Wednesday, September 26, 2012

The Things That Dreams Are Made Of 21

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Ramdam na ramdam ni Igi ang bilis ng pagtibok ng kaniyang dibdib nang maglapat ang mga labi nila ni Josh, hindi niya napigilan ang sariling mga mata sa awtomatikong pagsasara ng mga ito. Hindi rin makapaniwala si Igi na muli niyang isinasabuhay ang isa sa kaniyang matagal ng minimithi katulad noong may ilang linggo lang ang nakakaraan sa isang elevator sa loob ng isang mall. Puno ng emosyon para kay Igi ang halikan na iyon kahit pa simpleng pagdadampi lamang ito ng kanilang mga labi ngunit hindi nagtagal at naging mapusok na ang halikan na iyon sa pagitan nilang dalawa.

Pinasadahan ni Josh ng kaniyang dila ang itaas na labi ni Igi, tila humihingi ng permiso na pagbuksan ito, hindi mapigilan ni Igi ang umungol ng impit habang ibinubukha ang kaniyang mga labi. Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ni Igi ngunit ang nangibabaw ay takot.


Takot na masaktan muli katulad noong huling pagkakataon na nagdampi ang kanilang mga labi. Muling tumakbo sa kaniyang isip ang mga nangyari noong araw na iyon sa mall, yung matapos nilang maghalikan ay bumungad naman sa kanilang harapan sila Des at Neph na walang alinlangan na sinugod ni Josh. Natatakot si Igi na ganun ulit ang mangyari sa pagkakataon na ito, na sa oras na makita ni Josh si Des ay muli nanaman siya nitong iwan at kalimutan ang pinagsaluhang halikan na iyon.


Ibinukha na ni Igi ang kaniyang mga mata, nang makita niyang tila ba sinsero si Josh sa pakikipaghalikan sa kaniya ay muntik na niyang kalimutan ang kaniyang plano na itulak palayo at itigil ang pakikipaghalikan kay Josh.


Pero mas nanaig ang kaniyang kagustuhang hindi na muli pang masaktan.


Marahang itinulak ni Igi si Josh upang makaalis na sa bisig nito at upang maputol na ang kanilang halikan ngunit sinapo ni Josh ang batok ni Igi na siyang naging dahilan para hindi maihiwalay ni Igi ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Josh. Ngunit sa kabila noon ay buo na ang loob ni Igi na hindi na niya hahayaan pa ang sarili na masktan pa kaya’t mas nilagyan niya ng pwersa ang pag-tulak sa matipunong dibdib ni Josh.


Naramdaman ni Josh ang pagtulak sa kaniya ni Igi palayo kaya naman agad niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Awtomatiko niyang inalis ang kaniyang mga labi sa labi ni Igi at saglit na natigilan habang pinapanood ang ilang matatabang luha na dumadaloy sa mga pisngi ni Igi habang nakaunat pa ang kamay nito upang gawing pangharang sa pagitan ng kanilang mga katawan.


Hindi alam ni Josh kung ano ang mas masakit, ang mga suntok ni Lance at Igi na nuon ay mahahapdi parin o ang makita ang nasasaktang itsura ni Igi o ang pakiramdam ng rejection na ipinaparamdam sa kaniya ngayon ni Igi. Hindi napansin ni Igi ang mga luha na nanggagaling sa kaniyang mga mata at ang kaniyang paulit ulit na pagiling habang mataman paring nagtititigan ang kanilang mga mata ni Josh.


Ang pag-iling na iyon ni Igi at ang kanilang pagtitigan ay naputol lamang nang marinig nilang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.



000ooo000


Nagkatinginan sila Ed at Martin nang mabungaran nilang tahimik ang unit na kanilang pinagiwanan ng kanilang mga kinakasamang sila Migs at Ram. Saglit na nangamba si Ed iniisip na tinuluyan na ng dalawa ang isa’t isa dahil sa sobrang sama ng loob habang si Martin naman ay abala lang sa paglingon-lingon na tila ba ang nangyayari ay wala lang sa kaniya at ang tangi niya lang hangad ay ang makita kinakasama upang makauwi na sila.


