The Things That Dreams Are Made Of 17

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi alam ni Igi kung bakit siya ginising ng kaniyang ama na si Martin, mag a-alas dos na ng madaling araw at dapat sana ay humihilik pa siya ngayon sa kaniyang kama, ngunit, naguguluhan man ay hindi na nagtanong pa si Igi kung bakit. Bagsak balikat, pupungay-pungay pa, tayo-tayo ang buhok at tanging boxers man ang suot ay bumangon at lumabas parin ng kaniyang kwarto si Igi.

I'm sorry, alam naming mag a-alas dos na ng madaling araw pero wala lang kasi kaming alam na malalapitan.” nahihiyang umpisa ni Ed habang naka akbay kay Migs na tila hindi mapakali at patuloy lang sa pag lingon-lingon na miya mo may hinahanap. Inaantok man ay hindi rin nakaligtas kay Igi ang pagaalala sa mga mata ng kapitbahay kaya't unti-unti niyang pinilit na gisingin ang kaniyang utak. Ipinapanalangin na mali ang kaniyang iniisip.


Buti't alam niyo. Istorbo.” bulong ni Ram na sinadya niyang marinig ng dalawang bisita. Hindi na nagaksaya pa ng panahon na sikuhin ni Martin ang kaniyang kinakasama nang marinig nito ang hindi maganda nitong sinabi.


I-I'm s-sorry, Ram. P-pero a-alam k-ko na kung kay Igi nangyari 'to malamang kahit b-buong mundo pa iistorbuhin mo mahanap mo lang siya.” naiiyak na simula ni Migs na nakapagpatameme kay Ram. Tinignan ng masama ni Martin ang nobyo na nagsisimula ng pagsisihan ang kaniyang sinabi.


A-ano pong nangyari, tito?” nagaalala at gising na gisning ng tanong ni Igi sa mga ama ni Josh.


0000ooo0000


Alam niyo kasi, dapat meron kayong directory ng mga close friends ng anak niyo para kung sakali mang---” mahanging simula ni Ram na ikinairap ni Martin, ikinaismid ni Ed at ikinainit ng ulo ni Migs.


Are you actually trying to teach me how to raise MY own son?!” pasinghal na tanong ni Migs na ikinamula at ikinairita ni Ram, ikinairap muli ni Martin at ikinailing naman ni Ed.


I'm just saying that you---” simula ulit ni Ram.


Ang lahat ng kumusyon na ito ay balewala lang kay Igi na tila natulala na lang sa isang tabi. Nawawala si Josh at hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat gawin. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sala at tinungo ulit ang kaniyang kwarto, hindi ito napansin ng apat na matanda na patuloy parin sa pagtatalo. Pagtungtong na pagtuntong niya sa kaniyang kwarto ay wala sa sarili siyang nagpabalik balik mula sa isang panig ng kwarto papunta sa isa pa, nag-isip ng malalim.


Nang tila mapagod na sa pagpapabalik-balik na iyon ay wala naman siya sa sariling nag-suot ng t-shirt at nagpalit ng shorts atsaka lumabas ng kwarto. Naabutan niya na patuloy parin sa pagtatalo ang mga matanda, hindi na niya kinuwa pa ang pansin ng mga ito, tuloy na agad siya sa lalagyan ng kanilang mga susi at tuloy-tuloy ng lumabas ng kanilang unit.


0000ooo0000


Habang asa loob ng sasakyan ni Ram ay pilit na inaalala ni Igi ang itinuro sa kaniya ng kaniyang driving instructor, wala pa man siyang lisensya at kulang sa practice ay hindi na niya iyon pa pinagtuunan ng pansin, ang tanging asa isip niya ngayon ay makita si Josh. Dahan dahan na inapakan ni Igi ang gas at pinakawalan ang clutch. Ngunit imbis na umabante ang sasakyan ay umatras ito, mabuti na lang at agad niyang naapakan ang preno.


Huminga muna ulit siya ng malalim bago inayos ang kambyo, inapakan ang gas at dahan-dahan na pinkawalan ang clutch. Hindi alam ni Igi kung saan maghahanap, ngunit handa siyang maghanap hanggang sa sumikat pa ang araw o kahit abutin pa siya ng buong araw.


