The Things That Dreams Are Made Of 18
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities
to any written works and any person, living or dead are purely
coincidental. The story is intended for a mature audience. It may
contain profanity and references to gay sex. If this offends you,
please leave and find something more suitable to read. The author
maintains all rights to the story. Do not copy or use without
written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kunot
noo a pinapanood ni Roan si Lance at Igi na nagtatawanan at
paminsan-minsan ay naghaharutan. Agad na inayos ni Roan ang kaniyang
mukha ng makita niyang papalapit si Lance at Igi sa kaniyang pwesto,
pero kahit anong pilit niya sa pagngiti ay nabubura parin ito lalo
pa't nakikita niya si Lance at Igi na nagbubulungan tapos ay biglang
tatawa.
“Hi, Roan!” masayang bati ni Igi.
“Hey.” walang kalatuy-latoy na sagot ni Roan na
hindi nakaligtas kay Lance.
“Oh shit! I forgot! I-me-meet nga pala ako ni coach, I
gotta go! See you later, Roan and Lance!” paalam ni Igi na hindi
napansin ang pagiging malamig sa kaniya ni Roan.
“Yeah. See you later.” wala paring gana na sagot ni
Roan na hindi naman napansin ni Igi dahil sa pagmamadali at hindi
nakaligtas kay Lance na hindi mapigilang mapangiti at mapa-iling.
Hindi napansin ni Roan na hinahabol pala niya ng
masamang tingin si Igi at hindi niya pa ito malalaman kung hindi niya
pa narinig na humagikgik si Lance. Agad niyang ibinalik kay Lance ang
kaniyang pansin.
“What's funny?!” singhal ni Roan kay Lance na lalo
nitong ikinahagikgik at ikinailing.
“Nothing.” kumakalmang sagot ni Lance mula sa
sobrang paghagikgik na tila naman lalong nagpainit sa ulo ni Igi.
“Acting a little cozy with Igi?” nanghuhuling tanong
ni Roan kay Lance na lalong nagpatatag ng hinala niya sa maaaring
ikinakainit ng ulo ni Roan.
“Cozy?” nakangising pagkukumpirma ni Lance sa
kaniyang malakas na hinala.
“Yep. You guys looks like--- gay couple.”
sagot naman ni Roan, pilit na inaalis ang pagkadismaya at inis sa
kaniyang boses na siya namang tuluyan ng kumumpirma sa hinala ni
Roan.
“Jealous?” balik tanong ni Lance na ikinatameme at
ikinagulat ni Roan.
“Huh?! Why would I be jealous?!” halos
pagska-skandalo ng tanong ni Roan nang makabawi ito sa gulat at
pagkatameme.
“Well, maybe because you have a little crush on me?”
nakangising tanong ni Lance na ikinatameme ulit saglit ni Roan.
“What?! Haha! Nakakatawa ka naman. Why would I love
someone like you?” nakangisi naring balik ni Roan.
“Well, for starters, I'm gorgeous--” nakangisi at
mahanging sagot ni Lance na gumulat kay Roan. “Second, I'm not like
Neph who wouldn't appreciate you when you give your heart to me and
last but not the least, is because I like you and you wouldn't regret
liking me back.” pagtatapos ni Lance na siyang lalong
nakapagpatameme at siyang nakapagpamula sa mga pisngi ni Roan. Nang
hindi na sumagot si Roan ay nagsimula ng maglakad palayo si Lance.
“Oh
and the reason why I'm 'acting
a little too cozy'
with Igi is because I'm still fixing the mess you've made---”
pahabol pa ni Lance sabay sulyap kay Josh na nakatingin ng masama sa
kaniya, isinunod ni Roan ang kaniyang tingin sa gawi ng
nanggagalaiting si Josh at nakuwa niya ang pinaplano ni Lance. “--and
while I'm still at it, you should start thinking of ways on how to
tell Igi about the mess
you've
made and the troubles it caused him and Josh. Because after I'm done,
everything will be at it's place and the mess you've made will all be
coming back to you. So you better come clean this early.”
makahulugan at puno ng pagaalalang mungkahi ni Lance sabay itninuloy
ang paglalakad palayo.
