The Things That Dreams Are Made Of “finale”
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities
to any written works and any person, living or dead are purely
coincidental. The story is intended for a mature audience. It may
contain profanity and references to gay sex. If this offends you,
please leave and find something more suitable to read. The author
maintains all rights to the story. Do not copy or use without
written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
magawang makapag react ni Igi matapos sabihin ni Roan ang lahat lahat
sa kaniya at kasabay noon ay hindi rin siya makapaniwala na naging
makitid at sarado ang kaniyang utak kaya't hindi niya napansin na
sinsero pala si Josh sa halik na kanilang pinagsaluhan, na sinsero
pala ito sa kaniyang nararamdaman. Hindi rin siya makapaniwala sa
ginawa sa kaniya ni Roan, akala niya ay sinsero ang pagiging concern
nito sa kaniya, na tinutulungan siya nito bilang isang kaibigan at
hindi bilang isang instrumento para sa pansariling rason.
“Why, Roan?”
pabulong pero hindi maitatanggi ni Roan ang sakit sa tanong na ito ni
Igi.
Saglit na natigilan
si Roan, nag-isip ng isang magandang dahilan upang kahit papano naman
ay maintindihan ni Igi kung bakit niya ginawa ang mga bagay na iyon
pero wala siyang ibang maisip na magandang dahilan kaya naman
naibulalas na lang niya ang katotohanan sa pamamagitan ng mga
salitang...
“I thought I was
in-love---”
000ooo000
“He's not here?”
tanong ni Cha sa kaniyang pamangkin nang makabalik siya sa sariling
condo.
“Nope.”
“Maybe he's just
out with friends?” tanong ulit ni Cha habang pinapanood ang
pamangkin na inaayos ang sariling duffle bag.
“Kung talagang
gusto niyang maayos ito dapat hindi siya umalis, Auntie. Kung may
nararamdaman talaga siya tulad ng sinabi mo dapat andito lang siya at
nagso-sorry---” simula ni Josh habang umiiling iling.
“Eh bakit ka
aalis? Bakit ka nageempake ulit? Kung gusto mo ring maayos ito at
kung talagang may nararamdaman ka para sa kaniya edi intayin mo siya
at kausapin siya pagbalik niya---” simula rin ni Cha pero agad
siyang pinutol ng pamangkin.
“Don't you see
it?! He doesn't love me! Ni hindi niya nga maibalik yung kiss na
binigay ko sa kaniya eh! If I stay here mas lalo lang akong
magmumukhang kawawa at tanga kapag ipinagtulakan niya pa ako ulit!”
singhal ni Josh na ikinainit ng ulo ni Cha.
“UPO!” singhal
ni Cha na ikinagulat at ikinataka ni Josh.
“What?”
“SIT
DOWN! Ay! Ayaw pa ng upo?
Gusto pa ini-english?!” sarkastikong balik ni Cha na nakapagpaupo
naman kay Josh sa kadahilanang nakita narin ni Josh ang apoy sa mga
mata ng tiyahin.
Nagbuntong hininga
si Cha at pilit na pinakalma ang sarili bago umupo sa tabi ni Josh.
“B-but it hurts.”
parang batang nauutal na sabi ni Josh na tuluyang lumusaw sa
pagkairita ni Cha.
“Ganito
lang yan eh---” simula ni Cha habang pinipigilan ang sarili na
mapangiti nang maalala na ilang taon lang ang nakakalipas ay ginawa
niya rin ito kay Ram at ilang taon pa ay ginawa niya naman ito kay
Migs. “Alam mo yung tipong gutom na gutom ka na? Yung tipong basta
ka na lang sumubo at hindi mo alam na mainit pala yung kanin na
isinubo mo kaya napaso ka? Pero diba, kahit napaso ka hindi mo parin
mapipigilang sumubo ulit dahil gutom na gutom ka. Kahit nagmamanhid
pa yung dila at labi mo dahil napaso mapapakain ka parin dahil sa
gutom, ganyan din sa love, Josh. Pinaso ka man ni Igi dahil sa hindi
pagkakaintindihan---”
bigay diin ni Cha. “---na ito hindi mo parin mapipigilan ang sarili
mo na hanap-hanapin siya kasi siya yung tinitibok niyan.”
pagtatapos ni Cha sabay turo sa puso ni Josh.
Saglit na binalot
ng katahimikan ang buong kwarto. Nakikita ni Cha kung paano umikot
ang turnilyo sa utak ni Josh kaya't hindi niya muling mapigilang
mapangiti. Iniisip na muli siyang nagtagumpay sa kaniyang hangad na
gawin.
“I-I can't do this
anymore. I don't need to be rejected twice, auntie.” saad ni Josh
sabay tayo at labas ng kwarto tangan tangan ang kaniyang bag na
nakapagpanganga kay Cha. Hindi niya kasi inaasahan na kabaligtaran ng
kaniyang iniisip ang mangyayari.
“Shit! I'm loosing
my magic!” umiiling na saad ni Cha sa sarili sabay abot ng kaniyang
purse, hinalungkat ito hanggat nakuwa na niya ang kaniyang lipstick,
binuksan ang pocket size mirror at nag re-apply ng lipstick.
