Straight (SHORT STORY)

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


I can't stop looking at him. We've been friends for quite some time now. Naaala ko pa kung pano kami una nagkakilala. Magkatabi kaming dalawa sa una naming klase sa college. We're both taking up nursing, ako bilang sanay sa buhay sikat noong high school ay nagaakala na ang unang araw sa college ay magsisimula sa isang maikli at boring na orientation at hindi isang lecture na agad na kinakailangan ng ballpen at notebook para makapagsulat ng notes. Bilang sanay din ako sa buhay sikat noong high school ay inakala ko na kahit sinong hiraman ko ng ballpen at hingan ng isang pilas ng papel ay papayag sa gusto ko. Mali ang akala ko. halos lahat ng kaklase ko ay hiniraman ko na pero wala ni isa ang magpahiram ng ballpen sakin at magbigay ng isang punit lang ng papel sa kanilang bagong bagong notebook.

Snob brats.” saad ko sa sarili ko at hindi na nangulit pa ng kahit sino sa classroom na iyon dahil nakukuwa ko nadin ang atensyon ng propesor namin.


Nung akala ko wala na akong pag-asa na makapagsulat ng notes para sa napakaagang lecture na iyon ay biglang bumukas ang pinto ng classroom namin. Doon pa niya sa pinto sa unahang bahagi ng classroom napiling mag grand entrance. Hindi ko napigilang mapangisi at hindi napigilan ng propesor namin ang sumimangot.


Hi! I'm Jayden Cruz. My friends call me Jayden!” masayang bati ng bagong dating. Napahagikgik ang lahat at lalong humaba ang nguso ng propesor namin.


You're late---” simula ng matandang propesor.


Sorry.” kamot ulong hingi ng tawad ni Jayden.


And for the record. You're in college now. Not in pre-school. We don't do the 'introduce yourself' portion here in college.” mataray na sikmat ng huklubang propesor na ikinahagikgik ng lahat at ikinamula naman ng pisngi ni Jayden. Napailing na lang ako.


Sorry.” nakayuko at halatang bulong ulit ni Jayden.


Sige na umupo ka na nang maipagpatuloy ko na ang lecture.” sikmat ulit ng propesor. Nagmadali namang naghanap si Jayden ng bakanteng upuan at nagliwanag ang mukha nito na tila ba isang bata nang makita niya ang bakanteng upuan sa aking tabi.


Hi.” nakangiti nitong bati sakin na agad kong tinanguan. Hindi ko alam kung bakit pero sa puntong iyon aya alam kong may kakaiba sa kaniya.


Nagsimula na naman ang napakaboring at napakaagang lecture ng aming propesor. Iniisip ko na tatandaan ko na lang lahat ng sinabi ng huklubang propesor at susubukang alalahanin ito sa bahay at duon gagawa ng notes nang biglang magsalita ang masiyahing si Jayden sa aking tabi.


Here.” saad ni Jayden.


Simula non hindi na kami napaghiwalay dalawa. Kahit magkaiba na kami ng klase ay kami parin ang magkasama sa break time at sabay umuwi. Kahit malaki ang pagkakaiba ng mga gusto naming gawing dalawa ay hindi parin napigilan nun ang maging malapit kaming magkaibigan. Mas gusto niyang magpahinga at magbasa ng libro samantalang ako naman ay active lagi sa sports, gym at kung ano ano pang hilig ng isang normal na teenager. Mas gusto rin nitong magstay sa dorm kesa ang gumimik, minsan kailangan ko pa itong kaladkarin upang makasama lang ito sa paggimik mas gusto nitong makipagdate sa kaniyang makakapal na libro kesa sa mga kolehiyala katulad ko at naintindihan at na-realize ko lang na malaki nga ang pagkakaiba naming dalawa nang may ipagtapat ito sakin nuong third year college na kami.


Gino , I have something to tell you.” sabi ni Jayden sakin matapos kong mapansin ang tila ilang araw na nitong pagkabalisa. Saglit ko itong tinitigan habang nililigpit ko ang pinagkainan namin sa loob ng dorm.


Nangunot ang noo ko. Ni minsan ay hindi ako kinausap ni Jayden ng nakababa ang tingin niya. Nagsimula na akong magalala.


Hey what's up buddy?” tanong ko dito sabay lapit. Inabot ko ang pamunasan ng kamay at tinuyo ang aking mga kamay gamit ito sabay abot ng mukha ni Jayden upang pilitin itong salubungin ang aking mga tingin. Hindi kasi ako sanay na hindi ako nito tinitignan tuwing nakikipagusap sakin.


