Against All Odds 3[19]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Masugid na pinapanood ni Jase ang kaniyang dating kasintahan na si Ian habang masugid naman nitong pinapanood ang kanilang executive assistant na magpresent ulit sa harap ng mga board members. Alam niyang hindi malayong mapaibig ni Rob ang kung sino man at kaya naman hindi na siya nagtaka pa nang mapagtanto niya na ang pagtitig na iyon ni Ian sa kaniyang dati ring kasintahan na si Rob ay higit pa sa paghanga.


I'll have Rob as my executive assistant.” bungad ni Jase pagkatapos na pagkatapos ng presentation ni Rob.

Excuse me?” balik bulong ni Ian nang maisip maigi ang sinabi ni Jase sa kaniya.


Hindi parin pinapansin ni Rob si Jase at kung kakausapin man siya nito ay puro tungkol sa trabaho naman ang kanilang pinaguusapan at kung sa tuwing kakausapin naman ni Jase si Rob tungkol sa personal nilang problema ay agad na itong magpapaalam na meron siyang gagawin na lubos namang ikinadidismaya ni Jase.


I need him habang kinukuwa ko ang loob ng mga foreigners na magi-invest dito sa company natin.” saad ni Jase sabay kibit balikat, pilit tinatago ang totoong intensyon na paglalayo kay Rob mula kay Ian.


You handled them well nung nasa states pa tayo bakit mo pa kailangan si Rob ngayon.” saad nanaman ni Ian sabay tinignan ng mata sa mata si Jase.


Kasi sa tingin ko mas malaki ang makukuwa natin kung magtutulungan kami ni Rob.” balik naman ni Rob habang pilit na tinitignan din si Ian ng darecho sa mata, pilit na ipinapakita sa nauna na wala siyang ibang intensyon kahit pa meron naman talaga.


Papupuntahin at pasasamahin ko na lang siya sayo everytime makikipagusap ka sa mga foreigners pero kung hindi naman dito lang siya sakin.” mariin na saad ni Ian. Hindi na sumagot si Jase pero napatagal parin ang pagtitig niya kay Ian, unti unti na siyang kinakain ng inis.


Bakit ka naiinis, Jase?” tutya ng sarili niyang isip.


OK.” saad na lang ni Jase nang mapagtanto niyang kahinahinala na para kay Ian ang kaniyang kinikilos.


OK.” ulit ni Jase sabay tapik sa balikat ni Ian. Saglit pang tinignan ni Ian ang papalayong si Jase bago ibinaling ang kaniyang pansin kay Rob na noon ay nagaayos na ng kaniyang mga ginamit sa kaniyang huling presentation.


Naabutan niya pa itong nakangiti habang isinisilid ang external drive sa isang bag. Hindi nadin napigilan ni Ian ang mapangiti, alam niyang gustong gusto ni Rob ang kaniyang trabaho ngayon, may ere ito ng pagiging accomplished at masaya din siya para dito. Maliban sa pagiging masaya para sa kaniyang excutive assistant ay hindi narin niya mapigilan ang humanga dito. Kung tutuusin kasi ay mas marami pang alam si Rob sa pagpapatako ng isang kumpaniya kesa sa kaniya, importante ang mga suhestiyon nito at nagtitiwala si Ian sa lahat ng sinasabi nito.


Rob?” tawag pansin niya dito. Saglit na nabura ang ngiti sa mukha ni Rob pero agad din iyong bumalik nang makita niya na si Ian ang tumawag sa kaniya.


Want to go out with me?” wala sa sariling tanong ni Ian.


Nanlaki ang mga mata ni Rob at agad na namula ang pisngi at mabilis na iniwas ang kaniyang tingin kay Ian tanda na nahihiya ito. Agad namang napagtanto ni Ian ang kaniyang sinabi at agad ding namula ang pisngi, wala sa sarili niya ding inabot ang kaniyang buhok at hinawi ito na para bang inaayos ito gayung hindi naman ito magulo, tanda ng pagkapahiya.


I-I mean---uhmm---” simula ni Ian, pilit binabawi ang pagkakadulas. Muling ibinalik ni Rob sa kaniya ang pansin at inintay lang siya nitong magpatuloy sa pagsasalita.


Alam niya sa kaniyang sarili na lubos na siyang humahanga kay Rob, bukod sa pagiging matalino at magaling nito sa negosyo ay hinahangaan din ni Ian ang pagiging simple at mabait nito. Malayong malayo sa mga taong kaniyang mga naka-date noon pero hindi naman niya inaasahan na maibubulalas na lang niya ng ganun ang kaniyang paghanga at kagustuhang mai-date ito.