000ooo000
“I'm
sorry.” saad ni Igi sabay yakap kay Roan na ikinagulat ng huli pero
hinayaan lang ni Roan na yakapin siya ni Igi at wala na lang siyang
nagawa kundi ang ibalik ang yakap na iyon.
“I'm the one who
should be sorry, Igi.” naiiyak na saad ni Roan. Saglit na inilayo
ni Igi ang kaniyang sarili kay Roan upang matignan niya ito ng
daretso sa mga mata.
“No. I knew you
like Neph and I knew you we're hurting whenever you see him with
somebody else---” simula ni Igi, nakita niyang puputulin ni Roan
ang kaniyang sasabihin ngunit hindi niya ito hinayaan. Hindi naman
makapaniwala si Roan kung bakit nagiging tungkol sa kaniya at kay
Neph ang usapan at sinubukan niyang putulin ang sinasabi ni Igi pero
tuloy tuloy lang ito sa pagsasalita. “You don't have to deny it,
Roan. I see it every single day lalong lalo na nung bago mo pa
makilala si Lance. But I didn't do anything about it, naging selfish
ako at binato ko ng binato sayo ang problems ko with Josh, simply
because you're good at it so naiintindihan ko ang mga nagawa mo kasi
pareho lang tayo. We're desperate for the person we like.”
nakangiting pagtatapos ni Igi na talaga namang nakapagpaiyak na kay
Roan. Hindi kasi siya makapaniwala na mapapatawad siya ng ganun ganun
lang ni Igi.
Wala na lang nasabi
si Roan pansamantala kaya't niyakap na lang niya ng mahigpit si Igi.
“We better get
home.” aya ni Igi kay Roan matapos tumingin sa lumalalim ng gabi sa
kaniyang orasan.
“B-But what are
you going t-to do with Josh? I-I mean I-I messed everything between
you guys---” simula ni Roan, agad na lumatay sa mukha ni Igi ang
lungkot na muling ikinakonsensya ni Roan.
“Ako ng bahala
doon.” desedido pero kinakabahang saad ni Igi.
000ooo000
“Josh?” tawag ni
Migs sa kaniyang anak matapos niya itong pagbuksan ng pinto sa
kanilang unit. Nagulat na lang si Migs nang mahigpit siyang yakapin
ng anak.
“What's the matter
buddy?” marahang tanong ni Migs sa anak habang hinahaplos haplos
ang likod nito. Nagsimula ng humikbi si Josh.
“I-It hurts, dad.”
bulong ni Josh. Nagpalitan ng nagaalalang tingin si Migs at Ed na
kasusulpot lang sa may bungad ng kusina.
000ooo000
“Where have you
been?” pasinghal na tanong ni Cha kay Igi nang pumasok ito sa
kaniyang unit.
“May kinausap lang
po sa baba.” magalang na sagot ni Igi habang lumilingon-lingon.
Hindi nakaligtas ang pag-lingon lingon na ito ni Igi kay Cha lalong
lalo na ang tingin ng tila ba pangungulila sa mga mata nito.
“He's not here.”
saad ni Cha na nakapagpatigil kay Igi sa paglingon lingon at nagdulot
na tumingin ng daretso kay Cha.
“W-what?”
nauutal na tanong ni Igi kay Cha.
“He's not here,
he's back with his dads.” sagot ni Cha sabay tingin ng mariin sa
mga mata ni Igi.
“Oh.”
“What's the deal,
Igi? He thought you dumped him by pushing him away. He's hurting.”
sunod sunod na sabi ni Cha kay Igi.
“You-- You
wouldn't understand---” umiiling saad ni Igi.
“Then make me
understand.” marring saad ni Cha, mataman na tinignan ni Igi si
Cha, kinikilatis kung tama bang sabihin niya ang lahat ng nangyari sa
tiyahin ng taong kaniyang minamahal ngunit sinaktan.
After
6 days...
“Are you sure you
still want to do this?” nagaalangang tanong ni Neph kay Igi. Alam
kasi nito na hindi na ikundisyon ng maayos ang katawan ni Igi para sa
mga ganitong kumpitisyon idagdag pa ang wala sa kundisyon nitong
kalooban dahil sa mga nangyari sa kanila ni Josh na hanggang sa araw
na iyon ay hindi parin nagpapakita sa kanila.
“Any news from
Josh?” tanong ni Igi kay Des na agad namang humiling.
“I'm sorry.”
bulalas muli ng nakokonsensyang si Roan na agad hinawakan ang kamay
ni Lance.
“No. This one is
on me.” malungkot na nakangiting saad ni Igi saka tumalikod at
inayos ang kaniyang mga gagamitin para sa kumpetisyon.
Nagkatinginan ang
apat. Hindi nila maitago ang pagaalala para kay Igi.
“Tita?” tawag ni
Igi kay Cha nang makita niya ito sa bungad ng locker room atsaka
inilagpas ang tingin dito, umaasa na nasa likod lamang nito si Josh.
“There you are!
Andito lang ako para i-good luck ka.” nakangiting saad ni Cha pero
hindi nakaligtas sa kaniya ang tila ba nadismayang mukha ni Igi nang
masigurong hindi niya kasama si Josh.
“I'm sure he'll
come around.” saad ni Cha sabay yakap kay Igi.