Where are you, Josh?” pabulong na tanong ni Igi na sa unang pagkakataon matapos niyang malaman na hindi pa umuuwi si Josh ay unit-unti ng nagalala.


0000ooo0000


Boss magsasara na po kami.” saad ng isa sa mga waiter sa bar na kinaroroonan ni Josh. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang nahihilong tingin. Nangunot saglit ang kaniyang noo, pilit na pinapalinaw ang kaniyang mga mata, dahan-dahan siyang tumayo, ngunit tila hindi pantay ang kaniyang kinatatayuan dahil matumba-tumba na siya, mabuti na lamang at nasalo siya ng waiter bago pa man ito tuluyang mapahiga sa sahig.


Sir, sa susunod po kasi, wag na lang po kayong maginom kung hindi niyo rin po kaya.” saad ng waiter na hindi na inintindi ni Josh.


Umiiling na pinanood ng waiter ang pagewang-gewang na si Josh matapos niya itong alalayan palabas ng bar. Hinihiling na walang mangyari sa batang tila ba mabigat ang dinadala.


Mga bata talaga ngayon.” umiiling parin na sabi ng waiter bago pumasok muli ng bar.


Saktong pagpasok ng waiter na iyon ay hindi nakita ni Josh ang ugat ng puno na nakalinya sa kahabaan ng street na iyon, katulad ng inaasahan sa isang lasing ay napatid siya dito at, idinaretso ang kaniyang mga kamay upang suportahan ang kaniyang katawan sa pagbagsak, ngunit huli na ng mapagtanto niyang mali ang ginawa niyang iyon dahil ngayon ay mahapdi ito dahil sa gasgas na dulot ng magaspang na simento sa kaniyang magkabilang kamay.


Shit!”


0000ooo0000


Magiisang oras na na paikot-ikot si Igi sa mga lugar na naisip niyang maaaring puntahan ni Josh, itinext narin niya ang iba pa nilang kakilala ngunit dahil siguro sa mahimbing pang natutulog ang mga ito ay hindi nababasang mga ito ang kaniyang mga text.


Bawat suegundo at minuto na lumilipas ay hindi mapigilan ni Igi ang sarili na lalong magaalala. Iniisip ang iba't ibang posibleng masamang bagay na nangyari sa kaniyang kaibigan.


What if he got mugged?” nagaalalang tanong ni Igi sa sarili. Habang patuloy sa mabagal na pagmamaneho at paglingon-linon, umaasa na mahagip ng kaniyang napapagod ng mga mata si Josh o maski ang anino lang nito.


W-what if napag-trip-an na yun?” tanong muli ni Igi habang pinipigilan ang sarili na mapaluha.


Damn it, Josh! Asan ka na?!” nagaalala at frustrated na frustrated ng sigaw ni Igi sabay sampal sa kaniyang manibela.


0000ooo0000


Matapos ang isa pang oras ay tuluyan ng kinamkam ng pagod si Igi, gustuhin man niyang mahanap si Josh ay hindi na siya hinahayaan ng sariling katawan na gawin ito. Naluluha sapagkat wala na siyang magawa pang iba upang matulungan ang kaibigan, mabigat ang loob na ipinihit ni Igi ang sasakyan ng kaniyang ama upang bumalik na sa kanilang unit.


I'm sorry, Josh. I'm so sorry.” bulong ni Igi sa sarili habang tinatahak ang daan pabalik sa kanilang unit. Dito na napansin ni Igi ang isang lalaki na nakaupo sa may bangketa, nakadikit ang tuhod nito sa kaniyang dibdib at nakayuko na tila umiiyak.


Josh?!” sigaw ni Igi saka biglaang itinigil ang sasakyan sa tabi ng daan, walang pakielam kung meron bang sasakyan sa kaniyang likuran na maaari niyang makabangga sa biglaan niyang pagtigil na iyon.


Hindi na nagabala pa na magsara ng pinto ng sasakyan si Igi. Alam niya kasi na kailangan na siya ngayon ni Josh at wala na siyang pakielam pa kung manakaw ang sasakyan ng ama. Humihingal at nagaalala na lumuhod si Igi sa harapan ng nakayuko paring si Josh.


