The Things That Dreams Are Made Of 8


DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.



Nanlambot si Josh, tila natunaw ang puso niya nang makita ang mapupulang mata ni Igi, panandaliang kinalimutan ang kagustuhan na kausapin ito at linawin lahat ng nanyari noon bago sila mag simula ng high school dahil sa kagustuhan niyang yakapin ito at aluhin. Halos patakbo siyang pumunta sa kinaroroonan nila Fr. Rico at Igi, saglit na kinausap ni Fr. Rico si Igi saka ngumiti at binati si Josh.


Good morning, Joshua.” bati ni Fr. Rico habang si Igi naman ay nag-iwas ng tingin at kinalikot ang telepono na tila ba may ite-text.

Good morning, father errr---uhmmm can you excuse Igi and I for a moment---?” bati ni Josh sabay pagpapaalis sa pari na kahit medyo bastos na pagpapaalis sa kaniya na iyon ni Josh ay tila wala lang dito dahil hindi manlang nabawasan ang ngiti nito sa mukha.


Sure.” nakangiting balik ni Fr. Rico sabay talikod na hinabol naman ng tingin ni Josh.


Geesh! Fr. Rico's smiling face is really starting to creep me out---” bulong ni Josh habang sinusundan ng tingin ang pari kaya't hindi niya naman napansin ang paglalakad ni Igi palayo habang kinakausap si Martin sa telepono. “---what are you guys talking about, anyway---? Hey!” tanong ni Josh kay Igi pero nang makita niyang naglalakad na palayo si Igi ay agad niyang hinabol ito.


Igi, wait we have to talk!” habol ni Josh kay Igi na kausap si Martin sa kabilang linya ng kaniyang telepono.


---dad, I told you, I'm not feeling well that's why I want to go home.” pagsisinungaling ulit ni Igi na hindi naman kinagat ng ama na kilalang kilala siya.


IGI!” galit ulit na sigaw ni Josh nang sa ikalimang beses atang tawag nito ay hindi parin sya pinansin ng huli.


WHAT?! I'm talking to my dad, Jo—JOSH!” naisigaw na bulalas ni Igi nang biglaang inagaw ni Josh ang kaniyang telepono bago pa man niya matapos ang sasabihin. Sinugod niya si Josh na agad namang umiwas sa pangaagaw ni Igi sa sariling telepono.


Hello, Tito Martin. Yes, tito. I'm fine, Ikaw tito, how are you? Good. Oh, Igi? Nope he's not sick. Hindi niya lang kasi type yung mga activities---”


JOSH!” sigaw naman ni Igi habang sinusubukan paring agawin ang kaniyang telepono kay Josh.


---Yes, tito, you don't have to fetch him. OK tito, ako ng bahala. Bye.” pagtutuloy ni Josh sabay pindot ng end call button.


What the fuck did you do that for?!” singhal ni Igi sabay agaw sa kaniyang telepono at tinulak si Josh.


You were ignoring me! I was calling after you!” sigaw na pabalik din ni Josh nang makita niya ang galit na galit na itsura ni Igi.


You are one hell of an asshole---!” simula ni Igi sa pagitan ng malalalim na paghinga. “---You know what?! I don't need dad! I can go home by myself!” singhal nanaman ni Igi sabay lakad palayo kay Josh.


What?! Igi! Ano ba nanaman kasi yang inaarte mo?! ---Igi!---- IGI!” sigaw nanaman ni Josh nang hindi nanaman siya pansinin ng huli. Hindi na natiis ni Josh at mabilis niyang sinundan si Igi, inagaw ang mga bag nito.


Gademit! I'm talking to you!” sigaw ni Josh nang makuwa niya ang bag ni Igi, hindi na niya napansin ang nakasarang kamay ni Igi na mabilis na lumapat sa kaniyang panga. Pareho silang natahimik at hindi makagalaw. Si Josh dahil sa gulat at sakit na nararamdaman sa panga at si Igi dahil sa hindi makapaniwala na nagawa niyang saktan si Josh.


I-I just want us to talk, Igi.” pabulong at malungkot na sabi ni Josh na tila naman bumingi kay Igi.


I-I'm sorry.” pabulong na balik din ni Igi. Nagtama muli ang mga tingin ng dalawa. Iba't ibang emosyon ang nababasa ng isa't isa sa mga iyon.


I-I j-just---” simula ni Josh na tila ba paiyak na “I don't understand, Igi.” pagtatapos ni Josh habang bagsak balikat at nakayukong naglakad pabalik sa beach house. Iniwan ang gulat na gulat at naiiyak na ding si Igi sa kinatatayuan nito.