“Sana nga po. Ay
Tita siya nga pala ito po yung mga kaibigan ko. Si Neph, kilala niyo
na po siya, siya po yung madalas naming kalaro dati ni Josh,
girlfriend niya po, si Des, Si Roan atsaka po si Lance.”
pagpapakilala ni Igi sa kaniyang mga kaibigan.
“Hi everyone. I'm
Cha, you can call me tita, if you want---wait--- Roan? Is she that
bitch who ruined everything between you and Josh---?!” simula ni
Cha na agad na inawat ni Igi.
“Tita! Tapos na po
yun!” pigil ni Igi pero hindi parin nito napigilan si Cha na
matahin si Roan. Pinagmasdan maigi ni Cha ang lipstick ni Roan pati
narin ang suot nitong sapatos, hindi nalalayo ang style nito sa
kaniya.
“She's still a
bitch.” bulong ni Cha sabay talikod.
“Tita!”
natatawang saad ni Igi.
“I'll be at the
stands.” kumakaway na paalam ni Cha.
000ooo000
“Are you sure
about this?” tanong ni Migs sa anak habang pinapanood itong mag
hanap ng bagong mapapasukang iskwelahan. Alam niyang coping mechanism
ito ng anak, bilang ayaw na nitong makita si Igi na siyang nanakit sa
kaniya.
“Yes dad.”
“Nakausap ko na
yung principal niyo, hindi ka naman daw expelled” nakakunot noong
saad ni Ed na agad namang tinignan ng masama ni Migs na tila ba
nagsasabing: “Hayaan
mo na! Broken hearted eh!” na
ikinataas ng dalawang kamay ni Ed bilang sabi na suko na siya.
“Well kung sa
tingin mo na yan talaga ang magandang gawin mo eh di sige.” sulsol
naman ni Migs ngunit hindi parin nakaligtas kay Josh ang tono na tila
ba nagsasabing “Bahala
ka, pagsisisihan mo yan sa huli.” na
muling nagudyok kay Josh na pag-isipang muli ang kaniyang gagawin.
“Pag tapos ka na
diyan anak, pabili naman kami ng milk tea ng dad mo.” utos ni Ed sa
may gawi ng sala na ikinairap ni Migs at gumising naman sa pagiisip
ng malalim ni Josh.
“Sige po.”
000ooo000
“Bakit
kaya andaming tao?” tanong
ni Josh sa sarili nang maabutan niya ang isang tindahan ng milk tea
na puno ng tao na nangga-galing sa school nila.
Pagkakuwa niya ng
kaniyang mga inorder ay wala sa sarili siyang naglakad papalapit sa
kanilang skwelahan patungo sa covered swimming pool. Natigilan si
Josh nang maalala niya na ngayon nga pala ang swimming competition.
Agad niya tuloy naisip kung si Igi parin ba ang ilalaban ng skwelahan
gayong suspendido din ito.
Nagsimula ng
magaalala si Josh nang makita niya ang mga plackards na hawak hawak
ng kaniyang mga schoolmate. Pangalan ito ni Igi.
“Oh
no. Igi, I told you not to do it.” bulong
ni Josh sa sarili at tuloy-tuloy na lang na pumasok.
000ooo000
Bago
pa man magsimula ang kumpetisyon ay lumingon-lingon muna si Igi,
umaasa na nanonood si Josh mula sa mga stands, ngunit laking
pagkadismaya niya nang hindi niya nakita maski ang anino nito.
“IGI! Focus!”
singhal ng coach na siyang gumising sa paghahanap ni Igi para kay
Josh.
Narinig ni Igi ang
pito at awtomatiko siyang lumusong sa tubig. Sa kabila ng bawat
kampay ng kaniyang kamay at bawat sipa ng kaniyang paa ay si Josh
parin ang kaniyang nasa isip.
000ooo000
Napangiti si Josh
nang maabutan niyang papatalon na si Igi sa tubig. Napaka graceful ng
pagsasalubong ng katawan nito at ng tubig at nangunguna ito sa
pakikipagpabilisan. Agad na naisip ni Josh na maaaring naikundisyon
nga ni Igi ang katawan nito. Nagsisimula ng mabura ang pagaalalala ni
Josh at napapalitan na ito ng pagkagalak at pagka proud sa
ipinapakitang galing ni Igi.
“WOOOOH! Go Igi!”
sigaw ni Josh sabay palakpak.
Pero hindi nagtagal
ang pagkagalak na iyon ni Josh dahil napansin niyang bumabagal ito at
hindi na well coordinated ang galaw ng mga paa ni Igi. Natigilan si
Josh at bumilis ang tibok ng puso nito nang makita niyang tumigil si
Igi sa paglangoy. Tila katulad ni Igi ay kinapos din sa paghinga si
Josh nang makita niya ang unti-unting paglubog ni Igi sa tubig
matapos nitong kumampay upang matulungan ang sarili na manatiling
nakalutang.
Hindi na inintay pa
ni Josh na magsitalunan ang mga maaaring makatulong kay Igi at
binitawan na niya ang kaniyang hawak-hawak na mga tsaa para sa
kaniyang mga magulang at tumakbo papalapit sa pool. Mabilis niyang
hinubad ang kaniyang pangitaas at tsinelas saka tumalon sa pool,
nagmamadaling lumangoy papunta sa lugar kung saan niya huling nakita
ang papalubog na katawan ni Igi.
