The Things That Dreams Are Made Of 5
DISCLAIMER:
The
following is a work of fiction. Any similarities to any written works
and any person, living or dead are purely coincidental. The story is
intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do
not copy or use without written permission. Email
the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Ilang
saglit pa ay bumawi na rin sa pagtititigan ang dalawa, tila ba isang
de awtomatikong makinilya ay biglang napalitan ang mgagagandang
pakiramdam noong nagtititigan pa sila ngayong nagiwas na sila ng
tingin sa isa't isa, napalitan ito ng galit at hindi maipaliwanag na
inis sa bahagi ni Josh habang hiya naman at hindi pagkapakali kay
Igi.
“This is all your fault.” singhal ni Josh na
ikinapintig ng tenga ni Igi, hindi makapaniwala sa kaniyang
naririnig.
“Ako nanaman?! Lagi na lang ako ang sinisisi mo! Ni
hindi ko nga alam kung bakit paiyak ka na eh tapos ako parin ang may
kasalanan?!” di makapaniwala at galit na galit na balik ni Josh, sa
sobrang inis at hindi pagkapaniwala ay tumalikod na kay Josh at
nagpasya na lang na lisanin ang lugar na iyon kesa palakihin pa ang
away na hindi nanaman niya maisip kung pano nagsimula. Pero hindi na
pala kailangan ni Igi na hulaan kung pano nagsimula ang away na iyon
dahil ipamumukha sa kaniya ito ni Josh ilang saglit pa.
“Kung hindi mo ako inaway kanina hindi sana ako
pupunta kila Des---!” inis na simula ni Josh dahil sa bastos na
pagtalikod sa kaniya ni Igi habang naguusap pa sila.
Wala sa sariling inabot ni Josh ang malaking braso ni
Igi at marahas itong pinaharap muli sa kaniya. Napa hakbang na lang
siya patalikod nang makita ang galit sa mga mata ni Igi at nagulat
nang may makita ding bakas ng lungkot sa mga mata nito.
“Huwag mong isisisi sakin ang kahalayan mo! Hindi ka
nakapagpigil. Sarili mo ang dapat mong sisihin at hindi ibang
tao!---” galit na simula ni Igi, huminga ng malalim at pinakalma
ang sarili. Ipinangako niya sa sarili niya na hindi na muli pang
mauuwi ang kanilang mga pagtatalo katulad ng pagtatalo nila noon sa
student central board kaya naman kahit mahirap ay pinakalma parin ni
Igi ang sarili.
“Kailan mo kaya matututunang huwag isisi sa iba yang
mga problema mo na sayo rin naman mismo nagisismula?” mahinahon at
puno ng pagkadismaya at sa pakiwari ni Josh ay puno rin ng sakit na
sabi ni Igi bago ito muling tumalikod at lumisan sa lugar na iyon,
iniwang nakatanga mag-isa si Josh na pilit isinisiksik sa kaniyang
isip ang huling sinabi ni Igi.
000ooo000
Lumipas
ang isang linggo at lalong lumala ang pananahimik ni Josh, alam ni
Migs at Ed na hindi nagustuhan ng kanilang anak ang pangangaral nila
dito at alam nilang lalo nitong hindi nagustuhan ang paglilimita nila
sa pakikipagkita nito kay Des.
“You have got to be shitting me!” sigaw ni Josh nang
sabihin ni Ed na hindi ito puwedeng magpunta sa bahay nila Des nang
wala ang mga magulang nito sa bahay o kaya ay kung walang ibang
kasama si Des sa bahay.
“Language, Josh.” saway ni Migs na lalong ikinainit
ng ulo ni Josh.
“I said that we're not going to do it again. Don't you
trust me?” naiinis na balik ni Josh kay Migs at Ed upang
kunsensyahin ang mga ito pero hindi ito kinagat ni Migs.
“This is not an issue of trust, Josh. This is about
what is best for the both of you.” paliwanag ulit ni Migs.
“Di niyo ba naisip na ito ang the best para sa akin.
Yung makasama yung babae na mahal ko?!” singhal ni Josh.
“Bakit mo siya mahal?” tanong ni Ed na ikinatameme
ni Josh at ikinadikit naman ng kilay ni Migs.
“What?!” pasinghal ulit na tanong ni Josh, hindi
makuwa ang tinutumbok ng ama.
“I said why do you love her?” kalmado at seryosong
tanong ni Ed.
“She's pretty, she's kind, she has everything I want
for a girl.” simula ni Josh na agad namang siningitan ni Ed.
“Oo
nga naman, maganda si Des.” simula ni Ed at magsasalita na sana si
Migs at tatanungin ang pinupunto ng nobyo nang magsalita ulit ito.