---uhmmm---gusto mo maglunch sa labas? Yu-yung food kasi sa cafeteria eh hindi ganun kasarap ngayon.” simula ni Ian sabay pakawala ng isang nahihiya at kinakabahang tawa. “---alam mo na malapit na ang weekend, medyo nauubusan na sila ng maihahanda.” pagtatapos ni Ian sabay hawi ulit ng kaniyang buhok at iniwas ang tingin palayo kay Rob na mataman lang siyang tinitignan, pilit na binabasa ang kakaibang kinikilos ng kaniyang boss.


Pareho paring namumula ang pisngi ng dalawa.


Sure.” mahina pero siguradong sagot ni Rob. Sagot na hindi inaasahan ni Ian gayong alam niya o nakakasiguro siya na tatanggihan siya nito, kung tutuusin ay hindi pa naman talaga sigurado si Ian sa orientation ni Rob.


Namumula parin ang pisngi ng dalawa.


It's just lunch, Ian. Masyado ka nanaman advance magisip.” saway ni Ian sa kaniyang sarili at nagpakawala na lang ng isang ngiti.


Sino ba naman ako para tumanggi sa libre.” pagbibiro ni Rob na ikinatigil saglit ni Ian. Itinuon niya ang tingin kay Rob na nakangisi lang ng nakakaloko habang binubuhat ang mga ginamit sa katatapos niya lang na presentation.


Napahagikgik si Ian sabay nilapitan si Rob para tulungan ito sa pagbubuhat.


KKB tayo.” humahagikgik paring sagot ni Ian na nakapagpangiti nanaman kay Rob. Nawala na ang hiya sa pagitan nilang dalawa.


Saglit na tinignan ni Rob ang pangaagaw ni Ian sa ilan sa kaniyang mga gamit at muling napangiti. Isa ito sa mga katangian ni Ian na gustong gusto ni Rob. Maliban sa pagiging matalino ay napakabait din nito, simula't sapul ay hindi siya nito tinuring na assistant kundi katrabaho, hindi nito pinaramdam na siya ang may ari ng kumpaniya na iyon.


Boss, ako na po ang magbibitbit ng mga yan.” saway ni Rob sabay abot sa mga bitbitin na agad iniwas ni Ian at ayaw ibigay sa nauna.


Hmmm 'boss' parang endearment lang.” napangiti si Ian sa kaniyang naisip.


Nope. Tutulungan na kita, dami dami mo ng dala--- boss.” nakangiti paring saad ni Ian. Napatigil saglit si Rob at tinignan ng mariin si Ian. Lalong namula ang pisngi nito.


Boss?” tanong ni Rob sa kaniyang sarili. Iniisip maigi kung tinawag ba siya ni Ian na boss at kung tama bang nakarinig siya ng tono ng paglalambing sa tawag na iyon sa kaniya ni Ian.


Pilit na ibinaon ni Rob ang kaniyang iniisip na ito sa kailaliman ng kaniyang isip. Pinipigilan ang sarili na mag-assume.


Kung sa tingin mo yang pagtulong mo sakin sir sa pagbubuhat ay pipilit sakin na magbayad ng kahit na kusing sa kakainin natin ngayong lunch ay nagkakamali ka. Tandaan mo, sir na ikaw ang nagaya.” balik patutsada ni Rob na ikinahalakhak ulit ni Ian.


000ooo000


So Boss, where to?” tanong ni Ian kay Rob na muling natigilan sa pagtawag sa kaniya na iyon ng nauna.


Nailagay na nila ang mga ginamit sa presentation ni Rob sa lamesa nito at naayos at naihanda na nila ang kanilang mga sarili upang kumain pero hindi parin sukat akalain ni Rob na seryoso pala ang kaniyang boss sa paanyaya nito.


Seryoso ka pala, Sir?” tanong ni Rob na nakapagpabura sa malaking ngiti ni Ian. Una dahil hindi ine-expect ni Ian na hindi pala naniniwala sa kaniya ang kaniyang assistant at pangalawa dahil hindi “boss” ang tinawag nito sa kaniya kundi “Sir”


Ayaw mo ba?” tanong Ian na hindi napigilan ang tono ng pagkadismaya sa tanong niyang iyon. Natigilan si Rob. Rinig na rinig niya ang pagkadismayang iyon sa tanong ni Ian, pilit na tinanong ang sarili kung ano ang dahilan ng pagkadismaya na iyon ng kaniyang amo at hindi nakaligtas ang tingin na iyon ni Rob kay Ian kaya agad na sinundan ng huli ang kaniyang naunang sinabi.