Saglit na nagtama ang aming mga mata. Kitang kita ko ang takot at pagaalala sa mga mata nito. Tatanungin ko na sana kung bakit ito natatakot at nagaalala nang agad nitong hinawi ang aking kamay at muling ibinaba ang kaniyang tingin sa sahig.


Hey what's wrong?” nagaalala ko na talagang tanong dito. Hindi ako sanay na malungkot ito. Sanay akong nakikita ang saya sa mga mata nito at maaliwalas na ngiti.


Gino-- I-I'm gay.”


Natigilan ako sa sinabi nito. Oo, malaki ang pagkakaiba naming dalawa pero hindi ko ito inaasahan. Ramdam na ramdam ko ang pagtense ng buong katawan ni Jayden at rinig na rinig ko ang pabilis na pabilis na paghinga nito. Alam kong napakahirap sa kaniya na aminin ito sakin kaya ganito na ang kinikilos nito pero hindi parin ako nakakabawi sa gulat.


I--” simula ulit niya at umiling. Tila ba iniisip maigi ang kaniyang sasabihin. “D-don't worry. Bukas na bukas din aalis na ako dito sa dorm at maghahanap na ako ngayon pa lang ng malilipatan.”


Tila may nagbuhos sakin ng malamig na tubig. Doon sa sinabing ito ni Jayden ako nagising. Oo, hindi isa si Jayden sa mga kaibigan kong mahilig magbuhat ng weights sa gym, hindi ko siya kasama sa paglalaro ng basketball pero siya parin ang taong tinuturing kong best friend at kahit kailan naman ay hindi naging problema sakin ang sexual orientation ng isang tao kaya agad ko itong pinigilan sa paglalakad palayo sakin.


Wala naman akong sinabi na umalis ka ah. Nagulat lang ako, Jay---” simula ko. mabilis itong humarap sakin, tila hindi rin makapaniwala sa sinabi ko. “--- saka parang hindi mo naman ako kilala, Jay, wala naman akong pakielam kung putotoy ba ang gusto ng isang tao o vajeyjey eh.” pagtatapos ko na agad ikinawala ng pagaalala at takot sa mga mata ni Jayden.


Ang laki laki mong tao pototoy saka vajeyjey parin ang tawag mo sa mga ari?” humahagikgik na saad ni Jayden sakin na nakapagpahalakhak na din sakin.


Hoy! Walang basagan ng trip. Di ko binasag ang trip mo sa pagsubo ng putotoy kaya wag mo din basagin ang trip ko.” biro ko dito. Hampas lang sa malaki kong braso ang sinukli nito. Muli kong binuksan ang gripo at pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinagkainan namin.


Nagulat na lang ako nang bigla itong sumingit sa ilalim ng aking braso at isiniksik ang sarili sa pagitan ko at sa pagitan ng lababo at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba kumulo ang sikmura ko na sobrang ikinagulo ng isip ko.


Thank you.” bulong nito sa aking malapad na dibdib na ikinahagikgik ko dahil nakiliti ako sa pagsasalita nito habang nakasubsob sa dibdib ko.


No probs. Basta ba hindi mo ako re-reypin kapag tulog ako saka lasing eh edi wala tayong problema.” saad ko dito. Muli kong naramdaman ang pagtense ng buo nitong katawan habang nakayakp parin ng mahigpit sakin at nawala lang ang pagtense ng katawan nito nang humagikgik ako.


Sira!” saad nito sabay alis ng pagkakayakap sakin at hampas sa aking dibdib.


Muling binalot ng tawanan ang buong dorm namin. Tumalikod na ito at umupo sa sofa at binasa ang makapal niyang libro habang ako naman ay nagbanlaw na ng mga pinggan.


Hindi kaya kita type.” habol pa nito saka muling binalot ng tawanan ang buong kwarto at siyang nagdulot nanaman sa aking sikmura na kumulo.


Pero hindi laging masaya ang buong pagkakaibigan namin ni Jayden. Andyan din minsan ang hindi namin pagkakaintindihan. Andyan ang nagtampo siya sakin noong napabayaan ko ang pagaaral ko.


Puro ka gimik. Puro ka date. Gino, kapag pinagpatuloy mo yan hindi ka makakagraduate.” singhal niya sakin na talagang ikinainis ko.



Shut up. She's just in the next room.” singhal ko pabalik dito at sinuklian lang ako nito ng isang irap.