“Remember your tita Lei? Yung nagbigay ng PSP mo? Well, I love her,
muntik na kaming ikasal pero alam namin na hindi pareho ang
pagmamahal namin sa isa't-isa kaya naman nung humarap kami sa altar
hindi namin magawang sumumpa sa harap ni God. Your tita Lei is also
pretty, kind and has everything a guy would like for a girl but I
only love her, I'm IN
love
with your Dad kaya kami ang magkasama ngayon matapos ang ilang taon.
Ngayon, masasabi mo ba na pareho ang level ng pagmamahal niyo sa
isa't isa ni Des o isang lang itong phase para sayo. A phase to
satisfy your curiosity?” paliwanag ni Ed sabay tanong sa anak.
Hindi nakasagot si Josh, bigla itong napaisip.
“Yan ang pinapaintindi namin sayo, Josh. Minamadali
niyo ni Des ang lahat sa pagaakala na handa na kayo kahit pa ang
totoo ay malayo pa ang tatakbuhin niyong dalawa. Bata pa kayo, hindi
naman namin sinasabi ng Dad mo na huwag na kayong magkita kahit
kailan ni Des, ang gusto lang namin ay hinay-hinayin niyo ang mga
namamagitan sa inyo dahil hindi pa kayo handa kung sakaling may
mangyari na hindi natin pare-pareho inaasahan.” pahabol na
pagpapaintindi ni Ed sabay tayo at inaya na si Migs papasok sa
kanilang kwarto upang hayaan si Josh na makapag-isip.
000ooo000
“I think your dad is right.” bulalas ni Des nang
magkita ang dalawa upang sabihin ni Josh ang paglilimita ng kaniyang
mga ama sa kanilang relasyon.
“WHAT?!” pasinghal na tanong ni Josh, hindi
makapaniwala sa sinasabi ng nobya, hindi makapaniwala na mas aayunan
pa nito ang kaniyang mga ama kesa sa kaniya na ipaglalaban ang lahat
para sa kanilang relasyon.
“We're still too young, Josh. Marami pang pwedeng
mangyari, hindi naman nila tayo pinipigilang mag-kita eh, ayaw lang
nila na maiiwan tayong mag-isa para gumawa ng milagro.” balik ni
Des kay Josh.
“Hindi mo ba ako mahal?” tanong naman ni Josh, hindi
parin maintindihan ang sinasabi ng kaniyang nobya at mga ama.
“Mahal kita, Josh pero---” simula ni Des pero tila
nabingi na si Josh matapos marinig ang salitang “Pero”. Sumagi
tuloy sa isip niya ang sinabi ng ama, na maaaring may IN love
nang sinasabi pagdating sa pakikipag relasyon, na maaaring hindi ito
ang nararamdaman sa kaniya ni Des ngayon kundi ang pagmamahal lamang
ng katulad ng kaniyang amang si Ed sa kaniyang tita Lei, kahit
pa pawang sigurado siya na IN love siya kay Des.
Ngunit sigurado na nga ba si Josh sa kaniyang
nararamdaman para kay Des?
000ooo000
“Joshie!” sigaw ni Neph sa bungad ng basketball
court. Nagtaas ng tingin si Josh at nakita niya na may hawak-hawak
ito na bola. Pumunta doon si Josh dahil sa kawalan ng mapupuntahan,
nangako siya kay Des na pagiisipan niyang mabuti ang gustong mangyari
ng kaniyang mga ama at ngayon ay pati ni Des at wala siyang ibang
maisip na mapuntahan kaya't pumayag na lang siya kung saan siya
gustong dalhin ng kaniyang mga paa.
“Hi Neph.” balik bati ni Josh kay Neph sabay
pakawala ng malungkot na ngiti.
“What's wrong dude?” tanong naman ni Neph nang
makita ang humahabang nguso ni Josh at ang tila ba may bumabagabag na
mukha nito.
“Nothing. I'm just thinking about our team building.
Being stuck with Igi isn't exactly my thing.” pagpapalusot ni Josh,
hindi naman ito kinagat ni Neph pero naisipan niyang huwag na lang
kulitin ang kaibigan tungkol dito kaya naman nagpakawala na lang siya
ng isang malakas na tawa.
“I forgot about that.” nangingiting sabi ni Neph kay
Josh na napa-irap na lang.
“Wanna play ball?” tanong na lang ni Neph.
“Su--” simulang pagpayag sana ni Josh sa alok ni
Neph nang biglang may tumawag sa pangalan ng huli.
“Neph! You ass! Sabi ko sayo intayin mo ako sa
lobby---!” sigaw ni Igi sa bungad ng basketball court ngunit agad
din itong natigilan nang makita si Josh. Napansin niya agad nang
tamaan ng kaniyang paningin ang mukha nito na may dinaramdam ito.
