Straight (SHORT STORY)
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
I
can't
stop looking at him. We've been friends for quite some time now.
Naaala ko pa kung pano kami una nagkakilala. Magkatabi kaming dalawa
sa una naming klase sa college. We're both taking up nursing, ako
bilang sanay sa buhay sikat noong high school ay nagaakala na ang
unang araw sa college ay magsisimula sa isang maikli at boring na
orientation at hindi isang lecture na agad na kinakailangan ng
ballpen at notebook para makapagsulat ng notes. Bilang sanay din ako
sa buhay sikat noong high school ay inakala ko na kahit sinong
hiraman ko ng ballpen at hingan ng isang pilas ng papel ay papayag sa
gusto ko. Mali ang akala ko. halos lahat ng kaklase ko ay hiniraman
ko na pero wala ni isa ang magpahiram ng ballpen sakin at magbigay ng
isang punit lang ng papel sa kanilang bagong bagong notebook.
“Snob
brats.” saad ko sa sarili ko at hindi na nangulit pa ng kahit sino
sa classroom na iyon dahil nakukuwa ko nadin ang atensyon ng propesor
namin.
Nung
akala ko wala na akong pag-asa na makapagsulat ng notes para sa
napakaagang lecture na iyon ay biglang bumukas ang pinto ng classroom
namin. Doon pa niya sa pinto sa unahang bahagi ng classroom napiling
mag grand entrance. Hindi ko napigilang mapangisi at hindi napigilan
ng propesor namin ang sumimangot.
“Hi!
I'm Jayden Cruz. My friends call me Jayden!” masayang bati ng
bagong dating. Napahagikgik ang lahat at lalong humaba ang nguso ng
propesor namin.
“You're
late---” simula ng matandang propesor.
“Sorry.”
kamot ulong hingi ng tawad ni Jayden.
“And
for the record. You're in college now. Not in pre-school. We don't do
the 'introduce yourself' portion here in college.” mataray na
sikmat ng huklubang propesor na ikinahagikgik ng lahat at ikinamula
naman ng pisngi ni Jayden. Napailing na lang ako.
“Sorry.”
nakayuko at halatang bulong ulit ni Jayden.
“Sige
na umupo ka na nang maipagpatuloy ko na ang lecture.” sikmat ulit
ng propesor. Nagmadali namang naghanap si Jayden ng bakanteng upuan
at nagliwanag ang mukha nito na tila ba isang bata nang makita niya
ang bakanteng upuan sa aking tabi.
“Hi.”
nakangiti nitong bati sakin na agad kong tinanguan. Hindi ko alam
kung bakit pero sa puntong iyon aya alam kong may kakaiba sa kaniya.
Nagsimula
na naman ang napakaboring at napakaagang lecture ng aming propesor.
Iniisip ko na tatandaan ko na lang lahat ng sinabi ng huklubang
propesor at susubukang alalahanin ito sa bahay at duon gagawa ng
notes nang biglang magsalita ang masiyahing si Jayden sa aking tabi.
“Here.”
saad ni Jayden.
Simula
non hindi na kami napaghiwalay dalawa. Kahit magkaiba na kami ng
klase ay kami parin ang magkasama sa break time at sabay umuwi. Kahit
malaki ang pagkakaiba ng mga gusto naming gawing dalawa ay hindi
parin napigilan nun ang maging malapit kaming magkaibigan. Mas gusto
niyang magpahinga at magbasa ng libro samantalang ako naman ay active
lagi sa sports, gym at kung ano ano pang hilig ng isang normal na
teenager. Mas gusto rin nitong magstay sa dorm kesa ang gumimik,
minsan kailangan ko pa itong kaladkarin upang makasama lang ito sa
paggimik mas gusto nitong makipagdate sa kaniyang makakapal na libro
kesa sa mga kolehiyala katulad ko at naintindihan at na-realize ko
lang na malaki nga ang pagkakaiba naming dalawa nang may ipagtapat
ito sakin nuong third year college na kami.
