The Things That Dreams Are Made Of 7

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi mapigilan nila Josh at Igi na matuwa sa inaasta ng nagpapasinaya ng kanilang team building. Isa itong pari mula sa kalapit na seminaryo ng St. Anthony, may edad na at tila ba walang pangit, nakakalungkot at nakakapang init ng ulo para sa matandang ito, kahit ata i-harap mo ito sa pinakapangit na hayop ay pipisilin parin ng matandang ito ang hayop na iyon at sasabihan ng “cute” ang sabihing masayahin ang pari na iyon ay isang understatement, dahil halos sumayaw na ito sa galak. Kahit tuloy hindi parin humuhupa ang galit sa dibdib nila Igi at Josh mula sa huling pagtatalo ng mga ito ay hindi parin mapigilan ng mga ito ang mapangiti at minsang mapatawa sa sinasabi at kinikilos ng pari.

It was actually my idea to pair you all up. Mas madaling magkakilanlan ang dalawang tao at pagkatapos noon ay ipapakilala ang kanilang mga kapareha sa buong grupo. Alam ko pang kinder itong activity na ito pero---” ang sinabing ito ng pari ay nakapagpahagalpak sa mga bagong halal na officers. “---pero para sa akin ay effective ito, para maging successful ang inyong pagtratrabaho kasama ang isa't isa sa oras na bumukas na ang bagong school year, ang kaibahan lang sa activity na ito sa usual na ipinapagawa sa inyo ng inyong mga teacher, ang activity na ito ay tatagal ng isang linggo at sa huling araw ay saka ipapahayag ng bawat isa ang kanilang nalaman sa kanilang mga kapareha.” pagtatapos ni Fr. Rico. Napuno nang bulungbulungan ang buong kwarto habang sila Josh at Igi naman ay pinagpawisan ng butil-butil.


Our first activity would be different for each of you. On your way out, bibigyan ko kayo ng isang papel kung saan may nakasulat na ilang bagay. Ang bawat papel ay may iba't ibang tanong na siyang sasagutan niyo naaayon sa pagkakakilala niyo sa inyong kapareha---” patuloy na pagpapaliwanag ni Fr. Rico na ikina excite ng iba at ikinatahimik naman lalo nila Josh at Igi, nagisisi kung bakit sila pang dalawa ang nagkapareha dahil alam nilang mauuwi lamang sa awayan iyon.


000ooo000


Sila Josh at Igi ang siyang huling lumabas sa silid aralan. Walang puknat parin ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Fr. Rico habang ipinapamahagi ang mga papel para sa unang activity ng bawat magkakapareha na lumalabas ng silid na iyon. Nang mai-abot na ni Fr. Rico ang papel na nakalaan para kay Igi ay saglit niya itong tinignan at binasa saka mabilis itong lumabas ng pinto na ikinagulat at ikinataka naman ni Josh. Tinignan ni Josh ang nakangiting pari at si Mrs Roxas na tila naman nagulat din sa inasal ni Igi.


Huwag mo siyang hayaang makalayo, Josh.” makahulugang sabi ni Fr. Rico na gumulat at ikinataka ni Josh.


Po?” paglilinaw ni Josh.


Magpartner kayo diba? Hindi maaaring magkalayo ang magpartner buong linggo.” pagapaalala ni Fr. Rico na ikinatango na lamang ni Josh at inabot ang inaabot na papel ng pari. Kahit pa nalinawan na siya sa sinabi ng pari ay hindi parin maialis ni Josh sa isip ang makahulugang unang pahayag nito.

Naabutan ni Josh si Igi na nakaupo at kagat dilang nagsusulat habang nakasandal sa malapad na katawan ng puno. Nilapitan niya ito, saglit itong nagtaas ng tingin atsaka muling bumalik sa pagsusulat na miya mo hindi lumapit si Josh sa kaniya. Ikinibit balikat na lamang ito ni Josh, iniisip na tinotoyo lamang si Igi. Umupo siya at sumandal din sa isang bahagi pa ng malapad na katawan ng puno. May ilang dangkal lamang ang layo sa kinauupuan ni Igi atsaka itinuon ang pansin sa papel na kaniyang hawak.


Hindi alam ni Josh kung ano ang nakalagay sa papel na masuyong sinusulatan ngayon ni Igi sa kaniyang tabi dahil ayon kay Fr. Rico ay iba't-iba ang nakasulat sa bawat papel na ibibgay sa kanila. Sinusubukan niya itong silipin ngunit halos nakadikit na ang ilong ni Igi sa papel at isama pa ang mala kinalahig ng manok na penmanship nito kaya't wala siyang maintindihan.


Tinignan muli ni Josh ang mga tanong na nakasulat sa kaniyang papel upang sagutan sana ang ilan sa mga katanungan doon pero ang pinakasimpleng tanong tulad ng “What is your partner's favorite color?” ay hindi niya masagot dahil alam niyang marami ng nagbago sa kaniyang dating kaibigan.