Muntik na siyang mapatakbo ulit sa tabi nito at yakapin ito upang
aluhin at pagaangin ang loob nito katulad ng kaniyang ginagawa noong
mga bata pa sila at nung huli silang nagkita.
“I think I'll pass, Neph, thanks, though.” sabi ni
Josh, hindi maikakaila ang sarkasmo sa boses nito na walang duda na
ipinaparating kay Igi na lubos na ikinainis ng huli. Hindi parin kasi
maintindihan ni Igi kung ano bang problema sa kaniya ni Josh at
simula nung tumungtong sila ng high school ay nanlamig at nagiba na
ang pakikitungo nito sa kaniya at tila ba ikinukunsidera na siya nito
ngayon bilang isang mortal na kaaway.
“What? Afraid that I'll just beat your ass?!”
singhal ni Igi, nawala na ang kagustuhan na aluhin at pagaangin ang
loob ni Josh at ang pangako sa sarili na huwag na muli pa itong
patulan at awayin.
“Not again.” umiiling na sabi ni Neph na sa ikailang
pagkakataon ay naipit nanaman sa gitna ng kaniyang mga kaibigan.
000ooo000
“ENOUGH!” sigaw ni Neph sa pagitan ng malalalim na
pag-hingal. Imbis kasi na katulad ng kaniyang gustong gawin na
mag-alis ng stress sa pamamagitan ng masayang paglalaro ng basketball
kasama ang kaniyang dalawang kaibigan ay lalo pa siyang na-stress
sapagkat kada kibo ng dalawa ay halos iharang na ni Neph ang sarili
sa pagitan ng mga ito para hindi ito magsapakan.
“We're supposed to be having fun not killing each
other!” sigaw ulit ni Neph nang makuwa na niya ang atensyon ng
dalawa niyang kaibigan.
Nung una ay natitiis pa ni Neph ang mga makamandag na
tinginan ng dalawa at ang paminsan-minsang pagbubungguan ng mga ito
pero nang maglaon ay nagpapatiran at nagsisikuhan na ito at halos
magsuntukan na makalamang lang sa bola, ang masaklap pa, sa tuwing
pumapagitna si Neph ay siya naman ang nasasaktan sa palitan ng
dalawa.
“Both of you needs to grow up!” sigaw ulit ni Neph
sabay talikod at lakad palayo sa dalawa na naiwang humihingal at
nagulat sa paglalabas ng loob ng kanilang kaibigan na madalas ay
walang kibo.
“This is all your fault!” sigaw ni Josh sabay bato
ng bola kay Igi.
“HOW WAS THIS MY FAULT?!” sigaw namang balik ni Igi
na talaga namang ikinakainis na ang paninisi ni Josh sa kaniya sabay
bato ng bola dito.
“You're the one who pushed me first!” balik ni Josh.
“Losers are meant to be challenged so they'll know how
much of a loser they're!” nakangising balik ni Igi kay Josh, hindi
niya sana ito sasabihin pero pikon na pikon na talaga siya kay Josh.
Natahimik saglit si Josh, nang makita ni Igi ang pagrehistro ng sakit
sa mukha ni Josh ay agad niyang hiniling na hindi na sana siya
nagsalita pa, nainis sa sarili kung bakit hindi niya tinupad ang
pangako na hindi pagpatol sa kaibigan sa tuwing magkakainisan sila.
“And
I care about what you think of me because---?” sarkastikong balik
ni Josh kahit pa ang totoo ay nasaktan siya sa sinabi ni Igi. Wala na
ang dating kaibigan na nag-iingat sa pagsasalita sa kaniya. “You've
always treated me like shit simula nung tumuntong tayong high school.
I learned to deal with it and now no matter what you say, no matter
what you call me, stupid, fatso or just
some kid who happens to know and idolizes you wouldn't
matter anymore because I don't care! I played basketball today with
you and Neph not because you challenged me but because your
asshole-ness is really irritating and I'm trying to knock off some of
it out of your system!” pasigaw na balik ni Josh kay Igi na agad
namang natameme.
“What the hell?! Kailan kita tinawag na fatso or just
some kid?!” sigaw na tanong ni Igi kay Josh pero nakita niya lang
itong umiling atsaka tumalikod at naglakad palayo.
“Fuck you, Igi.” tahimik pero hindi maikakaila ni
Igi ang galit sa sinabing iyon ni Josh bago ito makalayo sa court.
000ooo000
“Hey, diba ngayon yung team building niyo?” tanong
ni Migs sa naka hilata parin na si Josh.
“I'm
not going.” matipid na sagot ni Josh, hindi parin siya natutuwa sa
mga ama matapos limitahan ng mga ito ang oras ng pagkikita nila ni
Des.
