The Things That Dreams Are Made Of 10
DISCLAIMER:
The
following is a work of fiction. Any similarities to any written works
and any person, living or dead are purely coincidental. The story is
intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do
not copy or use without written permission. Email
the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Walang
imik. Yan ang isa sa mga salita na maaari mong ihambing kay Neph.
Ayaw niyang saktan si Roan ngunit kailangan niya iyong gawin upang
hindi na lalo pang lumalim ang hukay na siya mismo ang gumawa, kung
noon sana ay tumanggi na siya sa gustong mangyari nito ay sana hindi
na sila pareho pang nagkasakitan. Alam na ni Neph noon pa na hindi
niya makakalimutan si Des ngunit nakuwa niya paring pumayag sa
gustong mangyari ni Roan dahil akala niya ay maaaring turuan ang puso
mangmahal.
“D-Desiree
oh.” bulalas ni Neph habang namumula ang pisngi sabay bigay ng
isang bulaklak na pinitas niya sa isa sa mga halaman sa parke ng
kanilang club house.
“Thank---.”
simulang pasasalamat ni Des ngunit hindi na iyon natapos nang
makarinig na ang dalawang bata ng isang napakalakas na sigaw.
“HOY
BATA! DI KA BA MARUNONG MAGBASA?! AYAN NAKALAGAY, 'NO PICKING OF
FLOWERS' PERO PUMITAS KA PARIN!” sabi ng isang matanda na nakilala
nila Des at Neph na taga linis sa parke na iyon.
“Eh
wala po akong pera pambili ng bulaklak eh para sa kaibigan ko eh---!”
matapang na pangangatwiran ni Neph na halos tumunaw sa resolba ng
matanda at tumunaw naman sa puso ni Des na namula ang pisngi.
“---Saka mabubulok lang naman yung bulaklak tapos wawalisin niyo
saka itatapon! Eh kung hinahayaan niyo na lang kaming pumitas diyan
edi wala na kayong wawalisin kada umaga!” pagtatapos ni Neph na
nagpainit sa ulo ng matanda na nagsimula ng habulin si Neph na
hilahila ng tumatawang si Des.
Hindi mapigilan ni Neph ang sandaling mapangiti sa
naalala na iyon.
“Neph!” sigaw ni Amy na ina ni Neph. “Anak, bili
ka muna ng coke---” hindi pa man natatapos ni Amy ang kaniyang
inuutos sa anak ay agad na itong sumagot.
“Opo, saglit lang po.” magalang na sabi ni Neph
habang bumabangon sa kaniyang kama upang sundin ang utos ng ina kahit
pa malakas ang ulan sa labas ng kaniyang kwarto at lumalalim na ang
gabi.
000ooo000
Abala parin si Neph sa pag-gunita ng kanilang mga
magagandang alaala ni Des upang maiwasang isipin ang kaniyang
pananakit na ginawa kay Roan nang sa gilid ng kaniyang mata ay nakita
niya ang ge-gewang-gewang na si Des na kalalabas lamang ng isang
club. Wala sa sariling kinabig ni Neph ang manibela ng kaniyang
minamanehong sasakyan at itinigil ito sa harapan ng club kung saan
lumabas si Des may ilang segundo lang ang nakakaraan.
“Des!” sigaw ni Neph, walang pakielam kung naiwan
mang hindi naka-lock ang pinto ng kaniyang sasakyan at kung nababasa
siya ng malakas na ulan.
“Wow.
Naparami na talaga ang nainom ko naririnig ko na si Neph eh
kanikanina lang iniisip ko lang siya.” sabi
ni Des sa sarili habang hinahawi ang mga patak ng ulan sa kaniyang
mukha.
“Des, what are you doing?” tanong ulit ni Neph na
siyang naglinaw sa isip ni Des, agad agad na humarap si Des nang
marinig niyang muli ang boses ni Neph. Hindi alam ni Neph kung ano
ang kaniyang dapat maramdaman nang humarap si Des sa kaniya, kung
galit ba, awa o sakit. Galit para sa taong nagpaiyak sa kaniyang
mahal, awa dahil hindi kailanman niya pinangarap na makitang luhaan
ang mga magagandang mata ni Des at sakit dahil, hindi man niya
maipaliwanag, makita lang na nasasaktan si Des ay tila nasasaktan
narin siya.
