Tuesday, July 10, 2012

The Things That Dreams Are Made Of 6

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi magawang gisingin ni Josh si Igi mula sa mahimbing nitong pagkakatulog habang nakasandal sa bintana ng bus. Napaka peaceful kasi nito, malayong malayo sa Igi na nakakaharap niya na kung hindi nakasinghal ay nakasibanghot naman ang mukha dahil sa inis sa kaniya. Habang nakatitig si Josh sa natutulog na si Igi ay hindi niya rin magawang pigilan na ma-miss ang dating kaibigan, ang kanilang mga pinagsamahan pero nang ma-realize ni Josh kung ano ang kaniyang iniisip at kung kanino ito patungkol ay agad niyang inalog ang kaniyang ulo at binawi ang kaniyang iniisip.

Hindi na siya si Igi na dati kong kalaro at laging kasama.” pagpapaalala ni Josh sa sarili at marahas na inalog si Igi upang magising. Agad itong nagmulat ng mga mata at halos mapatalon sa kinauupuan dahil sa pagkakagising.


Geesh, Josh, are you trying to give me a heart attack?!” hawak dibdib na sabi ni Igi kay Josh.


Sino ba kasing may sabi sayo na matulog ka?” balik naman ni Josh sabay talikod at nagsimula ng maglakad palabas ng sasakyan.


Inantok ako kasi wala namang kumakausap sakin habang asa biyahe.” sarkastikong balik ni Igi, hindi na lang ito pinansin ni Josh at tuloy tuloy ng bumaba ng sasakyan na ikinabuntong hininga na lang ni Igi. Alam niyang hindi magiging madali ang susuungin niya sa team building na iyon lalo pa't kasama niya si Josh na mukhang hanggang asa kabilang dulo pa ng mundo ang galit sa kaniya.


000ooo0000


Masayang naguusap ang lahat nang sa wakas ay nakapasok na si Igi sa mess hall. Iginala niya ang kaniyang mata at wala sa sariling lumapit papunta sa kinauupuan ni Neph. Nagbigay ulit siya ng isang malalim na hininga saka ibinagsak ang sarili sa upuan katabi ng kaibigan.


I think this is a bad idea.” wala sa sariling sabi ni Igi kay Neph na nagdikit ang kilay sa pagtataka.


Anong ibig mong sabihin? Saka bakit ka dito naka-upo, shouldn't you be sitting next to Josh?” tanong ni Neph sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ni Josh na abala sa pagtetext.


Siya nga ang sinasabi kong bad idea eh.”


Well, suck it up. You've been partnered with him for a week.” balik naman ni Neph na ikinairap naman ni Igi.


Hi, Igi!” bati ni Roan sa likod nila Neph at Igi.


Hi.” walang gana na bati ni Igi dito, sasanayin na sana ni Igi ang sarili sa inuupuan at gagawing kumportable ang sarili sa silya na iyon nang maramdaman niya ang pagsiko ni Neph sa kaniyang tagiliran.


What?!” singhal ni Igi sa kaibigan.


That is Roan's seat.” pabulong na singhal ni Neph kay Igi. Nilingon ni Igi si Roan at nang makitang nakangiti ito pero tila ba hindi makapagintay na mabawi ang kaniyang upuan ay wala na lang siyang nagawa kundi tumayo ulit at bigyan na lang si Neph ng masamang tingin.


000ooo000


Hindi gusto ni Josh ang makatabi si Igi pero nang makita niya itong lumapit at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Neph ay hindi niya mapigilang malungkot at mainis. Malungkot dahil alam niyang hindi rin gusto ni Igi na magkapareha sila sa loob ng isang linggo para sa team building na iyon at mainis dahil sa hanggang sa ngayon ay pakiramdam niya ay hindi parin siya karapatdapat na maging kibigan ni Igi at para sa kaniya ay isa sa mga ebidensya ay ang pag-upo nito sa tabi ni Neph kahit pa alam nitong sila ang dapat na magkatabi, na hindi parin siya sapat kaya't nilalagpasan-lagpasan na lang siya nito.


Nang makita niya na tumayo si Igi mula sa pagkakaupo at papunta sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi na siya na lang bakanteng upuan sa loob ng kuwartong iyon ay ipinangako niya na pipilitin niya ang sarili na magiging maayos na ang pakikitungo niya kay Igi pero taliwas iyon sa kaniyang sinabi nang makalapit na sa kaniya si Igi dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay namutawi ang nararamdaman niyang inis dito.


Bakit lumapit ka pa dito? Sana doon ka na lang!” hindi napigilang bulalas ni Josh.