“Akala ko required lahat ng bagong officers?” tanong
ulit ni Migs kay Josh na nagsisimula ng mairita.
“I'm going to resign din naman kapag nagsimula na ang
classes, so ano pang silbi ng pagpunta ko sa team building?” tanong
ni Josh sa ama sabay talikod dito.
“Is this still because of what your Dad and I said
about you not seeing Des without supervision?” naka kunot noong
tanong ni Migs kay Josh na agad na umupo dahil sa tuluyang
pagkairita.
“Can we stop talking about this? You guys won, OK? We
don't see each other anymore. I don't want to go because I just
don't want to. Period. Why can't it be that simple? Kailangan ba
talaga may malalim na dahilan, hindi ba pwedeng dahil simpleng ayaw
ko lang muna?” iritableng sagot ni Josh na ikinapintig din ng tenga
ni Migs.
“Well unfortunately I'm not going to let you not join
the team building. You've wanted to be an officer since you started
high school and I'm not going to let you fuck it all up just because
you're on a petty funk! Haul your ass out of bed or you're grounded
till you're thirty!” sigaw ni Migs, ayaw niyang sinisigawan ang
anak pero wala siyang magagawa, ayaw niyang masanay ang anak sa
pambabale-wala sa mga bagay-bagay na gusto nito dahil lang sa hindi
naging maganda ang mga nakaraang linggo para dito, gusto niya na sa
hinaharap kapag humarap ulit ang anak sa mga bagay na hindi nito
gusto o gustong mangyari ay hindi na nito babalewalain pa ang mga
bagay na gusto nitong makamtan katulad ng sinisimulang gawin nito.
000ooo000
Nanlaki ang mga mata ni Igi nang makita niya ang
nakasibanghot na si Josh pababa ng kotse ni Migs at may dala-dalang
malaking bag. Matapos ang kanilang sagutan matapos ang paglalaro ng
basketball ay hindi niya na nakita itong lumabas ng kanilang unit at
lalong lalo na na hindi niya ito inaasahang sumama sa kanilang team
building.
“Akala ko di siya pupunta?” tanong ni Igi kay Neph
na nagkibit balikat na lang.
Tinignan maigi ni Igi ang kaibigan habang bagsak
balikat itong naglalakad papunta sa kanila. Alam niya agad, pagkakita
na pagkakita niya palang sa mukha nito na may hindi magandang
nangyari o kaya naman ay may dinaramdam ito. Katulad nung maabutan
niya itong malungkot na nakikipagusap kay Neph nung araw na naglaro
sila ng basketball at nung bigla itong sumulpot sa sky garden ay
gustong gusto nang salubungin ni Igi si Josh at yakapin ng mahigpit
at pagaangin ang loob nito, pero hindi niya ito magawa dahil alam
niyang galit parin ito sa kaniya kahit pa hindi niya alam kung ano
ang maaari niyang nagawa. Napatunayan niya ang takot na iyon nang
makita niyang lalo itong sumimangot at nangunot ang noo nang magtama
ang kanilang mga tingin.
“Please don't start fighting again.” pagmamaka-awang
sabi ni Neph nang makita niya ang palitan ng masasamang tingin ng
dalawa sabay lakad palayo upang makaiwas narin sa alam niya ay
napipinto ng awayan.
“Don't blame me. I don't even know why he hates me so
much.” singhal naman ni Igi kay Neph na umiling na lang.
“Well I hope this team building fixes both your head
they need some serious overhauling.” umiiling na sabi parin ni Neph
habang patuloy lang sa paglalakad palayo na ikinairita naman ni Igi
dahil para sa kaniya ay wala siyang kasalanan sa pagbabangayan nila
ni Josh.
“JOSH! So glad you could make it!” sigaw ni Mrs.
Roxas habang tinitignan ang listahan ng kanilang gagawin. “Kung
maaari lamang ay tumabi na kayo sa inyong mga ka-partner para sa
linggong ito upang masimulan na natin ang ating team building. Ang
mga magkakapareha din ang magkakatabi sa sasakyan papunta at pabalik
at mamya kapag dumating na tayo sa lugar ng paggaganapan ng ating
team building ay saka ko naman sasabihin ang iba pang mga bagay na
pagsasaluhan ng bawat magkakapareha.” nakangiti na sabi ni Mrs.
Roxas na nagsimula ng ilang excited na bulung-bulungan ng lahat at
ikinairap at ikinapalag naman ni Josh at Igi, hindi makapaniwala na
sa sasakyan pa lang ay magsisimula na ang kanilang kalbaryo.
000ooo000
“I got here first!” sigaw ni Josh nang paalisin siya
ni Igi sa upuan sa tabi ng bintana.
“I'm the president and you're my vice president. The
president always have his way” pagpapaalala ni Igi kay Josh.
