Against All Odds 3[20]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Muling nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Rob na nagdulot sa kaniyang mga salamin upang mag moist. Lalong humaba ang kaniyang nguso sa nangyaring ito at lalong sumalampak ang kaniyang puwetan sa steps ng kanilang building, hinihiling na sana ay bukas ang kanilang building para kahit papano ay makapagpahinga sana siya maski sa lobby. Maaga siyang umalis ng kaniyang bahay para lang makarating sa tamang oras ayon sa instructions na iniwan ni Jase sa kaniyang lamesa pero mag-i-isang oras na ay wala parin si Jase.


Saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at hindi mapigilan ang sarili na isipin na hindi ata talaga magandang ideya ang pagstay sa kumpaniya na iyon. Dahil sa pagpikit na iyon ay hindi napansin ni Rob ang pagparada ng isang magandang kotse hindi kalayuan sa kaniya.

Sa loob ng sasakyan ay inis na inis naman si Jase sa kaniyang sarili. Kahapon pa niya natanggap ang isang mensahe mula sa airline na ma-ca-cancel ng ilang oras ang kanilang flight pero hindi na niya agad ito nasabi kay Rob dahil nakauwi na ito. Wala rin siyang makuwanan ng numero nito para itext dahil lahat ng nakakaalam ng number nito ay nakauwi nadin kaya naman ipinangako na lang niya sa kaniyang sarili na pupunta siya ng maaga sa opisina at hihingi ng tawad kay Rob pero hindi nanaman tumunog ang kaniyang alarm clock at ngayon may isang oras ng nagiintay si Rob sa harapan ng opisina na magisa.


Tsk.” inis na saad ni Jase saka mabilis na bumaba ng sasakyan, papalapit na sana siya at pauulanan na sana niya ng sorry si Rob nang marinig niya ang pagtunog ng telepono nito. Sa gilid ay kitang kita ni Jase ang dahan dahang pagdilat ng tila ba pagod na pagod na mga mata ni Rob. Lalo tuloy nakunsensya si Jase pero ang pangungunsensya na iyon sa kaniyang sarili ay agad na napalitan ng pagkalito at pagkainis. Pagkalito nang makita niyang balutin ng isang magandang ngiti ang mukha ni Rob at pagkainis nang marinig niyang bigkasin ni Rob ang pangalan ng kausap niya sa telepono na nagdulot dito na ngumiti ng ganung kaganda.


Sir Ian--- I-I mean boss...” at pagkasabi na pagkasabi nito ni Rob ay kitang kita ni Jase na namula pa nga ang pisngi nito.


Lalong binalot ng inis si Jase.


Ehem.” paglilinaw ng lalamunan ni Jase na umaarteng tila ba may nakabara sa kaniyang lalamunan na ikinagulat ni Rob. Nang makabawi sa pagkakagulat ay agad na naningkit ang mga mata ni Rob at binalot din ito ng inis.



I'm sorry boss but I have to go---” saad ni Rob sa kaniyang kausap na hindi na kailangang hulaan ni Jase kung sino. Nangunot ang noo ni Jase nang makita niyang tumalikod pa si Rob at pabulong na nakipagusap kay Ian, walang duda na ayaw iparinig sa kaniya ang kanilang pinaguusapan pero nangahas parin si Jase na lumapit kay Rob.


---uhmmm yeah he's here---” simula ni Rob, hindi alintana na nasa likuran niya si Jase at nakikinig sa usapan nila.


Hindi mapigilan ni Jase ang mapailing. Hindi niya alam kung bakit pero wala sa sarili niyang inilagay ang kaniyang malapad na palad sa kaniyang dibdib. Hindi inaasahan na masaktan sa sinabing iyon ni Rob. Isa na lang siyang pangkaraniwang “he” sa buhay ni Rob ngayon, malayong malayo sa tono ng paghanga nito sa kaniya noon.


I'll call you later, boss. Bye.” sabi ni Rob sabay talikod upang balikan si Jase kaya naman laking gulat nilang dalawa nang halos magkadikit na ang kanilang katawan. Hindi alam ni Rob na nasa likod na pala niya si Jase at nakikinig sa usapan nila at hindi rin naman alam ni Jase na biglang puputulin ni Rob ang usapan nila ni Jase at biglang haharap sa kaniya.


Nagtama ang kanilang mga tingin. Sa unang pagkakataon matapos siyang biglang iwan ni Jase ay muling nakita ni Rob ang magagandang mata na iyon ni Jase ng malapitan. Mga magagandag mata na siyang nagpapakita ng kung anong nararamdaman ng may ari nito. Hindi naman alam ni Jase ang kaniyang nararamdaman ngayon habang magkaharap sila ni Rob, gusto niya itong yakapin pero namumutawi parin ang kaniyang inis sa narinig na usapan nila ni Ian.


