The Things That Dreams Are Made Of 19
DISCLAIMER: The following is a work
of fiction. Any similarities to any written works and any person,
living or dead are purely coincidental. The story is intended for a
mature audience. It may contain profanity and references to gay sex.
If this offends you, please leave and find something more suitable to
read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or
use without written permission. Email the author at
miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Napapikit
si Josh, nagsisimula ng magsisi kung bakit pa niya binanggit ang
kaniyang totoong nararamdaman kay Igi sa kaniyang kaibigang si Neph
gayong alam niyang straight ito at iniisip na hindi nito
maiintindihan ang kaniyang nararamdaman para sa kanilang kaibigan na
nagkataon namang lalaki rin. Inihanda na ni Josh ang sarili na
makaring ng naghuhurumintadong sigaw mula kay Neph o kaya naman ay
ang pamamanhid ng kaniyang panga dahil ine-expect niyang susuntukin
siya ni Neph dito.
Kaya naman laking gulat
niya nang marinig niyang tumawa ng malakas si Neph. Agad-agad na
binuksan ni Josh ang kaniyang mga mata upang masiguro nga na si Neph
ang tumatawang iyon at hindi ibang tao na nakapaligid sa kanila.
Nahagip ng kaniyang mga
mata si Neph na maluha-luha na sa kakatawa habang sapo-sapo ang tiyan
at halos mabuwal buwal na mula sa kinauupuan nito. Ngayon na lang
nakita ni Josh ang kaibigan na ganitong kasaya kaya naman hindi niya
napigilan ang sarili na mahawa dito at mapahagikgik na din.
“What the hell is so
funny? I'm effin serious here!” saad ni Josh sa pagitan ng mga
hagikgik.
“I-I'm sorry. It's
just--- WHY THE HELL DID IT TOOK YOU THIS LONG TO REALIZE HOW YOU
REALLY FEEL FOR IGI?!” hindi makapaniwalang sabi ni Neph kay Josh
sa pagitan ng mga tawa.
“Anong ibig mong
sabihin?” humahagikgik paring tanong ni Josh, hindi makapaniwala na
iba sa kaniyang inaasahang reaksyon ang reaksyon ngayon ni Neph.
“You were always so
touchy feely with him even when we were still young. You always make
those googly eyes whenever you see Igi enter a room and you always
make those weird kinikilig sounds whenever he tells a joke or when he
calls your name.” eksaheradong may pakampay-kampay kamay pang saad
ni Neph maipahatid lang ang kaniyang punto kay Josh.
“I guess---” simula
ulit ni Josh.
“YOU GUESS?!” pasigaw
ulit na saad ni Neph na ikinatigil at ikinalingon ni Josh saglit
dahil napansin niyang nageeskandalo na silang dalawa sa loob ng fast
food chain na iyon.
“WAG KANG MAINGAY!”
singhal na balik ni Josh kay Neph.
“All I'm saying is
that, I've known since--- well--- I think, since we're five and now
you're going to tell me that you ONLY guess?” humahagikgik ulit na
saad ni Neph, hindi makapaniwala sa sinasabi ni Josh sa kaniya.
“Yeah, well, he doesn't
like me that way that I like him so---” simula ni Josh sabay
pabitin sa sinasabai habang nagkikibit balikat. Ang sinabing ito ni
Josh ay nag-iwan kay Neph upang magtaka.
“What do you mean 'he
doesn't like you the way you like him' ? Eh pareho nga kayong
nagbabatuhan lang ng malalagkit na tingin. Saka kailan pa nangyari na
hindi ka gusto ni Igi eh maski nga nung hindi kayo magkasundo noon sa
loob ng ilang taon nagpapapansin parin sayo yan para lang magkausap
kayo.” kunot noo na tanong ni Neph, hindi makapaniwala na si Igi pa
ang hindi magkaroon ng nararamdaman kay Josh gayong mas halata ito.
“Well, Lance
happened---” simula ni Josh na lalong nagpakunot ng noo ni Neph.
Hindi ito nakaligtas kay Josh kaya wala niya sa sariling ikinuwento
kay Neph ang tungkol naman sa pagseselos niya kay Lance.
