Monday, September 21, 2015

Against All Odds 3[21]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Naniningkit ang mga mata ni Jase habang pinapanood ang tila ba slow motion na paglapit ni Rob kay Ian. Gusto niyang abutin ang braso ni Rob upang pigilan ito sa paglapit kay Ian at itago sa kaniyang likuran at ipagdamot sa kahit na sinong lalaki pero hindi niya ito magawa. Unang una dahil maging siya ay hindi parin sigurado kung bakit nararamdaman niya ang mga ito, pangalawa ay hindi pa nila napaguusapan ang tungkol sa nangyari sa kanila noon ni Rob at kung mahalaga pa ba ito kaya naman mas minabuti na lang niya na manahimik na tila ba isang dekorasyon sa isang tabi.


What are you doing here?” tanong ni Rob na may kakaibang ngiti na nakaplaster sa mukha na talaga namang dumagok kay Jase.

I-I missed you at the office and uhmmm---” nahihiyang sagot ni Ian sabay namula ang mga pisngi na talaga namang nagtutulak kay Jase na gustuhin nang umalis doon.


Get a room already!” hindi napigilang saad ni Jase sabay naglakad palayo sa dalawa.


Agad na nanlaki ang mga mata ni Rob. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya si Jase at malamang naririnig nito ang kung ano mang pinaguusapan nilang dalawa ni Ian. Agad nanaman siyang binalot ng hiya. Hindi naman kaila sa kaniya na may namagitan din kila Ian at Jase, marahil mas matimbang pa sa kung ano man ang namagitan sa kanila noon at pakitaan niya ng interes din si Ian sa paligid ni Jase ay talaga naman kawalan ng modo.


Shit.” bulong ni Rob sa kaniyang sarili saka humarap sa kinaruroonan ni Jase.


Jase wait lang!” pigil ni Rob pero nang humarap na si Jase sa kaniya upang pakinggan ang kaniyang sasabihin ay agad siyang natameme.


Puno ng galit ang mga mata ni Jase nang humarap ulit siya kila Rob at hindi ito nakaligtas sa huli. Lalo tuloy hindi alam ni Rob ang kaniyang sasabihin kay Jase, hindi niya alam kung siya ba ay hihingi ng tawad dahil sa kaniyang ipinapakitang interes din kay Ian o siya ba ay tuloy lang na makikipagusap dito kahit pa wala naman silang initial na pinaguusapan kanina bago sumulpot si Ian.


Uhmmm---gusto mo sumabay?” ang tanging naibulalas ni Rob na nakapagpataas ng kilay ni Jase at siya namang nakapagpalito kay Ian.


Pumunta ako dito ng naka sasakyan remember? You were with me kanina remember?” seryosong tanong ni Jase kay Rob na agad napayuko dahil sa hiya dulot ng pambabara na iyon ni Jase.


Ay oo nga ano---uhmmm---” kamot ulong saad ni Rob kay Jase na patuloy lang na nakatitig sa kaniyang mga sapatos. Nangunot naman ang noo ni Jase, kung hindi lang sana siya naguguluhan sa kaniyang nararamdaman tungkol sa pagporma ni Ian kay Rob ay baka maaliw pa siya sa ikinikilos ni Rob.


Meron ka pang sasabihin, Rob?” seryoso ulit na tanong ni Jase kay Rob na agad nagtaas ng tingin at sinalubong ito sa malungkot na tingin ni Jase, malungkot dahil ayaw man niyang ipamukha kay Rob ang sinabi nito tungkol sa pananatili ng pagkakaroon ng professional distance sa kanilang dalawa ay sinabi niya parin ito kay Rob para kahit papano ay makaganti siya sa sakit na nararamdaman niya nung nagpakita rin ng interes si Rob kay Ian.


Sir yung atmosphere na sinasabi niyo sir is just US being professional. Besides wala naman po tayong dapat pagusapan diba? Wala naman pong nangyari noon na dapat pang pagusapan.”