Nakita ni Rob ang inis sa mga mata ni Jase. Emosyon na nagpaalala sa kaniya ng kaniyang sariling inis sa taong kaharap.


You're late.” inis na simula ni Rob sabay iwas sa sobrang lapit na katawan ni Jase na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ikinadismaya ni Jase at matapos ang inisyal na pagkadismaya na naramdaman na iyon ay muling binalot ng inis ang huli.


It's not my fault that the stupid flight got moved.” maanghang na balik ni Jase na nakapagpakulo naman sa dugo ni Rob.


You could've called---!” sigaw ni Rob sabay tingin kay Jase. Muling nagtama ang tingin ng dalawa. Walang ibang makikita ang dalawa sa mga mata ng bawat isa kundi inis.


I would've if I know your number!” balik naman ni Jase na ikinatameme ni Rob sabay walk out pero agad na pinigilan ni Jase ang nauna sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa braso nito.


Talk to me like that and I'm going to fire you! Di porke chummy chummy kayo ni Ian ay palalagpasin ko ang ugali mo.” buong pait na deklara ni Jase sabay marahas na binitawan ang braso ni Rob at nagwalk out. Natigilan si Rob. Tama si Jase sa huling sinabi nito. Lumagpas na siya sa kaniyang mga limitasyon. Inuna niya ang kaniyang init ng ulo imbis na magpakapropesyonal.


Kalma Rob. Kalma lang.” saad niya sa kaniyang sarili sabay pinulot ang kaniyang mga gamit at mabigat ang loob na inilagay ito sa trunk ng sasakyan ni Jase at sumakay sa likurang bahagi nito.


Ano ako driver mo?!” singhal ni Jase mula sa driver's seat. Muling pinakalma ni Rob ang kaniyang sarili at lumabas muli ng sasakyan at lumipat sa passenger's seat.


Hindi alam ni Jase kung bakit pero tila ba magic na nawala ang kaniyang nararamdamang inis at napalitan ito ng isang emosyon na hindi niya maipaliwanag. Tila ba ang pangiinis niya pang iyon lalo kay Rob at ang pagbibingi-bingihan nito na para bang nagpapahaba pa ng pasensya ay nagdudulot sa kaniya ng saya.


Kaya naman lalo pa niya itong ininis.


Our flight was moved ng 10am. It's 6am so we'll stay at the airport's waiting area for four hours pa.” panunudyo ni Jase. Alam niyang hindi gugustuhin ni Rob na ma-stuck kasama siya sa loob ng apat na oras matapos ang pangiinis niya dito.


Great.” saad ni Rob sa kaniyang sarili saka nagbuntong hininga at itinuon ang pansin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi nakaligtas kay Jase ang pagbuntong hininga na iyon ni Rob.


I'm sorry did you say something?” tanong ni Jase kay Rob na umiling lang.


Wala po akong sinasabi, Sir. saad ni Rob. Pinilit ni Jase na huwag mapatawa sa narinig na pigil na sarcasm sa sinabing iyon ni Rob.


Good.” mahanging saad ni Jase na nakapagpairap kay Rob.


000ooo000


Puno ng mga pasahero na na-cancel ang flight ang waiting area ng airport. Gustong gusto na ni Rob na maupo dahil sa antok at ganun din si Jase dahil hindi pangkaraniwan sa kaniya ang gumising ng ganung kaaga. Pero kahit anong lingon nilang dalawa ay wala silang makitang upuan kundi ang dalawang upuan na magkadikit na saktong sakto lang sa kanilang dalawa.


Great.” bulong nanaman ni Rob na tahimik na nakapagpahagikgik kay Jase. Walang nagawa si Rob kundi ang tumabi na lang din kay Jase.


Ilang saglit pa at natapos na ni Jase ang kaniyang binabasang mga kontrata. Tinignan niya ang kaniyang relos at may dalawang oras pa silang magiintay ni Rob. Ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Rob na nakatulog na pala sa kaniyang tabi. Dahan dahan ng humihilig ang ulo nito at kung hindi ito pipigilan ni Jase sa paghilig ay masakit na tatama ang ulo nito sa bakal na sandalan ng gang chair na iyon kaya naman wala sa sariling inilapit ni Jase ang kaniyang balikat at sakto namang dito na napahilig ang ulo ni Rob.