“Gino
, I have something to tell you.” sabi ni Jayden sakin matapos kong
mapansin ang tila ilang araw na nitong pagkabalisa. Saglit ko itong
tinitigan habang nililigpit ko ang pinagkainan namin sa loob ng dorm.
Nangunot
ang noo ko. Ni minsan ay hindi ako kinausap ni Jayden ng nakababa ang
tingin niya. Nagsimula na akong magalala.
“Hey
what's up buddy?” tanong ko dito sabay lapit. Inabot ko ang
pamunasan ng kamay at tinuyo ang aking mga kamay gamit ito sabay abot
ng mukha ni Jayden upang pilitin itong salubungin ang aking mga
tingin. Hindi kasi ako sanay na hindi ako nito tinitignan tuwing
nakikipagusap sakin.
Saglit
na nagtama ang aming mga mata. Kitang kita ko ang takot at pagaalala
sa mga mata nito. Tatanungin ko na sana kung bakit ito natatakot at
nagaalala nang agad nitong hinawi ang aking kamay at muling ibinaba
ang kaniyang tingin sa sahig.
“Hey
what's wrong?” nagaalala ko na talagang tanong dito. Hindi ako
sanay na malungkot ito. Sanay akong nakikita ang saya sa mga mata
nito at maaliwalas na ngiti.
“Gino--
I-I'm gay.”
Natigilan
ako sa sinabi nito. Oo, malaki ang pagkakaiba naming dalawa pero
hindi ko ito inaasahan. Ramdam na ramdam ko ang pagtense ng buong
katawan ni Jayden at rinig na rinig ko ang pabilis na pabilis na
paghinga nito. Alam kong napakahirap sa kaniya na aminin ito sakin
kaya ganito na ang kinikilos nito pero hindi parin ako nakakabawi sa
gulat.
“I--”
simula ulit niya at umiling. Tila ba iniisip maigi ang kaniyang
sasabihin. “D-don't worry. Bukas na bukas din aalis na ako dito sa
dorm at maghahanap na ako ngayon pa lang ng malilipatan.”
Tila
may nagbuhos sakin ng malamig na tubig. Doon sa sinabing ito ni
Jayden ako nagising. Oo, hindi isa si Jayden sa mga kaibigan kong
mahilig magbuhat ng weights sa gym, hindi ko siya kasama sa paglalaro
ng basketball pero siya parin ang taong tinuturing kong best friend
at kahit kailan naman ay hindi naging problema sakin ang sexual
orientation ng isang tao kaya agad ko itong pinigilan sa paglalakad
palayo sakin.
“Wala
naman akong sinabi na umalis ka ah. Nagulat lang ako, Jay---”
simula ko. mabilis itong humarap sakin, tila hindi rin makapaniwala
sa sinabi ko. “--- saka parang hindi mo naman ako kilala, Jay, wala
naman akong pakielam kung putotoy ba ang gusto ng isang tao o
vajeyjey eh.” pagtatapos ko na agad ikinawala ng pagaalala at takot
sa mga mata ni Jayden.
“Ang
laki laki mong tao pototoy saka vajeyjey parin ang tawag mo sa mga
ari?” humahagikgik na saad ni Jayden sakin na nakapagpahalakhak na
din sakin.
“Hoy!
Walang basagan ng trip. Di ko binasag ang trip mo sa pagsubo ng
putotoy kaya wag mo din basagin ang trip ko.” biro ko dito. Hampas
lang sa malaki kong braso ang sinukli nito. Muli kong binuksan ang
gripo at pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinagkainan namin.
Nagulat
na lang ako nang bigla itong sumingit sa ilalim ng aking braso at
isiniksik ang sarili sa pagitan ko at sa pagitan ng lababo at niyakap
ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit pero tila ba kumulo ang
sikmura ko na sobrang ikinagulo ng isip ko.
“Thank
you.” bulong nito sa aking malapad na dibdib na ikinahagikgik ko
dahil nakiliti ako sa pagsasalita nito habang nakasubsob sa dibdib
ko.