I actually like the atmosphere right now. Do me a favor and let's keep it that way.”


Napapikit si Rob sa naalala niyang ito. Siya nga ang may gusto nito kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit siya nasasaktan nang ipaalala ito sa kaniya ni Jase.


W-wala na---” simula ni Rob pero agad niyang inayos ang kaniyang sarili, nag-chin up at nilakasan ang loob.


Wala na po, sir. Ingat po kayo. See you sa office tomorrow.” buong professional na saad ni Rob na tila naman sipa kay Jase na wala na lang nagawa kundi ang umarte ding hindi siya apektado sa sinabi at inarteng ito Rob at para mas masabing hindi nga siya apektado ay inabot niya pa ang kaniyang kanang kamay upang makipagkamay sa nauna.


Napasimangot si Rob at lumatay sa mukha at mga mata nito ang lungkot pero hindi ito pinansin ni Jase. Inabot ni Rob ang kaniyang kanang kamay at nakipagkamay ng mahigpit kay Jase. Ang lahat ng ito ay hindi nakaligtas kay Ian na nagtataka sa ikinikilos ng dalawa pero ang lahat ng ito ay ikinibit balikat na lang ni Ian nang makita niyang naglalakad ulit si Rob papunta sa kaniya.


What's that all about?” nakangiting tanong ni Ian kay Rob na agad na lang umiling.


Nag thank you lang siya for doing a good job.” kibit balikat na pagsisinungaling ni Rob na kinagat naman ni Ian.


So nakuha niyo yung deal with the foreign investors?” manghang tanong ni Ian kay Rob.


Yes.” nakangiting sagot ni Rob.


Wow! That's great, Rob!” masayang saad ni Ian sabay wala sa sariling niyakap si Rob na agad naman nagtense ang buong katawan. Hindi ito nakaligtas kay Ian na agad binawasan ang higpit ng kaniyang pagkakayakap kay Rob at humakbang paatras.


Saglit na nagtama ang tingin ng dalawa. Napangiti si Rob nang makita niya ang pamumula ng pisngi ni Ian at ang paglikot ng mga mata nito na tila ba titingin na ito sa ibang bagay maliban sa kaniya.


Cute.” saad ni Rob sa kaniyang sarili sabay tinignan ulit Ian na namumula parin ang pisngi at hindi parin mapakali kaya naman mas minabuti na lang niya na ibahin ang usapan.


I'm sure you and Jase do it all the time.” saad ni Rob sabay aya kay Ian palabas ng ariport.


We only did it once.” sagot naman ni Ian sabay ngiti na tila ba ang naalalang iyon ay isa sa pinakamagandang alaala nila ni Jase.


Saglit ulit na tinitigan ni Rob si Ian at hindi nagtagal ay ibinaling narin ni Ian ang kaniyang tingin kay Rob.


Tell me all about it over dinner?” namumulang pisngi na tanong ni Rob kay Ian na agad bumakas sa mukha ang isang napakalaking ngiti.


000ooo000


AAAAARRRRGGGGGHHHHHH!!!!”


Get out!” singhal ni Jase sa isang lalaki na nagulat sa bigla niyang pagpasok sa kwarto na iyon.


Bernie stop being a drama queen!” singhal ni Cha sa lalaking kumukunsulta sa kaniya sabay tingin ng masama kay Jase.


I'm with a client, Jase.” balik naman ni Cha kay Jase na tila walang narining.


I said out.” singhal ulit ni Jase kay Bernie.


Fine you barbaric asshole.” mataray na balik ni Bernie na nakapagpahalakhak kay Cha pero tinignan parin ng masama si Jase.


Bakit ka nanaman nandito?” tanong ni Cha sabay taas ng kilay at kagat sa kaniyang napakalaking burger.


I want to understand something. Help me understand.”