I-I mean may baon ka ba? May iba kang plans ngayong lunch---” simula ni Ian na agad na sinagot ni Rob upang maialis nanaman ang pagaalangan sa pagitan nilang dalawa.


Wala naman po. Akala ko kasi nagjo-joke ka lang kanina, sir.” walang alinlangang sagot ni Rob sabay pakawala ng isang malaking ngiti na siya namang nakapagpagaang ng loob ni Ian.


Hindi ako nagjo-joke sa pagaaya sayo na maglunch at lalong hindi ako nagjo-joke nung sinabi kong KKB tayo.” humahagikgik na saad ni Ian na nakapagpahagikgik din kay Rob.


Andaya. Ikaw kaya ang nagaya, Sir. Dapat libre mo.” saad ni Rob sabay naglakad pasunod kay Ian palabas ng kanilang opisina.


Asa.” nangingiti-ngiti paring saad ni Ian. Nage-enjoy sa saglit na pagbibiruan nilang iyon ni Rob.


Napailing pa saglit si Rob sakay tinignan ang kaniyang boss. Matagal na niyang alam ang pagiging mapagbiro nito, malayong malayo sa ibang mga boss ng mga matatagal at matagumpay ng kumpaniya na kala mo na Diyos kung maka-asta. Ang pagbibiruan ding iyon ay walang halong pagaalinlangan tulad ng nararamdaman niya tuwing nagbibiruan sila noon ni Ace.


Saglit niya pang tinitigan si Ian. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang kagaan ang loob niya dito pero imbis na masagot ang sariling tanong ay namangha pa siya sa aking kagwapuhan ni Ian. Ang makinis at maputi nitong balat na ngayon niya lang din nakita na may mamulamulang bahid sa mga pisngi, ang magaganda nitong mga mata na naniningkit dahil sa sobrang pagkakangiti, ang pantay pantay nitong mga ngipin na daig pa ang mga commercial model ng toothpaste.


Ang gwapo.” wala sa sariling saad ni Rob na siyang nakapagpatigil kay Ian sa paglalakad na siyang naging dahilan upang sumalampak si Rob sa kaniyang likuran na masugid na nakasunod sa kaniya, nagulat sa biglaang pagtigil ng boss niya sa paglalakad.


Anong sabi mo?” nangingiting tanong ni Ian kay Rob na namula na parang kamatis ang buong mukha dahil sa kahihiyang nararamdaman.


Ahh---eh--- ang sabi ko andaya talaga. Kasi parang date lang yan eh. Kung sino yung nagaya makipagdate siya ang magbabayad.” wala sa sariling saad ni Rob na sa sobrang kagustuhang makabawi sa kaniyang unang inusal ay kung ano ano nanaman ang nasabi.


Muling humarap si Ian kay Rob at tinignan siya nito ng mabuti habang palaki ng palaki ang matamis na ngiti nito sa kaniyang mukha.


Fine. Ililibre kita---” simula ni Ian matapos ang ilang sandali na nakapagpakalma kay Rob.


---sa isang kundisyon---” pambibitin ni Ian na nakapagpakaba kay Rob.


A-anong kundisyon po, sir?” kinakabahang tanong ni Rob.


Na tatawagin mo akong boss lagi instead of sir---” simula ni Ian at muling nambitin.


Gusto ko yung boss ang tawag mo sakin dahil parang endearment natin yung sa isa't isa.” pagpapatuloy ni Ian sa kaniyang isip saka muling napangiti.


And this lunch will serve as our first date.”


000ooo000


Asan si Rob hindi daw sasabay satin kumain?” tanong ni Star sa isa pa nilang kasamahan sa trabaho habang bumababa ang elevator papuntang Cafeteria. Saktong nandun din sa loob ng punong elevator na iyon si Jase na hindi napigilan ang sarili na makinig sa pinaguusapan ng dalawang empleyado.