“No
probs. Basta ba hindi mo ako re-reypin kapag tulog ako saka lasing eh
edi wala tayong problema.” saad ko dito. Muli kong naramdaman ang
pagtense ng buo nitong katawan habang nakayakp parin ng mahigpit
sakin at nawala lang ang pagtense ng katawan nito nang humagikgik
ako.
“Sira!”
saad nito sabay alis ng pagkakayakap sakin at hampas sa aking dibdib.
Muling
binalot ng tawanan ang buong dorm namin. Tumalikod na ito at umupo sa
sofa at binasa ang makapal niyang libro habang ako naman ay nagbanlaw
na ng mga pinggan.
“Hindi
kaya kita type.” habol pa nito saka muling binalot ng tawanan ang
buong kwarto at siyang nagdulot nanaman sa aking sikmura na kumulo.
Pero
hindi laging masaya ang buong pagkakaibigan namin ni Jayden. Andyan
din minsan ang hindi namin pagkakaintindihan. Andyan ang nagtampo
siya sakin noong napabayaan ko ang pagaaral ko.
“Puro
ka gimik. Puro ka date. Gino, kapag pinagpatuloy mo yan hindi ka
makakagraduate.” singhal niya sakin na talagang ikinainis ko.
“Shut
up. She's just in the next room.” singhal ko pabalik dito at
sinuklian lang ako nito ng isang irap.
Pinakilala
ko sa kaniya si Joy. Ang tanging babae na inilabas ko sa date at
niligawan ng higit pa sa tatlong buwan. At dahil nga iba si Joy sa
lahat ng babae na inilabas ko at nakadate ko at posible ko pang
makarelasyon ay ipinakilala ko ito kay Jayden.
“So
where did you guys meet?” tanong ni Jayden kay Joy na magalang
namang sinagot ni Joy.
“Magkaklase
kami sa microbiology tapos last saturday nagkita kami at the
museum--- ” nakangiting simula ni Joy.
“At
the museum?!” gulat na gulat na saad ni Jayden sabay tingin sakin
at humagalpak ng tawa. Napatingin naman sakin si Joy na tila ba
nagtataka pero nakangiti parin habang nararamdaman ko namang namumula
na ang pisngi ko sa pamamahiya na iyon ni Jayden.
“Why?
What's wrong?” tanong ni Joy nang hindi na nakatiis.
“I'm
sorry.” saad ni Jayden sa pagitan ng pagtawa.
“It's
just that hindi ko akalain na papasok si Gino sa isang museum. Hindi
niya kasi gustong pumasok sa museum dahil lagi niyang sinasabi na
nabo-bore siya sa kakatitig sa mga paintings at sa mga luhang bagay.”
saad ni Jayden na lalong ikinamula ng pisngi ko.
Nakangiti
parin pero nakakunot noo ng tingin sakin ni Joy.
“You
lied? Sabi mo madalas ka sa museum?” tanong ni Joy at doon pa lang
alam ko na na hindi na magiging kami ni Joy. Kahit kailan. Sa
sinabing ito tumigil sa kakatawa si Jayden. Binato ko ito ng isang
galit na galit na tingin.
“Gino,
I'm sorry!” saad ni Jayden nang lumapat ang pinto sa likod ni Joy
nang lumabas na ito ng aming dorm.
“Leave
me alone.” singhal ko dito. Nagtama muli ang aming mga tingin.
Kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata ni Jayden at sakit sa sinabi
ko dito. Para hindi ko na bawiin ang huli kong sinabi dito ay agad ko
itong tinalikuran.
Ilang
araw pa ang lumipas ay hindi parin kami nagkikibuan dalawa. Madalas
kong nakikita na gusto akong kausapin ni Jayden pero agad itong
magdadalawang isip at hindi na lang itutuloy ang pagsasalita. Madalas
ko itong nakikitang malungkot, hindi ako sanay na nakikita itong
malungkot, kapag nakikita ko itong malungkot ay nakakaramdam nadina
ko ng lungkot kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at
kinibo ko na ito na para bang wala itong nagawang mali sakin.