Pinakilala ko sa kaniya si Joy. Ang tanging babae na inilabas ko sa date at niligawan ng higit pa sa tatlong buwan. At dahil nga iba si Joy sa lahat ng babae na inilabas ko at nakadate ko at posible ko pang makarelasyon ay ipinakilala ko ito kay Jayden.


So where did you guys meet?” tanong ni Jayden kay Joy na magalang namang sinagot ni Joy.


Magkaklase kami sa microbiology tapos last saturday nagkita kami at the museum--- ” nakangiting simula ni Joy.


At the museum?!” gulat na gulat na saad ni Jayden sabay tingin sakin at humagalpak ng tawa. Napatingin naman sakin si Joy na tila ba nagtataka pero nakangiti parin habang nararamdaman ko namang namumula na ang pisngi ko sa pamamahiya na iyon ni Jayden.


Why? What's wrong?” tanong ni Joy nang hindi na nakatiis.


I'm sorry.” saad ni Jayden sa pagitan ng pagtawa.


It's just that hindi ko akalain na papasok si Gino sa isang museum. Hindi niya kasi gustong pumasok sa museum dahil lagi niyang sinasabi na nabo-bore siya sa kakatitig sa mga paintings at sa mga luhang bagay.” saad ni Jayden na lalong ikinamula ng pisngi ko.


Nakangiti parin pero nakakunot noo ng tingin sakin ni Joy.


You lied? Sabi mo madalas ka sa museum?” tanong ni Joy at doon pa lang alam ko na na hindi na magiging kami ni Joy. Kahit kailan. Sa sinabing ito tumigil sa kakatawa si Jayden. Binato ko ito ng isang galit na galit na tingin.


Gino, I'm sorry!” saad ni Jayden nang lumapat ang pinto sa likod ni Joy nang lumabas na ito ng aming dorm.


Leave me alone.” singhal ko dito. Nagtama muli ang aming mga tingin. Kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata ni Jayden at sakit sa sinabi ko dito. Para hindi ko na bawiin ang huli kong sinabi dito ay agad ko itong tinalikuran.


Ilang araw pa ang lumipas ay hindi parin kami nagkikibuan dalawa. Madalas kong nakikita na gusto akong kausapin ni Jayden pero agad itong magdadalawang isip at hindi na lang itutuloy ang pagsasalita. Madalas ko itong nakikitang malungkot, hindi ako sanay na nakikita itong malungkot, kapag nakikita ko itong malungkot ay nakakaramdam nadina ko ng lungkot kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinibo ko na ito na para bang wala itong nagawang mali sakin.


Ice cream?” alok ko dito habang malungkot itong nanonood ng TV. Nakanguso parin ito at hindi ako pinansin. Tipikal ito kay Jayden, kahit siya ang gumawa ng mali basta't hindi ko ito kinibo ng ilang araw o kaya maski ilang oras ay ito pa ang magtatampo sa huli at kailangan kong suyuin.


Double dutch. You're favorite.” pangiinggit ko dito. Nakita ko itong sumulyap sa gawi ng aking hawak hawak na galon ng ice cream kaya naman hindi ko napigilang mapangisi.


Asshat!” tawag nito sakin sabay hampas sa braso ko. hindi ko mapigilang mapangiti, sa gilid ng aking tingin ay sigurado akong pasimple din itong nakangiti na agad niyang aalisin at ngunguso sa tuwing susulyapan ko ito.


Madalas din naman na ako ang dahilan ng tampuhan naming dalawa. Madalas sa tuwing magdadala ito ng lalaki sa aming dorm o kaya naman ay sa tuwing makikipagdate ito sa labas sa kung kani-kaninong lalaki.


Get out.” singhal ko sa lalaki na nakatapis lang nang maabutan ko pagkagaling na pagkagaling ko sa nakakapagod na pagre-residente ko sa ospital.


Opo Doc.” nanginginig pang saad ng lalaki na nakikilala ko bilang isang orderly sa ospital na pinapasukan ni Jayden bilang nurse at ospital na pinagtre-training-an ko bilang duktor.


What the fuck, Gino?”


Anong what the fuck? Di mo manlang inisip na baka nakawan tayo nung tao?! Inuuna mo kasi yang libog mo eh!” singhal ko na ikinagilid ng mga luha naman ni Jayden. Sa ikailang pagkakataon ay muli ko nanamang hiniling na sana ay hindi ko sinabi ang mga salitang iyon pero galit na galit kasi ako ngayon kay Jayden.