000ooo000
Tila sampung takal
na butil ng kanin ang nararamdaman ni Igi na pumapasok sa kaniyang
baga. Wala na siyang magawa pa dahil hindi niya magawang igalaw pa
ang kaniyang mga binti sapagkat pareho itong nakakaranas ng muscle
cramps sinusubukan man niyang ikampay pa ang kaniyang mga kamay
ngunit dumating din ang punto na napagod ang mga ito kaya naman
hinayaan na lang ni Igi ang kaniyang sarili na lumubog at malunod.
Wala parin ibang
tao sa isip kundi si Josh at ang pagmamahal niya dito.
000ooo000
“Igi. Please.
Don't.” paputol putol na saad ni Josh habang pina-pump nito ang
dibdib ni Igi.
Sinusubukan ng
ibang tao na tulungan si Josh ngunit itinutulak niya lang ito palayo
kay Igi na hindi parin nagkakaroon ng malay. Muling ini-angat ni Josh
ang mukha ni Igi at isinalubong ang kaniyang mga labi sa mga labi
nito at pinahanginan ang mga baga ng huli.
“Demit!” singhal
ni Josh at inulit muli ang pagbobomba nito sa dibdib ng huli.
Nang mawawalan na
ng pag-asa si Josh ay saka nila narinig ang pagbugha ni Igi ng tubig
mula sa kaniyang bibig at ang tila ba hinihika o nasasamid nitong
pag-ubo. Natigilan si Josh, halos tumulo na ang mga luha na kanina pa
niya pinipigilang dumaloy. Dahan-dahang nagbukas ng mga mata si Igi
at nagtama ang kanilang mga mata ni Josh.
Hindi na napigilan
pa ni Josh ang sarili at muli siyang lumapit sa katawan ni Igi at
binuhat ito papasok sa locker room ng mga manlalangoy. Tila bagong
kasal ang dalawa at si Igi ang babae kung paano siya buhatin ni Josh
kaya naman gusto ng tumanggi ni Igi sa ginagawang ito ni Josh kaya
lang ay hindi naman siya pahintulutan ng kaniyang pagod na pagod na
katawan na gawin iyon.
“W-what are you
doing, Josh?” pabulong at nauubo paring tanong ni Igi sa huli.
“Shut up!”
singhal ni Josh. “I told you not to do it but you still did! Ang
tigas tigas talaga ng ulo mo! Pano na lang kung nalunod ka na---
P-pano na l-lang, ha?!” singhal paring pagtatapos ni Josh.
“Josh, wait! We
should take him to the E.R.!” sigaw ng coach hindi kalayuan sa
likod ni Josh kasunod ang mga nagaalalang sila Des, Neph, Lance at
Roan.
“Shut up! This is
all your fault! Sabi ko sayo hindi pa kaya ng katawan niya pero pilit
mo parin siyang pinapasali! I'll take him to the hospital myself!
Hindi ko siya ipagkakatiwala sayo. Ever!” singhal pabalik ni Josh
na ikinatameme ng coach.
“Josh.” pabulong
na tawag pansin ni Igi sa huli na buhat buhat parin siya habang
papalapit sa locker room.
“Kayo naman?!
Anong klaseng mga kaibigan kayo? Pinabayaan niyong lumangoy 'to kahit
alam niyong hindi pa nakukundisyon ang katawan nito!” singhal ni
Josh sa apat.
“Josh.” tawag
pansin ulit ni Igi sa huli ngunit hindi nanaman siya nito pinansin.
“Kaya wag na wag
kayong susunod sa ospital kundi makakatikim kayong lahat sakin---!”
“JOSH! TAMA NA!”
sigaw ni Igi sabay inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ng huli na
nagulat sa biglaang ginawa na iyon ni Igi.
Hindi muli
napigilan ni Josh ang mapapikit. Katulad noong unang dalawang beses
na naglapat ang mga labi nila ni Igi ay hindi maiwasan ni Josh na
tila ba iyong ganoong tagpo ang siyang pinaka-tamang bagay na ginawa
niya sa buong buhay niya.
“Mahinahon ka na
ba?” nanghihinang tanong parin ni Igi kay Josh matapos maghiwalay
ang kanilang mga labi sa isa't isa. Napatango na lang si Josh, pilit
na sinasariwa ang maalab na halikan na kani-kanina lamang nilang
pinagsaluhan.
000ooo000
Mabilis na nagtungo
sila Ram at Martin sa ospital kung saan sinasabing dila si Igi.
Naabutan ng mga ito si Migs at Ed kasama si Cha at Josh na nakatayo
sa tabi ng higaan ni Igi.
“What happened?”
nagaalalang tanong ni Ram sabay haplos sa noo ni Igi at hinalikan
ito.
“Muntik ng
malunod, buti na lang andun si Josh.” sagot ni Cha sabay tingin ng
mariin kay Josh na tila ba may malalim pang kahulugan ang sinabing
iyon.