000ooo000
“Hey! San ka galing
kahapon after school? Hinahanap ka namin ni Roan ah.” bati ni Lance
na nakasibanghot na si Igi nang makita niya itong pumasok sa CR upang
mag-ayos ng sarili.
“Had a bad afternoon
yesterday so I just decided to go home early and sleep.”
nakasibanghot paring sagot ni Igi na ikinibit balikat na lang ni
Lance. Alam niya kasi na ikukuwento ni Igi sa kaniya ang lahat ng
detalye kapag hindi na ito nakatiis.
“What's with the super
big bag?” tanong ni Neph sabay sipat sa dala dala ni Igi na
malaking bag.
“I have swim practice
later.” aburido paring sagot ni Igi.
“Huh? Kailan ka pa
inilaban sa mga swim meet?” tanong ulit ni Lance na ikinasimula ng
ikairita ni Igi.
“Since our star swimmer
got expelled for having sex inside the school premises.” bad trip
parin na sagot ni Igi.
“And are you moody
today because of being picked to swim against our rival schools and
the pressure is so high or is it because of something else?”
makahulugang tanong ni Lance na ikinatameme ni Igi saglit ngunit
ikinainis lalo ng sobra.
“Wanna know why I'm
fucking moody today? I'll fucking tell you why! First I thought I
finally got my best friend back, then I thought that we will become
more than friends only to find out that he just apologized and became
friends with me again so he can subtly take the lime light from me
and be named the best person in this damn school, there, now, you
know why I’m in a bad mood! Are you friggin happy now?!” singhal
ni Igi kay Lance na ni hindi naman natinag at agad na niyakap si Igi
sa loob ng walang taong CR upang pakalmahin.
“Sinabi niya ba mismo
yan sayo o in-assume mo lang yan? Kasi iba yung sinabi mismo sayo ni
Josh yan ng harap harapan kumpara sa yung ikaw lang mag isa ang
nagiisip ng ganiyan.” makahulugang bulong ni Lance kay Igi habang
yakap yakap ito upang makapante ito at para kahit papano naman ay
mabawasan ang sama ng loob nito.
“It’s just that he’s
been like that nung hindi kami naguusap so I can’t help but think
that kinabati niya lang ako para maisahan ako sa mga awards.”
paiyak na at masamang masama ang loob na sabi ni Igi habang
ibinabalik ang yakap kay Lance.
“Parang hindi naman
ganung kababaw si Josh.” balik naman ni Lance, sinusubukang
ipaintindi kay Igi na mali ang akala nito.
“H-hindi ko na rin kasi
alam ang iisipin. Lately bumalik siya sa pagiging asshole---”
simula ulit ni Igi na agad naming muling pinutol ni Lance.
“Alam mo kung ano ang
maganda mong gawin para di ka na mag-assume ng mag-assume? Mag-usap
kayo ng maayos.” mungkahi ni Lance, umaasa na sana ay pakinggan na
siya ni Igi at pumayag na na makipag usap kay Josh ng masinsinan
upang maitama na lahat ng ginawa ni Roan.
Tumango bilang
pagsang-ayon si Igi. Iniisip na tama si Lance, kailangan na niyang
kausapin si Josh ng maayos upang matigil narin siya sa pagiisip ng
kung ano ano. Pinahiran ni Lance ang nagiisang luha na tumulo mula sa
kaliwang mata ni Igi.
“Don't go to practice
today--- kailangan mo lang i-nuod ng sine yan tulad nung ginawa mo
nung first time nating manood ng sine---” simula ni Lance na sa
wakas ay nakapagpagaang ng loob ni Igi, marahang sinuntok ni Igi ang
malaking braso ni Lance at niyakap ulit ito ng mahigpit.
“Thanks for being so
good to me.” bulong ni Igi, sasagot pa sana si Lance ng 'walang
anuman' nang biglang bumukas
yung pinto at bumulaga sa magkayakap na si Lance at Igi sila Josh at
Neph na galing lamang sa malakas na pagtatawanan.