“Ice
cream?” alok ko dito habang malungkot itong nanonood ng TV.
Nakanguso parin ito at hindi ako pinansin. Tipikal ito kay Jayden,
kahit siya ang gumawa ng mali basta't hindi ko ito kinibo ng ilang
araw o kaya maski ilang oras ay ito pa ang magtatampo sa huli at
kailangan kong suyuin.
“Double
dutch. You're favorite.” pangiinggit ko dito. Nakita ko itong
sumulyap sa gawi ng aking hawak hawak na galon ng ice cream kaya
naman hindi ko napigilang mapangisi.
“Asshat!”
tawag nito sakin sabay hampas sa braso ko. hindi ko mapigilang
mapangiti, sa gilid ng aking tingin ay sigurado akong pasimple din
itong nakangiti na agad niyang aalisin at ngunguso sa tuwing
susulyapan ko ito.
Madalas
din naman na ako ang dahilan ng tampuhan naming dalawa. Madalas sa
tuwing magdadala ito ng lalaki sa aming dorm o kaya naman ay sa
tuwing makikipagdate ito sa labas sa kung kani-kaninong lalaki.
“Get
out.” singhal ko sa lalaki na nakatapis lang nang maabutan ko
pagkagaling na pagkagaling ko sa nakakapagod na pagre-residente ko sa
ospital.
“Opo
Doc.” nanginginig pang saad ng lalaki na nakikilala ko bilang isang
orderly sa ospital na pinapasukan ni Jayden bilang nurse at ospital
na pinagtre-training-an ko bilang duktor.
“What
the fuck, Gino?”
“Anong
what the fuck? Di mo manlang inisip na baka nakawan tayo nung tao?!
Inuuna mo kasi yang libog mo eh!” singhal ko na ikinagilid ng mga
luha naman ni Jayden. Sa ikailang pagkakataon ay muli ko nanamang
hiniling na sana ay hindi ko sinabi ang mga salitang iyon pero galit
na galit kasi ako ngayon kay Jayden.
“Who
are you?!” balik nito sakin, tila ba hindi makapaniwala na ako ang
best friend niya ng ilang taon marahil dahil sa masasakit kong
sinabi.
“Jayden---”
kalmado kong tawag dito pero pinagbagsakan lang ako ng pinto nito.
Wala na lang akong nagawa kundi ang pisilin ang aking nose bridge at
pumasok sa aking kwarto para magpahinga.
Ilang
araw na hindi umuwi sa aming condo si Jayden, nagaalala ako pero
hindi ko ito mapagukulan ng pansin dahil abala naman ako sa
pagdu-duty. Gusto ko itong tawagan o kaya i-text pero alam kong hindi
ako nito papansinin. Nadatnan ko nanaman na wala si Jayden sa condo
namin kaya wala na lang akong nagawa kundi ang magbuntong hininga at
matulog na dahil sa sobrang pagod. Pero wala pang tatlong oras sa
pagkakahimbing ay muli akong nagising dahil sa pagring ng telepono
ko.
Di
ko na dinilat ang aking mga mata at kinapa na lang ang kinalalagyan
ng telepono ko at pinindot ang accept call button.
“Gino---”
umiiyak na bungad ni Jayden. Agad akong napabalikwas sa aking
kinahihigaan at agad nagising ang diwa ko.
“Jayden?
What's wrong?” nagaalala kong tanong dito.
“I-I'm
sorry kung nagising kita. A-andito ako sa Cubao. I got mugged. I- I
don't know how to g-get home. R-Ryan doesn't want to come get me
because it's raining. Nakikitawag lang ako sa cellphone ng guard dito
sa may metrobank. C-can you c-come and get me? It's j-just that I-i
don't know who else to c-call. I-I'm sorry.”
“I'll
be there in fifteen minutes.” saad ko dito saka nagmadali na akong
nagbihis at nagayos.