Hindi ito napansin
ni Ram. Agad na kasi nitong niyakap si Josh at walang humpay na
pinasalamatan. Nang bitawan ni Ram ang binatilyo mula sa pagyakap
dito ay agad siyang humarap kay Migs at tinanong ito kung ano bang
magandang gawin sa talipandas na coach na siyang pumilit kay Igi na
sumali sa kumpetisyon na muntik na nitong ikinamatay.
Hindi na
pinakinggan ng dalawang binatilyo ang mga matatanda at kinuwa na ang
oportunidad na iyon na muli silang magtitigan. Hindi mapigilan ni
Josh na kindatan ang huli na ikinamula ng mga pisngi nito. Wala sa
sarili ding lumapit si Josh sa tabi ni Igi at inabot ang kamay nito
at pinisil iyon at kinulong sa sarili niyang palad.
“I love you.”
bulong ni Josh na muling nagtulak sa dalawa na magtitigan.
“I-I love you
too.” sagot ni Igi pabalik.
Ang
akala ng dalawang binatilyo ay walang nakakarinig sa tahimik nilang
palitan na iyon dahil hindi nila napansin ang mapang obserbang mga
mata ni Cha. Hindi mapigilan ni Cha ang kiligin habang iniisip na
hindi parin nauubos ang kaniyang kakayahan na umayos ng nagsisimula
palang na mga relasyon.
“I should be named
Saint of the Beki's.” saad ni Cha sabay kuwa ng kaniyang purse,
lipstick sa loob nito at salamin sabay re-apply.
““What?””
sabay na tanong nila Migs at Ram na nagulat sa biglaang pagsasalita
ni Cha at sa hindi kunektadong sinabi nito mula sa kanilang
pinagdidiskusyunan.
-wakas-
Epilogue
Biglang
nagising si Migs. Tinignan niya ang orasan sa tabi ng kaniyang kama,
“4:45am” sabi nito. Nagbuntong hininga si Migs upang
mapabagal ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at upang maitigil
ang malamig na pawis na nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang anit,
dahan dahan niyang inalis ang malatrosong braso ni Ed mula sa
pagkakayakap sa kaniya upang hindi ito magising at dahan dahan ding
bumangon mula sa kama. Habang kinukusot ang kaniyang mga mata upang
maialis ang antok dito at habang nagiinat siya ay hindi niya
mapigilang sariwain ang kaniyang panaginip.
Ang panaginip na
iyon ay puno ng lahat ng kaniyang kinatatakutang bagay, mga bagay na
kaniyang iniisip bago matulog noong gabing iyon. Ang mga “Paano
kung...” niyang mga tanong sa pagkakaroon ng isang hindi
konbensyonal na pamilya. Ang paglaki ng kaniyang anak na may dalawang
ama, ang posibilidad na ikahiya sila nito, ang posibilidad na may
makaaway ito sa skwelahan o may mangutya dito.
Pero lahat ng paano
kung na tanong na iyon ay nasagot din ng kaniyang panaginip na
iyon kaya naman hindi narin napigilan ni Migs ang mapangiti habang
naghahanda ng agahan ay sabay na niyang sinasariwa ang mga bagay na
kaniyang maaaring gawin sa oras na harapin na niya ang mga “Paano
kung...” na mga iyon katulad ng nangyari sa kaniyang panaginip.
“Good morning.”
bati ni Ed kay Migs sabay yakap mula sa likod nito.
“Hey.” bati
pabalik ni Migs saka binitawan ang pinipiritong bacon at humarap kay
Ed at hinalikan ito sa labi.
“You're cooking
waffles too?” tanong ni Ed sabay nangunot ang noo.
“Yes---” sagot
ni Migs sabay tampal sa kamay ni Ed na nagtatakang dumukot ng isa.
“But they're not for you.” dugtong pa ni Migs na lalong
ikinakunot ng noo ni Ed.
“Para kanino pala
yan?” tanong ni Ed.
“Sa mga bago
nating kapitbahay.” makahulugang sagot ni Migs. Magtatanong pa sana
ulit si Ed nang bigla nilang narinig ang pag-iyak ng isang bata.
0000ooo0000
“I think your dad
has gone crazy.” bulong ni Ed sa kaniyang anak na si Josh na walang
ginawa kundi ang ngumiti habang binibihisan siya ng kaniyang amang si
Ed.
“I'm not crazy,
Ed. I-I just realized something.” saad ni Migs na biglang sumulpot.
“What? You had an
epiphany or something?” nakangising pangaasar ni Ed kay Migs.
“Let's just say I
dreamt about something.” nakangising balik ni Migs kay Ed,
iniisip na hindi nito makukuwa ang kaniyang ibig sabihin. “Bilisan
mo dyan, OK na yung waffles.” utos ni Migs sa nakakunot noo paring
si Ed.
0000ooo0000
“Good--- morning.”
halos napanganga sa gulat na sagot ni Martin sa pinto nang bumungad
sa kaniyang harapan si Migs at Ed.
“MARTIN! Bilisan
mo dyan, itanong mo agad kung anong kailangan, male-late na tayo,
baka hindi na natin maabutan sila Mi—gs.” halos pabulong na lang
na pagkakasabi ni Ram sa huling kataga ng pangalan ni Migs nang
makita niya ito sa bungad ng pinto na may hawak hawak ding agahan
tulad niya.
