The Things That Dreams Are Made Of 18

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kunot noo a pinapanood ni Roan si Lance at Igi na nagtatawanan at paminsan-minsan ay naghaharutan. Agad na inayos ni Roan ang kaniyang mukha ng makita niyang papalapit si Lance at Igi sa kaniyang pwesto, pero kahit anong pilit niya sa pagngiti ay nabubura parin ito lalo pa't nakikita niya si Lance at Igi na nagbubulungan tapos ay biglang tatawa.


Hi, Roan!” masayang bati ni Igi.

Hey.” walang kalatuy-latoy na sagot ni Roan na hindi nakaligtas kay Lance.


Oh shit! I forgot! I-me-meet nga pala ako ni coach, I gotta go! See you later, Roan and Lance!” paalam ni Igi na hindi napansin ang pagiging malamig sa kaniya ni Roan.


Yeah. See you later.” wala paring gana na sagot ni Roan na hindi naman napansin ni Igi dahil sa pagmamadali at hindi nakaligtas kay Lance na hindi mapigilang mapangiti at mapa-iling.


Hindi napansin ni Roan na hinahabol pala niya ng masamang tingin si Igi at hindi niya pa ito malalaman kung hindi niya pa narinig na humagikgik si Lance. Agad niyang ibinalik kay Lance ang kaniyang pansin.


What's funny?!” singhal ni Roan kay Lance na lalo nitong ikinahagikgik at ikinailing.


Nothing.” kumakalmang sagot ni Lance mula sa sobrang paghagikgik na tila naman lalong nagpainit sa ulo ni Igi.


Acting a little cozy with Igi?” nanghuhuling tanong ni Roan kay Lance na lalong nagpatatag ng hinala niya sa maaaring ikinakainit ng ulo ni Roan.


Cozy?” nakangising pagkukumpirma ni Lance sa kaniyang malakas na hinala.


Yep. You guys looks like--- gay couple.” sagot naman ni Roan, pilit na inaalis ang pagkadismaya at inis sa kaniyang boses na siya namang tuluyan ng kumumpirma sa hinala ni Roan.


Jealous?” balik tanong ni Lance na ikinatameme at ikinagulat ni Roan.


Huh?! Why would I be jealous?!” halos pagska-skandalo ng tanong ni Roan nang makabawi ito sa gulat at pagkatameme.


Well, maybe because you have a little crush on me?” nakangising tanong ni Lance na ikinatameme ulit saglit ni Roan.


What?! Haha! Nakakatawa ka naman. Why would I love someone like you?” nakangisi naring balik ni Roan.


Well, for starters, I'm gorgeous--” nakangisi at mahanging sagot ni Lance na gumulat kay Roan. “Second, I'm not like Neph who wouldn't appreciate you when you give your heart to me and last but not the least, is because I like you and you wouldn't regret liking me back.” pagtatapos ni Lance na siyang lalong nakapagpatameme at siyang nakapagpamula sa mga pisngi ni Roan. Nang hindi na sumagot si Roan ay nagsimula ng maglakad palayo si Lance.


Oh and the reason why I'm 'acting a little too cozy' with Igi is because I'm still fixing the mess you've made---” pahabol pa ni Lance sabay sulyap kay Josh na nakatingin ng masama sa kaniya, isinunod ni Roan ang kaniyang tingin sa gawi ng nanggagalaiting si Josh at nakuwa niya ang pinaplano ni Lance. “--and while I'm still at it, you should start thinking of ways on how to tell Igi about the mess you've made and the troubles it caused him and Josh. Because after I'm done, everything will be at it's place and the mess you've made will all be coming back to you. So you better come clean this early.” makahulugan at puno ng pagaalalang mungkahi ni Lance sabay itninuloy ang paglalakad palayo.