Habang
nasa taxi ay hindi ko mapigilang mainis kay Ryan. Yun yung orderly sa
ospital na pinagtratrabahuhan namin ni Jayden, hindi ko mapigilan ang
sarili ko na isipin kung ano ano ang masasamang bagay na pwede kong
gawin dito ng hindi nakukulong.
Ang
lahat ng masasamang iniisip na iyon kay Ryan ay agad na nawala at
napalitan ng pagaalala nang makita ko si Jayden na nakaupo sa steps
ng metrobank, lamig na lamig at suot parin ang damit na walang duda
na nabasa kanina pa ng ulan. Binayaran ko ang driver ng taxi na
sinasakyan ko at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ni Jayden.
“Jayden!”
sigaw ko dito. Agad itong nagtaas ng tingin at nagmamadaling tumakbo
sa aking kinatatayuan. Nakita ko itong nagalangan pa na yakapin ako
pero hindi ko na ito hinayaan pa na humakbang palayo sakin at wala sa
sariling niyakap ito.
“Are
you OK?” tanong ko dito habang nasa gitna ng ulanan. Tumango lang
ito at lalong ibinaon ang sariling mukha sa aking dibdib.
Nang
makauwi kami sa condo ay tila ba walang nangyaring tampuhan sa
pagitan namin.
“Thank
you for not saying I TOLD YOU SO. Tanginang Ryan yun. Ulan lang takot
na takot pa akong sunduin. Hayup!” nangigigil na saad ni Jayden
habang kumakain ng spaghetti sa aking tabi.
“Uhummm.”
ang tangi kong nasabi habang nginunguya ang spaghetti na niluto ni
Jayden.
“Buti
nga sa kaniya at may naglakas loob na sumapak sa kaniya. Yabang kasi
eh kaya may nainis siguro kaya siya sinapak.” sa sinabing ito ni
Jayden ay agad akong nasamid sa kinakain kong spaghetti. Naniningkit
mata itong tumingin sakin.
“Hindi
naman siguro ikaw yung sumuntok sa kaniya no?” tanong nito sakin na
ikinahagikgik ko na lang. Agad ako nitong sinuntok sa braso.
“What?”
humahagikgik kong tanong dito. Hindi narin siguro napigilan ni Jayden
ang kaniyang sarili at humagikgik nadin.
“Thanks.”
bulong nito nang makabawi sa paghagikgik na ikinangiti ko na lang.
Ngayon
habang nasa reunion kami kasama ang mga kaklase namin ng college ay
hindi ko maiwasang isipin na ilang taon na ang lumipas ay hindi parin
kami nagbabago dalawa. Oo at ilang tao na ang dumaan at nawala sa
buhay namin pero andito parin kami para sa isa't isa. Siya parin si
Jayden na masiyahin na nakilala ko noong unang araw namin sa kolehiyo
at ako parin si Gino na nangangailangan parin ng isang Jayden kasi
baka mangailangan nanaman ako ng ballpen at piraso ng papel.
“Hey.”
bati sakin ni Joy. Ang Joy na hindi ko na ulit nakausap pa matapos
akong mabisto nito na nagsinungaling ako para lang makuwa ang loob
nito. Agad kong binato ng tingin si Jayden at nakita ko pa itong
humagikgik nang makita kung sino ang kausap ako saka nagpatuloy sa
pakikipagusap sa iba pa naming dating kaklase.
“Joy!
Musta ka na?” tanong ko dito sabay beso beso.
“Good.
I'm good.” saad nito. Hindi ko naman ito maitatanggi dahil lalo
itong gumanda.
“So
you're a doctor now huh?” tanong nito sakin na may halong paghanga.
“I
know.” saad ko sabay yuko.
“People
keep on saying na akala nila si Jayden ang magduduktor at patapon na
ang buhay ko dapat ngayon.” biro ko na ikinahalakhak naman ni Joy
sabay hawak sa aking braso. Nakita ko pang tumingin sa direksyon
namin si Jayden saka umirap sa gilid ng aking mata.