“Look at that. Ram
prepared breakfast for us also! What a coincidence kasi pinagluto rin
kayo ni Migs ng breakfast.” aliw na aliw na saad ni Ed na
ikinahagikgik naman ni Martin.
Nagkatinginan si
Migs at Ram.
“Did Ram told you
about an epiphany this morning also? Migs kept talking about this
dream he had---” simula ni Ed sabay kuwa ng platong hawak ni Migs
na puno ng waffles at inilagay ito sa lamesa nila Ram.
“Yeah. It's kinda
weird though.” sagot naman ni Martin habang inaalalayan ang batang
si Igi sa high chair nito.
“Hey, look. I'm
sorry about what happened between us--- at kung pano ako umasta
kahapon.” simula ni Migs habang naglalakad din papunta sa dining
table.
“W-wala na yun.
S-sorry din sa inasta ko kahapon.” namumulang pisngi na balik ni
Ram sabay abot ng kamay kay Migs upang kamayan ito.
“Friends?”
nakangiting tanong ni Migs.
“Friends.” sagot
naman ni Ram.
0000ooo0000
“So hindi kayo
yung lumipat sa unit na'to? Akala kasi namin ni Migs kayo.” tanong
ulit ni Ed habang sinusubuan si Josh ng pagkaing pang baby.
“Hindi. Si kuya
Edison saka yung boyfriend niyang si Jake ang titira dito. Maaga
silang umalis kaya di niyo na naabutan.” sagot naman ni Ram.
“But we're
planning on renting the unit on the next wing.” saad naman ni
Martin na naglagay ng ngiti sa mga mukha ni Ram at Migs. Parehong
iniisip na hindi malayong magkatotoo ang kanilang mga panaginip.
After
six months...
“What took you so
long?” tanong ni Migs kay Ram at Martin nang pagbuksan niya ang mga
ito ng pinto.
“Nag potty
training pa kasi si Igi eh.” sagot ni Martin. Agad namang tinignan
ni Migs si Igi na napaka cute na kumakaway sa kaniya.
“Awww! Hang cute
cute naman ng inaanak ko!” excited na sabi ni Migs sabay agaw kay
Igi mula sa kamay ni Martin.
“Tapos na ba?
Balita ko sa talk show daw na yan natin makikilala yung dyowa niya
eh!” tanong ni Ram sabay kaway kay Ed na abala naman sa
pagpre-prepare ng dinner.
“Hindi pa,
kasisimula pa lang.” saad naman ni Migs sabay nilaksan ang volume
ng kanilang TV agad na umalingawngaw ang boses ni Cha na iniinterview
sa TV.
“Usually
our dreams provides us solutions to our problems. Sometimes dreams
can make us realize things that we do not consider while we're
awake---” simulang pagsasagot
ni Cha sa TV host na nagiinterview sa kaniya na nagdulot kay Ram at
Migs na magkatinginan. Naikuwento na nila sa isa't isa ang kanilang
napanaginipan may ilang buwan na ang nakakaraan at ngayong
idinidiscuss ito ni Cha sa national TV ay nakapaglagay ng ngiti sa
mukha ng dalawa.
“Damn
that bitch knows so much.” pabulong na sabi ni Martin na bumasag sa
makahulugang pagtitinginan ni Migs at Ram.
““Shhhh!
Not in front of the kids!”” sabay na singhal ni Migs at Ram na
ikinahagikgik na lang ni Ed sa may kusina.
“They
say you met your current boyfriend while interpreting a dream. Can
you tell us more about that.” request
ng nagiinterview na ikninamula ng pisngi ni Cha.
“I
was interpreting a friends dream when he walked over. He overheard
that I was interpreting Jannah's, my friend's, dream and asked me to
interpret his dream also and the next thing I know, I was
interpreting his dream everyday.”
namumulang pisngi na kwento ni Cha na ikinakilig ng lahat ng nanonood
sa studio.
“Is
he here now?” tanong ng
nag-i-interview kay Cha.
“Yes.”
amin ni Cha.
“Can
we meet him?” tanong ulit ng
interviewer.
“Of
course.” excited na sagot ni
Cha. “Hon.” tawag
ni Cha, nagsimula ng i-focus ang camera sa isa sa mga lalaki sa
audience, ngunit bago pa man maaninag pare-pareho nila Migs, Ram, Ed
at Martin kung sino ang misteryosong boyfriend ni Cha ay biglang nag
brown out.
Napuno
ng iyakan nila Josh at Igi ang unit nila Ed at Migs ngunit nang
bumalik na ang supply ng kuryente may ilang minuto lang ang nakalipas
ay agad naring tumahan ang dalawa. Muling binuhay ni Migs ang TV
ngunit tapos na ang interview ni Cha.
Natapos
ang gabing iyon at hindi parin kilala ng magkakaibigan ang boyfriend
ni Cha.
The
Things That Dreams Are Made Of
“finale”
by: Migs
Hay. Tapos na po ito. :-(
ReplyDeleteNgunit wag magalala. Hehe. May bago po tayong story. Let's just pray na hindi na ako busy para hindi pahirapan ang aking pag-u-update. :)
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Egg: hindi po nakidnap si Igi. Haha!