Josh? Are you OK?” tanong ni Igi kay Josh na dahan-dahang nagtaas ng tingin. Saglit na kumunot ang noo ni Josh habang tinitignan maigi si Igi.


Haha! You look sooo much like my best friend. Weird!” nauutal at lasing na saad ni Josh habang mataman paring tinitignan si Igi, hindi mapigilan ni Igi na mapahagikgik.


C'mon I'll take you home.” sabi ni Igi habang inaalalayan ang kaibigan patayo.


You sounded sooo like him too. Weird indeed!” lasing na sabi ni Josh na lalong ikinahagikgik ni Igi. Ang kaninang pagaalala ay napalitan ng tuwa, tuwa hindi dahil sa pagka engot ni Josh habang lasing kundi tuwa dahil sa wakas ay alam niyang walang nangyaring masama sa kaniyang kaibigan.


Your laugh sounded like his laugh too. Are you sure you're not Igi's long lost brother?” lasing na tanong ulit ni Josh habang inaalalayan siya ni Igi pasakay ng sasakyan ni Ram, umiling na lang si Igi habang pinipigilan ang sarili na tumawa ng malakas.


Nang masiguro na niya na ligtas ng nakaupo si Josh sa passenger seat at nakabalot na ng seat belt ang katawan nito ay dahan-dahan na sinaran ni Igi ang pinto ng sasakyan at mabilis na pumunta sa driver's seat. I-i-istart na sana ni Igi ang kotse nang mapansin niya ang madumi at may kaunting dugo at gasgas sa magkabilag palad ni Josh. Wala sa sariling hinila ni Igi ang mga ito at tinignan maigi.


What happened?” nagaalalang tanong ni Igi habang sapo-sapo ang magkabilang kamay ni Josh.


I got drunk. Hihi.” lasing na sagot ni Josh na ikinailing lang muli ni Igi.


Sa susunod kasi wag ka ng uminom kung hindi mo rin lang din kaya.” umiiling parin na balik ni Igi habang nililinis gamit ang sariling panyo ang mga sugat ni Josh.


Well---” lasing na simula ni Josh. “I just had enough. My ex girlfriend only loved me like a brother because she's in love with one my best friends. My best friend, well, I only recently found out he's gay and then I saw him with a guy---” walang preno na sabi ni Josh na tila naman bumingi kay Igi ng panandalian, bahagya niyang nabitawan ang mga kamay ni Josh at tinignan maigi ang mukha nito, nagiintay ng maaaring makitang emosyon na magiging senyales kung ano man ang tingin ni Josh sa kaniyang sexual orientation.


Tila binuhusan si Igi ng malamig na tubig nang wala siyang ibang nakita kundi ang pagkadismaya sa gwapong mukha ni Josh. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ay minarapat na lang ni Igi na huwag tignan ang maamong mukha ni Josh. Ilang emosyon pa ang dumaloy sa kaniyang pagkatao habang nakadaretso parinang kaniyang tingin sa madilim na street na iyon. Nang hindi na makatiis pa si Igi ay minarapat na lang niyang tanungin si Josh.


S-so you don't want to be f-friends with him anymore just because he's gay?” tanong ni Igi kay Josh.


Matagal bago sumagot si Josh kaya naman hindi man gustong harapin ni Igi si Josh ay tinignan niya parin ito at hindi na siya nagulat nang makita itong mahimbing na natutulog dahil sa sobrang pagkalasing.


I'm sorry. I-I couldn't help being t-the way t-that I am and I-I'm s-sorry that you couldn't accept it.” bulong ni Igi na tila ba unti-unting sinasaksak ng matalim na kutsilo ang kaniyang dibdib sa sobrang bigat ng nararamdaman, sinabi niya rin ang mga katagang ito sa pagitan ng mga hikbi habang sinimulan ng paandarin ang sasakyan pauwi ng kanilang condo.


0000ooo0000


DAMNIT!” sigaw ni Josh sabay sapo sa kaniyang ulo nang bigla siyang magising matapos paguntugin ni Migs ang kaldero at takip nito.


