Monday, July 23, 2012

The Things That Dreams Are Made Of 9

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Ilang libong emosyon ang makikita sa mga mata nila Josh at Igi habang nagtititigan, ilang pulgada ang layo ng mga mukha habang sabay ang mabibilis na tibok ng mga puso. Ini-angat na ni Josh ang kaniyang kanang kamay at pinasadahan ang makinis na balat sa mukha ni Igi na siyang lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ng huli. Iginiya na ni Josh si Igi pahiga sa kama nito at marahang pumatong dito, hindi parin pinuputol ang mga titig sa isa't isa, may ilang pulgada parin ang layo ng mga mukha sa isa't isa at mag kasing bilis parin ang mga tibok ng kanilang puso na miya mo umaawit sa iisang tunog.


I love you.” bulong ni Josh na tila tumunaw sa pagkatao ni Igi.


Ilang saglit pa bago nakasagot si Igi dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman.


I love you too.”


At nang sa wakas ay naibulalas na ni Igi ang mga katagang iyon ay unti-unti nang inilapat ni Josh ang kaniyang mga labi sa malalambot na labi ni Igi---


IGI!” sigaw ni Josh na pumutol sa magandang pananaginip ng huli. Malaki ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Josh na nakadungaw sa kamumulat mata lamang na si Igi.


What?!” sigaw ng namumulang si Igi kay Josh na hindi parin binubura ang nakakalokong ngiti nito sa mukha.


Having a sweet dream?” nakakalokong tanong ni Josh nang sa wakas ay babangon na si Igi sa kama. Agad namang namutla si Igi, iniisip na baka naibulalas niya ang pangalan ni Josh habang natutulog, dahan-dahan siyang humarap muli kay Josh.


W-what?” tanong ulit ni Igi na nagsisimula ng manlambot. Iniisip na nahuli na ni Josh ang kaniyang pinakasisekretong lihim na pagmamahal sa huli.


You were telling someone, I love you and you were moaning like--- shi-it! Haha!” pangaalaskang balik ni Josh na tila ba nakapag paluwag sa daluyan ng hangin sa baga ni Igi. Nakuha na ng huli na ginagago lamang siya ni Josh kaya naman hindi niya mapigilang sugurin ito at pagkikilitiin na kagaya nung mga bata pa sila.
Nabalot ng tawanan ang buong kwarto nila Josh at Igi.


000ooo000

Medyo nagkakapaan man paminsan-minsan ang dalawa sa kanilang panibagong simula bilang magkaibigan ay hindi naman niyon napigilan ang dalawa na mag-enjoy kasama ang isa't isa. Nagkamustahan at nagkuwentuhan patungkol sa nangyayari sa buhay ng bawat isa, paminsan-minsang binabalikan ang mga panahon kung saan pareho pa silang bata at sabay na magbubuntong hininga saka sabay na matipid na ngingiti o kaya naman paminsan minsan ding babalikan ang mga mabababaw nilang awayan saka sabay na tatawa.


Kamusta naman kayo ni Des?” wala sa sariling tanong ni Igi na ikina-tense naman ni Josh, hindi ito nakaligtas sa huli. Agad na nagaalala si Igi na baka masyado pang maaga para tanungin ng ganung ka personal ang kaibigan kaya naman ng sumagot si Josh na parang balewala dito ang pagtatanong niya ng ganun ay agad siyang nakahinga ng maluwag.


I think we're about to call it quits.” umiiling at malungkot na sabi ni Josh na ikinagulat ni Igi.


Huh? It thought you guys were tight? I mean you've been dating for three years, right?” tanong ni Igi na nakapagpatango lang kay Josh, hindi nakaligtas kay Igi ang biglaan paglungkot ni Josh, nais niya itong yakapin ng mahigpit at siguruhing hindi niya ito iiwan ngunit hindi niya ito magawa sa takot na pagsimulan nanaman iyon ng panibagong away.


I thought we were tight too---” malungkot na pahayag ni Josh atsaka ikinuwento kay Igi ang nangyari sa pagitan nila ni Des, ang paghihigpit nila Migs at Ed sa pagkikita ng dalawa at ang pagsang ayon dito ni Des.


You really love her do you?” tahimik at pilit na itinatago ni Igi ang lungkot sa tanong niyang iyon. Lungkot dahil alam niyang wala silang pag-asa ni Josh dahil ayon sa kuwento ni Josh ay mahal na mahal nito ang girlfriend.