Ang
malalakas na tawanan ng dalawang bagong dating ay agad natigil.
Kitang kita ng kahihiwalay-hiwalay lang na sila Igi at Lance ang
malaking ngiti sa mukha ni Josh na unti-unting nabura at napalitan ng
pamumula at galit, tulad ng pagkabura ng malaking ngiti ni Josh sa
kaniyang mukha, dahan- dahan ding nabura ang ngiti sa mukha ni Neph
at napalitan ng takot, takot na baka masaktan ni Josh si Lance o kaya
si Igi dahil sa nakikita niyang galit sa mukha nito habang si Igi at
Lance naman ay nagulat sa biglaang pagpasok ni Josh at Neph sa CR
kung saan sila naguusap.
Hindi
alam ni Lance kung pano niya pa nakuwang ngumisi sa sitwasyon na yun.
Ang pagngisi na ito ni Lance ang tila lalong umudyok kay Josh na
gawin ang susunod niyang gagawin. Walang sabi sabing biglang sumugod
si Josh palapit sa kinaroroonan ni Igi at Lance. Inabot ng ilang
suntok ang mukha ni Lance.
Tila
napako si Neph at Igi sa kanilang kinatatayuan, nagulat sa biglaang
pag sugod ni Josh kay Lance. Hindi naman nagpatalo si Lance lalo pa't
hindi pwedeng balewalain ang mga suntok na ibinabato ni Josh sa
kaniya dahil malalakas din ito at siguradong mag-iiwan ng marka,
ilang suntok din ang lumanding sa mukha ni Josh na lalo nitong
ikinagalit.
Ilang
suntok pa ang binato ng dalawa sa isa't isa bago pa tuluyang nagising
sila Neph at Igi sa pagkakapako sa kanilang kinatatayuan at pumagitna
na sa dalawa. Inaambaan pa ng suntok ni Josh si Lance nang pigilan
ito ni Neph at susugurin pa sana ni Lance si Josh nang harangan ito
ni Igi.
“Tama
na.” bulong ni Igi kay Lance na hindi parin nagpapaawat.
“Siya
ang nauna!” singhal naman ni Lance at muli pang sinubukan na
makalampas kay Igi.
“Nag-usap
na tayo---” sigaw ni Josh kay Lance habang binabato ito ng masamang
tingin na agad namang pinutol ni Lance.
“Sabi
ko sayo na kausapin mo siya---” simula ni Lance ngunit si Josh
naman ang pumutol sa pagsasalita nito.
“Eh
pano ko siya kakausapin eh hindi ka umaalis sa tabi niya!”
“Sino
ba at ano ang pinaguusapan niyo?!” singhal ni Igi nang hindi na
niya napigilan ang sarili na magtanong patungkol sa tila
matalinghagang paguusap ng dalawa.
“Mabagal
ka lang talaga.” pasaring ni Lance na sa kabila ng pagkakaroon ng
hiwa sa ibabang labi ay nakuwa pang ngumisi, ang ginawang ito ni
Lance ay lalong nakapagpakulo sa dugo ni Josh na hindi napigilan ni
Neph at tuloy-tuloy nang sumugod muli kay Lance, dahil sa nabasa na
ni Igi ang iniisip ni Josh ay muli itong pumagitna sa dalawa.
Isang
nakakabinging suntok ang lumapat sa kaliwang pisngi ni Igi na
nakapagpadilim ng kaniyang paningin kaya't agad niyang ibinalik ang
suntok na ito kay Josh. Lahat ng sama ng loob na naipon sa loob ng
ilang linggo ay ibinuhos niya sa suntok na iyon. Saglit na natigilan
si Josh matapos lumapat ang kamao ni Igi sa kaniyang kanang pisngi.
Nagulat, nalungkot ngunit ang gulat at ang lungkot na iyon ay agad na
napalitan ng galit.
Galit
dahil sa pagaakalang ipinagtatanggol ni Igi si Lance dahil may
pagtingin ito dito. Pagtingin na dapat at hinihiling niya ay sa
kaniya nakatuon. Galit kasi nakuwa siyang saktan ni Igi para lang sa
isang taong kakikilala pa lang nito laban sa kaniya na kakilala na
nito simula pa nung mga bata sila.