Ewan ko lang kung nasaan yun. Nakita ko kanina inaaya siya ni Sir Ian na kumain sa labas eh.” makahulugang saad ng babaeng kausap ni Star. Ngumiti ito at halatang pinipigilan ang sarili na kiligin. Hindi man ito napansin ng ibang mga taong nandun sa loob ng elevator ay hindi naman ito nakaligtas kay Jase na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay binalot ng sobrang galit.


000ooo000


So why did you resign sa previous company mo? I heard it's one of the best new companies here in the Philippines.” wala sa sariling tanong ni Ian kay Rob na agad na natigilan. Alam niyang hindi niya nabanggit noong iniinterview pa lang siya ni Ian noon ang katotohanan sa nangyari sa kanila noon ni Ace at alam niyang ito na marahil ang magandang panahon upang sabihin dito ang totoo.


Actually I didn't re---” simula ni Rob matapos mapagpasyahan na sabihin na kay Ian ang totoong nangyari kung bakit siya umalis o napilitang umalis sa kumpaniya nila ni Ace dati.


NAKITA KO DIN KAYO---” may kalakasang saad ng isang lalaki na halos ikatalon ni Ian at Rob sa gulat. Masama ang tingin na ibinato ni Ian kay Jase na kahit hindi iniimbitahan na saluhan sila sa pagkain eh makapal parin ang mukha na kumuwa ng isang upuan sa isa sa mga kalapit na lamesa at inilipat iyon sa lamesa nila at umupo. May nakakaloko itong ngiti na ikinainis ni Ian at ikinatameme naman ni Rob at ikinatungo pa nito.


--kanina ko pa kayo hinahanap! Di niyo naman sinabi na magla-lunch out kayo---”


Actually this is a date, Jase at nakakaistorbo ka.” walang pagaalinlangan na bara ni Ian kay Jase na saglit na natigilan.


Agad na nagtaas ng tingin si Rob. Nakita niyang nagtititigan ang dalawa. Mata sa mata at walang nagpapatalo. Biglang nanikip ang dibdib ni Rob nang maalala niya ang sinabi nila star noong mga unang araw niya pa lang sa trabaho, noong hindi niya pa kilala kung sino ang kapartner ni Ian sa kumpaniya na iyon.


Mag ex sila. Sabi umuwi si Ian dito at dito nagtayo ng business sa Pinas para maka-move on dun sa ex niya.”


Nanikip ang dibdib ni Rob dahil ngayon niya lang naisip na habang nasasaktan siya dito sa Pilipinas noong pumutok ang issue sa pagitan nila ni Ace at noong hinahanap niya si Jase upang masandalan ay nasa US pala ito at nagpapakasasa kay Ian at mas masakit pa ay mukhang hindi parin nakaka-move on ang dalawa sa isa't isa habang nagpapalitan ng tingin ang dalawa sa kaniyang harapan.


E-excuse me.” saad ni Rob sabay tayo at naglakad palayo.


Rob, wait---” simula ni Ian pero hindi na siya pinatapos ni Rob at tuloy-tuloy na itong lumabas ng restaurant.


000ooo000


Nakita ni Rob ang sarili na naglalakad magisa pabalik ng opisina. Iniisip na kahit kailan talaga ay hindi nanawa ang tadhana na ipamukha sa kaniya na hindi totoo sa kaniya ang “true love” na katulad ng trendig na kasabihan ngayon sa mga kabataan na “walang forever” ay sadyang naaayon sa kaniya. Nakayuko siyang pumasok ng opisina kaya naman hindi niya napansin ang excited na excited na si Star na patakbo siyang sinalubong.


Rob!” sigaw nito sabay hila papunta sa pantry.


Musta ang date with sir Ian?” tanong ni Star nang ma-i-taboy na niya ang mga kumakain sa loob nito at ma-i-lock na ang pinto.

D-date?”

Wag ka ng mag-deny. Alam naman namin na lumabas kayong dalawa ni Sir Ian para mag-lunch and someone heard Sir Ian na that lunch out is a date.” kinikilig at tila naiihing saad ni Star. Napailing na lang si Rob at walang anumang sinabi na lumabas ng pantry.


Rob! C'mon! I want details!” singhal ni Star habang lumalabas si Rob ng pantry.


There was no date thus there's no details to spare.” kibit balikat na saad ni Rob sabay balik sa kaniyang lamesa upang magpatuloy sa pagtratrabaho.