Yes.” mahinang sagot ni Josh na siyang bumingi kay Igi.


000ooo000


Buong maghapon na hindi nakita ni Neph ang dalawang kaibigan kahapon at hindi pa niya nakikita ang mga ito simula nung umagang iyon sa agahan hanggang sa magtanghalian na, nagsisimula na siyang kabahan na baka nagawa ng magpatayan ng kaniyang mga kaibigan. Nagsimula na siyang magtanong tanong sa mga kasamahan niyang andun ngunit walang makapag sabi kung asan ang mga ito kaya naman napagpasyahan niyang hanapin na lang ang dalawa.


Nung una ay hindi siya makapaniwala nang makita niya sila Josh at Igi na tahimik na nag-uusap at paminsan-minsang nagtatawanan at nagngi-ngitian sa may dalampasigan na miya mo may tinatanaw sa malawig na dagat sa kanilang harapan, nakangiti niyang pinanood saglit ang mga ito at saka tahimik na lumapit. Hindi man makapaniwala na sa wakas ay naguusap na ng maayos ang dalawa niyang kaibigan ay hindi rin naman mapigilan ni Neph ang matuwa dahil sa wakas ay magka-ayos na ang mga ito. Ilang hakbang na lang ang layo ni Neph sa dalawa nang marinig niya nag pinaguusapan ng mga ito na nagpatigil sa kaniyang paglalakad.


Napatigil si Neph nang marinig ng pangalan ni Des. Isang pangalan na sa hindi maintindihang rason ay nakapagpapabilis ng kaniyang tibok ng puso at nakapagpapatigil sa kaniyang dapat gawin habang pansamantala siyang dinadala ng kaniyang kamalayan sa kahapon.


Neph! Sabi ng Des na lang ang itawag mo sakin eh!” nakasibanghot na saad ni Des nang marinig ang kaniyang best friend na tinawag siya sa buong pangalan.


Ganda ganda ng pangalang Desiree eh, bakit pa kasi kailangang paikliin.” matamis na nakangiting saad ni Neph na tuluyan naring nakapag pangiti kay Des.


Hindi maitatanggi na may nararamdaman si Neph kay Des, akala niya noong asa huling taon ng elementarya pa lang sila ay nagkakaintindihan na sila at may namumuo ng magandang relasyon sa pagitan nila, mag best friend na nagkamabutihan at hindi kayang malayo sa isa't isa, nagkakaunawaan kahit pa hindi mag-usap at nagkakasundo sa lahat ng bagay.


Ngunit isang araw ay hindi na lang siya bigla pinansin ni Des, sinubukan niya itong kausapin pero ilag na ilag na ito sa kaniya, hanggang sa nagsimula na ang high school at ibang Des na ang kaniyang nakakasalubong sa hallway. Mas lalo itong gumanda, sumexy at naging palaban at madaldal, kasabay ng pagbabago ng isa pa niyang malapit na kaibigang si Josh ay ang pagkawala ng kaniyang best friend na si Des.


Hindi nagtagal ay naging magnobyo na si Josh at Des, dala ng kasikatan at udyok ng mga sikat nitong kaibigan. Isa ito sa pinakamasakit na nangyari kay Neph, ang kaniyang napupusuang babae ay nobya na ngayon ng isa sa kaniyang matalik na kaibigan, ngunit hindi niya pinahalatang nasasaktan siya. Akala ng lahat ay masaya at walang iniindang sakit si Neph, lahat maliban sa isa, si Roan.


Isa si Roan sa madalas kasama noon ni Des noong asa elementarya palang sila. Hindi rin maikakaila na may pagtingin si Roan kay Neph dahil narin sa halatang halatang panlalandi nito sa huli. Nang malaman ni Neph ang tungkol sa relasyong Josh at Des ay agad na tumabi si Roan sa kaniyang tabi at inalo ito at doon na nagsimula ang set up nilang mas kilala sa tawag na “Friends with Benefits.” Hindi sang ayon si Neph sa set up na ito, ipinaliwanag niya kay Roan na hindi niya maibabalik ang pagtingin nito sa kaniya na siya namang inintindi ni Roan dahil para dito ay maski sa ilang saglit lang na iyon habang sila'y magkasiping ni Neph ay nararamdaman niya ang pagmamahal ng huli kaya't wala na lang nagawa si Neph kundi ang pumawayag din sa huli.