“Asshole!” singhal ni Josh nang wala na lang siyang
nagawa.
“Watch it! You don't have to call me names. It's just
a seat near the window---” naiiritang balik ni Igi.
“If it's just a seat then why don't you just let me
have it?!” singhal naman pabalik ni Josh.
“Because I'm the president and I can do whatever I
want.” nakangising balik ni Josh na ikinakulo ng dugo lalo ni Josh
at ikinakuwa ng pansin ng lahat ng asa sasakyan.
“You son of a bi---!” simula ni Josh.
“CHILDREN! We're just waiting for Mr. Tomas to check
all the tires for our trip. Kung maaari ay magsi-upo na kayo--- Josh,
where are you going?” simula ni Mrs. Roxas ngunit natigilan din
nang makita nito ang nakatayo na si Josh na galit na galit namang
nakatingin kay Igi na nakangisi parin.
“I'm getting off this bus!” singhal ulit ni Josh na
ikinagulat naman ni Mrs. Roxas.
“He's just being chicken shit.” nakangisi paring
sabi ni Igi kay Mrs. Roxas na tila naman binunutan ng tinik sa dibdib
at muling ngumiti. Hindi nakaligtas kay Josh ang gustong iparating ni
Igi na tila ba isang hamon kaya't muli siyang umupo sa tabi nito.
“Igi, maaari bang huwag nating sanayin ang ating mga
sarili sa mga ganyang uri ng pananalita?” nakangiting pangangaral
ni Mrs. Roxas kay Igi na pilit pinipigilan ang sarili na umirap.
“Ready to go?” tanong ni Mr. Tomas kay Mrs. Roxas na
excited na excited ng umalis.
Tinignan ng masama ni Josh si Igi pero lahat ng
kaniyang nararamdamang galit ay agad ding nawala nang makita niya ang
tuwa sa mga mukha ni Igi. Nakatingin ito sa labas ng bintana na miya
mo batang aliw na aliw sa kanilang bawat madaanan. Tila naman hinatak
ng oras si Josh pabalik kung saan mga bata pa lang sila ni Igi, kung
saan ayos pa ang lahat, kung saan hindi pa sila laging nagaaway.
“COOL!” sigaw ni Igi at halos durugin ang braso ni
Josh dahil sa biglaang paghawak, nakalimutan na si Josh ang
hinahawakan nito sa braso nang makita nito ang isang kalabaw na
hila-hila ang isang kariton na puno ng gamit na pwedeng ipagbenta.
Napangiti saglit si Josh pero nang maalala niyang si Igi ito, si Igi
na nagdulot sa kaniya ng maraming sakit, si Igi na lagi na lang
siyang kinukumpitensya ay agad niyang binawi ang ngiti na iyon at
suminghal.
“Wow. You do a really great job in acting stupid.”
singhal ni Josh sabay hawi ng pagkakakapit ng kamay ni Igi sa
kaniyang braso. Dahan dahan na nawala ang ngiti sa mukha ni Igi at
dahan dahan ding tumingin sa kaniya, tumingin ng masama.
“Well, excuse me if I may seem a little shallow for
you.” sarkastikong sabi ni Igi na ikinahagok naman ni Josh dahil sa
pagpigil ng kaniyang tawa.
“Little shallow? Try super shallow You're not
just shallow. You're also mean, you're rude and the asshole who likes
to make my life miserable.” singhal ni Josh habang tinutusok ng
hintuturo ang matipunong dibdib ni Igi na hindi naman mapigilang
mapahagikgik dahil sa pagkakiliti na lalong ikinainis ni Josh.
“You're also childish and the person I hate the most!” tuloy ni
Josh na ikinatigil naman sa paghagikgik ni Igi.
“Well, let's describe you, then. Let's start with,
mean, over competitive, rude and a friend who turns his back from his
best friend the moment he became popular--- oh and let's not forget
about being a self absorbed prick who also likes to make my life
miserable!” balik naman ni Igi.
“Asshole! Ikaw kaya itong---” simula ni Josh,
isusumbat sana ang mga sinabi ni Igi sa kaniya noong huling araw na
ikinukunsidera ni Josh na banal pa ang kanilang pagkakaibigang
dalawa.
“Brat!” singit ni Igi upang lalong inisin ang
namumula ng si Josh. Sasagot pa sana ulit si Josh sa pasaring na iyon
ni Igi at isusumbat na talaga sana ang mga sinabi ng huli nung
naghiwalay sila noong hapon na iyon sa mall nang biglang
umalingawngaw ang boses ni Mrs. Roxas.
“Quiet, children!” saway ng guro sa buong sasakyan
na nagsisimula ng umingay dahil sa sabayang pagsasalita ng lahat.