“Di naman siguro sila nagpatayan no?” seryosong tanong ni Ed kay Martin na saglit na natigilan at napatingin ng daretso sa kaniya saka humagikgik.


“Weelll, I don’t see blood anywhere so my guess is that they strangled each other.” lumilinga linga pero seryosong saad ni Martin na lalong ikinakaba ni Ed, hindi nakaligtas ang biglaang pagtahimik na ito ni Ed kay Martin kaya agad niya itong tinapik sa likod at pinagaang ang loob.


“Dude, I’m just joking. I’m sure they’re fine and that they’re here somewhere.” nakangiting pagpapapanatag ng loob ni Martin kay Ed.


Magsasalita n asana ulit si Ed nang may bigla silang napansin at agad na pumunta sa kusina.


“There you two are. Migs and I cooked sinigang.” nakangiting bati ni Ram sa dalawa ng sumulpot ang mga ito sa bukana ng pintuan.


“Ed, Ram taught me how to make that perfect asim! You should try it! Ram added a little extra flavoring!” excited na aya ni Migs kay Ed na hindi parin makapaniwala sa kaniyang mga nakikita.


“Hon, Migs taught me how to make your favourite macaroons! Here try some!” sigaw ni Ram habang nginunguya ang kaniyang kasusubo subo lamang na macaroon.


Nagkatinginan si Ed at Martin. Parehong may hindi makapaniwalang tingin sa kanilang mga mukha. Hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.


000ooo000


“Where's Josh?” may kalakasang tanong ni Des kay Neph nang makita niya itong nakatambay malapit sa gate ng school na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan ni Roan at Lance na magkahawak pa ng kamay.


“He left school after bad mouthing the principal.” sagot ni Neph sabay bato ng masamang tingin kay Lance na hindi nakaligtas kay Roan na hindi parin alam kung sino ang nakasapakan ni Lance.


“WHAT?!” gulat na gulat na saad ni Des.


“Josh and I caught some guy molesting Igi---” simula ni Neph, hindi na nag atubili pang itago ang lason sa kaniyang mga sinabi na ikinairita ni Lance.


“Dude! Ayusin mo yung kwento! I was not molesting Igi! Kayo lang talaga 'tong madumi ang utak ni Josh! I wouldn't be surprised kung ma expel siya dahil sa pagiging bastos!” singhal pabalik ni Lance na pasugod na lumapit sa kinatatayuan nila Neph at Des na nagiwan kay Des at Roan na magtaka at magaalala.


“Eh gago ka pala eh! Ilang beses ka ng nakikita ni Josh na laging kayakap si Igi, pano ngang hindi ka nun pagiisipan ng masama! Atsaka sino ka ba para pumagitna dun sa dalawa eh halos simula nung mga baby pa yung mga yun magkasama na yun!” balik sumbat ni Neph.


““SAGLIT LANG! ANO BANG NANGYAYARI?!”” sabay na sigaw nila Roan at Des na agad namang nagirapan matapos marinig ang bawat isa.


“Itong gagong 'to yakap ng yakap kay Igi eh alam naman niyang si Josh talaga ang gusto ni Igi!” singhal ni Neph sabay duro kay Lance.


“Nagusap na kami tungkol dyan ni Josh. Labas ka na sa mga nangyayari saka di mo naman alam ang nangyayari talaga eh!” balik naman ni Lance na hindi mapigilang mapasulyap kay Roan na agad namang nakuha ang ibig sabihin ni Lance.


“Anong nag-usap?! Magagalit ba si Josh ng ganun kung may usapan na kayo---” simula ni Neph na agad ding natigilan nang marinig nila si Roan na magsalita.