You really love her do you?” narinig ni Neph na tanong ni Igi kay Josh na siyang gumising sa nagbabalik tanaw nitong utak at pinagpawisan sa maaaring isagot ni Josh.


Alam niya na kapag kinumpirma ni Josh ang tanong na iyon ni Igi ay wala na siyang pag-asa pa na mapalapit ulit kay Des, ilang taon man ang lumipas ay alam niyang walang makakahigit ng pagtingin niya dito.


Yes.” pabulong na sagot ni Josh na bumingi pareho kila Igi at Neph.


000ooo000


What's wrong?” malambing na tanong ni Roan kay Neph sabay himas sa likod nito.


W-wala ito. Pagod lang siguro.” blangkong sagot ni Neph na ikinataka naman ni Roan.


Alam na ni Roan kung ano ang maaaring tumatakbo sa isip ni Neph. Sa tuwing natatahimik kasi ito at tila ba ayaw pag-usapan ang bumabagabag dito ay alam niyang si Des ang tumatakbo sa isipan nito. Ilang beses nang pinag-awayan nila Neph at Roan ito, si Roan dahil sa pagseselos at si Neph naman dahil sa inis sa pag-asta ni Roan na tila ba mag-nobyo sila.


Is this about De---” simula ni Roan na siyang sumagad sa pasensya ni Neph.


Don't start with this shit again, Roan. I'm tired. That's it! Geesh! You're starting to sound like a first class bitch again” sigaw ni Neph sabay labas ng kanilang silid.


Hindi na alam ni Roan ang kaniyang gagawin. Asa elementarya pa lang sila ay gusto na niya si Neph lalo pa nang makilala niya ito sa pamamagitan ng noo'y isa niyang matalik na kaibigan na si Des. Ngunit noong maglaon ay napapansin niyang hindi siya binibigyan ng atensyon ni Neph sa tuwing asa paligid si Des, kaya't gumawa siya ng paraan para maalis sa eksena si Des.


Mitikuloso niyang plinano ang lahat. Kabisado na ni Roan ang oras ng pagpunta ni Des sa bahay nila Neph at itinaon niya ang kaniyang pagamin sa kaniyang tunay na nararamdaman sa huli. Walang sabi niyang inilapat ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Neph na sakto namang nakita ni Des.


Simula noon ay hindi na muli pang lumapit si Des kay Neph na siyang ikinatuwa ni Roan, ngunit tila sinampal naman siya ng karma dahil kahit anong gawin niya ay hindi naman magawang ibalik ni Neph ang pagtingin niya dito at lalong hindi nito nakalimutan si Des na tila ba sumailalim ng isang make over nang magsimula na ang high school.


Hindi nagtagal ay nalamig at tila nagsawa narin sa kaniya si Neph kahit pa ibinigay na niya ang lahat dito. Madalas na silang nagaaway at isang beses ay nadulas si Neph na dahil mahal niya si Des kaya't hindi niya magawang mahalin si Roan na siyang naging simula ng isang matinding away sa pagitan nila.


Nanlulumong tinitigan ni Roan ang pinto na tila ba sa ginagawa niyang iyon ay muling babalik si Neph at hihingi ng tawad sa kaniya at sasabihing mahal siya nito at hindi si Des. Ngunit alam ni Roan na kahit mag-hapon pa siya tumitig sa pintong iyon ay hinding hindi mangyayari iyon na siyang muling nagdulot ng pagtulo ng ilang luha mula sa mga mata ni Roan.


000ooo000


Matapos ang maikli at tapat na sagot na iyon ni Josh sa tanong ni Igi ay muling binalot ng katahimikan ang dalawa. Si Josh dahil sa hanggang sa ngayon ay hindi niya parin maintindihan ang sinasabi ng kaniyang amang si Ed patungkol sa pagiging In Love o yung simpleng Love lang pero sa kabila nito ay “Oo” parin ang isinagot niya sa tanong ni Igi kahit pa tila nagsisimula na niyang tanungin ang sarili patungkol sa pagmamahal niya kay Des habang si Igi naman ay pinili na lang manahimik kesa may masabi pa siyang bagay na habang buhay niyang pagsisisihan.