Lahat
ng selos na kaniyang kinimkim at inipon laban sa akala niyang
relasyon nila Igi at Lance ay lumabas sa suntok na kaniya na ngayong
ibabato kay Lance, ngunit maagap si Igi, humarang ito muli sa harapan
ni Lance.
Sa
ikalawang pagkakataon, muling nakaramdam ng nakabibinging sakit sa
kaliwang pisngi si Igi, hindi niya mapigilang mapasigaw bago mawalan
ng malay.
000ooo000
“Are
you OK?” tanong ng nagaalalang si Neph nang makita niyang unti-unti
ng binuksan ni Igi ang kaniyang mga mata.
Hinintay
pa saglit ni Igi na luminaw ang kaniyang paningin saka tinignan si
Neph na nagaalalang nakadungaw sa kaniyang mukha. Lumingon-lingon si
Igi, nakilala niya ang lugar na iyon, asa school clinic sila, mataman
siyang tinignan ng school nurse nang marinig nito ang sinabi ni Neph.
“How
long was I out?” tanong ni Igi sabay sapo sa kaniyang kaliwang
pisngi, nang dumampi ang kaniyang palad sa kaniyang sariling pisngi
ay hindi niya napaigilan ang sarili na mapangiwi dahil sa sakit.
“Ten
minutes---” simulang pagsagot ni Neph kay Igi na agad namang
pinutol ng may katarayang school nurse.
“The
principal wants you to report at his office once you're awake.”
sabi ng nurse na ikinairap ni Neph.
“Can't
he just stay here for a while? Sampung segundo pa lang ata siyang
nagigising eh.” may pagakapilosopong sagot ni Neph. Binigyan lang
sila ng isang nakakatakot na tingin ng nurse kaya't wala na lang
siyang nagawa kundi ang alalayan si Igi na makatayo.
Tahimik
ang dalawa habang lumalabas ng clinic at habang binabaybay ang
mahabang corridor papunta sa opisina ng principal. Si Neph, nagiisip
ng magandang paraan upang matulungan ang kaniyang dalawang best
friend habang si Igi naman ay nagiisip ng ilang magagandang mura at
sumpa na ibabato kay Josh dahil sa patuloy niya paring nararamdamang
pananakit ng kaliwang bahagi ng kaniyang mukha isama na pati ang
panga.
“He's
worried about you, you know.” simula ni Neph na gumising kay Igi sa
pagiisip kung pano siya makagaganti kay Josh.
“Huh?”
tanong ni Igi.
“When
you fell after he hit you. He was so worried, I thought he's going to
cry.” sagot ni Neph, upang mapagaang ng konti ang ginawang
pagsuntok ni Josh kay Igi.
“Tsss!”
di makapaniwalang balik ni Igi sabay iling na agad niyang
pinagsisishan dahil sa sakit ng kaniyang kaliwang pisngi.
“Swear!
Di niya sinasadya, promise.” pangungumbinsi ni Neph kay Igi.
“Bakit
ba niya kasi biglang sinugod si Lance, eh nananahimik naman yung tao.
Saka ano ba yung pinaguusapan nila kaninang dalawa, bakit siya galit
na galit? Sinusumpong nanaman ba siya ng pagkabaliw!?” sunod sunod
na tanong ni Igi. Agad na nakaramdam ng kaba si Neph. Iniisip kung sa
kaniya ba talaga dapat manggaling ang impormasyon na iyon o iintayin
na lang niyang kausapin ni Igi si Josh.
“Ah---
uhmmm---” simula ni Neph na ikinataka ni Igi. “---we're here!”
palusot bigla ni Igi nang mapatapat na sila sa pinto ng opisina ng
principal.
“NO!
You're going to tell me why Josh suddenly attacked Lance!” singhal
ni Igi na agad ikinatameme ni Neph.