0000ooo0000


But coach, matagal na po akong hindi nagpra-practice, baka po magkaproblema ako sa tubig kapag ako ang inilaban niyo.” saad ni igi nang i-anunsyo na ng coach sa swim team at basketball team na siya ang ilalaban sa swimming sa kabilang skwelahan.


We'll practice everyday for the next two weeks ma-i-kundisyon lang natin yung katawan mo.” pagpupumilit ng coach na tila naman desperado na na makahanap ng maipapanlaban niya sa liga matapos ma expel ang kaniyang pinakamagaling na manlalangoy. Dahil sa pagpupumilit na iyon ng coach ay wala na lang nagawa si Igi kundi ang manahimik, ngunit hindi ito palalagpasin ni Josh na hindi makapaniwalang nakikinig sa bandang likod.


Don't do it, Igi.” panalangin ni Josh sapagkat alam niya ang mangyayari sa mga manlalangoy na matagal ng walang ensayo o kaya naman hindi pa ganong nakukundisyon ang katawan sa matagalang paglangoy.


Ikaw na lang ang pag-asa ng buong schol, Igi.” pangungumbinsi pa ng coach na siyang nagtulak kay Igi na pag-isipan pang maigi ang gustong mangyari ng coach bago siya sumagot.


Isn't it dangerous to swim lalong lalo na kung hindi nakundisyon ng maigi ang katawan mo?” tanong ni Josh na siyang gumulat sa lahat lalong lalo na kay Igi.


Yes---” simula ng coach, hindi na napigilan ni Josh na putulin ito sa pagsasalita lalo pa't nagaalala siya na tanggapin ni Igi ang alok ng coach.


So you're telling Igi to risk his life on that pool just to keep our School's name at the score boards? Wala ba man lang kayong kapiranggot na concern kay Igi habang iniisip niyo ang pansariling pagpapabango?” matigas na sabi ni Josh na ikinagulat muli ng lahat lalong lalo na ang coach at ikinamula ng pisngi ni Igi.


He cares for me?” tanong ni Igi sa sarili, sabay tingin kay Josh na agad namang sinalubong ang kaniyang tingin. Hindi mapigilan ni Igi na matuwa sa kaniyang narinig na iyon habang nagtititigan parin sila ni Josh kaya't hindi niya rin mapigilan ang mapangiti ng konti na hindi naman nakaligtas kay Josh na agad ding namula ang mga pisngi nang maisip na nalaman ni Igi na concern siya dito.


Ngunit ang ngiti at tuwa na nararamdaman ng dalawa ay agad na nabura nang gisingin ni Igi ang sarili mula sa para sa kaniya ay malapanaginip na ideya na ito. Sumagi sa isip niya na taktika lamang ito ni Josh upang alukin din ito ng coach na lumaban. Pumapapel katulad noong mga panahon na hindi pa sila nagkikibuan ulit matapos ang mahabang hindi pagkakaintindihan, katulad noong malimit pa itong makipagpataasan sa kaniya ng ihi.


Who am I kidding. This is Josh the asshole. Josh the asshole never cared for me. I'm even sure that he doesn't even know what caring is.” pangungumbinsi ni Igi sa sarili habang binubura ang pamumula ng kaniyang mukha at ang matamis na ngiti na kanina lamang ay nasa kaniyang mukha nang akalaing concern sa kaniya si Josh.


Ang unti-unting pagkawala ng matamis na ngiti at pamumula ng pisngi ni Igi ay hindi nanaman nakaligtas kay Josh na katulad ni Igi ay unti-unti ng nawawala ang ngiti sa mukha, nagulat na lang si Josh nang biglang naging malamig ang kanina lang ay magalak na pakikipagtitigan sa kaniya ni Igi at hindi nagtagal ay nagsimula na siyang malungkot nang biglang i-iwas ni Igi ang kaniyang tingin mula kay Josh.


I'll do it.” mahina pero rinig na rinig na sagot ni Igi na siyang nagtatak ng isang napakalaking ngiti sa mukha ng coach at isang malungkot na tingin mula kay Josh.