Habang itinutuloy ang naiwang trabaho bago mag lunch break ay hindi mapigilan ni Rob na makaramdam ng gutom. Isang tinapay at isang tasa ng kape lang ang laman ng kaniyang tiyan kaninang umaga bago pa man magsimula ang meeting at dahil sa pangingeelam ni Jase kanina sa kanila ni Ian habang nagla-lunch ay hindi narin siya nakakain.


Pero ang pagkagutom niyang iyon ay nabura nang muling pumasok sa kaniyang isip ang nangyari at nang muling nanikip ang kaniyang dibdib. Hindi niya mapigilang maisip kung saan siya mas nasaktan. Ang katotohanang gusto pa ng lalaking kaniyang nagugustuhan noon ang lalaking akala niya noon ay ang taong para sa kaniya na o ang katotohanang na ang lalaking akala niya na makakasama niya habang buhay noon ay isinasaisang tabi lang ang kanilang nakaraan ng ganon ganon lang.


Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at ibinaling na lang ang kaniyang mga nararamdamang iyon sa pagtratrabaho. Nang sa wakas ay muling nalunod ng kaniyang trabaho ang mga nangyari nung tanghalian ay biglang may lumapag na isang malaking sandwich sa kaniyang lamesa. Nagtataka niyang itinaas ang kaniyang tingin at naabutan niya si Ian na naglalakad palayo sa kaniyang lamesa at papasok na sana sa opisina nito nang harangin lang ito ng isa sa mga major investors.


Habang nakikipagusap si Ian ay hindi niya ito mapigilang titigan, marahil ay naramdaman ni Ian ang pagtitig na iyon ni Rob kaya naman nang sulyapan niya ito ay nagpakawala ito ng isang ngiti at kumindat.


Agad na namula ang pisngi ni Rob. Hindi alintana na sa kabilang dako ng malawak na floor na iyon ay pinapanood ni Jase ang palitan nilang iyon ni Ian. Agad muling yumuko si Rob at muling itinuon ang kaniyang pansin sa trabaho pero hindi nagtagal ay ang telepono naman niya ang kumuwa ng kaniyang pansin.


Sorry kung hindi ka nakakain ng lunch because of me. Kainin mo na po itong sandwich na ito para at least magkalaman yang tyan mo. -_-”


Hindi mapigilan ni Rob ang mapangiti. Muli sana niyang ibabalik ang kaniyang pansin sa kaniyang trabaho nang magrebulusyon na naman ang kaniyang sikmura, isang palatandaan na hindi na muli pang makakapagintay ang kaniyang tiyan na malagyan ng pagkain. Umiiling siyang tumayo at nagtungo sa pantry upang doon kainin ang kaniyang sandwich.


Nang makaupo na siya sa isa sa mga upuan sa pantry ay hindi niya napansin ang tahimik na pagpasok ni Jase at ang paglapit nito sa kaniya.


OK pa ba ang passport mo?” biglang pagsasalita ni Jase na ikinagulat ni Rob na nagresulta sa pagkalaglag ng sandwich sa maruming sahig ng pantry.


Napabuntong hininga na lang si Rob. Isa dahil sa nasayang na pagkain at ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang sariling sikmura ng “tanga” pangalawa ay ang di pangkaraniwang pagkakalapit ng katawan nila ni Jase. Upang makaiwas kay Jase ay agad niyang pinulot ang nalaglag na lunch at tinapon ito sa basurahan. Alam ni Rob na sa bawat kilos niya parin nakatuon ang pansin ni Jase kaya naman ibinaling na lang niya ang pansin sa kahit anong madapuan ng kaniyang tingin wag lang sa mga magagandang mata ni Jase.


O-Opo.” magalang na sagot ni Rob, hindi kinakalimutan na sa kabila ng nakaraan nila, sa kabila ng pananakit nito sa kaniya ay boss niya parin ito na dapat respituhin.


Good. You're coming with me sa Singapore tomorrow.” saad ni Jase sabay talikod. Wala nang ibinigay na iba pang instructions at wala na itong binigay pa na ibang paliwanag.


Sir---” simula ni Rob pero hindi na siya pinagsalita ni Jase dahil muli itong nagsalita.


Here. You can eat my lunch.” sabat ulit ni Jase sabay lapag ng isang tupperware sa ibabaw ng lamesa sabay lakad palabas ng pantry, papunta sa opisina nito. Dahil sa gutom ay kinalimutan na ni Rob ang kaniyang pride at lumapit sa tupperware na iniwan ni Jase.


Sorry.”


