Monday, September 17, 2012

The Things That Dreams Are Made Of 20

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi alam ni Josh kung bakit siya biglang kinabahan nang makita niya ang galit na galit na mukha ng kaniyang tiyahin. Dahan- dahan siyang lumapit sa sasakyan pero hindi muna siya pumasok dito. Ang kaniyang tiyahin na iyon ang kabaligtaran ng kaniyang amang si Ed, kung ang kaniyang ama na si Ed ay seryoso at laging about the business ang tipo si Cha naman ang out going at ang laging nakatawa kaya naman ang makita niya ang tiyahin na nakabusangot ang mukha ay talaga namang nakapagpakaba sa kaniya.


H-hi auntie.” nauutal na bati ni Josh kay Cha nang makalapit na ito sa sasakyan.

Get in.” singhal ni Cha.


Oh uhmmm I-I h-have somewhere else t-to b-be. O-OK lang ako, Auntie. Maglalakad na lang ako.” kinakabahan at namumutla ng sagot ni Josh. Ang kaba na iyon at pamumutla ay agad na napalitan ng takot nang makita niya ang nandidilat na mga mata ni Cha.


I. SAID. GET. INSIDE. THE. CAR.” singhal muli ni Cha.


O-OK.” wala ng nagawa pa si Josh kundi ang sumunod sa tiyahin, binuksan niya ang pinto ng passenger seat ngunit agad din siyang pinigilan ni Cha.


Not there. My Gucci is sitting there.” pasinghal ulit na saad ni Cha, muling isinara ni Josh ang pinto at binuksan ang pinto sa may backseat at laking gulat niya nang makita niyang nakasakay din dun si Igi. Nagtama saglit ang kanilang mga tingin. Si Igi ang unang nagiwas ng tingin kaya't kitang kita ni Josh ang nagsisimula ng mamaga na kaliwang pisngi ni Igi. Halos ihampas na ni Josh ang sarili sa bubungan ng sasakyan ni Cha dahil sa sobrang pagsisisi sa kaniyang pananakit kay Igi.


ANGTAGAL AH!” singhal uli ni Cha na siyang gumising sa pagtitig ni Josh kay Igi.


000ooo000


DAMIT!” singhal ulit ni Cha nang maabutan sila ng trapik may isang kilometro pa ang layo sa condo nila Migs at Ed.


Being called because their kids are pasaway, forcing me to leave my date! A date that could've make my lonely life, beaming with joy! And now I'm friggin stuck in traffic with a boy who has a swelling left cheek and a boy with a temper and a busted lip!” sunod sunod na pagpapalabas ng sama ng loob ni Cha.


I-I'm sorry, Auntie.” pabulong na sabi ni Josh mula sa likod ng sasakyan.


Sorry?! What if I say that sorry doesn't cut it?! I'm 32. Wala na ako sa kalendaryo, Josh. Baka yung date na yun na ang mapapangasawa ko tapos tatawagan pa ako ng mga magulang niyo kasi nagsuntukan kayo sa loob ng CR?! Geesh! Ni hindi manlang kayo pumili ng mas malinislinis na lugar kung saan mag-aaway! Tapos uupo kayo sa leather seat ng kotse ko--- Tapos yung mga magulang niyo naman hindi manlang lumiban sa duty, o kaya sa trabaho nung tinawagan ng principal tapos ako at ang date ko ang iistorbuhin! Buti nga't may nabulag pa sa red lipstick ko at pumayag makipag date sakin!” sumisigaw na saad ni Cha na nakapagpangiwi sa dalawang bata sa likod.


Pilit na pinakalma ni Cha ang sarili, inabot ang Gucci na bag, kinuwa ang isang cup cake mula sa loob non, kumagat, ngumuya atsaka nagbuntong hininga. Nang malunok na ang cupcake ay inabot naman nito ang tumbler na may naglalamang kape at uminom, tumingin sa salamin pagka inom, kinuwa ang lipstick at muling pinapula ang mga labi.


Bakit ba kasi kayo nag-away?” kalmado ng tanong ni Cha sa dalawa na agad namang nagalangan kung sasagot o hindi.


He attacked my friend, Tita.” depensa ni Igi na sa unang pagkakataon ay nagsalita.


I did not!” singhal pabalik ni Josh.


Oh, then what do you call launching yourself at someone while throwing punches at his face?” halos pasigaw na balik ni Igi kay Josh.