0000ooo0000
“But coach, matagal na po akong hindi nagpra-practice,
baka po magkaproblema ako sa tubig kapag ako ang inilaban niyo.”
saad ni igi nang i-anunsyo na ng coach sa swim team at basketball
team na siya ang ilalaban sa swimming sa kabilang skwelahan.
“We'll practice everyday for the next two weeks
ma-i-kundisyon lang natin yung katawan mo.” pagpupumilit ng coach
na tila naman desperado na na makahanap ng maipapanlaban niya sa liga
matapos ma expel ang kaniyang pinakamagaling na manlalangoy. Dahil sa
pagpupumilit na iyon ng coach ay wala na lang nagawa si Igi kundi ang
manahimik, ngunit hindi ito palalagpasin ni Josh na hindi
makapaniwalang nakikinig sa bandang likod.
“Don't
do it, Igi.” panalangin ni
Josh sapagkat alam niya ang mangyayari sa mga manlalangoy na matagal
ng walang ensayo o kaya naman hindi pa ganong nakukundisyon ang
katawan sa matagalang paglangoy.
“Ikaw na lang ang pag-asa ng buong schol, Igi.”
pangungumbinsi pa ng coach na siyang nagtulak kay Igi na pag-isipan
pang maigi ang gustong mangyari ng coach bago siya sumagot.
“Isn't it dangerous to swim lalong lalo na kung hindi
nakundisyon ng maigi ang katawan mo?” tanong ni Josh na siyang
gumulat sa lahat lalong lalo na kay Igi.
“Yes---” simula ng coach, hindi na napigilan ni Josh
na putulin ito sa pagsasalita lalo pa't nagaalala siya na tanggapin
ni Igi ang alok ng coach.
“So you're telling Igi to risk his life on that pool
just to keep our School's name at the score boards? Wala ba man lang
kayong kapiranggot na concern kay Igi habang iniisip niyo ang
pansariling pagpapabango?” matigas na sabi ni Josh na ikinagulat
muli ng lahat lalong lalo na ang coach at ikinamula ng pisngi ni Igi.
“He
cares for me?” tanong ni Igi
sa sarili, sabay tingin kay Josh na agad namang sinalubong ang
kaniyang tingin. Hindi mapigilan ni Igi na matuwa sa kaniyang narinig
na iyon habang nagtititigan parin sila ni Josh kaya't hindi niya rin
mapigilan ang mapangiti ng konti na hindi naman nakaligtas kay Josh
na agad ding namula ang mga pisngi nang maisip na nalaman ni Igi na
concern siya dito.
Ngunit ang ngiti at tuwa na nararamdaman ng dalawa ay
agad na nabura nang gisingin ni Igi ang sarili mula sa para sa
kaniya ay malapanaginip na ideya na ito. Sumagi sa isip niya na
taktika lamang ito ni Josh upang alukin din ito ng coach na lumaban.
Pumapapel katulad noong mga panahon na hindi pa sila nagkikibuan ulit
matapos ang mahabang hindi pagkakaintindihan, katulad noong malimit
pa itong makipagpataasan sa kaniya ng ihi.
“Who
am I kidding. This is Josh the asshole. Josh the asshole never cared
for me. I'm even sure that he doesn't even know what caring is.”
pangungumbinsi ni Igi sa sarili
habang binubura ang pamumula ng kaniyang mukha at ang matamis na
ngiti na kanina lamang ay nasa kaniyang mukha nang akalaing concern
sa kaniya si Josh.
Ang unti-unting pagkawala ng matamis na ngiti at
pamumula ng pisngi ni Igi ay hindi nanaman nakaligtas kay Josh na
katulad ni Igi ay unti-unti ng nawawala ang ngiti sa mukha, nagulat
na lang si Josh nang biglang naging malamig ang kanina lang ay
magalak na pakikipagtitigan sa kaniya ni Igi at hindi nagtagal ay
nagsimula na siyang malungkot nang biglang i-iwas ni Igi ang kaniyang
tingin mula kay Josh.