Isang simpleng paumanhin na nakasulat sa isang post it na idinikit sa takip ng tupperware na iyon. Alam niyang ang paghingi ng tawad na iyon ay hindi sa pagiwan sa kaniya ni Jase noon. Tanggap na niya na wala lang ang namagitan sa kanila noon kaya naman inisip na lang niya na ang “sorry” na iyon ay para sa pangiistorbo nito sa lunch nila Ian.


Binuksan niya ang tupperware at hindi mapigilang mapangiti. Shawarma ang laman nito. Ang isa sa mga putahe na gustong gusto niya sa restaurant na pagmamayari ng pamilya ni Jase. Tahimik niyang kinain ang shawarma, hindi mapigilang maisip na hindi parin nagbabago ang pagkakaluto nito at naisip na buti pa ang ibang bagay hindi nagbabago. Muling umiling si Rob at nang maubos na ang pagkain ay saka niya nilinis ang tupperware na pinaglagyan ng shawarma. Iniwan niya ito sa pantry at nilagyan ng isa ring note.


Thanks.”


Nang makabalik sa lamesa ay nakita niya ang isang bulungkos ng papel na nakastapler lang upang hindi magkahiwa-hiwalay. Andun ang isang ticket ng eroplano at flight details nito saka isang invitation sa isang business convention sa Singapore asa invitation lahat ng tatanungin niya sana kay Jase kanina.


Muling nagbuntong hininga si Rob.


Itutuloy...


Against All Odds
3[19]
By:Migs

Comments

  1. sorry sa late post and thanks sa mga patuloy na sumusuporta. I'd still want to read your insights though! yun kasi yung nagmo-motivate sakin eh. to theresellama- yes I'll do a first person POV next. i promise. :-) sana marunong pa ako. ;-) i love you guys!

    ReplyDelete
  2. Bawi dapat! Next chapter

    ReplyDelete
  3. Yey! Finally meron na! Worth the wait ang back to back chapters! Thanks author!

    Ivan

    ReplyDelete
  4. The story keeps getinh better and better :)

    -Chris-

    ReplyDelete
  5. Thanks author! Tagal ko to inantay. Kala ko wala ng kasunod! Thanks sa update sana meron na agadagad hehe

    ReplyDelete
  6. Haii finally! Tagal ko hinintay toh.. Hahaha sana mas mahaba na sa susunod paps.. Haha
    Pero naawa tlga ako kay rOb sana mabalik na ung confidence and looks nia na nawala dahil kay ace. That dork! Haha love triangle ang peg nila ian jase at rob.. So exciting.. Hehehe ano kaya mangyayari aa SG? Hahahaha

    ReplyDelete
  7. Paganda ng paganda at pakilig ng pakilig! Ang ganda Migoy! Keep it up!

    ReplyDelete
  8. I hate ace!
    I love ian
    I adore rob
    To jase? no comment.

    ReplyDelete
  9. Mixed emotions!
    Gusto ko yung character ni ian pra kay rob! Knight in shining armor Ang peg pagdating sa lovelife. Hoho.

    No second chance for jase unless mapatunayan nya ma he deserves it! Hoho

    Gondo ng flow ng story! Hoho

    ReplyDelete
  10. Shemay!!! Ayan na ang ALAMAT NG SHAWARMA!!! future business nilang dalawa. Gusto kong manuntok sa kilig langya!!! Jase utang na loob, bumawi ka, BUMAWI KA SA LAHAT NG ATRASO MO KAY ROB. HAHA. aaaaaaamazing!

    ~maharett

    ReplyDelete
  11. Isang taon din ako di nakadalaw sa blog mo Sr. Migs. Nakakatuwang makita na may bago ka na namang kwento. Sana kahit twice a month ang update. Hehe :D

    ReplyDelete
  12. kamusta na migs...pasensya na kana ngayon lang ako naka comment medyo busy..pero lagi ako nadalaw dito sa blog mo..di lang ako maka comment alam mo naman..hehe..actually gusto ko talga yung mga against all odds mo na mga series...kaya lang talagan nakakamiss yung POV kasi parang bumabalik yung CP iniisip ko na lang na fictional continuation sa akin..hahaha..lovelots migs,ingat lagi.. -theresellama

    ReplyDelete
  13. oohh so that's how it is now.. author ahh ang galing sa symbolism ahh


    so sandwich vs shawarma na ang labanan,

    pero nalaglag ang sandwich at kinain yung shawarma..is this a sign?? wag please... I'm rooting for Ian :))))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]