“This is all my fault. I-I'm s-sorry.” umiiling na sabi ni Roan, hindi maitatago ang pagsisisi sa kaniyang boses at sa reaksyon sa mukha nito na ikinatigil ng tatlo.


Saglit na binalot ng katahimikan ang tatlo na siyang nagbigay ng pagkakataon kay Roan upang sabihin na ang kaniyang mga nagawa upang humantong silang lahat sa puntong iyon. Muling nagbuntong hininga si Roan atsaka sinimulan na ang pagkukuwento.


0000ooo0000


“BITCH!” singhal ni Des kay Roan matapos nitong ikuwento lahat ng kaniyang ginawa na ikinagulo ng lahat dahil lamang sa kaniyang pagseselos noon. Muntik pang abutin ni Des ang mukha ni Roan upang sampalin ito mabuti na lang at pinigilan na agad ito ni Neph, iniisip na nasa loob pa sila ng campus at ang pagsampal ni Des kay Roan ay maaari pang maging dahilan ng pagkasuspend ng huli kung hindi niya ito pipigilan.


“I-I s-said I'm sorry. OK? I was being stupid---” naiiyak ng simula ni Roan ngunit muli siyang pinutol ni Neph.


“No. You were not just being stupid, you were also being selfish---” singit ni Neph ang lason sa kaniyang mga sinabi ay doble pa sa lason na maririnig sa mga sinabi ni Des.


“Huwag niyo naman siyang pagkaisahan, nagso-sorry na nga yung tao eh---” pigil ni Lance sa dalawa na lalong nag-init ang mga ulo.


“Eh kung sayo kaya gawin yung ginawa niya samin? Hindi lang naman ako saka si Des yung nasaktan niya eh, pati sila Igi at Josh!” galit na balik ni Neph na ikinatameme ni Lance at ikinatulo naman ng ilang mga matatabang luha mula sa mga mata ni Roan, hindi ito nakaligtas kay Des na tila naman nalusaw lahat ng galit kay Roan.


“I’m s-sorry.” pabulong at nauutal na ulit ni Roan na agad naman sanang babarahin ni Neph nang biglang nagsalita si Des na may mga luha na ring nagbabadyang mahulog mula sa mga mata.


“What happened to you, Roan? We used to be best friends--- I used to know you so well---” naluluhang saad ni Des kay Roan, hindi man niya ito naiintindihan ay alam naman niyang may dinaramdam din ito at nasasaktan din ito, isang palatandaan na hindi rin nito ginustong manakit ng ibang tao.


“I fell in love.” makahulugang sagot ni Roan sabay mariing tinignan si Neph, tila naman naliwanagan si Des sa mga nangyayari at kung anong maaaring nararamdaman ng dating kaibigang si Roan.


“Why didn’t you tell me?” mahinahon ng tanong ni Des na saglit na ikinatigil ng tatlo, lalong lalo na ni Roan.


“Because I know that you’re in love with him too.”


000ooo000


Napangiti si Cha ng maabutan niya ang kaniyang unit na ubod ng tahimik. Hindi niya magawang iwan ang dalawang binatilyo kaya naman ikinansela na niya ang kaniyang date at bumalik na lang sa kaniyang unit. Para sa kaniya isang senyales ang katahimikan na iyon na sa wakas ay natigil din ang dalawang binata na kaniyang inaalagaan ngayon sa pag-aaway, pero naisip niya rin na maaaring nagkasakitan na lang ulit ang dalawa o kaya naman nag patayan na ngunit hindi na lang niya sineryoso ang huling naisip sapagkat naisip niya rin na hindi iyon magagawa ng dalawang binatilyo sa isa’t isa dahil sa ilalim ng mababaw na galit na ipinapakita ng dalawa ay makikita naman ang pagmamahal.