Hindi niya napigilang mapangiti nang marinig niyang nagpakawala ulit ng malalim na buntong hininga si Rob habang nakahilig na natutulog sa kaniyang balikat na tila ba kuntentong kuntento sa kaniyang paghilig na iyon sa maskuladong balikat ni Jase.


000ooo000


Sir.” gising ng isang ground crew kay Jase.


Dahan dahang ibinuka ni Jase ang kaniyang mga mata at naabutan niyang nakadungaw ang isang magandang ground crew. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mabigat na bagay sa kaniyang balikat at doon naabutan niya parin na nakahilig ang ulo ni Rob. Hindi niya mapigilang mapangiti.


Awww! Ang cute!” kinikilig na saad ng ground crew na ikinamula naman ng pisngi ni Jase.


Sorry sir ha. Gustuhin ko mang panuorin pa ang pagiging cute niyong dalawa pero kasi mukhang boarding na po kayo. Baka maiwan kayo ng eroplano.” nakangiti paring saad ng ground crew na sinagot na lang ni Jase ng isang matipid na pagtango.


Nang makatalikod na ang ground crew ay muling ibinaling ni Jase ang kaniyang pansin sa natutulog paring si Rob. Tulad ng ground crew ay ayaw niya ring gisingin si Rob, sa oras kasi na gumising na si Rob ay hinding hindi na muli ito lalapit sa kaniya ng katulad noon, hindi niya alam kung dahil sa ginawa nito sa kaniya noon o dahil naaasiwa ito sa kaniya bagay na nakakapagpalungkot sa kaniya.


Kasalanan mo naman kasi talaga.” saad ni Jase sa kaniyang sarili.


Muling umalingawngaw ang numero ng kanilang flight, tinatawag ang pansin ng mga pasaherong hindi pa nakakasakay ng eroplano. Wala na tuloy nagawa si Jase kundi gisingin si Rob. Dahan- dahan niyang dinungaw ang mukha ni Rob at hindi nanaman niya mapigilang mapangiti. Hindi niya maiwasang isipin kung gaanong hindi parin nagbabago ang napakaamong mukha ni Rob.


Rob.” tawag pansin ni Jase sabay marahang inuga ang braso ni Rob. Dahan dahan itong nagbukas ng mata, nung una ay hindi niya pa napansin kung gaano kalapit ng mukha ni Jase sa kaniyang mukha dahil tanging nagfocus lang ang kaniyang tingin sa magagandang mata ni Jase at sa mapulang nakangiting labi ng dating kalaguyo.


Rob, boarding na tayo.” saad ulit ni Jase na tila ba gumising sa buong pagkatao ni Rob. Agad na inalis ni Rob ang pagkakahilig ng kaniyang ulo sa matipunong balikat ni Jase, sa sobrang bilis ay halos ikahilo na niya ito at upang makabawi sa nakakahiyang tagpo na iyon para sa kaniya ay wala sa sarili na lang na inilihis ang kaniyang pansin sa kaniyang mga gamit, tumayo at plinatsa na lang niya ang kaniyang damit gamit ang kaniyang magkabilang palad.


Anong iniisip mo, Rob at talaga namang ginawa mo pang unan si Jase? Yung boss mo? Yung taong nangiwan sayo noon?! Yung taong umaasta na parang walang namagitan sa inyo noon!” galit na saad ni Rob sa kaniyang sarili habang iniisip ang nakakahiyang tagpo na ginawa niyang iyon.


Sorry.” ang tanging matipid na salita na naibulalas ni Rob na nakapagpailing kay Jase, pilit na ibinubunton sa pagiling na iyon ang sakit na nararamdaman sa biglaang paglayo sa kaniya ni Rob na para bang may nakakahawa siyang sakit.


Nagpakawala na lang din ng isang buntong hininga si Jase at saka dismayadong sinundan si Rob papunta sa gate kung saan sila papasok.


Kasalanan mo naman kasi.” saad ni Jase sa kaniyang sarili.


000ooo000


Ayos.” nakangiting saad ni Jase habang lumalabas sila ng board room ni Rob. Hindi muli sumagot sa sinabing ito ni Jase si Rob na umarteng inaayos at sinisiguro na nandun lahat ng ginamit nila sa resentation sa mga foreign investors wag lang magkaroon ng paguusap sa pagitan nilang dalawa ni Jase.


Nakakuwa tayo ng major shares.” nakangiting saad ulit ni Jase, umaasa na sa sinabi niyang iyon ay magkakaroon kahit maliit lang na usapan sa pagitan nilang dalawa. Pero nabigo siya.


Congratulations.” walang emosyon na saad ni Rob na lalong ikinalungkot ni Jase.