Who are you?!” balik nito sakin, tila ba hindi makapaniwala na ako ang best friend niya ng ilang taon marahil dahil sa masasakit kong sinabi.


Jayden---” kalmado kong tawag dito pero pinagbagsakan lang ako ng pinto nito. Wala na lang akong nagawa kundi ang pisilin ang aking nose bridge at pumasok sa aking kwarto para magpahinga.


Ilang araw na hindi umuwi sa aming condo si Jayden, nagaalala ako pero hindi ko ito mapagukulan ng pansin dahil abala naman ako sa pagdu-duty. Gusto ko itong tawagan o kaya i-text pero alam kong hindi ako nito papansinin. Nadatnan ko nanaman na wala si Jayden sa condo namin kaya wala na lang akong nagawa kundi ang magbuntong hininga at matulog na dahil sa sobrang pagod. Pero wala pang tatlong oras sa pagkakahimbing ay muli akong nagising dahil sa pagring ng telepono ko.


Di ko na dinilat ang aking mga mata at kinapa na lang ang kinalalagyan ng telepono ko at pinindot ang accept call button.


Gino---” umiiyak na bungad ni Jayden. Agad akong napabalikwas sa aking kinahihigaan at agad nagising ang diwa ko.


Jayden? What's wrong?” nagaalala kong tanong dito.


I-I'm sorry kung nagising kita. A-andito ako sa Cubao. I got mugged. I- I don't know how to g-get home. R-Ryan doesn't want to come get me because it's raining. Nakikitawag lang ako sa cellphone ng guard dito sa may metrobank. C-can you c-come and get me? It's j-just that I-i don't know who else to c-call. I-I'm sorry.”


I'll be there in fifteen minutes.” saad ko dito saka nagmadali na akong nagbihis at nagayos.


Habang nasa taxi ay hindi ko mapigilang mainis kay Ryan. Yun yung orderly sa ospital na pinagtratrabahuhan namin ni Jayden, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin kung ano ano ang masasamang bagay na pwede kong gawin dito ng hindi nakukulong.


Ang lahat ng masasamang iniisip na iyon kay Ryan ay agad na nawala at napalitan ng pagaalala nang makita ko si Jayden na nakaupo sa steps ng metrobank, lamig na lamig at suot parin ang damit na walang duda na nabasa kanina pa ng ulan. Binayaran ko ang driver ng taxi na sinasakyan ko at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Jayden.


Jayden!” sigaw ko dito. Agad itong nagtaas ng tingin at nagmamadaling tumakbo sa aking kinatatayuan. Nakita ko itong nagalangan pa na yakapin ako pero hindi ko na ito hinayaan pa na humakbang palayo sakin at wala sa sariling niyakap ito.


Are you OK?” tanong ko dito habang nasa gitna ng ulanan. Tumango lang ito at lalong ibinaon ang sariling mukha sa aking dibdib.


Nang makauwi kami sa condo ay tila ba walang nangyaring tampuhan sa pagitan namin.


Thank you for not saying I TOLD YOU SO. Tanginang Ryan yun. Ulan lang takot na takot pa akong sunduin. Hayup!” nangigigil na saad ni Jayden habang kumakain ng spaghetti sa aking tabi.


Uhummm.” ang tangi kong nasabi habang nginunguya ang spaghetti na niluto ni Jayden.


Buti nga sa kaniya at may naglakas loob na sumapak sa kaniya. Yabang kasi eh kaya may nainis siguro kaya siya sinapak.” sa sinabing ito ni Jayden ay agad akong nasamid sa kinakain kong spaghetti. Naniningkit mata itong tumingin sakin.


Hindi naman siguro ikaw yung sumuntok sa kaniya no?” tanong nito sakin na ikinahagikgik ko na lang. Agad ako nitong sinuntok sa braso.


What?” humahagikgik kong tanong dito. Hindi narin siguro napigilan ni Jayden ang kaniyang sarili at humagikgik nadin.


Thanks.” bulong nito nang makabawi sa paghagikgik na ikinangiti ko na lang.


Ngayon habang nasa reunion kami kasama ang mga kaklase namin ng college ay hindi ko maiwasang isipin na ilang taon na ang lumipas ay hindi parin kami nagbabago dalawa. Oo at ilang tao na ang dumaan at nawala sa buhay namin pero andito parin kami para sa isa't isa. Siya parin si Jayden na masiyahin na nakilala ko noong unang araw namin sa kolehiyo at ako parin si Gino na nangangailangan parin ng isang Jayden kasi baka mangailangan nanaman ako ng ballpen at piraso ng papel.

