisteryoso nman ksi nung kakambal ni bryan. sa tingin ko, magiging magkaibigan lng sila dan at bryan.
kuya, ok lng po sa amin kung matatagalan ung pagpost mo dun sa CP5 kasi nkafocus kmi ngayon dito sa AAO2. xD
maghihintay nlng po kami. :)
wag po kayong msyadong magpagod. ingat palagi. :)
just continue posting your stories. all of us are waiting.
ReplyDeletestay happy and healthy.
---januard
anu ba yan bryan, ryan mike na ba ito?ok out na si martin straight pa pala sya sa ruler.hehehe.
ReplyDeletemas excitingang next part...tama ka kuya migs mas lalong napadagdag ang thrill nang story mo...tnx...tc
Sir Migs ang masasabi ko lang dito ay BITINNNNNN!!! I want more of Bryan and Ryan. Kinikilig ako sa characters nila ewan ko ba kung bakit.
ReplyDeleteOf course Ryan is Bisexual if not Gay un ang aking sapantaha na sasabihin ni Ryan. And naisip ko na Bryan and Ryan the-twins vs. the forever-assholes-and-bullies Mark and Dave. Yeba! Can't wait na magkaencounter sila at alam kong mabubugbog yang dalawang bullies na yan. :P
Oh diba nga.
Yey!!! For season 2! Awesome start Migz...well ur always great. Kambal huh? RyDan ? Or BryDan?
ReplyDeleteshemay!magkapatid ulit and this time kambal pa!wow!parang Nate and Jase lang..love it Migs..yung karma cge i can still wait :D
ReplyDeletethanks for the update Migs :))
migs, nakaka touch naman.... nag-post ka ng update kahit pagod na pagod ka na!!!
ReplyDeleteaba, may mga bagong characters at maldita ang isa!!!! hahahahahaha
tingin ko beki si ryan! hahahahaha
weew!! cnu yung bf ni jase?.. bat killala nya si aaron?.. anyways kamusta naman yung kambal?.. hehe angkulit ni bryan.. hehehe wala na akong masabi .. so nice talaga!!
ReplyDelete~~waydeeJanYokio
cno ung partner ni jase..?? ung ba ung nakilala ni doc aaron sa bus? saka pede ba ako magrequest ser idol..?? pede may special series kung pano namatay c doc aaron..?? lakas maka-mmk nun.. hehehe
ReplyDeletefeeling q itatagilig ng series na 'to c martin.. lol
Author Migs!
ReplyDeleteHahaha cameo nga ng AOO-1 cool!! naging sila nga nung nasa bus na nakilala ni aaron bago ma dedz, more cameos to go!
Cool twins! and as they say one of them might be not straight! haha :)
so i guess si ryan? coz i feel kay brayn friends/baby brother lng si dan for him, and i guess also bunso siya sa twins? hmmm...
HEP HEP!! Author!!! Dont tell me may papatayin ka dito sa AOO-2-s2??
naku please wag na... sila mark dave nalng, please!!
And thank you sa effort mo magpost ka this week, are you making a promise at least 2 chapters per week? hehe naniniguro lng :D
baka undecided ka pa jan:)
-aR
ayyy! I so love Bryan na, ang light lang ng aura nya! poles apart sila ni ryan or defense mechanism lang ni ryan yun? nagiinarte kumbaga ahaha... season 2,anong hatid mo sa mambabasa? ahahaha
ReplyDeleteShite kuya Migs!!! Alam mo ang galing mo, kainis! Ang galing mo magsulat, nagagawa mo talaga ipa-imagine sa aming mambabasa yung hitsura, kung paano kumilos, at magsalita yung mga character sa kwento mo, at mas napakita mo yun sa character ni Bryan at Ryan. Damn!!!! Kuya migs!! Ang CUTE lang ng character ni Bryan, promise!! Favorite ko sya. Haha!
ReplyDeleteAng kulit lang nung kainin nya lahat ng shawarma.
At sana si RYAN yung makatuluyan ni DAN!!!! Straight naman pala si Martin...Whahahaha! Or kahit sino sa kambal!!!
Kuya migs unexpected 'tong chapter na to. Sobrang ganda.
Naexcite ako lalo. Next na next na please!!!
you bet migs alam mo though nabasa ko na ung mga previous story mo I still find time to read it again and again kaya medyo nakakabisa ko na nga yung plot ng mga story mo. But still I find it enchanting kaya naman I can't help na maddict sa pagbabasa.
ReplyDeleteAnyways this chapter is really unexpected and I'm happy na hindi ngpakamatay si dan. I think Jase and bryan will have a big role sa buhay ni dan. I guess ryan will be nice to dan sobra sobra na ang hirap na naranasan si dan and to think that there is still someone who might hurt dan makes me feel uneasy.
have agreat day migs. enjoy your week and keep on posting.
Santa Caridad, ang santa ng mga beki. Amen! I'm now all the more positive sa magiging takbo ng kwento mo, especially now that Cha is onboard. =)
ReplyDeleteSi Melvin kaya ang fubu ni Ryan? I doubt na si Jase, kasi dapat ma-recognise niya na kakambal ni Bryan (assuming na nakita siya ni Jase noong sinundo si Dan) si Ryan. Seriously, I hope it's not Jase kasi otherwise parang walang saysay ang pagkamatay ni Aaron sa AAO Book 1.
Why do I have this feeling na baka si Bryan pa mismo (or rather ang kadaldalan niya) ang magpahamak kay Dan later on?
Will Mike indeed go to the same school as Dan?
Migs, di na ko sabaw ha. (Anong term naman yang "walang hulog"? Di yan uso sa generation ko, hahahaha!) Anyway, happy holidays to you and my fellow followers of yours.
- Edmond
P.S.: I'm seriously attempting to come up with my own story. I'm no writer myself although I have ideas, pero you're one of the reasons I got inspired para ma-activate ang right side ng brain ko. Thanks Migs! =D
Oops, dapat sa Chapter 14 'to. I blame it on the multi-tab, hahahaha!
Delete