Dahan-dahang pinihit ni Cha ang pinto ng kwarto kung saan niya ikinulong ang dalawa. Umaasa na tahimik at masinsinan ng naguusap ang dalawa, kaya naman laking pagkadismaya niya nang makita niyang luhaan si Igi habang si Josh naman ay tila ba nanlulumo at malapit naring umiyak. Gusto niyang yakapin ang mga ito ngunit hindi niya alam kung sino sa dalawa ang kaniyang uunahin sapagkat mukhang pareho lamang na nasasaktan ang mga ito.


Habang iniisip ni Cha kung sino ang lalapitan sa dalawa ay siya namang tayo ni Josh, tinignan ni Cha ng mariin ang pamangkin at napansin ang mabilis na pagpalit ng emosyon nito sa mukha, mula sa malungkot ay napunta ito sa galit at pagkainis. Hindi nakaligtas ang biglaang pagtayo na ito ni Josh kay Igi ngunit hindi nito nakita ang purong emosyon ng lungkot, sakit at galit ni Josh sa mukha nito tulad ni Cha dahil agad na ring tumalikod ang huli at lumabas na ng kwarto na agad na sinundan ni Cha.


Mali at yung ginawa ko. Mukhang lalo pa atang lumala yung awayan nung dalawa.” sabi ni Cha sa sarili habang sinusundan ang humihikbing si Josh.


000ooo000


Why did I fucking let myself fall in love with him!?” naluluha at inis na inis na sabi ni Josh sa sarili niya habang naglalakad palayo mula sa condo ng kaniyang tiyahin.


He loves Lance, that’s why he pushed me away when I started kissing him, that’s why he doesn’t want to kiss me back. He doesn’t love me. I’m so stupid!” singhal ulit ni Josh atsaka bara barang ini-upo ang sarili sa isang bench sa katapat na park ng condo ni Cha.


“Josh?” tawag ni Cha sa kaniyang pamangkin na naabutan niyang malalim ang iniisip. Nagulat si Cha nang pagkaupong-pagkaupo niya ay agad siyang niyakap ni Josh, tila isang bata na nagsusumbong sa kaniyang ina na inaway ng kapitbahay.


“It hurts.” humihikbing sabi ni Josh habang naka yakap kay Cha, wala ng nagawa pa si Cha kundi ang yakapin pabalik ng mahigpit si Josh at aluhin ito.


“Shhh--- It's going to be OK.”


0000ooo0000


“Let me get this straight. You and Igi slept together?” tanong ni Cha matapos ikuwento ni Josh lahat ng nangyari.


Natulog sa iisang kama, Auntie, mali yung iniisip mo.” pagtatama ni Josh habang nakayuko parin habang pinapakinggan ang paguulit ng kaniyang tiyahin sa kuwento nila ni Igi.


“And then this guy named Lance showed up tas bigla ka na lang na echepwera?” tanong ulit ni Cha na sinagot lang ni Josh sa pamamagitan ng malungkot na pagtango.


“Napagusapan niyo ba 'to kanina o basta mo na lang siyang hinalikan?” pahabol tanong ni Cha na nuong una ay ikinatango ni Josh pero ikinailing din nung maglaon.


“Ano ba talaga? Pinagusapan niyo o hindi?” tumataas boses kunwari na tanong ni Cha.


“I mean, plinano ko na po talagang kausapin siya pero ang tigas ng ulo niya eh, ayaw niyang makinig! And besides--- I-- I- don't know what to say.” nahihiyang pagtatapos ni Josh na agad namang ginawaran ni Cha ng isang malutong-lutong na batok.


“AW! What was that for?!” sigaw ni Josh na agad na lumayo sa tiyahin na inaambahan pa siya ng isang batok habang minamasahe ang ulo kung saan lumagutok ang kamay ni Cha.