Maniwala ka, hindi ko ginusto na lumapit dito.” pasinghal na balik ni Igi na tila naman sumampal kay Josh.


Edi sana hindi ka na lang lumapit---” mainit na balik ni Josh pero agad din siyang pinutol ni Igi.


Kung hindi mo gustong andito ka at kung hindi mo gusto na makasama ako lagi edi sana hindi ka na lang sumama. Kung gusto mong sirain ang araw mo wag mong idamay ang araw ko.” singhal pabalik ni Igi. Sasagot pa sana ulit si Josh nang muling umalingawngaw ang boses ni Mrs. Roxas.


Nakuwa ko na ang mga susi ng kwarto---”


Parehong natahimik si Igi at Josh nang malaman na pati sa pagtulog ay hindi sila makakakuwa ng katahimikan.


000ooo000


Nang makapasok si Igi sa loob ng kwarto na siyang itinalaga sa kanila ay hindi niya magawang hindi pansinin ang pagdadabog ni Josh lalo pa't kasing lakas ng pagdadabog na iyon ang pagpapasabog ng isang maliit na kanyon.


Josh.” tawag pansin ni Igi.


JOSH!” ulit ni Igi nang hindi siya marinig ni Josh sa unang beses.


What?!” singhal ni Joshua sabay harap kay Igi, nakita niya kung pano nagbago ang emosyon sa mukha ni Igi mula sa pagiging galit hanggang sa pagiging malungkot. Tila naman sinampal si Josh nang makita niya ang pagpapalit ng emosyon sa mukhang iyon ni Igi. Alam niyang siya ang nasa mali pero hindi niya parin talaga magawang makiayon kay Igi.


Look, You don't want to be near me, I get it. But please, can we enjoy this team building? We don't have to talk to each other, we don't need to be friends again but we don't have to be at each other's throat all the time too. Let's just, for once--- c-can we enjoy something even when we are near each other?” mahabang pagmamakaawa ni Igi na ikinatameme ni Josh.


Please?” tanong ulit ni Igi nang hindi agad sumagot si Josh, marahan at tahimik na tumango si Josh bilang sagot. Iniisip na inis na inis na sa kaniya si Igi at pinigilan na lang nito ang sapakin siya sa galit.


Thank you.” bulong ni Igi sabay buntong hininga saka inayos ang sariling gamit katulad ng ginagawa ni Josh pero tila ba minadali ni Igi ang pagaayos ng kaniyang sariling gamit dahil ilang saglit lang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at muling pagsara nito at nang igala niya ang buong kwarto ay wala na doon si Igi.


Nang masigurong lumabas nga ulit si Igi ng kanilang kwarto ay hindi mapigilan ni Josh na igala muli ang tingin sa buong kwarto, doon, napansin niya nga na bara-bara na lang ang pagkakasalansan ng mga gamit at damit ni Igi sa isa sa mga kabinet na andun sa kwartong kanilang pagsasaluhan. Si Josh, bilang si Josh ay hindi nakatiis sa hindi maayos na kwarto kaya't lumapit siya sa mga gamit ni Igi at pinagpupupulot ang ilan sa mga gamit na nagkalat sa sahig malapit sa cabinet. Iniisip na lang ni Josh na inipigilan na lang ni Igi ang sarili sa pagwawala kaya naman bara bara na lang nitong tinanggal sa pagkaka empake ang mga gamit at lumabas na ng kuwarto.


Shit.” bulalas ni Josh sa sarili atsaka agad na yumuko upang damputin ang wallet ni Josh mula sa kumpol ng mga damit nito. Pero hindi pa man dumadampi ang mga daliri ni Josh sa makinis na balat ng wallet ni Igi ay agad na itong natigilan.


Tila tumititig kay Josh ang limang taong gulang na bersyon ng sarili mula sa lalagyan ng picture sa wallet ni Igi. Tampok din sa litratong iyon si Igi na masayang nakaakbay kay Josh na miya mo mga batang walang problema sa buhay.


Habang tinititigan ni Josh ang litrato na iyon ay ilang emosyon ang sabay sabay na tumakbo sa kaniyang buong pagkatao.


000ooo000


I hate you!” sigaw ni Igi sabay suntok sa katawan ng isang puno. Napangiwi siya sa sakit na kaniyang naramdaman sa kaniyang kamao nang magsalubong ang katawan ng puno at ang kaniyang kamay. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapa-upo at haplusin ang kaniyang kanang kamay habang umiiyak.