000ooo000


Matapos marinig ni Josh ang masasakit na salita mula sa bibig ni Igi at ng mga kaibigan nito noong araw na iyon sa mall ay ilang oras din siyang umiyak sa loob ng kaniyang kuwarto habang umiisip ng magandang paraan upang makabawi sa kaniyang dating kaibigan, upang mapatunayan na nagkamali si Igi sa panlalaglag sa kaniya nito, kasabay ng pagiisip na iyon ay ang pangakong hindi na niya muli ito iiyakan.


Ngunit ngayon, matapos siyang suntukin ni Igi ay muli siyang napaluha. Kahit kailan kasi ay hindi niya inakalang pagbubuhatan siya ng kamay ng dating kaibigan. Oo, madalas silang magkapikunan ngunit sa hinuna ni Josh ay hindi niya nakita ang sarili na nasasaktan sa ilalim ng kamay ni Igi.


Hindi na niya napansin ang masayang tawag sa kaniya ng iba pa nilang mga kasama dahil abala siya sa pagiisip ng malalim, sa pagiyak at paghimas sa kaniyang panga. Wala sa sariling pumasok si Josh sa kuwarto na sana ay pinagsasaluhan nila ni Igi, inihiga ang sarili sa kamang nakalaan para sa kaniya, ipinikit ang mga mata kahit pa may mga makukulit na luha na pilit na lumalabas at ipinahinga ang utak na tila ba napagod sa pagiisip patungkol kay Igi sa nakaraang dalawa araw.


000ooo000


Nakaupo lang si Igi sa may bangketa. Tinakpan ng mga kamay ang kaniyang maamong mukha, hindi parin makapaniwala sa ginawang panununtok kay Josh. Oo, likas na makulit at pala away si Josh lalo pa nung nagsimula ang high school pero kailan man ay hindi niya naisip na pagbuhatan ito ng kamay kahit pa nagkakainitan sila.


I'm sorry.” bulong ni Igi sa sarili saka naramdaman ang agad na pangingilid ng mga sariling luha sa tuwing pumapasok sa isip niya ang reaksyon sa mukha ni Josh matapos lumapat ng kaniyang kamao sa panga nito. Hindi lamang gulat at hindi makapaniwala ang nakita ni Igi sa mukha nito kundi pagkadismaya at sakit.


Igi?” tawag ng isang babae na nakakuwa sa pansin ni Igi. Mabilis na pinahiran ni Igi ang kaniyang mga luha bago magtaas ng tingin.


OK ka lang?” tanong ulit ni Roan lalo pa nang makita nito ang mapupulang mata ni Igi.


Uhmm---” simulang pagpapalusot ni Igi ngunit hindi na niya ito naituloy dahil agad na nagsalita ulit si Roan.


This is the second time na naabutan kitang ganyan. Siguro mahal na mahal mo siya no?” tanong ni Roan na ikinagulat naman ni Igi.


W-what?” kinakabahang tanong ni Igi, natatakot na baka nasabi niya ng malakas ang pangalan ni Josh.


Alam mo kung mahal ka niya hindi ka dapat niya pinapaiyak ng ganyan.” makahulugang saad ni Roan na ikinakunot ng noo ni Igi. Tumayo na si Igi mula sa pagkakaupo, hindi na pinansin pa ang pangengeelam ni Roan ngunit hindi niya parin napigilan ang sarili na magbigay ng isang makahulugang sagot.


Hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kaniya.” pabulong na sabi ni Igi sabay lakad pabalik sa beach house upang pakiusapan ang kanilang guro na ihatid siya sa sakayan pauwi ng Maynila.


Edi sabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo. Ikaw pala itong Ong-ong eh! Hindi mo sinasabi sa kaniya tapos ngayon iiyak-iyak ka.” makahulugan ulit na sabi ni Roan. Hindi alam ni Igi kung bakit niya pa pinakikinggan si Roan pero alam niyang tama ito, siguro isinusuka lang ng kaniyang utak na siya rin naman ang may kasalanan kung bakit hindi sila ngayon magkasundo ni Josh.


Hindi mo naiintindihan, Roan, masyadong kumplikado---” simula ni Igi pero pinutol siya ni Roan na siyang ikinainis ng huli.


