The Things That Dreams Are Made Of “finale”

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi magawang makapag react ni Igi matapos sabihin ni Roan ang lahat lahat sa kaniya at kasabay noon ay hindi rin siya makapaniwala na naging makitid at sarado ang kaniyang utak kaya't hindi niya napansin na sinsero pala si Josh sa halik na kanilang pinagsaluhan, na sinsero pala ito sa kaniyang nararamdaman. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawa sa kaniya ni Roan, akala niya ay sinsero ang pagiging concern nito sa kaniya, na tinutulungan siya nito bilang isang kaibigan at hindi bilang isang instrumento para sa pansariling rason.

Why, Roan?” pabulong pero hindi maitatanggi ni Roan ang sakit sa tanong na ito ni Igi.


Saglit na natigilan si Roan, nag-isip ng isang magandang dahilan upang kahit papano naman ay maintindihan ni Igi kung bakit niya ginawa ang mga bagay na iyon pero wala siyang ibang maisip na magandang dahilan kaya naman naibulalas na lang niya ang katotohanan sa pamamagitan ng mga salitang...


I thought I was in-love---”

000ooo000


He's not here?” tanong ni Cha sa kaniyang pamangkin nang makabalik siya sa sariling condo.

Nope.”

Maybe he's just out with friends?” tanong ulit ni Cha habang pinapanood ang pamangkin na inaayos ang sariling duffle bag.


Kung talagang gusto niyang maayos ito dapat hindi siya umalis, Auntie. Kung may nararamdaman talaga siya tulad ng sinabi mo dapat andito lang siya at nagso-sorry---” simula ni Josh habang umiiling iling.


Eh bakit ka aalis? Bakit ka nageempake ulit? Kung gusto mo ring maayos ito at kung talagang may nararamdaman ka para sa kaniya edi intayin mo siya at kausapin siya pagbalik niya---” simula rin ni Cha pero agad siyang pinutol ng pamangkin.


Don't you see it?! He doesn't love me! Ni hindi niya nga maibalik yung kiss na binigay ko sa kaniya eh! If I stay here mas lalo lang akong magmumukhang kawawa at tanga kapag ipinagtulakan niya pa ako ulit!” singhal ni Josh na ikinainit ng ulo ni Cha.


UPO!” singhal ni Cha na ikinagulat at ikinataka ni Josh.


What?”


SIT DOWN! Ay! Ayaw pa ng upo? Gusto pa ini-english?!” sarkastikong balik ni Cha na nakapagpaupo naman kay Josh sa kadahilanang nakita narin ni Josh ang apoy sa mga mata ng tiyahin.


Nagbuntong hininga si Cha at pilit na pinakalma ang sarili bago umupo sa tabi ni Josh.


B-but it hurts.” parang batang nauutal na sabi ni Josh na tuluyang lumusaw sa pagkairita ni Cha.


Ganito lang yan eh---” simula ni Cha habang pinipigilan ang sarili na mapangiti nang maalala na ilang taon lang ang nakakalipas ay ginawa niya rin ito kay Ram at ilang taon pa ay ginawa niya naman ito kay Migs. “Alam mo yung tipong gutom na gutom ka na? Yung tipong basta ka na lang sumubo at hindi mo alam na mainit pala yung kanin na isinubo mo kaya napaso ka? Pero diba, kahit napaso ka hindi mo parin mapipigilang sumubo ulit dahil gutom na gutom ka. Kahit nagmamanhid pa yung dila at labi mo dahil napaso mapapakain ka parin dahil sa gutom, ganyan din sa love, Josh. Pinaso ka man ni Igi dahil sa hindi pagkakaintindihan---” bigay diin ni Cha. “---na ito hindi mo parin mapipigilan ang sarili mo na hanap-hanapin siya kasi siya yung tinitibok niyan.” pagtatapos ni Cha sabay turo sa puso ni Josh.


Saglit na binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nakikita ni Cha kung paano umikot ang turnilyo sa utak ni Josh kaya't hindi niya muling mapigilang mapangiti. Iniisip na muli siyang nagtagumpay sa kaniyang hangad na gawin.


I-I can't do this anymore. I don't need to be rejected twice, auntie.” saad ni Josh sabay tayo at labas ng kwarto tangan tangan ang kaniyang bag na nakapagpanganga kay Cha. Hindi niya kasi inaasahan na kabaligtaran ng kaniyang iniisip ang mangyayari.


Shit! I'm loosing my magic!” umiiling na saad ni Cha sa sarili sabay abot ng kaniyang purse, hinalungkat ito hanggat nakuwa na niya ang kaniyang lipstick, binuksan ang pocket size mirror at nag re-apply ng lipstick.


000ooo000


I'm sorry.” saad ni Igi sabay yakap kay Roan na ikinagulat ng huli pero hinayaan lang ni Roan na yakapin siya ni Igi at wala na lang siyang nagawa kundi ang ibalik ang yakap na iyon.


I'm the one who should be sorry, Igi.” naiiyak na saad ni Roan. Saglit na inilayo ni Igi ang kaniyang sarili kay Roan upang matignan niya ito ng daretso sa mga mata.