Hindi na muli pang itinuloy ni Josh ang sasabihin, ipinasak na lang
niya ang earphones sa tenga at itinodo ang volume ng kaniyang
pinakikinggan sabay pikit, pilit na binura ang mga sinabi ni Igi sa
kaniya at pilit na iniisip na wala si Igi sa kaniyang tabi habang si
Igi naman ay nagkasya na lang sa tahimik na pagtingin sa bawat
madaanan ng kanilang sasakyan, malungkot na iniisip ang mga sinabi ni
Josh.
Pero kahit anong pagbura ang gawin ni Josh sa mga
sinabi ni Igi sa kaniyang isip ay hindi niya ito magawa lalo pa't si
Igi ang nagsabi nito, kahit pa gaanong kalakas ng volume ng kaniyang
pinakikinggang kanta ay boses at ang mukha ni Igi ang kaniyang
naririnig at nakikita kahit pa malapat ng nakapikit ang kaniyang mga
mata.
Itutuloy...
The Things That Dreams Are
Made Of
“Chapter
5”
by:
Migs
SIX DAYS! Sensya na at umabot ng six days. Alam ko ang sinasabi ng iba. “Puro na lang ba pasensya, Migs?” haha! Hindi na ako magpapaulit-ulit pa. Alam niyo na kung bakit hindi ako agad nakakapag-post.
ReplyDeleteRonnie Bokie: mawawala ang pag-hanga na yan kapag nakilala mo ako kaya't mas mabuting hindi mo na lang ako kilala haha! Thanks! :-)
Stringx: you're welcome.
Berto: haha! Napakanta naman ako sa comment mong “muling ibalik.” hahaha!
Rei: I'll keep on going for you guys! :-)
rob dela cruz: thanks sa pagpapalaganap ng ka-eng-engan ko. haha! San mo ba ito inadvertise? Kakahiya naman. Haha! Thanks! Mwah!
Almondz: baka si Josh pa nga ang unang bumigay.
Jemyro: fans? Meron ako nun? Haha! Thanks!
Makki: makadeny ka naman. Kapag kayo nagkatuluyang dalawa...ewan ko na lang. Haha!
Mark Ryan: iniintay ko parin yung PACKAGE! Haha!
ANDY: diba dapat kapag inlove kalakip na nun yung happiness? Ano ka bang bata ka. Baka naman CRAS (crush) lang yan. Ulol ka ANDY! Joke lang yung lay Boboy Tuliao. Naggagaguhan lang kami. Haha!
NIX: haba ng sinabi? Haha! Thanks! Mwah! Matulog. Saka na ang pagaaral. JOKE!
Riley: ilang araw naman ang nabilang mo? Thanks gurl! :-)
john el: naku, hindi ako maaaring ihanay sa mga writer na nabanggit mo. Kumpara sa kanila ay wala akong sinabi. Baka magalit ang mga iyan.
Boboy Tuliao: hoy! Seryoso ka ba? Pinagtritripan mo lang ako eh! :-(
Erwin F: huwag kasing kinakagat ang unan. Haha! Maatanggi kayong dalawa ah. Let's see, tataningan ko kayong dalawa--- hahahaha!
Iyanchan: huwag munang magconclude malay mo biglang lumihis ang lahat. Haha!
Josh: kailan ka tumama? Haha! Nagawan ko na yung story na sinasabi mong walang closure masyado. Asa drafts, kailangan pang hasain. Haha! Pinapahinog kumbaga. Wag ng asahan ang Chasing pavements. Wala na iyon. Chos!
ReplyDeleteAR: ikakasal ka na? Manganganak? Hahaha! Roan and Neph? I don't think so. :-P
kean Tongol: kailan pa naging something something ang labing labing o ang paglalaro ng apoy? Haha!
Russ: sino ang nakakadugo ng ilong? Haha! TIGANG PARIN? Ano ba yan, wag na kamo siyang magintay na sa iba mo pa papadiligan ang rainbow mo! Haha!
DownDline: haha! Weird nga ang compre mo pero parang pareho tayo. So ibig sabihin ba nun weird din ako? Haha!
Mr. Brickwall: welcome back! Tagal kong hindi nabasa ang mga comment mo ah?! Haha!
Karl Rickson: HMMMMMM ayan ang hug mo! Hahaha! Wag paka sigurado. Malay mo baog ang isa sa kanila. Haha!
Michael John: nasagot ba ang tanong mo patungkol sa railings? Haha! Thanks! Mwah!
Roan: thanks! Meron ka ng Ever loyal reader award sakin. Lol! Thanks ulit!
Ryvis Tan: thanks! Sa mga sinabi mo mas lalo kong naisip na may naibabahagi pala akong magandang asal sa aking mga storya. :-)
akosichristian: OOOOhhhhhhh. sa O“h”man ka pala. Haha! Marami bang opening dyan for narses? Haha! Sa susunod na uwi mo ibagahi mo na ako pabalik ah?