Katulad ng dati ay galit na galit siya kay Josh ngunit hindi niya naman ito maiparating sa huli. Lagi na lang siyang manghihina sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata at tila ba isang magic ay mabubura na ang lahat ng galit na kaniyang nararamdaman. Nang hindi siya nito pansinin noong kinukuwa nito ang pansin dahil sa pagdadabog ay halos sapakin na niya ito makuwa lang niya ang atensyon nito ngunit nang humarap naman ito sa kaniya ay nalusaw lahat ng nararamdaman niyang galit dito.


Igi?”


Napa-angat ng tingin si Igi at nagsalubong ang tingin nila ni Roan na siyang tumawag ng kaniyang pansin. Hindi niya alam kung pano nangyari pero matapos niyang kumindat ay nasa tabi niya agad ito at tinitignan ang kaniyang kanang kamay, hinahaplos ito at pinupunasan ang mga sugat doon.


Anong nangyari, Igi?” marahang tanong ni Roan pero hindi makuwang sumagot ni Igi.


Ano nga bang sasabihin niya? Na naiinis siya sa sarili dahil hindi niya magawang magalit kay Josh kaya't sinuntok niya ang puno na mas matigas pa kesa kaniyang mga buto? Na ang matagal na niyang itinatago at pilit na binuburang nararamdaman para sa kaibigan ay muling bumabalik na tila ba isang sumpa na ayaw siyang tantanan kahit pa anong pilit niyang pagkalimot dito? O kaya naman ang katotohanan na kahit pa anong sabihing masasakit na salita at kahit pa ipagtabuyan siya ni Josh ay pilit parin siyang bumabalik dito na tila ba ito ang kadikit ng kaniyang tadyang na matagal ng hinahanap ng kaniyang katawan.


Hi Igi! Hi Neph!” pasigaw na bati ni Josh sabay kaway sa kanila ni Neph habang nakatambay ang dalawa sa tabi ng swimming pool sa loob ng kanilang condo. Hindi nagpahalata si Igi pero nang marinig at makita niya ang kaniyang kaibigan na si Josh ay tila ba nagliwanag ang buong paligid at parang kumpleto na ang kaniyang araw.


Alam ni Igi sa edad niyang iyon na dose na iba siya sa mga kasing edaran niyang lalaki. Habang si Neph at iba pa nilang kaibigan ay abala sa pagtingin ng kung sino ang “cute” na babae sa kanilang klase, si Igi ay sa isang tao lamang nakatuon ang pansin. Sa isang “Lalaki”. Si Josh.


Hi Joshie!” masayang balik ng dalawa. Habang nagkukuwento si Josh patungkol sa sinabing magandang balita ng ama nitong si Ed, si Igi naman ay abala sa pagtitig sa maamong mukha ni Josh. Oo, may kabigatan ang timbang ni Josh pero hindi maikakaila ang ka-cute-an nito at para kay Igi ay ang busilak nitong kalooban ang mas importante sa kaniya. Totoong tao si Josh at iyon ang gustong-gusto ni Igi dito.


Guess what?!” excited na bungad ni Josh nang makalapit siya sa mga ito. Ang saya sa boses na ito ni Josh ay nagdulot ng ibayong saya rin kay Igi.


What, Joshie?” nakangiting tanong ni Neph.


I'll be going to the same high school as you guys next school year!” excited paring sagot ni Josh na may pakumpas-kumpas pa ng kamay. Lalo namang lumaki ang ngiti sa mukha nila Igi at Neph nang marinig ang balita na ito.


Masayang nag-usap ang magkakaibigan matapos ang magandang balita na iyon ni Josh.


Ngunit pagka-uwing pagkauwi ni Igi sa kanilang unit ay agad siyang napa-isip. Magsisimula na ang high school, alam niyang magiging tampulan siya ng tukso kung sakaling may makaalam patungkol sa kaniyang nararamdaman para kay Josh, kaya naman ipinangako niya sa sarili na ipagkakatago-tago niya ito sa pinakatagong bahagi ng kaniyang pagkatao.


000ooo000


Excited ka na ba sa pasukan?! Sa parehong school na tayo papasok! Isn't that great?! Sabay tayo mag-lunch ah?!” nakangiting sabi ni Josh nang maabutan nito si Igi na namamasyal sa mall kasama ang kaniyang mga kaibigan. Muli, naalala ni Igi ang tungkol sa kaniyang pangako patungkol sa kaniyang nararamdaman sa taong kaniyang kaharap ngayon. Naisip ni Igi na itago ang kaniyang nararamdaman na iyon kay Josh nang hindi nagbabago ang pakikitungo niya dito, ngunit hindi siya nagtagumpay. Sa halip na dahan dahan at sa magandang paraan niya itago ang kaniyang nararamdaman na iyon ay naging malamig ang dating niya para sa kaibigan na nung naglaon ay ikasasakit ng damdamin ng huli.