“I—I
wish I could tell you, Igi--- but I-I promised J-Josh that I'm going
to keep my mouth shut because he wants to say it to you personally.”
sagot ni Neph na lalong nakapagpalakas ng pagkaintrigero ni Igi.
“I---”
simula muli ni Igi.
“Talk
to him. Everything is going to be OK. J-just talk to him.”
makahulugan ulit na sabi ni Neph sabay katok sa pinto ng principal,
binuksan ito at itinulak si Igi papasok doon upang hindi na siya nito
matanong pa.
000ooo000
“The
three of you are suspended for three days.” striktong saad ng
principal matapos nitong malaman ang buong pangyayari kila Igi, Josh
at Lance.
Hindi
inintindi ni Josh ang parusang sinabi ng principal dahil abala siya
sa pagbato ng nagaalalang tingin kay Igi na miya mo hinampas ng
bulldozer sa mukha.
“But
it was Josh who attacked Lance. It was self defense!” tutol ni Igi
sa gustong mangyari principal.
Nagising
si Josh mula sa pagbabato ng nagaalalang tingin kay Igi nang marinig
niya ang pagtutol na iyon ng huli. Pakiramdam nanaman niya ay
iniisang tabi nanaman siya ni Igi at inuuna si Lance kaya't muli
nanaman sumiklab ang galit niya.
“He---”
simula ni Josh pero nang mapasulyap siya kay Lance ay nakita niyang
tila ba nagpipigil ito ng tawa pagkatapos ay ngumisi na tila ba ang
mga nangyayaring iyon ay ayon lahat sa kaniyang plano. Hindi siya
makapaniwala na nahulog ang loob ni Igi sa isang taong katulad ni
Lance gayong alam niyang mas mabuti pang sa kaniya na lang itinuon ni
Igi ang pagtingin nito at ngayon ipinagtatanggol pa nito si Lance
imbis na siya na mas mahaba pa nitong naging kaibigan. At dahil sa
naisip na ito ni Josh ay nabaling kay Igi ang kaniyang galit.
“Fuck
you. Igi.” pabulong ito pero hindi kaila sa tono niyon ang galit.
Ikinagulat ito ni Igi, Lance at ng principal.
“No,
Josh. Fuck You.” pabulong din itong sinabi ni Igi pero hindi
lang galit ang maririnig sa tono ng kaniyang mga sinabing ito kundi
pati lungkot.
“That's
it. You two just added two more days to your three day suspension.
Lance, you may go, your three day suspension starts tomorrow.”
striktong saad ng principal sabay tingin ng masama kila Igi at Josh
bago inangat ang intercom at tinawagan ang sekretarya. “Please call
Mr. Igi Saavedra and Mr. Josh Sandoval's parents. Thank you.” saad
ng principal sa kaniyang sekretarya sa kabilang linya matapos lumabas
ni Lance ng opisina.
“This
is so UNFAIR!” sigaw ni Josh sabay tayo.
“Where
do you think you're going?” strikto paring tanong ng principal kay
Josh.
“You
can't just let Lance go! He started all of this!” halos nagwawala
ng sabi ni Josh.
“Suspended
din si Lance---” simula ng principal, sinusubukang ipaintindi kay
Josh ang mga nangyayari.
“Eh
bakit parents lang namin ni Igi ang ipapatawag niyo?! Kung ipapatawag
niyo ang parents namin edi ipatawag niyo rin ang parents ni Lance!”
pagpupumilit ni Josh.
“Parents
are not called by my office just because their child threw a punch or
two but when a student swear in front of a teacher let alone the
school principal, then the parents has the right to know that their
child needs to be briefed with proper conduct, at yung briefing na
iyon ay dapat magsimula sa bahay niyo at parents niyo ang dapat na
magpasinaya non!” balik singhal na ng principal matapos kwestyunin
ng isang labing anim na taong gulang na bata ang kaniyang
pamamamalakad sa sariling skwelahan.
