Against All Odds 2[16]
DISCLAIMER: The following is a work of fiction.
Any similarities to any written works and any person, living or dead
are purely coincidental. The story is intended for a mature audience.
It may contain profanity and references to gay sex. If this offends
you, please leave and find something more suitable to read. The
author maintains all rights to the story. Do not copy or use without
written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kunot
noong pinagmasdan ni Dan si Ryan habang naglalakad ito papunta sa
sariling kwarto. Tumatak kasi sa isip niya ang magandang ngiti at
tila musikang paghagikgik ni Ryan pero sa kabila nun ay hindi parin
mapigilan ni Dan ang maguluhan lalo na ng bawiin ni Ryan ang
pinakawalan nitong ngiti na tila ba ang ginawang iyon ay
kaparu-parusa ng kamatayan. Hindi rin napigilan ni Dan ang maisip na
baka lasing nanaman ito pero nang mapagtantong hindi naman ito amoy
alak katulad ng mga nakaraang uwi nito na lasing ay nagkasya na lang
siya sa pag-iisip ng...
“Baka
may topak nanaman.” saad ni Dan sa sarili saka tumuloy sa kusina at
nagsimula ng magluto ng agahan.
Ngunit
habang pinipirito ni Dan ang mga itlog para sa umagang iyon ay hindi
parin tumitigil ang kaniyang isip sa paulit-ulit na pagpapaandar ng
itsura ng magandang ngiti ni Ryan. Dahil sa naalalang magandang ngiti
ni Ryan ay hindi narin napigilan ni Dan ang muling mapangiti habang
nagluluto. Tila ba isang magandang balita ang ngiti na iyon sa alam
niyang magiging mahabang araw niya.
“Good
morning!” bati ni Bryan nang pumasok ito sa may kusina. Sasagot na
sana si Dan ng “good
morning”
din nang marinig niya ang mahinang paghagikgik ni Bryan.
“What
the hell is wrong with me? Meron ba akong dumi sa mukha or
something?” nangingiting tanong ni Dan kay Bryan na muling
ikinahalakhak ng huli.
Muli
ay di maiwasan ni Dan ang paghambingin ang dalawang magkapatid.
Maganda rin ang ngiti ni Bryan at nakakadala din ang tunog ng mga
tawa nito pero para sa kaniya ay mas maganda parin ang ngiti ni Ryan
at parang musika parin ang pagtawa at paghagikgik nito.
“Your
hair. Para ka lang kinuryente.” sagot ni Bryan sabay turo sa buhok
ni Dan at muling humalakhak.
“So
ito yung pinagtatawanan ni Ryan?” tanong ni Dan sa sarili na
napalakas lang kaya naman hindi ito nakaligtas kay Bryan.
“Maagang
nagising si Ry?” tanong ni Bryan sa pagitan ng kaniyang mga
hagikgik.
“More
like, maaga siyang nagising sa ibang kama at umaga na umuwi dito.”
wala sa sariling sagot ni Dan habang hinahango mula sa kalan ang
kaniyang mga niluluto.
“What?”
tanong ni Bryan kay Dan. Hindi nakaligtas ang biglaang pagseryoso ng
tono ni Bryan nang magsalita ito kaya naman agad na humarap si Dan sa
huli.
“I
said, he just got home. Nagkasalubong kami at siguro nung makita niya
yung buhok ko, katulad mo, napatawa din siya.” ngunit imbis na
mamangha sa pag-ngiti ng kaniyang kapatid kay Dan na siyang hindi
nito kasundo ay lalo pang sumeryoso ang mukha ni Bryan.
“Excuse
me. I'll just talk to my brother for a while.” seryoso muling saad
ni Bryan saka mabilis na tumayo mula sa kaniyang upuan at mabibigat
ang paang tinungo ang kwarto ni Ryan at nang mapatapat na sa pinto ng
kwarto nito ay tila kulog naman ang pagkatok ng malaking kamay ni
Bryan.
“What
the hell---?!” tila nabulabog sa isang importanteng meeting si Ryan
dahil sa tono ng galit sa boses nito nang sagutin niya ang pinto sa
kaniyang kwarto.
“Where
the fuck have you been?!” sigaw pabalik ni Bryan na nagdulot kay
Dan na lumabas sa kusina at tignan ang nangyayari sa dalawa.
Nagulat
na lang si Dan nang batuhin siya ng isang masamang tingin ni Ryan.
Malayong-malayo sa maamong itsura nito nang makasalubong niya ito
kanikanina lang.