Ito lang tatandaan mo, Igi. Hindi totoo ang phrase na “Its complicated.” Bakit kamo? Because we are the ones who make our own complications. Life is so simple but we make it complicated because we want drama, we want to spice up our lives. Panatiliin mong simple ang lahat, alisin lahat ng nakakapagpakumplikado sa buhay mo, tignan mo, magugulat ka na lang na mas stress free ang buhay mo.” makahulugang sabi ni Roan sabay yakap kay Igi mula sa likod at halik sa pisngi nito sabay lakad ding palayo, iniwan si Igi na nakatayo sa gitna ng daan pabalik sa beach house na nagiisip ng malalim.

000ooo000


I'm sorry, Igi but we can't let you travel alone. Kung may masamang mangyari sayo kami parin ang sasagot, kung susunduin ka ng parents mo edi sige, you can go pero kung hindi katulad ng sinabi mo then, I'm sorry but you have to stay.” mahabang paliwanag ni Mrs. Roxas sa nagmamakaawang si Igi. Alam niya kasing hindi niya magagawang harapin ulit si Josh lalo ngayon matapos ng kaniyang ginawa dito, alam niyang hindi niya makakayanang makita lagi-lagi ang sakit sa mga mata nito.


Can I get a solo room, then? Kung hindi niyo ako papayagan umuwi baka po pwede niyo akong bigyan ng solo room?” tanong ni Igi sa kaniyang adviser na tinignan lang siya.


I'm sorry but I can't do that, ginagamit ng ibang nagre-retreat ang iba pang kwarto. Teka nga, maiba ako, ano bang mali kay Josh? Bakit hindi mo siya pwedeng makasama sa room?” taas kilay na tanong ni Mrs. Roxas na ikinakaba naman ni Igi.


Meron lang pong konting misunderstanding. Hayaan niyo po aayusin namin 'to.” nakayukong sabi ni Igi, hindi niya alam kung paano nila aayusin ito ni Josh ang tangi niya lang gustong mangyari ngayon ay pigilan pa na magtanong pang muli ang guro.


000ooo000


Habanag tinititigan ni Igi ang pinto ng kuwarto nila ni Josh ay hindi niya mapigilang isipin kung paano siya sasalubungin ni Josh Lihim niyang ipinapanalangin na sana ay galit na lang din siya nitong salubungin, pagsusuntukin o kaya naman ay sigawan kesa makita niya itong umiiyak o kaya nasasaktan.


Nang ipihit niya ang door knob at buksan ang pinto ay hindi mapigilan ni Igi na pigilan ang kaniyang hininga, iniintay ang pagsisigaw ni Josh o kaya naman ang kamao nito ngunit nang tuluyan na niyang mabuksan ang pinto ay laking gulat niya nang mabungarang tahimik ang buong kwarto, iginala niya ang kaniyang tingin at nakita ang natutulog na si Josh sa sarili nitong kama. Muling napabuntong hininga si Igi.


Habang inilalapag ang mga gamit niya ay panay ang sulyap ni Igi kay Josh. Natatakot na bigla itong magising at magsisisigaw. Matapos niyang maibalik ang kaniyang mga gamit sa aparador ay muli na sana siyang lalabas, asa may pinto na si Igi at pipihitin na lang ang door knob pabukas nang mapansin niya ang mapulang panga ni Josh at ang tila ba nagsisimulang pamamaga nito.


Muli siyang nakaramdam ng lungkot lalo pa't alam niya na siya ang may gawa nito. Natalo ng kaniyang nararamdamang lungkot ang kagustuhan niyang lisanin ang kuwarto na iyon, sa halip na tuluyang lumabas ay wala sa sariling nilapitan ni Igi si Josh at hinaplos ang namumula nitong panga.


I'm sorry.” bulong ni Igi.


Dahan-dahang nagbukas ng mga mata si Josh. Nagtama ang tingin ng dalawa at ilang iba't ibang emosyon ang bumalot sa kanilang pagkatao.


000ooo000


Nagulat si Josh nang makita niya ang nagaalalang maamong mukha ni Igi na nakadungaw sa kaniya habang natutulog, nais na sana niyang tumayo mula sa pagkakahiga ngunit nawala siya sa mga titig ni Igi na tila ba nagmamakaawa na huwag na silang mag-away.


I'm sorry.” bulong ulit ni Igi sabay abot sa pisngi ni Josh na wala sa sariling ipinikit ang mga mata at ninamnam ang hawak na iyon ni Igi. Nang imulat niya muli ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang nangingilid na mga luha ng huli na siyang nagtulak sa kaniya na sabihin ang mga sumusunod na salita.