Hey.” bati sakin ni Joy. Ang Joy na hindi ko na ulit nakausap pa matapos akong mabisto nito na nagsinungaling ako para lang makuwa ang loob nito. Agad kong binato ng tingin si Jayden at nakita ko pa itong humagikgik nang makita kung sino ang kausap ako saka nagpatuloy sa pakikipagusap sa iba pa naming dating kaklase.


Joy! Musta ka na?” tanong ko dito sabay beso beso.


Good. I'm good.” saad nito. Hindi ko naman ito maitatanggi dahil lalo itong gumanda.


So you're a doctor now huh?” tanong nito sakin na may halong paghanga.


I know.” saad ko sabay yuko.


People keep on saying na akala nila si Jayden ang magduduktor at patapon na ang buhay ko dapat ngayon.” biro ko na ikinahalakhak naman ni Joy sabay hawak sa aking braso. Nakita ko pang tumingin sa direksyon namin si Jayden saka umirap sa gilid ng aking mata.


Ilang oras pa ang nakalipas at madami na kaming napagusapan ni Joy habang si Jayden naman ay nakita kong masayang nakikipagusap sa mga babae naming kaklase sa may bar. Sa dami ng napagusapan namin ni Joy ay hindi ko na napansin na madami nadin kaming nainom.


Alam mo the alumni council rented rooms for us in case na malasing tayo.” namumulang pisngi at lasing na saad ni Joy. Sunod kong nakita ang sarili ko na kahalikan at kapalitan na ng laway ang magandang babae na noon ay akala kong magiging kasintahan ko.


Napunta sa kama ang mainit naming halikan na iyon. Dahil abala ako sa pagre-residency at pagtre-training ay hindi ko na naisip pa ang makipagdate at sa tuwing magiinit ako ay tanging kamay ko na lang ang aking katulong kaya naman ang pagpri-prisinta na ito ni Joy ay welcome na welcome sa akin.


May isa lang problema. Habang naghahalikan kami ay pilit na pumapasok ko ang nakangiti at maamong mukha ni Jayden. Sa tuwing titignan ko ang mapupulang labi ni Joy ay hindi ko maiwasang isipin na labi ni Jayden ang aking tinititigan at nang ipasok ko na ang aking pagkalalaki kay Joy ay hindi ko rin maiwasang isipin na si Jayden ang aking kaniig.


Shit.” saad ko sa sarili ko nang marealize ko ang nangyayari.


Noon ko lang din narealize na sa tuwing magsasariling sikap ako ay ang mukha ni Jayden ang bumibida sa akin. Sa tuwing matutulog ako ay napapangiti ako sa tuwing makikita ko sa aking pagpikit ang mukha nito.


Shit.” saad ko ulit sa sarili ko. Agad akong umalis sa pagkakabaon ko kay Joy pero pinigilan ako nito.


Joy, I'm sorry. I can't do this. I-I t-think I'm in love with---”


Shit! I'm in love with Jayden.” imbis na mandiri ako sa aking sarili at sa naisip ko ay napangiti pa nga ako sa aking inamin na iyon sa sarili.


Gino? Raffy told me na pumasok ka daw dito--- natutulog ka nanaman no?” tawag ng isang lalaki sa gawi ng pinto sabay bukas nito.


Nagulat kami nang biglang pumasok si Jayden. Umirit si Joy at ako naman ay agad na napabalikwas. Saglit na nagtama ang tingin namin ni Jayden. Nakita kong nangunot ang noo nito, naguluhan saglit, may mabilis na emosyon na rumehistro sa mukha nito na agad napalitan ng hiya.


Shit. Sorry. Sorry.” saad nito sabay talikod at sinara ang pinto.


Jayden wait!” habol ko dito. Agad kong sinuot ang aking pantalon. Isusuot ko pa sana ang aking pangitaas pero wala na akong oras at natatakot ako na baka hindi ko maabutan si Jayden.


Patakbo kong tinawid ang buong venue. Walang pakielam sa nagtataka at naiintrigang tingin ng mga dati naming kaklase. Ang importante kasi para sakin ay maabutan ko si Jayden. Naabutan ko itong papasok sa kaniyang kotse at naghahanda nang umuwi sa aming condo.


Jayden.”


