The Things That Dreams Are Made Of 17
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities
to any written works and any person, living or dead are purely
coincidental. The story is intended for a mature audience. It may
contain profanity and references to gay sex. If this offends you,
please leave and find something more suitable to read. The author
maintains all rights to the story. Do not copy or use without
written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
alam ni Igi kung bakit siya ginising ng kaniyang ama na si Martin,
mag a-alas dos na ng madaling araw at dapat sana ay humihilik pa siya
ngayon sa kaniyang kama, ngunit, naguguluhan man ay hindi na
nagtanong pa si Igi kung bakit. Bagsak balikat, pupungay-pungay pa,
tayo-tayo ang buhok at tanging boxers man ang suot ay bumangon at
lumabas parin ng kaniyang kwarto si Igi.
“I'm sorry, alam naming mag a-alas dos na ng madaling
araw pero wala lang kasi kaming alam na malalapitan.” nahihiyang
umpisa ni Ed habang naka akbay kay Migs na tila hindi mapakali at
patuloy lang sa pag lingon-lingon na miya mo may hinahanap. Inaantok
man ay hindi rin nakaligtas kay Igi ang pagaalala sa mga mata ng
kapitbahay kaya't unti-unti niyang pinilit na gisingin ang kaniyang
utak. Ipinapanalangin na mali ang kaniyang iniisip.
“Buti't alam niyo. Istorbo.” bulong ni Ram na
sinadya niyang marinig ng dalawang bisita. Hindi na nagaksaya pa ng
panahon na sikuhin ni Martin ang kaniyang kinakasama nang marinig
nito ang hindi maganda nitong sinabi.
“I-I'm s-sorry, Ram. P-pero a-alam k-ko na kung kay
Igi nangyari 'to malamang kahit b-buong mundo pa iistorbuhin mo
mahanap mo lang siya.” naiiyak na simula ni Migs na nakapagpatameme
kay Ram. Tinignan ng masama ni Martin ang nobyo na nagsisimula ng
pagsisihan ang kaniyang sinabi.
“A-ano pong nangyari, tito?” nagaalala at gising na
gisning ng tanong ni Igi sa mga ama ni Josh.
0000ooo0000
“Alam niyo kasi, dapat meron kayong directory ng mga
close friends ng anak niyo para kung sakali mang---” mahanging
simula ni Ram na ikinairap ni Martin, ikinaismid ni Ed at ikinainit
ng ulo ni Migs.
“Are
you actually trying to teach me how to raise MY
own
son?!” pasinghal na tanong ni Migs na ikinamula at ikinairita ni
Ram, ikinairap muli ni Martin at ikinailing naman ni Ed.
“I'm just saying that you---” simula ulit ni Ram.
Ang lahat ng kumusyon na ito ay balewala lang kay Igi
na tila natulala na lang sa isang tabi. Nawawala si Josh at hindi
niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat gawin. Dahan-dahan siyang
tumayo mula sa sala at tinungo ulit ang kaniyang kwarto, hindi ito
napansin ng apat na matanda na patuloy parin sa pagtatalo.
Pagtungtong na pagtuntong niya sa kaniyang kwarto ay wala sa sarili
siyang nagpabalik balik mula sa isang panig ng kwarto papunta sa isa
pa, nag-isip ng malalim.
Nang tila mapagod na sa pagpapabalik-balik na iyon ay
wala naman siya sa sariling nag-suot ng t-shirt at nagpalit ng shorts
atsaka lumabas ng kwarto. Naabutan niya na patuloy parin sa pagtatalo
ang mga matanda, hindi na niya kinuwa pa ang pansin ng mga ito, tuloy
na agad siya sa lalagyan ng kanilang mga susi at tuloy-tuloy ng
lumabas ng kanilang unit.
0000ooo0000
Habang asa loob ng sasakyan ni Ram ay pilit na inaalala
ni Igi ang itinuro sa kaniya ng kaniyang driving instructor, wala pa
man siyang lisensya at kulang sa practice ay hindi na niya iyon pa
pinagtuunan ng pansin, ang tanging asa isip niya ngayon ay makita si
Josh. Dahan dahan na inapakan ni Igi ang gas at pinakawalan ang
clutch. Ngunit imbis na umabante ang sasakyan ay umatras ito, mabuti
na lang at agad niyang naapakan ang preno.