Igi, we need to talk.”


000ooo000


Ilang minuto pa ang lumipas matapos may huling nagsalita sa kanilang dalawa ay tahimik parin ang dalawa, wala ni isa ang nangahas an simulan ang kinakailangang paguusap. Tumayo at bumalik si Igi sa kaniyang sariling kama at umupo doon paharap kay Josh na nakayuko at tila ba sinasaulo ang sariling mga daliri. Si Josh bilang isang taong mainipin, mataas ang pride at maikli ang pasenysa ay naiinis na, inisip na si Igi dapat ang mag-umpisa sa pakikipagusap at pagpapaliwanag dahil para sa kaniya ay kasalanan naman iyon lahat ng huli pero nang hindi parin nagsalita si Igi ay muli nanaman siyang binalot ng inis at pasasaringan na sana niya si Igi nang magsalita ito. Ang mga sinabi nito ay bumasag sa kaniyang mataas na pride at muling nagpahaba sa kaniyang nauubos na pasensya.


I'm sorry, Josh. Kung ano man ang nagawa ko sayo, I'm sorry. I still don't know what I did to you for you to hate me this much but I want you to know that I'm so sorry and that I miss you--- I-I miss my best friend, I-I miss talking to you.” nakayukong simula ni Igi.


Muling binalot ng katahimikan ang dalawa, ilang minuto lang ang itinagal ng katahimikan na iyon ngunti para kay Josh at Igi ay tila ba tumagal iyon ng ilang araw pero matapos ang ilang saglit ay binasag na ni Josh ang katahimikan na ikinagulat ni Igi, sinimulan nang kabahan at mapaluha si Igi nang wala siyang ibang marinig na emosyon sa boses ni Josh kundi sakit.


Why did you call me fatso and just some kid when you were with your friends that afternoon at the mall if you really wanted to be my best friend, Igi? Why did you laugh with them? Why did you laugh at me?” tanong ni Josh na siyang nakapagpaisip ng malalim kay Igi, pilit na hinalukay ang sariling utak upang maalala ang mga nangyari na sinasabi na iyon ni Josh.


You don't remember a thing do you?” nakangiti pero malungkot at puno parin ng sakit na saad ni Josh nang makita niya ang nagtataka at naguguluhang mukha ni Igi nang i-angat niya ang tingin dito.


Your friend Ryan asked you who I am and you called me “Some kid” who happens to live at the same floor where you live. He called me fatso but somehow you happen to just ignore that---” umiiling na sabi ni Josh habang nagsisimula ng tumulo ang mga luha nito kahit pa may nakaplaster na pekeng ngiti sa mukha nito. “---You laughed with them when he asked if I was the one who has been idolizing you.” pagpapatuloy ni Josh sabay naiiinis na pinahiran ang hindi makontrol na mga luha na dumadaloy sa kaniyang pisngi mula sa kaniyang mga mata na ikinatameme lang ni Igi.


Alam mo ba kung anong ginawa sakin nung mga nangyaring yon? Alam mo ba kung pano ko binuo ang halos durog na durog kong confidence at pagkatao? Kung paano ko pinaghirapan na maging karapat-dapat sa paningin mo at mga kaibigan mo? Kung paano sa bawat palaro at academics ay halos patayin ko ang sarili ko mapatunayan lang na kawalan mo ang pagtalikod sa pakikipag kaibigan ko?” umiiling ulit na pagtatapos ni Josh. Wala na siyang preno, ngayon pa at nasimulan na niya ang paglalabas ng sama ng loob.


I started competing at everything with you para lang maipamukha sayo na hindi ka naiiba samin. Na wala kang karapatan na pagtawanan ang mga taong humahanga sayo porke't hindi nila kaya ang maging kasing gwapo mo at galing mo.” nanginginig na kamay na tapos ni Josh na siyang nagmulat sa mga mata ni Igi. Hindi na rin niya mapigilang mapaiyak. Rinig na rinig niya sa boses ni Josh ang sakit at galit na ang masaklap pa ay para saka kaniya.


I'm sorry---” pabulong na simula ni Igi ngunit agad din siyang pinutol ni Josh.