Tinignan maigi ni Josh si Igi na tila naman nakahalatang nakatingin parin sa kaniya ang huli dahil agad nitong ibinalik ang tingin ni Josh. Hindi na nila napansin na unti-unti ng nauubos ang tao sa kanilang paligid dahil sa tapos na ang meeting na ipinatawag ng coach. Nang silang dalawa na lang ni Josh ang asa loob ng locker room ay wala sa sarili itong nilapitan ni Igi at sininghalan.



Stop acting like you care.” singhal ni Igi na ikinagulat ni Josh, hindi na inintay pa ni Igi si Josh na sumagot dahil agad na itong tumalikod at nagsimula ng maglakad palabas ng locker room.


B-but I do care!” habol sigaw ni Josh kay Igi na malapit na sa pinto ng locker room.


Bullshit---!” pabulong pero puno ng galit na sabi ni Igi.


---simula noong nagsimula tayong mag high school lahat na lang ng ginagawa ko kinumpetensya mo!” umiiling na pagtatapos ni Igi, hindi makapaniwala na nagbubulaan si Josh.


I-I- c-care for you, Igi.” nakayuko ng bulong ni Josh. Hindi mapigilang masaktan sa paraan ng pakikipag-usap sa kaniya ni Igi, hindi makapaniwala na tagos hanggang buto ang galit nito sa kaniya gayong wala naman siyang natatandaan na masamang ginawa dito.


I'm not going to let you steal the lime light from me again. The coach asked me to swim and not you, so deal with it. You don't have to pretend like you care so you can take the spot from me, because I'm not going to give it to you.” mainit na saad ni Igi na tila naman sumaksak sa puso ni Josh. Ramdam na ramdam niya kasi ang galit sa mga sinabi nito. Galit na hindi niya parin maintindihan kung san nanggagaling. Gusto sana niya itong itanong kay Igi ngunit mabilis na itong nakalayo sa kaniya.


0000ooo0000


Ano bang ginawa kong masama?” tanong ni Josh kay Des. “And why the fuck is it so hard with him, samantalang sayo di naman ako nahihirapan ng ganito.” umiiling at tila ba dismayadong pagtatapos ni Josh.


Because you love him.” sagot ni Des sabay kibit balikat na tila ba ang tanong na iyon ni Josh ay madalas na niyang naririnig mula dito.


I also loved you, Des. But what we had was nothing like this. It's like I'm running through an obstacle course.” sagot muli ni Josh sabay higop sa straw ng kaniyang iniinom na softdrink.


Because what you have for him is true love that's why.” sagot ulit ni Des sabay kagat sa kaniyang sandwich.


I thought true love is supposed to be like magic and fireworks, like playing a guitar in tune and as natural as breathing. What I feel for Igi is no magic and certainly not fireworks, like playing a guitar for the first time, definitely out of tune and like being suffocated.” umiiling at frustrated na frustrated na sabi ni Josh na ikinailing narin ni Des.


Kasi naman nagpapaka eng-eng pa kayong dalawa! Tanong kayo ng tanong sa ibang tao eh kung sa isa't isa niyo na itinatanong yan edi matagal na kayong nagkaintindihan!” singhal nanaman ni Des na ikinagulat ni Josh.


I tried, Des. I swear, I tried talking to him but he just wont let me explain!” balik naman ni Josh.


Try harder!” singhal ulit ni Des.


B-but I don't know how to!” balik naman ni Josh, hindi maikakaila ang tono ng tila ba nawawalang bata sa boses nito na siyang tumunaw sa pagkairita ni Des.


I wish I can help you with this, Josh, but only you can fix this. In time, I'm sure you will know what to do.” mahinahon ng balik ni Des kay Josh, nagiisip ng magandang isasagot pabalik si Josh ngunit naputol ang pagiisip na iyon ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Des.