Gustuhin ko mang tulungan ka Jase pero kung ang utak mo naman ay kasing gulo ng bulbol ni Bernie eh hindi ko alam kung hanggang saan kita matutulungan.” kaswal na balik ni Cha na lalong nakapagpakunot ng noo ni Jase. Hindi na lang niya pinansin ang pagiging weirdo ng kaibigan at itinuloy na lang niya ang paghingi ng tulong kay Cha.


I-It's Rob. I keep on feeling different emotions whenever he's around---”


Gusto mo pa ba siya?” walang modong singit ni Cha kay Jase na ikinainis naman ni Jase.


Can you just listen to me first?” iritable nang saad ni Jase kay Cha.


Look Jase alas onse na ng gabi. Kanina pa ako nakikinig sa problema ng sang kabaklaan, believe me when I say na napapagod din ang pulang lipstick ko. Hindi naman kita pinipigilan magsabi sakin it's just that alam ko na ang pinoproblema mo. Correct me if I'm wrong ha pero this is what I think na pinoproblema mo. You want to be close with Rob again pero he wont let you and now nakikita mo na may nagpapakita sa kaniya ng interes, pilit mong sinasabi sa sarili mo na OK lang pero nasasaktan ka, tama ba?---” simula ni Cha at nagtanong pero hindi na niya hinayaan pang sumagot si Jase.


Wow you're good.” namamanghang saad ni Jase kay Cha na tila ba binabasa ang kaniyang iniisip at nararamadaman.


Thank you---” simula muli ni Cha nang marinig ang papuri ni Jase.


---to add insult gusto mong magexplain sa ginawa mong kagaguhan before pero hindi ka na niya binibigyan ng chance. Ngayon tuloy lalo kang nawalan ng way para kahit papano ay magkaayos kayo tapos---” simula nanaman ni Cha. Sasagot na sana si Jase nang pigilan nanaman siya ng kaibigan.


---Tapos ayaw mo pang aminin sa sarili mo na nasasaktan ka ngayon. Nasasaktan na nga ayaw pang aminin sa sarili pero hihingi naman ng advise sa makapangyarihang lipstick ko.” pagtatapos ni Cha sabay kagat ulit ng malaki sa kaniyang burger na walang duda hapunan niya pa lang matapos ang mahabang araw. Nang ibubuka na ni Jase ang kaniyang bibig para magsalita ay inunahan nanaman siya ni Cha.


Isa lang naman ang sagot dyan sa tanong mo eh. Edi daanin mo sa santong paspasan. Pilitin mo siya. I-blackmail mo kung kinakailangan. He might not want anything to do with you but you can't change the fact that once in his gay life naging napakalaking bahagi ka ng buhay niya. Win him back kung ayaw niya ng gently edi by force.”


Di na nakasagot pa si Jase dahil nasabi na ni Cha ang lahat ng gumugulo sa kaniya at naamin narin niya sa kaniyang sarili ang kaniyang totoong nararamdaman, nasabi nadin ni Cha kung ano ang kaniyang dapat gawin kaya naman tumahimik na lang siya.


How did you know---?”


Try talking to the sangkabaklaan everyday. Tignan ko kung hindi mo ma-master ang mga problema ng tulad mo.” kibit balikat na sagot ni Cha sabay abot ng piraso ng burger kay Jase.


Burger?”


Thanks.” sabay abot sa inaalok na burger ni Cha.


Do you think santong paspasan will work?” tanong ni Jase.


If you make something work. It will work.” makahulugang sagot ni Cha na nakapagpatango na lang kay Jase.


000ooo000


Nakangiting gumising si Rob. Lahat ng taong kaniyang nadaanan, ka-close man niya o hindi ay binabati niya noong umagang iyon. Sa pangalawang pagkakataon kasi ay nagdate sila ni Ian at masasabi niya na kumpara sa mga nauna niyang naka-date o maski nakarelasyon ay maganda naman ang tinatakbo ng kanilang simula.


ROB!”


Ang siyang gumising kay Rob mula sa kaniyang masayang umaga. Kilala niya ang boses na iyon at kung ang nangyari kagabi sa airport ang gagawing dahilan ng maagang pagsigaw sa pangalan niyang iyon ni Jase ay alam niyang hindi maganda ang dahilan ng pagtawag na iyon.