Lawfer: bumabanat ka ah! Haha!
Akosichristian: ang tagal ng tapos ng kwento nila Liam. Eto nga't tapos na yung sumunod dun oh, hindi ka parin maka get over. Haha!
Makki: sige, malay mo sagutin ka niya.
Russ: baka asa rainbow mo na din si Liam. Haha!
Robert mendoza: I'm made of steel. Hahaha! Joke. Eto nga sinisipon na eh. :(
frostking: actually tapos na yung kwento. Yung time lang para mag post ang wala ako.
Erwin F.: mga menorde edad pa ang mga ito baka makasuhan tayo. Haha!
Gavi: pwes gawin mong every 3 hours. Haha!
Ryval winston: thanks! :-)
Edmond: nope. Haha! Ayaw ko na nga kasi ng dugtong dugtong na kwento diba? Haha!
Ras: ikaw ba yung dating ras na pala comment din, kung ikaw nga, welcome back at kung hindi follow mo ako saka pa comment lagi ah. :) thanks!
adik_ngarag: kailangan talagang mag set ng expectation? Haha!
Keantoot: nope tapos na nga eh. Haha! Hindi na gugulo, promise. :-)
Mr. Brickwall: nope, single siya. :-)
Moon Sung-Min: last na 'to. Haha!
Superkaid: madami ngang tamad magcomment, ewan ko ba hindi ata sila natutuwa sa mga post ko. haha!
Marion: thanks! Sana pa follow na din at lagi ka na din magcomment. Thanks!
Eelkhar: not anymore. Tapos na ang habulan. Hihi
ANDY: madami silang makitid ang utak. Promise. Well ako naman din kasi ang dapat sisihin. :( saka ko na ikukuwento. Salamat sa pagintindi.
Foxriver: ikaw ang dapat i-welcome back! Tagal mo kayang nawala! :(
MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SUMUBAYBAY SA SERIES NA ITO. Sana po ay hindi kayo magsawa sa patuloy na pagbabasa! :-)
Maraming maraming salamat! :-)
nice ending daddy Migs! Sino kaya si mysterious bf ni Cha. So much to learn sa pagtatapos ng story. Love you dad!
ReplyDeleteHala! Dream lang lahat iyon?!
ReplyDeleteShutang dream yan detalyado....
Hahahahaha!
Anyway i'm looking forward, backward, at sideways sa bagong story. Installment ng Chasing pavements na ba sususnod or hardcore dramahan nanaman sa installment ng Against All Odds?
waaaaaaaah! nice twist!!! and it was only just a dream!!! nahulog ang utak ko sa title ah! uu nga naman... sa title pa lng... yun na yun eh.. pero... iba ka talaga... di mo maalitana na panaginip lng pala yun... ang galing mo talaga Migz!
ReplyDelete4 thumbs up! (ksama ang mga hinlalaki sa paa LOL) IDOL!
gwn m ng 5, isama m ung d kalakihan lol
Deletepis ^w^v
i hate you kuya..binitin mo ko..andun na eh..nasa mount everst na tapos bglng bumgsak sa lupa..bat gnun? so the whole tym pla is im actualy reading and imagining a dream..pnu kung di mgkatotoo? syang nmn yun..and cha's boyfriend..sino kya un..di nmn pwede si liam kasi bta pa un..ayeee..kakainis ka..hmph...
ReplyDeleteand oh..im ur silent reader..naubos lo na lhat ng stories mu and i've been reading since ed and migs pa pero not comment much kasi cp lng gmit ko..but i really love u kuya..haha..sana mameet kita sa susunod
-john el-
Correct me if im wrong, diba pamankin din ni cha c liam?
DeleteHindi po pamangkin ni Cha si Liam, si Nina po ang tiyahin ni Liam. :D
Deleteanak ng tinapa kuya migs.. asang-asa akong mahaba pa ang takbo.. at ang pinakamalupit dun eh... PANAGINIP LAHAT! ahaha... yey! CP5 na...hahaha
ReplyDeleteEnebeyen Migs! Matagal tagal kong hinintay to! Tapos isang mabusisi at detalyadong detalyadong panaginip lang pla ang lahat?! Ganun na lang ba yon? Pero Migs in all fairness ha, ang galing galing mo talaga! Sayang lang talaga, BAKIT NAGBROWNOUT! Di tuloy namin nakilala ang jowa ni Cha! Abang abang na sa mga kasunod pang stories! ü
ReplyDelete@Dhen: inuyat daddy m c migz? OMG!
ReplyDeletemano po, d-dad...
lol joke! xD
@Migz: d banat un, sweet lng tlaga aq bwahahaha
wow wla na ung verification ek ek haha mdli na mgcoment x3
Deletepanagnip lng pla lahat, pwdeng pde q pa maunahan c igi lol joke
Sir migs (na nag uumapaw sa talent)
ReplyDeletenabitin ako dun ha. Grabe. T_T
Sana nga po di kayo maging b c. Para update agad. (demanding. Hehe)
I'll be looking forward sa susunod mong story.
~frostking
hehehe it just a dream but a wonderful dream for all of them migs..hehehe
ReplyDeleteso kung dream lang ito meaning bata pa din si liam..heheheh..nice one migs..5 star.