“Di
ka lang nakakainis at mahirap pa sa daga kung makaparasite dito
samin. Sumbungero ka din pala?!” singhal ni Ryan na ikinakunot ng
noo ni Dan.
“Anong
ginawa ko?” nagaalalang
tanong ni Dan sa sarili at muling pinaandar sa kaniyang utak ang mga
nangyari bago pa man nagalit si Bryan at sugurin ang kapatid nito sa
kwarto.
0000oo0000
Masaya
man at panatag man ang kaniyang loob kay Bryan ay hindi parin
maiaalis ni Dan sa kaniyang sarili na ilayo ang loob sa iba. Wala ni
isa sa kaniyang mga kaklase ang kinausap niya ng mahigit pa sa
sampung minuto. Alam niyang may malaki siyang problema sa pagtitiwala
sa ibang tao matapos ang mangyari noong kaniyang kaarawan may ilang
buwan na ang nakakaraan. Pakiramdam niya kasi sa tuwing may lalapit
sa kaniya ay may iba pang interes ang mga ito sa kaniya.
Tahimik
na nagbabasa si Dan sa likod ng isa sa mga malalaking book shelves sa
isang silid aklatan na kaniyang madalas puntahan kapag wala siyang
trabaho, pilit hindi pinapansin ang pakiramdam niya na tila ba may
nanonood sa kaniya. Saglit siyang nagtaas ng tingin at nahuli ang
isang grupo ng mga babae na nakatingin sa kaniya at tila ba may
pinagbubulung-bulungan.
Kung
ano-ano na ang sumagi sa isip ni Dan. Andyan na ang isiping may balak
ang mga ito sa kaniyang masama kaya't naguusap-usap ang mga ito,
andyan din ang isipin niya na alam nito ang nangyari sa kaniyang
nakaraang kaarawan, ang pagtratraydor sa kaniya ng kaniyang mga
kaibigan, ang kaniyang katangahan, ang isipin na alam ng mga ito ang
pagtalikod dahil sa sobrang pagka-dismaya sa kaniya ng kaniyang ina.
Minsan
ay nagtatagumpay siya sa hindi pagpansin sa mga tingin na iyon,
minsan hindi at isa ang sandaling ito kung saan naramdaman pa ni Dan
ang isa pang grupo ng mga lalaki na nakatingin din sa kaniya at
naguusap-usap. Asa aktong sasarhan na sana ni Dan ang kaniyang
librong binabasa ng maalala niya na kailangan niyang basahin ang
isang buong chapter nito kung hindi ay wala siyang maisasagot sa oras
na muling magbukas ang klase para sa second sem dahil wala siyang
sariling libro at wala rin siyang extrang pera para magpa photocopy
kaya't magtitiis na lang siya sa mga tingin na iyon habang
nagno-notes at nagbabasa.
Asa
ganitong pag-iisip si Dan nang biglang dumilim ang pahinang kaniyang
binabasa dahil sa anino ng lalaki na sumulpot sa kaniyang unahan na
siyang humarang sa ilaw.
“Hi!
You're Daniel, right?” tanong ng lalaki na sumulpot sa kaniyang
unahan galing sa grupo ng lalaki sa di kalayuan na siyang
nagkukuwentuhan sa gilid. Nakangiti ito, hindi naman masasabing
pangit ito, pero may isang bagay na nakita si Dan sa mukha nito na
talaga naman ikinatakot niya.
Ang
ngiti ng mga katulad ni Mike, Mark at Dave.
Nagsimula
ng mag-tense ang buong katawan ni Dan, nagsisimula ng
magpapalit-palit papunta sa kaliwa at kanan ang kaniyang mga tingin,
naghahanap ng daan na kaniyang takasan sa oras na hindi maging
maganda ang kalabasan ng paguusap na iyon nagsisimula ng manginig ang
kaniyang mga daliri, nagsisimula ng mamawis ang kaniyang mga palad at
nagsisimula na siyang pagpawisan ng malamig.
“Leave
my boyfriend alone.” saad ng isang lalaki na biglang sumulpot sa
likuran ng lalaking nagdudulot kay Dan ng takot.
Nakaramdam
ng isang malaking braso si Dan sa kaniyang balikat at ini-akbay ito.
Imbis na isiksik ang sarili sa sulok katulad ng mga pagkakataong
inaatake siya ng takot sa oras na may humawak sa kaniya ay mas
nakaramdam pa siya ng pagiging ligtas habang asa kaniyang balikat ang
malalaking braso na iyon. Nagtaas ng tingin si Dan upang tignan kung
sino man ang umakbay sa kaniya na iyon. Hindi nagtagal at hindi na
napigilan ang mangunot ang noo.