“Neph.” bulong ni Des na hindi makapaniwala na andon
ang tanging tao na nais niyang makasama sa mga oras na lugmok na
lugmok siya katulad ngayon.
Hindi na mapigilan pa ni Neph ang sarili at niyakap na
ng mahigpit si Des na agad namang umiyak sa balikat ng huli.
“Shhh. Everything is going to be OK. Andito na ako.”
bulong ni Neph. Ang mga sinabi na ito ni Neph ay unti-unting
nakapagpakalma kay Des.
000ooo000
“Awww! It's raining!” parang batang nakasibanghot na
sabi ni Josh habang nakapalumbaba na nakatanaw sa bintana.
“Ha! OK nga yan eh para wala ng activities bukas
hanggang sa umuwi tayo---” simula ni Igi sabay sandal at itinaas
ang kaniyang magkabilang kamay na parang si Tom sawyer. “--finally
some sweet time to chill!” pagtatapos ni Igi na hindi na nagkasya
sa pagsandal na tila si Tom Sawyer dahil bumalik na ito sa
pagkakahiga sa kama.
“You're so boring sometimes.” nangaalaskang balik ni
Josh sabay tingin ulit sa labas ng bintana kaya't hindi niya napansin
ang unan na ihahampas sa kaniya ni Igi.
“Take that back or I'm going to put you under “The
Pillow Torture!”” sigaw ni Igi sabay amba ulit kay Josh na
agad namang umilag at hinawakan ng mahigpit si Igi sa braso na hindi
naman mapigilan ang paghagikgik.
“You're not only boring but also immature!”
nakangising balik ni Josh.
“You are now really going to regret saying that.”
seryoso pero hindi mapigilang mapangiti na sabi ni Igi sabay hatak sa
sariling braso na ikinatumba nilang dalawa sa sahig, si Josh sa
ilalim at si Igi ang nasa ibabaw.
Nagtama ang tingin ng dalawang magkaibigan. Samu't
saring emosyon ang tumakbo sa sa buong sistema ni Igi. Nang
mapagtantong masyado ng matagal ang kaniyang pagkakatitig sa mga mata
ni Josh ay agad na nagiwas ng tingin si Igi at sinubukan na tumayo
agad- ngunit pinigilan siya ni Josh. Muling bumalik ang
pagkakakunekta ng tingin ni Igi sa mga mata ni Josh na miya mo
kinakabisa ito. Lalong lumakas ang pagtibok ng kaniyang dibdib.
“JOSH! IGI! Pinapatawag kayo ni Mrs. Roxas!” sigaw
ng isa pa nilang kasamahan kasabay ang malakas na pagkatok sa
kanilang pinto. Mabilis na Tumayo si Igi na halos ikinatumba nito
samantalang si Josh naman ay inaalam pa at iniisip kung ano ang
nangyari may ilang saglit lang ang nakakalipas.
“M-maghihilamos lang m-muna ako.” tila wala sa
sariling saad ni Igi na ikinagising ni Josh sa pagiisip at nang
ibalik niya ang tingin sa kaibigang kanina lang ay katitigan niya ay
nakatalikod at papasok na ito sa kanilang banyo.
000ooo000
“Umuwi na si Nephilim. May idea ba kayong dalawa kung
bakit bigla na lang umuwi ang isang iyon? May nagsabi kasi sakin na
nagaaway daw sila ni Roan bago ito umalis kaya iniisip ko na baka
iyon ang dahilan at hindi dahil may kailangan siyang asikasuhin sa
kanilang bahay tulad ng kaniyang sinabi. Kasi ire-reprimand ko siya
as your adviser kung dahil lang sa hindi nila pagkakaunawaan ni Roan
ang dahilan ng kaniyang pag-uwi.” mahaba at may pagka striktang
saad ni Mrs. Roxas kila Josh at Igi nang humarap ang dalawa dito.
Nagulat naman si Josh at Igi sa inihayag na ito ni Mrs.