He was smirking like a boss! Who wouldn't be ticked off with that!” singhal naman ni Josh pabalik.


Habang nagsasagutan ang dalawa ay hindi nila napansin ang nagtatakang tingin ni Cha gamit ang rear view mirror. Pilit na inaalala kung saan niya nakita ang ganong tagpo. Hindi mapigilan ni Cha ang mapangiti nang maalala niya kung saan niya nakita ang tagpong iyon.


Nobody told you to catch the punch intended for that retard!” singhal pabalik ni Josh.


You're the retard!” balik naman ni Igi.


ENOUGH!” sigaw ni Cha na ikinatahimik ng dalawa.


000ooo000


How come you're so sure that it was my son's fault?!” naabutang singhal ni Ram kay Migs nila Cha, Igi at Josh nang dumating ang mga ito sa condo nila Migs.


Well, I know my son. He's not a war freak and a scandalous jerk like you used to be when we were younger. Who knows Igi got it from you.” balik ni Migs kay Ram sabay itiniklop ang mga kamay sa kaniyang dibdib habang si Ed at Martin ay umiiling lang na nakaupo sa kanilang sofa habang pinapanood ang dalawa sa kanilang hindi matapos tapos na debate.


Son of a---” simula ni Ram na pagmumura bilang sagot sa insultong ibinato sa kaniya ni Migs ng sumingit agad si Cha.


ENOUGH!” singhal ni Cha sabay tingin ng masama sa apat.


No wonder these boys takes fighting as a hobby! They look up to their parents!” pahabol na singhal ni Cha na ikinagulat at ikinatameme ng lahat.


JOSHUA! LUIGI! Get your bags and put some clothes in it! You're staying with me until your parents sort their issues!” utos ni Cha sa dalawang bata.


““B-but---”” sabay na simula ni Igi at Josh.


NOW!” sigaw ni Cha sa dalawang bata na agad namang naglakad patungo sa kani-kanilang kwarto.


Now you butt heads listen to me good because I'm just going to say this once---” simula muli ni Cha, puno ng lason ang kaniyang boses na lalong ikinatameme ng apat na lalaki sa sala. “---When we come back. I want you all friendly and nice to each other, because if you don't then I'm going to take the kids away from you---”


You can't---” simula ni Migs ngunit agad siyang pinutol ni Cha.


Bitch, believe me, I can.” singhal ni Cha na nakapagpatameme ulit kay Migs, alam niyang seryoso si Cha sa mga banta nito.


I'm going to tell the world how unfit parents you four butt heads are! Close minded people will back me up! Being a gay couple with a teenager son is not that accepted in our community yet. This thing between you guys have gone too far already, it's time for someone to end it especially now that your kids are starting to behave like you butt heads behave.” pagtatapos ni Cha. Sakto namang lumabas si Josh sa kaniyang kwarto bitbit bitbit ang isang bag na puno ng kaniyang gamit.


Hinatak ni Cha ang kamay nito palabas muli ng unit. Hindi pa man sumasara ang front door ng unit nila Josh ay muli nang sumigaw si Cha.


IGI! Get your butt over here!”


Wala ng nagawa pa ang apat kundi ang magpalitan ng tingin.


000ooo000


This is all your fault.” singhal ni Migs kay Ram na ikinairap lang ni Ed at Martin.


How was this my fault?!” pasinghal na tanong ni Ram.


If you haven't been bitter and jealous all this time then wala tayong magiging problema.” mahanging sagot ni Migs.


Bitter and Jealous?! Martin is way cuter than you, I have a wonderful kid and a stable career. Why would I be jealous?! Baka ikaw tong bitter at nagseselos!” singhal pabalik ni Ram.


Ako---?!” simula ni Migs, nagkatinginan si Martin at Ed at sabay na umiling. Tila naman nabasa ng isa't isa ang iniisip ng bawat isa kaya't sabay itong tumayo.


Call me when you guys are tired and finished with this shit. I'll just buy coffee down stairs.” singit ni Ed.


Ram, I'll be with Ed. Call us.” naboboryong saad ni Martin.


Nagbatuhan ng tingin na tila nagsasabing 'look what you've done' sila Migs at Ram at natigil lang iyon nang marinig nila ang pinto na pabalang na bumagsak.