0000oo0000
Isa
sa pinka-ayaw ni Ryan ay ang pumasok ng maaga saka papauwiin din agad
dahil sa nakalimutan lamang ng kanilang propesor na magpa-abiso na
hindi sila makakapasok at makakapagturo katulad ng inaasahan sa klase
ng mga irregular katulad niya. Kunot noo sa galit at padabog na
naglakad papunta sa library sa labas ng kanilang unibersidad si Ryan,
iniisip na duon na lang niya uubusin ang kaniyang oras sa pagbabasa
ng mga libro.
Inisa-isa
niya ang mga book shelves, naghahanap ng mga magandang mababasa sa
seksyon kung saan tampok ang mga librong para sa mga pre-law students
nang makita niya hindi kalayuan si Dan, nagbabasa ng isa sa mga libro
sa pre-medicine section ng silid aklatan na iyon.
Hindi
niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng inis lalo pa't naalala
niya ang nangyari noong nakaraang araw matapos sabihin ni Dan sa
kaniyang kapatid na kararating lang niya sa kanilang apartment noong
umagang iyon at hindi doon natulog.
“What
the hell---?!”
“Where
the fuck have you been?!”
“Di
ka lang nakakainis at mahirap pa sa daga kung makaparasite dito
samin. Sumbungero ka din pala?!” di napigilang singhal sabay bato
ng masamang tingin ni Ryan kay Dan na miya mo naguguluhan sa mga
nangyayari.
“Leave
him alone!” singhal pabalik ng kaniyang kakambal sa kaniya, sabay
bagsak ng pinto sa likod nito.
“Why
the fuck do you have to know?!” singhal pabalik ni Ryan na
ikinasagad ng pasensya ni Bryan.
“Because.
I. Don't. Want. to. Fucking. See. You. Destroy. Yourself. Again.”
bawat salitang bigay diin ni Bryan kay Ryan habang tinutusok ang
dibdib nito gamit ang hintuturo. Saglit na natunaw ang pagkairita ni
Ryan matapos itong marinig mula sa kakambal pero mas nanaig iyon ng
inis kay Dan dahil sa pangingielam nito.
Pero
ang inis na iyon ay agad nawala nang makita niya ang tila ba
natatakot na itsura ni Dan. Noong una niya pa lang na nakita si Dan
ay alam na ni Ryan na may kakaiba dito. Masayahing tao man ang
ipinapakita nito sa kaniyang kapatid maski nung una pa lang nitong
kakikilala kay Bryan ay huling huli naman niya ang pagiging malungkot
nito lalo na kapag nasa skwelahan sapagkat halos pareho sila ng
schedule nito samantalang si Bryan ay taliwas ang oras ng pasok sa
kanila.
Napansin
din ni Ryan na hindi naman suplado si Dan kundi natatakot ito. Sa
hindi niya maintindihan na rason ay natatakot siya sa mga taong
mukhang nakakakilala naman sa kaniya, katulad na lang ng pagkakataon
na iyon kung saan may isang grupo ng babae na mukhang mga kaklase
niya na patuloy lang sa pagpapapansin sa kaniya sa halip na mag-aral
ng kanilang aralin o ang grupo ng mga lalaki na mukhang nagpapapansin
din sa kaniyang kasama sa bahay na miya mo gusto ring
makipagmabutihan dito.
Hindi
na nagtataka pa si Ryan kung magiging patok si Dan sa kaniyang mga
kaklase. Gwapo ito, matalino at mabait. May kapayatan man ito o slim
na tinatawag ay maganda naman ang katawan nito dahil banat din ito sa
trabaho, may maamong mukha at tila isang anghel kung ngumiti. Hindi
lang ito matalino patungkol sa mga itinuturo sa skwelahan o sa silid
aklatan, matalino din ito sa bagay bagay sa buhay o yung tinatawag na
madiskarte o street smart kung baga at huli sa lahat ay mabait dahil
kahit ilang beses man niyang singhalan ito sa kanilang bahay ay hindi
parin ito umaalma sa kaniya ni isang beses.