Joshie, akin na lang yang panyo mo! Ganda kasi ng kulay eh.” bulalas ni Igi sabay turo sa kulay berdeng panyo ni Josh. Agad namang namula ang pisngi ni Josh.


Eh amoy pawis na'to eh. Saka may nakaburdang pangalan 'to.” nakayukong sabi ni Josh.


Ah basta!” sigaw ni Igi sabay agaw ng panyo ni Josh.


Pero matapos ang pagbabalik tanaw na ito ni Josh ay agad niya ring naisip na marami ng nagbago kay Igi at malamang ang isa sa mga ito ay ang paboritong kulay nito. Napabuntong hininga si Josh na hindi napansin ni Igi dahil sumabay sa buntong hininga na iyon ni Josh ay ang malakas na kalembang ng bell bilang hudyat na tapos na ang unang parte ng activity at kailangan na nilang pumunta sa dining hall para mag hapunan.


Finally.” bulong ni Josh na hindi naman nakaligtas kay Igi na minasama ito.


Ano namang ibig sabihin niyan, Josh?!” singhal ni Igi na ikinatigil ni Josh sa paglalakad papunta sa dining hall at dahan dahang humarap kay Igi dahil ayaw niyang palampasin ang lason sa sinabing iyon ng huli. Matapos mag-away ng dalawa ay tila ba gumaan ang kanilang loob at muling bumalik sa hindi pagpapansinan na miya mo hindi nangyari ang awayan at sigawan, ngunit ngayon ay tila mauulit ang nakakapanghina at nakaksawang awayan na iyon.


It means I'm hungry.” pigil galit na sagot ni Josh.


Ha! C'mon, Josh. I'm not stupid--- I know you don't want to be near me---”


Tigilan mo nga ako, Igi. Hindi lahat ng bagay ay tungkol sayo at sa mundo mo, OK?! Gutom ako. Narining ko yung bell for dinner. Natuwa ako kasi kakain na. Tapos. Hindi tungkol sayo. Hindi tungkol sakin. Hindi tungkol satin. So just drop it.” naiinis na sagot ni Josh.


Sasagot na sana si Igi nang biglang umihip ang malakas na hangin at nilipad ang kaniyang hawak hawak na papel. Sinubukan niya itong habulin ngunit naunahan siya ni Josh. Halos maubos lahat ng kaniyang dugo sa mukha nang makitang babasahin ito ni Josh.


Hindi alam ni Igi kung ano ang maaaring tumatakbo sa isip ni Josh habang binabasa nito ang kaniyang mga isinagot sa mga nakasulat na tanong sa papel kaya naman laking pasasalamat at dismaya niya ng walang sabing inabot ito ni Josh pabalik sa kaniya. Masaya dahil tila tama lahat ng kaniyang pinagsususulat doon at pagkadismaya dahil pawang walang reaksyon si Josh sa kaniyang mga isinulat.


I never liked Lord of the Rings.” pabulong na sabi ni Josh habang inaabot ang papel kay Igi.


What?” naguguluhang tanong ni Igi.


I said, I never liked Lord of the Rings. Sinagot mo sa tanong na kung ano ang favorite book ko ang Lord of the Rings. Mali ka.” sagot ni Josh sabay harap muli sa direksyon ng dining hall, palayo kay Igi, hindi alintana ang nakalimutang papel sa paanan ng puno na dapat sana ay kaniyang sinasagutan. Pinulot ito ni Igi iniisip na kung hindi niya ito gagawin ay maaaring liparin ito.


Mabilis na hinabol ni Igi si Josh ngunit agad ding natigilan nang mapansin na wala ni isang tanong na sinagutan si Josh.


Bakit walang sagot 'tong paper mo?” pabulong na tanong ni Igi na ikinatigil sa paglalakd ni Josh. Tila isang sigaw sa tenga ni Josh ang tanong na iyon ni Igi. Hindi kasi karaniwang blangko ang tono sa boses na iyon ni Igi. Rinig na rinig niya ang sakit at lungkot sa simpleng tanong na iyon ni Igi na miya mo ang hindi niya pagsagot sa mga tanong na iyon ay unti-unti niyang binabalatan ng buhay si Igi. Muli niya itong hinarap at kinuwa sa kamay nito ang kaniyang papel.


Hindi na kita kilala, Igi. Hindi ko nga alam kung tama ang pagkakakilala ko sayo noon eh.” makahulugang sagot ni Josh na tila sumuntok kay Igi kahit pa hindi nito alam kung ano ang ibig sabihin ni Josh. Muling tinalikuran ni Josh si Igi at nagpatuloy sa paglalakad.


Why do you hate me so much, Josh? What did I ever do to you to hate me this much?” malungkot na tanong ni Igi kay Josh. Sa ika tatlong pagkakataon ay muling humarap si Josh kay Igi, puno ng galit at sakit ang emosyon upang sa wakas ay maipaalala na niya kay Igi ang dahilan ng panlalamig dito pero nang makita niya ang hinagpis sa mukha ni Igi ay agad nalusaw lahat ng kaniyang nararamdamang galit dito. Kitang kita ni Josh kung paano nangilid ang luha ni Igi at ang tila ba merong kumukurot sa balat nito dahil sa sakit na nakarehistro sa mukha nito.


Lalapitan na sana niya ito upang humingi ng tawad at aalukin na sa unang pagkakataon ay magusap muli sila ng maayos, walang sigawan at walang lamangan. Ngunit bago pa man mai bukha ni Josh ang kaniyang bibig ay muling tumunog ang bell na siyang tumatawag sa kanila mula sa hapag kainan.


Ang pagtunog ng bell na iyon ay siyang gumising kay Igi sa tila ba panaginip. Panaginip na puno ng sakit, lungkot at napakadaming realisasyon. Inabot niya ang halos blangkong papel ni Josh at mabilis na tinungo ang hapag kainan. Naiinis sa sariling mga luha dahil sa walang kontrol na pagpatak ng mga ito.


000ooo000


Dumating si Josh sa hapagkainan, andun na lahat ng kaniyang kapwa officers mapwera na lang kay Igi. Nilibot ng kaniyang mga mata ang buong kwarto pero hindi niya talaga ito mahagilap. Muli na sana siyang lalabas upang hanapin si Igi nang tawagin siya ni Mrs. Roxas.


Josh, you can sit beside Neph. Nagpaalam sakin si Igi kanina na masama ang kaniyang pakiramdam kaya't pinayagan ko na itong magpahinga muna sa kwarto niyo.” nakangiting saad ni Mrs. Roxas na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ikinalungkot ni Josh. Inihanda na niya ang sarili sa napipinto nanaman nilang awayan ni Igi kaya naman nang hindi niya ito naabutan sa hapagkainan at tila nadismaya siya.


Lumapit si Josh sa kaniyang kaibigan na si Neph na kasalukuyang nakikipaglandian kay Roan na walang sawang sinusuklay ang magandang buhok habang kausap si Neph, ibinagsak ang sarili sa bakanteng upuan sa kanan ng kaibigan at walang ganang nilantakan ang pagkain na nakaahin sa harapan na sa pagitan ng bawat pagsubo ay may buntong hingang kasunod. Hindi ito nakaligtas kay Neph na agad na itinigil ang pakikipaglandian kay Roan at nagaalalang humarap kay Josh. Katatapos lamang sumubo ni Josh at nagbuntong hininga ng malalim nang hindi na matiis pa ni Neph ang kaibigan.


OK. What did you do now?” naniningkit matang tanong ni Neph kay Josh.


N-nothing.” sagot ni Josh na hindi naman kinagat ni Neph.


Do you want me to squeeze it out of you or are you just going to tell me?”


It's Igi---” sagot ni Josh na ikinairap ni Neph.


Bakit ba nagtanong pa ako? Malamang si Igi ang problema mo.” sarkastikong sabi ni Neph sabay itinuloy ang pagkain.


Gusto mo bang sabihin ko o magpapaka smart ass ka na lang dyan?” balik ni Josh na nakapagpataas ng kamay ni Neph bilang sabi na suko na siya at hindi na lalaban.


Ano nanaman ba kasing nangyari?” tanong na lang ni Neph, tuluyan nang ibinaling kay Josh ang kaniyang pansin na ikinainis naman ni Roan na mukhang wala namang epekto kay Neph.


Nakita ko yung picture namin nung 5 years old pa kami sa wallet niya---” simula ni Josh na naging sanhi ng pagkasamid ni Neph. “---I swear it was an accident. I'm not going through his things intentionally if that's what you're thinking.” biglang depensa ni Josh sa sarili nang manlaki ang mga mata ni Neph, sa pagkakakilala kasi nila ni Neph kay Igi ay ayaw na ayaw nitong pinapakielamanan ang kaniyang mga gamit kaya namag ganun na lang ang pagbawi ay depensa ni Josh sa sarili.


Matagal ko ng nakita iyon.” Saad naman ni Neph nang makabawi ito sa pagkakasamid na ikinagulat ni Josh.


Ha? Bakit di mo sinabi sakin---?” simulang tanong ni Josh na ikinairap ni Neph.


Josh, ni ayaw mo nga siyang nakikita, mapagusapan pa kaya?” sarkastikong balik ni Neph na nag dulot kay Josh na magisip ng malalim.


Tapos nung gumagawa kami nung una nating activity tinanong niya ako kung bakit wala akong sinagutan dun sa binigay na questions ni Fr. Rico, sabi ko, eh hindi ko naman siya kilala saka hindi ko naman alam kung tama ba ang pagkakakilala ko sa kaniya dati, tapos ayun nagalit na siya which is hindi naman big deal dahil lagi naman kaming nagaaway pero bakit---” tila paiyak na na saad ni Josh na ikinatango na lang ni Neph na tila ba naiintindihan na nito ang lahat ng nangyari.


Ano ba kasing nangyari noon? Bigla na lang kayong hindi nag-usap. Akala ko nga noon pareho niyo lang akong ayaw makita kaya hindi na tayo nagkakasama-sama eh.” pahayag naman ni Neph sabay subo ng kinakaing ulam.


Siya ang nagsabi sa mga kabarkada niya noon sa elementary na isa lang akong bata na kakilala niya na nakatira sa condo tapos tinanong nung isa niyang kaibigan kung ako ba daw yung “naga-idolize” kay Igi tapos nagtawanan sila. Hindi ko naman alam na hindi na pala maganda yung dating ng pakikipagkaibigan ko nun sa kaniya, kung nawiwirduhan na pala siya sakin edi sana pala sinabi niya, hindi yung sinabi niya pa sa mga kaibigan niya para maging tampulan ako ng biro.” malungkot na kwento ni Josh. Unang pagkakataon niya pa lang na ikuwento ang nangyari noon sa pagitan nila ni Igi sa ibang tao dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang sarili na muling maramdaman yung sakit ng rejection kahit pa ilang taon na ang lumipas.


Sigurado ka ba diyan? Sa bibig ba mismo ni Igi galing yan? Kasing kung hindi eh hindi talaga ako maniniwala na sinabi niya yan, unless na narinig mong sa bibig niya mismo galing, kasi, Josh, sa pagkakatanda ko isang buong buwan na naging malungkot si Igi dahil biglaan mo nga siyang hindi pinansin, wala siyang ibang bukhang bibig kundi ikaw saka yung mga paborito mong ganito, na kesyo ganito ka kapag kayong dalawa ang magkasama, na kesyo dapat basahin niya rin yung libro na paborito mo--- Tapos, halos umiyak yan nung unang beses na kinumpetensya mo siya, tapos nung tinanong ko siya kung bakit ka naman niya pinapatulan sabi niya lang... “Sa ganung paraan na lang kami nagkakausap, Neph.”---” sabi ni Neph na ginaya pa ang malalim na boses ni Igi. “---Kahit pa ang totoo nalulungkot siya at nasasaktan kasi ikaw yung number one fan niya noon tapos bigla kang naging number one hater niya---” saad ni Neph na agad namang pinutol ni Josh.


Hindi ko maintindihan.” kunot noong saad ni Josh matapos maintindihan ang gustong sabihin ni Neph, ikinataka ni Neph ang biglaang pagputol na iyon ni Josh sa kaniya.


Anong hindi mo maintindihan?”


Asa likod ako mismo ni Igi nung sinabi niya 'yon, Neph. Sinabi niya yung sa mga kabarkada niya noon tapos tumawa pa nga sila ng malakas---” naluluhang sabi ni Josh.


Alam mo, Josh, siguro mas maganda na pagusapan niyo na yan ni Igi. Masyado niyo ng pinatagal yan.” sabi ni Neph na muling nagpalalim ng pagiisi ni Josh.


Saglit na tinignan ni Neph si Josh na may pagaalala saka pumaling kay Roan na agad naman niyang sinuyo katulad ng panunuyo ng isang lalaki sa nagugustuhan nitong babae nang makita niyang nakanguso ito at nagtatampo sa ginawa niyang pagi-i-snob dito.


000ooo000


Hindi alam ni Josh kung ano ang kaniyang dadatnan sa oras na pumasok siya sa kwarto nila ni Igi. Ilang minuto pa siyang tumayo sa labas ng kanilang pinto at pinagisipang maigi ang pagbubukas ng kanilang paguusap na dalawa. Nang hindi na matiis ni Josh ang kaba sa napipinto nilang paguusap ni Igi ay wala na siyang nagawa kundi ang magbuntong hininga at ipihit ng dahan dahan ang door knob.


Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya sa lamig at dilim ng buong kwarto. Halos madapa-dapa si Josh makapunta lang sa tabi ng kaniyang kama upang buksan ang ilaw doon. Nang kainin na ng liwanag ang buong kwarto ay agad na nadismaya si Josh nang makita niyang nakatalukbong si Igi mula ulo hanggang paa.


Igi.” pabulong na tawag ni Josh kay Igi.


Igi.” medyo malakas na sabi ni Josh sabay yugyog dito pero hindi parin ito gumising.


Igi, we need to talk.” sabi muli ni Josh pero wala paring sinabi si Igi. Inisip na lang ni Josh na baka masama nga ang pakiramdam ng huli at nais na lang talagang magpahinga. Bagsak balikat na bumalik si Josh sa labas ng kwarto, umupo sa may dalampasigan at pinakinggan ang nakaka-relax na tunog ng dagat na umuumpog sa mga buhangin at bato sa dalampasigan habang nagiisip ng malalim.


000ooo000


Nagising si Josh nang may maramdaman siyang may dumidila sa kaniyang mukha. Nung una ay nakikiliti siya pero nang maramdaman niyang lumalagkit na ang kaniyang mukha dahil sa laway ay agad siyang napaupo at nandiri. Pagkabukas ng kaniyang mga mata ay nakita niya na doon pala siya nakatulog sa may dalampasigan at ang dumidila sa kaniyang mukha ay ang askal ng mga semenrista doon.


Inabot niya ang aso na masuyong nakaupo sa kaniyang tabi at kinamot ang sa may bandang tainga nito na ikinatuwa naman ng aso. Saglit munang pinagmasdan ni Josh ang kalmadong dagat, ang ganda nito at ang naka-relax na tunog pero agad ding nanlaki muli ang kaniyang mga mata at napatayo na siyang ikinagulat ng aso at naging dahilan ng patakbo nito palayo nang maalala ni Igi na kakausapin niya nga pala si Igi.


Patakbong tinungo ni Josh ang kanilang kwarto.


000ooo000


Shit!” singhal ni Josh sa sarili nang muli siyang kabahan nung aktong ipipihit na niya ang pinto ng kanilang kwarto.


Anong sasabihin ko?” tanong ulit ni Josh sa sarili saka pabalik balik na naglakad.


Paano kung sigawan na niya ako? Dapat siguro pakalmahin ko muna ang sarili.” sabi ulit ni Josh sa sarili habang patuloy sa pagbabalik-balik. Nang mapakalma na niya ang sarili ay dahan dahan na niyang pinihit ang door knob.


Nadismaya si Josh nang makita niyang wala si Igi sa loob ng kwarto. Muli siyang nagbuntong hininga, iniisip na marahil ay nasa banyo si Igi. Pero nagsimula ng mangamba at mag-panic si Josh nang makita niyang wala si Igi sa banyo na kalakip ng kanilang kwarto at nang mapansing wala ng mga gamit si Igi doon.


Marahas na binuksan ni Josh ang pinto ng cabinet at sinilip ito, lalong bumagsak ang loob ni Josh nang wala siyang makitang gamit ni Igi doon. Mabilis nyang tinawid ang buong kwarto at mabilis na tumakbo palabas. Hinahanap ang kaibigan na kaniyang nais makausap.


Halos suyurin na ni Josh ang buong beach house at hindi niya parin nakita si Igi. Malapit ng sumuko si Josh nang makita niya ang isang pamilyar na back pack sa may gate. Alam niyang kay Igi iyon at halos mapatalon at mapaiyak sa saya ng makita niyang andun pa si Igi at maaaring hindi pa huli ang lahat.


Hindi maintindihan ni Josh kung bakit ayaw niyang paalisin si Igi, siguro dahil ito ang kaniyang kapareha buong team building o dahil may hindi pa sila tapos na paguusapan ni Igi.


Igi!” sigaw ni Josh nang makita niya si Igi na tila ba umiiyak sa tabi ni Fr. Rico na may nakaplaster paring masuyong ngiti sa mukha, hindi siya narinig ni Igi kaya't inulit niya ang pag tawag dito.


IGI!” sigaw ulit ni Josh.


Tila parang dinurog ang puso ni Josh nang makita niya ang pulang pula na mga mata ni Igi na miya mo galing sa iyak at ang mukha nito na miya mo binalot sa matinding pananakit.


Itutuloy...







The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 7”
by: Migs

Comments

  1. Hey guys. 4 days? Keri na ba ang ganyang kabilis? Haha! Sa mga naboboryo, sensya na medyo slow ang pacing. Hahaha! Parang utak ko lang. Slow. Haha! Sa mga nagtatanong. Babae po si Roan. Haha! Straight si Neph. Haha!

    Jemyro: preboard for what? Yung totoo? Pulis ka ba? Alam ko kasi criminology ang magbo-boards ngayon eh.

    Rei: partida, wala pa niyan sila Cha. Haha!

    KV: malapit ng dumating si Cha. Parang walang hanggan lang. Haha! Malapit ng dumating ang black lady. :-)

    Kean Tongol: keri na ba ang four days? Haha! Ayan ah. Four days na lang, soon two na lang yan. Kahit hilong hilo na ako, go parin sa pag post!

    Makki: is everything clear now? Haha! Hindi pa ba? Papaputok pa sila Igi eh. Haha!

    Berto: bayolente much? S&M? Di naman sila nagsasakitan ng pisikal ah? Saka ang mga S&M ginagawa lang yun dahil may sexual gratification sila pag ginawa yun. Haha! Nag explain talaga?

    Almondz: more nakakagulat scene sa huli. Haha!

    Jm_virigin: sensya na kung nakakaboryo. Hindi kasi pwedeng lagi na lang akong nagpapakilig, nagpapaiyak o kaya naman ay pare-pareho na lang ang takbo ng storya, bakit kamo? Edi sana hindi na lang ako nagsulat ng iba pang kwento lagi na lang sana love at it's best book 1 kung pare-pareho lang din naman. Diba? Haha! Give the sotry a chance, medyo slow ang pacing pero malay mo sa huli may kilig moments o iyakan moments, pero kung ayaw mo na talaga may ibang stories pa naman po dyan.

    Josh: wag kang magreklamo kung ipost ko na ang CP 5 ah. Ginusto mo eh. Panindigan mo. Haha!

    AR: abangers na lang talaga. Haha! Malapit mo ng malaman. Matatapos na ito eh. Haha!

    Jasper Paulito: sinadya ko yun. Haha! Abangan na lang ang patungkol kay Neph. Malapit na. Akala niyo supporting lang sila nila Roan at Des? Haha!

    ANDY; sorry hindi ako pang kontrabdia. Haha! Ako si Marimar ikaw si yung antagonist. Haha! Nakalimutan ko yung pangalan.

    Erwin F: hindi kasi ako qualified kasi wala naman akong karanasan sa pagsusulat tulad nung iba. Alangan naman na sabihin ko na... “akin po yung blog na miguels short bisexual stories” haha! Girl si Roan the. Straight ang papa neph.

    Mr. Suplado: next na post ko isang buwan ang itatagal kasi pinuna mo ang mabilis kong pagpost! Haha! Joke! Wala na ring next story kasi di na nga ako gagawa ng interlaced stories diba?

    ReplyDelete
  2. Mr. brickwall: saglit na awayan na lang yan. Haha!

    Riley: pano manghila ng singit? Haha! Pano mo nalalaman kung kailan ako magpopost?! Stalker ka no? Choz! Haha! Di na nagreply ulit ang kuya mo. :-( haha!

    Michael John: I think they will be more than OK. Sa pagbabalik na lang siguro nila sa school saka gugulo ulit. SPOILER ALERT! SPOILER ALERT!

    Russ: eto na lang siguro ang sasabihin ko sayo. Closed minded people pushed people like us to not be proud of ourselves. Kaya kapag ginanyan ka ulit ng BF mo wag kang magalit sa kaniya. Magalit ka sa mga echoserang straight people na yan, sila ang nagtulak satin para ikahiya ang bagay na dapat ay ipinapangalandakan natin. Tama? Tama! Hahaha!

    Iyanchan: hindi writer as in walang na publish na gawa. Haha! Anong maikli ang post? Mahaba yun no! Nine pages yan! 300+ words! Haha!

    Roan: ayan ah, ginawa kitang gurl at binigyan kita ng kalandian. Haha! Hindi, hindi lang kasi supporting role ang role dito ni Neph. Soon malalaman mo kung bakit. Haha!

    Ryvis Tan: thanks. Kainspired inspired ba talaga? Haha! Malalaman niyo na soon kung anong papel ni Roan, Des at Neph sa kwento na'to.

    Boboy Tuliao: I made time for my happiness before but instead of being happy I ended up being miserable. Not once but four times. So instead of using all my time and effort on something that causes me to be miserable I decided to use those effort and time for something more productive. Work. So please, sana maintindihan mo. :-( I'm not being a snob. I have no right to behave like that. Im no celebrity and I'm absolutely not above all you guys.

    Akosichristian: haha! Ladies first ba? Sige next time Igi and Josh na ang peg. (whatever the word “peg” means. Lol!)

    JemS: hindi ako ka idol idol. Haha! Di naman ako masyadong busy. Hahaha! Ansaveee ng hindi ko pagiging busy?! Haha!

    ZzzzzZZZzzzz

    ReplyDelete
  3. Kuya Migs, kamusta naman ang character ni fr. Rico..ahaha...masaya lang sya..GV kung GV lang! dun sa 2 naman...hmmm aabangan ko kung kelan war of the worlds ang ulit drama nila..LOL

    ReplyDelete
  4. obvious naman na masokista/sadista yung dalawa...wahahaha...pilit sinasaktan yung sarili...ayaw lumigaya...wahahaha....tsaka yan yung tumutogtog nung ngcocomment ako...wahahaha...bitin ang chapter na to migz!...ang sarap mong mambitin!...cliff hanger talaga!....wahahaha...si igi i love you goodbye ang drama!...excited na ako sa chapter 8 migs!..wahahaha...

    -Berto-

    ReplyDelete
  5. Wahh. . .ndi ako nkapagc0mment sa last post mu kua migz paxencia na po. . .hehe. . .ang bilis ng update naun ah. . .,

    . .kinikilig ako sa takbo ng story. .haha. .nag marathon pa ako. . :D

    ReplyDelete
  6. Bitin Migz! :/ Nandun na ko sa level ng kikiligin tapos biglang "Itutuloy" Err. Saka anu ba ang ikli kaya nung last update parang ngaun lang. Hahaha. JK. I love you Migs! :)))

    ReplyDelete
  7. Migs!hahaha!teka di ko rin alam kung panu manghila ng singit?yan lang kasi narinig ko kay mudra..haha!!

    Stalker na pala ako ngaun di ko alam..haha!!actually namali ako ngaun ng bilang..i thought July 15 ka pa magpopost pero ok lang..as in super ok kasi mas maaga post mas masaya!hehesi kuya ngarag lagi kaya di nakakapag komento dito sa blog mo..graveyard shift kasi..

    Nice chapter Migs..umeeksena si Father! :D
    Take care Migs:)

    Riley

    ReplyDelete
  8. kala ko mamaya ka pa magpopost. hahaha. pagkagising na pagkagising eh harap agad sa laptop at check ang site mo.

    anyways, galing. nakakasad yung palitan nila ng salita tungkol sa question ni father sa papel. pero ayan, magkakaayos na sila. happy much!!! pero pano yan, gusto ni Igi si Josh pero may gf si Joshie.

    nakakagigil!!! yung tipong gusto mo pagkatapos ng isang episode eh anjan na yung kasunod??? hahahaha.

    ReplyDelete
  9. migs, ngayon lang ako magko comment. tingin ko magkakasabwat sina neph, roan at des para magkatuluyan si josh at igi.

    sana sa monday may update na ulit... sobrang bitin e. gusto ko nang malaman kung anong mangyayari pagkatapos tawagin ni josh si igi habang kausap si fr rico. mihs, sana naman hindi sila magbangayan pero tingin ko iniisip ni igi na linalayuan sya ni josh kaya hindi natulog ang huli sa kwarto nila... ang hindi nya alam hindi sinasadya ni josh na makatulog sa tabi ng dalampasigan. tama ba, migs?

    parang mahirap nga naman sa part ni josh ma figure out kung bakit nagawa ni igi na itanggi sya sa barkada nito! anyway, gusto ko tong story mo. naisip ko lang beki din ang mga naging anak ni ed at ram! hahahahaha

    ReplyDelete
  10. ayan na ayan na, malapit na sila magka-aminan. Ang susungit kasi nilang dalawa.

    So babae pala si roan. Haha! Akala ko talaga lalaki. Haha! Napaisip mo kaming lahat dun kuya migs.

    Masyado akong mabait para maging antagonist kuya migs. Haha!

    ReplyDelete
  11. waaaaah! malapit na MIGZ! excited na ako sa PUTUKAN! bwahahaha trololol!
    gusto ko yung tipong,,, I just wanna be "COOL WITH YOU" again... ayiiiieee!! Nice!Nice! wala kang kupas Migz! :P

    ReplyDelete
  12. omg. i miss cha! riot palag pag kasama sa story un.

    hehehe. good job again!

    rei

    ReplyDelete
  13. Hindi ah! Pagsusundalo nga halis bugbugin ako ng kapatid ko pumayag lang pagpupulis pa kaya? Haha... Di ko napigilang magreact! CPA board po... Kasi my 1st and final preboard kami bago actual... Haha... Dami kong tawa pagpupulis? Manlalake lang ako dun pagpumasok ako dunn. Hahah...

    Natutuwa ako pabalik ka na sa dati mong pagpopost 3 to 4 days... Hehe...

    ReplyDelete
  14. Oo nga di ko naisip.

    Shunga ko! Hehehehe!

    Ay babae pala. Kala ko boylet kasi,
    anyway tuloy lang basa ko kahit maga mata ko at masakit ulo ko.
    Ito na lang kasi kasiyahan ko sa complicated na pangyayari ngayon sa buhay ko.

    ReplyDelete
  15. Ayan, usap na dali ng magka-ayos na sila! Kawawa naman si Igi, kung mag GV si Fr. Rico, wagas!

    ReplyDelete
  16. Alam ko talaga babae si roan... ang kailangan na lang umamin ay si igi. Abangan natin yan sa mga susunod pang kabanata.

    ReplyDelete
  17. Sana magkabati na si Igi and Joshie....good job to Migs for this story....next one pls...soon?

    ReplyDelete
  18. hala! babae pla c roan~! he he he. mukhang magkaka auz na ang mag best frend w the help of fr. Rico. sana nga. kailan darating c Cha? at kailan ule ang next chapter migs?

    ReplyDelete
  19. Closed minded people pushed people like us to not be proud of ourselves..boom nosebleed na naman ako migs hehe..another boom! tama ka migs sa payo mo kasi ang bf ko ganun eh takot na takot siya na makita sa iba.

    alam mo naman ako tulad mo ay sweet din ahehehehe..

    tnx migs sa chapter na ito..whew 4 days na ba? kala ko kasi 1 day ka lang di nagpost..hintay ako pa rin kahit 1 week pa yan kasi coz your IDOL..BEKING IDOL...hehehhehe..kudos!

    ReplyDelete
  20. Grabe nmn, natuwa na nga alo na mabilis na ang updates mo tpos gagawin mo isang buwan ang pagitan. Makasarili ka migs! MAKASARILI KA!!! Jokes..
    No interlaced story then, pero sana wag ka tumigil sa pagsusulat dito ha at wag mo ggawin private tong site mo. konti nlng kc ang mga site na free for all eh. I dont know if writers like you know na madami ngbabasa ng mga sulat nyo annonymously... At nakakapagbigay din kayo ng tuwa saming mga readers.

    *DRAMA.lol

    Goodluck sayo, sa work, pamilya at sa pagsusulat mo. ;)

    ReplyDelete
  21. can't wait for the next chapter migs. sorry medyo late ko na nacheck kung may update na hehehe. Medyo naging busy sa work at some other personal matters. Medyo nalito ko sa start ng story kasi parang nabaliktad ung sitwasyon, si Josh ngayon ang humahabol kay Igi hehehe. What I did is I read again the previous chapter so that I can understand what is happening hehehe (sorry my hang over pa kasi kaya di ko na gets agad.).

    I'm really amazed on how you do your thing migs. Why don't you try to write a book. I'm sure it will sell like hot cakes. Though you are not a writer by profession, you prove to be a writer by heart and soul hehehe.

    take care always and have a great day. Keep on writing dude. Hope to see you in person to give you a big hug and congratulate you for doing this wonderful things. If time allow I'll ask you to visit my place in the North medyo malayo lang but its worth the time, sigurado ko you will be inspired to write more when you see the place.

    ReplyDelete
  22. muka nga. mukang maikling bangayan na lang. bakit kasi ayaw na lang makinig e. puro bugso ng damdamin pinapairal e. hahay.

    ang tigas ng ulo ng mga to ah. dapat magkasakitan pa ng husto e. well, kakakilig nga e. haha. mga habulan moments, away kunwari moments, at mga moments na di na mapigilan ipakita ang care. waaah! excited si ako. :)

    thanks kuya migs.

    ay may naalala kong motto ng anime char na ninja..

    "JUMP FIRST, THINK LATER."

    waah! excited na talaga ko sa next part.

    kaya ikaw joshie! tama na isip-isip pa! sugod na kay igi! ^^

    ReplyDelete
  23. Ohwkei. Sosyal. 4 days nlang. Grabe, salamat sa effort ahh. Hehe.

    ReplyDelete
  24. Salamat sa libreng chapter. :D

    ReplyDelete
  25. Not all guys are the same Miggy boy.. Maybe those were the times that you havent really met someone right for you... Im not saying though that I am the right one for you. My point is, ang buhay natin ay parang gulong.. Sometimes we end up in being on top and sometimes the other way around... Just be positive.. Yeah I know, definitely, that being a writer makes you happy because you make us happy but, still, it is different when you are happy because you made yourself happy... Always remember Miggy boy that the structures of our past do not necessarily made what we are now, nor relfects what we are.. Its just part of life, parte ng buhay natin na sana eh nagturo sa atin kung paano ang gagawin sa susunod in the same situation. Hindi siya naging parte ng buhay natin para tayo ay takutin na suungin muli ng landas na iyon. Na subukan muli ang magmahal. Ang magtiwala. Ang sumaya. Dont be afraid to take risks if that risks will teach you how to deal with it the next time around. DONT BE AFRAID TO LOVE AGAIN>>>...
    Ive been hurt for how many times ,too. But I am still trying because I still believe that not all BISEXUALS are the same. I am still holding in my belief that there are still serious BISEXUALS.

    Hindi kita pinipilit na i-entertain ako..Alam ko marami kang admirers.. Ang gusto ko lang, pasayahin mo naman ang sarili mo.

    ReplyDelete
  26. :D :D :D Kuya, katatapos lang ang prelim week at kung mapapansin mo sa mga post ko both accounts, you know kung ano pa isa kong pinagkakaabalahan. HAHAHHA! :D Anyway, Ok ang pacing ng story. kailangan ko rin kasi ng time iabsorb ang mga nangyari at ibig mo ipahiwatig. HAHAHAHAHA! Alam ko may idea ka and from how you describe us three, alam ko na kinilala mo kami mabuti indirectly pero tama tlaga lalo na sakin. HAHA! Emo tlaga ako minsan at tlagang ayaw ko pinapakialaman gamit ko. Add the fact na ilang beses na akong biglang lumalayo sa mga tao pag di ko na kaya ang sakit na naidudulot nila. guess I have to change my nickname here. HAHA! Anyway, MAG_PM KA NA!!! GUSTO KONG MAGKWENTO SA BUHAY2 SAYO!!!! hahahah! And es, like Kuya Josh at NEPH, ang CP51 ILABAS NAHHH! :D :D :D

    Again, THANK YOU HO SA AKDA NIYO. AND SOBRANG THANK YOU FOR MAKING ME A CHARACTER IN IT. haha! AND BEST PART, THANK YOU A GAZILLION TIMES FOR THE LESSON IT IMPLIES or BLATANTLY(!) TELLS ME. HAHAHAHAHAHAHAH


    -iGi

    ReplyDelete
  27. feeling ko si neph and nagsabi ng dialogue na yun kc nakatalikod si igi... just a guess.... @@

    ReplyDelete
  28. Sana ito na ang simula ng pagbabago at pagbalik ng pagkakaibigan ni josh at igi. Galing mo as always Migz, my labz. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]