Geez, Josh! The new school year wouldn't start until two months away! And about lunch uhmm I don't know, Josh, I mean I'm going to eat with my friends from my elementary school, maybe you can ask Neph?” nagaalangang tanong ni Igi sa nakakunot noo na ngayong si Josh.


Oh. Yeah--- uhmm--- OK.”


Abala si Igi sa pagiisip kung tama ba ang kaniyang ginawa habang humahabol sa kaniyang mga kaibigan at lumalayo kay Josh kaya't hindi niya napansin ang pagtawag ng huli sa kaniya at ang pagsunod nito sa kaniya. Sa sobrang abala sa pag-iisip ay lahat na lang ng itanong sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan ay sinasagot niya ng hindi nag-iisip. Hindi niya alam na ang isa sa kaniyang mga sagot ay tuluyang sisira sa pagkakaibigan nila ni Josh. Isang sagot na tuluyang makakasakit sa damdamin ni Josh.


Ilang taon matapos ang hapon na iyon sa mall ay tuluyan ng nalamatan ang kanilang pagkakaibigan ni Josh. Pilit na binura ni Igi ang kaniyang nararamdaman kay Josh lalo pa't malaki na ang pinagbago nito pero hidni niya ito mabura bura sa kaniyang puso at isip. Dumating ang panahon at tila isa na lang silang simpleng magka-batch ni Josh, magkaklase na sa tuwi-tuwina na lang nakikipagpataasan ng ihi sa isa't isa. Dahil aminin man ni Igi o hindi ay ang pagsisinghalan lamang nilang iyon ni Josh ang siyang pagkakataon nila na magusap.


Ang dating mahiyain na si Josh ay naging isang mahanging Josh na laging katabi ang girlfriend na si Des na kahit pa itanggi ni Igi sa sarili ay nakakaramdam ng galit at selos dito kahit pa pilit itong itinatanggi ng kaniyang sistema at ikinukunsiderang isang hindi maipaliwanag na galit ang nararamdaman sa huli.


Igi?” tanong ulit ni Roan na siyang gumising sa pagiisip ng malalim ni Igi. Agad na binawi ni Igi ang kaniyang kanang kamay mula sa pagkakahawak ni Roan.


W-wala 'to.” kinakabahang bulalas ni Igi dahil sa takot na wala sa sarili niyang naibulalas kay Roan ang kaniyang iniisip.


S-sigurado ka? Mukha kasing aburidong-aburido ka eh.” nagaalala ulit na tanong ni Roan. Alam ni Igi na hindi matatapos ang usapan na iyon kung hindi niya ito tatapusin sa pamamagitan ng isang kasinungalingan.


Oo, sure ako.” nakangiting sagot ni Igi kay Roan na siya namang nakapag-panatag ng loob ng huli.


Tingin ko dapat bumalik na tayo.” nahihiyang balik ni Roan.


Sige, una ka na, dito muna ako.” nakangiti paring balik ni Igi.


OK.” nagaalangan paring sagot ni Roan habang nagsisimula nang maglakad palayo.


Nang nakasiguro na si Igi na nakalayo na mula sa kaniyang kinaroroonan si Roan ay wala sa sarili siyang napaupo sa lupa at tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang sariling mga kamay.


Bakit kailangang si Josh pa? Bakit hindi na lang katulad ni Roan? Bakit kailangang kaibigan ko pa? Bakit kailangang sa lalaki pa? Bakit kailangang si Josh pa?!” halos pasigaw nang sunod sunod na tanong ni Igi.


000ooo000


Bakit meron siyang picture namin sa wallet niya kung ayaw niya akong maging kaibigan noon pa?” tanong ni Josh sa sarili habang pabalik-balik sa loob ng kailang kwarto.


Hindi niya maunawaan kung bakit pinagkakatago-tago parin ni Igi ang litrato na iyon gayong pinagtulakan siya nito noon. Iniisip niya na matagal ng sinunog ni Igi iyon lalo pa't hindi ito nagdalawang isip na itanggi siya noon sa harap ng iba nitong kaibigan.


Muling ibinalik ni Josh ang tingin sa litrato sa loob ng wallet ni Igi. Hindi niya maiwasang malungkot at mapaisip. Malungkot dahil alam niyang katulad niya ay marahil namimiss din ni Igi ang kanilang dating pagkakaibigan at mapa-isip kung dapat ba niyang bigyan ng pagkakataon ang kanilang pagkakaibigan.