Roxas. Alam nilang close si Neph at Roan, pareho nga nilang iniisip
na isa si Roan sa pinakamalapit na kaibigan ni Neph kaya ang isipin
na nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa na nagdulot sa pagguwi at
hindi na pagsali ng isa sa pinakiintay na team building na iyon ay
nakapagpataka sa dalawa, ngunit sa kabila ng pagtataka ng dalawa ay
nakuwa parin ng mga ito na magkunchabahan at saluhin ang kanilang
kaibigan na si Neph sa kabila ng hindi paguusap.
“Baka po kasi umuwi ulit ang parent's ni Neph sa
Laguna, Mam, may business po kasi sila don na parang hindi po maganda
ang takbo ngayon kaya po siguro pinauwi muna nila si Neph sa bahay
para magbantay doon at para may nakakasama narin po yung kapatid
niya.” swabeng pagsisinungaling ni Igi na agad namang sinangayunan
din ni Josh na wala ring sabit sa pagsisinungaling mapagtakpan lang
ang kanilang kaibigan.
“Sigurado kayo na hindi lang ito dahil sa sinasabi
nilang pagaaway nila ni Roan?” nanghuhuling tanong muli ni Mrs.
Roxas.
“Sure na sure ma'am.” “Hindi po ganun kababaw si
Neph.” Sabay na sagot ng dalawa na hindi mapigilang kagatin ni Mrs.
Roxas.
“Very well. Hindi ko na kayo kukulitin pa. Ayaw ko
lang kasi na may umuuwi sa kalagitnaan ng program dahil lang sa
misunderstanding nila ng kaniyang partner sa kabila ng matagal na
nating pagpaplano ng event na'to.” saad muli ni Mrs. Roxas na
muling sinangayunan ng magkaibigan bago lumabas ng opisina ng guro sa
resort na iyon.
000ooo000
Nang husto ng nakalayo sa opisina ang dalawa ay hindi
naman napigilan ni Josh ang mapatawa habang si Igi naman ay agad na
inilabas ang cellphone at tinawagan si Neph. Tinignan muna ng masama
ni Igi si Josh na miya mo nababaliw na si Josh dahil imbis kasi na
magalala ito katulad niya ay nakuwa pa nitong tumawa, ngunit hindi
nagtagal ay napatawa na rin siya.
“Why the hell are you laughing?!” tanong ni Igi sa
pagitan ng pagtawa.
“Naaalala mo nung six years old pa lang tayo nung una
nating nakita si Neph? Ang loko gumagawa ng bangkang papel gamit yung
mga lumang dyaryo sa unit nila?” tanong ni Josh sa pagitan ng
pagtawa habang katabing naglalakad palabas ng building si Igi na
hindi mapigilang mapahagalpak dahil sa naalala.
“Oo! Tinanong natin siya kung ano ginagawa niya, ang
sagot lang ni loko kasi wala siyang magawa. Tayo naman itong may sa
gago din eh nakisali sa paggawa ng bangka---” pagbabalik tanaw na
rin ni Igi na siyang lalong dumagdag sa kanilang hagalpakan.
“Tapos nung nahuli tayo nung tagalinis nung pool ang
sabi lang ni loko---”
““ayaw mo nun kuya, may tratrabahuhin ka ngayon?””
sabay na sambit ni Josh at Igi na lalong ikinahagalpak ng dalawa.
“Eh yung nagsayaw tayo na ala Michael Jackson?”
tanong ulit ni Josh nang makabawi na silang dalawa sa kakatawa.
Muling tumawa si Igi at umakbay kay Josh atsaka iginiya ang kaniyang
balakang at paa sa kaniyang pagkanta na agad namang sinabayan ni Josh
na umakbay din kay Igi.
““THRILLER! THRILLER NIGHT!”” sabay na kanta ng
dalawa sabay sayaw nang maalala yung araw noong may seven years old
palang silang tatlo nila Neph at nang makita ng mga ito ang
tinatagong mga lumang VHS ni Ram ng mga MTV noong kabataan pa nito.
“What's
this?” tanong ni Neph kay Igi nang mahagip nito ang VHS tape ng mga
MTV na ini-record noon ni Ram.