000ooo000


My unit is small so you guys needs to share a room. There's only one bed in the guest room so one of you have to sleep at the pull out.” sabi ni Cha sa dalawang bata na hindi mapakali sa pagtingin sa kaniyang mga gamit na nakolekta niya mula sa iba't ibang bansa na kaniyang pinasyalan.


Tita, what's this?” tanong Igi sabay itinaas ang isa sa mga weird na vase na naka linya malapit sa pintuan ng kwarto ni Cha.


Those are love vases from Malaysia, they said that if you whisper the name of your love on its opening you'll end up growing old with him or her---” nakangiting sagot ni Cha sa manghang mangha na si Igi na agad namang ibinulong ang pangalan ni Josh sa opening nito. “---or it could be the jars from Indonesia where they put their dead parents' bone inside--- I'm not sure anymore.” pagtatapos ni Cha na iniisip kung yun nga ba ang tamang vase kaya't muntik ng mabitawan ni Igi ang vase na iyon nung bigla niya itong inilayo sa kaniyang mukha.


Hindi napigilan ni Josh ang mapatawa na agad namang binato ni Igi ng masamang tingin na siyang ikinatigil ng huli sa pagtawa. Nang tumalikod at umiwas na si Josh mula sa nakamamatay na tingin Igi ay hindi naman mapigilan ni Igi ang mapangiti habang inaamin sa sarili na namiss niya ang tila ba musika na pagtawa na iyon ni Josh.


Ang pagngiti na ito ni Igi ay hindi naman nakaligtas kay Cha na mataman silang inoobserbahang dalawa.


000ooo000


What happened to your lip?” nag aalalang tanong ni Roan kay Lance nang magkita ito matapos ang kanilang mga klase.


I was in a fight.” malamig na sagot ni Lance.


What happened to the other guy?” tanong ulit ni Roan sabay wala sa sariling hinaplos ang namumula at malapit ng mamagang labi ni Lance, hindi batid na masyado silang malapit kesa sa karaniwang dalawa.


I busted his lip also.” seryosong sagot ni Lance kay Roan habang tinitignan niya ang magagandang mata ng huli. Sa pagsagot na ito ni Lance saka napansin ni Roan ang kakaibang lapit ng kanilang mga katawan ni Lance at ang pagtitig nito sa kaniyang mga mata.


Hindi na napigilan pa ni Lance ang kaniyang sarili at isinalubong na niya ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Roan. Saglit na nagulat ang huli at sinubukan pang ihiwalay ang kaniyang mga labi mula sa mga labi ni Lance ngunit hindi rin nagtagal at bumigay narin siya at ginantihan narin niya ng halik si Lance.


000ooo000


Tulad noong asa team building palang sila. Naabutan ni Igi si Josh na nakatingin lang sa nagiisang kama sa maliit na guest room na iyon ni Cha. Napa-irap na lang si Igi at nilagpasan ang nakatitig paring si Josh, hinila ang pull out matress sa ilalim ng kama at mayabang na tinignan si Josh upang ipamukha dito ang katangahan nito at lalong lalo na na ipaalam na wala siyang interes na makatabi ito sa kama.


Ang mayabang na tingin na ibinato ni Igi kay Josh ay hindi nagtagal nang makita niyang umirap si Josh sabay tinalikuran siya at iniwan siyang mag-isa sa kwarto.


What the hell?!” singhal ni Igi.


What?!” singhal na balik ni Josh.


STOP IT! Geesh! I leave you two alone for two seconds and you're already at each others necks!” saway ni Cha sa dalawa nang maabutan niyang magsisimula nanamang magsigawan ang dalawa. Natameme muli ang dalawa, naghanap ng magagawa makaiwas lang sa nakamamatay na tingin ni Cha. Si Igi, inayos ang kaniyang hihigan habang si Josh naman ay minamata ang suot ng tiyahin.


Where are you going?” di na mapigilang tanong ni Josh.


I'm going out for a date, Dad.” sarkastikong balik ni Cha na tila nagsasabing 'obvious ba?'


You mean you're going to leave us alone? Do you want us to kill each other?!” di makapaniwalang tanong ni Josh na ikinairita ni Igi, iniisip na ayaw lang nito na makasama siya kaya ganun na lang ang tanong nito kay Cha.