“May ginawa kang kalokohan kaya ganyan na lang ang reaksyon niyan ni Igi---” pilit pinapakalma ang sarili “Ayaw ko sanang mangielam at gusto ko sana na kayo mismo ang makapansin nito pero dahil ang titigas ng bunbunan niyo at pareho pang makakapal ang pride niyo sa katawan mangingielam na ako ng konti. Kitang kita ko sa mga mata niya, may nararamdaman din siya sayo, ayaw niya lang sigurong masaktan ulit---”


“Pero Auntie, wala naman akong ginagawa para masaktan siya!” depensa ni Josh sa sarili.


“Meron. Dahil alam mo kung ano naman ang nakikita ko matapos ka niyang tignan na para bang gustong gusto ka niyang yakapin? Galit at pagkadismaya. Yan ang mga nakikita ko sa mga mata niya and believe me kapag sinabi ko sayong alam na alam ko na ang dramang ganyan kasi nakita ko na yan noon. Akala niyo kayo lang ang beki na dumaan sa red lips and stilettos ko?” napaisip ng malalim si Josh sa sinabi na ito ng kaniyang tiyahin, pilit na hinahalukay ang kaniyang utak sa mga masasamang bagay na maaari niyang nagawa upang mangunti si Igi sa kaniya ng ganon.


Binalot ng katahimikan ang pagitan ng magtiya. Wala sa sariling itinaas ni Josh ang kaniyang tingin, tila ba tinatanaw ang bintana ng unit ng kaniyang tiyahin. Hindi ito nakaligtas kay Cha na marahang inilapat ang kaniyang palad sa matipunong balikat ni Josh.


“All you need to do is talk to him, I promise you, everything is going to be OK.”


0000ooo0000


“Di mo na kailangang mag-sorry samin, Roan, ang kailangan mong gawin ngayon ay ang ayusin ang mga nangyayari ngayon sa pagitan ni Igi at Josh. Those guys are two of the sweetest guys I know, they deserve each other, they deserve to be happy.” nakatiklop kamay na sabi ni Des kay Roan.


“Don't worry, I'll help her fix this.” singit ni Lance sabay hawak sa kamay ni Roan na noong oras na iyon ay medyo kumalma na. Ang simpleng pagsuporta na ito ni Lance kay Roan ay hindi nakaligtas kay Neph.


“Wait. Are you guys dating or something?” naniningkit matang tanong ni Neph kay Lance at Roan. Hindi nag atubiling sumagot si Lance ng “Yes, we're dating.” samantalang si Roan ay namula lang ang pisngi, pilit na pinipigilan ang sarili na mapangiti.


“Eh kung nagde-date kayo bakit kung makayakap ka kay Igi, wagas?” tanong nanaman ni Neph kay Lance sabay duro pa dito.


“Ilang beses ko ba sasabihin na wala naman kaming relasyon ni Igi? We're friends, sa mga nangyayari sa kaniya kailangan niya ng kaibigan and I offered to be his friend, wala namang masama sa paminsan minsang pagyakap diba?” mainit na balik ni Lance sasagutin na sana ito ng nagiinit ulo muling si Neph nang pumagitna na ang dalawang babae.


“They said they'll fix all the misunderstanding, Neph. No point in arguing.” “Lance, misunderstanding lang ito. Hayaan mo na, aayusin naman natin 'to, huwag mo ng palakihin pa.” sabay na sabi nila Roan at Des sa kanilang mga kapareha na agad namang ikinatahimik ng dalawa.


Saglit pang nagtinginan ng masama sila Neph at Lance saka tumalikod sa isa't isa at inaya sila Des at Roan na umuwi na.


““Tara na, hatid na kita pauwi.”” sabay na sabi nila Neph at Lance. Nagkatinginan naman sila Roan at Des at hindi na napigilan pang ngitian ang isa't isa bago tumalikod. Habang naglalakad katabi ng kanilang mga nobyo ay hindi napigilan ni Roan at Des na mapangiti at matuwa. Alam kasi nila at nararamdaman na muli silang magkakasundong dalawa at hindi malayong maging magkaibigan ulit.