“Dad
told me not to mess with other people's stuff.” kinakabahan pero
curious ding saad ni Josh na miya't miya ang tingin sa pinto,
natatakot sa muling pagbabalik ni Ram.
“Maybe
it's porn.” saad ni Neph na ikinasinghap ni Josh at ikinangisi
naman ni Igi.
“You
do know that both my dad's are gay, right?” nakangisi paring tanong
ni Igi na ikinabura ng ngiti ni Neph at ikinangisi narin ni Josh nang
makuwa ang gustong sabihin ni Igi.
“Haha!
I still want to see what's on it.” humahagikgik na sabi ni Neph na
ikinabura muli ng ngiti ni Josh.
“Wag
na nating galawin, di naman natin alam kung ano laman niyan eh. Baka
mamya magalit pa si tito Ram satin.” kinakabahan muling saad ni
Josh pero hindi niya parin mapigilan ang maging curious.
“Alam
kong curious ka rin, Josh.” nakangising baling ni Neph kay Josh na
lalong kinabahan pero lalo ring na-curious.
“Since
lahat naman tayo dito na-cu-curious sa laman nito edi panoorin na
natin.” nakangising saad ni Igi sabay hatak sa VHS at isinalpak ito
sa lumang player ng ama.
Hindi
nagtagal ay nagplay na ito at pare-pareho na nilang nakita si Michael
Jackson kasama ang mga kapwa nito nakabihis zombie na nagsasayaw.
Hindi mapigilan ng tatlo ang mapahagikgik at magbiruan kung sino sa
mga zombies na iyon ang kamukha nila at hindi rin nagtagal ay sumabay
na ang tatlo sa pagsasayaw habang walang puknat ang tawanan.
““THRILLER!” pagtatapos sa pagkanta ng dalawa
sabay hagalpak muli ng tawa sa pagitan ng mga hingal, hindi alintana
na magkaakbay pa sila. Dahil sa pagod mula sa kanilang malikot na
pagsasayaw at wala sa tonong pagkanta ay wala sa sariling umupo si
Josh at Igi sa may damuhan sa ilalim ng isang malaking puno.
Hindi sinasadyang nagkapatong ang kanilang mga kamay.
Noong una ay hindi nila ito napansin, si Igi ang unang nakapansin
nito sapagkat ang kamay ni Josh ang siyang pumapaibabaw sa kanilang
mga kamay. Dahan-dahan itong tinignan ni Igi na tila ba kapag
tinignan niya ito agad agad ay mawawala ang magandang pakiramdam na
kaniyang nadarama habang magkadikit ang kanilang mga kamay na iyon.
Abala si Josh sa kaniyang pagbabalik tanaw kaya't hindi
niya napansin ang pagdidikit ng kamay nila ni Igi at ang minsang
pagsulyap-sulyap ni Igi dito. Hindi maipaliwanag ni Josh kung bakit
pero tila ba may nagpapagaang ng kaniyang loob sa mga sandaling iyon,
hindi niya alam na sulyapan niya lamang ang namumulang mga pisngi ni
Igi ay malalaman na niya ang sagot.
000ooo000
Masakit man ang ulo ay dahan-dahang idinilat ni Des ang
kaniyang mga mata. Halos mapatalon siya nang mapansing wala siya sa
sariling bahay bagkus asa isang pamilyar na lugar. Nang mapagtanto
niya kung kanino ang bahay na kaniyang tinulugan matapos ang
marami-raming nainom ay agad siyang kinabahan. Dahan-dahan siyang
tumayo mula sa pagkakahiga ngunit nang iaapak na niya ang kaniyang
mga paa sa sahig ay imbis na sahig ang kaniyang naapakan ay likod ng
isang tao ang kaniyang naapakan.
“ARGGGGGHHHHHHH!” sigaw ni Des.
“Huh?!” bulalas ni Neph sabay tayo na siyang
ikinauntog ng kaniyang tuhod sa kanto ng coffee table.
“OUCH!” singhal ni Neph sabay himas sa kaniyang
tuhod na sa kaniyang pakiramdam ay nabiyak.