Of course I will leave you guys alone so you can kill each other. That's how much I love you both. Just don't let the blood stain the couch, OK? It's Salvador Dali's” kibit balikat na sagot ni Cha sabay bato ng isang bag ng chichirya kay Josh at dalawang bote ng tig 1.5 na tubig sa kama.


What the fuck?” sigaw ni Igi na ikinalingon naman ni Josh na siya namang kinuwang pagkakataon ni Cha upang isara ang pinto at ikandado ito.


Tignan ko lang kung hindi kayo magkaayos na dalawa.” sabi ni Cha sabay tawa na parang sa kontrabida.


Habang naglalakad palayo ay naririnig ni Cha ang pagtawag sa kaniya ni Josh at Igi at ang pagkalampag ng mga kamay ng mga ito sa pinto ng kwarto.


Don't wait for me. I'll be out long!” sigaw ni Cha sabay hagikgik.


AUNT CHA!” sigaw ni Josh na siyang huling narinig ni Cha bago niya isara ang front door at ikandado din ito.


000ooo000


I'm not bitter you know.” napapagod na bulong ni Ram kay Migs na tila napagod din sa pakikipagsigawan sa huli dahil nakasalampak na ito sa kaniyang sofa.


I only said that to tick you off. I'm sorry.” umiiling at nanlalatang sagot ni Migs.


Wow.” saad naman ni Ram sabay iniupo ang sarili sa sofa na nakaharap sa sofa na inuupuan ni Migs.


What?” dikit kilay na tanong ni Migs kay Ram.


That was the first time I hear you apologized since that night.” pabulong na sagot ni Ram na nagtulak kay Migs na magisip ng malalim.


I really am sorry, you know, f-for hurting you.” sinserong saad ni Migs na saglit na nakapagpatahimik kay Ram.


I know. And I'm sorry too.” balik naman ni Ram.


Saglit silang binalot ng katahimikan.


Do you think tayo talaga ang dahilan kaya nagaaway ang mga bata?” nangangambang tanong ni Ram kay Migs na saglit namang napaisip.


Nah. I think they're just in that age where everything ticks them off.” kibit balikat na sagot ni Migs, ginaya ang sinabi ni Ed noong nagaalala siya kay Josh, hindi alam kung sino ang kinukumbinsi, si Ram o ang sarili.


I guess you're right.” wala sa sariling saad ni Ram.


Muli nanamang binalot ng katahimikan ang dalawa.


Do you want something to eat or drink?” tanong ni Migs, mabasag lamang ang nakapangingilabot na katahimikan sa pagitan nila.


Sure. I'll help you prepare the food.” nakangiting sagot ni Ram sabay lakad papunta sa kusina nila Migs na hindi naman mapigilan ang mapangiti dahil sa wakas ay pakiramdam niya na unti-unti ng nawawala ang gusot sa pagitan nilang dalawa.


000ooo000


There's no use breaking the door, Josh. Pasasakitin mo lang ang katawan mo.” walang ganang saad ni Igi habang pinapanood si Josh na bunggo-bungguin ang pinto ng kwarto maibukas lamang ito.


Well at least I'm doing something!” singhal ni Josh.


OK, I get it! You don't want to be in the same room with someone like me but I don't want to see you hurt yourself just to get away from me. Let's just pretend that we don't see each other! You can ignore me all you want, I wouldn't care just stop bangin' the door!” singhal ni Igi, hindi maikakaila ang galit at sakit sa mga sinabi nito na nakapagpatameme kay Josh.


I know that you hate me for being gay but you don't need to hurt yourself from getting away from me because I'm not going to do anything to you. I'm not going to rape you if that is what you're thinking.” malungkot na pahabol ni Igi na siya namang tumunaw ng galit ni Josh.


Nagulat si Igi nang ilang hakbang lang ay nasa harapan niya na siya Josh. Tinititigan siya ng mariin sa mga mata at ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi sa kaniyang sariling mga labi.


I don't hate you for being gay, because hating you would be like hating myself.” pabulong na sabi ni Josh saka isinalubong ang kaniyang mga labi sa mga malalambot na labi ni Igi.


Itutuloy...