“I'll do it.” mahina pero rinig na rinig na sagot ni
Igi na siyang nagtatak ng isang napakalaking ngiti sa mukha ng coach
at isang malungkot na tingin mula kay Josh.
Tinignan maigi ni Josh si Igi na tila naman
nakahalatang nakatingin parin sa kaniya ang huli dahil agad nitong
ibinalik ang tingin ni Josh. Hindi na nila napansin na unti-unti ng
nauubos ang tao sa kanilang paligid dahil sa tapos na ang meeting na
ipinatawag ng coach. Nang silang dalawa na lang ni Josh ang asa loob
ng locker room ay wala sa sarili itong nilapitan ni Igi at
sininghalan.
“Stop acting like you care.” singhal ni Igi na
ikinagulat ni Josh, hindi na inintay pa ni Igi si Josh na sumagot
dahil agad na itong tumalikod at nagsimula ng maglakad palabas ng
locker room.
“B-but I do care!” habol sigaw ni Josh kay
Igi na malapit na sa pinto ng locker room.
“Bullshit---!” pabulong pero puno ng galit na sabi
ni Igi.
“---simula noong nagsimula tayong mag high school
lahat na lang ng ginagawa ko kinumpetensya mo!” umiiling na
pagtatapos ni Igi, hindi makapaniwala na nagbubulaan si Josh.
“I-I- c-care for you, Igi.” nakayuko ng bulong ni
Josh. Hindi mapigilang masaktan sa paraan ng pakikipag-usap sa kaniya
ni Igi, hindi makapaniwala na tagos hanggang buto ang galit nito sa
kaniya gayong wala naman siyang natatandaan na masamang ginawa dito.
“I'm not going to let you steal the lime light from me
again. The coach asked me to swim and not you, so deal with
it. You don't have to pretend like you care so you can take the spot
from me, because I'm not going to give it to you.” mainit na saad
ni Igi na tila naman sumaksak sa puso ni Josh. Ramdam na ramdam niya
kasi ang galit sa mga sinabi nito. Galit na hindi niya parin
maintindihan kung san nanggagaling. Gusto sana niya itong itanong kay
Igi ngunit mabilis na itong nakalayo sa kaniya.
0000ooo0000
“Ano bang ginawa kong masama?” tanong ni Josh kay
Des. “And why the fuck is it so hard with him, samantalang sayo di
naman ako nahihirapan ng ganito.” umiiling at tila ba dismayadong
pagtatapos ni Josh.
“Because
you love him.” sagot ni Des sabay kibit balikat na tila ba ang
tanong na iyon ni Josh ay madalas na niyang naririnig mula dito.
“I also loved you, Des. But what we had was nothing
like this. It's like I'm running through an obstacle course.” sagot
muli ni Josh sabay higop sa straw ng kaniyang iniinom na softdrink.
“Because what you have for him is true love that's
why.” sagot ulit ni Des sabay kagat sa kaniyang sandwich.
“I thought true love is supposed to be like magic and
fireworks, like playing a guitar in tune and as natural as breathing.
What I feel for Igi is no magic and certainly not fireworks, like
playing a guitar for the first time, definitely out of tune and like
being suffocated.” umiiling at frustrated na frustrated na sabi ni
Josh na ikinailing narin ni Des.
“Kasi naman nagpapaka eng-eng pa kayong dalawa! Tanong
kayo ng tanong sa ibang tao eh kung sa isa't isa niyo na itinatanong
yan edi matagal na kayong nagkaintindihan!” singhal nanaman ni Des
na ikinagulat ni Josh.
“I tried, Des. I swear, I tried talking to him but he
just wont let me explain!” balik naman ni Josh.
“Try harder!” singhal ulit ni Des.