No. I knew you like Neph and I knew you we're hurting whenever you see him with somebody else---” simula ni Igi, nakita niyang puputulin ni Roan ang kaniyang sasabihin ngunit hindi niya ito hinayaan. Hindi naman makapaniwala si Roan kung bakit nagiging tungkol sa kaniya at kay Neph ang usapan at sinubukan niyang putulin ang sinasabi ni Igi pero tuloy tuloy lang ito sa pagsasalita. “You don't have to deny it, Roan. I see it every single day lalong lalo na nung bago mo pa makilala si Lance. But I didn't do anything about it, naging selfish ako at binato ko ng binato sayo ang problems ko with Josh, simply because you're good at it so naiintindihan ko ang mga nagawa mo kasi pareho lang tayo. We're desperate for the person we like.” nakangiting pagtatapos ni Igi na talaga namang nakapagpaiyak na kay Roan. Hindi kasi siya makapaniwala na mapapatawad siya ng ganun ganun lang ni Igi.


Wala na lang nasabi si Roan pansamantala kaya't niyakap na lang niya ng mahigpit si Igi.


We better get home.” aya ni Igi kay Roan matapos tumingin sa lumalalim ng gabi sa kaniyang orasan.


B-But what are you going t-to do with Josh? I-I mean I-I messed everything between you guys---” simula ni Roan, agad na lumatay sa mukha ni Igi ang lungkot na muling ikinakonsensya ni Roan.


Ako ng bahala doon.” desedido pero kinakabahang saad ni Igi.


000ooo000


Josh?” tawag ni Migs sa kaniyang anak matapos niya itong pagbuksan ng pinto sa kanilang unit. Nagulat na lang si Migs nang mahigpit siyang yakapin ng anak.


What's the matter buddy?” marahang tanong ni Migs sa anak habang hinahaplos haplos ang likod nito. Nagsimula ng humikbi si Josh.


I-It hurts, dad.” bulong ni Josh. Nagpalitan ng nagaalalang tingin si Migs at Ed na kasusulpot lang sa may bungad ng kusina.


000ooo000


Where have you been?” pasinghal na tanong ni Cha kay Igi nang pumasok ito sa kaniyang unit.


May kinausap lang po sa baba.” magalang na sagot ni Igi habang lumilingon-lingon. Hindi nakaligtas ang pag-lingon lingon na ito ni Igi kay Cha lalong lalo na ang tingin ng tila ba pangungulila sa mga mata nito.

He's not here.” saad ni Cha na nakapagpatigil kay Igi sa paglingon lingon at nagdulot na tumingin ng daretso kay Cha.

W-what?” nauutal na tanong ni Igi kay Cha.

He's not here, he's back with his dads.” sagot ni Cha sabay tingin ng mariin sa mga mata ni Igi.

Oh.”

What's the deal, Igi? He thought you dumped him by pushing him away. He's hurting.” sunod sunod na sabi ni Cha kay Igi.

You-- You wouldn't understand---” umiiling saad ni Igi.

Then make me understand.” marring saad ni Cha, mataman na tinignan ni Igi si Cha, kinikilatis kung tama bang sabihin niya ang lahat ng nangyari sa tiyahin ng taong kaniyang minamahal ngunit sinaktan.


After 6 days...


Are you sure you still want to do this?” nagaalangang tanong ni Neph kay Igi. Alam kasi nito na hindi na ikundisyon ng maayos ang katawan ni Igi para sa mga ganitong kumpitisyon idagdag pa ang wala sa kundisyon nitong kalooban dahil sa mga nangyari sa kanila ni Josh na hanggang sa araw na iyon ay hindi parin nagpapakita sa kanila.

Any news from Josh?” tanong ni Igi kay Des na agad namang humiling.

I'm sorry.” bulalas muli ng nakokonsensyang si Roan na agad hinawakan ang kamay ni Lance.

No. This one is on me.” malungkot na nakangiting saad ni Igi saka tumalikod at inayos ang kaniyang mga gagamitin para sa kumpetisyon.


Nagkatinginan ang apat. Hindi nila maitago ang pagaalala para kay Igi.


Tita?” tawag ni Igi kay Cha nang makita niya ito sa bungad ng locker room atsaka inilagpas ang tingin dito, umaasa na nasa likod lamang nito si Josh.

There you are! Andito lang ako para i-good luck ka.” nakangiting saad ni Cha pero hindi nakaligtas sa kaniya ang tila ba nadismayang mukha ni Igi nang masigurong hindi niya kasama si Josh.

I'm sure he'll come around.” saad ni Cha sabay yakap kay Igi.

Sana nga po. Ay Tita siya nga pala ito po yung mga kaibigan ko. Si Neph, kilala niyo na po siya, siya po yung madalas naming kalaro dati ni Josh, girlfriend niya po, si Des, Si Roan atsaka po si Lance.” pagpapakilala ni Igi sa kaniyang mga kaibigan.