Come in.” tila excited na saad ni Des na hindi naman nakaligtas kay Josh.


Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ni Des, tila ba lalong pina-suspense ang tagpo at nang tuluyan nang makita kung sino ang kumatok na iyon ay agad na naintindihan ni Josh kung bakit biglang na-excite si Des.


Napa-isip tuloy si Josh dahil sa naobserbahan na ito. Nung sila pang dalawa ni Des ang nasa relasyon ay ni hindi maalala ni Josh na nakita niya na na-excite si Des sa tuwing pumapasok siya ng kwarto, ang naobserbahan din na ito ni Josh ay siyang nagdulot sa kaniya ng kaunting pakiramdam ng panliliit at inis dahil muli niyang naalala ang panggagago sa kaniya ni Neph at Des pero ang talagang sumira sa kaniyang hapon na iyon ay nang maisip niya na hindi niya rin alam kung katulad ng pagliwanag ng mukha ni Des ang mukha ni Igi sa tuwing nakikita siya nito o nakareserba na iyon kay Lance.

Bwisit na Lance.” bulong ni Josh.


Huh?” tanong ni Des nang makarinig siya na tila ba nagsalita si Josh nung bala siya sa pakikipagtitigan kay Neph na tila naman kinakabahan na awayin nanaman siya ni Josh.


Wha--?” simula ni Josh, hindi makapaniwala na nasabi niya pala ng malakas ang kaniyang iniisip. “--oh, I s-said I'd b-better go. May pupuntahan pa ata kayo eh.” palusot ni Josh na lalong ikinakaba ni Neph.


OK.” kibit balikat na saad ni Des, napatingin dito si Neph. Natunugan niya na may pinaplano ito.


I-ingat.” saad ulit ni Josh.


0000ooo0000


Nakita ng nanay ni Des ang nagmamadaling si Josh palabas ng kanilang bahay. Agad niyang itinaas ang tingin at nagtama ang tingin nilang mag-ina, kitang-kita ang sinenyas ng kaniyang anak Hindi na nagaatubili pa si Mila na tawagin si Josh.


Joshie, anak. Pwede bang patulong muna sa mga pinamili ko?” tawag ni Mila kay Josh na noon ay asa tabi na ng kanilang front door habang si Des ay nangingiti-ngiti at si Neph naman ay malungkot na nakatingin kay Josh.


Dahan-dahan at mabigat ang loob na lumapit si Josh kay Mila at tinulungan ito sa mga pinamili nito. Umiiling na sinulyapan ni Mila si Josh at tila ba unti-unti nang nakukuwa ang gustong mangyari ng anak. Naikuwento narin kasi ni Des ang hindi pagkikibuan ng dalawa at si Des bilang isang mabuting kaibigan din ng dalawa ay gusto ding magkabati na ang mga ito.


Ma, labas lang kami ni Neph.” paalam ni Des na lalong ikinailing ni Mila.


Napagusapan na natin ito diba? We're going to prepare a special dinner for your dad, remember?” singit ni Mila, nakita niya kung pano pigilan ng anak ang pagngiti nito na agad na umarte na tila ba may nakalimutan nang humarap dito si Neph.


Oh no. But Neph already bought two tickets para sa movie na gusto naming panoorin. Sayang naman, Ma.” kunwaring malungkot na sabi ni Des habang nakatingin dito si Neph na tila nagtataka at si Josh naman ay pilit na nagbibingi-bingihan sa paguusap ng tatlo habang inaayos ang mga pinamili ni Mila sa ref.


Well, I can't do this special dinner alone.” balik ni Mila.


It's OK. We can cancel it---” simula ni Neph na agad ding pinutol ni Des.


Why don't you take Josh with you! Alam ko, gusto narin niyang panuorin ang movie na iyan eh---!” excited na saad ni Des na tila ba ang naisip niyang iyon ay isa sa pinakamagaling na idea na naisip niya sa tanang buhay niya.