Oi. Natahimik ka?” tanong ni Josh sabay akbay kay Igi. Saglit na tinignan ni Igi ang kamay ni Josh na naka-akbay sa kaniya, hindi mapigilang mapangiti dahil tila ibinalik siya sa panahon kung saan hindi pa sila nag-aaway na dalawa.


OK na ako sa ganito. OK na ako sa pagiging mag magkaibigan ulit namin kesa naman sabihin ko pa sa kaniya ang totoo tapos habang buhay nanaman kaming magsisinghalan.” bulong ni Igi sa sarili bago sagutin ang tanong ni Josh.


Wala lang, napaisip lang saglit.” makahulugang sagot ni Igi na ikinakunot naman ng noo ni Josh pero di naglaon ay nagbigay din ng isang matipid na ngiti.


You think too much. Paminsan minsan mag-chill ka lang.” nakangiting saad ni Josh sabay gulo sa buhok ni Igi na hindi mapigilang mamula ang mga pisngi.


000ooo000


Masakit na ang paa ni Igi, tila kasi nawala sa isip ni Josh na magkatali ang kanilang mga paa. Asa panagalawa na silang aktibidad para sa team building na iyon. Itinali ang kanilang mga paa habang paunahang naghahanap ng mga bagay-bagay na itinago ni Fr. Rico sa buong beach house.


Bilisan mo Igi!” excited na sabi ni Josh.


Josh, wait.” bulong ni Igi na tila naman hindi narinig ni Josh.


Josh, nasasaktan ako.” ulit ni Igi na nagpatigil kay Josh. Nagaalalang tinignan ni Josh ang tali ng kanilang mga paa, doon nakita niya na humigpit na nga ang tali sa paa ni Igi at mukhang bumabaon na ito sa balat ng huli. Wala sa sarili siyang lumuhod at nagaalalang inayos ang mahihigpit na tali.


Oh shit! I'm sorry, Igi.” nagaalalang bulalas ni Josh.


Hindi malaman ni Igi kung ano dapat ang kaniyang maramdaman, ayun si Josh, ang dati niyang kakumpetensya sa lahat ng bagay, hinihimas ang kaniyang namumulang paa at tila ba paiyak na dahil sa nakikitang pamumula ng paa ng huli.


Angkas ka sakin.” bulalas ni Josh nang makita nitong malalayo na ang kanilang mga kalaban.


Josh, hindi naman natin kailangang manalo eh. Laro lang 'to.” medyo nainis na sabi ni Igi, hindi makapaniwala na ang laro parin pala ang iniisip nito sa kabila ng nagaalala nitong paghimas sa kaniyang namumulang paa.


I'm going to carry you papunta sa tent para makapagpahinga ka at hindi para manalo, dumb-dumb!” umiiling pero natatawang sabi ni Josh. Tila naman muling natunaw ang puso ni Igi. Totoo pala kasing nagaalala sa kaniya si Josh at balewala na lang pala dito ang laro na tila ba gustong gusto nitong mapanalunan.


000ooo000



Ha! We won! Wohoo!” sigaw ni Josh nang manalo silang dalawa ni Igi sa palarong iyon kung saan namula ang kaniyang paa dahil sa pagkakatali ng kanilang paa ni Josh.


Nang umangkas kasi si Igi sa malapad na likod ni Josh ay agad itong tumakbo, hindi pabalik sa tent para patignan kay Fr. Rico at Mrs. Roxas ang paa ni Igi gaya ng ipinangako nito kundi papunta sa finish line. Nang masigurong nanalo na sila ay tuloy-tuloy lang si Josh sa pagtakbo at tumuloy na sa tent kung saan andun si Mrs. Roxas at ipinatingin na ang paa ni Igi. Napailing na lang si Igi pero kahit papano ay hindi parin niya mapigilan ang mapangiti dahil sa saya.


Oo, hindi na nga maiaalis kay Josh ang pagiging competitive nito pero hindi parin nito maiaalis ang pagaalala sa kaibigan. Pinanood ni Igi si Josh sa paghingal nito, hindi mapigilan ang sariling puso na lumambot muli para sa kaibigan, nang mapansin ni Josh na sa kaniya nakatingin si Igi ay nginitian niya lang ito sabay kindat at thumbs up na nakapag pahagalpak ng tawa kay Igi na ikinataka naman ni Mrs. Roxas at lalong ikinangiti ng malaki ni Fr. Rico.