Hi everyone. I'm Cha, you can call me tita, if you want---wait--- Roan? Is she that bitch who ruined everything between you and Josh---?!” simula ni Cha na agad na inawat ni Igi.

Tita! Tapos na po yun!” pigil ni Igi pero hindi parin nito napigilan si Cha na matahin si Roan. Pinagmasdan maigi ni Cha ang lipstick ni Roan pati narin ang suot nitong sapatos, hindi nalalayo ang style nito sa kaniya.

She's still a bitch.” bulong ni Cha sabay talikod.

Tita!” natatawang saad ni Igi.

I'll be at the stands.” kumakaway na paalam ni Cha.


000ooo000


Are you sure about this?” tanong ni Migs sa anak habang pinapanood itong mag hanap ng bagong mapapasukang iskwelahan. Alam niyang coping mechanism ito ng anak, bilang ayaw na nitong makita si Igi na siyang nanakit sa kaniya.

Yes dad.”

Nakausap ko na yung principal niyo, hindi ka naman daw expelled” nakakunot noong saad ni Ed na agad namang tinignan ng masama ni Migs na tila ba nagsasabing: “Hayaan mo na! Broken hearted eh!” na ikinataas ng dalawang kamay ni Ed bilang sabi na suko na siya.

Well kung sa tingin mo na yan talaga ang magandang gawin mo eh di sige.” sulsol naman ni Migs ngunit hindi parin nakaligtas kay Josh ang tono na tila ba nagsasabing “Bahala ka, pagsisisihan mo yan sa huli.” na muling nagudyok kay Josh na pag-isipang muli ang kaniyang gagawin.

Pag tapos ka na diyan anak, pabili naman kami ng milk tea ng dad mo.” utos ni Ed sa may gawi ng sala na ikinairap ni Migs at gumising naman sa pagiisip ng malalim ni Josh.

Sige po.”


000ooo000


Bakit kaya andaming tao?” tanong ni Josh sa sarili nang maabutan niya ang isang tindahan ng milk tea na puno ng tao na nangga-galing sa school nila.

Pagkakuwa niya ng kaniyang mga inorder ay wala sa sarili siyang naglakad papalapit sa kanilang skwelahan patungo sa covered swimming pool. Natigilan si Josh nang maalala niya na ngayon nga pala ang swimming competition. Agad niya tuloy naisip kung si Igi parin ba ang ilalaban ng skwelahan gayong suspendido din ito.

Nagsimula ng magaalala si Josh nang makita niya ang mga plackards na hawak hawak ng kaniyang mga schoolmate. Pangalan ito ni Igi.

Oh no. Igi, I told you not to do it.” bulong ni Josh sa sarili at tuloy-tuloy na lang na pumasok.


000ooo000


Bago pa man magsimula ang kumpetisyon ay lumingon-lingon muna si Igi, umaasa na nanonood si Josh mula sa mga stands, ngunit laking pagkadismaya niya nang hindi niya nakita maski ang anino nito.

IGI! Focus!” singhal ng coach na siyang gumising sa paghahanap ni Igi para kay Josh.

Narinig ni Igi ang pito at awtomatiko siyang lumusong sa tubig. Sa kabila ng bawat kampay ng kaniyang kamay at bawat sipa ng kaniyang paa ay si Josh parin ang kaniyang nasa isip.


000ooo000


Napangiti si Josh nang maabutan niyang papatalon na si Igi sa tubig. Napaka graceful ng pagsasalubong ng katawan nito at ng tubig at nangunguna ito sa pakikipagpabilisan. Agad na naisip ni Josh na maaaring naikundisyon nga ni Igi ang katawan nito. Nagsisimula ng mabura ang pagaalalala ni Josh at napapalitan na ito ng pagkagalak at pagka proud sa ipinapakitang galing ni Igi.

WOOOOH! Go Igi!” sigaw ni Josh sabay palakpak.


Pero hindi nagtagal ang pagkagalak na iyon ni Josh dahil napansin niyang bumabagal ito at hindi na well coordinated ang galaw ng mga paa ni Igi. Natigilan si Josh at bumilis ang tibok ng puso nito nang makita niyang tumigil si Igi sa paglangoy. Tila katulad ni Igi ay kinapos din sa paghinga si Josh nang makita niya ang unti-unting paglubog ni Igi sa tubig matapos nitong kumampay upang matulungan ang sarili na manatiling nakalutang.

Hindi na inintay pa ni Josh na magsitalunan ang mga maaaring makatulong kay Igi at binitawan na niya ang kaniyang hawak-hawak na mga tsaa para sa kaniyang mga magulang at tumakbo papalapit sa pool. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang pangitaas at tsinelas saka tumalon sa pool, nagmamadaling lumangoy papunta sa lugar kung saan niya huling nakita ang papalubog na katawan ni Igi.


000ooo000


Tila sampung takal na butil ng kanin ang nararamdaman ni Igi na pumapasok sa kaniyang baga. Wala na siyang magawa pa dahil hindi niya magawang igalaw pa ang kaniyang mga binti sapagkat pareho itong nakakaranas ng muscle cramps sinusubukan man niyang ikampay pa ang kaniyang mga kamay ngunit dumating din ang punto na napagod ang mga ito kaya naman hinayaan na lang ni Igi ang kaniyang sarili na lumubog at malunod.