Nasa ganito siyang pagiisip nang biglang bumukas ang pinto. Muntik ng maihagis ni Josh ang pitaka ni Igi dahil sa gulat. Agad siyang humarap sa may pinto at nang makita niyang sapo sapo ni Igi ang kanang kamay nito na mukhang katitigil lang ng pagdurugo ng kamao ay agad niya itong nilapitan. Aabutin na sana niya ang kamay ng huli nang matigilan siya dahil narin sa nakitang galit at pagkataranta sa mga mata ni Igi.


What happened?” marahang tanong ni Josh at ipinagpatuloy na ang pag-abot sa kamao ni Igi, pilit na binabalewala ang galit sa mga mata ng kaharap. Isang pulgada na lang ang layo ng kamay ni Josh sa sapo sapong kanang kamay ni Igi nang bigla itong sumigaw na nakapagpaatras sa huli.


WHAT ARE YOU DOING WITH MY WALLET?!” sigaw ni Igi sabay abot sa kaniyang pitaka.


Pahaya-haya eh---!” mainit na balik ni Josh, tuluyan nang nabura ang pagaalala sa duguang kamao ni Igi habang si Igi naman ay may magkahalong takot at galit parin sa mukha.


Sana hinayaan mo na lang!” sigaw naman ni Igi na ikinataka naman ni Josh. Naisip na lang ni Josh ay marahil nahihiya si Igi sa litrato na pinagkatago-tago nito lalo pa't dapat ay wala na siyang dapat pakielam pa kay Josh katulad ng sinabi nito noon sa mga kaibigan.


At ano? Para madapa ako? Kung hindi ka kasi burara---?!” simula ni Josh pero agad siyang pinutol ni Igi.


Sabihin mo pakielamero ka lang talaga.” bintang ni Igi kay Josh.


WHAT?! At ano namang bagay ang dapat makakuwa ng interes ko patungkol sayo?” sarkastikong balik ni Josh na nagsasabing wala siyang pakielam sa huli.


Tuluyan nang nawala ang kaninay sumagi sa isip ni Josh na kung dapat ba niyang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan nila ni Igi. Naisip niya na wala ng pag-asa pang maibalik ang dati nilang pagkakaibigan kung oras oras ay nagaaway sila.


Malay ko. baka klepto ka or something.” nanghahamon na balik ni Igi na ikinakulo ng dugo ni Josh.


KLEPTO?! Eh mas mayaman pa ako sayo?!” singhal ni Josh.


Sure ka diyan? Dad ko VP ng isang kumpanya yung isa naman kilalang writer. Eh yung mga dad mo? Yung isa may shop sa mall yung isa naman nurse---”


Haciendero ang tatay ko!” sigaw ni Josh.


000ooo000


FUCK YOU, IGI!”


Napatigil si Neph nang marinig ang pagmumurang iyon ni Josh sabay ang mukhang mainit ding balik ni Igi. Nagkatinginan sila ni Roan na nagkibit balikat lang sabay hila sa kaniyang braso papasok sa kanilang kwarto na itinalaga ni Mrs. Roxas.


Habang naghahalikan silang dalawa ni Roan matapos masaran ang pinto ay di mapigilan ni Neph ang maisip na hindi alam ng kaniyang dalawang kaibigan ang kasiyahan na namimiss ng mga ito dahil sa walang puknat na pagaawayan.


Gawd, I love team buildings! Sucks to be you, Josh and Igi!” nangingiting bulong ni Neph sa sarili habang hinuhubad ang kaniyang pantalon habang malagkit na nakatingin sa naghuhubad na ding si Roan.




The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 6”
by: Migs

29 comments:

  1. Hello guys! Here's chapter six. Iiklian ko lang ang mga reply ko sa mga comment niyo ah. Sakit ng ulo ko eh. :( Oo nga pala may ikukuwento ako sainyo.

    Last week, nung Off ko sa ospital, umabsent ako sa masteral class ko upang pumuntang QC. Tinesting ko lang naman. Hehe. Nagpasa ako ng application as a writer sa isang network. Haha! Kaso hindi ako pinalad, ang huhusay lang nung ibang kasama ko. haha! Anyway, hindi naman kasi ako writer diba? Haha! (nagpalubag loob sa sarili eh no?) haha!

    Moon Sung-Min: patayan talaga? Haha! Bayolente much?

    Berto: Oo nga eh. Muntik ko na ngang gawing ganun ang titile. “Tulak ng bibig kabig ng dibdib BOOK 1” haha!

    Makki: curiosity? Haha! Ayan, bumigay na si Igi! ;P

    almondz: you're always welcome. Haha!