Ilang
oras pa ang nakalipas at madami na kaming napagusapan ni Joy habang
si Jayden naman ay nakita kong masayang nakikipagusap sa mga babae
naming kaklase sa may bar. Sa dami ng napagusapan namin ni Joy ay
hindi ko na napansin na madami nadin kaming nainom.
“Alam
mo the alumni council rented rooms for us in case na malasing tayo.”
namumulang pisngi at lasing na saad ni Joy. Sunod kong nakita ang
sarili ko na kahalikan at kapalitan na ng laway ang magandang babae
na noon ay akala kong magiging kasintahan ko.
Napunta
sa kama ang mainit naming halikan na iyon. Dahil abala ako sa
pagre-residency at pagtre-training ay hindi ko na naisip pa ang
makipagdate at sa tuwing magiinit ako ay tanging kamay ko na lang ang
aking katulong kaya naman ang pagpri-prisinta na ito ni Joy ay
welcome na welcome sa akin.
May
isa lang problema. Habang naghahalikan kami ay pilit na pumapasok ko
ang nakangiti at maamong mukha ni Jayden. Sa tuwing titignan ko ang
mapupulang labi ni Joy ay hindi ko maiwasang isipin na labi ni Jayden
ang aking tinititigan at nang ipasok ko na ang aking pagkalalaki kay
Joy ay hindi ko rin maiwasang isipin na si Jayden ang aking kaniig.
“Shit.”
saad
ko sa sarili ko nang marealize ko ang nangyayari.
Noon
ko lang din narealize na sa tuwing magsasariling sikap ako ay ang
mukha ni Jayden ang bumibida sa akin. Sa tuwing matutulog ako ay
napapangiti ako sa tuwing makikita ko sa aking pagpikit ang mukha
nito.
“Shit.”
saad
ko ulit sa sarili ko. Agad akong umalis sa pagkakabaon ko kay Joy
pero pinigilan ako nito.
“Joy,
I'm sorry. I can't do this. I-I t-think I'm in love with---”
“Shit!
I'm in love with Jayden.”
imbis na mandiri ako sa aking sarili at sa naisip ko ay napangiti pa
nga ako sa aking inamin na iyon sa sarili.
“Gino?
Raffy told me na pumasok ka daw dito--- natutulog ka nanaman no?”
tawag ng isang lalaki sa gawi ng pinto sabay bukas nito.
Nagulat
kami nang biglang pumasok si Jayden. Umirit si Joy at ako naman ay
agad na napabalikwas. Saglit na nagtama ang tingin namin ni Jayden.
Nakita kong nangunot ang noo nito, naguluhan saglit, may mabilis na
emosyon na rumehistro sa mukha nito na agad napalitan ng hiya.
“Shit.
Sorry. Sorry.” saad nito sabay talikod at sinara ang pinto.
“Jayden
wait!” habol ko dito. Agad kong sinuot ang aking pantalon. Isusuot
ko pa sana ang aking pangitaas pero wala na akong oras at natatakot
ako na baka hindi ko maabutan si Jayden.
Patakbo
kong tinawid ang buong venue. Walang pakielam sa nagtataka at
naiintrigang tingin ng mga dati naming kaklase. Ang importante kasi
para sakin ay maabutan ko si Jayden. Naabutan ko itong papasok sa
kaniyang kotse at naghahanda nang umuwi sa aming condo.
“Jayden.”
“Gino,
I'm sorry. Alam kong chance mo na ito na makabalikan si Joy and I
messed it all up again.” malungkot nitong saad habang iniaatras ang
kotse at ako naman ay nakakapit sa nakabukas nitong bintana. Umaasa
na mapipigilan ko ito sa pagandar.
“Jayden---”
“I'm
going to move out of the condo kung talagang gusto mo ng magsettle
with Joy---”
“Jayden---”
“I'm
really happy for you, Gino. I love you.” wala sa sariling saad ni
Jayden. Natigilan ako at namatay din ag makina ng kotse walang duda
na nagulat din si Jayden sa kaniyang naibulalas kaya nangyari ito.
