Against All Odds 3[18]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nagtama ang tingin ng dalawa. Hindi maikakaila ang gulat sa mukha nila pero ilang saglit lang tumagal ang tinginan na iyon dahil agad na iniwas ni Rob ang tingin niya mula sa mga magagandang mata na iyon. Mabilis na yumuko si Rob at pinulot ang mga gamit na nabitawan. Patuloy parin siya sa pagtitig kay Rob at naputol lang iyon nang makarinig siya ng marahang paghagikgik sa kaniyang tabi.


The klutz over there is Rob my executive assistant and business advisor.” saad ni Ian sa impormal na pagpapakilala na iyon habang naglalakad papalapit sa upuan na inihanda para sa kanila pero nang mapansin ni Ian na tila ba napako parin siya sa kaniyang kinatatayuan ay muli nitong tinawag ang kaniyang pansin.

Jase---” tawag ni Ian.

000ooo000

Rinig na rinig ni Rob ang tibok ng kaniyang sariling puso. Daig pa nito ang may nagtatambol ng malalaking drum sa kaniyang tabi. Samu't sari ang emosyon na kaniyang nararamdaman. Sa sobrang dami ay tila manhid na siya. Alam niyang sa kaniya parin nakatuon ang tingin ni Jase.


Si Jase.” saad niya sa kaniyang sarili habang pinipigilan ang kaniyang sarili na umiyak at habang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na manginig sa sobrang galit. Saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at ibinalik siya ng kaniyang mga alaala sa mga araw kung saan hindi parin siya makapaniwala na tulad ng lahat ng tao na kaniyang kakilala matapos ang eskandalo na kaniyang kinaharap ay iniwan at tinalikuran din siya ni Jase.


Rob.” marahang saad ng ina ni Jase sa kaniya nang sa ikailang pagkakataon ay nahuli siya nito na nagiintay sa labas ng bahay ng lalaking akala niya ay makakasama niya at makakaintindi sa kaniya sa habang buhay.


Sorry po tita kung medyo nakakaistorbo na po ako sainyo. Iniintay ko lang po si Jase. Gusto ko lang po siya makausap.” saad ni Rob habang pinapanood niya ang mukha ng matandang babae na binabalot ng lungkot.


Rob sana pumasok ka muna sa loob. Lumalakas na ang ulan---” sa sinabi ng matanda na iyon saka lang napansin ni Rob na umuulan at basang basa na ang paligid nila, nun lang din napansin ni Rob na maski ang kaniyang damit ay basa narin at ang pumipigil lang dito na mas mabasa pa ay ang malaking payong na bitbit ng ina ni Jase laban sa ulan.


G-gusto ko lang po kasing makausap agad si Jase kung sakaling umuwi na po siya.” naiiyak na saad ni Rob na nagdulot sa matandang babae na mangilid nadin ang luha.


Rob, baka hindi na siya umuwi dito. Wala siyang binabanggit na uuwi siya sa tuwing tumatawag siya. Hindi ka parin ba niya tinatawagan?”


Ang sinabing ito ng matandang babae ay tila ba lalong nakadagdag ng sobrang sakit na nararamdaman ni Rob. Hindi niya ito pinahalata ni Rob sa matandang babae pero hindi siya nagtagumpay sapagkat basang basa na siya nito.


G-ganun ba tita---” simula ni Rob, hindi alintana ang masagang mga luha na dumadaloy mula sa kaniyang mga mata. Hindi na napigilan pa ng matandang babae ang kaniyang sarili kundi yakapin ang lalaking tila ba naging malaking parte narin ng buhay niya at ng kaniyang anak. Hindi ibinalik ni Rob ang mahigpit na yakap na iyon ng matandang babae dahil pakiramdam niya ay nawalan na siya ng tuluyan ng lakas.


S-sorry po ulit tita kung nakaistorbo ako.” pamamaalam ni Rob at nun na huling nakita ng matandang babae ang binata.


Good morning---” propesyonal na bati ni Rob sa buong conference room. Pilit na nilulunod ang sandamakmak na emosyon na nararamdaman sa pagdating na iyon ni Jase muli sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagtratrabaho ng husto.


Pagtratrabaho ng tama.

000ooo000

Rob.” bulong muli ni Jase sa kaniyang sarili habang papaupo sa tabi ni Ian.