Hindi nagtagal ay marahil hindi na nakapagpigil pa ang isa sa mga asa
grupo ng lalaki at lumapit na ito kay Dan. Alam niya ang sexual
preference ni Dan matapos niya itong sabihin sa kanila ng kaniyang
kambal noong una silang nagkakilala nito sa apartment at alam niyang
kaya ito nilapitan ng lalaking iyon dahil nagwagwapuhan din ito kay
Dan at kung si Ryan ang tatanungin ay hindi naman lugi si Dan kung
sakaling papatulan nito ang lalaki lalo pa't may itsura din ang huli.
Pero
nang makita niya ang hindi pagkapalagay ng loob ni Dan habang
nakikipagusap sa lalaking lumapit sa dito lalong lalo na ang pagpikit
ng mga mata nito at ang tila ba nagisismulang panginginig ng katawan
nito nang abutin ng lalaking iyon ang braso ni Dan at pisilin ito. Sa
pakiwari ni Ryan ay wala namang masama sa ginagawa ng lalaking iyon
lalo pa kung nagpapakita lamang naman ito ng simpleng interes kay Dan
pero hindi na niya napigilan ang sarili na lumapit sa dalawang ito
lalo pa't napapansin niyang tila ba lalong hindi nagiging palagay si
Dan.
“Leave
my boyfriend alone.” tawag pansin ni Ryan.
0000oo0000
“Leave
my boyfriend alone.”
Noong
una ay akala ni Dan ay si Bryan ang umakbay sa kaniya at
nagpapakilalang boyfreind niya pero nang makita niya ang magandang
ngiti na siyang tangi niyang gusto sa pagkatao ni Ryan. Kung nung una
na akala niya na si Bryan ang naka-akbay sa kaniya ay todo na ang
kaniyang pagtataka, ngayong nakilala niya na si Ryan pala ang kambal
na iyon ay hindi lang nagtataka si Dan, natatakot siya dahil hindi
niya alam kung meron bang natatagong intensyon si Ryan katulad nila
Mark at Dave noon.
“S-sorry,
dude. I just want to talk to Dan---” simula nung lalaki.
“Get
lost.” singhal ni Ryan na siya namang agad na sinunod nito.
Nang
makalayo na ang lalaki ay agad na umiwas si Dan sa malaking braso ni
Ryan at mabilis na naglakad papunta sa kabilang labasan ng silid
aralan na iyon. Hindi alam ni Ryan kung bakit pero wala sa sarili
niyang sinundan si Dan.
“Thank
you ha!” sarkastikong balik ni Ryan na agad na nagtulak kay Dan na
harapin siya muli.
“I
think I saved your ass back there---” simula ni Ryan pero nang
makita niyang tila ba hindi naiintindihan ni Dan ang kaniyang
sinasabi ay mas nilawigan niya pa ang kaniyang ipinapahiwatig.
“You're obviously not comfortable talking to that guy---so yeah, a
thank you would be just fine.”
sarkastiko paring pahabol ni Ryan na ikinasaid ng pasensya ni Dan.
“Look!
I don't know what your intentions are but whatever it is I just want
you to know that my ass doesn't need saving---” singhal pabalik ni
Dan, natatakot parin sa hindi alam na intensyon ni Ryan.
“You
could've fooled me---” putol ni Ryan sa sinasabi ni Dan pero nang
makita niya ang mangiyak-ngiyak na si Dan na tila ba nagmamakaawa na
ayaw na niyang makipag-usap pa kahit kanino ay binabaan na lang niya
ang kaniyang pride at tinapos na ang pagtatalo na iyon.
“You
know what, forget it.” umiiling na saad ni Ryan saka tumalikod mula
kay Dan at naglakad na palayo, ni lumingon ay hindi magawa dahil sa
sobrang inis.
0000oo0000
“What's
wrong with you?” taas kilay na tanong ni Bryan kay Dan habang
kumakain ng ginayat na singkamas at habang pinapanood sa pagtitig ng
huli sa kawaling pinaglulutuan nito ng lumpiang shanghai.
“Wha-?
Oh, nothing.” wala sa sariling sagot ni Dan.
“Nothing?
I've been rambling about my gorgeous date last night for the past
fifteen minutes or so while you blankly stare at that frying fan para
gamitin sa pagpipirito ng mga shanghai na ginawa mo ang by the way
those shanghai's ain't gonna cook by themselves you know---”
naputol ang marami pa sanang sasabihin ni Bryan nang biglang humarap
sa kaniya si Dan.