“B-but I don't know how to!” balik naman ni Josh,
hindi maikakaila ang tono ng tila ba nawawalang bata sa boses nito na
siyang tumunaw sa pagkairita ni Des.
“I wish I can help you with this, Josh, but only you
can fix this. In time, I'm sure you will know what to do.”
mahinahon ng balik ni Des kay Josh, nagiisip ng magandang isasagot
pabalik si Josh ngunit naputol ang pagiisip na iyon ng biglang may
kumatok sa pinto ng kwarto ni Des.
“Come in.” tila excited na saad ni Des na hindi
naman nakaligtas kay Josh.
Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ni Des, tila
ba lalong pina-suspense ang tagpo at nang tuluyan nang makita kung
sino ang kumatok na iyon ay agad na naintindihan ni Josh kung bakit
biglang na-excite si Des.
Napa-isip tuloy si Josh dahil sa naobserbahan na ito.
Nung sila pang dalawa ni Des ang nasa relasyon ay ni hindi maalala ni
Josh na nakita niya na na-excite si Des sa tuwing pumapasok siya ng
kwarto, ang naobserbahan din na ito ni Josh ay siyang nagdulot sa
kaniya ng kaunting pakiramdam ng panliliit at inis dahil muli niyang
naalala ang panggagago sa kaniya ni Neph at Des pero ang talagang
sumira sa kaniyang hapon na iyon ay nang maisip niya na hindi niya
rin alam kung katulad ng pagliwanag ng mukha ni Des ang mukha ni Igi
sa tuwing nakikita siya nito o nakareserba na iyon kay Lance.
“Bwisit
na Lance.” bulong ni Josh.
“Huh?” tanong ni Des nang makarinig siya na tila ba
nagsalita si Josh nung bala siya sa pakikipagtitigan kay Neph na tila
naman kinakabahan na awayin nanaman siya ni Josh.
“Wha--?” simula ni Josh, hindi makapaniwala na
nasabi niya pala ng malakas ang kaniyang iniisip. “--oh, I s-said
I'd b-better go. May pupuntahan pa ata kayo eh.” palusot ni Josh na
lalong ikinakaba ni Neph.
“OK.” kibit balikat na saad ni Des, napatingin dito
si Neph. Natunugan niya na may pinaplano ito.
“I-ingat.” saad ulit ni Josh.
0000ooo0000
Nakita ng nanay ni Des ang nagmamadaling si Josh
palabas ng kanilang bahay. Agad niyang itinaas ang tingin at nagtama
ang tingin nilang mag-ina, kitang-kita ang sinenyas ng kaniyang anak
Hindi na nagaatubili pa si Mila na tawagin si Josh.
“Joshie, anak. Pwede bang patulong muna sa mga
pinamili ko?” tawag ni Mila kay Josh na noon ay asa tabi na ng
kanilang front door habang si Des ay nangingiti-ngiti at si Neph
naman ay malungkot na nakatingin kay Josh.
Dahan-dahan at mabigat ang loob na lumapit si Josh kay
Mila at tinulungan ito sa mga pinamili nito. Umiiling na sinulyapan
ni Mila si Josh at tila ba unti-unti nang nakukuwa ang gustong
mangyari ng anak. Naikuwento narin kasi ni Des ang hindi pagkikibuan
ng dalawa at si Des bilang isang mabuting kaibigan din ng dalawa ay
gusto ding magkabati na ang mga ito.
“Ma, labas lang kami ni Neph.” paalam ni Des na
lalong ikinailing ni Mila.
“Napagusapan na natin ito diba? We're going to prepare
a special dinner for your dad, remember?” singit ni Mila, nakita
niya kung pano pigilan ng anak ang pagngiti nito na agad na umarte na
tila ba may nakalimutan nang humarap dito si Neph.
“Oh no. But Neph already bought two tickets para sa
movie na gusto naming panoorin. Sayang naman, Ma.” kunwaring
malungkot na sabi ni Des habang nakatingin dito si Neph na tila
nagtataka at si Josh naman ay pilit na nagbibingi-bingihan sa
paguusap ng tatlo habang inaayos ang mga pinamili ni Mila sa ref.