Wala sa sariling inabot ni Jase ang braso ni Rob upang pigilan ito sa paglalakad papalayo.


Rob wait.”


Agad na nagtense ang buong katawan ni Rob. Rinig na rinig niya ang pagmamakaawa sa sinabing iyon ni Jase, walang duda na sa puntong iyon nila paguusapan ang kung ano mang nangyari sa kanila noon. Napapikit si Rob. Hindi pa siya handa. Masyado siyang nasaktan noon. Masyadong maraming nangyari.


I-I I j-just want to explain. Yung t-tungkol sa nangyari noon.” simula ni Jase pero hindi siya pinakinggan ni Rob.


I thought that this is a business trip nothing more nothing less?” walang emosyon paring saad ni Rob na lalong nakapagpakaba kay Jase.


Di ko lang kasi nagugustuhan yung atmosphere sa pagitan nating dalawa---” natigilan saglit si Rob sa sinabing ito ni Jase saka nagpakawala ng isang pekeng tawa na ikinakunot ng noo ni Jase.


Sir yung atmosphere na sinasabi niyo sir is just US being professional. Besides wala naman po tayong dapat pagusapan diba? Wala naman pong nangyari noon na dapat pang pagusapan.”


Natigilan si Jase sa sinabing ito ni Rob at hindi na siya nakapagsalita pa. Kinuwa naman itong opportunity ni Rob upang maiparating ang kaniyang gustong mangyari.


I actually like the atmosphere right now. Do me a favor and let's keep it that way.”


000ooo000


Hanggang makasakay sila ng eroplano pabalik ng Pinas ay hindi nagkikibuan sila Rob at Jase. Si Jase tila ba sumuko na sa paghahangad na magkalapit muli sila ng loob ni Rob at si Rob naman na mas natatahimik ang kalooban kung may espasyo sa pagitan nila ng dating kalaguyo. Hindi nagtagal ay muling dinalaw ng antok si Rob at hindi nga rin nagtagal ay muling sumandal ang ulo nito sa balikat ni Jase.


Gustuhin man ni Jase na hayaan si Rob sa ganuong itsura ay muling pumasok sa kaniya ang pinagusapan nila kanina matapos ang presentation nila sa mga foreign investors. Kaya naman mabigat ang loob niyang ginising si Rob.


Wha--?” tanong ni Rob sa marahang paggising sa kaniya ni Jase at nang magdilat ng tuluyan ang kaniyang mga mata ay agad itong nanlaki, mabilis ding namula ang mga pisngi ni Rob na kung sa ibang pagkakataon ay talaga namang makakapagpangiti kay Jase.


Let's keep it professional.” malamig na saad ni Jase na lalong ikinamula ng mga pisngi ni Rob sabay mabilis na umupo ng darecho, hindi maikakaila na napahiya.


Simula noon ay kahit antok na antok na sa mahabang biyahe na iyon si Rob ay pinilit niyang huwag makatulog. Habang si Jase naman ay nakalagpas na sa pagkainis kay Rob at hindi na niya ngayon maiwasang maaliw sa ikinikilos ni Rob, halatang halata kasi na hindi ito mapakali at inaaway nito ang kaniyang sarili kung bakit siya napasandal nanaman sa balikat ni Jase. Pinigil niya ang sarili na mapangiti lalo pa sa tuwing makikita ni Jase sa gilid ng kaniyang mga mata si Rob na pinipilit ang kaniyang sarili na huwag makatulog at pinipilit ang kaniyang mga magagandang mata na dumilat.


Pero likas na antukin si Rob sa tuwing mapapapirmi ito ng walang ginagawa sa isang upuan ay siguradong makakatulog ito kaya naman hindi na nagtaka pa si Jase nang makatulog nanaman ito pero sa pagkakataon na ito ay hindi na ito nakasandal kay Jase at naghe-head bang ito na lalong ikinailing ni Jase at hindi na napigilang mapahagikgik.


Professional pala ha. Ayan edi sumakit ang batok at ulo mo ngayon kaka-headbang.” saad ni Jase saka muling tumawa ng mahina.


000ooo000


Nagising si Rob dahil sa marahang pagyanig ng buong eroplano na kanilang sinasakyan. Yun pala ay lumapag na eroplano sa paliparan ng Manila at ilang sandali na lang ay maaari na silang bumaba mula sa eroplano. Inayos ni Rob ang kaniyang pagkakaupo pero hindi nagtagal ay wala sa sarili niyang inabot ang kaniyang batok at hinimas himas ito. Naningkit ang kaniyang mga mata nang makarinig siya ng isang marahang paghagikgik sa kaniyang tabi.