000ooo000


What's with those two?” tanong ni Neph sa kaniyang mga kasamahan matapos makita ang tagpo kung saan inangkas ni Josh si Igi. Hindi naman nag-atubiling sumagot si Roan, hindi parin kasi siya kinikibo ni Neph kaya naman gagawin niya ang lahat makuha lang ang pansin nito.


I know right?! They're sooo gay.” wala sa sariling bulalas ni Roan, tinignan siya ng masama ni Neph na hindi naman napansin ng iba pa nilang kasamahan dahil abala ang mga ito sa pagtawa sa sinabi ni Roan.


Naglakad na palayo si Neph, iniisip na baka hindi niya mapigilan ang sarili at kung ano pa ang masabi o di kaya naman ay magawa kay Roan sa harap ng kanilang mga kaklase. Napa kunot noo si Roan nang makita niya ang galit na si Neph na naglalakad palayo, nagbigay muna siya ng isang malutong na tawa sa harapan ng mga kaklase at pasimpleng sumunod kay Neph na ayon sa kaniyang nakikita sa body language nito ay galit na galit.


Neph, what's wrong?” tanong ni Roan sabay hawak sa balikat ni Neph nang maabutan ito. Agad namang hinawi ni Neph ang kamay ni Roan.


WHAT'S WRONG?! Those are my best friends you are making fun out there!” singhal ni Neph na ikinataka muli ni Roan, medyo mababaw ang dahilan ngayon na ito ni Neph upang awayin siya kaya naman agad na sumagi sa isip niya na maaaring gumagawa lang ng mapagaawayan si Neph dahil masama parin ang loob nito sa kaniya.


C'mon Neph, I was only joking.” pagaalo ni Roan kay Neph.


No, Roan, you we're not joking. You we're making fun of my friends to get my attention---!” simula ni Neph ngunit agad siyang pinutol ni Roan.


You are only making this up so you can have a reason to shout at me and push me away! Neph, I was only joking. Josh and Igi are also my friends I would never do anything to hurt them. OK, fine! Yes, I was trying to get your attention, but I didn't expect for you to blow up like this just because of some stupid joke! Parang masyado naman atang nagiging mababaw ang pinagsisismulan ng mga pagaaway natin, Neph?” naiiyak na saad ni Roan na lumusaw sa resolba ni Neph.


You're right, lahat na lang ng bagay ginagawa kong rason para mag-away tayo, para layuan mo ako and I'm so sorry, Roan---” simula ni Neph, agad namang nabuhayan ng loob si Roan. “--- you're right, everything is getting out of control. We're not in a commitment yet we're ripping each others throats, I--I think we should stop this ---t-this set up, whatever this is, Roan, b-before we end up killing each other.” pagtatapos ni Neph na siyang bumura sa natitirang pag-asa na meron pa si Roan.


Neph please.” naiiyak na pagmamakaawa ni Roan.


I already called Mang Rannie earlier and nakapagpaalam nadin ako kay Mrs. Roxas and Fr. Rico. Pumayag na sila na umuwi ako at di na tapusin ang team building. I-I think it would be better kung malayo muna tayo sa isa't isa---” paliwanag muli ni Neph.


No!”


I'm sorry, Roan but we have to do this.” sagot ni Neph sabay lakad palayo.


Neph, please no.” halos pabulong ng pagmamakaawa ni Roan ngunit tila nabingi na si Neph.


Mabigat man sa loob ni Neph na saktan si Roan ay hindi naman niya maitulak ang sarili na mahalin ang huli dahil iisa lang ang laman ng puso niya. Kung pipilitin niya ang sarili na mahalin si Roan ay saglit lang ito liligaya sa piling niya habang siya naman ay buong panahon sa kanilang relasyon magiging miserable kaya't naisip niya rin na tama ang kaniyang ginawa. Nang hindi na mahagip ng tingin ni Roan si Neph ay sakto namang lumabas ang nagkakasiyahang si Josh at Igi sa tent.