“Well, I can't do this special dinner alone.” balik
ni Mila.
“It's OK. We can cancel it---” simula ni Neph na
agad ding pinutol ni Des.
“Why don't you take Josh with you! Alam ko, gusto
narin niyang panuorin ang movie na iyan eh---!” excited na saad ni
Des na tila ba ang naisip niyang iyon ay isa sa pinakamagaling na
idea na naisip niya sa tanang buhay niya.
Naibagsak ni Josh ang kaniyang hawak-hawak na melon
habang si Neph naman ay nakatitig lang sa kawalan na tila ba ang
sinabing iyon ni Des ay isang napakahirap na math problem para sa
kaniya.
0000ooo0000
Nagtataka, naguguluhan at nagaalangan. Yan ang mga
pakiramdam na tumatakbo sa pagkatao nila Neph at Josh habang nasa
sasakyan sila ni Neph. Nagtataka kung paano sila nakumbinsi ni Des na
magkasamang pumunta sa sinehan, naguguluhan kung paanong hindi sila
pareho tumanggi sa iminungkahi na iyon ni Des at nagaalangan kasi
hindi parin nila alam hanggang ngayon kung pano makitungo sa isa't
isa matapos nilang magsuntukan sa food court.
Sabay na bumaba sa sasakyan ang dalawa nang makarating
na ang mga ito sa mall, wala paring imikan, patuloy parin sa
pagaalangan hanggang sa makapasok sa loob ng mall. Di man magkatabing
naglalakad papunta sa sinehan ay hindi parin mapigilan ng dalawa ang
makaramdam ng pagaalangan.
Nauunang maglakad si Neph, hindi na niya inaasahan na
susundan pa siya ni Josh kaya naman laking gulat niya nang makita na
nagbigay din ang huli ng ticket sa taga kolekta ng mga ito bago sila
pumasok sa mismong sinehan. Wala pa halos tao sa loob ng sinehan,
naguguluhan parin si Josh, alam niyang ayaw niyang makausap o
makasama manlang pero hindi niya rin ito magawang iwan dahil siguro
ayaw niyang magalit sa kaniya si Des at may ilang parte din ng utak
niya na nagsasabi sa kaniya na namimiss na niya ang pagkakaibigan
nila ni Neph.
Lahat ng pagaalangan, galit, pagkagulo, pagtataka ay
tila magic na nawala nang magsimula na ang pelikula na kanilang
pinapanood. Nawala na sa isip ng dalawa na kaaway ang turing nila sa
isa't-isa dahil sa komedya na pinapalabas sa malaking screen. Hindi
na napigilan ng dalawa ang humagalpak lalo pa't pareho nilang naalala
si Igi noong unang beses nilang sinubukang uminom ng alak katulad ng
mga bida na pinapalabas sa malaking screen.
Natigilan ang dalawa sa kanilang ginagawa lalo pa't
hindi nila sinasadyang magpalitan ng tingin. Saglit silang nanahimik
kahit pa ang buong sinehan ay nababalot ng pagtawa.
“I-I'm sorry, I didn't mean to hurt you. I didn't mean
to mess up your relationship with—-” “I'm sorry for kicking
your ass” sabay na sabi ng dalawang magkaibigan saka nagpalitan ng
ngiti.
““Nah, it's OK.”” sabay ulit na sabi ng dalawa
na muling nakapagpahagalpak sa kanila.
“So we're good then?” tanong ulit ni Neph.
“Yup.” sagot naman ni Josh saka nagkamayan ang
dalawa at ipinagpatuloy ang panunood ng sine at pagtawa ng wagas.
0000ooo0000
Matapos manood ng sine ng dalawa ay naisipan ng mga ito
na kumain muna sa isang fast food na madalas nilang kainan noon.
Punong-puno man ang mga bibig ay hindi parin mapigilan ng dalawa ang
magkwentuhan, tila bumabawi sa ilang linggo nilang hindi pagkikibuan.