Huminga muna ulit siya ng malalim bago inayos ang
kambyo, inapakan ang gas at dahan-dahan na pinkawalan ang clutch.
Hindi alam ni Igi kung saan maghahanap, ngunit handa siyang maghanap
hanggang sa sumikat pa ang araw o kahit abutin pa siya ng buong araw.
“Where are you, Josh?” pabulong na tanong ni Igi na
sa unang pagkakataon matapos niyang malaman na hindi pa umuuwi si
Josh ay unit-unti ng nagalala.
0000ooo0000
“Boss magsasara na po kami.” saad ng isa sa mga
waiter sa bar na kinaroroonan ni Josh. Dahan-dahan niyang itinaas ang
kaniyang nahihilong tingin. Nangunot saglit ang kaniyang noo, pilit
na pinapalinaw ang kaniyang mga mata, dahan-dahan siyang tumayo,
ngunit tila hindi pantay ang kaniyang kinatatayuan dahil
matumba-tumba na siya, mabuti na lamang at nasalo siya ng waiter bago
pa man ito tuluyang mapahiga sa sahig.
“Sir, sa susunod po kasi, wag na lang po kayong
maginom kung hindi niyo rin po kaya.” saad ng waiter na hindi na
inintindi ni Josh.
Umiiling na pinanood ng waiter ang pagewang-gewang na
si Josh matapos niya itong alalayan palabas ng bar. Hinihiling na
walang mangyari sa batang tila ba mabigat ang dinadala.
“Mga bata talaga ngayon.” umiiling parin na sabi ng
waiter bago pumasok muli ng bar.
Saktong pagpasok ng waiter na iyon ay hindi nakita ni
Josh ang ugat ng puno na nakalinya sa kahabaan ng street na iyon,
katulad ng inaasahan sa isang lasing ay napatid siya dito at,
idinaretso ang kaniyang mga kamay upang suportahan ang kaniyang
katawan sa pagbagsak, ngunit huli na ng mapagtanto niyang mali ang
ginawa niyang iyon dahil ngayon ay mahapdi ito dahil sa gasgas na
dulot ng magaspang na simento sa kaniyang magkabilang kamay.
“Shit!”
0000ooo0000
Magiisang oras na na paikot-ikot si Igi sa mga lugar na
naisip niyang maaaring puntahan ni Josh, itinext narin niya ang iba
pa nilang kakilala ngunit dahil siguro sa mahimbing pang natutulog
ang mga ito ay hindi nababasang mga ito ang kaniyang mga text.
Bawat suegundo at minuto na lumilipas ay hindi
mapigilan ni Igi ang sarili na lalong magaalala. Iniisip ang iba't
ibang posibleng masamang bagay na nangyari sa kaniyang kaibigan.
“What if he got mugged?” nagaalalang tanong ni Igi
sa sarili. Habang patuloy sa mabagal na pagmamaneho at
paglingon-linon, umaasa na mahagip ng kaniyang napapagod ng mga mata
si Josh o maski ang anino lang nito.
“W-what if napag-trip-an na yun?” tanong muli ni Igi
habang pinipigilan ang sarili na mapaluha.
“Damn it, Josh! Asan ka na?!” nagaalala at
frustrated na frustrated ng sigaw ni Igi sabay sampal sa kaniyang
manibela.
0000ooo0000
Matapos ang isa pang oras ay tuluyan ng kinamkam ng
pagod si Igi, gustuhin man niyang mahanap si Josh ay hindi na siya
hinahayaan ng sariling katawan na gawin ito. Naluluha sapagkat wala
na siyang magawa pang iba upang matulungan ang kaibigan, mabigat ang
loob na ipinihit ni Igi ang sasakyan ng kaniyang ama upang bumalik na
sa kanilang unit.
“I'm sorry, Josh. I'm so sorry.” bulong ni Igi sa
sarili habang tinatahak ang daan pabalik sa kanilang unit. Dito na
napansin ni Igi ang isang lalaki na nakaupo sa may bangketa,
nakadikit ang tuhod nito sa kaniyang dibdib at nakayuko na tila
umiiyak.
“Josh?!” sigaw ni Igi saka biglaang itinigil ang
sasakyan sa tabi ng daan, walang pakielam kung meron bang sasakyan sa
kaniyang likuran na maaari niyang makabangga sa biglaan niyang
pagtigil na iyon.