Naibagsak ni Josh ang kaniyang hawak-hawak na melon habang si Neph naman ay nakatitig lang sa kawalan na tila ba ang sinabing iyon ni Des ay isang napakahirap na math problem para sa kaniya.


0000ooo0000


Nagtataka, naguguluhan at nagaalangan. Yan ang mga pakiramdam na tumatakbo sa pagkatao nila Neph at Josh habang nasa sasakyan sila ni Neph. Nagtataka kung paano sila nakumbinsi ni Des na magkasamang pumunta sa sinehan, naguguluhan kung paanong hindi sila pareho tumanggi sa iminungkahi na iyon ni Des at nagaalangan kasi hindi parin nila alam hanggang ngayon kung pano makitungo sa isa't isa matapos nilang magsuntukan sa food court.


Sabay na bumaba sa sasakyan ang dalawa nang makarating na ang mga ito sa mall, wala paring imikan, patuloy parin sa pagaalangan hanggang sa makapasok sa loob ng mall. Di man magkatabing naglalakad papunta sa sinehan ay hindi parin mapigilan ng dalawa ang makaramdam ng pagaalangan.


Nauunang maglakad si Neph, hindi na niya inaasahan na susundan pa siya ni Josh kaya naman laking gulat niya nang makita na nagbigay din ang huli ng ticket sa taga kolekta ng mga ito bago sila pumasok sa mismong sinehan. Wala pa halos tao sa loob ng sinehan, naguguluhan parin si Josh, alam niyang ayaw niyang makausap o makasama manlang pero hindi niya rin ito magawang iwan dahil siguro ayaw niyang magalit sa kaniya si Des at may ilang parte din ng utak niya na nagsasabi sa kaniya na namimiss na niya ang pagkakaibigan nila ni Neph.


Lahat ng pagaalangan, galit, pagkagulo, pagtataka ay tila magic na nawala nang magsimula na ang pelikula na kanilang pinapanood. Nawala na sa isip ng dalawa na kaaway ang turing nila sa isa't-isa dahil sa komedya na pinapalabas sa malaking screen. Hindi na napigilan ng dalawa ang humagalpak lalo pa't pareho nilang naalala si Igi noong unang beses nilang sinubukang uminom ng alak katulad ng mga bida na pinapalabas sa malaking screen.


Natigilan ang dalawa sa kanilang ginagawa lalo pa't hindi nila sinasadyang magpalitan ng tingin. Saglit silang nanahimik kahit pa ang buong sinehan ay nababalot ng pagtawa.


I-I'm sorry, I didn't mean to hurt you. I didn't mean to mess up your relationship with—-” “I'm sorry for kicking your ass” sabay na sabi ng dalawang magkaibigan saka nagpalitan ng ngiti.


““Nah, it's OK.”” sabay ulit na sabi ng dalawa na muling nakapagpahagalpak sa kanila.


So we're good then?” tanong ulit ni Neph.


Yup.” sagot naman ni Josh saka nagkamayan ang dalawa at ipinagpatuloy ang panunood ng sine at pagtawa ng wagas.


0000ooo0000


Matapos manood ng sine ng dalawa ay naisipan ng mga ito na kumain muna sa isang fast food na madalas nilang kainan noon. Punong-puno man ang mga bibig ay hindi parin mapigilan ng dalawa ang magkwentuhan, tila bumabawi sa ilang linggo nilang hindi pagkikibuan.


Soo, who's the lucky girl?” tanong ni Neph, hindi kasi siya makapaniwala na OK na agad ng ganun-ganun lang kay Josh ang kaniyang ginawang pangaagaw kay Des. Malayong-malayo sa kaniyang pagkakakilala dito na ipaglalaban ng patayan si Des. Saglit na natahimik si Josh at sumeryoso na agad ikinabahal ni Neph, iniisip na masyado pang maaga para magtanong ng mga ganung bagay kay Josh. Pero nakahinga din ng maluwag si Neph nang makita niyang mamula ang mga pisngi ni Josh at dahan dahang ngumiti.