Gino, I'm sorry. Alam kong chance mo na ito na makabalikan si Joy and I messed it all up again.” malungkot nitong saad habang iniaatras ang kotse at ako naman ay nakakapit sa nakabukas nitong bintana. Umaasa na mapipigilan ko ito sa pagandar.


Jayden---”


I'm going to move out of the condo kung talagang gusto mo ng magsettle with Joy---”


Jayden---”


I'm really happy for you, Gino. I love you.” wala sa sariling saad ni Jayden. Natigilan ako at namatay din ag makina ng kotse walang duda na nagulat din si Jayden sa kaniyang naibulalas kaya nangyari ito.


I-I mean---” simula ulit ni Jayden upang makabawi sa kaniyang sinabi pero hindi ko na siya hinayaan na magpatuloy sa pagsasalita.


SHUT UP! For once just shut up, Jayden! Geesh you're still annoying as fuck!” singhal ko na ikinaeskandalo naman ni Jayden. Aangal na sana ito nang magsalita na ako.


You're not going to move out of the condo. I will not settle down with Joy. I'm not mad that you interrupted our little putotoy and vajeyjey moment. And I love you too.” saad ko dito. Nanlaki ang mga mata ni Jayden. Wala sa sarili itong lumabas ng sasakyan at yumakap sakin.


A-are you sure?” tanong nito sakin. Tumango ako at niyakap din ito ng mahigpit.


Yes I'm sure.”


W-when did you---”


While I was inside Joy's vajeyjey. I couldn't stop thinking of you.” nakangiti kong biro dito habang nakapatong ang aking baba sa ulo nito. Naramdaman ko itong humagikgik habang nakalapat ang mukha sa aking dibdib.


You dirty asshole!” saad nito sabay hampas ulit sakin saka tumingala. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na malunod sa tingin nito. Dahan dahan kong inilapit ang aking mukha sa mukha ni Jayden at dahan dahan kong inilapit ang aking mga labi pasalubong sa labi nito...


--wakas--

Straight
by: Migs

Comments

  1. Ewan ko kung bakit ako biglang tinopak magsulat ng short story. parang dalawang taon na ata ako hindi nagusulat ng ganito. and to Therese Llama. ayan first person POV. ahaha! di ko sure kung effective pa ako sa ganiyang POV. SANA MAGUSTUHAN NIYO GUYS! and for those who do not know na nagsusulat ako ng short stories you can click the "SHORT STORIES" tags sa labels or sa table of contents. Thanks guys! love you all!

    ReplyDelete
  2. No kuya migs hi po ive been following your blog since love at its best book 1 nahihiya lg ako magcomment ngayn first comment aki kahit ano naman isulat mo maganda kuya migs parati mo ako pinapaiyak eto pampa destress ko after hospital work more power kuya migs sana maging friends tayo

    ReplyDelete
  3. No kuya migs hi po ive been following your blog since love at its best book 1 nahihiya lg ako magcomment ngayn first comment aki kahit ano naman isulat mo maganda kuya migs parati mo ako pinapaiyak eto pampa destress ko after hospital work more power kuya migs sana maging friends tayo

    ReplyDelete
  4. No kuya migs hi po ive been following your blog since love at its best book 1 nahihiya lg ako magcomment ngayn first comment aki kahit ano naman isulat mo maganda kuya migs parati mo ako pinapaiyak eto pampa destress ko after hospital work more power kuya migs sana maging friends tayo

    ReplyDelete
  5. Hi kuya migs yey first comment matagal na akong silent reader ever since love at its best book 1 hanggang ngayn fan parin ako i love your works kuya migs sana maging friends tayo

    ReplyDelete
  6. Wala daw forever pero sa kanila meron.. ang ganda migs salute

    ReplyDelete
  7. ang ganda ng story kuya migs ang light lang ng flow yet kahit pano may kurot :)

    ReplyDelete
  8. Hey Migs its been a while. Love this one😄

    ReplyDelete
  9. Keneleg eke keye megs! Ang ganda! More short stories like this please! Nakakamiss magbasa ng mga ganito, ang dalang na lang kasi ng mga short stories na magandang basahin na nakakasaya sa puso.

    ReplyDelete
  10. Very nice read.. Very light, stress free and fluid.. The best.. Thanks for writing this..

    ReplyDelete
  11. Sa mga kwento mo na lang ako kinikilig at umaasang may forever... Haha... Kudos

    ReplyDelete
  12. Kuya migs ano na nga po tamang pagkakasunod ng mga kwento mo?thanks po love you♥♥♥

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]