Yup me too, because ngayon ko lang na-realize na dapat pala ay ginagawa ko lahat ng iyon para sa akin at hindi para sayo, that all the effort was not worth it para sa isang tao na akala ko ay kakilala ko simula nung bata pa ako.” malungkot na pagtatapos ni Josh sabay tayo at bagsak balikat na lumabas ng kwarto. Nahihiya sa hindi mapigilang pagpapakita ng kaniyang tunay na nararamdaman na akala niya'y noon niya pa ibinaon sa kasaluksulukan at kalalimlaliman na bahagi ng kaniyang tao. Iniwan ni Josh si Igi na mabigat ang loob at tuloy lang sa pag-iyak habang iniisip ang nangyari noong hapon na iyon na sinasabi ni Josh.


Itinuloy ni Josh ang pag-iyak sa ilalim ng isang malaking puno na nakaharap sa dalampasigan. Hindi makapaniwala na matapos ang ilang taon ay iiyakan parin niya ang isang bagay na nagdulot sa kaniya ng sakit noon.


000ooo000


Ngayong alam na ni Igi ang dahilan ng pagiging malamig ni Josh sa kaniya sa loob ng tatlong taon ay hindi niya maiwasang balik-balikan ang nangyari noong hapon na iyon sa mall na sinasabi ni Josh. Ang tangi niya lamang na naaalala ay ang mga hindi niya iniintinding tanong ni Ryan at ang kaniyang mga wala sa sariling sagot at ang pagsabay sa tawa ng kaniyang mga kasama dahil abala siya noon sa pagiisip.


Pagiisip tungkol kay Josh.” bulalas ni Igi sa sarili nang matandaan kung bakit wala siya sa sarili noong hapon na iyon.


Naalala narin niya ang plano niyang unti-unting pag-limot sa kaniyang nararamdaman sa kaibigan kaya't nauwi sa ganoon ang mga nangyari. Hindi mapigilan ni Igi ang mapailing nang maisip na napaka Ironic ng nagyari. Ginusto niyang iwasan ang nararamdaman niya para kay Josh noon at nauwi iyon sa pagkalayo ng loob nilang dalawa at noong tuluyan nang lumayo ang loob sa kaniya ni Josh ay wala naman siyang ginawa kundi ang hilingin na malapit parin sila sa isa't isa.


At higit sa lahat ay hindi mapigilan ni Igi ang malungkot at lalong lalo na magalit sa sarili. Dahil ngayon alam na niya na siya ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Josh.


000ooo000


C-can I join you?” nauutal dahil sa kaba na tanong ni Igi kay Josh nang sa wakas, matapos ang matagal-tagal na paghahanap ay nakita niya itong tila ba malalim ang iniisip na nakatanaw sa dagat na nasa kanilang uanahan. Saglit na nagtaas ng tingin si Josh, nagsalubong muli ang tingin nilang dalawa ang kaibahan lang ngayon ay wala na ang galit at sakit sa mga iyon.


S-sure.” balik ni Josh saka umusod upang magbigay daan kay Igi. Walang sabi sabi na umupo si Igi sa tabi ni Josh saka nagbuntong hininga na miya mo sasabak sa isang napaka hirap na quiz.


I-I want to say sorry fo-for everything, Josh. Kasalanan ko lahat ng 'to. I don't have an excuse why I said and acted that way. I was being an idiot for making fun of you and risking my friendship with you for shit heads like Ryan. I-I'm so sorry, Josh.” pabulong na saad ni Igi ng kaniyang pinaghandaang speech. Hindi sumagot si Josh kaya't agad na binalot ng katahimikan ang dalawa. Pinanghihinaan na ng loob si Igi, iniisip na hindi na sila muli pang magkakaayos ni Josh sapagkat hindi parin ito nagsasalita.


I'm sorry too. I was such an asshole for the past three years. Always competing and saying bad things about you.” pabulong na sabi ni Josh na hindi naman nakaligtas kay Igi.


Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa. Magtutuloy tuloy pa sana ang katahimikan na iyon kung hindi pa marahang sinuntok ni Igi ang braso ni Josh.


Nang isalubong ni Josh ang kaniyang tingin kay Igi ay hindi niya rin mapigilan ang mapangiti. Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon ay nakita niyang muli ang paborito niyang ngiti na si Igi lamang ang nakagagawa. Tila ibinalik siya sa panahon kung saan hindi pa sila nagaaway.


Ang ngiti rin na iyon ni Igi ang naging sinyales ni Josh na muli nang magiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang mag kaibigan.



Itutuloy...



The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 8”
by: Migs

Comments

  1. Hello sa lahat. Iiklian ko lang ito dahil nahihilo na ako sa antok. Haha!

    Moon Sung-Min: nagspa-spam ang mga comments mo. Di ko alam kung bakit.