0000ooo0000


Hindi alam ni Igi kung tama ba ang kaniyang ginawa. Naguguluhan siya kung bakit tila ba siya pa ang nanakit kay Josh gayong umiiwas lang naman siyang masaktan, kung sakaling mangyari nanaman yung nangyari noong unang naglapat ang kanilang mga labi. Alam ni Igi na tanging paguusap lang ng masinsinan ang siyang aayos sa mga sigalot sa pagitan nila ni Josh ngunit naunahan siya ng takot at pagaalinlangan kanina kaya’t hinayaan na lang niyang umalis si Josh kesa sa kausapin niya.


Halos mapatalon si Igi nang may kumatok sa front door ng unit ni Cha. Nagaalangan niya itong nilapitan at pinagisipang maigi kung pagbubuksan niya ba ang kumakatok na iyon dahil kapag nagkataon na si Josh pala iyon ay hindi niya parin alam kung ano ang sasabihin ditto kahit gaano pa siya ka desidido na kausapin ito. Dumadalas ang pagkatok sa may pinto kaya naman wala ng nagawa pa si Igi kundi buksan ang pinto.


“Roan?” nagtatakang tawag ni Igi nang buksan niya ang pinto.


“Igi, we need to talk.”

000ooo000


Habang umaakyat ang elevator na sinasakyan ni Josh ay hindi niya mapigilang isipin kung ano ang kaniyang sasabihin kay Igi sa oras na magkaharap silang muli nito. Ang lahat ng kaba, takot at pagaalinlangan na nararamdaman ni Josh ay nawala lahat nang maabutan niyang wala si Igi sa loob ng condo ni Cha. Inisa-isa niya lahat ng kwarto, ngunit ni anino ni Igi ay hindi niya mahanap.


Dismayadong hinugot ni Josh ang kaniyang cell phone at tinawagan ang tiyahin na si Cha.


“Auntie, he's not here anymore. I-I d-don't know if I can still do this.” nawawalang pag-asa ng sabi ni Josh sa kaniyang tiyahin na nasa kabilang linya.


Itutuloy...


The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 21”
by: Migs

26 comments:

  1. Pasensya na sa mahabang pamamahinga ko mula sa pagpopost. Alam niyo na po ang dahilan kung bakit tapos sumabay pa yung bagal ng internet connections. Sensya na talaga. :-(

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Erwin F.: Why are you still up ng ganung kaaga? Hihi! Love scene agad? :)

    Lawfer: so kasalanan ko pa pala kung bakit ka nakakalbo? Haha!

    Iyan Chan: hindi ako makaka pag back to back ngayon. Hihi! Yup isang chapter na lang to. :-)

    akosichristian: haha! Isang chap na lang tapos na 'to. Tingin mo dadating pa si Liam?

    Frostking: sensya na natagalan. :(

    makki: malamig ba? Di naman.

    Russ: walang love making na magaganap.

    adik_ngarag: haha! Kilala mo na talaga ako magsulat ngs tory adik_ngarag!

    KV: you haven't seen the rest of her yet. :)

    Roan: not yet. :-)

    Berto: Yup. Isang chap na lang tapos na. :)

    Edmond: mali ang naisip mo para sa ending. :)

    WeakHeart: uy, bago! Follow me please and sana hindi ka magsawa sa kakacomment at pagbabasa! :)

    ReplyDelete
  2. Gavi: baka mangonti nanaman yung mga taong nagsasabi na manyak ako or something. Pwede bang request? Sana wala ng ganyang mga comment. :( nai-issue na kasi ako. Lost a lot of friends because of this issue already. Please? :(

    ANDY: ikaw pa isa, paki basa na lang yung comment ko kay Gavi.

    Ryval winston: haha! Isa ka din ba sa mga nakamiss kay Cha?