"True love stories never have endings."WAGING WAGING.......!!!!!!!!!!book 2............hehehehehehee
ReplyDeleteI hate you kuya Migs. Masyadong pabitin. :(((
ReplyDeleteWho's that lucky guy? Alam mo bang sa pagka-engaged ko sa kwento mo, naglaro na sa isip ko na sana gawa ka ng kwento tungkol kay Cha. Hehehe!
ReplyDeleteGanun, so there's a huge possibility na di na namin makikita mga characters mo na napamahal na sa 'min sa future stories mo. =( Anyway, kakaibang ending and 'til your next story. =D
- Edmond
Nice dream. Hahaha. Ang ganda ng dreams niyo, sinubaybayan ng masa, nagpigil at nagtiis maghintay ng panahon upang matutukan ang inyong mga dreams. Hahaha. Kalokang dreams yan. Whahaha
ReplyDeletehala! isang panaginip pala lahat ng pangyayari? namanmm, he he he he. kaw talaga migs. he he he
ReplyDeletemigs, gusto ko yung twist ha..... panaginip lang pala!
ReplyDeleteat least dahil sa panaginip na yon, alam nina migs at ram ok lang sa kanila sakaling magkatotoo yung panaginip nila paglaki nina josh at igi.
si cha, wagi talaga sa lahat ng bagay. kaaliw!
sana maPost na agad yung next story!
thanks, migs! good job!!!
Milk Tea! napangiti ako nung nabasa ko to haha ..Forever mysterious talaga tong Saint of all beki's na to at napunta pa sa tv show! haha
ReplyDeleteKuya Migs, Hooy Haa! natutuwa ako sa mga posts mo sir susubaybayan ko ba mula LAIB hanggang dito kung hindi? haha
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteay ganon??? panaginip lang ang lahat tungkol kina josh at igi.. whatta twist... sayang naman yung lovelife nila...... huhuhu mwachhh....
ReplyDeleteANG GANDA KUYA MIGS!! Promise!!!
ReplyDeleteCongratz dito sa story mo na to.
Natawa ako sa brownout part. Lol! Gusto ko din malaman kung sino ang BF ni cha.
At panaginip lang pala ang lahat!! Pero ang galing ha.
Grabe ilang buwan natulog si Migs at Ram at ilang buwan din yung panaginip nila?? Mahabang panaginip. Haha joke lang.
Thumbsup kuya migs!!
Sana next na yung book 2 ng AAO.
kaw na talaga kuya.haha. Dq inexpect na dream lang lahat ng event. Wh00ah.! Next naba ung chasing pavements?
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeleteWow ha! Dreams lang yun? 17 years of dreaming grabe, Idol, so si cha ba yung manghuhula natin? :D and it all came to her magic red lipstick!
Approved sakin ang kwento na to! yung next ba e continuation na ng young adult na josh and igi? haha and yung kwento ni cha! hahaha
-aR
hahaha..si ateng cha talaga woh!ayos na e,,andun na eh..nawalan pa ng kuryente!?haha..kakatawa talaga siya!^^
ReplyDeleteee aun,,dream lang pala..haha.pero excited nko sa next story!^^
-monty
ngayon ko lang 'to nabasa, kasi po idol blocked ang site mo d2 sa oman.. hahaha i need to have a proxy pa.. haha
ReplyDeletepanaginip lang pla lahat..?? peo at least c igi at josh pa rin.. :p
wait ko na next kwento.. :p c liam.. lol
hahaha ako pala ang nawala....i love the ending, t'was not i expected by i love it. Good job on the epilogue...and awesome job for finishing the story. Next pls.......
ReplyDeletegrabe, now lang ako nakapagComment >_< waaaaaaaah super unexpected ko yung twist ng ending!!! kaya pala ganun yung title!!! good job Sir... =))
ReplyDeleteCan't wait sa susunod mong story. =D wala pa ba yung next chap ng Chasing Pavements 5??
Waiting in vain,
Gavi :)
BONGGA!!!! NICE STORY...:)
ReplyDeletewahaha migs ang galing ang gandang ng ending mo thw twist caught me off guard. Sorry if im not able to read your post for the whole month. promise bawi ako hehehe...
ReplyDeleteMigs whats next? Can't wait to read you new story.
have a great day and enjoy your week.
kaya pala...bago pa lng kasi yung Rubi tapos 16 yrs old na mga anak nila? nalito tuloy ako kung wat year ang kwento nilang migz at ram at nung kina igi at josh...
ReplyDeletepanaginip lng pala ang lahat..
hahahaha...:))
I had to read it all over again to refresh... After a long no-blogs-no-fb-no-call for boards... Its so cool... I so love your stories!!! :-D
ReplyDeletea very fitting title for an unexpected cliff-hangung-twist HAHAHAHAHAH
ReplyDeleteDI KO NAHULAAN AGAD UNG TWIST, ung connect sa title. Bravo!
xoxo,
A
Saint of the beki's amp hahahha
ReplyDeletebinasa ko ulit for the second time. nakakaaliw pa din especially the "Cha's Magic Lipstick" - unkabogable ever !
ReplyDelete~julio
(a.k.a. maharett)