    Berto: nasasarapan ka sa pambibitin ko habang yung iba naiinis. Haha! Adik ka.

    Rob dela cruz: OK lang, Rob, basta sa susunod habaan mo ang comment mo ah.

    IyanChan: hindi kaya siya maikli! Haha!

    Riley: sabihin mo bisita siya minsan sa blog ko. haha!

    Michael John: Magkakayos na nga ba? Haha! Atat ka rin eh no? Haha! Gusto update agad.

    adik_ngarag: long time no see ah. I miss your comments! :-)

    ANDY: protagonist kasi ako lagi eh. Hahaha! Kaya ikaw na ang antagonist.

    Makki: puro putukan ang nasa isip mo.

    Rei: malapit na. Haha!

    Jemyro: nasabi mo na ata 'to sakin. Haha! Well, good luck!

    Erwin F.: bakit naman masakit ang ulo at maga ang mga mata mo? At bakit complicated ang buhay mo ngayon?

    Mark Ryan: ano na ang nangyari sa PACKAGE ko?

    Foxriver: how soon is your soon? Is my soon enough for you? Labo. Sensya na inaantok na eh.

    Robert mendoza: malapit ng dumating si Cha. Haha!

    Russ: beking idol? Haha! Dami kong tawa dito mga 74, ganyan. Hahaha!

    Mr. Suplado: actually naisip ko na yan para matigil na ang walang habas na pangongopya ng aking mga akda pero naisip ko rin kayo na regular readers ko. Madami na nanamang umaalis na author sa blogger.com lumilipat na sa wordpress yung iba. Tsk tsk. Parang BOL lang ulit. DAHIL yan sa mga namimirata! Tsk tsk!

    Ryvis Tan: di ko pa kaya ang book. Haha! Hindi magiging mabenta yan for sure. Hahaha!

    Mr. Brickwall: yan nga dapat ang title nitong story na 'to eh. “BUGSO NG DAMDAMIN” haha!

    Kean Tongol: OK na ang posting ko? Haha!

    Stringx: kelan ako nagpabayad sainyo? Haha!

    Boboy Tuliao: marami ng nagsabi sakin niyan. Iba't ibang tao na. Hindi pa lang talaga kasi kaya ng sched ko saka emotionally narin siguro. Masaya ako. Wag kang magaalala. Masaya akong nababasa ang aking akda at may nagco-comment dito. Kasya na ako dun. :-)

    iGi: you're welcome. (haha! Maikli nanaman ang reply ko sa napakahaba mong comment. Haha! Na PM na kita.)

    Anonymous July 17, 2012: pakilala ka please. At ano pong dialogue ang sinasabi niyong galing kay Neph? :-) pa -follow na din ako, sir. Thanks!


    ENJOY READING GUYS!

    ReplyDelete
  2. Nakakalungkot na hanggang ngayon may nangongopya parin. Tsk!

    Anyways, SA WAKAS!!! Nagkapaliwanagan din tong dalawang mokong na to. Medyo bitin pero reasonable nmn kc nga ngpakazombie ka n nmn yata sa work. Cge tulog na! Kung hindi kpa matulog papaluin kita. Boom!

    Mr.Suplado

    ReplyDelete
  3. Migs, in fairness, naalala mo pa pala ako! Panalo tong chapter na to kahit nambitin ka na naman! Haha

    Sana yung next chapter mas mahaba na... I must admit, nag improve ang interval ng pag-post mo. Teka, ano ba ang pinagkaka busyhan mo? Work ba or yung baby mo? Di ba may baby ka na? Tunay mo bang anak yon? Sorry, hindi ko talaga alam. Hehe

    Naantig naman ako sa confrontation ni Josh at Igi... parang naka relate naman ako kay Josh kasi medyo nawalan ako ng confidence sa sarili ko nung high school pa ako... pero nag promise ako sa sarili ko na aayusin ko yung itsura ko kaya nag start ako mag gym at magpa gwapo. Hahahaha

    So ok na si Josh at Igi as friends.... parang sa mga susunod na mga chapters gusto ko wag muna malaman ni Josh yung feelings sa kanya ni Igi.... tapos sana may mga sweet scenes sina Josh at Des na ikakaselos ni Igi. Parang excited ako malaman kung pano pilit pipigilan ni Igi yung feelings nya for Josh at kung pano sya aamin. I'm sure magiging maganda yung execution na maiisip mo, Migs! Ikaw pa!

    Ano ba to, parang nobela lang sa haba yung comment ko?! Haha

    Migs, I'm expecting your next update, soon!!! Thanks!