Hindi makuwa ni Roan kung paanong may mga taong nakukuwa pang makipagkasiyahan gayong may mga taong katulad niya na miserable. Habang pinagmamasdan ni Roan ang dalawang magkaibigan ay may isang bagay siyang napansin. Alam niyang walang basehan ang kaniyang iniisip na ito kundi ang isang simpleng obserbasyon ngunit naisip niya na kung ang simpleng obserbasyon na iyon ay magdudulot ng sakit sa isang taong dati niyang kaibigan at ngayon ay itinuturing niyang kaagaw sa atensyon ni Neph, na kung ang simpleng obserbasyon na iyon ay maghahatid ng sakit kay Des katulad ng sakit na nararamdaman niya ngayon ay handa siyang gawin ang lahat maging patas lang ang lahat.


Kahit pa ang kapalit nito ay ilang puso na masasaktan. Kahit pa gawin niyang kumplikado ang lahat sa buhay niya, taliwas sa payo na ibinigay niya kay Igi noong nakaraang araw.


Itutuloy...



The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 9”
by: Migs

31 comments:

  1. Maikli lang ulit 'to. Haha!

    Mr. Suplado: hindi sila nawawala, OK lang sana kung kahit papano nababanggit yung name mo o yung blog na pinagkuwanan nila kaso hindi eh. Kaya nakakatamad naring magsulat paminsan minsan eh.

    adik_ngarag: Oo naman naaalala kita. Haha! Namiss nga kita eh, tagal mong di nagparamdam.

    Moon Sung-Min: pano kung sabihin ko sayong hindi ko na itutuloy at wala ng susunod na kabanata? Haha! Joke lang! :-) Thanks!

    Jasper Paulito: ganyan ko kayo kamahal eh. :-)

    jetlander. Thanks! Can't wait for your comment! :-P

    Berto: pareho kayo ni makki, puro putukan ang alam. Haha!

    AR: babae si Roan. Haha! Isa ka sa maraming nagtanong.

    John el: thanks. Nice to know I still have the ability na pakiligin kayo. Haha!

    Akosichristian: haha! Malay mo maudlot pa, wag kang magsasalita ng tapos. :-P

    Iyanchan: pinansin mo kasi, ayan tuloy six days. Haha!

    Riley: you're most welcome. :-)

    Adam: Thanks! :-)

    ANDY: agad agad? Haha hindi makapaghintay? Haha!

    robert_mendoza: thanks uhmmm friend? Haha! THANKS! :-P

    Michael John: magaling ankong mambitin eh. Haha! Yaan mo tuloy tuloy na yan after this week. :-)

    ReplyDelete
  2. makki: nagaway kami ni Zekie. :-( Pero bati na ulit kami. :-) di niya ako matiis eh. Haha! Feeling ko nga kami ang nakatadhana sa isa't isa. Hahaha! Peace Zekie! :-) Haha! Thanks sa papuri! :-)

    Mr. Brickwall: you are most welcome. Yung totoo? Major in Psychology ka ba? Galing mo lang. :-) Thanks, Mr. Brickwall wag ka sanang magsawa sa pagbabasa at pagcomment!

    Rei: Ikaw din atat na sa putukan? Haha!

    Erwin F.: wag kasing aksayahin ang luha at uhog. Haha! Pero seriously, I hope everything is OK.

    Russ: di malayong mapirata na nga ako. Haha! Malay mo hindi ako si Migs. Ako yung napiratang version lang. Haha!

    Ryvis Tan: Thanks! Thanks! Thanks!

    Roan: thanks! Kahit na busy ka nakakapagbasa ka pa at comment, sana tularan ka ng mga silent reader sa tabi tabi at magsilabasan na sila ta huwag nang tamarin na mag-comment ma-inspire man lang ako. Hehe.

    Wastedpup: I missed you! San ka ba nagsususuot, bata ka?! Haha! Welcome back! :-) wala ng nagsasabi ng “I love you” sakin nung nawala ka. :-( Hope everything is OK with you na.

    Gavi: at bakit ngayon ka langnag-follow at nagcomment gayong matagal ka na palang nagbabasa? Haha! Joke lang! Thanks, Gavi sana hindi ka magsawa sa pagbabasa at pagcocomment! :-)

    foxriver: thanks! Maka english ka naman. Haha!

    Jayar: Thanks! Please follow my blog if you haven't yet. Thanks!

    SIX DAYS. Grabe, I'm so sorry guys. Bawi ako sa susunod na post! I love you all! Thank you guys! :-)

    ReplyDelete
  3. thanks again sir for sharing us your stories. sana every other day ang posting nito hehehehehe.