Hindi na nagabala pa na magsara ng pinto ng sasakyan si
Igi. Alam niya kasi na kailangan na siya ngayon ni Josh at wala na
siyang pakielam pa kung manakaw ang sasakyan ng ama. Humihingal at
nagaalala na lumuhod si Igi sa harapan ng nakayuko paring si Josh.
“Josh? Are you OK?” tanong ni Igi kay Josh na
dahan-dahang nagtaas ng tingin. Saglit na kumunot ang noo ni Josh
habang tinitignan maigi si Igi.
“Haha! You look sooo much like my best friend. Weird!”
nauutal at lasing na saad ni Josh habang mataman paring tinitignan si
Igi, hindi mapigilan ni Igi na mapahagikgik.
“C'mon I'll take you home.” sabi ni Igi habang
inaalalayan ang kaibigan patayo.
“You sounded sooo like him too. Weird indeed!”
lasing na sabi ni Josh na lalong ikinahagikgik ni Igi. Ang kaninang
pagaalala ay napalitan ng tuwa, tuwa hindi dahil sa pagka engot ni
Josh habang lasing kundi tuwa dahil sa wakas ay alam niyang walang
nangyaring masama sa kaniyang kaibigan.
“Your laugh sounded like his laugh too. Are you sure
you're not Igi's long lost brother?” lasing na tanong ulit ni Josh
habang inaalalayan siya ni Igi pasakay ng sasakyan ni Ram, umiling na
lang si Igi habang pinipigilan ang sarili na tumawa ng malakas.
Nang masiguro na niya na ligtas ng nakaupo si Josh sa
passenger seat at nakabalot na ng seat belt ang katawan nito ay
dahan-dahan na sinaran ni Igi ang pinto ng sasakyan at mabilis na
pumunta sa driver's seat. I-i-istart na sana ni Igi ang kotse nang
mapansin niya ang madumi at may kaunting dugo at gasgas sa magkabilag
palad ni Josh. Wala sa sariling hinila ni Igi ang mga ito at tinignan
maigi.
“What happened?” nagaalalang tanong ni Igi habang
sapo-sapo ang magkabilang kamay ni Josh.
“I got drunk. Hihi.” lasing na sagot ni Josh na
ikinailing lang muli ni Igi.
“Sa susunod kasi wag ka ng uminom kung hindi mo rin
lang din kaya.” umiiling parin na balik ni Igi habang nililinis
gamit ang sariling panyo ang mga sugat ni Josh.
“Well---” lasing na simula ni Josh. “I just had
enough. My ex girlfriend only loved me like a brother because she's
in love with one my best friends. My best friend, well, I only
recently found out he's gay and then I saw him with a guy---”
walang preno na sabi ni Josh na tila naman bumingi kay Igi ng
panandalian, bahagya niyang nabitawan ang mga kamay ni Josh at
tinignan maigi ang mukha nito, nagiintay ng maaaring makitang emosyon
na magiging senyales kung ano man ang tingin ni Josh sa kaniyang
sexual orientation.
Tila binuhusan si Igi ng malamig na tubig nang wala
siyang ibang nakita kundi ang pagkadismaya sa gwapong mukha ni Josh.
Sa sobrang bigat ng nararamdaman ay minarapat na lang ni Igi na huwag
tignan ang maamong mukha ni Josh. Ilang emosyon pa ang dumaloy sa
kaniyang pagkatao habang nakadaretso parinang kaniyang tingin sa
madilim na street na iyon. Nang hindi na makatiis pa si Igi ay
minarapat na lang niyang tanungin si Josh.
“S-so you don't want to be f-friends with him anymore
just because he's gay?” tanong ni Igi kay Josh.
Matagal bago sumagot si Josh kaya naman hindi man
gustong harapin ni Igi si Josh ay tinignan niya parin ito at hindi na
siya nagulat nang makita itong mahimbing na natutulog dahil sa
sobrang pagkalasing.
“I'm sorry. I-I couldn't help being t-the way t-that I
am and I-I'm s-sorry that you couldn't accept it.” bulong ni Igi na
tila ba unti-unting sinasaksak ng matalim na kutsilo ang kaniyang
dibdib sa sobrang bigat ng nararamdaman, sinabi niya rin ang mga
katagang ito sa pagitan ng mga hikbi habang sinimulan ng paandarin
ang sasakyan pauwi ng kanilang condo.