Swear one more time and I'll extend your punishment!” singhal ni Migs sabay ipinaguntog ulit ang kaldero at ang takip nito.


Punishment?” tanong ni Josh habang sapo-sapo parin ang tila ba pinukpok ng palo-palo na ulo.


Yes. You're two weeks grounded---” simula ni Migs ngunit ang mga sumunod na sinabi nito ay hindi na inintindi ni Josh dahil abala parin siya sa pagiisip ng kung ano ang nangyari ng nakaraang gabi at kung bakit ganung kasakit ang kaniyang ulo.


---We didn't know where you are, no text and no call---” pagpapatuloy ni Migs na siya namang pinutol ng hindi nakikinig na si Josh.


Who brought me home?” tanong ni Josh habang sapo-sapo parin ang ulo.


Igi. Thank God that kid has some guts to---” pagpapatuloy ulit ni Migs na muling hindi inintindi ni Josh dahil sa sobrang saya na kaniyang nararamdaman.


Igi still cares about me even if he's with Lance, he still cares.” nangingiti-ngiting saad ni Josh habang patuloy lang si Migs sa panenermon na siya namang hindi pinakikinggan ni Josh. Kahit pa medyo na lulula at sumasakit ang bunbunan ay dahan-dahang tumayo si Josh mula sa pagkakahiga at yumakap sa ama na agad namang natahimik at kumalma.


I'm sorry. I love you. I'll explain later. I have to go shower or else I'll be late. Again, I love you.” sunod-sunod na sabi ni Josh na agad namang tumunaw sa pagkainis na nararamdaman ni Migs.


You're not off the hook yet, mister.” striktong balik ni Migs pero hindi kaila na medyo lumambot na ang tono nito kumpara kanina habang nanenermon ito.


I LOVE YOU DAD!” sigaw ulit ni Josh sabay tungo sa banyo, umaasa na ang paulit-ulit na pagsasabi niya ng mga katagang iyon ay tuluyang makapagpapalimot sa mga ama ng kaniyang katarantaduhan noong nakaraang linggo.


You're still one week grounded!” pagbabawas ni Migs sa parusa sa kaniyang anak sabay napahagikgik.


0000ooo0000


Hey! You look down. What happened?” nagaalalang tanong ni Lance sabay upo sa tabi ni Igi na nakaupo sa isa sa mga bench na nakakalat sa oval ng kanilang school.


Well, first, I didn't get enough sleep, no actually I didn't sleep. Second is---”


Wait. Wait. Wait. You didn't sleep? Why?!” gulat na gulat na tanong ni Lance kay Igi.


I was up looking for Josh.” simpleng sagot ni Igi na ikinagulo ng isip ni Lance.


Huh? I thought you hate him?” tanong ulit ni Igi.


Well, I can't stop thinking about him while he was gone missing.” namumulang pisngi na sagot ni Igi, hindi makapaniwala na naamin niya ito ng malakas sa ibang tao.


Where did he go?” tanong ulit ni Lance na naiiling lang.


To some bar where he got his ass drunk.”


I see---” simula ni Igi sabay tango-tango. “What's the other reason why you look so down?” tanong ulit ni Lance.


Well, uhmmm I think Josh doesn't like the idea that he has a gay best friend.” pabulong na pag-amin ni Igi kay Lance na agad namang nakaramdam ng awa sa kaniya na ngayong nagiging malapit na kaibigan.


Sinabi niya talaga yan sayo?” tanong ni Lance na ikinatango na lang ni Igi bilang sagot.


That asshole!” singhal ni Lance sabay akbay kay Igi.


He even thinks we're together, you know.” naniningkit na tingin ni Igi sa naka-akbay na kamay ni Lance na ikinamula ng pisngi nito.


Are you shitting me?! Do I look gay or something?” humahagikgik na sabi ni Lance bilang pambawi sa pamumula ng kaniyang pisngi.


He thinks you're my boyfriend.” nangiinis na simula ni Igi na hindi narin napigilan ang mapahagikgik.


Well, tell him that you're not my type and that he can fuck you whenever he wants and I wouldn't care---” nangiinis ding balik ni Lance na agad na pinutol ni Igi.