    Wastedpup: sana mabasa mo din yung comment ko kay Gavi. :(

    isan salapar: welcome to my blog. Bago ka ata. Please follow me and sana hindi ito ang last na comment mo. Salamat! :)

    Moon Sung-Min: wala po akong dinidelete na comments. Baka na-spam. :( Saka na ang CP 5. Tapusin ko muna tong TTTDAMO. Nahihirapan ako eh. :(

    Keantoot: ayan po. Wish granted. Paisa isa muna. :(

    eelkahr: haha! Pwede.

    Robert mendoza: soon magkakaayos na sila.

    Mr. Brickwall: bi din yung kilala kong lance. :)

    aR: Congrats! :)

    eGg: thanks! Sana hindi ka magsawa! :)

    Chris: matagal tagal pa ako bago magbago :)

    -monty: Thanks! More exposure with Migs, Ram, Ed and Martin on next chap.

    PASENSYA NA KUNG SOBRANG TAGAL NUNG UPDATE KO. :(

    ReplyDelete
  3. omigaaadddd!!!!!!!!!!!!!


    sino kumidnap kay igi!!!!!!!

    josh habulin mo siya now na...

    BITIN ANG UPDATES.. haayyyy... maghihintay ulit ng one week.. anyway thank po sa updates migs

    ReplyDelete
  4. sarap paguntugn nina josh at igi, kainis -_-

    ndi po ikaw ang dhlan ng pgkakakalbo q

    ang totoo nga nian

    dhl seo

    umuusbong ang pangarap q

    ayiie
    hahaha

    ReplyDelete
  5. hala asan na ba c liam..?? haha, bka kasi xa ang bida sa next story.. :p

    ReplyDelete
  6. hindi halata migoy! LOL ayan ang tipid tipid ng comment mo oh! di gaya ng dati na parang naglolokohan lang.. :P hihihi piz brader!

    ganda ng kissing scene! ayiiieee nakaka-ihi! (kinilig!) idol nga kita! ang galing! ^__^

    ligawan ko na kaya si aunt cha?! LOL crazy sexy cool eh! LOL

    ReplyDelete
  7. tnx..migs..wala nga..oo nga asan na ba si liam? naisip ko din

    ReplyDelete
  8. wow! iba talaga itong c cha, matatapuz na bakit nga wala pa din sa eksena c liam? at last nagkabati na din c des at roan, magkaka auz na nga ung dalawa, w the help of nag umpisa ng gulo, roan. kasama na din ung tatlo cguro at isa pa ay nagka auz ng una ang mga parents nila. he he he. so happy sa outcome. thnx MR. AUTHOR. WORTH AMAN ANG MATAGAL NA PAG AANTAY! CONGRATZ! ALWAYS YNGAT SA HEALTH, WAG MASYADO ABUSUHIN, . . . ANG PERA AT FAME NANJAN LNG YAN, PERO ANG HEALTH NATATANGING KAYAMANAN YAN. GOD BLESS!

    ReplyDelete
  9. Sir migs, buti naman bumalik kna. :)
    Alam ko di madali gumawa ng kwento. Kaya i'll patiently wait sa susunod mong update. ;)

    ~frostking

    ReplyDelete
  10. Because papasok ako ng ganun kaaga?
    hahahaha!

    Gosh thanks for the misunderstandings!

    love scene bet ko. asan na? bwahahahahha!

    ReplyDelete
  11. Sir Migz! ang tagal moooooooooooooooooooooooooooo.. haha wala ng back-to-back?? :)) halos every 2 hours akong nagchecheck for updates >_< isa pa!!!

    Sorry na. :)


    -Gavi :)

    ReplyDelete
  12. syempre naman kuya migs. Kakaexcite naman ung next kung an0ng mangyayari.

    ReplyDelete
  13. Sayang! Pero OK na rin, at least I'm glued to my seat to await the finale of this series. Magkaka-Book 2 ba 'to?