The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 20”
by: Migs

33 comments:

  1. Maraming Salamat sa patuloy na mga nagbabasa at nagco-comment kahit pa ubod na ng tagal ng aking pag-u-update. :-( Ayoko ng magpromise ng mabilisang update, baka kasi mabigo ko kayo lalo. Anyways, kung urat na urat na kayong magintay sa matagalan kong pag-u-update, pwede niyo pong bisitahin ang mga site na ito. Bukod sa magagling at magaganda ang mgs storya at authors ng mga site na ito, mabibilis pa po silang mag-update. :)

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Igi: you're always welcome. Good luck sa studies, doc. :-)

    frostking: sus, walang dapat ika obses sakin. Isa lamang akong simpleng tao. :)

    Edmond: Spoiler ka! Hahaha!

    Ryval winston: basang basa mo na ang takbo ng mga stories ko ah. Hahaha! Predictable na ba ako masyado?

    Eelkahr: gagawa pa lang sila ng anak. Haha! Wag ka ng mainis. :-)

    russ: sorry :( at tama ka. Super busy talaga. :(

    makki: hahabaan ko na sa susunod.

    Kean tongol: wag ka ng manggalaiti. Hihi. :-)

    ian salapar: di ka pa nasanay. Haha!

    MERVIN: isa ka pa, hindi ka na nasanay.

    IyanChan: dyan ka nagkakamali. Saglit na lang ito. :-)

    robert mendoza: you're welcome. Hehe, hindi ka pa nasanay sa pambibitin ko.

    adik_ngarag: hahaha! Napapaputik ka na ba sa sobrang bagal ko mag-update. Sensya na. :-(

    Mr. Brickwall: yung totoo? Bakit ala una y media ka na natutulog?! Hahaha! Yung Lance na pinagkuwanan ko ng character na yan, ganyan din ang ugali kaya masasabi kong may ganyan talagang tao. :)

    ANDY: sorry saglit na lang to. :) dalawang chapters na lang hehe.

    Calle 'aso: buti naman at may ganyan pang effect ang mga kwento ko sainyong mga readers.

    MARK13: kailangan na talagang magka-ayos kasi may nakapila pang story ahahahahaha!

    Erwin F.: haha! Di ko na pwedeng pakukumplikaduhin ang nangyayari. Matatapos na eh. Haha!

    -Gavi: ayan pa, another back to back story. I love you too. OK na? Haha! :-) nako, masasabihan nanaman ako nitong malandi at manyak. SMH*

    Lawfer: hahaha! Kilikili talaga ang nakalbo? Haha!

    Akosichristian: malay mo biglang sumulpot si Liam. :-))

    wastedpup: I love you more! :-) bibitinin ulit kita sa mga susunod na chaps.

    Ric: go lang. :-) thanks and I want you to know that I'm very flattered po at binigyan niyo ng chance ang mga stories ko. Thank you.

    Ar: yes malapit na siyang matapos. Sana masubaybayan mo parin ang bagong book kahit pa busy ka na. :-)

    monty: stay tuned to find out. :-)

    -Berto: thanks! :-)

    Maraming salamat muli sa lahat and I love you all! :-)

    ReplyDelete
  2. Shet ayan na! Love scene na ba ito Migs? 1am and i'm still up. Good luck bukas sa meeting ko ng 8am.

    ReplyDelete
  3. crossing my fingers, pti toes... sna wla nang misunderstanding

    at oo kilikili q nkakalbo sknla kc auq na mkalbo sa bumbunan dhl tnawanan aq ni ziljian nung ngpakalbo aq x.x

    ReplyDelete
  4. OMG! Si Chaaaa! Nabuhay si Cha! Hahahaha
    Migs bigyan mo naman si Cha ng lovelife khit 1 day lang, hahahaha!

    As in konti nlng to Migs?! As in konting konti na lang? Tapos na?! Pde pahabain mo pa ng konte pero sana laging back to back chapter hahahaha!

    ReplyDelete
  5. OMG!!!!

    ayan na!! ayan na tlga c josh at igi.. kasi kasi nman, kelangan pa magsuntukan eh.. :p

    darating ba tlga c liam..?? haha

    ReplyDelete
  6. Eto na! Yey! Nag halikan na sila! Haha.
    Sir migs, ang galing mo tlga. Sana magkabati na sila. :)

    Sana po di matagalan ang next update. ^^.