“Your
brother saved me from some asshole in the library by introducing
himself as my boyfriend.” wala sa sariling bulalas ni Dan na tila
ba humihingi ng tulong kay Bryan kung ano ba ang dapat niyang isipin
at maramdaman. Kung ang ginawa bang ito ni Ryan ay may iba pang hindi
magandang ibig sabihin o ito ba'y kasama sa mga magagandang ugali na
pilit hindi ipinapakita sa kaniya ni Ryan.
“Oh---”
simula ni Bryan, nagulat din sa sinabing ito ni Dan pero naguguluhan
din ito dahil hindi niya makita kung ano ang mali sa ginawang iyon ng
kaniyang kambal.
“I
mean--- may iba pa bang ibig sabihin yun, may hindi ba magandang
pinaplano si Ryan sakin? Kasabwat niya ba yung mga lumapit sakin
kanina sa library? Pagtritripan ba nila ako?” sunod sunod at takot
na takot na tanong ni Dan.
Hindi
maikakaila ni Bryan na kanina pa ito gumugulo kay Dan at hindi niya
mapigilang maawa sa kaibigan. Tumatak na talaga dito ang ginawang
pambababoy at pantratraydor ng mga kaibigan nito sa kaniya at hindi
masisisi ni Bryan ang kaibigan sa nangyayaring ito pero ang higit na
ikinalulungkot niya ngayon ay ang katotohanang hindi na maibabalik
ang pagtitiwala ni Dan sa kahit anong pagkakataon kahit gano pa
kalinis ng intensyon ng taong nais tumulong o makipagkaibigan dito.
Hindi
napigilan ni Bryan ang sarili na lumapit dito at yakapin ito ng
mahigpit.
“Di
ko naiintindihan ang pakiramdam na pinagkaisahan at trinaydor ng
kaibigan at hindi ko alam kung pano ka magtitiwala ulit pero sana
maniwala ka sakin kapag sinabi ko na hinding-hindi gagawin ni Ryan
ang ginawa sayo ng mga hayop na yun, na ang intensyon ni Ryan ay ang
tulungan ka sa mga taong pwedeng manakit sayo kahit gaano pa siya
kagago makitungo sayo dito sa bahay.” mahabang sagot ni Bryan
habang nakayakap parin ito ng mahigpit kay Dan.
“P-pero---”
simula ni Dan pero agad din siyang pinutol ni Bryan sa pagsasalita.
“Trust
me on this one.” pakiusap ni Bryan kay Dan. Saglit na natigilan si
Dan at hindi kaila kay Bryan na pinagiisipan nito kung dapat ba siya
nitong pagkatiwalaan at alam ni Bryan na hindi ito madali para kay
Dan matapos lahat ng nangyari dito pero iniisip niya na dapat na niya
sigurong sanayin at turuan muli ang kaniyang kaibigan kung paano
muling magtiwala kahit pakonti- konti at sisimulan niya ito sa
pamamagitan ng madalas na pagtanong dito kung pinagkakatiwalaan ba
siya nito at ang kaniyang kapatid.
“Y-yes.”
mahinang saad ni Dan na muling nagbalik ng ngiti sa mukha ni Bryan.
Ngayong alam niyang magiging maayos at panatag na muli ang loob ni
Dan ay marahan na siyang kumalas mula sa pagkakayakap dito at
magsisimula na sanang maglakad palayo nang tanungin siya nito.
“Were
are you going?”
“Gonna
ask the gorgeous girl I was talking about earlier on a date tonight
since those shanghai still won't cook by itself.” nakangising sagot
ni Bryan sabay talikod kay Dan upang wala na itong magawa pa sa
kaniyang gagawin.
“OK.”
matipid paring sagot ni Dan saka pinilit ang sarili na ngumiti.
“Oh
and to leave you and Ryan some alooooneeee
time
since he said that you guys are boyfriends
now!”
nangiinis na saad ni Bryan sabay sara ng front door sa kaniyang
likuran. Hindi naman mapigilan ni Dan ang mapangiti at mapailing sa
biro na ito ni Bryan.
“Tulad
ng sinabi mo ginawa lang ni Ryan yun para hindi ako malapitan nung
lalaki kanina!” sigaw pabalik ni Dan habang umiiling parin. “And
besides, you're brother is straight like you!” pahabol na sigaw ni
Dan sabay tawa at iling, iniisip na sa puntong iyon ay malamang
nakalayo na si Bryan at hindi na nito naririnig ang kaniyang isinigaw
kaya naman nagulat siya at halos mapatalon nang muling bumukas ang
front door.