    Mark Ryan: bakit mo pinakain sa iba ang PACKAGE ko????!!!! hahaha! Di mo ako makikidnap kasi kasalukuyan akong hinohostage. Hahaha! Lakas maka PBB teens eh no? Ako kaya kailan? Haha!

    Rob dela cruz: salamat ng marami sa pagaadvertise! Mukhang hindi naman nila kinagat kasi di naman nadagdagan ang page views ko. haha! JOKE LANG! Thanks! Mwah! :-)

    Nix: maka pambola ka naman! Very Very talaga? Diba pwedeng very good lang? Haha! Di kita maPM, syadong busy. Haha!

    ANDY: antagal naman niya bago umuwi, pwede bang sumama sa pagsundo sa kaniya? Haha! Sinisigurado ko sayo magiging single ka na by the end of the day! Hahaha! Landi much. Oi joke lang. Wala akong lahing ahas. Hipon pwede pa. Haha!

    Erwin. F: ang PBB teens ay malapit nang umeksena haha! Inatyin mo lang.

    Russ: ano ba yan. Sabihin mo masamang hindi nadidiligan ang rainbow kaya kung makapagiintay siya dapat maginaty siya sa labas ng pinto! Hahaha! Nose bleed? Ganun ba talaga ka pangit ang grammar ko? Di ko na nga dinadamihan ang ingles kasi alam kong sablay ako dun eh. Haha!

    John Gapuz: thanks! Are you related to kuya Ray? Ray Gapuz? Choz! Haha! Thanks! Paki follow narin ako kung may time ka. :-) try reading the short stories na din at nasa gilid naman na ang pagkakasunod sunod ng stories. Thanks! Mwah! Endorse mo din ako sa friends mo ah. :-)

    RileY: kamusta naman ang pagbibilang? Haha! Sweet moments? Wala pa. Soon. Haha! Spoiler alert!

    ReplyDelete
  2. Roan: salamat naman at hanggang ngayon ay napapaibig ka parin ng aking mga likha. Ano daw?? haha! Thanks! Sana wag kang magsawa forever! :-)

    Mr. Suplado: natutulog din naman ako kaso kailangan lang talaga eh. Haha! Tuturukan mo ako ng pampatulog? Haha! Gusto ko yung tulad sa green hornet yung naglalast ng isang linggo. Hahaha! Oo may lahi akong zombie kaya kapag nagka zombie apocalypse keri na na hindi ako kagatin. Haha!

    KV: matutuwa ka pa ba kung hanggang sa matapos ganyan lang sila? Haha!

    Boboy Tuliao: I haven't checked my mail yet. I thought we we're just kidding, sorry pero wala pa sa isip ko ang ganyan. Wala akong time. Mananawa ka dahil lagi akong walang time. Maski nga sa pagtetext wala na akong oras eh. Tanong mo pa sa mga friends ko na mukhang tinabla na ako dahil sa dalang kong mag reply sa text nila. I'm not being a snob ah, baka kasi sabihin mo--- ginago lang kita or something.

    Rei: I sure hope so, kasi kung hindi, ay nako, titigil na ako sa pagsusulat. Haha!

    Mr. Brickwall: thanks! Ganda ng quote! :) san mo nakukuwa yang mga yan?! :)

    Iyanchan: sige hindi na ako maglalagay ng twist. Hahaha! Diretsong story na lang. Straight to the point yung tipong hindi niyo na pagiisipan! Hahaha! Joke lang! Thanks!

    Jemyro: bakit???!!! san ka pupunta?! :-(

    Kean tongol: ang tanong? Namiss mo ba? Hahaha! Thanks! Promise dadalasan ko na ang pagpopost. Yung tipong every three weeks. Ganyan. Hahaha! Joke! Dadalasan ko na, promise.


    Josh! Tigilan na yan pakulong! Urgggghhh! (traumatized) hahaha! Di ko na talaga yan isusulat, sige! :-( Hindi ko ugaling mag-edit. Ako pa. Hahaha! Mali mali nga name ng characters ko diba? Haha! Sabihin mo na sakin. BILIIIISSS! Haha!

    AR: isa lang masasabi ko. hindi magkakatuluyan sila Roan at Neph. Hinding hindi. Hahaha! SPOILER ALERT! SPOILER ALERT! Haha!

    Karl rickson: thanks! More to come. :-)

    Ryvis Tan: thanks! Keep on commenting naman. :-)

    akosichristian: wala bang male?! Haha! Alam mo yan ang problem ko pati agency natetengga ang mga male nurses eh. DISKRIMINASYON! Haha!