    ~frostking

    ReplyDelete
  7. aunt cha is supah cool! :)) ayos na ayos! nagka-ayos na ang mga topaking parents! hmmm... daming kissing scenes ah! ayiiiee! nakaka-ihi!(kinikilig after leaking a piss) LOL... hmmm... it started with a kiss? nice one Migoy! hmmm.. mukhang ang mga reply mo sakin parang medyo malamig.. hihihihi lagyan mo naman ng sigla... peace! :D have a great day ahead Migz! ^__^

    ReplyDelete
  8. wag muna ang lovemaking migs. please..

    ReplyDelete
  9. ayan na! pero gusto ko pgkatapos ng halik na yon mag-away muna sila ng kaunti at pag-usapan yung mga nagyari bago tuluyang magka-ayos. pero migs, gusto ko yung nakakakilig na pag-aayos ha! hahahahahaaha

    the best talaga si cha!!!

    galing mo talaga kuya migs!

    ReplyDelete
  10. CHA is back!!!!!hehehe I miss her

    KV

    ReplyDelete
  11. woohh.. Josh and Igi for the win.. hahaha

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  12. wow...malapit nang matapos to???...ayan na eh....isa na yan sa mga sign eh....wahahah...nalungkot naman ako....hehehe....wow...ayan na yung mga closure...at talagang love guru si cha...hahaha...nice one migz!...

    -Berto-

    ReplyDelete
  13. Oh my.... so nice pa rin ang kwento mo migs!

    ReplyDelete
  14. You're accusing me. =( (Bakit, di ba pwedeng magkapareho lang tayo somewhat ng wavelength? Hahahaha!)

    Pero happy ako at umeksena si Cha. And wala pa rin siyang kupas. Pwede bang manghula.. na ang ending eh kasal niya?!

    I was actually thinking of sending you an email about some thoughts, pero sana maisingit ko yun within the day (or this lifetime.. ganun?! Hahaha!).

    - Edmond

    ReplyDelete
  15. Pwahaha >:))) sana ako na lang makatuluyan ni Cha.. grabe sa laughtrip kahit simpleng “NOW!” niya natatawa na ko haha

    ReplyDelete
  16. waaaaaaah. MIGZ!!! wala ako pakialam sa sasabihin ng iba basta i love you more!!!! you made my day..super napangiti mo ko duuuuuun. =D heheh tayo na??? Just kidding. baka sabihin flirt ako. :))

    these chapters are really worth the wait, super exciting na.. at si Cha tlga, laging agaw eksena. lol hehe and that kiss?? i just can't wait for the next chapter! pero feeling ko mageend na ung story..haaaay anyway, i know, after this you have something brilliant na naman :)

    keep it up, Sir. I don't care kahit gano pa katagal ang pag update mo (wag lang aabutin ng isang buwan, lol) maghihintay ako kasi i just so love your stories that much!!!


    -Gavi, your new boyfriend. =D

    ReplyDelete
  17. damn! I love it!!! Especially the end part!!!

    Thanks a lot kuya migs!!!! Love you!!!

    ReplyDelete
  18. kuya migs tsamba lang un.hahaha. Mahilig lang mag assume.

    Tama ang hula q matatanggap ni neph si j0sh.yeepee.well an0 pat naging magbestfriends sila.
    Iba tlga si aunt CHA baklang
    baklang babae.haha. Bka naman kc babae din ang hanap kaya hanggang ngay0n eh wala pa syang l0velife.hehe.o d kaya d sya trip ng nakakadate nya.hehe.

    In denial pa kc c r0an nung last time ngay0n kekerengkeng na yan.haha.
    ↲At ngay0n dalawa nlang sila sa bahay ni cha.sigurado magkakaay0s na sla j0sh at igi.this c0uld be the beginning.

    ReplyDelete
  19. Migz, mahal ko. Tinotoo mo pala talaga... Wagas na wagas ang pambibitin mo sa dalawang chapters na to. But that just proves how good a writer you are. I love you Migz. Til nxt update. :)

    ReplyDelete
  20. My tears are starting to fall... Nang biglang... Ay bitin... Waaahhhhh.... Kaloka ka talaga Migs... Hanggang sa susunod na pambibitin.... Hehe

    ReplyDelete
  21. wahaha... so anong inspirasyon mo sa chap.19... sapakan galore ehh!!! ahahaha... namiss ko si cha at ang kanya kagagahan..lol.. and then chap 20 ended with a kiss na bitin... BTW kuya migs, may utang ka pang CP5 chpater 2.. asan na?????