Wala parin ibang tao sa isip kundi si Josh at ang pagmamahal niya dito.


000ooo000


Igi. Please. Don't.” paputol putol na saad ni Josh habang pina-pump nito ang dibdib ni Igi.

Sinusubukan ng ibang tao na tulungan si Josh ngunit itinutulak niya lang ito palayo kay Igi na hindi parin nagkakaroon ng malay. Muling ini-angat ni Josh ang mukha ni Igi at isinalubong ang kaniyang mga labi sa mga labi nito at pinahanginan ang mga baga ng huli.

Demit!” singhal ni Josh at inulit muli ang pagbobomba nito sa dibdib ng huli.

Nang mawawalan na ng pag-asa si Josh ay saka nila narinig ang pagbugha ni Igi ng tubig mula sa kaniyang bibig at ang tila ba hinihika o nasasamid nitong pag-ubo. Natigilan si Josh, halos tumulo na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilang dumaloy. Dahan-dahang nagbukas ng mga mata si Igi at nagtama ang kanilang mga mata ni Josh.

Hindi na napigilan pa ni Josh ang sarili at muli siyang lumapit sa katawan ni Igi at binuhat ito papasok sa locker room ng mga manlalangoy. Tila bagong kasal ang dalawa at si Igi ang babae kung paano siya buhatin ni Josh kaya naman gusto ng tumanggi ni Igi sa ginagawang ito ni Josh kaya lang ay hindi naman siya pahintulutan ng kaniyang pagod na pagod na katawan na gawin iyon.


W-what are you doing, Josh?” pabulong at nauubo paring tanong ni Igi sa huli.

Shut up!” singhal ni Josh. “I told you not to do it but you still did! Ang tigas tigas talaga ng ulo mo! Pano na lang kung nalunod ka na--- P-pano na l-lang, ha?!” singhal paring pagtatapos ni Josh.

Josh, wait! We should take him to the E.R.!” sigaw ng coach hindi kalayuan sa likod ni Josh kasunod ang mga nagaalalang sila Des, Neph, Lance at Roan.

Shut up! This is all your fault! Sabi ko sayo hindi pa kaya ng katawan niya pero pilit mo parin siyang pinapasali! I'll take him to the hospital myself! Hindi ko siya ipagkakatiwala sayo. Ever!” singhal pabalik ni Josh na ikinatameme ng coach.

Josh.” pabulong na tawag pansin ni Igi sa huli na buhat buhat parin siya habang papalapit sa locker room.

Kayo naman?! Anong klaseng mga kaibigan kayo? Pinabayaan niyong lumangoy 'to kahit alam niyong hindi pa nakukundisyon ang katawan nito!” singhal ni Josh sa apat.

Josh.” tawag pansin ulit ni Igi sa huli ngunit hindi nanaman siya nito pinansin.

Kaya wag na wag kayong susunod sa ospital kundi makakatikim kayong lahat sakin---!”

JOSH! TAMA NA!” sigaw ni Igi sabay inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ng huli na nagulat sa biglaang ginawa na iyon ni Igi.


Hindi muli napigilan ni Josh ang mapapikit. Katulad noong unang dalawang beses na naglapat ang mga labi nila ni Igi ay hindi maiwasan ni Josh na tila ba iyong ganoong tagpo ang siyang pinaka-tamang bagay na ginawa niya sa buong buhay niya.

Mahinahon ka na ba?” nanghihinang tanong parin ni Igi kay Josh matapos maghiwalay ang kanilang mga labi sa isa't isa. Napatango na lang si Josh, pilit na sinasariwa ang maalab na halikan na kani-kanina lamang nilang pinagsaluhan.


000ooo000


Mabilis na nagtungo sila Ram at Martin sa ospital kung saan sinasabing dila si Igi. Naabutan ng mga ito si Migs at Ed kasama si Cha at Josh na nakatayo sa tabi ng higaan ni Igi.

What happened?” nagaalalang tanong ni Ram sabay haplos sa noo ni Igi at hinalikan ito.

Muntik ng malunod, buti na lang andun si Josh.” sagot ni Cha sabay tingin ng mariin kay Josh na tila ba may malalim pang kahulugan ang sinabing iyon.

Hindi ito napansin ni Ram. Agad na kasi nitong niyakap si Josh at walang humpay na pinasalamatan. Nang bitawan ni Ram ang binatilyo mula sa pagyakap dito ay agad siyang humarap kay Migs at tinanong ito kung ano bang magandang gawin sa talipandas na coach na siyang pumilit kay Igi na sumali sa kumpetisyon na muntik na nitong ikinamatay.

Hindi na pinakinggan ng dalawang binatilyo ang mga matatanda at kinuwa na ang oportunidad na iyon na muli silang magtitigan. Hindi mapigilan ni Josh na kindatan ang huli na ikinamula ng mga pisngi nito. Wala sa sarili ding lumapit si Josh sa tabi ni Igi at inabot ang kamay nito at pinisil iyon at kinulong sa sarili niyang palad.