LANCE!”


0000ooo0000


He still cares! Igi still cares!” paulit-ulit na sinasabi Josh habang hinahanap si Igi sa buong school. Gusto niya itong kausapin hindi dahil sa nais niya lamang magpasalamat dito kundi dahil gusto niyang magkalinawan na silang dalawa.


Nakita niyo si Igi?” tanong ni Josh kay Des at Neph. Hindi alintana na may tampo parin siya kay Neph dahil sa sobrang saya.


Uhmmm I t-think I saw him near the quad.” nagaalangang sagot ni Neph na sumusulyap-sulyap pa kay Des na tila naman nagtataka sa ikinikilos ni Josh.


Thanks!” masayang balik ni Josh sabay halos patakbo na tinungo ang quad. Nagkatinginan na lang sila Des at Neph.


Ngunit ang masayang pakiramdam na iyon ay agad na naputol nang maabutan ni Josh sila Igi at Lance na masayang nagkukuwentuhan. Nakaramdam ng matinding inis si Josh. Nang makita niyang tumayo at nagpaalam si Lance kay Igi at maglakad patungo sa kaniyang kinatatayuan ay hindi gumalaw si Josh, inintay niya itong mapatapat sa kaniya, napansin niyang saglit pang natigilan si Lance nang makita siya, tumango at nagpatuloy sa paglalakad.


Lance, usap nga tayo.” may pagkabastos na saad ni Josh. Agad namang humarap si Lance na nakakunot pa ang noo dahil sa pagtataka, nang makita ni Josh na muli na siyang hinarap ni Lance ay agad na siyang nagtanong.


Ano ba talaga kayo ni Igi? Magboyfriend na ba kayo?” nagtaka si Lance sa pamamaraan ng pagtatanong ni Josh, hindi kasi galit o pagkahiya sa pagkakaroon ng baklang best friend ang nababasa ni Lance sa mukha ni Josh, hindi galit o hiya kundi selos. Agad na may sumagi sa isipan ni Lance.


Eh ano ngayon kung kami nga? Lalo mo ba siyang Ikahihiya?” tanong ni Lance, hindi nagabala na itago ang lason sa kaniyang boses. Saglit na natameme si Josh.


Anong pinagsasasabe mo?! Kahit ano pang piliin na mahalin ni Igi hinding-hindi ko siya ikahihiya. M-mahal ko siya, hindi lang bilang isang kaibigan o kapatid kundi mas higit pa kaya sana layuan mo na siya---” simula ni Josh.


Make me. And besides, he thinks you hate him for being gay, he thinks you're back with Des specially when he always see you with her making him feel like a useless piece of shit--- kaya hindi ko masisisi si Igi kung kalimutan ka na niya at maghanap ng atensyon sa iba.”


I don't hate him for being gay. Because hating him for being gay is like hating myself. I'm not back with Des. I never made him feel like shit. And I will fucking do anything just to make you stay away from him.” nanggagalaiting saad ni Josh kay Lance, kada puntong nais iparating ay isang duro sa dibdib ni Lance na hindi mapigilang maaliw dahil umaayon sa kaniyang kaiisip lamang na plano ang lahat.


Tell that to Igi. Pero ngayon palang sinasabi ko na sayo na kahit anong gawin mong pagpapaliwanag sa kaniya, wala ng saysay.” pambubuyo ulit ni Lance kay Josh na lalong namula sa galit at dahil ayaw narin ni Josh ng gulo ay nagkasya na lamang siya sa pagtingin ng masama kay Lance at naglakad na palayo upang magpalamig.


Napailing na lang si Lance at napangiti. Hindi makapaniwala na isasakripisyo niya ang sarili na mabugbog maging masaya lang ang kaniyang bagong kaibigan na si Igi at para maayos narin ang lahat ng ginawang mali ni Roan.


What the hell was that?” nagaalalang tanong ni Roan matapos tumakbo nang makita niya ang tila magaaway na sila Josh at Lance.


Just fixing the things you messed up.” kibit balikat na sagot ni Lance na ikinatahimik saglit ni Roan.


What do you mean?” tanong ni Roan.