Tila naman sinampal ng kaniyang sariling utak si Des
nang maalala ang ilan sa mga nangyari noong nakalipas na gabi. Ang
paginom niya ng marami sa isang club, ang pagpapaulan niya, ang
pagtawag sa kaniya ng isang lalaki na kaboses na kaboses ni Neph at
ang pagyakap niya dito at ang pag-iyak at paghinahon nang aluhin siya
nito.
“Geesh Des. Give me a heart attack, will you.”
pupungay-pungay na sabi ni Neph sabay hilot sa kaniyang tuhod at
umupo sa sofa na kanina lamang ay tinutulugan ni Des.
“I-I need to go.” bulalas ni Des na ikinaalarma ni
Neph. Ayaw niya pa kasi itong umalis.
“At least eat something first. Nagluto si Mommy---”
simula ni Neph ngunit agad din siyang natameme at napayuko nang
mapansing nagmamadali si Des na ayusin ang sarili at tila ba kating
kati na siyang layuan. Napalunok na lang siya ng sariling laway at
binalewala ang lahat ng pride na meron siya.
“---Please?” ang pagmamakaawang iyon ni Neph ang
siyang nakapagpalambot sa puso ni Des. Wala sa sarili siyang humarap
dito at marahang tumango.
Hindi mapigilan ni Neph na mapangiti sa sagot na iyon
ni Des at nang makita nito ang ngiting iyon ni Neph ay tila nabawasan
ang kaniyang mga problemang pasan-pasan.
000ooo000
Hindi parin matigilan ni Igi ang paminsan-minsang
paghimas niya sa sariling kamay, pilit na binabalik-balikan ang
pakiramdam ng kamay ni Josh na kanina lamang ay nakabalot doon.
“You're doing that creepy smile again. What's up?”
tanong ni Josh habang puno ng pagkain ang bibig at mataman na
pinapanood si Igi at ang paghimas-himas nito sa sariling kamay.
“What? I don't have a creepy smile!” singhal ni Igi
habang pinipigilan ang sarili na mapangiti.
“I'm not saying that your smile is always creepy. Ito
lang sandaling 'to yung creepy na parang may pinagpapantasyahan kang
babae tapos paminsan-minsan mo pang hinihimas yang kamay mo.” saad
ulit ni Josh, hindi alintana ang ilang butil ng kanin na
tumatalsik-talsik mula sa kaniyang bibig habang nagsasalita.
Hindi agad nakasagot si Igi dahil agad na namula ang
kaniyang mga pisngi pagkarinig na pagkarinig niya pa lang sa salitang
“pinagpapantasyahan” mula sa bibig ni Josh. Sapul na sapul
kasi siya sa sinabing iyon ni Josh. Ngunit ang pamumula ng pisngi na
iyon ni Igi ay saglit lamang tumagal sapagkat muling tinatanong ng
kaniyang sariling utak kung bakit nga ba niya pinagapantasyahan ang
kaibigan gayong alam niyang straight ito at mahal na mahal nito ang
girlfriend na si Des.
Hindi nakaligtas ang pagbagsak ng mukha na iyon ni Igi
kay Josh na agad nagalala at agad inisip na baka may nasabi siyang
mali.
“I'm sorry. Did I say something wrong?” nagaalalang
tanong ni Josh na gumising kay Igi mula sa pagiisip ng malalim.
Pinilit ni Igi na ngumiti na tila naman pekeng ngiti ang naging
dating kay Josh.
“Wala lang may naisip lang---” simula ni Igi ngunit
natigilan din siya at piniling maigi ang kaniyang dapat sabihin.
“---saka wala namang masama sa pagpapantasiya lalo pa't hanggang
dun lang naman ako diba?” makahulugang sabi ni Igi sa kabila ng
kaniyang pagngiti. Hindi ito nakaligtas kay Josh na agad na
nakaramdam ng kung ano sa kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag
kung ano ito ngunit kinunsidera na lang niya itong “awa at inis”
para sa kaibigan at para sa sarili.
000ooo000
“Sooo---” simula ni Neph nang hindi na niya matiis
ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila ni Des habang kumakain
ng agahan. Halos mapatalon si Des sa panimulang iyon ni Neph.
“So what?” kunot noong tanong ni Des, hindi
pinapahalata kay Neph na natatakot siya sa kung ano mang tatanungin
nito.