0000ooo0000
“DAMNIT!” sigaw ni Josh sabay sapo sa kaniyang ulo
nang bigla siyang magising matapos paguntugin ni Migs ang kaldero at
takip nito.
“Swear one more time and I'll extend your punishment!”
singhal ni Migs sabay ipinaguntog ulit ang kaldero at ang takip nito.
“Punishment?” tanong ni Josh habang sapo-sapo parin
ang tila ba pinukpok ng palo-palo na ulo.
“Yes. You're two weeks grounded---” simula ni Migs
ngunit ang mga sumunod na sinabi nito ay hindi na inintindi ni Josh
dahil abala parin siya sa pagiisip ng kung ano ang nangyari ng
nakaraang gabi at kung bakit ganung kasakit ang kaniyang ulo.
“---We didn't know where you are, no text and no
call---” pagpapatuloy ni Migs na siya namang pinutol ng hindi
nakikinig na si Josh.
“Who brought me home?” tanong ni Josh habang
sapo-sapo parin ang ulo.
“Igi. Thank God that kid has some guts to---”
pagpapatuloy ulit ni Migs na muling hindi inintindi ni Josh dahil sa
sobrang saya na kaniyang nararamdaman.
“Igi still cares about me even if he's with Lance,
he still cares.” nangingiti-ngiting saad ni Josh habang patuloy
lang si Migs sa panenermon na siya namang hindi pinakikinggan ni
Josh. Kahit pa medyo na lulula at sumasakit ang bunbunan ay
dahan-dahang tumayo si Josh mula sa pagkakahiga at yumakap sa ama na
agad namang natahimik at kumalma.
“I'm sorry. I love you. I'll explain later. I have to
go shower or else I'll be late. Again, I love you.” sunod-sunod na
sabi ni Josh na agad namang tumunaw sa pagkainis na nararamdaman ni
Migs.
“You're not off the hook yet, mister.” striktong
balik ni Migs pero hindi kaila na medyo lumambot na ang tono nito
kumpara kanina habang nanenermon ito.
“I LOVE YOU DAD!” sigaw ulit ni Josh sabay tungo sa
banyo, umaasa na ang paulit-ulit na pagsasabi niya ng mga katagang
iyon ay tuluyang makapagpapalimot sa mga ama ng kaniyang
katarantaduhan noong nakaraang linggo.
“You're still one week grounded!” pagbabawas ni Migs
sa parusa sa kaniyang anak sabay napahagikgik.
0000ooo0000
“Hey! You look down. What happened?” nagaalalang
tanong ni Lance sabay upo sa tabi ni Igi na nakaupo sa isa sa mga
bench na nakakalat sa oval ng kanilang school.
“Well, first, I didn't get enough sleep, no actually I
didn't sleep. Second is---”
“Wait. Wait. Wait. You didn't sleep? Why?!” gulat na
gulat na tanong ni Lance kay Igi.
“I was up looking for Josh.” simpleng sagot ni Igi
na ikinagulo ng isip ni Lance.
“Huh? I thought you hate him?” tanong ulit ni Igi.
“Well, I can't stop thinking about him while he was
gone missing.” namumulang pisngi na sagot ni Igi, hindi
makapaniwala na naamin niya ito ng malakas sa ibang tao.
“Where did he go?” tanong ulit ni Lance na naiiling
lang.
“To some bar where he got his ass drunk.”
“I see---” simula ni Igi sabay tango-tango. “What's
the other reason why you look so down?” tanong ulit ni Lance.
“Well, uhmmm I think Josh doesn't like the idea that
he has a gay best friend.” pabulong na pag-amin ni Igi kay Lance na
agad namang nakaramdam ng awa sa kaniya na ngayong nagiging malapit
na kaibigan.
“Sinabi niya talaga yan sayo?” tanong ni Lance na
ikinatango na lang ni Igi bilang sagot.
“That asshole!” singhal ni Lance sabay akbay kay
Igi.
“He even thinks we're together, you know.”
naniningkit na tingin ni Igi sa naka-akbay na kamay ni Lance na
ikinamula ng pisngi nito.
“Are you shitting me?! Do I look gay or something?”
humahagikgik na sabi ni Lance bilang pambawi sa pamumula ng kaniyang
pisngi.
“He thinks you're my boyfriend.” nangiinis na simula
ni Igi na hindi narin napigilan ang mapahagikgik.