“Nobody
said about Ryan being straight!” sigaw ni Bryan sabay sagalpak ulit
ng front door bago pa man maisip ni Dan ang sinabi nito at sumagot
pero bago pa man siya makaisip ng isisigaw pabalik kay Bryan ay
muling bumukas ang pinto. Iniisip na naglalaro lang si Bryan at wala
talaga itong date ay ipinagpatuloy na niya ang kanilang naudlot na
asaran.
“Back
already?! What? The girl couldn't stand your ugly face?!” pangaasar
na saad ni Dan kahit pa iniisip niya ang mga huling salitang
binitiwan ni Bryan.
“Who
are you calling ugly?!” ang malamig na singhal na bumalik kay Dan
na nagtulak sa kaniya na harapin ang front door mula sa kaniyang
nilulutong shanghai at doon nakita niya ang kakambal ng kaniyang
kahuntahang si Bryan, nasabi niyang si Ryan ito dahil maliban sa iba
ang damit nito ay seryoso din ang mukha nito na tila ba pasan nito
lahat ng incident report sa kanilang skwelahan.
“B-bryan.”
matipid na sagot ni Dan na lalong ikinasama ng mukha ni Ryan.
“You
do realize that we're identical, right?” singhal muli ni Ryan
tinititigan ang mga mata ni Dan na miya mo may gustong malaman mula
sa mga ito.
Itutuloy...
Against All Odds 2[16]
by:
Migs
Merry Christmas everyone! Sorry, nanaman dahil sa late post! I am soooooooo not feeling well but business as usual! Heres the 16th chapter! :-) Malapit ng matapos ang second season at malapit na tryo sa ending pero madami dami pa ang mangyayari. Promise. Wala pa tayo sa kalingkingan! :-P
ReplyDeleteENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
ichigo: thanks! AAO is always full of cameos. Parang update narin kasi 'to sa mga iba pang characters na ginawan ko ng story.
Frostking: nope, I'm not OK. I'm not feeling well. :( but I promise I'll still post and write stories.
Ryge Stan: two more chapters at malalaman mo na kung sino ang FUBU ni Ryan. :-)
Anonymous December 21, 2012 9:31AM: Wala pong specific dates ang posting ko eh. Kung kailan lang po ako free usually nagpopost. :) Iwan ka sa next time na magcomment ka ng name mo ha? Para mapasalamatan kita.
Roan: malapit niyo ng malaman. :-)
aR: thanks sa napakahabang comment! :-) Looking forward sa next comment mo!
Joshua: kapag sinagot ko yang mga tanong mo wala ng magbabasa ng stories ko haha! :-)
waydeejanyokio: haha! Intayin mo na lang ang kalalabasan ng story na 'to. :-)
Therese Llama: You're welcome.
Riley delima: unfortunately hindi nasagot sa chapter na ito ang tanong mo sa last chapter. :-)
russ: bully siya. Yan ang hint ko sayo.
Robert mendoza: nababalanse talaga? Hahaha! Feeling ko nga kulang pa eh.
Johnny Quest: hindi masasabi dito sa story na 'to kung makakapagasawa si Cha. :)
rascal: nginitian lang nafa-fall agad? Diba pwedeng natuwa lang sa itsura ni Dan? Hahahaha!
Makki: I have no Christmas break. :-(
foxriver: I don't need those adjectives, fox. All I need is your support, kahit walang kwentang comment pa yan basta alam kong nagbabasa ka at nagco-comment OK na sakin. :-) Condolenses to your tita's family nga pala.
Adik_ngarag: isa ka pa, napangiti lang si Ryan, in love agad? Di ba pwedeng na-cute-an muna kay Dan?
Moon Sung-Min: gusto mo ba yung mga kengkoy na guys? Then you should read Love at It's best Book 4. Kengkoy ang characters ko dun. :-)
marlon lopez: at talagang nag justify ka ha! :-)
ANDY: haha! Inspired by my true to life KIKO (of LAIB book4) :-)
Lawfer: nope, not a protagonist. SPOILER ALERT!!!
Pink 5ive:You're welcome!
Edmond: Sa season 3 pa si Martin eh at sa mga iba mo pang questions. Intay-intay lang. Isa-isa din yang masasagot.
Jiru: I hope you followed my blog already and that you will be a regular commenter here. :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
This is my first time na mag comment :)
ReplyDeleteTawagin monalang akong "Akhii" :))
Im 15 and I Love your stories sinubaybayan ko yung mga stories simula sa Umpisa hanggang dto pero ngayon lang ako nag comment Di naman siguro malalaman ng family ko na nag comment ako dba? And BTW Hindi nila alam na gay ako :| Sorry sa pagiging madaldal :))
- Cant wait kung sino talaga yung makakatuluyan na dan :)
You should try to take some rest, i knw mahirap yung trabaho mo. Wag mong pabayaan ang sarili mo ok?