“---what do you like to do after breakfast?”
nagaalangang tanong ni Neph. Tila naman bumagal ang utak ni Des sa
pagtakbo at tinanong pa ang sarili kung tama ba ang kaniyang narinig,
iniisip niya kasi at ine-expect na uusisain ni Neph ang nangyari sa
kaniya, kung bakit siya nasa labas ng bahay ng dis oras ng gabi, kung
bakit siya lasing at sabog na sabog, ngunit hindi. Katulad ng
kaniyang pagkakakilala kay Neph noong sila'y mga bata pa lang ay mas
nagpo-focus ang huli sa kaniyang ikasisiya kesa sa usisain at bigyan
siya ng mga walang kuwentang advise tulad ng kaniyang ibang kaibigan.
Matapos makabawi ni Des mula sa hindi pagkakapaniwala
ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti lalo pa't ang layo ng
itinanong sa kaniya ni Neph mula sa kaniyang inaasahang itatanong
nito. Hindi na nga nagkasya si Des sa simpleng pagngiti dahil miya
miya pa ay tumawa na ito ng malakas matapos mapagtantong miya siya
tanga may ilang minuto lang ang nakakalipas dahil sa nararamdamang
takot na kulitin siya at tanungin ng tanungin ni Neph at husgahan
siya nito gayong alam naman niyang hindi iyon ugali ni Neph.
Saglit na kumunot ang noo ni Neph nang makita niya ang
humahalakhak na si Des, hindi niya alam kung ano ang dahilan ng
pagtawa nito, ang totoo niyan ay iniisip niya at ine-expect na
mairita ito dahil sa kaniyang walang ka-kwenta- kwentang tanong,
ngunit nang marinig niya ang pinakapaborito niyang halakhak na iyon
ay hindi niya narin mapigilan ang mapangiti...
...at hiniling sa sarili na sana ay hindi na matapos pa
ang mga sandaling iyon.
Itutuloy...
The Things That Dreams Are
Made Of
“Chapter
10”
by:
Migs
Maikli lang ulit 'to. Sorry umabot ng limang araw bago ako makapagpost. Brown out dito samin kagabi eh. Hehe. Muli, maraming salamat parin sa patuloy na pagbabasa, guys! Love you all!
ReplyDeleteJanuard: thanks sa papuri! :-) I can't do everyday posting like what you're requesting, though. Masyadong busy eh. Hehe! Kailangang kumayod.
adik_ngarag: may nagrequest kasi ng straight story before. Kaya ayan siningit ko na lang. :-)
Moon Sung-Min: hindi niyo ako mahahanap! Lol! Belated happy birthday pala. Hindi ako nakapagpost kasi super busy ako nun. :-( Sorry.
Kean Tongol: nice to have you back!
Jasper Paulito: kapag bad kailangan patayin agad? Di pa pwedeng parusahan o pagsabihan muna?
Mr. Brickwall: ito lang ang masasabi ko. PBB Teens?
Berto: putukan nanaman? Haha!
AR: haha! Tagal ko na kayang sinabing girl si Roan.
IvanChan: haha! Wag ganyan. Crush? So papasok ka para sa crush mo at di sa pagaaral? Haha!
Makki: Oo nga eh, mabait na gwapo pa. (pagbigyan na lang.) hahaha!
Mr. Suplado: haha! Thanks! I'm not sure if my brain is that great though. Haha!
Riley: wag na. Haha! Marami pang mangyayari, malay mo naman mabait pala si Roan. :-)
akosichristian: haha!di pwede ilagay si Liam dito, sa huli malalaman mo kung bakit haha!
Russ: edi ikaw na ang mabango. Malansa pala eh, teka lang. Ahahaha!
ANDY: ganyan naman ang mga kabataan ngayon diba? Kumplikado. Haha!
Rei: sweet? Hayaan mo magiging bitter ulit sila sa isa't isa. Haha!
Politotz: ayan matagal tagal na bago ako nagpost ulit. Haha!
Jumpin rooftops: you're welcome! :-)
wastedpup: oo naman namiss kita. Ikaw pa. :-)
Anonymous July 24, 2012: storya nila lahat 'to at hindi lang kay Josh at Igi. Hehe! So sorry, there will be more of Roan and Neph plus Des. :-P
robert_mendoza: love can be good and bad for you.