I love you.” bulong ni Josh na muling nagtulak sa dalawa na magtitigan.


I-I love you too.” sagot ni Igi pabalik.


Ang akala ng dalawang binatilyo ay walang nakakarinig sa tahimik nilang palitan na iyon dahil hindi nila napansin ang mapang obserbang mga mata ni Cha. Hindi mapigilan ni Cha ang kiligin habang iniisip na hindi parin nauubos ang kaniyang kakayahan na umayos ng nagsisimula palang na mga relasyon.


I should be named Saint of the Beki's.” saad ni Cha sabay kuwa ng kaniyang purse, lipstick sa loob nito at salamin sabay re-apply.


““What?”” sabay na tanong nila Migs at Ram na nagulat sa biglaang pagsasalita ni Cha at sa hindi kunektadong sinabi nito mula sa kanilang pinagdidiskusyunan.


-wakas-

Epilogue
Biglang nagising si Migs. Tinignan niya ang orasan sa tabi ng kaniyang kama, “4:45am” sabi nito. Nagbuntong hininga si Migs upang mapabagal ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at upang maitigil ang malamig na pawis na nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang anit, dahan dahan niyang inalis ang malatrosong braso ni Ed mula sa pagkakayakap sa kaniya upang hindi ito magising at dahan dahan ding bumangon mula sa kama. Habang kinukusot ang kaniyang mga mata upang maialis ang antok dito at habang nagiinat siya ay hindi niya mapigilang sariwain ang kaniyang panaginip.


Ang panaginip na iyon ay puno ng lahat ng kaniyang kinatatakutang bagay, mga bagay na kaniyang iniisip bago matulog noong gabing iyon. Ang mga “Paano kung...” niyang mga tanong sa pagkakaroon ng isang hindi konbensyonal na pamilya. Ang paglaki ng kaniyang anak na may dalawang ama, ang posibilidad na ikahiya sila nito, ang posibilidad na may makaaway ito sa skwelahan o may mangutya dito.


Pero lahat ng paano kung na tanong na iyon ay nasagot din ng kaniyang panaginip na iyon kaya naman hindi narin napigilan ni Migs ang mapangiti habang naghahanda ng agahan ay sabay na niyang sinasariwa ang mga bagay na kaniyang maaaring gawin sa oras na harapin na niya ang mga “Paano kung...” na mga iyon katulad ng nangyari sa kaniyang panaginip.


Good morning.” bati ni Ed kay Migs sabay yakap mula sa likod nito.

Hey.” bati pabalik ni Migs saka binitawan ang pinipiritong bacon at humarap kay Ed at hinalikan ito sa labi.


You're cooking waffles too?” tanong ni Ed sabay nangunot ang noo.


Yes---” sagot ni Migs sabay tampal sa kamay ni Ed na nagtatakang dumukot ng isa. “But they're not for you.” dugtong pa ni Migs na lalong ikinakunot ng noo ni Ed.


Para kanino pala yan?” tanong ni Ed.


Sa mga bago nating kapitbahay.” makahulugang sagot ni Migs. Magtatanong pa sana ulit si Ed nang bigla nilang narinig ang pag-iyak ng isang bata.


0000ooo0000


I think your dad has gone crazy.” bulong ni Ed sa kaniyang anak na si Josh na walang ginawa kundi ang ngumiti habang binibihisan siya ng kaniyang amang si Ed.


I'm not crazy, Ed. I-I just realized something.” saad ni Migs na biglang sumulpot.


What? You had an epiphany or something?” nakangising pangaasar ni Ed kay Migs.


Let's just say I dreamt about something.” nakangising balik ni Migs kay Ed, iniisip na hindi nito makukuwa ang kaniyang ibig sabihin. “Bilisan mo dyan, OK na yung waffles.” utos ni Migs sa nakakunot noo paring si Ed.


0000ooo0000


Good--- morning.” halos napanganga sa gulat na sagot ni Martin sa pinto nang bumungad sa kaniyang harapan si Migs at Ed.


MARTIN! Bilisan mo dyan, itanong mo agad kung anong kailangan, male-late na tayo, baka hindi na natin maabutan sila Mi—gs.” halos pabulong na lang na pagkakasabi ni Ram sa huling kataga ng pangalan ni Migs nang makita niya ito sa bungad ng pinto na may hawak hawak ding agahan tulad niya.


Look at that. Ram prepared breakfast for us also! What a coincidence kasi pinagluto rin kayo ni Migs ng breakfast.” aliw na aliw na saad ni Ed na ikinahagikgik naman ni Martin.


Nagkatinginan si Migs at Ram.


Did Ram told you about an epiphany this morning also? Migs kept talking about this dream he had---” simula ni Ed sabay kuwa ng platong hawak ni Migs na puno ng waffles at inilagay ito sa lamesa nila Ram.


Yeah. It's kinda weird though.” sagot naman ni Martin habang inaalalayan ang batang si Igi sa high chair nito.