    ---januard

    ReplyDelete
  4. bitin, migs!!! hahahaha

    medyo nagmomoment si neph at roan.... kinakabog sa exposure si josh at igi. hehe

    ReplyDelete
  5. wahahaha... edi nag welga kaming lahat...susuyurin namin lahat ng subdivision/villages sa buong cavite mahanap ka lang! LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Migs, request naman ohh..mag post ka sa friday! birthday ko yung! regalo mo na sa'kin...ahaha...san mapagbigayan....thanks

      Delete
  6. Owyeah. I miss reading here. Haha. Tapos na din ang hell week at balik routine na. Haha.


    I'm glad that josh and Igi are good friends again. :D

    ReplyDelete
  7. so bad si Roan.... very bad... yoko ng ganyang ugali. patayin kaya siya sa story na t?

    ReplyDelete
  8. Ang kulit lang nung una. hahaha! sweet dreams. haha

    di po psych, accountancy. haha. pero iniisip ko kunin, taas ng interest ko sa takbo ng utak ng mga tao e. haha

    hmmm.. mukang simula na ng gulo. at si roan pa ang ugat. may ideya na ko sa kumplikasyong mangyayari, pero tyak naman may twist pa din. dame kasing possibilities. pero recall ko lang, mga high school students tong mga to diba? grabe na talaga mga kabataan ngayon. e nung HS ako nasa utak ko lang anime at online games (kahit ngayon naman yun pa din e, haha)

    Love.. a very thin line to cross in between two deep cliffs of pain and happiness. You cant take it too lightly, coz every move, careful or reckless, will leave big markings. Neither you cant take in too seriously that even the simplest can be the most complicated one. (ako ba talaga nagtype nyan?haha)

    pero i guess ganun talaga. kasi kapag bata ka pa, you dont know how big or small will the consequences of your actions be. And that's how every mature people learned their life lessons. Coz for every action wont just bring either solution or complications, but lessons too.

    thanks kuya migs sa update.

    magsawa sa comment? ako? e halos oras-oras ko nga icheck kung may updade ka na e. haha.

    pero oks lang, may life ka kasi. ako no life lang ngayong mga panahong to e. haba na comment ko. tulog na nga ko. :)

    ReplyDelete
  9. talagang kinompare ako kay makki...di kami magkapareho no...ang layo kaya...milya milya...wahahahah...ang tagal kong hinintay ang chapter na to at di naman ako nabigo...very light ang scenes nina igi and josh...very refreshing..nararamdaman ko malapit na ang putukan...wahahaha....may tinatago rin pala si neph at roan...napakainteresting ng next chapters...wahaha..nice one migz!..hehehe

    -Berto-

    ReplyDelete
  10. Author MIgs!!

    Hayun naman pala eh XD babae pala si roan:D kala ko boy siya haha the name sounds boyish ksi..and now she's really into a first class bithc..

    Isa pang revelation! haha best of friends sila des and neph this could be a yes for them!!

    igi-josh na! haha...alam na!!

    MORE pa!!

    ReplyDelete
  11. Ang bad bad ni Roan parang Si Migs lang. Hahahahaha! Okay fine, never ko nang papansinin ung pagpopost mo, HAHAHAH! Pero kahit papano napasaya ko ng update mo today *kahit di ko nakita si CRUSH! Damn that suspension of classes!!* Pero ano kaya ung naobserbahan ni Roan? Hmmnn, somethings like we Guys will look for the next chapter. Ang galing galing mo Migs pde bang ikaw nlng ung crush ko? Hahahahah!!

    -IvanChan

    ReplyDelete
  12. bwahaha kala ko na magtatampuhan na kayo por-eber Migz! buti na lng mabait yang kaibigan natin! naks! purihin mo lng ksi alam mo namang mahilig sa papuri yun!! bwahahaha PEACE POY!

    gusto ko tong chapter na to Migz! daming revelations! wala kang kupas migz! IDOL! :D

    ReplyDelete
  13. Wag ka nmn ganyan. Wag ka tatamarin please. :(

    Sabi ko na nga ba my hidden agenda between neph and roan eh. Nampucha tong roan n to, ayos na ung dalawa makikigulo pa ang putek.