Ryvis Tan: natanso talaga? Haha!
Gavi: hindi ba mobile blogger friendly yung blog ko?
Erwin F.: lahat naman nagkakamali. Isipin mo na lang na stepping stone mo lang siya. Haha! Stepping stone patungo sa rurok ng tagumpay kung saan andun ang dyo-jowain mo. Haha! :-)
jemyro: ano ang ibig sabihin ng “hantarat”?
Josh: magcomment ka na. Promise di ko na i-eedit. Haha! :-)
Thanks ulit guys! Mwah! I love you all! Sana madagdagan pa ang comments ang followers! :-)
Hello boss Migs, I am so looking forward on how you will make this story complicated, haha
ReplyDeleteThank you so much for writing these stories. ^^
Sending you my love, I might not comment all the time but still, you're works are appreciated.
Like! Ahaha next please? Focus more on igi josh part! :-) ehehe
ReplyDeletegrabe.... sa wakas, Migz!!!!
ReplyDeletenagigising ako sa madaling araw para lang tingnan kung may update na... tuwang tuwan na kasi ako kina igi at josh eh... sobrang busy talaga ni author. pero ngayon, ang igsi naman... hahaha... pero ok lang... salamat pa rin ng marami... naeexcite ako sa naguusbong na damdamin ni josh ke igi...
relax author... at salamat ulit.
ay... nabasa ko ang reply mo sa comment ko last post... hihihi... nanggigil lang po... mabait din naman ako eh... sige, parusahan na lang si roan... yong matindiiiii... hehehe.
ReplyDeleteActually typo yun.. It's supposed to "hantaray" not hantarat, sorry! Haha... So i smell a love web.. Hindi kasi pwede ang triangle since marami silang nagkainlaban! Haha...
ReplyDeleteit depends sa situation cguro frend! he he he. . tao lng tao na nagkakamali kung minsan, but we must learn from this mistakes to grow up. . . getting more nicer about sa frendship ng dalawa. . . hmmm, ang torpe pa din ni NEPH. KAKAASARRRRRRR. YNGAT LAGE FREND.
ReplyDeletenaks...narealize na rin ng isa't isa kung sino ang karapat dapat nilang mahalin...wahahaha...si josh na lang yata ang di pa nakakarealize masyado...indenial pa...wahaha...masisira pa ba to ni roan???...wahahaha....sila na!...ang sweet!..hahaha...nice one migz!....
ReplyDelete-Berto-
bwahaha tumpak migz pagbigyan mo na ang mokong na yun! para sumaya naman kahit papano! bwahahaha patay tayo neto pag mabasa nya to! good luck! :))
ReplyDeleteinlababo na talaga si igiboy! waaaah at si joshyboy naman eh parang nahuhulog na rin! mas gusto ko chemistry nila des at neph ayiiieee! nice nice!
Idol na mahilig sa KALBO! bwahahaha :)) peace!
salamat sa late greet kuya migs! ahaha... bukas na kasunod na comment...
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng landi landi ng update! Beking beki! Hahahahaha!
ReplyDeleteHay nako Migs! Syempre papasok ako sa school para mag-aral at makita ung CRUSH ko! Inspirasyon un! Di ako makakatapos ng program sa loob ng 30 minutes kung wala siya.
-IvanChan
ayan na ung clue.. :p cguro c liam at neph tlga.. lol
ReplyDeletebusy ako kaya di makabasa. ito nga humabol pa ako uli, buti nalang nagOL ako bago ako umalis.
ReplyDeletenamumuo na ang chemistry nina igi at josh pero ang nakakabahala is yung absence ni roan dito. nakakabahala siya, parang bagyo lang, nasa eye of the storm ngayon. hahahaha
neph dumadamubs na talaga dito ha, kamusta naman ang mini "rendezvous" nila ni des, sana may mangyari, LOL!!!!!
thnx sa update (",)
Ay ayaw ko isipin na ganun. Mahirap yun.
ReplyDeleteNatatapakan ko kasi siya. (abnoy literal mag isip) hahahaha! Saka mas happy ako ngayon. Sigurado na akong di nagkamali.