Hey, look. I'm sorry about what happened between us--- at kung pano ako umasta kahapon.” simula ni Migs habang naglalakad din papunta sa dining table.


W-wala na yun. S-sorry din sa inasta ko kahapon.” namumulang pisngi na balik ni Ram sabay abot ng kamay kay Migs upang kamayan ito.


Friends?” nakangiting tanong ni Migs.


Friends.” sagot naman ni Ram.


0000ooo0000


So hindi kayo yung lumipat sa unit na'to? Akala kasi namin ni Migs kayo.” tanong ulit ni Ed habang sinusubuan si Josh ng pagkaing pang baby.


Hindi. Si kuya Edison saka yung boyfriend niyang si Jake ang titira dito. Maaga silang umalis kaya di niyo na naabutan.” sagot naman ni Ram.


But we're planning on renting the unit on the next wing.” saad naman ni Martin na naglagay ng ngiti sa mga mukha ni Ram at Migs. Parehong iniisip na hindi malayong magkatotoo ang kanilang mga panaginip.


After six months...


What took you so long?” tanong ni Migs kay Ram at Martin nang pagbuksan niya ang mga ito ng pinto.


Nag potty training pa kasi si Igi eh.” sagot ni Martin. Agad namang tinignan ni Migs si Igi na napaka cute na kumakaway sa kaniya.


Awww! Hang cute cute naman ng inaanak ko!” excited na sabi ni Migs sabay agaw kay Igi mula sa kamay ni Martin.


Tapos na ba? Balita ko sa talk show daw na yan natin makikilala yung dyowa niya eh!” tanong ni Ram sabay kaway kay Ed na abala naman sa pagpre-prepare ng dinner.


Hindi pa, kasisimula pa lang.” saad naman ni Migs sabay nilaksan ang volume ng kanilang TV agad na umalingawngaw ang boses ni Cha na iniinterview sa TV.


Usually our dreams provides us solutions to our problems. Sometimes dreams can make us realize things that we do not consider while we're awake---” simulang pagsasagot ni Cha sa TV host na nagiinterview sa kaniya na nagdulot kay Ram at Migs na magkatinginan. Naikuwento na nila sa isa't isa ang kanilang napanaginipan may ilang buwan na ang nakakaraan at ngayong idinidiscuss ito ni Cha sa national TV ay nakapaglagay ng ngiti sa mukha ng dalawa.


Damn that bitch knows so much.” pabulong na sabi ni Martin na bumasag sa makahulugang pagtitinginan ni Migs at Ram.


““Shhhh! Not in front of the kids!”” sabay na singhal ni Migs at Ram na ikinahagikgik na lang ni Ed sa may kusina.


They say you met your current boyfriend while interpreting a dream. Can you tell us more about that.” request ng nagiinterview na ikninamula ng pisngi ni Cha.


I was interpreting a friends dream when he walked over. He overheard that I was interpreting Jannah's, my friend's, dream and asked me to interpret his dream also and the next thing I know, I was interpreting his dream everyday.” namumulang pisngi na kwento ni Cha na ikinakilig ng lahat ng nanonood sa studio.


Is he here now?” tanong ng nag-i-interview kay Cha.


Yes.” amin ni Cha.


Can we meet him?” tanong ulit ng interviewer.


Of course.” excited na sagot ni Cha. “Hon.” tawag ni Cha, nagsimula ng i-focus ang camera sa isa sa mga lalaki sa audience, ngunit bago pa man maaninag pare-pareho nila Migs, Ram, Ed at Martin kung sino ang misteryosong boyfriend ni Cha ay biglang nag brown out.


Napuno ng iyakan nila Josh at Igi ang unit nila Ed at Migs ngunit nang bumalik na ang supply ng kuryente may ilang minuto lang ang nakalipas ay agad naring tumahan ang dalawa. Muling binuhay ni Migs ang TV ngunit tapos na ang interview ni Cha.


Natapos ang gabing iyon at hindi parin kilala ng magkakaibigan ang boyfriend ni Cha.




The Things That Dreams Are Made Of
finale”
by: Migs

Comments

  1. Hay. Tapos na po ito. :-(
    Ngunit wag magalala. Hehe. May bago po tayong story. Let's just pray na hindi na ako busy para hindi pahirapan ang aking pag-u-update. :)

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Egg: hindi po nakidnap si Igi. Haha!

    Lawfer: bumabanat ka ah! Haha!

    Akosichristian: ang tagal ng tapos ng kwento nila Liam. Eto nga't tapos na yung sumunod dun oh, hindi ka parin maka get over. Haha!

    Makki: sige, malay mo sagutin ka niya.

    Russ: baka asa rainbow mo na din si Liam. Haha!

    Robert mendoza: I'm made of steel. Hahaha! Joke. Eto nga sinisipon na eh. :(

    frostking: actually tapos na yung kwento. Yung time lang para mag post ang wala ako.

    Erwin F.: mga menorde edad pa ang mga ito baka makasuhan tayo. Haha!