I'm fixing things between Josh and Igi. They deserve to be happy, you know. They are both awesome.” nakangiting balik ni Lance sabay kindat kay Roan na natameme ulit, nagsimula ng maglakad palayo si Lance nang may maalala siya at muling humarap kay Roan.


Oh, and if I were you, sasabihin ko na lahat ng ginawa kong kalokohan, yung mga plot mo for revenge at mga naging outcome nito kay Igi bago pa niya malaman yun sa iba.” pahabol mungkahi ni Lance na lalong ikinaisip ng malalim ni Roan.


Itutuloy...



The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 17”
by: Migs

Comments

  1. Hello guys. Pasensya na ulit sa matagal na pagpopost. Alam niyo na po kung bakit. Nais ko po sana ulit kayong imbitahan na bisitahin ang mga blog na ito. Hindi po kayo magsisisi! :-)

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    At syempre ang pinaka idol ko sa lahat:

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Moon Sung-Min: sorry but I do not tolerate violence in this blog. Hahahahaha! Ikaw na ang bayolente!

    _ian: you're welcome! :-) eto na ulit ang back to back chapter!

    Makki: thanks.

    IyanChan: pinapamukha ko lang sainyo ang kahalagahan ng “communication” hahaha! Thanks! Ayan ulit, may nasinghot ulit akong magandang hangin! Haha!

    Igi: thanks! Good luck sa mid terms!

    Lawfer: sorry at ako pa pala ang naging dahilan ng pagkakaroon mo ng altapresyon.

    adik_ngarag: thanks! Ayan, back to back ulit pero hindi ko maipapangako na hindi na ito cliff hanger! Haha!

    Ryval winston: Thanks sa comment and don't worry, magkakausap nadin ang dalawang iyan. :-)

    Roan: gusto ka na nilang ibitin patiwarik. Haha! :-)

    Anonymous September 1, 2012 2:35 PM: Sana po makapagcomment pa kayo next time at sana po pakilagyan na po ng name para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. :-)

    Dalisay: Thanks!

    Akosichristian: salamat naman at natanggap mo na na wala na si Liam sa picture na ito? Hahahaha!

    ANDY: wish granted.

    Kean tongol: that was what I'm after, yung mainis kayo. Hahaha!

    Mr. Brickwall: I was just joking. Thanks! Mwah! Hahaha!

    Gavi: inatyin mong makita ako bago mo sabihin na mahal mo ako, baka kasi magbago pa ang isip mo. Hahahahaha! Ayan, wish grated. Back to back chapters!

    Foxriver: that is waht this tory is all about. That is what being a teenager is all about.

    Edmond: soon. Baka sa next back to back chapters may cha na na lumabas.

    -frostking: you and moon sung-min are bad. Hahahahaha!

    Monty: edi natapos na agad ang kwento kung gayan? Hahaha!

    Wastedpup: you're welcome. ILY! :-P


    Pasensya na kayo sa maikli kong sagot. Halos mag be-bente kwatro oras narin kasi akong gising kaya ganyan. Pagpasensyahan niyo na. Thanks guys sa patuloy na pagsubaybay and I love you all! Mwah!

    ReplyDelete
  2. Mahal na ata kita tol. xD
    Salamat sa update.

    ~frostking

    ReplyDelete
  3. Pano naman aq naging bad. Hehe.

    ~frostking

    ReplyDelete
  4. Benta sa kin ang chapter na 'to! =D

    - Edmond

    ReplyDelete
  5. yes, may update na at back to back pa!!!

    umamin na si josh!!!!! kay lance nga lang at hindi kay igi! hehe

    i'll proceed to the next chapter! haha

    ReplyDelete
  6. Wow...nice chapter,i love this part,nakuha nya tlaga ang atensyon ko...

    Thanks for the update:)

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. ang cuuuttteee ng chapter neto!!kakatawa c josh nung nalasing..^^

    -monty

    ReplyDelete
  9. Wow migz I missed a lot. I'm out of the country for a month and Kindda busy kaya di ko nagawang basahin ung mga post mo. Promised I will make up, reading marathon time......

    By the way its a nice start hehehe.

    Keep on writing and have a nice day.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]