I'm in love with somebody else. Des made me realize it. Akala ko noon si Des na yung para sakin, as it turned out, I only love her as a sister.” nangingiti-ngiting sagot ni Josh lalo pa nang biglang sumingit sa kaniyang isip si Igi. Hindi narin napigilan ni Neph ang mapangiti.


So--- who is the lucky girl?” tanong ulit ni Neph. Saglit na natigilan si Josh at tumingin sa mga mata ni Neph nag seryoso, tinitimbang kung ano ang magiging reaksyon ni Neph kapag sinabi niyang si Igi ang kaniyang mahal.


I-I'm in love NOT with a girl but with a boy.” pahaging na simula ni Josh na ikinahagalpak ni Neph, iniisip na nagbibiro lamang ang kaibigan ngunit agad ding natigilan nang makita niya ang pamumula ng pisngi nito at tila ba hindi mapakali.


I-I'm i-in l-love with Igi.”


Itutuloy...


The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 18”
by: Migs

Comments

  1. Hello guys. Pasensya na ulit sa matagal na pagpopost. Alam niyo na po kung bakit. Nais ko po sana ulit kayong imbitahan na bisitahin ang mga blog na ito. Hindi po kayo magsisisi! :-)

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    At syempre ang pinaka idol ko sa lahat:

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Moon Sung-Min: sorry but I do not tolerate violence in this blog. Hahahahaha! Ikaw na ang bayolente!

    _ian: you're welcome! :-) eto na ulit ang back to back chapter!

    Makki: thanks.

    IyanChan: pinapamukha ko lang sainyo ang kahalagahan ng “communication” hahaha! Thanks! Ayan ulit, may nasinghot ulit akong magandang hangin! Haha!

    Igi: thanks! Good luck sa mid terms!

    Lawfer: sorry at ako pa pala ang naging dahilan ng pagkakaroon mo ng altapresyon.

    adik_ngarag: thanks! Ayan, back to back ulit pero hindi ko maipapangako na hindi na ito cliff hanger! Haha!

    Ryval winston: Thanks sa comment and don't worry, magkakausap nadin ang dalawang iyan. :-)

    Roan: gusto ka na nilang ibitin patiwarik. Haha! :-)

    Anonymous September 1, 2012 2:35 PM: Sana po makapagcomment pa kayo next time at sana po pakilagyan na po ng name para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. :-)

    Dalisay: Thanks!

    Akosichristian: salamat naman at natanggap mo na na wala na si Liam sa picture na ito? Hahahaha!

    ANDY: wish granted.

    Kean tongol: that was what I'm after, yung mainis kayo. Hahaha!

    Mr. Brickwall: I was just joking. Thanks! Mwah! Hahaha!

    Gavi: inatyin mong makita ako bago mo sabihin na mahal mo ako, baka kasi magbago pa ang isip mo. Hahahahaha! Ayan, wish grated. Back to back chapters!

    Foxriver: that is waht this tory is all about. That is what being a teenager is all about.

    Edmond: soon. Baka sa next back to back chapters may cha na na lumabas.

    -frostking: you and moon sung-min are bad. Hahahahaha!

    Monty: edi natapos na agad ang kwento kung gayan? Hahaha!

    Wastedpup: you're welcome. ILY! :-P


    Pasensya na kayo sa maikli kong sagot. Halos mag be-bente kwatro oras narin kasi akong gising kaya ganyan. Pagpasensyahan niyo na. Thanks guys sa patuloy na pagsubaybay and I love you all! Mwah!