    ReplyDelete
  3. Preparing for the upcoming pre board... Kung nagtake lang sana ako last May exams, I think tuloy tuloy ang pag eenjoy ko sa pagbabasa ng mga gawa mo...

    Good thing timing ang pag oopen ko today.. Hehe..
    Cute cute cute chapter!

    ReplyDelete
  4. nice chapter!
    ang kulit lang ni neph. hahaha

    rei

    ReplyDelete
  5. haha mas matutuwa ako kung magkakatuluyan sila....kamusta naman na ang tita cha ni joshie dyan? hehehe ^_^

    KV

    ReplyDelete
  6. Owhmaygas!. Dalawang maiinit na tagpo ang nangyayari sa magkaibang lugar. Hahaha. Tawa much!. :D

    Ganyanan? Haha. 3weeks? Kaloka. Haha, pero infairness. 5 days lang ngayon. Haha. Ok. Thanks sa effort na magupdate though you are so busy. :D

    ReplyDelete
  7. woah! ayaw paantala ang putukan nila Neph at Roan! LOL

    ayun na may linaw na... ayiiiieee!

    ReplyDelete
  8. ay...ang saya ng chapter na ito!...ang sarap sipain ng dalawa...wahahaha...sarap sakalin, suntukin, dagukan, para umamin yung dalawa sa totoong damdamin ng dalawa...wahaha....wala akong maisip na theme song...hmmm ah...S&M na lang..wahahaha..nice one migz!...galing!..hehe

    -Berto-

    ReplyDelete
  9. Nagulat ako dunsa ending nito hahaha

    ReplyDelete
  10. wahaha... morbid akong tao ehh...ahahaha... oo nga..haciendero si Ed no! madaming lupain...ahaha

    ReplyDelete
  11. Oo Migs! May kumain ng PACKAGE!!! Pero di nya naubos!!! don't worry!!! hahaha At sino naman yang humohostage sayo ng mabalatan ng buhay haha, pakialamero lang o nagseselos???? hahaha

    Oo lakas maka PBB teens!!!! Lalo na itong chapter na ito!! Wagas ang ending, sina Josh at Igi kaya? Kailan? haha

    ReplyDelete
  12. kilan ba ang love scene ni igi at josh.. kaka bord nman ang storya kc laging nag aaway nalang silang dalawa.. :(

    pwd ba mag bati na sila or sumthing na may iyakan between josh at igi..

    huhuhuhuhu..

    ReplyDelete
  13. PUTA!!!! hahahahaha!!!

    nagulat ako sa ending! i dont know who roan is or what he looks like (roan no offense ha? no pun intended =>) but i surely know neph and im imagining this as hot if not hilarious!...knowing neph for sure! LOOOOLLLL!!!

    shit! di ako makaisip ng comment na maayos! na istuck ako sa eksena ni neph, bwahahaha!!

    basta yung observation ko akin na muna, maghihintay akong mahinog siya sa succeeding chapters. yung story basta ipost mo yan! hahahaha!

    trauma? ER nurse ka diba? kaya immune ka na sa ganyan hahahaha!

    thnx sa update (",)

    PS: BTW neph, kung mabasa mo ang comment ko, wag mo ng sagutin dito. sa fb na. dun tayo sa fb mag marderan! hahahaha!

    ReplyDelete
  14. Author Migs!

    haha di ba? kala ko kasi hehe, e bat may scene sila? :D sabagy baka hormones lang, OR?
    Homaygash si neph? so gay of him haha..at si roan hmmm:D idk kung ano mangyayari between them but Roan-Igi-Neph and Josh-Des talaga? haha abangers nalang..

    ReplyDelete
  15. nagulat ako sa Roan-Neph na relasyon... parang out-of-nowhere pero kakakilig knowing na Neph is a close friend to both Josh and Igi. Wala man lang indikasyon from the start na si Neph ay ganun... Nauna pang umeksena sa mga bida. hehehe

    ReplyDelete
  16. At ano ngyari kay Neph?? Haha! Nagulat ako dun ah. Pero bakit parang may gusto kay Igi si Roan?

    Natawa ako dun sa Haciendero ang Tatay ko!!!

    Thanks kuya mig. Next na, yung back-to-back chapter agad. Lol joke.

    Balak mo pa sirain ang lovelife ko? Lol, haha cge sama ka kuya migs sa pagsundo tapos isabuhay natin yung mga eksena sa stories mo. Lol. Pero ikaw yung kontrabida ha? Lol.

    ReplyDelete
  17. Ay ang ganda ng bungad sa akin. Itong story at isang gwapong nilalang. Good morning nga!

    Is Roan a girl or a gay? Naguluhan lang ako.