“Soo, who's the lucky girl?” tanong ni Neph, hindi
kasi siya makapaniwala na OK na agad ng ganun-ganun lang kay Josh ang
kaniyang ginawang pangaagaw kay Des. Malayong-malayo sa kaniyang
pagkakakilala dito na ipaglalaban ng patayan si Des. Saglit na
natahimik si Josh at sumeryoso na agad ikinabahal ni Neph, iniisip na
masyado pang maaga para magtanong ng mga ganung bagay kay Josh. Pero
nakahinga din ng maluwag si Neph nang makita niyang mamula ang mga
pisngi ni Josh at dahan dahang ngumiti.
“I'm in love with somebody else. Des made me realize
it. Akala ko noon si Des na yung para sakin, as it turned out, I only
love her as a sister.” nangingiti-ngiting sagot ni Josh lalo pa
nang biglang sumingit sa kaniyang isip si Igi. Hindi narin napigilan
ni Neph ang mapangiti.
“So--- who is the lucky girl?” tanong ulit ni Neph.
Saglit na natigilan si Josh at tumingin sa mga mata ni Neph nag
seryoso, tinitimbang kung ano ang magiging reaksyon ni Neph kapag
sinabi niyang si Igi ang kaniyang mahal.
“I-I'm in love NOT with a girl but with a boy.”
pahaging na simula ni Josh na ikinahagalpak ni Neph, iniisip na
nagbibiro lamang ang kaibigan ngunit agad ding natigilan nang makita
niya ang pamumula ng pisngi nito at tila ba hindi mapakali.
“I-I'm i-in l-love with Igi.”
Itutuloy...
The Things That Dreams Are
Made Of
“Chapter
18”
by:
Migs
Hello guys. Pasensya na ulit sa matagal na pagpopost. Alam niyo na po kung bakit. Nais ko po sana ulit kayong imbitahan na bisitahin ang mga blog na ito. Hindi po kayo magsisisi! :-)
ReplyDeletehttp://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
At syempre ang pinaka idol ko sa lahat:
http://zildjianstories.blogspot.com/
Moon Sung-Min: sorry but I do not tolerate violence in this blog. Hahahahaha! Ikaw na ang bayolente!
_ian: you're welcome! :-) eto na ulit ang back to back chapter!
Makki: thanks.
IyanChan: pinapamukha ko lang sainyo ang kahalagahan ng “communication” hahaha! Thanks! Ayan ulit, may nasinghot ulit akong magandang hangin! Haha!
Igi: thanks! Good luck sa mid terms!
Lawfer: sorry at ako pa pala ang naging dahilan ng pagkakaroon mo ng altapresyon.
adik_ngarag: thanks! Ayan, back to back ulit pero hindi ko maipapangako na hindi na ito cliff hanger! Haha!
Ryval winston: Thanks sa comment and don't worry, magkakausap nadin ang dalawang iyan. :-)
Roan: gusto ka na nilang ibitin patiwarik. Haha! :-)
Anonymous September 1, 2012 2:35 PM: Sana po makapagcomment pa kayo next time at sana po pakilagyan na po ng name para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. :-)
Dalisay: Thanks!
Akosichristian: salamat naman at natanggap mo na na wala na si Liam sa picture na ito? Hahahaha!
ANDY: wish granted.
Kean tongol: that was what I'm after, yung mainis kayo. Hahaha!
Mr. Brickwall: I was just joking. Thanks! Mwah! Hahaha!
Gavi: inatyin mong makita ako bago mo sabihin na mahal mo ako, baka kasi magbago pa ang isip mo. Hahahahaha! Ayan, wish grated. Back to back chapters!
Foxriver: that is waht this tory is all about. That is what being a teenager is all about.
Edmond: soon. Baka sa next back to back chapters may cha na na lumabas.
-frostking: you and moon sung-min are bad. Hahahahaha!
Monty: edi natapos na agad ang kwento kung gayan? Hahaha!