    ReplyDelete
  2. :D Thank you again KUYYYYAAAA!!! :D :D :D

    Anyway, been through a lot this whole sh*t of a day. But can't help but still smile because of your story. Thank you po tlaga. Same2 parin comment ko. EXCELLENT as always. It did make me realize a few things that I'll always be thankful to you about. Again, keep up the good work and God Bless you always! :D

    -iGi

    ReplyDelete
  3. Waaaa. Nabitin na naman aq. :)
    Pero masaya parin kasi nag update ka.
    Na oobses na ata ako sayo. xD

    ~frostking

    ReplyDelete
  4. At least wala nang rason for Roan para magpaka-bitter 'coz mukhang MU sila ni Lance.

    I hope Neph and Des really brought some sense sa pag-iisip nina Igi and Josh. If not, there's always Aunt Cha to look forward to. (Kulit ko, hahaha!)

    - Edmond

    ReplyDelete
  5. haist. Si Igi naman t0ng ayaw makipag usap ng maay0s kay Josh.haist.pero that's life tlga my mga ta0ng d nakikinig lalo pag nasaktan sila.

    .buti nalang at ok na sina josh at neph.pasasaan pa't sila rin magkakatulungan.bestfriends eh. I'm sure matatanggap ni neph kung sino man ang gsto n josh mapababae man o lalaki.

    Sana magkaay0s na sla ni Igi .para hapi ult.:)

    ReplyDelete
  6. nakakainis na ha......
    away ng away ung dalawa....
    nakakahigh blood....
    at isang malaking BUT !!!!!!

    i think ung 2 bagets dn ang magiging reason ng pagkaka-ayos nina ram at migs.....


    ala ba anak cna edison at jake??????

    -eelkahr

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baog sila pareho. Hahahahaha! Saka may anak na si Edison, ung life-size nyang stuff toy. HAHAHAHA

      Delete
  7. nice migs..prangkahan talaga na ito.

    migs di halata na super busy ka..

    ReplyDelete
  8. Ahh. Ganun pla? Sige, Hindi ako naiinis. Hahaha
    Kundi, nanggagalaiti ako. Hahahah.

    ReplyDelete
  9. Migi boy, masyado mu kaming binibitin at pinasasabik.... Hehe 'til the next chapter... =)

    ReplyDelete
  10. May sa kung anu talaga sa salitang "pagpapamukha" Hahahaha! Parang may galit Migs?! Hahahaha!! May sa kung anung mabuting hangin ka nga nanamang nasinghot meron namang halong kakapirangot na masamang hangin. Lol! Migs binitin nanaman kami ng kwento mo kahit na sabihin mo pang back to back chapter yan! Hahahaha! Anyway Migs as always yo never fail to amuse us with this things. Pero sa ngaun isa nlng ang nsa isip ko, ano kaya ang mangyayari kay Lance at Roan after nito? Pero mukhang mahaba haba pa ang storyang ito. Hahahahahaha!

    ReplyDelete
  11. umph! super bitin aman migz, kaw talaga. but tnx sa back to bak update.

    ReplyDelete
  12. waahhhhh!!!!

    sobrang ganda ng chapter na to!

    unti-inti nang umaamin si josh na mahal nya si igi!!!

    migs, sulit na sulit ang paghihintay ko sa update mo.... wala kang kapantay.... sa pambibitin! hehehe

    sana mabilis lang yung pag update mo dahil kahit kakatapos ko pa lang magbasa, hindi na ako makapag-hintay na mabasa yung next chapter!

    putik talaga! haha

    ReplyDelete
  13. Hmp. joke daw. hmp tlga. hmp hmp hmp!

    anyways, kahit na uber toxic ang trabaho, eto't may nagpapaligaya pa din naman na magandang light love story.

    ayan! sana makatulong si pareng neph sa dalawa nyang nag-iinarteng mga kaibigan. gambatte nephy!

    sobrang nakakabaliw ang personality ni lance. sa totoo, sya pinakagusto ko. sana may ganyang tao sa totoong buhay. waah! lance lance lance. hay hay hay..