Something funny--- in GQ cars?” naniningkit matang tanong ni Rob kay Jase nang basahin niya ang pamagat ng binabasa nitong magazine para malaman kung dahil ba sa binabasang nito kaya tumatawa si Jase. Agad namang sumeryoso si Jase upang hindi lalo mahalata ni Rob na siya ang tinatawanan ng huli.


No---uhmmm” simula ni Jase habang pinipigilan parin ang sarili na mapatawa pero hindi niya parin maitago ang pagngiti.


---uhmmm sorry---” pagtatapos ni Jase habang tinatago ang kaniyang pigil na ngiti.


Asshole.” bulong ni Rob sabay tayo at inabot ang kaniyang hand carry sa ibabaw ng kanilang ulunan. Muli niyang narinig ang pigil na tawa ni Jase at dahil dun, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti siya.


000ooo000


Patuloy parin sa paghimas ng kaniyang leeg si Rob habang naglalakad sila ni Jase palabas ng airport. Gusto sanang abutin ni Jase ang kamay ni Rob upang pigilan ito sa pagimas ng sariling batok at siya na sana ang magmasahe nito nang maalala niya ang sinabi ni Rob sa kaniya noong nasa Singapore pa sila kaya naman nagkasya na lang siya sa pagtanong dito.


OK ka lang?” concerned na tanong ni Jase na gumulat kay Rob. Sinero ang narinig niyang pagaalala sa boses nito.


Sus. Wag mo ngang lokohin ang sarili mo, Rob. Hindi yan concerned sayo no.” saway ni Rob sa kaniyang sarili at tumango na lang bilang sagot.


Hindi kasi maganda yung paghe-headbang mo kanina dun sa eroplano.” seryosong saad ni Jase na walang halong pangungutya, ginaya pa nga nito kung pano mag head bang si Rob kanina sa eroplano na nakapagpatigil dito sa paglalakad. Hindi nakaligtas ang biglaang pagtigil na ito ni Rob kay Jase kaya agad din itong tumigil sa pagsasalita at namutla.


Oh shit. I'm sorry. Everything should be professional between us. God I kept on forgetting!” singhal ni Jase sa kaniyang sarili. Pinagmasdan ni Rob ang nagsisimula ng magpanic na si Jase sa pagsuway sa request ni Jase. Pagpapanic na nakapagpaaliw kay Rob. Iniisip na sineseryoso ni Jase ang hiling niyang ito at gagawin ito ni Jase para sa kaniya.


I'm such an asshole.” bulong ulit ni Jase sa kaniyang sarili na nakapagpatawa kay Rob.


Nang marinig ni Jase ang pagtawa na iyon ni Rob ay agad muli siyang humarap dito at agad na nawala ang kaniyang pangamba. Napangiti nadin siya dahil sa wakas ay muli niyang napatawa si Rob, walang pagaalinlangan at pagkaasiwang bumabalot sa pagitan nila ngayon. Nang makabawi na si Rob sa pagtaw na iyon ay muling nagtama ang mga mata nilang dalawa.


At sa unang pagkakataon matapos iwan ni Jase si Rob ay nagawa nilang titigan ang isa't isa nang hindi nabubura ang ngiti sa kanilang mukha.


Rob!” sigaw ng isang lalaki na tila ba sumpang bumasag sa umaayos ng palitan na iyon ni Rob at Jase.


Ian?” nagtatakang tanong ni Rob saka mabilis na ibinaling ng buo ang kaniyang pansin dito at lumapit na siyang nakapagpabura sa magandang ngiti ni Jase at nakapagpaasim muli sa mood nito.


Itutuloy...
Against All Odds
3[20]
By:Migs

Comments

  1. MARAMING SALAMAT PO SA PATULOY NA PAGBABASA AT PAGSUPORTA! :-)

    ReplyDelete
  2. Gusto ko pa rin si Jase kay Rob. Both of them deserves to be happy. Medyo mahirap lang minsan intindihin na may mga bagay na kailangan ng tamang panahon. Nasaktan ni Jase si Rob at dahil yon sa nasaktan si Jase ng mawala si Aaron. Ang mali lang naman ni Jase ay na in love xa agad kay Rob noon dahilan para makalimutan nia ang obligasyon na ginawa nia kay Aaron na di nia ito kakalimutan at yon ang bumuhay ulit ng takot at konsensiya nia. Inakala nia na ang mahulog kay Rob ng ganunkadali ay isang kasalanan kay Aaron kaya xa lumayo.

    ReplyDelete
  3. So happy for the update.. Still worth the wait.. Jase-Rob is far better than Rob-Ian, so please dear author make the Jase-Rob work..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]