“I-I
mean---” simula ulit ni Jayden upang makabawi sa kaniyang sinabi
pero hindi ko na siya hinayaan na magpatuloy sa pagsasalita.
“SHUT
UP! For once just shut up, Jayden! Geesh you're still annoying as
fuck!” singhal ko na ikinaeskandalo naman ni Jayden. Aangal na sana
ito nang magsalita na ako.
“You're
not going to move out of the condo. I will not settle down with Joy.
I'm not mad that you interrupted our little putotoy and vajeyjey
moment. And I love you too.” saad ko dito. Nanlaki ang mga mata ni
Jayden. Wala sa sarili itong lumabas ng sasakyan at yumakap sakin.
“A-are
you sure?” tanong nito sakin. Tumango ako at niyakap din ito ng
mahigpit.
“Yes
I'm sure.”
“W-when
did you---”
“While
I was inside Joy's vajeyjey. I couldn't stop thinking of you.”
nakangiti kong biro dito habang nakapatong ang aking baba sa ulo
nito. Naramdaman ko itong humagikgik habang nakalapat ang mukha sa
aking dibdib.
“You
dirty asshole!” saad nito sabay hampas ulit sakin saka tumingala.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na malunod sa tingin nito. Dahan
dahan kong inilapit ang aking mukha sa mukha ni Jayden at dahan dahan
kong inilapit ang aking mga labi pasalubong sa labi nito...
--wakas--
Straight
by:
Migs
Ewan ko kung bakit ako biglang tinopak magsulat ng short story. parang dalawang taon na ata ako hindi nagusulat ng ganito. and to Therese Llama. ayan first person POV. ahaha! di ko sure kung effective pa ako sa ganiyang POV. SANA MAGUSTUHAN NIYO GUYS! and for those who do not know na nagsusulat ako ng short stories you can click the "SHORT STORIES" tags sa labels or sa table of contents. Thanks guys! love you all!
ReplyDeleteNo kuya migs hi po ive been following your blog since love at its best book 1 nahihiya lg ako magcomment ngayn first comment aki kahit ano naman isulat mo maganda kuya migs parati mo ako pinapaiyak eto pampa destress ko after hospital work more power kuya migs sana maging friends tayo
ReplyDeleteNo kuya migs hi po ive been following your blog since love at its best book 1 nahihiya lg ako magcomment ngayn first comment aki kahit ano naman isulat mo maganda kuya migs parati mo ako pinapaiyak eto pampa destress ko after hospital work more power kuya migs sana maging friends tayo
ReplyDeleteNo kuya migs hi po ive been following your blog since love at its best book 1 nahihiya lg ako magcomment ngayn first comment aki kahit ano naman isulat mo maganda kuya migs parati mo ako pinapaiyak eto pampa destress ko after hospital work more power kuya migs sana maging friends tayo
ReplyDeleteHi kuya migs yey first comment matagal na akong silent reader ever since love at its best book 1 hanggang ngayn fan parin ako i love your works kuya migs sana maging friends tayo
ReplyDeleteWala daw forever pero sa kanila meron.. ang ganda migs salute
ReplyDeleteang ganda ng story kuya migs ang light lang ng flow yet kahit pano may kurot :)
ReplyDeleteHey Migs its been a while. Love this one😄
ReplyDeleteKeneleg eke keye megs! Ang ganda! More short stories like this please! Nakakamiss magbasa ng mga ganito, ang dalang na lang kasi ng mga short stories na magandang basahin na nakakasaya sa puso.
ReplyDeleteVery nice read.. Very light, stress free and fluid.. The best.. Thanks for writing this..
ReplyDeleteSa mga kwento mo na lang ako kinikilig at umaasang may forever... Haha... Kudos
ReplyDeleteKuya migs ano na nga po tamang pagkakasunod ng mga kwento mo?thanks po love you♥♥♥
ReplyDelete