    o sya, 1:30am na. may pasok pa ng 9am, luluwas pa.

    good nyt kuya pati sa mga kapwa ko tagasubaybay.

    sweet dreams.
    lance lance lance! kulet!! ^^

    ReplyDelete
  14. Yahoo!!!! Okay na ang lahat except Igi ang Josh! Haha! Sana wag muna maging okay ang dalawa para mahaba pa ang kwento, sana maging kontrabida ulit si roan! (LOL ngayon naman gusto ulit maging bad si roan, wala ng suotan si kuya migs)

    ReplyDelete
  15. Wooo..,done reading,ang ganda ng takbo ng story,unti-unti ng naaayos ang gusot,hope magkaayos na din ang love birds,hahaha... :))

    ReplyDelete
  16. Ayun yun eh!

    Migs, wag mo sabihin na mag OA reaction si neph sasampalin ko yan promise.
    hhahahaha!

    ReplyDelete
  17. Sir!!! Maraming salamat sa pag tupad sa kahilingan ko...another back-to-back chapters, pero sana makatanggap na din ako ng i love you too. lol going back, eto na siguro yung pinakakinilig akong chapters...lalo na yung lasing part. :) at ginamit mo ulit ung "firework and magic" sweeeeeeeeeeeeeeeet.


    hmmmmm bakit naman magbabago isip ko pag nakita kita?? I don't think so. :p hehehe love pa din kita.



    -Gavi :)

    ReplyDelete
  18. bwahaha d pa naman alta prexon kw naman xD kaya pa kontrolin haha

    hmm macular degeneration!
    lalung lumalabo ang estado nila :(
    sna maayos na para naman hapi na cla... at sna mgkaayos na dn parents nla nu, mai golai ilang taon na my pgka ampalaya pa cla
    nkakalbo kilikili q sknla

    ReplyDelete
  19. al hamdullah!!! everything's going well na.. :p

    lance-roan nlng.. :p cge na idol tanggap ko ng wla c liam.. :p peo umaasa pa rin ako.. lol

    positivity ang aura ko ke igi at josh.. :p

    ReplyDelete
  20. Kung makapambitin ka talaga mahal kong Migz ay sobrang wagas talaga. Da best ang Back2Back na mga chapters. As always, hands down and two thumbs up ako sa iyo my Labz. Ingatz Migz. I love you po. Sobra. Mwah

    ReplyDelete
  21. hi migz,
    ipopost ko na sa page ang story mo hah?inform lang kta pag nagstart na ang posting...pinapagawan pa po kasi namin ng cover photo.

    ric

    ReplyDelete
  22. thanks sa update migz...mukhang malapit ng magkaayos sina igi at josh.

    waiting 4 da next chapter.ingatz

    ric

    ReplyDelete
  23. Author Migs!

    Wassup! haha 4 chapters,naging busy siguro talaga ako ngayon week na to XD
    anyway nafefeel ko na tama ang kutob ko sa mga mangyayari at one of it is malapit na matapos ito XD haha

    may teaser ng ulit ng bagong mong book :D ayos!

    -aR

    ReplyDelete
  24. andami nang ups and downs! woo! naeexcite na ko. kelan next chapter migs? hehe

    ReplyDelete
  25. aunoh!nagkaaminan na!haha...ano kayang reaksyon ni neph??hihihi...

    -monty

    ReplyDelete
  26. wahahaha...hay na lang...sarap sapakin ni iggy...hay na lang pakipot pa...gusto rin naman nya...nakers...wahahaha..nice one migz!..hahaha

    -Berto-

    ReplyDelete
  27. this is awesome migz grabe nalason na tlaga ni roan ang utak ni iggy. But it's great na nagkaayos na si josh and neph can't wait to read kung kailan magakakaayos si josj and iggy.

    have agreat day and keep on writing migz....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]