Umiikot yung story. Parang crazy stupid love. Tween love yung kay josh at igi ngayon. Hehehehe!
Naku naman migs namiss kita!!haha!!lagi kong tinitingnana kung posted na chapter 10 hehe..bumalik na naman ako sa pagbibilang..hahaha!!ok sure di ko na sasakalin si roan..sabi mu eh:D
ReplyDeleteAt bakit ba sa naaalala ko yung breaking boundaries pag binabasa ko tong the things that dreams are made of??adik lang eh..
Anyway thanks migs!nga pala nabasa mo na ba email ko sau??
Take care migs!
Riley
Looking forward to the next installment of the story Migz. Ang pinaka mamahal ko. Ikaw lang. Sana magkita tau minsan. :) keep it up my bro, my labz.
ReplyDeleteGuys pahabol lang..plug ko lang yung blog ni dark ken here it is:
ReplyDeletewww.darkkenstories.blogspot.com..kung may time kau paki visit na lang..he's the author of minahal ni bestfriend:ryan..thank u!
And maraming salamat migs for allowing me to plug his blog..late ko na nabasa reply mo..hehe..thanks very much migs!
Riley
Mahal talaga ni des si neph! waah! nakakatuwa yung mga back stories nila! :)
ReplyDeletekaya roan, back off na! walang lumiligaya sa pag-ibig kung ang pagkamit rito'y sa maling paraan. HS ka plng, malay mo sa college mo mameet ang one and only mo.
teka teka, "awa at inis"
awa para kay igi, at inis sa sarili??
ako lang ba o may laman talaga tong mga linyang to? ako na wagas magbigay ng meaning..
oi migs, este kuya, thank you. ^^
bitin so much!!!!
ReplyDeleteCUTE!!!
ReplyDeleteKakatuwa naman pala si Neph.
Ang fave part ko ay yung Thriller. Haha!
Just so cute.
ngayon ko lang to nabasa. actually migs, ok naman yung combination ng straight and gay love story.
ReplyDeleteaamin ako, parang nakulangan ako sa chapter na to.... siguro dahil nag-aabang ako ng mas maraming revelations. pero in fairness, medyo nagugustuhan ko ang tambalang neph at des a.
eto namang si roan.... kumokontra-bida. hahahaha
Author Migs!!
ReplyDeletehaha..ang chapter na to ay para sa kanila ni des at neph..yung bang when they lost someone they feel something is missing in their life, may longing of someone siyang nararamdaman, dito kaya sasabihin ni des na si neph ang gumugulo sa kanya? :D
konti na lng mapapaamin na si igi..more likely si josh unang mag acknowledge ng feelings niya :>
and si roan..mahaba habang planning ginagawa ata niya..gusto ko na panu niya guguluhin lahat XD
ps
author migs.. capital lahat ng AR dapat aR haha..peace :">
Good heavens at last naayos din ung internet connection namin kainis ang tagal kong di nakapag net. Good thing wala me namiss hehehe. Hmmmm Im intrigue sa dahilan ni Des para maglasing? Mukhang may chance na si Neph un nga lang sana matangap un ni Josh with arms wide open kung hindi grabe another conflict and twist sa story.
ReplyDeleteWaiting for the next chapter migs.......
have a great day and take care always....
waaaaah another kabitin moment brought to you by Sir Migs. >_<
ReplyDeleteerrr about dun sa tanog mo if hindi mobile blogger friendly ang blog mo? I dunno, di lang talaga ko makapag comment. Hindi nagloload.. :P I guess dahil globe subscriber ako --> NETWORK ISSUES. hahahahaha
Looking forward sa next chapter, more Joshie - Igi moments pleeeeease. =)) hehehehe Keep it up Migs!
- gavi :)
Migs... updata na please!!!
ReplyDeletebalik na naman ang addiction ko sa pagbabasa ng mga short stories mo kuya migs.. thanks!!
ReplyDeleteBAKIT MAY STRAIGHT LOVE HAHAHA
ReplyDeleteanyways galing galing migs forever. new reader ako. ako yung nagkocomment simula last week
kiss na kasi agad josh and igi pls