ReplyDeleteAt nga pala. I think may hint na tlga ako kung sino ang FUBU ni ryan. And its not mike ryt?
DeleteHey Migs, I thought after New Year ka na makakapag-post. Great to see this one. You get well. =D
ReplyDeleteSo wait, AAO2 is gonna have a Season 3?! If it's indeed the case, wow! Super dami pa talagang mangyari sa kwentong 'to eh.
Anyway, lumalabas na ang "sweet" side ni Ryan kahit na bad boy pa rin facade niya kay Dan.
- Edmond
Author Migs!
ReplyDeleteHaha! sorry kung mahaba comments minsan,XD
Hmmm..wala masyado nangyari ngayon araw nato school nila.
Si ryan like niya nga si Dan but my something na half irritating kay Dan and Half na gusto niya.
Confirmed na mas gusto ni Dan si Ryan than Bryan!
Sino si Mystery fubu?! please wag si mike like Frostking commented = awkward kasi for my part lang ha :)
Weew! babalik si martin sa Season3! haha..baka nga si martin yung Mystery fubu hahaha kasi disreet siya kaya ganun! tama ba? -v- hehe
next chapter! back to back ulit! haha
-aR
lol u’re playing lady fate migoy? xD natawa aq dun lolz mga pagkakataong d maintndhan na mia mo naglalaro ang tadhana haha nice chapter migoy, a very bright chapter :))
ReplyDeleteI'm baaaaaaaaaaaaack (w/ a new phone!) missed posting comments here, Sir! And, BY THE WAY, thanks for replying to my email :D
ReplyDelete-gavi :)
OMG. May Season 3 ito? *himatay* love it!!! :DD
ReplyDeleteSabi ko na ih. Dan and Ryan together! Shemay! Kiliggggg ako kaagad. Basta tungkol kay Ryan sobrang kinikilig ako Migs. Hayy naku. More of Ryan and Dan pwetty pwease? :D
Thanks po sa update.
Belated Merry Christmas Migs. :)
haha..mukhang madedevelop pa si dan ky ryan.asan na kasi si mike...luging lugi na siya sa pogi points
ReplyDeleteSige Migs hihintayin ko na lang sa mga susunod na chapters kung masasagot ang tanong ko :))
ReplyDeleteBasta mas bet ko si Ryan for Dan..kung eeksena si Mike mas ok hihi..
Merry Christmas and Happy New year Migs..salamat sa update..and get well soon. :))
~so related pala about med. Ung course ni dany nursing student ba sya? O doctor?. Anyways kagabi ko pa to nabasa patulog na ko nun ng nagvisit uli ako sa blog mo tas my update:) kaso ngaun lang ng coment. Pahinga kanaman kuya migs daig mu pa my sangdosenang anak kung makakayod. Hehe
ReplyDelete~waydeeJanYokio
Joshua: Kuya Migs sino ba ang mas gwapo si Ryan or Mike? hehehe XD
ReplyDeleteJoshua Again
ReplyDeleteNice story kuya, sana hindi ka magsawa gumawa ng kwento. BTW ini-endorse ko rin pala blog sa page na ginawa ko sa FB kasi alam kong marami ding nag-aabang ng gawa mo :D
i've already read all of your story except DS2.i dunno why,pero ayoko lang syang basahin sa hindi ko malamang kadahilanan.ahaha.
ReplyDeletewell talking about kengkoy, nagustuhan ko lang yung karakter ni bryan dito na parang walang hang-ups sa buhay. saka ginawa mo na syang straight ehh..ahaha
and pahabol,, when is when ang upadate ng CP5???
belated Merry Christmas Kuya Migs:))
ano ba yan..wala kaong ma icomento........for dan........dont find love ,let love find you ,thats why its called falling in love ,because you dont force your self to fall ..you just fall....
ReplyDeletehala ka! sana magkausap na sila ng mauz at maging matiwasay ang pag iisip ni DAN.
ReplyDeletewow really migs? That I will wait for kung cinu ang misteryosong FUBU ni Ryan hehehe.
ReplyDeleteThis chapter is exciting and very interesting but a little disappointed coz I thought it would be again a back to back chapter but its ok nmn sabi mo naman your not feeling well this past few days kaya I understand.