    Susme nag apply ka doon? Sayang di ka natanggap. Kung nagkataon edi nanunuod ako ng teleserye mo. Teka bromance teleserye..... Like! Hehehehe!

    ReplyDelete
  18. May poblema sa utak tong dalawang characters mo. sa halip sabihin un nasa utak nila singhalan ang ngyayari.

    Roan - Neph : SAN GALING YUN? Mukang cla ang tampok sa next story mo ah. *Tampok talaga*

    by the way nagulat ako sa bilis ng update ngaun ah. Gusto ko yan ganyan kabilis. Wala na ko mabasa sa mga blogs kasi puro updates na hinihintay ko.

    ReplyDelete
  19. Naguluhan ako dun sa last part ah. babae ba si roan? inis ba si neph? wah! ang gulo ko.

    mahabang away pa talaga to. tsk3. hehe.

    thanks migs.

    ReplyDelete
  20. Di ko na kelangang magbilang migs kasi somehow alam ko na kung kelang ang pag post mo..hehe

    At di ko na rin mahintay ang eksenang PBB teens hahaha!!gusto ko ring paghihilahin mga singit ni igi at josh!pigil na pigil sa mga damdamin! :D
    Take care migs:)

    Riley

    ReplyDelete
  21. nakakatawa naman si Igi. pilit kinukubli ang nararamdaman. hindi ko alam kung insensitive lang ba silang dalawa or what. hahaha.

    naguluhan din ako kung girl ba or guy si roan and neph is so funny saying "suck to be Igi and Josh". haha. rotfl

    can't wait for the next part. hopefully at the end of their team building ok na silang 2.

    more power migs! wow! haha

    ReplyDelete
  22. hehehe sablay talaga...weeh di nga..kaw talaga migs..buti pa sila neph at roan may (censored) na hehehehe..kailan sila igi at josh migs?

    ok na nadiligan na ang rainbow nya di sa akin..hahaha..

    migs may chika ako sau, kaninang umaga when he was driving para pumasok na kami sa work, eh hinahawakan ko ang side ng pwet nya, gusto ko talga gawin yun eh..kaya lang nagalit siya, ung galit na galit tlaga kasi nakakahiya daw..kaya hayun bad trip ako..kasi la ako paki sa iba eh..gusto ko lang naman iparamdam ung sweetness ko..

    ReplyDelete
  23. Shishishishi!! Kinikilig ako sa dalawa! :">
    At since maiksi ang update ngaun, hahaha!! Siguro next week super haba as in Bongga tapos may dalawa pa. as in 7 and 8 in one. HAHAHAHA! Grabe natanggal stress ko ha!
    And Migs, wag susuko go lang ng go! ay teka! HAAAAA?! Ano hindi ka writer? E, ano to?! Ano tong mga to?
    Natawa ko sa comment ni Josh napaPUTA! HAHAHAHA

    ReplyDelete
  24. nakakaloka tong si Neph at may ganong eksena pa talaga sya.. hahaha

    pwedeng pakibabad sa bath tub na punung-puno ng yelo ang dalawang bida natin.. tapos na summer pero super hot pa rin.. kalurks..!!!

    sweetness naman dyan oh.. hahahaha

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  25. wooah bagong love story to look for neph & roan.

    God Josh is becoming unpredictable. I thought he already decided to patch things up with Igi pero iba nman ginawa nya hmmmm.... His carzy hehehe.

    migz I really appreciate your art and to tell you the truth it completes my day hehehe. Nothing is worth while for me to do first thing in the morning but to check for updates. I hope others would also see your stories coz like me it will make them inspired and happy.

    kudos two thumbs up migz, have a great day and keep on writing....

    ReplyDelete
  26. Hey Miggy.. Uhmmm.. its ok Miggy boy.. I understand... But let me tell you that i will always be a fan of yours... Sana magkaroon ka na ng time para sa kaligayahan mo.. you are not getting any younger my boy... If you have time, you have my number...kung gusto mo lang...

    Dami ko kilig sa part na ito... mga 205 siguro... at saka san nga ba nanggaling yung neph at roan picture..?

    I miss you boy..!

    ReplyDelete
  27. ano fi, lagi nlng ladies first ang peg.. :p

    gusto ko ung payamanan scene.. :p haciendero ang tatay ko!!! lol

    ReplyDelete
  28. Nice kuya Migs, Kht Busy nagagwa mu paring gumawa ng nice stories. Idol! ikaw na!

    ReplyDelete
  29. Nice one mahal kong migs. Lab u po. Daming teenage sex sa kwento ah. Hehehe.

    ReplyDelete