Salamat sa lahat na patuloy na nagbabasa. Sa mga silent readers, labas labas! :-)
Igi..kelan mo sinabi yun??backread ka tsong!!! ahaha...salamat at may update na kuya migs! sana may patayan scene din silang 2..ahaha
ReplyDeletewoah!...intense migz....tulak ng bibig kabig ng dibdib naman theme song nila ngayon...wahahaa...excited na ako sa kasunod!...keep it up!!!...hehehe
ReplyDelete-Berto-
Migz wag kang ganyan.. prends lng kmi ni wintowt.. masaya na ako kung ano meron ako ngayon "IN LOVE".. ibalato mo na sakin yun.. at sana naman wag umabot sa puntong ang kasiyahan ko'y bigla na lang mabasag dahil sa lang curiosity thingy na yan.. :D
ReplyDeleteSino kaya ang unang bibigay sa kanilang 2? ayiiiiee nice one Migz.. :D
Hahaha thanks sa hint migs...
ReplyDeleteWala na yong PACKAGE mo, may kaumain ng iba! hahaha... joke... Asan na address mo ng makidnap na kita?
ReplyDeletePBB Teens ang drama ni Josh at Igi hahaha... Cute!
. .in-advertise ko po ito thru fb, twitter, and 3 other social networking site. . .hehe. . .sana nga po kua migz eh nagbabasa na sila ryt n0w. . ^__^. . .if hindi lagot sila sa akin bwahahahaha(evil laugh., lol)
ReplyDeleteBtw. . .wla pa ring kupas writing skills mo kua migz. . .hehe,. .next chapter na agad (demanding ako, haha, lol). . ^__^
Ay ang haba ng sinabi ko ung lang reply?! haha! naaamaaan kuya!!! PM me if you are online. you know I'm always online even during class except when I'm slicing some man meat. HAHA! Di parin ako karecover sa cadaver moments ko kasi, ala surgeon lang. XD
ReplyDeleteAnyway, naiinis na ako sa story na to coz it tells a lot about me. If you know what I mean. HAHA!Basta2 kwento ko nlang sa PM PAG NAGPM KA KUYA. haha demanding lang! Ayoko na maxado habaan comment ko baka sumobra na nman sa haba tas ang comment mo one-liner lang.? ay sayang ang effort! hmmp! haha! JOKE! basta kuya PM me if you have time. para rin masulit ko free mobile net ko.haha!
KEEP UP THE VERRRRRY VERRRRY VERRRRY GOOD WORK and GOD BLESS YOU ALWAYS! :)
-->nIx
Kuya Migs!!! Ang ganda! Cute ng awayan nilang dalawa lalo na sa bus. Haha! Kakaexcite yung mga next na mangyayari sa team building, bka love ang mabuild. Haha! Thanks sa update.
ReplyDeletekuya, hindi yun cras lang, bf bf na kaya kami, (LOL nkakahiya)
Hindi happy kasi malupet na LDR to. American kasi sya, at sa december or january pa sya pupunta dito sa pinas. Nkakafrustrate lang.
Bruho ka Migs! Friends lang kami talaga nuh! Masaya na ako sa lovelife ko wag mo na paguluhin.
ReplyDeleteMakki hoy sabihin mo kay yume ayan clear na. OA mag react nun! Yun dapat talaga tinutukso sa iyo eh!
Migs sinong bibigay diyan sa dalawa? Wala tayong PBB TEENS moment diyan? Hehehehe!
alam mo ba migs pagnagbabasa ako nito..ubos lahat ang tisyu ko hindi dahil umiiyak ako kundi dumudugo talaga ang ilong ko hahahaha pramis! cross my heart.hehehehe
ReplyDeleteabout sa rainbow ko..nakakatawa nga malapit na sana madiligan eh biglang dumating ang sisteret nya..umuusok ang ilong kasi matagal daw napagbuksan ng pintuan hehehehe..eh sa gumagawa kami ng baby..hehehe..
nice one migs..ok lang kahit matagal ka magpost..kaya ko maghintay yan ang true follower..divahhhhhhhhhh..
Hi po! New here... Ganda talaga ng story kuya Migs! (makiki-kuya na din ako ah)
ReplyDeleteMigs!!!hahaha!!inip na inip ako soooooobraaaaa!!
ReplyDeletePwede mag reqest?sana sa next chapter may sweet moments na yung dalawa?haha!!and again bibilang ulit ako:Dtake care migs!
Riley
i just fall in love .. AGAIN.. hay buhayy..!!!
ReplyDeleteexcited na sa team building nila.. one of them lang.. ?? hahahaha..