Thanks sa update migs have a great day and keep on writing. Have a happy new year my friend...
migs..happy new year..tnx for updating..bully? dami na ah..wawa dan.
ReplyDeleteay, nagugustuhan ko ang scenes nila ryan at dan ha! kinikilig ako! nice one migs!!!
ReplyDeleteI was hoping its a back to back, but still good chapter, intrigued who's Ryan's lover. You have my support Migs, always.
ReplyDeletesana si ryan na lang mahalin at makatuluyan ni dan. Galing kuya migs!
ReplyDeleteBest supporting actor talaga si Bryan sa story na to. Haha!
Merry christmas and happy new year kuya migs.
Gud evening Sir Migs ..
ReplyDeleteGusto ko lang sabihin na ikaw yung unang tao na nag paiyak sakin dahil lang sa isang story, yung story mong "Against All Odds (book 1)" ang una kong nabasang bisexual story sa talang buhay ko. Lahat ng feelings na puwedeng madama ng isang tao ay naramdaman ko sa story mong iyon at dahil sa story mong iyon ehh maluwag na natanggap ng family ko yung totoong sexual preference ko ...
This occurred last April,
Nag babasa kasi ako ng story mo sa isang facebook page na nag po-post ng mga katulad ng genre ng mga stories mo, nahanap ko lang ito accidentally at first time kong makabasa ng story na tungkol sa mga taong kabilang sa LGBT society ...
Madaling araw yun, umiiyak ako kasi namatay na si Nate dun sa AAO, na pasobra ata yung hagulgol ko kaya nagising ate ko at tita ko na nasa kabilang kwarto lang,
Hindi ko alam na binabasa na pala nila yung story habang nasa likod ko na sila, tapos maya-maya binatukan ako ng ate ko (yung pabiro siyempre xD)
"HOY! Makaiyak ka dyan wagas parang kwento lang iniiyakan mo pa, tapos mga bakla pa yung characters!" sabi ng ate ko..
tapos sumingit tita ko
"Matulog ka na nga anong oras na kaya dumadami tagyawat mo ehh, puro kabaklaan alam mo !" (yung pabirong way ng pag sasabi)
Tapos wala sa oras pinatay ko na yung PC ko..
Kinabukasan wala namang espesiyal na naganap maliban nalang noong nag madaling araw..
Nagising ako kasi may naririnig akong umiiyak, siyempre bilang matatakutin tumayo ako tapos lumabas ng kwarto, narinig kong galing sa kwarto ng ate ko nanggagaling yung iyak ..
Pag ka bukas ko ng pinto nakita ko yung ate ko saka yung tita ko na umiiyak habang binabasa yung story mo.. tawa ako ng tawa somehow nakaramdam ako ng tuwa kasi nung nang-yari yung incident na yun naging mas close kami ng ate't tita ko..
Sabay na kaming nag babasa ng stories habang umiiyak, at dahil din sa stories mo natanggap nila ako as a "BISEXUAL or GAY", at nasabi nilang
"Atleast may katuturan yang mga pinag babasa mo hindi yung puro walang kwentang labasan ng libog na stories ang hilig mo"
pero ng matapos yung story mong AAO sa fb page na iyon ehh hindi ko na alam kung papaano ko hahanapin yung site mo kasi wala linagay na website maliban sa pangalan mo ..
ilang buwan kong hinanap pero unfortunately hindi ko nagawa, then yung ate ko sabi nya nakita na daw nya yung website mo which is "http://miguelsshortbisexualstories.blogspot.com"
ngayong december ko palang na umpisahan na mag basa ulit ng mga stories mo't umaasa na magagawa mo paring paiyakin kami ng ate ko atnd ng tita ko sa mga likha mong maaaring mang yari sa mga katulad nating mga bisexuals ...
full of love and respect ..
-- A D A N
11:04 PM
12/30/2012
Ang cute ng story ni Kuya :>
DeleteKaya nga ! may tama ka jan !
Delete--
A D A N
9:29 PM
1/11/2013
kuya bakit po ayaw mag load ng table of contents ng blog mo? - joshua :D
ReplyDeleteNa. I know I'm too late. But I caught you Migs! HAHA Same course or field sina Mikee and Ryan. So no wonder na si Mikee nga ang FUBU ni Ryan. Anyway, yung may napansin si Mikee kay Ryan.. it gave me another curious thought. I don't want to say anything na. I'll just read and keep my mouth shut na lang :D
ReplyDelete^^ Mwah! :)