Wastedpup: you're welcome. ILY! :-P
Pasensya na kayo sa maikli kong sagot. Halos mag be-bente kwatro oras narin kasi akong gising kaya ganyan. Pagpasensyahan niyo na. Thanks guys sa patuloy na pagsubaybay and I love you all! Mwah!
:D Thank you again KUYYYYAAAA!!! :D :D :D
ReplyDeleteAnyway, been through a lot this whole sh*t of a day. But can't help but still smile because of your story. Thank you po tlaga. Same2 parin comment ko. EXCELLENT as always. It did make me realize a few things that I'll always be thankful to you about. Again, keep up the good work and God Bless you always! :D
-iGi
Waaaa. Nabitin na naman aq. :)
ReplyDeletePero masaya parin kasi nag update ka.
Na oobses na ata ako sayo. xD
~frostking
At least wala nang rason for Roan para magpaka-bitter 'coz mukhang MU sila ni Lance.
ReplyDeleteI hope Neph and Des really brought some sense sa pag-iisip nina Igi and Josh. If not, there's always Aunt Cha to look forward to. (Kulit ko, hahaha!)
- Edmond
haist. Si Igi naman t0ng ayaw makipag usap ng maay0s kay Josh.haist.pero that's life tlga my mga ta0ng d nakikinig lalo pag nasaktan sila.
ReplyDelete.buti nalang at ok na sina josh at neph.pasasaan pa't sila rin magkakatulungan.bestfriends eh. I'm sure matatanggap ni neph kung sino man ang gsto n josh mapababae man o lalaki.
Sana magkaay0s na sla ni Igi .para hapi ult.:)
nakakainis na ha......
ReplyDeleteaway ng away ung dalawa....
nakakahigh blood....
at isang malaking BUT !!!!!!
i think ung 2 bagets dn ang magiging reason ng pagkaka-ayos nina ram at migs.....
ala ba anak cna edison at jake??????
-eelkahr
Baog sila pareho. Hahahahaha! Saka may anak na si Edison, ung life-size nyang stuff toy. HAHAHAHA
Deletenice migs..prangkahan talaga na ito.
ReplyDeletemigs di halata na super busy ka..
ayun bitin! LOL
ReplyDeleteAhh. Ganun pla? Sige, Hindi ako naiinis. Hahaha
ReplyDeleteKundi, nanggagalaiti ako. Hahahah.
Migi boy, masyado mu kaming binibitin at pinasasabik.... Hehe 'til the next chapter... =)
ReplyDeleteugh!!! a CLIFF-HANGER..:)
ReplyDeleteMay sa kung anu talaga sa salitang "pagpapamukha" Hahahaha! Parang may galit Migs?! Hahahaha!! May sa kung anung mabuting hangin ka nga nanamang nasinghot meron namang halong kakapirangot na masamang hangin. Lol! Migs binitin nanaman kami ng kwento mo kahit na sabihin mo pang back to back chapter yan! Hahahaha! Anyway Migs as always yo never fail to amuse us with this things. Pero sa ngaun isa nlng ang nsa isip ko, ano kaya ang mangyayari kay Lance at Roan after nito? Pero mukhang mahaba haba pa ang storyang ito. Hahahahahaha!
ReplyDeleteumph! super bitin aman migz, kaw talaga. but tnx sa back to bak update.
ReplyDeletewaahhhhh!!!!
ReplyDeletesobrang ganda ng chapter na to!
unti-inti nang umaamin si josh na mahal nya si igi!!!
migs, sulit na sulit ang paghihintay ko sa update mo.... wala kang kapantay.... sa pambibitin! hehehe
sana mabilis lang yung pag update mo dahil kahit kakatapos ko pa lang magbasa, hindi na ako makapag-hintay na mabasa yung next chapter!
putik talaga! haha
Hmp. joke daw. hmp tlga. hmp hmp hmp!