“So
you're telling me that throwing a 'punch or two' is more of a
'proper conduct' than swearing? Kasi kung ganon edi sana
sinuntok ko na lang pala si Igi sa harapan mo kesa sa minura ko
siya.” pilosopong balik ni Josh na nakapagpatameme sa principal at
nakapagpanganga kay Igi dahil sa gulat at dahil hindi siya
makapaniwala sa mga nangyayari. Ang pagkatameme at hindi
pagkapaniwalang ito ni Igi at ng principal ay nabasag nang marinig
nila ang tila ba kontrabidang tawa ni Josh.
“I
didn't know that this school's principal is a joke! I didn't know
that everything in this school is a joke!” singhal ni Josh, hindi
mapigilan ang sariling galit na lumabas.
“Josh---”
mahinahong simula ng principal. Alam niyang hindi sinasadya ni Josh
ang kaniyang mga sinabi at nadala lamang ito ng galit at handa siyang
patawarin at magbingi-bingihan sa mga masasakit na sinabi nito pero
agad din siyang pinutol ni Josh sa pagsasalita.
“Forget
it! I'm out of here!” singhal ulit ni Josh, sumulyap saglit kay Igi
na gulat na gulat parin sabay labas ng opisina at pabalang na isinara
ang pinto.
000ooo000
Hindi
makapaniwala si Josh sa kaniyang inasal habang naglalakad pauwi.
Ngayon, alam niyang hindi lang simpleng suspension ang kaniyang
kahaharaping parusa kundi malaki ang posibilidad na ma-expel pa siya,
ngunit wala na siyang magagawa, gusto niyang magmatigas dahil alam
niyang siya ang nasa tama ngunit alam niyang mali naman ang kaniyang
inasal imbis kasi na makiusap siya at ipagtanggol ang sarili sa
magandang paraan ay idinaan niya ito lahat sa sigaw. Napabuntong
hininga na lang si Josh at umiling.
“Igi hates me and
now I'm an out of school youth. San na lang ako pupulutin nito?”
tanong ni Josh sa sarili sabay
buntong hininga ulit. Kasabay nito ay ang pagharurot at biglaang pag
preno ng isang kotse malapit sa kaniya.
“Joshua
Sandoval! Get inside the car this instant.” sigaw ng isang babae sa
di kalayuan.
“Aunt
Cha?” kunot noong tawag ni Josh sa babae na nakasakay sa loob ng
isang kotse malapit sa kaniyang kinatatayuan.
Itutuloy...
The Things That Dreams Are
Made Of
“Chapter
19”
by:
Migs
Maraming Salamat sa patuloy na mga nagbabasa at nagco-comment kahit pa ubod na ng tagal ng aking pag-u-update. :-( Ayoko ng magpromise ng mabilisang update, baka kasi mabigo ko kayo lalo. Anyways, kung urat na urat na kayong magintay sa matagalan kong pag-u-update, pwede niyo pong bisitahin ang mga site na ito. Bukod sa magagling at magaganda ang mgs storya at authors ng mga site na ito, mabibilis pa po silang mag-update. :)
ReplyDeletehttp://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Igi: you're always welcome. Good luck sa studies, doc. :-)
frostking: sus, walang dapat ika obses sakin. Isa lamang akong simpleng tao. :)
Edmond: Spoiler ka! Hahaha!
Ryval winston: basang basa mo na ang takbo ng mga stories ko ah. Hahaha! Predictable na ba ako masyado?
Eelkahr: gagawa pa lang sila ng anak. Haha! Wag ka ng mainis. :-)
russ: sorry :( at tama ka. Super busy talaga. :(
makki: hahabaan ko na sa susunod.
Kean tongol: wag ka ng manggalaiti. Hihi. :-)
ian salapar: di ka pa nasanay. Haha!
MERVIN: isa ka pa, hindi ka na nasanay.
IyanChan: dyan ka nagkakamali. Saglit na lang ito. :-)
robert mendoza: you're welcome. Hehe, hindi ka pa nasanay sa pambibitin ko.
adik_ngarag: hahaha! Napapaputik ka na ba sa sobrang bagal ko mag-update. Sensya na. :-(
Mr. Brickwall: yung totoo? Bakit ala una y media ka na natutulog?! Hahaha! Yung Lance na pinagkuwanan ko ng character na yan, ganyan din ang ugali kaya masasabi kong may ganyan talagang tao. :)
ANDY: sorry saglit na lang to. :) dalawang chapters na lang hehe.