    Gavi: pwes gawin mong every 3 hours. Haha!

    Ryval winston: thanks! :-)

    Edmond: nope. Haha! Ayaw ko na nga kasi ng dugtong dugtong na kwento diba? Haha!

    Ras: ikaw ba yung dating ras na pala comment din, kung ikaw nga, welcome back at kung hindi follow mo ako saka pa comment lagi ah. :) thanks!

    adik_ngarag: kailangan talagang mag set ng expectation? Haha!

    Keantoot: nope tapos na nga eh. Haha! Hindi na gugulo, promise. :-)

    Mr. Brickwall: nope, single siya. :-)

    Moon Sung-Min: last na 'to. Haha!

    Superkaid: madami ngang tamad magcomment, ewan ko ba hindi ata sila natutuwa sa mga post ko. haha!

    Marion: thanks! Sana pa follow na din at lagi ka na din magcomment. Thanks!

    Eelkhar: not anymore. Tapos na ang habulan. Hihi

    ANDY: madami silang makitid ang utak. Promise. Well ako naman din kasi ang dapat sisihin. :( saka ko na ikukuwento. Salamat sa pagintindi.

    Foxriver: ikaw ang dapat i-welcome back! Tagal mo kayang nawala! :(

    MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SUMUBAYBAY SA SERIES NA ITO. Sana po ay hindi kayo magsawa sa patuloy na pagbabasa! :-)

    Maraming maraming salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. nice ending daddy Migs! Sino kaya si mysterious bf ni Cha. So much to learn sa pagtatapos ng story. Love you dad!

    ReplyDelete
  3. Hala! Dream lang lahat iyon?!

    Shutang dream yan detalyado....
    Hahahahaha!

    Anyway i'm looking forward, backward, at sideways sa bagong story. Installment ng Chasing pavements na ba sususnod or hardcore dramahan nanaman sa installment ng Against All Odds?

    ReplyDelete
  4. waaaaaaaah! nice twist!!! and it was only just a dream!!! nahulog ang utak ko sa title ah! uu nga naman... sa title pa lng... yun na yun eh.. pero... iba ka talaga... di mo maalitana na panaginip lng pala yun... ang galing mo talaga Migz!

    4 thumbs up! (ksama ang mga hinlalaki sa paa LOL) IDOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. gwn m ng 5, isama m ung d kalakihan lol

      pis ^w^v

      Delete
  5. i hate you kuya..binitin mo ko..andun na eh..nasa mount everst na tapos bglng bumgsak sa lupa..bat gnun? so the whole tym pla is im actualy reading and imagining a dream..pnu kung di mgkatotoo? syang nmn yun..and cha's boyfriend..sino kya un..di nmn pwede si liam kasi bta pa un..ayeee..kakainis ka..hmph...

    and oh..im ur silent reader..naubos lo na lhat ng stories mu and i've been reading since ed and migs pa pero not comment much kasi cp lng gmit ko..but i really love u kuya..haha..sana mameet kita sa susunod

    -john el-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Correct me if im wrong, diba pamankin din ni cha c liam?

      Delete
    2. Hindi po pamangkin ni Cha si Liam, si Nina po ang tiyahin ni Liam. :D

      Delete
  6. anak ng tinapa kuya migs.. asang-asa akong mahaba pa ang takbo.. at ang pinakamalupit dun eh... PANAGINIP LAHAT! ahaha... yey! CP5 na...hahaha

    ReplyDelete
  7. Enebeyen Migs! Matagal tagal kong hinintay to! Tapos isang mabusisi at detalyadong detalyadong panaginip lang pla ang lahat?! Ganun na lang ba yon? Pero Migs in all fairness ha, ang galing galing mo talaga! Sayang lang talaga, BAKIT NAGBROWNOUT! Di tuloy namin nakilala ang jowa ni Cha! Abang abang na sa mga kasunod pang stories! ü

    ReplyDelete
  8. @Dhen: inuyat daddy m c migz? OMG!
    mano po, d-dad...
    lol joke! xD

    @Migz: d banat un, sweet lng tlaga aq bwahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow wla na ung verification ek ek haha mdli na mgcoment x3

      panagnip lng pla lahat, pwdeng pde q pa maunahan c igi lol joke

      Delete
  9. Sir migs (na nag uumapaw sa talent)
    nabitin ako dun ha. Grabe. T_T
    Sana nga po di kayo maging b c. Para update agad. (demanding. Hehe)
    I'll be looking forward sa susunod mong story.

    ~frostking

    ReplyDelete
  10. hehehe it just a dream but a wonderful dream for all of them migs..hehehe

    so kung dream lang ito meaning bata pa din si liam..heheheh..nice one migs..5 star.

    ReplyDelete
  11. "True love stories never have endings."WAGING WAGING.......!!!!!!!!!!book 2............hehehehehehee

    ReplyDelete
  12. I hate you kuya Migs. Masyadong pabitin. :(((

    ReplyDelete
  13. Who's that lucky guy? Alam mo bang sa pagka-engaged ko sa kwento mo, naglaro na sa isip ko na sana gawa ka ng kwento tungkol kay Cha. Hehehe!