Good mor---” simula ni Rob nang makapasok na siya sa opisina ni Jase na sa unang pagkakataon ay nakita niyang ubod ng gulo. Nagkalat ang mga papel sa sahig, may nakalagay sa loob ng kahon, may nakapatong sa ibabaw ng lamesa at pati narin sa upuan.


Bring your laptop here so we can start auditing all of these---” saad ni Jase sabay lahad ng kamay tinutukoy ang lahat ng papel na nadun sa loob ng kwarto.


Nanlaki ang mga mata ni Rob at inikot ito sa bawat sulok ng opisina ni Jase.


---and we have to finish this today.” pagtatapos ni Jase habang pinipigilan ang sarili na mapatawa sa reaksyon ni Rob.


Ngayon, hindi lang ang mga mata ni Roba ng lumuwa, pati narin ang kaniyang dila dahil sa pagkakanganga dahil sa sobrang hindi makapaniwala.


Sir, hindi po ba ito na-audit na ng mga accountants natin?” tanong ni Rob kay Jase na pinipigilan parin ang mapangiti sa inaasta ni Rob.


Oo at na-audit na iyon ng mga accountant ng kanilang kumpaniya at hindi naman sa hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga nasa departamentong iyon gusto lang niya talagang mapako si Rob sa kaniyang tabi maghapon, yung walang Ian na mangi-ngielam.


Yes, they already did.”


So bakit pa natin kailangang ulitin at sa dami nito sir hindi natin ito matatapos ngayon.” hindi parin makapaniwalang saad ni Rob.


Well if you're to shut your mouth and start working then maybe nakakalahati na tayo ngayon.” eksaheradong saad ni Jase na lalong ikinabahala ni Rob. Pero nagaalangan man ay tumalikod parin si Rob upang kunin ang kaniyang laptop at nagpakawala na lang ng isang malalim na buntong hininga.


000ooo000


Ito mukha ba itong na-encode ng mga accountants natin?” tanong ni Jase sabay abot ng papel kay Rob. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at umikot. Ngayon ay nakatayo na siya sa likuran mismo ng kinauupuan ni Rob. Tinignan ni Rob ang papel na tinutukoy ni Jase at binasa ito at dinobol check sa computer, hindi alintana ang kakaibang lapit ng katawan ni Jase sa kaniya.


Ito siya Sir oh.” walang ganang sagot ni Rob matapos madouble check ng ilang beses ang tinutukoy ni Jase.


Hmmm tingin ko nga?” balik naman ni Jase sabay abot ulit ng papel mula kay Rob, dito na napansin ng huli ang kakaibang lapit ni Jase sa kaniyang katawan. Agad na nagtense ang kaniyang buong katawan at hindi ito nakaligtas kay Jase na pinilit muli ang sarili na huwag ngumiti.


Oh. Sobrang tensed naman ng muscles mo.” inosenteng puna ni Jase sabay lapag ng papel na pina-check niya kay Rob at inilapat ang kaniyang magkabilang palad sa magkabila ding balikat ni Rob.


Ikaw kaya ang mag-audit ng isang kwarto na puno ng papel tignan ko kung hindi magtense ang buo mong katawan.” sagot ni Rob sabay iniwas ang kaniyang balikat mula sa nagmamasaheng mga kamay ni Jase pero sadyang malakas ang huli at nagpatuloy lang sa pagmamasahe sa tensionadong balikat ni Rob.


Hindi napigilan ni Rob ang mapapikit sa sarap ng pagmamasahe na iyon ni Jase.


Ehem.”


Agad na ibinaling ni Rob at Jase ang kanilang mga tingin sa gawi ng pinto. Agad na sumimangot si Jase nang makita niya ang kaniyang business partner at si Rob naman ay agad na tumayo sa sobrang lakas at bigla ng pagkakatayo ni Rob ay natumba ang may kabigatang upuan na kaniyang inuupuan may ilang saglit lang at dumagan ito sa paa ni Jase.