Calle 'aso: buti naman at may ganyan pang effect ang mga kwento ko sainyong mga readers.
MARK13: kailangan na talagang magka-ayos kasi may nakapila pang story ahahahahaha!
Erwin F.: haha! Di ko na pwedeng pakukumplikaduhin ang nangyayari. Matatapos na eh. Haha!
-Gavi: ayan pa, another back to back story. I love you too. OK na? Haha! :-) nako, masasabihan nanaman ako nitong malandi at manyak. SMH*
Lawfer: hahaha! Kilikili talaga ang nakalbo? Haha!
Akosichristian: malay mo biglang sumulpot si Liam. :-))
wastedpup: I love you more! :-) bibitinin ulit kita sa mga susunod na chaps.
Ric: go lang. :-) thanks and I want you to know that I'm very flattered po at binigyan niyo ng chance ang mga stories ko. Thank you.
Ar: yes malapit na siyang matapos. Sana masubaybayan mo parin ang bagong book kahit pa busy ka na. :-)
monty: stay tuned to find out. :-)
-Berto: thanks! :-)
Maraming salamat muli sa lahat and I love you all! :-)
Yay! Pumasok na sa storya c cha! :)
ReplyDeleteMasaya to.
Sir migs, salamat po sa update, God bless po.
~frostking
ayos to ah! rumble!!!! LOL
ReplyDeleteeto ang gusto ko.... sapakan! nahimatay pa si igi!!!! hahahaahahaha
ReplyDeletein fairness, gusto ko yung mga ginagawa ni lance! hehe
eeksena na si cha.... maganda to!!!
migs, thanks sa update kahit alam ko namang sobrang busy ka!
You're accusing me. =( (Bakit, di ba pwedeng magkapareho lang tayo somewhat ng wavelength? Hahahaha!)
ReplyDeletePero happy ako at umeksena si Cha. And wala pa rin siyang kupas. Pwede bang manghula.. na ang ending eh kasal niya?!
I was actually thinking of sending you an email about some thoughts, pero sana maisingit ko yun within the day (or this lifetime.. ganun?! Hahaha!).
- Edmond
i just love you kuya migs bcoz of these two chapters!!! I love it!!
ReplyDeleteJumping to chapter 20....tump!
Whaaaa. And I love this. :D Happy to have you back CHA. :DD
ReplyDeletetoo much complications, haizt buti aman at sumulpot na c CHA! hmmm ,mukhang magiging masaya e2. he he he. mejo nag kagulo gulo ata ung names ng character. like , palusot bigla ni IGI, DPAT ATA NI NEPH UN. HE HE HE
ReplyDeleteHi Migz,
ReplyDeletePosted na sa page ang unang chapter ng story mo...Love at its Best Book 1...
Thanks sa pagpayag...You can check it also on our page if may time ka magcomment ka rin hah sa story mo para makilala ka ng mga readers if okay lang sayo...
lamat and god bless...
Ito pala ang link
http://www.facebook.com/media/set/?set=a.484936254864211.113565.237919469565892&type=3
ric
ikaw na ang da best migs...isa ako sa mga silent reader mo pero its time for me to say thank you... sa mga obra mo... para mainspire ka pa na gumawa ng mga stories... i love the twists, the connections at lahat lahat... hope to see u at ilibre kita ng starbuck kasi un lang kaya ko eh.. just to show my token of appreciation at pasasalamat...
ReplyDeleteHabiby migs,,,tawa ko ng tawa sa reaksyon ni neph!hahaha
ReplyDeletekinakabahan kya ako kung ano mgiging reaksyon nya.hehe
para tuloy tanga lang tong c igi at josh..tago sila ng tago ng nararamdaman nila e obvious na obvious nmn na sa mga taong nkapaligid sa kanila!haha...puro kc charotdotcom eh.:p
nawindang nmn aq sa sagot ni josh sa principal!hahaha...lokong batang un.;D
-monty