    Ganun, so there's a huge possibility na di na namin makikita mga characters mo na napamahal na sa 'min sa future stories mo. =( Anyway, kakaibang ending and 'til your next story. =D

    - Edmond

    ReplyDelete
  14. Nice dream. Hahaha. Ang ganda ng dreams niyo, sinubaybayan ng masa, nagpigil at nagtiis maghintay ng panahon upang matutukan ang inyong mga dreams. Hahaha. Kalokang dreams yan. Whahaha

    ReplyDelete
  15. hala! isang panaginip pala lahat ng pangyayari? namanmm, he he he he. kaw talaga migs. he he he

    ReplyDelete
  16. migs, gusto ko yung twist ha..... panaginip lang pala!

    at least dahil sa panaginip na yon, alam nina migs at ram ok lang sa kanila sakaling magkatotoo yung panaginip nila paglaki nina josh at igi.

    si cha, wagi talaga sa lahat ng bagay. kaaliw!

    sana maPost na agad yung next story!

    thanks, migs! good job!!!

    ReplyDelete
  17. Milk Tea! napangiti ako nung nabasa ko to haha ..Forever mysterious talaga tong Saint of all beki's na to at napunta pa sa tv show! haha

    Kuya Migs, Hooy Haa! natutuwa ako sa mga posts mo sir susubaybayan ko ba mula LAIB hanggang dito kung hindi? haha

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  19. ay ganon??? panaginip lang ang lahat tungkol kina josh at igi.. whatta twist... sayang naman yung lovelife nila...... huhuhu mwachhh....

    ReplyDelete
  20. ANG GANDA KUYA MIGS!! Promise!!!

    Congratz dito sa story mo na to.

    Natawa ako sa brownout part. Lol! Gusto ko din malaman kung sino ang BF ni cha.

    At panaginip lang pala ang lahat!! Pero ang galing ha.

    Grabe ilang buwan natulog si Migs at Ram at ilang buwan din yung panaginip nila?? Mahabang panaginip. Haha joke lang.

    Thumbsup kuya migs!!

    Sana next na yung book 2 ng AAO.

    ReplyDelete
  21. kaw na talaga kuya.haha. Dq inexpect na dream lang lahat ng event. Wh00ah.! Next naba ung chasing pavements?

    ReplyDelete
  22. Author Migs!

    Wow ha! Dreams lang yun? 17 years of dreaming grabe, Idol, so si cha ba yung manghuhula natin? :D and it all came to her magic red lipstick!

    Approved sakin ang kwento na to! yung next ba e continuation na ng young adult na josh and igi? haha and yung kwento ni cha! hahaha

    -aR

    ReplyDelete
  23. hahaha..si ateng cha talaga woh!ayos na e,,andun na eh..nawalan pa ng kuryente!?haha..kakatawa talaga siya!^^
    ee aun,,dream lang pala..haha.pero excited nko sa next story!^^

    -monty

    ReplyDelete
  24. ngayon ko lang 'to nabasa, kasi po idol blocked ang site mo d2 sa oman.. hahaha i need to have a proxy pa.. haha

    panaginip lang pla lahat..?? peo at least c igi at josh pa rin.. :p

    wait ko na next kwento.. :p c liam.. lol

    ReplyDelete
  25. hahaha ako pala ang nawala....i love the ending, t'was not i expected by i love it. Good job on the epilogue...and awesome job for finishing the story. Next pls.......

    ReplyDelete
  26. grabe, now lang ako nakapagComment >_< waaaaaaaah super unexpected ko yung twist ng ending!!! kaya pala ganun yung title!!! good job Sir... =))

    Can't wait sa susunod mong story. =D wala pa ba yung next chap ng Chasing Pavements 5??


    Waiting in vain,
    Gavi :)

    ReplyDelete
  27. wahaha migs ang galing ang gandang ng ending mo thw twist caught me off guard. Sorry if im not able to read your post for the whole month. promise bawi ako hehehe...

    Migs whats next? Can't wait to read you new story.

    have a great day and enjoy your week.

    ReplyDelete
  28. kaya pala...bago pa lng kasi yung Rubi tapos 16 yrs old na mga anak nila? nalito tuloy ako kung wat year ang kwento nilang migz at ram at nung kina igi at josh...
    panaginip lng pala ang lahat..
    hahahaha...:))

    ReplyDelete
  29. I had to read it all over again to refresh... After a long no-blogs-no-fb-no-call for boards... Its so cool... I so love your stories!!! :-D

    ReplyDelete
  30. a very fitting title for an unexpected cliff-hangung-twist HAHAHAHAHAH

    DI KO NAHULAAN AGAD UNG TWIST, ung connect sa title. Bravo!


    xoxo,
    A

    ReplyDelete
  31. Saint of the beki's amp hahahha

    ReplyDelete
  32. binasa ko ulit for the second time. nakakaaliw pa din especially the "Cha's Magic Lipstick" - unkabogable ever !

    ~julio
    (a.k.a. maharett)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]