    Grabe ang galing ng utak mo migs. I guess yan tlga ang talent mo, ang magsulat. Dami mong ideas at napakawild ng imagination mo(in a good way). ;)

    Looking forward to more stories from you and your blog.. :D

    ReplyDelete
  14. Sakalin ko kaya si Roan hano Migs?hahaha!

    Galing ng chapter 9!yun na lang muna masasabi ko..Thanks and take care Migs:)

    Riley

    ReplyDelete
  15. roan is a bad bad girl..!!! not to mention a first class selfish.. lol

    iniintay ko pa rin c liam idol.. :p bka umeksena pa xa kila igi at josh.. :p

    ReplyDelete
  16. so ano ito migs roan will become a bitch gurl?the villain?the hoar? joke hehehe..
    mukhang si roan ang magiging spices sa love story nila josh and igi..ahehehehe..

    sa pirata isyu migs, malalaman ko pa rin kung alin ang migs fake o original kasi ang original malangsa...hahhahahahhahahah..peace idol

    ReplyDelete
  17. ang komplikado naman ng magkakaibigan. Mukhang so Roan ang kontrabida. Haha.

    Nice twist kuya migs. Thumbsup.

    ReplyDelete
  18. Hehehe. Yeah excited na! Lol.
    Seriously, ang sweet talaga nila.


    Rei

    ReplyDelete
  19. Kuya sana may kasunod agad ang chapter a to.. Akala ko after two days kana magpopost... Continue to make inspiring stories....

    ReplyDelete
  20. thank you mr. migs! looking forward for the 10th...

    ReplyDelete
  21. ayan! tuloy tuloy na! yey!!!!

    ang sweet talaga ng magbestfriend na Igi at Josh! inggit much!!!
    at ang panaginip ni Igi, humaharot!!! hahahaha

    be a bitch roan ang ul get what u deserve! u will die! charot!!! hahahaha

    ReplyDelete
  22. Ok na ok na po. . Mas lalo na ngayun na sinabi mo na na miss mo din pala ako. Kasi ako, miss na miss na miss na din kita. I love you Migz. :)

    ReplyDelete
  23. sana po wala na masyadong about kay roan at neph hahhaha

    more kay igi at josh para mas masaya :)

    ReplyDelete
  24. yes! buti at okey na c igi at josh kaya lng mukhang magkakarun nanaman ng gulo courtesy of roan. . . haizt sobrang pag ibig nga aman minsan nagiging lason sa pag iisip ng isang tao . tnx migz.

    ReplyDelete
  25. Loko ka Migs na tanso mo ko dun a akala ko sinabi na talaga ni Josh na I LOVE You kay Igi. Iniicip ko na nga ba parang may mali e kasi bakit si Josh ang naunang magsabi kay Igi e from the previous chapters u mentioned that Igi is the one who is in Lababo with Josh hehehe. But anyways the chapter is great new revelations are made lalo na ung kay Roan akala ko mabait sya, isa pala syang Madam Claudia. Hehehe.

    Oo nga pala Migs your welcome hehehe.

    Take Care keep on writing and smiling....

    Next Chapter please! Now na!!!

    ReplyDelete
  26. geh :) lagi na ko magcocomment =D naka mobile net lang kasi ko dati lagi, now ko lang naisipang buksan yung blog mo sa PC ko :))

    errr..super affecting yung twists ng stories mo.kung kelan naman nagkakamabutihan na saka eeksena si roan.huhuh

    looking forward sa next chapter! pleeeeeeeeeease!

    -gavi =D

    ReplyDelete
  27. Thank you Migs.

    OK na lahat. Mali lang ako. I fell inlove with the wrong guy. Katabi ko lang pala all along yung tama. Lumingon pa ako sa iba.

    Anyway. Wow may side story na. Hmmmm. Naawa ako para kay Roan. Sa mga ganyan type lumalabas mga kontrabida eh. Yung dalawa sana more kilig moments pa.

    ReplyDelete
  28. Hantarat ng mga chapters na sumunod! Panalo! Haha... Ang galing galing... :-)

    ReplyDelete
  29. sorry migs, ngayon lang ako nakapagbasa. busy kasi =)

    anyway, mukhang nagkakamukha na ang ibang characters. mukhang may gulo ata sa susunod na chap. defining point naba yung susunod o hindi pa? malalaman ko. hahahaha

    igi-josh relationship, hmmmm? ayoko magcomment pa. one sided pa eh, bwahahahaha!!!

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete