The Things That Dreams Are Made Of 5

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Ilang saglit pa ay bumawi na rin sa pagtititigan ang dalawa, tila ba isang de awtomatikong makinilya ay biglang napalitan ang mgagagandang pakiramdam noong nagtititigan pa sila ngayong nagiwas na sila ng tingin sa isa't isa, napalitan ito ng galit at hindi maipaliwanag na inis sa bahagi ni Josh habang hiya naman at hindi pagkapakali kay Igi.


This is all your fault.” singhal ni Josh na ikinapintig ng tenga ni Igi, hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig.

Ako nanaman?! Lagi na lang ako ang sinisisi mo! Ni hindi ko nga alam kung bakit paiyak ka na eh tapos ako parin ang may kasalanan?!” di makapaniwala at galit na galit na balik ni Josh, sa sobrang inis at hindi pagkapaniwala ay tumalikod na kay Josh at nagpasya na lang na lisanin ang lugar na iyon kesa palakihin pa ang away na hindi nanaman niya maisip kung pano nagsimula. Pero hindi na pala kailangan ni Igi na hulaan kung pano nagsimula ang away na iyon dahil ipamumukha sa kaniya ito ni Josh ilang saglit pa.


Kung hindi mo ako inaway kanina hindi sana ako pupunta kila Des---!” inis na simula ni Josh dahil sa bastos na pagtalikod sa kaniya ni Igi habang naguusap pa sila.


Wala sa sariling inabot ni Josh ang malaking braso ni Igi at marahas itong pinaharap muli sa kaniya. Napa hakbang na lang siya patalikod nang makita ang galit sa mga mata ni Igi at nagulat nang may makita ding bakas ng lungkot sa mga mata nito.


Huwag mong isisisi sakin ang kahalayan mo! Hindi ka nakapagpigil. Sarili mo ang dapat mong sisihin at hindi ibang tao!---” galit na simula ni Igi, huminga ng malalim at pinakalma ang sarili. Ipinangako niya sa sarili niya na hindi na muli pang mauuwi ang kanilang mga pagtatalo katulad ng pagtatalo nila noon sa student central board kaya naman kahit mahirap ay pinakalma parin ni Igi ang sarili.


Kailan mo kaya matututunang huwag isisi sa iba yang mga problema mo na sayo rin naman mismo nagisismula?” mahinahon at puno ng pagkadismaya at sa pakiwari ni Josh ay puno rin ng sakit na sabi ni Igi bago ito muling tumalikod at lumisan sa lugar na iyon, iniwang nakatanga mag-isa si Josh na pilit isinisiksik sa kaniyang isip ang huling sinabi ni Igi.


000ooo000

Lumipas ang isang linggo at lalong lumala ang pananahimik ni Josh, alam ni Migs at Ed na hindi nagustuhan ng kanilang anak ang pangangaral nila dito at alam nilang lalo nitong hindi nagustuhan ang paglilimita nila sa pakikipagkita nito kay Des.


You have got to be shitting me!” sigaw ni Josh nang sabihin ni Ed na hindi ito puwedeng magpunta sa bahay nila Des nang wala ang mga magulang nito sa bahay o kaya ay kung walang ibang kasama si Des sa bahay.


Language, Josh.” saway ni Migs na lalong ikinainit ng ulo ni Josh.


I said that we're not going to do it again. Don't you trust me?” naiinis na balik ni Josh kay Migs at Ed upang kunsensyahin ang mga ito pero hindi ito kinagat ni Migs.


This is not an issue of trust, Josh. This is about what is best for the both of you.” paliwanag ulit ni Migs.


Di niyo ba naisip na ito ang the best para sa akin. Yung makasama yung babae na mahal ko?!” singhal ni Josh.


Bakit mo siya mahal?” tanong ni Ed na ikinatameme ni Josh at ikinadikit naman ng kilay ni Migs.


What?!” pasinghal ulit na tanong ni Josh, hindi makuwa ang tinutumbok ng ama.


I said why do you love her?” kalmado at seryosong tanong ni Ed.


She's pretty, she's kind, she has everything I want for a girl.” simula ni Josh na agad namang siningitan ni Ed.


Oo nga naman, maganda si Des.” simula ni Ed at magsasalita na sana si Migs at tatanungin ang pinupunto ng nobyo nang magsalita ulit ito. “Remember your tita Lei? Yung nagbigay ng PSP mo? Well, I love her, muntik na kaming ikasal pero alam namin na hindi pareho ang pagmamahal namin sa isa't-isa kaya naman nung humarap kami sa altar hindi namin magawang sumumpa sa harap ni God. Your tita Lei is also pretty, kind and has everything a guy would like for a girl but I only love her, I'm IN love with your Dad kaya kami ang magkasama ngayon matapos ang ilang taon. Ngayon, masasabi mo ba na pareho ang level ng pagmamahal niyo sa isa't isa ni Des o isang lang itong phase para sayo. A phase to satisfy your curiosity?” paliwanag ni Ed sabay tanong sa anak. Hindi nakasagot si Josh, bigla itong napaisip.


Yan ang pinapaintindi namin sayo, Josh. Minamadali niyo ni Des ang lahat sa pagaakala na handa na kayo kahit pa ang totoo ay malayo pa ang tatakbuhin niyong dalawa. Bata pa kayo, hindi naman namin sinasabi ng Dad mo na huwag na kayong magkita kahit kailan ni Des, ang gusto lang namin ay hinay-hinayin niyo ang mga namamagitan sa inyo dahil hindi pa kayo handa kung sakaling may mangyari na hindi natin pare-pareho inaasahan.” pahabol na pagpapaintindi ni Ed sabay tayo at inaya na si Migs papasok sa kanilang kwarto upang hayaan si Josh na makapag-isip.



000ooo000


I think your dad is right.” bulalas ni Des nang magkita ang dalawa upang sabihin ni Josh ang paglilimita ng kaniyang mga ama sa kanilang relasyon.


WHAT?!” pasinghal na tanong ni Josh, hindi makapaniwala sa sinasabi ng nobya, hindi makapaniwala na mas aayunan pa nito ang kaniyang mga ama kesa sa kaniya na ipaglalaban ang lahat para sa kanilang relasyon.


We're still too young, Josh. Marami pang pwedeng mangyari, hindi naman nila tayo pinipigilang mag-kita eh, ayaw lang nila na maiiwan tayong mag-isa para gumawa ng milagro.” balik ni Des kay Josh.


Hindi mo ba ako mahal?” tanong naman ni Josh, hindi parin maintindihan ang sinasabi ng kaniyang nobya at mga ama.


Mahal kita, Josh pero---” simula ni Des pero tila nabingi na si Josh matapos marinig ang salitang “Pero”. Sumagi tuloy sa isip niya ang sinabi ng ama, na maaaring may IN love nang sinasabi pagdating sa pakikipag relasyon, na maaaring hindi ito ang nararamdaman sa kaniya ni Des ngayon kundi ang pagmamahal lamang ng katulad ng kaniyang amang si Ed sa kaniyang tita Lei, kahit pa pawang sigurado siya na IN love siya kay Des.


Ngunit sigurado na nga ba si Josh sa kaniyang nararamdaman para kay Des?



000ooo000


Joshie!” sigaw ni Neph sa bungad ng basketball court. Nagtaas ng tingin si Josh at nakita niya na may hawak-hawak ito na bola. Pumunta doon si Josh dahil sa kawalan ng mapupuntahan, nangako siya kay Des na pagiisipan niyang mabuti ang gustong mangyari ng kaniyang mga ama at ngayon ay pati ni Des at wala siyang ibang maisip na mapuntahan kaya't pumayag na lang siya kung saan siya gustong dalhin ng kaniyang mga paa.


Hi Neph.” balik bati ni Josh kay Neph sabay pakawala ng malungkot na ngiti.


What's wrong dude?” tanong naman ni Neph nang makita ang humahabang nguso ni Josh at ang tila ba may bumabagabag na mukha nito.


Nothing. I'm just thinking about our team building. Being stuck with Igi isn't exactly my thing.” pagpapalusot ni Josh, hindi naman ito kinagat ni Neph pero naisipan niyang huwag na lang kulitin ang kaibigan tungkol dito kaya naman nagpakawala na lang siya ng isang malakas na tawa.


I forgot about that.” nangingiting sabi ni Neph kay Josh na napa-irap na lang.


Wanna play ball?” tanong na lang ni Neph.


Su--” simulang pagpayag sana ni Josh sa alok ni Neph nang biglang may tumawag sa pangalan ng huli.


Neph! You ass! Sabi ko sayo intayin mo ako sa lobby---!” sigaw ni Igi sa bungad ng basketball court ngunit agad din itong natigilan nang makita si Josh. Napansin niya agad nang tamaan ng kaniyang paningin ang mukha nito na may dinaramdam ito. Muntik na siyang mapatakbo ulit sa tabi nito at yakapin ito upang aluhin at pagaangin ang loob nito katulad ng kaniyang ginagawa noong mga bata pa sila at nung huli silang nagkita.


I think I'll pass, Neph, thanks, though.” sabi ni Josh, hindi maikakaila ang sarkasmo sa boses nito na walang duda na ipinaparating kay Igi na lubos na ikinainis ng huli. Hindi parin kasi maintindihan ni Igi kung ano bang problema sa kaniya ni Josh at simula nung tumungtong sila ng high school ay nanlamig at nagiba na ang pakikitungo nito sa kaniya at tila ba ikinukunsidera na siya nito ngayon bilang isang mortal na kaaway.


What? Afraid that I'll just beat your ass?!” singhal ni Igi, nawala na ang kagustuhan na aluhin at pagaangin ang loob ni Josh at ang pangako sa sarili na huwag na muli pa itong patulan at awayin.


Not again.” umiiling na sabi ni Neph na sa ikailang pagkakataon ay naipit nanaman sa gitna ng kaniyang mga kaibigan.


000ooo000


ENOUGH!” sigaw ni Neph sa pagitan ng malalalim na pag-hingal. Imbis kasi na katulad ng kaniyang gustong gawin na mag-alis ng stress sa pamamagitan ng masayang paglalaro ng basketball kasama ang kaniyang dalawang kaibigan ay lalo pa siyang na-stress sapagkat kada kibo ng dalawa ay halos iharang na ni Neph ang sarili sa pagitan ng mga ito para hindi ito magsapakan.


We're supposed to be having fun not killing each other!” sigaw ulit ni Neph nang makuwa na niya ang atensyon ng dalawa niyang kaibigan.


Nung una ay natitiis pa ni Neph ang mga makamandag na tinginan ng dalawa at ang paminsan-minsang pagbubungguan ng mga ito pero nang maglaon ay nagpapatiran at nagsisikuhan na ito at halos magsuntukan na makalamang lang sa bola, ang masaklap pa, sa tuwing pumapagitna si Neph ay siya naman ang nasasaktan sa palitan ng dalawa.


Both of you needs to grow up!” sigaw ulit ni Neph sabay talikod at lakad palayo sa dalawa na naiwang humihingal at nagulat sa paglalabas ng loob ng kanilang kaibigan na madalas ay walang kibo.


This is all your fault!” sigaw ni Josh sabay bato ng bola kay Igi.


HOW WAS THIS MY FAULT?!” sigaw namang balik ni Igi na talaga namang ikinakainis na ang paninisi ni Josh sa kaniya sabay bato ng bola dito.


You're the one who pushed me first!” balik ni Josh.


Losers are meant to be challenged so they'll know how much of a loser they're!” nakangising balik ni Igi kay Josh, hindi niya sana ito sasabihin pero pikon na pikon na talaga siya kay Josh. Natahimik saglit si Josh, nang makita ni Igi ang pagrehistro ng sakit sa mukha ni Josh ay agad niyang hiniling na hindi na sana siya nagsalita pa, nainis sa sarili kung bakit hindi niya tinupad ang pangako na hindi pagpatol sa kaibigan sa tuwing magkakainisan sila.


And I care about what you think of me because---?” sarkastikong balik ni Josh kahit pa ang totoo ay nasaktan siya sa sinabi ni Igi. Wala na ang dating kaibigan na nag-iingat sa pagsasalita sa kaniya. “You've always treated me like shit simula nung tumuntong tayong high school. I learned to deal with it and now no matter what you say, no matter what you call me, stupid, fatso or just some kid who happens to know and idolizes you wouldn't matter anymore because I don't care! I played basketball today with you and Neph not because you challenged me but because your asshole-ness is really irritating and I'm trying to knock off some of it out of your system!” pasigaw na balik ni Josh kay Igi na agad namang natameme.


What the hell?! Kailan kita tinawag na fatso or just some kid?!” sigaw na tanong ni Igi kay Josh pero nakita niya lang itong umiling atsaka tumalikod at naglakad palayo.


Fuck you, Igi.” tahimik pero hindi maikakaila ni Igi ang galit sa sinabing iyon ni Josh bago ito makalayo sa court.


000ooo000


Hey, diba ngayon yung team building niyo?” tanong ni Migs sa naka hilata parin na si Josh.


I'm not going.” matipid na sagot ni Josh, hindi parin siya natutuwa sa mga ama matapos limitahan ng mga ito ang oras ng pagkikita nila ni Des.


Akala ko required lahat ng bagong officers?” tanong ulit ni Migs kay Josh na nagsisimula ng mairita.


I'm going to resign din naman kapag nagsimula na ang classes, so ano pang silbi ng pagpunta ko sa team building?” tanong ni Josh sa ama sabay talikod dito.


Is this still because of what your Dad and I said about you not seeing Des without supervision?” naka kunot noong tanong ni Migs kay Josh na agad na umupo dahil sa tuluyang pagkairita.


Can we stop talking about this? You guys won, OK? We don't see each other anymore. I don't want to go because I just don't want to. Period. Why can't it be that simple? Kailangan ba talaga may malalim na dahilan, hindi ba pwedeng dahil simpleng ayaw ko lang muna?” iritableng sagot ni Josh na ikinapintig din ng tenga ni Migs.


Well unfortunately I'm not going to let you not join the team building. You've wanted to be an officer since you started high school and I'm not going to let you fuck it all up just because you're on a petty funk! Haul your ass out of bed or you're grounded till you're thirty!” sigaw ni Migs, ayaw niyang sinisigawan ang anak pero wala siyang magagawa, ayaw niyang masanay ang anak sa pambabale-wala sa mga bagay-bagay na gusto nito dahil lang sa hindi naging maganda ang mga nakaraang linggo para dito, gusto niya na sa hinaharap kapag humarap ulit ang anak sa mga bagay na hindi nito gusto o gustong mangyari ay hindi na nito babalewalain pa ang mga bagay na gusto nitong makamtan katulad ng sinisimulang gawin nito.


000ooo000


Nanlaki ang mga mata ni Igi nang makita niya ang nakasibanghot na si Josh pababa ng kotse ni Migs at may dala-dalang malaking bag. Matapos ang kanilang sagutan matapos ang paglalaro ng basketball ay hindi niya na nakita itong lumabas ng kanilang unit at lalong lalo na na hindi niya ito inaasahang sumama sa kanilang team building.


Akala ko di siya pupunta?” tanong ni Igi kay Neph na nagkibit balikat na lang.


Tinignan maigi ni Igi ang kaibigan habang bagsak balikat itong naglalakad papunta sa kanila. Alam niya agad, pagkakita na pagkakita niya palang sa mukha nito na may hindi magandang nangyari o kaya naman ay may dinaramdam ito. Katulad nung maabutan niya itong malungkot na nakikipagusap kay Neph nung araw na naglaro sila ng basketball at nung bigla itong sumulpot sa sky garden ay gustong gusto nang salubungin ni Igi si Josh at yakapin ng mahigpit at pagaangin ang loob nito, pero hindi niya ito magawa dahil alam niyang galit parin ito sa kaniya kahit pa hindi niya alam kung ano ang maaari niyang nagawa. Napatunayan niya ang takot na iyon nang makita niyang lalo itong sumimangot at nangunot ang noo nang magtama ang kanilang mga tingin.


Please don't start fighting again.” pagmamaka-awang sabi ni Neph nang makita niya ang palitan ng masasamang tingin ng dalawa sabay lakad palayo upang makaiwas narin sa alam niya ay napipinto ng awayan.


Don't blame me. I don't even know why he hates me so much.” singhal naman ni Igi kay Neph na umiling na lang.


Well I hope this team building fixes both your head they need some serious overhauling.” umiiling na sabi parin ni Neph habang patuloy lang sa paglalakad palayo na ikinairita naman ni Igi dahil para sa kaniya ay wala siyang kasalanan sa pagbabangayan nila ni Josh.


JOSH! So glad you could make it!” sigaw ni Mrs. Roxas habang tinitignan ang listahan ng kanilang gagawin. “Kung maaari lamang ay tumabi na kayo sa inyong mga ka-partner para sa linggong ito upang masimulan na natin ang ating team building. Ang mga magkakapareha din ang magkakatabi sa sasakyan papunta at pabalik at mamya kapag dumating na tayo sa lugar ng paggaganapan ng ating team building ay saka ko naman sasabihin ang iba pang mga bagay na pagsasaluhan ng bawat magkakapareha.” nakangiti na sabi ni Mrs. Roxas na nagsimula ng ilang excited na bulung-bulungan ng lahat at ikinairap at ikinapalag naman ni Josh at Igi, hindi makapaniwala na sa sasakyan pa lang ay magsisimula na ang kanilang kalbaryo.


000ooo000


I got here first!” sigaw ni Josh nang paalisin siya ni Igi sa upuan sa tabi ng bintana.


I'm the president and you're my vice president. The president always have his way” pagpapaalala ni Igi kay Josh.


Asshole!” singhal ni Josh nang wala na lang siyang nagawa.


Watch it! You don't have to call me names. It's just a seat near the window---” naiiritang balik ni Igi.


If it's just a seat then why don't you just let me have it?!” singhal naman pabalik ni Josh.


Because I'm the president and I can do whatever I want.” nakangising balik ni Josh na ikinakulo ng dugo lalo ni Josh at ikinakuwa ng pansin ng lahat ng asa sasakyan.


You son of a bi---!” simula ni Josh.


CHILDREN! We're just waiting for Mr. Tomas to check all the tires for our trip. Kung maaari ay magsi-upo na kayo--- Josh, where are you going?” simula ni Mrs. Roxas ngunit natigilan din nang makita nito ang nakatayo na si Josh na galit na galit namang nakatingin kay Igi na nakangisi parin.


I'm getting off this bus!” singhal ulit ni Josh na ikinagulat naman ni Mrs. Roxas.


He's just being chicken shit.” nakangisi paring sabi ni Igi kay Mrs. Roxas na tila naman binunutan ng tinik sa dibdib at muling ngumiti. Hindi nakaligtas kay Josh ang gustong iparating ni Igi na tila ba isang hamon kaya't muli siyang umupo sa tabi nito.


Igi, maaari bang huwag nating sanayin ang ating mga sarili sa mga ganyang uri ng pananalita?” nakangiting pangangaral ni Mrs. Roxas kay Igi na pilit pinipigilan ang sarili na umirap.


Ready to go?” tanong ni Mr. Tomas kay Mrs. Roxas na excited na excited ng umalis.


Tinignan ng masama ni Josh si Igi pero lahat ng kaniyang nararamdamang galit ay agad ding nawala nang makita niya ang tuwa sa mga mukha ni Igi. Nakatingin ito sa labas ng bintana na miya mo batang aliw na aliw sa kanilang bawat madaanan. Tila naman hinatak ng oras si Josh pabalik kung saan mga bata pa lang sila ni Igi, kung saan ayos pa ang lahat, kung saan hindi pa sila laging nagaaway.


COOL!” sigaw ni Igi at halos durugin ang braso ni Josh dahil sa biglaang paghawak, nakalimutan na si Josh ang hinahawakan nito sa braso nang makita nito ang isang kalabaw na hila-hila ang isang kariton na puno ng gamit na pwedeng ipagbenta. Napangiti saglit si Josh pero nang maalala niyang si Igi ito, si Igi na nagdulot sa kaniya ng maraming sakit, si Igi na lagi na lang siyang kinukumpitensya ay agad niyang binawi ang ngiti na iyon at suminghal.


Wow. You do a really great job in acting stupid.” singhal ni Josh sabay hawi ng pagkakakapit ng kamay ni Igi sa kaniyang braso. Dahan dahan na nawala ang ngiti sa mukha ni Igi at dahan dahan ding tumingin sa kaniya, tumingin ng masama.


Well, excuse me if I may seem a little shallow for you.” sarkastikong sabi ni Igi na ikinahagok naman ni Josh dahil sa pagpigil ng kaniyang tawa.


Little shallow? Try super shallow You're not just shallow. You're also mean, you're rude and the asshole who likes to make my life miserable.” singhal ni Josh habang tinutusok ng hintuturo ang matipunong dibdib ni Igi na hindi naman mapigilang mapahagikgik dahil sa pagkakiliti na lalong ikinainis ni Josh. “You're also childish and the person I hate the most!” tuloy ni Josh na ikinatigil naman sa paghagikgik ni Igi.


Well, let's describe you, then. Let's start with, mean, over competitive, rude and a friend who turns his back from his best friend the moment he became popular--- oh and let's not forget about being a self absorbed prick who also likes to make my life miserable!” balik naman ni Igi.


Asshole! Ikaw kaya itong---” simula ni Josh, isusumbat sana ang mga sinabi ni Igi sa kaniya noong huling araw na ikinukunsidera ni Josh na banal pa ang kanilang pagkakaibigang dalawa.


Brat!” singit ni Igi upang lalong inisin ang namumula ng si Josh. Sasagot pa sana ulit si Josh sa pasaring na iyon ni Igi at isusumbat na talaga sana ang mga sinabi ng huli nung naghiwalay sila noong hapon na iyon sa mall nang biglang umalingawngaw ang boses ni Mrs. Roxas.


Quiet, children!” saway ng guro sa buong sasakyan na nagsisimula ng umingay dahil sa sabayang pagsasalita ng lahat. Hindi na muli pang itinuloy ni Josh ang sasabihin, ipinasak na lang niya ang earphones sa tenga at itinodo ang volume ng kaniyang pinakikinggan sabay pikit, pilit na binura ang mga sinabi ni Igi sa kaniya at pilit na iniisip na wala si Igi sa kaniyang tabi habang si Igi naman ay nagkasya na lang sa tahimik na pagtingin sa bawat madaanan ng kanilang sasakyan, malungkot na iniisip ang mga sinabi ni Josh.


Pero kahit anong pagbura ang gawin ni Josh sa mga sinabi ni Igi sa kaniyang isip ay hindi niya ito magawa lalo pa't si Igi ang nagsabi nito, kahit pa gaanong kalakas ng volume ng kaniyang pinakikinggang kanta ay boses at ang mukha ni Igi ang kaniyang naririnig at nakikita kahit pa malapat ng nakapikit ang kaniyang mga mata.



Itutuloy...




The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 5”
by: Migs

Comments

  1. SIX DAYS! Sensya na at umabot ng six days. Alam ko ang sinasabi ng iba. “Puro na lang ba pasensya, Migs?” haha! Hindi na ako magpapaulit-ulit pa. Alam niyo na kung bakit hindi ako agad nakakapag-post.

    Ronnie Bokie: mawawala ang pag-hanga na yan kapag nakilala mo ako kaya't mas mabuting hindi mo na lang ako kilala haha! Thanks! :-)

    Stringx: you're welcome.

    Berto: haha! Napakanta naman ako sa comment mong “muling ibalik.” hahaha!

    Rei: I'll keep on going for you guys! :-)

    rob dela cruz: thanks sa pagpapalaganap ng ka-eng-engan ko. haha! San mo ba ito inadvertise? Kakahiya naman. Haha! Thanks! Mwah!

    Almondz: baka si Josh pa nga ang unang bumigay.

    Jemyro: fans? Meron ako nun? Haha! Thanks!

    Makki: makadeny ka naman. Kapag kayo nagkatuluyang dalawa...ewan ko na lang. Haha!

    Mark Ryan: iniintay ko parin yung PACKAGE! Haha!

    ANDY: diba dapat kapag inlove kalakip na nun yung happiness? Ano ka bang bata ka. Baka naman CRAS (crush) lang yan. Ulol ka ANDY! Joke lang yung lay Boboy Tuliao. Naggagaguhan lang kami. Haha!

    NIX: haba ng sinabi? Haha! Thanks! Mwah! Matulog. Saka na ang pagaaral. JOKE!

    Riley: ilang araw naman ang nabilang mo? Thanks gurl! :-)

    john el: naku, hindi ako maaaring ihanay sa mga writer na nabanggit mo. Kumpara sa kanila ay wala akong sinabi. Baka magalit ang mga iyan.

    Boboy Tuliao: hoy! Seryoso ka ba? Pinagtritripan mo lang ako eh! :-(

    Erwin F: huwag kasing kinakagat ang unan. Haha! Maatanggi kayong dalawa ah. Let's see, tataningan ko kayong dalawa--- hahahaha!

    Iyanchan: huwag munang magconclude malay mo biglang lumihis ang lahat. Haha!

    ReplyDelete
  2. Josh: kailan ka tumama? Haha! Nagawan ko na yung story na sinasabi mong walang closure masyado. Asa drafts, kailangan pang hasain. Haha! Pinapahinog kumbaga. Wag ng asahan ang Chasing pavements. Wala na iyon. Chos!

    AR: ikakasal ka na? Manganganak? Hahaha! Roan and Neph? I don't think so. :-P

    kean Tongol: kailan pa naging something something ang labing labing o ang paglalaro ng apoy? Haha!

    Russ: sino ang nakakadugo ng ilong? Haha! TIGANG PARIN? Ano ba yan, wag na kamo siyang magintay na sa iba mo pa papadiligan ang rainbow mo! Haha!

    DownDline: haha! Weird nga ang compre mo pero parang pareho tayo. So ibig sabihin ba nun weird din ako? Haha!

    Mr. Brickwall: welcome back! Tagal kong hindi nabasa ang mga comment mo ah?! Haha!

    Karl Rickson: HMMMMMM ayan ang hug mo! Hahaha! Wag paka sigurado. Malay mo baog ang isa sa kanila. Haha!

    Michael John: nasagot ba ang tanong mo patungkol sa railings? Haha! Thanks! Mwah!

    Roan: thanks! Meron ka ng Ever loyal reader award sakin. Lol! Thanks ulit!

    Ryvis Tan: thanks! Sa mga sinabi mo mas lalo kong naisip na may naibabahagi pala akong magandang asal sa aking mga storya. :-)

    akosichristian: OOOOhhhhhhh. sa O“h”man ka pala. Haha! Marami bang opening dyan for narses? Haha! Sa susunod na uwi mo ibagahi mo na ako pabalik ah?


    Salamat sa lahat na patuloy na nagbabasa. Sa mga silent readers, labas labas! :-)

    ReplyDelete
  3. Igi..kelan mo sinabi yun??backread ka tsong!!! ahaha...salamat at may update na kuya migs! sana may patayan scene din silang 2..ahaha

    ReplyDelete
  4. woah!...intense migz....tulak ng bibig kabig ng dibdib naman theme song nila ngayon...wahahaa...excited na ako sa kasunod!...keep it up!!!...hehehe

    -Berto-

    ReplyDelete
  5. Migz wag kang ganyan.. prends lng kmi ni wintowt.. masaya na ako kung ano meron ako ngayon "IN LOVE".. ibalato mo na sakin yun.. at sana naman wag umabot sa puntong ang kasiyahan ko'y bigla na lang mabasag dahil sa lang curiosity thingy na yan.. :D

    Sino kaya ang unang bibigay sa kanilang 2? ayiiiiee nice one Migz.. :D

    ReplyDelete
  6. Hahaha thanks sa hint migs...

    ReplyDelete
  7. Wala na yong PACKAGE mo, may kaumain ng iba! hahaha... joke... Asan na address mo ng makidnap na kita?

    PBB Teens ang drama ni Josh at Igi hahaha... Cute!

    ReplyDelete
  8. . .in-advertise ko po ito thru fb, twitter, and 3 other social networking site. . .hehe. . .sana nga po kua migz eh nagbabasa na sila ryt n0w. . ^__^. . .if hindi lagot sila sa akin bwahahahaha(evil laugh., lol)

    Btw. . .wla pa ring kupas writing skills mo kua migz. . .hehe,. .next chapter na agad (demanding ako, haha, lol). . ^__^

    ReplyDelete
  9. Ay ang haba ng sinabi ko ung lang reply?! haha! naaamaaan kuya!!! PM me if you are online. you know I'm always online even during class except when I'm slicing some man meat. HAHA! Di parin ako karecover sa cadaver moments ko kasi, ala surgeon lang. XD

    Anyway, naiinis na ako sa story na to coz it tells a lot about me. If you know what I mean. HAHA!Basta2 kwento ko nlang sa PM PAG NAGPM KA KUYA. haha demanding lang! Ayoko na maxado habaan comment ko baka sumobra na nman sa haba tas ang comment mo one-liner lang.? ay sayang ang effort! hmmp! haha! JOKE! basta kuya PM me if you have time. para rin masulit ko free mobile net ko.haha!

    KEEP UP THE VERRRRRY VERRRRY VERRRRY GOOD WORK and GOD BLESS YOU ALWAYS! :)

    -->nIx

    ReplyDelete
  10. Kuya Migs!!! Ang ganda! Cute ng awayan nilang dalawa lalo na sa bus. Haha! Kakaexcite yung mga next na mangyayari sa team building, bka love ang mabuild. Haha! Thanks sa update.

    kuya, hindi yun cras lang, bf bf na kaya kami, (LOL nkakahiya)
    Hindi happy kasi malupet na LDR to. American kasi sya, at sa december or january pa sya pupunta dito sa pinas. Nkakafrustrate lang.

    ReplyDelete
  11. Bruho ka Migs! Friends lang kami talaga nuh! Masaya na ako sa lovelife ko wag mo na paguluhin.

    Makki hoy sabihin mo kay yume ayan clear na. OA mag react nun! Yun dapat talaga tinutukso sa iyo eh!

    Migs sinong bibigay diyan sa dalawa? Wala tayong PBB TEENS moment diyan? Hehehehe!

    ReplyDelete
  12. alam mo ba migs pagnagbabasa ako nito..ubos lahat ang tisyu ko hindi dahil umiiyak ako kundi dumudugo talaga ang ilong ko hahahaha pramis! cross my heart.hehehehe

    about sa rainbow ko..nakakatawa nga malapit na sana madiligan eh biglang dumating ang sisteret nya..umuusok ang ilong kasi matagal daw napagbuksan ng pintuan hehehehe..eh sa gumagawa kami ng baby..hehehe..

    nice one migs..ok lang kahit matagal ka magpost..kaya ko maghintay yan ang true follower..divahhhhhhhhhh..

    ReplyDelete
  13. Hi po! New here... Ganda talaga ng story kuya Migs! (makiki-kuya na din ako ah)

    ReplyDelete
  14. Migs!!!hahaha!!inip na inip ako soooooobraaaaa!!
    Pwede mag reqest?sana sa next chapter may sweet moments na yung dalawa?haha!!and again bibilang ulit ako:Dtake care migs!

    Riley

    ReplyDelete
  15. i just fall in love .. AGAIN.. hay buhayy..!!!

    excited na sa team building nila.. one of them lang.. ?? hahahaha..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  16. Isang masinsinang paliwanagan at labasan ng sama ng loob lng ang katapat ng poblema bg dalawang yan.

    -nga pla migs di ako nkareply sa reply mo sakin. Seryoso ka? 3hrs of sleep? May lahi kabang zombie? Woy masama yang ganyan. Baka madagdag pa pagiging anemic sayo(wag nmn sana) pag ganyan ka lagi kaikli matulog. Pag nagkita tayo tuturukan kita pampatulog. Magpahinga ka nmn.


    *woots... patay dun. Naging tatay bigla.

    ReplyDelete
  17. haha katuwa naman si igi at josh hehehe

    KV

    ReplyDelete
  18. Hey Miggy boy... Hindi ako nagbibiro ha.. I really want to know you better... hindi mo sinagot ang email ko sayo.. everyday agad ako nagbubukas ng mail box ko pero walang galing sayo,... IM FUCKING DEAD SERIOUS MIGUELITO.. So please attend to my mail.. ll send to you my number.. i hope globe subscriber ka... pero kung hindi.. magagawan natin yan ng paraan... Namiss kita...Mwuah...

    ReplyDelete
  19. well well, six days was worth it. may kilig factor na. hahaha

    keep it up miggy.


    rei

    ReplyDelete
  20. Napakahabang away-bata! pero cute naman e. kaso wag naman sana dumating sa point na makapagsabi sila ng words na sobrang pagsisisihan nila. Pero kahit sang anggulo mo tignan, andun yung CARE e. :)

    ah! naalala ko yung isang quote na fave ko. bagay sa story.

    "we are the masters of the unsaid words, but slaves for those we let slip out."

    thanks migs.. ^^

    ReplyDelete
  21. Oy migs, sinong may sabing nagcoconclude ako? Sinabi ko lang naman na may tama ang naamoy ko. Hahaha, pero di pa ko sure, kaw kc ang dami dami mong twist at pakulo nakakalito lang.

    At yang 6 days na yan, naku po kung every six days ako makakabasa ng update! Zzz, mauulet at mauulet ko lang basahin lahat ng stories mo. Hahahaha! Pero grabe Migs ang galing galing mo tlaga! Super idol kita. :D

    ReplyDelete
  22. 3 weeks... Mr. Author! Nakakainis di koo mababasa mga update mo... After 3 weeks pa...

    Meron kang fans noh! Ako tapos sila kung ayaw nila ako na lang ulit? Haha...

    ReplyDelete
  23. Nakakainit ng ulo ang mga tagpo. Haha. Konti nlang brutal na. Haha.

    Hm. Nalaman ko po yon sa FACE TO FACE hosted by amy perez at TV5. :D
    Tethankies. :DDD Grabe ka nman magpamiss, 6 days. Haha. Missyou. :D

    ReplyDelete
  24. sus! pag may sinabi ako sa iyo ang gagawin mo kaagad ay i-editang gawa mo, bwahahahaha!!

    may nakita pa nga akong isa pang anggulo dito. nakita din ng ibang bumasa pero di ko sasabihin. baka kasi iedit mo pa, sayang, magandang tagpo kasi yun at may ipang aasar ako sa character na tatamaan :D

    Siguraduhin mong ipopost mo yung sinasabi ko. alam mong iyon ang gustong gusto ko na mabasa (demanding?) :p

    wala ng CP?? baka gusto mong ipakulong kita dyan! hahahaha!! :p

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  25. Author Migs!

    Hindi no..haha..basta;)

    anyway..nakakaasar na nakakainis lang talaga si josh:P si igi naman,haha limot na?

    anyway roan and neph..in the scene pede :D haha

    in fairness mas mahaba ng konti itong part na to..siguro haha next na! haha (pressure)

    ReplyDelete
  26. You never fail to make us proud migs i really love the flow of the story masyadong interesting and unpredictable ng mga scenes i want more please hehehe


    karl rickson

    ReplyDelete
  27. your very much welcome migz.

    I know josh is being confused on why things has to be this and that. It's funny how hard headed he is parang everything that is being given and told to him he gives meaning masyado na syang nastress sa mga iniicip nya. Hope this Team Building will bring up a new Josh. Tsaka sana magkabati na sila ni Igi I know Igi doesn't mean to hurt Josh's feeling every now and then.

    Migz have a great day and keep on writing....

    ReplyDelete
  28. team building, pede.. :p when love and hate collide ang peg.. :p

    marami opening, peo female lang ang hiring so far.. :p anyway, il be home by december.. :p

    ReplyDelete
  29. Cute ng asaran ng dalawa. Hahaha. Napatawa mo ako at napaluha at the same time. Mixed emotions ito mahal. Dapat kasi mag sumbatan na. Para tapos na. Hehehe.

    ReplyDelete
  30. jusko maging kayo nalang agad ano ba naman yan

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]