“Well, tell him that you're not my type and that he
can fuck you whenever he wants and I wouldn't care---” nangiinis
ding balik ni Lance na agad na pinutol ni Igi.
“LANCE!”
0000ooo0000
“He
still cares! Igi still cares!” paulit-ulit
na sinasabi Josh habang hinahanap si Igi sa buong school. Gusto niya
itong kausapin hindi dahil sa nais niya lamang magpasalamat dito
kundi dahil gusto niyang magkalinawan na silang dalawa.
“Nakita niyo si Igi?” tanong ni Josh kay Des at
Neph. Hindi alintana na may tampo parin siya kay Neph dahil sa
sobrang saya.
“Uhmmm I t-think I saw him near the quad.”
nagaalangang sagot ni Neph na sumusulyap-sulyap pa kay Des na tila
naman nagtataka sa ikinikilos ni Josh.
“Thanks!” masayang balik ni Josh sabay halos patakbo
na tinungo ang quad. Nagkatinginan na lang sila Des at Neph.
Ngunit
ang masayang pakiramdam na iyon ay agad na naputol nang maabutan ni
Josh sila Igi at Lance na masayang nagkukuwentuhan. Nakaramdam ng
matinding inis si Josh. Nang makita niyang tumayo at nagpaalam si
Lance kay Igi at maglakad patungo sa kaniyang kinatatayuan ay hindi
gumalaw si Josh, inintay niya itong mapatapat sa kaniya, napansin
niyang saglit pang natigilan si Lance nang makita siya, tumango at
nagpatuloy sa paglalakad.
“Lance, usap nga tayo.” may pagkabastos na saad ni
Josh. Agad namang humarap si Lance na nakakunot pa ang noo dahil sa
pagtataka, nang makita ni Josh na muli na siyang hinarap ni Lance ay
agad na siyang nagtanong.
“Ano ba talaga kayo ni Igi? Magboyfriend na ba kayo?”
nagtaka si Lance sa pamamaraan ng pagtatanong ni Josh, hindi kasi
galit o pagkahiya sa pagkakaroon ng baklang best friend ang nababasa
ni Lance sa mukha ni Josh, hindi galit o hiya kundi selos. Agad na
may sumagi sa isipan ni Lance.
“Eh
ano ngayon kung kami nga? Lalo
mo ba siyang Ikahihiya?”
tanong ni Lance, hindi nagabala na itago ang lason sa kaniyang boses.
Saglit na natameme si Josh.
“Anong pinagsasasabe mo?! Kahit ano pang piliin na
mahalin ni Igi hinding-hindi ko siya ikahihiya. M-mahal ko siya,
hindi lang bilang isang kaibigan o kapatid kundi mas higit pa kaya
sana layuan mo na siya---” simula ni Josh.
“Make me. And besides, he thinks you hate him for
being gay, he thinks you're back with Des specially when he always
see you with her making him feel like a useless piece of shit--- kaya
hindi ko masisisi si Igi kung kalimutan ka na niya at maghanap ng
atensyon sa iba.”
“I don't hate him for being gay. Because hating him
for being gay is like hating myself. I'm not back with Des. I never
made him feel like shit. And I will fucking do anything just to make
you stay away from him.” nanggagalaiting saad ni Josh kay Lance,
kada puntong nais iparating ay isang duro sa dibdib ni Lance na hindi
mapigilang maaliw dahil umaayon sa kaniyang kaiisip lamang na plano
ang lahat.
“Tell that to Igi. Pero ngayon palang sinasabi ko na
sayo na kahit anong gawin mong pagpapaliwanag sa kaniya, wala ng
saysay.” pambubuyo ulit ni Lance kay Josh na lalong namula sa galit
at dahil ayaw narin ni Josh ng gulo ay nagkasya na lamang siya sa
pagtingin ng masama kay Lance at naglakad na palayo upang magpalamig.
Napailing na lang si Lance at napangiti. Hindi
makapaniwala na isasakripisyo niya ang sarili na mabugbog maging
masaya lang ang kaniyang bagong kaibigan na si Igi at para maayos
narin ang lahat ng ginawang mali ni Roan.
“What the hell was that?” nagaalalang tanong ni Roan
matapos tumakbo nang makita niya ang tila magaaway na sila Josh at
Lance.
“Just fixing the things you messed up.” kibit
balikat na sagot ni Lance na ikinatahimik saglit ni Roan.