    ReplyDelete
  4. para daw mapansin mo kuya migs! lol...ahaha... ayaw ko ng chapter na to, mas gusto ko yung madaming trash talk...ahaha...


    eto na ang turn around ng istorya. from rivals to friends again...paano kaya masasabi ni Igi ang feelings nya. kung sasabihn man ni Igi, paano ito tatanggapin ni Josh..yan ang mga dapat nating abangan sa mga sususnod na kabanata ng The Things That Dreams Are Made Of....

    ReplyDelete
  5. akala ko matatagalan pa bago ang karugtong... uulitin ko sana ulit ang last chapter. GULAT AKO!!!! ganda ng story. paganda ng paganda. sa wakas di na sigawan at murahan ang mababasa ko. sabagay ganda naman kasi english eh. hehehe. Galing mo MIGZ. Salamat ha. kahit pagod ka, kahit puyat ka, di mo kami binibigo. blessings....

    ReplyDelete
  6. Sa wakas, nag usasp na sila. Can't wait for the next chapter :)

    ReplyDelete
  7. Okay edi hindi na maikli, sige na mahaba na mahaba na! Bawi naman na sa chapter na to e. Infairness ha! Pagpunta ko sa blog mo para magbasa ng ibang story e nagulat nlng ako at may update na kaagad! Hahaha.

    ReplyDelete
  8. wahahaha...masokista ako eh...wahaha...kaya tuwang tuwa ako habang nabibitin...wahaha...joke lang...haha...ayan na...start na...malapit na new year o!!!...magpa-fireworks display na...putukan na!...wahahaha....di na ko makapaghintay sa next chapter...nice one migz!...heheh

    -Berto-

    ReplyDelete
  9. Author Migs!

    Ang dramatic ng chapter na 'to nakakaiyak lang, anhirap kasi sa sitwaston ni igi kailangan niya mag friendzone dahil alam niya na mali ito sa point of view ng iba and unknowingly nakakasakit na siya ng iba ...sobrang hirap, relate so much

    si josh naman wew..inner feelings..burst out! wew..mahirap talaga pag pride pinairal.

    This is it na ba? yung part na sasabihin ni Igi na si josh ay special sa kanya?......and I think no problem with des, open minded naman siya maiintindihan niya si Igi and tutulungan niya si josh i-acknowledge yung feelings niya kay Igi..parang si Cha lang!

    si roan naman, is she or is he? sabi kasi may tumawag na boses babae? hmmm
    winner din yung quotable qoutes niya sa "It's Complicated"

    aR

    ReplyDelete
  10. i think im inlove...i think im inlove..haha..kinilig ako dun ha..haha nice one kuya..worth the wait,as always..

    -john el-

    ReplyDelete
  11. sweet! e2 na ang cmula ng pagbabago.. :p

    magiging mag-balae na c migs at ram.. :p

    ReplyDelete
  12. Eto na!eto na yung pinakhihintay kong part!haha!i love igi and josh kahit tinalo pa nila sa pagka drama sila myrtle at karen...hahaha!!

    Bumisita na si kuya sa blog mo migs,si fox river..hehe..o sya migs pahinga ka na..and thanks very much ulit:)
    Take care migs!

    Riley

    ReplyDelete
  13. sa wakas nasabi na din ni Josh yung dahilan kung bakit sya ganon, akala ko eh aabutin pa ng 12.21.12 eh. Haha! Ang galing!!

    Pero sana sabihin na rin ni igi yung dahilan nya, na mahal nya si joshie!!

    ReplyDelete
  14. haizt! npakabigat sa pakiramdam sa umpisa, but then super ganda aman ang kinahinatnan sa bandang huli. at last magbabalik na kanilang super frendship! he he he... galeng gleng mo talaga frend, huh!..yngat palage.

    ReplyDelete
  15. now Igi knows what Joshie's problem is. OKAY NA SILA!!!!! ang saya lang?? ayan na yung smile!!! ayiii.

    sino ba namang hindi maaatat sa story mo? ganda kaya! excited na kaya ako kiligin at mainis. kiligin kay Igi at Josh and mainis sa mga makakasira at magiging way para magkagalit si Igi at Joshie.

    yung tipong pagkatapos mong basahin tong part na to gusto mo may kasunod agad pero pag nabasa mo na yung wakas gusto mo ang makikita mo itutuloy. hahahaha.