Shit!”


Oh shi--- I'm sorry sir.” nagaalalang saad ni Rob sabay ibinaling ulit ang kaniyang tingin kay Ian na nagtaas lang ng kilay.


I was just checking if you are ready to eat lunch---” simula ni Ian sabay ibinaling saglit ang tingin kay Jase na iika-ikang bumalik sa uuan sa likod ng malaking lamesa.


We are actually going to have a working lunch.” nakangiting saad ni Jase na agad namang nilingon ni Rob, walang nagsabi sa kaniya na maghapon pala talaga nilang gagawin yun.


Gusto sana kita ayain kaso dalawa lang yung na prepare ko. gusto mo bumili ka muna sa cafeteria tapos kainin mo din dito kasama namin.” pangaasar na saad ni Jase na ikinataas lalo ng kilay ni Ian.


I--” simula sana ni Rob kaso sumagot na si Ian.


Fine. Sa iba na lang siguro ako sasama maglunch.” saad ni Ian sabay talikod at naglakad ng mabilis palayo sa opisina ni Jase sa sobrang bilis ay hindi na ito nahabol pa ni Rob.


Seryoso na dito tayo kakain habang nag-a-audit?” tanong ni Rob pero isang malaking tupperware ng chicken sandwich saka chicken salad ang lumapag sa kaniyang harapan.


Ako naghanda niyan.” saad ni Jase sabay ngiti ng malaki na miya mo bata na proud na proud na pinapakita ang kaniyang pinaghirapang project sa kaniyang paboritong guro. Hindi napigilan ni Rob ang kaniyang inis na unti unting mawala sa kaniyang sistema at mapangiti narin kagaya ng ngiti ni Jase.


Thanks.” saad ni Rob sabay abot ng tupperware sa kaniyang harapan. Saglit niya pang nilingon si Ian pero talagang wala na ito doon, umaasa pa kasi siya na babalik si Ian na may dala ding tanghalian at kakain kasama nila. Nagbuntong hininga siya at binuksan ang tupperware. Dahan dahan niyang inilapit ang sandwich sa kaniyang bibig at kinagatan ito.


Wow this is good.” nakangiting saad ni Rob.


Thanks. You know you should really consider doing your own lunch. Kapag dyan sa labas ka kakain mapapagastos ka lang eh. At least kapag baon mo hindi ka na magiisip kung pano prinipare ang pagkain mo, hindi mo na iisipin kung gano ka mahal saka kung masarap ba yung pagkakaluto. Alam mo yun. It saves you all the hassle.” tuloy tuloy nanaman na saad ni Jase habang nakikinig si Rob at kumakagat sa kaniyang sandwich.


Ooops.” saad ni Jase sabay abot ng tissue at pinahiran ang tumulong mayo sa gilid ng bibig ni Rob.

Nagkatinginan ang dalawa. Ngumiti saglit si Jase at agad na umupo nang masigurong wala ng natirang mayo sa gilid ng bibig ni Rob.

Thanks.” saad ni Rob sabay namula ang mga pisngi.


ONE point for Jase.” nakangiting saad ni Jase sa kaniyang sarili.


Itutuloy...
Against All Odds
3[21]
By:Migs

6 comments:

  1. SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT PAGBABASA!

    ReplyDelete
  2. Haha dumadamoves na c jade.. ahem ahemm

    I like the chummy chummy term heheh..

    Thnkx migs. Ur the best

    ReplyDelete
  3. Thanks sa update.. Haha nice nice.. Mukhang ito na talaga. Haha ayayay!! 😂😂😂

    ReplyDelete
  4. Hahaha! Nice one! Update na po ulit!! Lol!!

    ReplyDelete
  5. May update na! Yeahey! Bukas ko na lang babasahin. May pasok pa ako bukas, hehe.

    ReplyDelete