ReplyDeleteanyways, kahit na uber toxic ang trabaho, eto't may nagpapaligaya pa din naman na magandang light love story.
ayan! sana makatulong si pareng neph sa dalawa nyang nag-iinarteng mga kaibigan. gambatte nephy!
sobrang nakakabaliw ang personality ni lance. sa totoo, sya pinakagusto ko. sana may ganyang tao sa totoong buhay. waah! lance lance lance. hay hay hay..
o sya, 1:30am na. may pasok pa ng 9am, luluwas pa.
good nyt kuya pati sa mga kapwa ko tagasubaybay.
sweet dreams.
lance lance lance! kulet!! ^^
Yahoo!!!! Okay na ang lahat except Igi ang Josh! Haha! Sana wag muna maging okay ang dalawa para mahaba pa ang kwento, sana maging kontrabida ulit si roan! (LOL ngayon naman gusto ulit maging bad si roan, wala ng suotan si kuya migs)
ReplyDeleteWeee. Sobrang kilig!!!! :DDD
ReplyDeleteWooo..,done reading,ang ganda ng takbo ng story,unti-unti ng naaayos ang gusot,hope magkaayos na din ang love birds,hahaha... :))
ReplyDeleteAyun yun eh!
ReplyDeleteMigs, wag mo sabihin na mag OA reaction si neph sasampalin ko yan promise.
hhahahaha!
Sir!!! Maraming salamat sa pag tupad sa kahilingan ko...another back-to-back chapters, pero sana makatanggap na din ako ng i love you too. lol going back, eto na siguro yung pinakakinilig akong chapters...lalo na yung lasing part. :) at ginamit mo ulit ung "firework and magic" sweeeeeeeeeeeeeeeet.
ReplyDeletehmmmmm bakit naman magbabago isip ko pag nakita kita?? I don't think so. :p hehehe love pa din kita.
-Gavi :)
bwahaha d pa naman alta prexon kw naman xD kaya pa kontrolin haha
ReplyDeletehmm macular degeneration!
lalung lumalabo ang estado nila :(
sna maayos na para naman hapi na cla... at sna mgkaayos na dn parents nla nu, mai golai ilang taon na my pgka ampalaya pa cla
nkakalbo kilikili q sknla
al hamdullah!!! everything's going well na.. :p
ReplyDeletelance-roan nlng.. :p cge na idol tanggap ko ng wla c liam.. :p peo umaasa pa rin ako.. lol
positivity ang aura ko ke igi at josh.. :p
Kung makapambitin ka talaga mahal kong Migz ay sobrang wagas talaga. Da best ang Back2Back na mga chapters. As always, hands down and two thumbs up ako sa iyo my Labz. Ingatz Migz. I love you po. Sobra. Mwah
ReplyDeletehi migz,
ReplyDeleteipopost ko na sa page ang story mo hah?inform lang kta pag nagstart na ang posting...pinapagawan pa po kasi namin ng cover photo.
ric
thanks sa update migz...mukhang malapit ng magkaayos sina igi at josh.
ReplyDeletewaiting 4 da next chapter.ingatz
ric
Author Migs!
ReplyDeleteWassup! haha 4 chapters,naging busy siguro talaga ako ngayon week na to XD
anyway nafefeel ko na tama ang kutob ko sa mga mangyayari at one of it is malapit na matapos ito XD haha
may teaser ng ulit ng bagong mong book :D ayos!
-aR
andami nang ups and downs! woo! naeexcite na ko. kelan next chapter migs? hehe
ReplyDeleteaunoh!nagkaaminan na!haha...ano kayang reaksyon ni neph??hihihi...
ReplyDelete-monty
wahahaha...hay na lang...sarap sapakin ni iggy...hay na lang pakipot pa...gusto rin naman nya...nakers...wahahaha..nice one migz!..hahaha
ReplyDelete-Berto-
this is awesome migz grabe nalason na tlaga ni roan ang utak ni iggy. But it's great na nagkaayos na si josh and neph can't wait to read kung kailan magakakaayos si josj and iggy.
ReplyDeletehave agreat day and keep on writing migz....