    ReplyDelete
  16. SUPAH DOPE! Tumpak ka migz! "We make our own complications in life." may mga tao talagang kay simple-simpleng problema eh pinapalala ng ka dramahan nila. Life was never meant to be a series of disappointments. We are just not using the tools we have been given to live it efficiently. hmm.. ako im just making LIFE as SIMPLE as ABC.. ISMAYL! :D

    Nice ONE MIGZ! Idol!

    ReplyDelete
  17. hahaha! tama nga yung bugso ng damdamin!

    pero this time iba na, kasi hindi lang puro bugso ng emosyon, marunong na sila makinig.

    tama nga siguro na ang mga away sa magkakaibigan make the bond between them tighter and stronger. pero sa sitwasyon nila, may pagka-fragile pa yung friendship nila. 3years isnt a joke uy! Pero mas nagpaparupok sa kung anu man meron sila ay yung maaaring nararamdaman nila na more than sa pagkakaibigan. Less bangayan na nga to. pero mukang more on emotional conflicts.


    im so looking forward sa development nila. waah!

    thanks kuya migs.

    ReplyDelete
  18. omg. eto na nga siguro ang simula ng kilig chapters.
    nagkasakitan na, ibig sabihin may make up sex na after (lol)

    rei

    ReplyDelete
  19. Naku Migs, complicated buhay ko di dahil sa ginusto ko kundi dagil sa di ko maintindihan na BF.

    Aaalis bigla at di ako kakausapin sa di ko malaman na dahilan. Nakakadepress pero.... pero... bahala na si batman.

    Susme! Ikaw ba umiyak at mag uhog di ba mananakit mata at ulo mo. ~_~

    ReplyDelete
  20. hahahaha ayaw mo non migs..the beking idol queen..haha..
    ang hirap ung may mga pirata. di na ako magtataka kung pati profile mo pirated na hehehe.

    ayiiii..simula naba ito sa sweetness nilang dalawa o still shetness pa rin?

    nice migs...

    ReplyDelete
  21. Migz you never stop to amaze me grabe ang agndang ng chapter na to. Ireally appreciate the story line kahit medyo bitin hehehe. hope to read the next chapter. Good thing Roan is there to guide Igi a single step has been made but a thousand still need to be done. I like your line "WE MAKE OUR OWN COMPLICATIONS IN LIFE" it really touched me, it made realize one thing that I'm in through now. hehehe

    Migz have a great day and enjoy Life.....

    ReplyDelete
  22. thank goodness kahit papano eh maaayos na rin ang gusot ng dalawang to..

    ah super pagod sa trabaho pero still trying to find time reading your story.. gusto ko kasing ma-inspire man lang bago pumasok sa trabaho.. hehehe

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  23. Ayun. Nagkapaliwanagan at nakapaglabasan na sila ng sama ng loob sa isa't isa. At natapus ko na din ang aking marathon na pagbabasa. As always, Migz, my labz. Ur stories are compelling and true to life, written in a matter-of-factly tone. Da best ka Migz. Nagbalik na ako. Paxenxa na at matagal ako nakapag basa at comment ulet. Medyo nagka problema sa pera. Walang internet. I love you bro.

    ReplyDelete
  24. ei. :) tagal na ko nagbabasa ng stories mo pero now lang ako nakapag comment at nakapag follow (sa wakas!)

    No words can express how good your stories are. :)

    --gavi :D

    ReplyDelete
  25. Yong PACKAGE mo? haha still intact don't worry... you can have it anytime you want ;)

    And Finally... naibulalas na rin ang mga sama ng loob... what's next? Malamang .... expressions of love!

    ReplyDelete
  26. this 'soon' is more than enough, i love the line Roan said about the phrase 'its complicated' not being true and i agree, so i borrowed it and posted it on my FB wall, of course i put ur name on it hehe, i so love this chapter bec it somehow relieved my sadness everytime igi and josh fight, that's how affected i am(LOL), that's how good your are. Good job.!!

    ReplyDelete
  27. Wow! Great story Migs! Idol! I wish to read the next chapters of this. :) I've been reading your stories since LAIB. hanga na talaga ko sayo. u managed to go through all those hardships in life. :) hope ur having a good one now. :D
    --jayar

    ReplyDelete
  28. I so love reading you stories kuy migs, nakakainspire magmahal at maging mLigaya sa kabila nh kahirapang mabuhay... I am relly looking forward to read you upcoming stories and hope that you will still continue mAking beautiful stories.. And As of the moment im waiting for the next chapter of this movie

    ReplyDelete
  29. TANGINAAA KILEEEGGGG

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]