“What do you mean?” tanong ni Roan.
“I'm fixing things between Josh and Igi. They deserve
to be happy, you know. They are both awesome.” nakangiting balik ni
Lance sabay kindat kay Roan na natameme ulit, nagsimula ng maglakad
palayo si Lance nang may maalala siya at muling humarap kay Roan.
“Oh, and if I were you, sasabihin ko na lahat ng
ginawa kong kalokohan, yung mga plot mo for revenge at mga naging
outcome nito kay Igi bago pa niya malaman yun sa iba.” pahabol
mungkahi ni Lance na lalong ikinaisip ng malalim ni Roan.
Itutuloy...
The Things That Dreams Are
Made Of
“Chapter
17”
by:
Migs
Hello guys. Pasensya na ulit sa matagal na pagpopost. Alam niyo na po kung bakit. Nais ko po sana ulit kayong imbitahan na bisitahin ang mga blog na ito. Hindi po kayo magsisisi! :-)
ReplyDeletehttp://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
At syempre ang pinaka idol ko sa lahat:
http://zildjianstories.blogspot.com/
Moon Sung-Min: sorry but I do not tolerate violence in this blog. Hahahahaha! Ikaw na ang bayolente!
_ian: you're welcome! :-) eto na ulit ang back to back chapter!
Makki: thanks.
IyanChan: pinapamukha ko lang sainyo ang kahalagahan ng “communication” hahaha! Thanks! Ayan ulit, may nasinghot ulit akong magandang hangin! Haha!
Igi: thanks! Good luck sa mid terms!
Lawfer: sorry at ako pa pala ang naging dahilan ng pagkakaroon mo ng altapresyon.
adik_ngarag: thanks! Ayan, back to back ulit pero hindi ko maipapangako na hindi na ito cliff hanger! Haha!
Ryval winston: Thanks sa comment and don't worry, magkakausap nadin ang dalawang iyan. :-)
Roan: gusto ka na nilang ibitin patiwarik. Haha! :-)
Anonymous September 1, 2012 2:35 PM: Sana po makapagcomment pa kayo next time at sana po pakilagyan na po ng name para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. :-)
Dalisay: Thanks!
Akosichristian: salamat naman at natanggap mo na na wala na si Liam sa picture na ito? Hahahaha!
ANDY: wish granted.
Kean tongol: that was what I'm after, yung mainis kayo. Hahaha!
Mr. Brickwall: I was just joking. Thanks! Mwah! Hahaha!
Gavi: inatyin mong makita ako bago mo sabihin na mahal mo ako, baka kasi magbago pa ang isip mo. Hahahahaha! Ayan, wish grated. Back to back chapters!
Foxriver: that is waht this tory is all about. That is what being a teenager is all about.
Edmond: soon. Baka sa next back to back chapters may cha na na lumabas.
-frostking: you and moon sung-min are bad. Hahahahaha!
Monty: edi natapos na agad ang kwento kung gayan? Hahaha!
Wastedpup: you're welcome. ILY! :-P
Pasensya na kayo sa maikli kong sagot. Halos mag be-bente kwatro oras narin kasi akong gising kaya ganyan. Pagpasensyahan niyo na. Thanks guys sa patuloy na pagsubaybay and I love you all! Mwah!
Mahal na ata kita tol. xD
ReplyDeleteSalamat sa update.
~frostking
Pano naman aq naging bad. Hehe.
ReplyDelete~frostking
Benta sa kin ang chapter na 'to! =D
ReplyDelete- Edmond
ayun na oh! ayiiieee!
ReplyDeleteyes, may update na at back to back pa!!!
ReplyDeleteumamin na si josh!!!!! kay lance nga lang at hindi kay igi! hehe
i'll proceed to the next chapter! haha
Ang saya! Back-to-back ulit! Yarr d best!
ReplyDeleteWow...nice chapter,i love this part,nakuha nya tlaga ang atensyon ko...
ReplyDeleteThanks for the update:)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteang cuuuttteee ng chapter neto!!kakatawa c josh nung nalasing..^^
ReplyDelete-monty
Wow migz I missed a lot. I'm out of the country for a month and Kindda busy kaya di ko nagawang basahin ung mga post mo. Promised I will make up, reading marathon time......
ReplyDeleteBy the way its a nice start hehehe.
Keep on writing and have a nice day.