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya migs bakit deleted yung comment ko sa chapter 17??? di ko na maalala post ko ehh...refresh me...ahaha

      Delete
  22. At nanggagalaiti pa rin ako, hindi dahil kina josh at igi kundi sa pagka-cut ng story. Geeessh!. Bakit dun pa naputol? Yung part na yun nga ang hinihintay ko eh. :C.

    Well anyway, Next chapter na pls. Kahit pa isa-isa nlang? Hahaahaha

    ReplyDelete
  23. aaarrrrgggghhhh....... (di po ako inis author)
    tinginan ng masama tapos suntukan dahil sa selos...
    tapos HALIKAN in the end...... lakas ng pabitin hahaha

    dapat title nito ASSUMERANG PALAKA

    joke


    -eelkahr

    ReplyDelete
  24. ouch! wala clang binatbat pag c CHA na nagbitaw ng salita, parents ditto w kids. he he he. at last magkaka ayos na din cla lahat. galeng mo MIGS!

    ReplyDelete
  25. ayan 12am naman aq magcomment. hahaha. ganun talaga.

    totoo? may totoong lance? pero tyak straight. bihira ang hindi. hanga na talaga ko kay lance, hands down! idol! sana may story ka na ganyan yung personality. waah! iniisip ko pa lang, kinikilig na ko. haha.

    sa story, BOOM!
    SA WAKAS! mukang hindi pala paliwanagan ang sagot sa katigasan ng ulo ng mga batang to e. KISS LANG! KISS PALA GUSTO! sows!

    nice nice nice.
    at wag isnabin ang mataray na come back ng tumatandang dalaga na si cha. lol

    migs at ram! umayos! ung mga anak nio lumalandi na kaya umayos kayo! hahaha.

    mukang nasisilayan ko na si happy ending. kakalungkot. fave ko pa naman to. hay hay.

    o sya, night na.
    thanks kuya. ;)

    ReplyDelete
  26. Author Migs!

    Ang lupit ni Cha..haha..Aunt na pala! imagined her like a cougar! haha..still searching for the one pa rin with matching red lipstick niya ^^

    Ang cool lang ni cha haha, the best moves,one word ends every discussion, like!

    And atlast bati na si Ram and Migs, haha pride talaga :D

    And dumamoves na si josh! Like-like ulit this is it na talaga.

    Off-topic, author migs di naman ako busy as busy, remember yung surprise ko? hehe..ito na yun..we're colleagues na! haha :D

    ReplyDelete
  27. ganda nung minarathon ko to... akala ko extra dito si LIAM... kasi parang kalevel na rin ni LIAM yung mga characters dito... heheheheh.....

    kaso bitin.... pero namiss ko sina migs, ed, ram at edison na hanggang ngayon me teddy bear pa din.. hehehhehe.....

    ganda mo talaga maggawa ng story migs....

    ReplyDelete
  28. kuya! sori ngaun lng nakacomment ah. naging sobrang busy eh. galing mo talaga. haha. pakilig ng sobrang tapos bibitinin dn ng sobra. hindi katalaga nagbago. hahahaha!! salamat kuya ah! ingat palagi and God bless :)

    ReplyDelete
  29. oo nga asan na po c LIAM....
    Kaya lang bka jowa na nya ung kababata nya (forgot the name)
    anu pa gagawin nya sa buhay ni josh at igi????

    ReplyDelete
  30. haha..kahit kelan talaga yang c cha oo..nakakatakot...parang ung tita ko lang!haha...

    ang cute ng dalawang tungaw na un - c igi at josh!kiss lang pala ang kailangan e nagbugbugan pa!naghanap lang ng sakit ng katawan.haha...charotdotcom.

    namiss ko tuloy story nila ed,migs,ram at martin!!ganyang-ganyan dn...pero di naman masyadong bugbugan ang drama.hihihihi..

    -monty

    ReplyDelete
  31. Kua migz, naiiyak na aq kaka check ng blog mo. Mag upload kna please, im begging you. T_T

    Para na akong adik. Nag wiwithdrawal syndrome na ata ako. Gigil na gigil mabasa yung kasunod. Hehe.

    Di nmn sa gusto kitang e pressure. Its just that i miss your story, your updates, you. T_T
    Oo. Aaminin ko. Namimis kita at ang mga pagsagot mo sa comments namin.
    bumalik kna please. :(


    ~frostking
    (frostking7@y.c)

    ReplyDelete