    - Edmond

    ReplyDelete
  14. tnx migs ntpos ko rin ngyong araw..mapachapter 1 hangng chap 21....hehehheheheeh.... ilike this story....grabe lagi me naluluha sa mga eksena nina igi at josh....heheehee i wonder how......sa mgiging reaksyon ng mga magulang nila.....interesting......more test is coming.....4 the 2 of them....hahahhaahahahahaha........nice migs u have done well.................!as always.............

    ReplyDelete
  15. ay, hindi na back to back chapter... nawili lang ako? haha

    eto na... ramdam ko na ang pgtatapos ng kwento!

    migs, tagal kong inabangan tong update mo!

    aabangan ko yung finale.... sana magawa mong exciting at nakakilig ha. hehe

    thanks, migs!

    ReplyDelete
  16. Grabe, ang wish ko, pa-isa-isa pero mabilis ang progress, yun tlaga yon actually. Hahaha. Ibalik sa back to back. Hahaha

    Ok. Magugulo na nman ba? Grabe, pati ako naguguluhan na.

    ReplyDelete
  17. Wow! Sa 21st bday ko pa ung update! Nice. Kaso now ko lang nabasa. Ayan 12am ulit aq nagcomment kuya ah.

    ANO BA JOSH AT IGI? PINAINIT NIYO KILI-KILI KO AH! hahaha.
    Di kayo manghuhula pareho na kung anung akala niyong iyun ay iyun nga talaga! Magtatanong din kasi! At wag naman s torrid scene agad ang drama! Halikan agad?!

    Ay dun pala sa last reply mu, talaga? Bi? Tyak taken yan!

    O sya, papahinga na, magtutuos pa kame ng mga numero at papel sa office mamaya.

    Good night mga kapwa ko tagasubaybay! :)

    thanks kuya.

    ReplyDelete
  18. until the next update... ahaha.. wala na akong nasabi... ilang chaps pa ba ito kuya migs???

    ReplyDelete
  19. I followed you na sir! don't worry di ako tatamadin magbasa.. ang ganda ba naman ng flow ng story eh. yung sa comment lang ko medyo tamad :D
    anyways keep up the goodwork! :D

    ReplyDelete
  20. hi migs :)
    i love all of your stories..
    lalo na to.. kaso nakakabitin hahah..
    lagi ko din pong vinivisit ung blog nio po kung may bago po kaung update...
    pag wala po nagbabasa na lang po ako ulit ng dati nio pong mga story...
    ang ganda po kasi eh..
    un po keep up the good work..
    salamat po :D

    ReplyDelete
  21. on the moves na naman ang red lipstick at killer stilleto ni cha!!!!!!

    forever na bang maghahabulan yang dalawang yan.....??

    parehong takot masaktan pero sa ginagawa nila lalo silang nasasaktan...

    -eelkahr

    ReplyDelete
  22. haha.oo naman kuya migs.kakamis kaya ung babaeng un kahit ganun un .baliw lng.haha.
    Malapit nbang matap0s 2 kuya?

    ReplyDelete
  23. hindi ko agad nagets yung comment mo kuya migs, so binasa ko ulit yung comment q sa previous chapter IF may mali akong nacomment.

    Yung i love you ba yun?

    Sino namang nang-iissue about dun? Ang kikitid naman ng utak.

    Not in a romantic way naman yun..

    Nawala tuloy comment ko sa chapter na 'to.

    ReplyDelete
  24. yey welcome back Migz:)...i feel malapit na ending

    ReplyDelete
  25. ayan,,,medyo nagkakalinawan na ang lahat.:)

    thanks kuya migs (kuya??haha)..next chap nah!i miss them na nga eh..^^

    -monty

    ReplyDelete
  26. ayan,,,medyo nagkakalinawan na sila..haha

    thanks po kuya migs (kuya???haha) namiss ko nrn kc sila migs and company eh.haha

    -monty

    ReplyDelete