God bless.. -- Roan ^^,
Isang masinsinang paliwanagan at labasan ng sama ng loob lng ang katapat ng poblema bg dalawang yan.
ReplyDelete-nga pla migs di ako nkareply sa reply mo sakin. Seryoso ka? 3hrs of sleep? May lahi kabang zombie? Woy masama yang ganyan. Baka madagdag pa pagiging anemic sayo(wag nmn sana) pag ganyan ka lagi kaikli matulog. Pag nagkita tayo tuturukan kita pampatulog. Magpahinga ka nmn.
*woots... patay dun. Naging tatay bigla.
haha katuwa naman si igi at josh hehehe
ReplyDeleteKV
Hey Miggy boy... Hindi ako nagbibiro ha.. I really want to know you better... hindi mo sinagot ang email ko sayo.. everyday agad ako nagbubukas ng mail box ko pero walang galing sayo,... IM FUCKING DEAD SERIOUS MIGUELITO.. So please attend to my mail.. ll send to you my number.. i hope globe subscriber ka... pero kung hindi.. magagawan natin yan ng paraan... Namiss kita...Mwuah...
ReplyDeletewell well, six days was worth it. may kilig factor na. hahaha
ReplyDeletekeep it up miggy.
rei
Napakahabang away-bata! pero cute naman e. kaso wag naman sana dumating sa point na makapagsabi sila ng words na sobrang pagsisisihan nila. Pero kahit sang anggulo mo tignan, andun yung CARE e. :)
ReplyDeleteah! naalala ko yung isang quote na fave ko. bagay sa story.
"we are the masters of the unsaid words, but slaves for those we let slip out."
thanks migs.. ^^
Oy migs, sinong may sabing nagcoconclude ako? Sinabi ko lang naman na may tama ang naamoy ko. Hahaha, pero di pa ko sure, kaw kc ang dami dami mong twist at pakulo nakakalito lang.
ReplyDeleteAt yang 6 days na yan, naku po kung every six days ako makakabasa ng update! Zzz, mauulet at mauulet ko lang basahin lahat ng stories mo. Hahahaha! Pero grabe Migs ang galing galing mo tlaga! Super idol kita. :D
3 weeks... Mr. Author! Nakakainis di koo mababasa mga update mo... After 3 weeks pa...
ReplyDeleteMeron kang fans noh! Ako tapos sila kung ayaw nila ako na lang ulit? Haha...
Nakakainit ng ulo ang mga tagpo. Haha. Konti nlang brutal na. Haha.
ReplyDeleteHm. Nalaman ko po yon sa FACE TO FACE hosted by amy perez at TV5. :D
Tethankies. :DDD Grabe ka nman magpamiss, 6 days. Haha. Missyou. :D
sus! pag may sinabi ako sa iyo ang gagawin mo kaagad ay i-editang gawa mo, bwahahahaha!!
ReplyDeletemay nakita pa nga akong isa pang anggulo dito. nakita din ng ibang bumasa pero di ko sasabihin. baka kasi iedit mo pa, sayang, magandang tagpo kasi yun at may ipang aasar ako sa character na tatamaan :D
Siguraduhin mong ipopost mo yung sinasabi ko. alam mong iyon ang gustong gusto ko na mabasa (demanding?) :p
wala ng CP?? baka gusto mong ipakulong kita dyan! hahahaha!! :p
thnx sa update (",)
Author Migs!
ReplyDeleteHindi no..haha..basta;)
anyway..nakakaasar na nakakainis lang talaga si josh:P si igi naman,haha limot na?
anyway roan and neph..in the scene pede :D haha
in fairness mas mahaba ng konti itong part na to..siguro haha next na! haha (pressure)
You never fail to make us proud migs i really love the flow of the story masyadong interesting and unpredictable ng mga scenes i want more please hehehe
ReplyDeletekarl rickson
your very much welcome migz.
ReplyDeleteI know josh is being confused on why things has to be this and that. It's funny how hard headed he is parang everything that is being given and told to him he gives meaning masyado na syang nastress sa mga iniicip nya. Hope this Team Building will bring up a new Josh. Tsaka sana magkabati na sila ni Igi I know Igi doesn't mean to hurt Josh's feeling every now and then.
Migz have a great day and keep on writing....
team building, pede.. :p when love and hate collide ang peg.. :p
ReplyDeletemarami opening, peo female lang ang hiring so far.. :p anyway, il be home by december.. :p
Cute ng asaran ng dalawa. Hahaha. Napatawa mo ako at napaluha at the same time. Mixed emotions ito mahal. Dapat kasi mag sumbatan na. Para tapos na. Hehehe.
ReplyDeletejusko maging kayo nalang agad ano ba naman yan
ReplyDelete