Hindi siya maaaring magkamali. Oo, hindi signatured clothes ang suot nito, makapal na salamin na ang humaharang sa magandang mata nito at sa kabila ng maganda parin nitong pangangatawan ay ibang iba ito sa nakasanayan noon ni Jase pero malaki man ang pagkakaiba ng Rob na nasa harapan nila ngayon sa Rob na naiwan niya noon ay hindi parin maaaring magkamali si Jase na si Rob ito.


Hindi rin maaaring magkamali si Jase na hindi lang sa itsura nagbago si Rob kundi sa ugali din. Maaaring nagpapakita ng kakaibang confidence ngayon si Rob habang nagpre-present at manghang mangha dito ang mga nakikinig dito ngayon pero lubos na kilala ni Jase ang huli at napanood narin niya ito nang minsang magpresent ito noon, alam niyang may kulang. Alam niyang hindi pa binibigay ni Rob ang lahat nito. Alam niyang may mali at habang patagal ng patagal ay lalong nagiging desedido si Jase na alamin ito.


So what would you recommend?” istorbo ni Jase sa tuloy tuloy at swabeng presentation ni Rob na ikinagising naman ni Ian sa pagkamangha kay Rob.


Saglit na natigilan si Rob at wala sa sariling tinitigan si Jase na may nakakainis na ngisi sa mukha.


Excuse me?” pagpipigil sa sariling tanong ni Rob kay Jase.


You said that we- the company is having a hard time with the manpower in the retail department, commenting on their skills as being “kulang” so what would you recommend?” paguulit ni Jase.


Saglit muling natigilan si Rob at nang maintindihan ang nais sabihin ni Jase ay napailing at napakawala ng isang ngisi bilang ganti sa nakakainis na ngisi ni Jase kanina. Napakunot ang noo ni


Maybe if you let me finish sir hindi maaaksaya ang laway niyo sa tanong na yan and maybe if you are really listening simula pa lang ng presentation ko you would know na may pattern ako sa pagpre-present. For example: manpower lacking enough skills, may follow up na suggestion to solve this concern and when that suggestion is taken up to action I would present an outcome after. Again, siguro kung nakikinig po talaga kayo baka hindi po nasasayang ang laway natin pareho.” buong kalmado at buong paggalang na sagot ni Rob na lalong ikinamangha ng lahat at ikinangiti naman ni Jase.


Ikinangiti dahil napatunayan niya na may nagiba man sa ugali at bumaba man ang confidence level ni Rob ay sa tamang panunudyo lamang dito ay maibabalik parin nito ang dati nitong ugali.


Maibabalik niya parin ang dating Rob.


Muling nagpatuloy si Rob sa pagpre-present.


Muling nagpatuloy sa pagkamangha ang mga empleyado nila Jase at Ian. Pero ang mas kumuwa ng pansin ni Jase ay ang pagbibigay ni Ian ng kakaibang pansin kay Rob. Alam niya ang tingin na iyon ni Ian at wala sa sarili siyang nagdasal na mali ang kaniyang hinala.

000ooo000

Nang matapos na ang pagpre-present ni Rob ay hindi na nangahas pang magtanong si Jase dahil alam niyang mababara lang si muli ni Rob dahil aminin niya man o hindi ay mas magaling pa sa kanilang lahat sa industriya si Rob at alam nito ang kaniyang pinagsasasabi sa kahit anong aspeto pa ng presentation iyan.


Isa-isa nang nagbalikan ang mga empleyado sa kanilang mga work station ang iba ay tumuloy na sa cafeteria at lounge area para magbreak. Inaya na siya ni Ian kumain sa labas at kung ano ano narin ang sinasabi nito sa kaniya na hindi naman niya iniintindi dahil ang kaniyang pansin ay na kay Rob at abala din siya sa pagnanakaw ng tingin dito.


Gustong gusto niyang sundan si Rob nang nagsimula na itong naglakad palabas ng conference room pero pinigilan siya ni Ian. Tinignan niya ang palad nito na nakalapat sa kaniyang matipunong dibdib at nagtaas ng kilay bilang pagtataka sa ikinikilos nito. Alam niyang hindi lang sa paglalakad siya nito pinipigilan kundi pati narin sa iba pang bagay.


Napatingin si Rob sa kakaibang closeness na iyon ni Ian at Jase. Saglit na nawalan ng lakas ang kaniyang mga paa.


I heard mag ex sila noon sa abroad.” ang mga salitang umalingawngaw sa kaniyang isip nang maalala niya ang sinabing iyon ni Star nang minsang tanungin niya ito tungkol sa noon ay hindi niya pa kilalang pangalawang boss nila.


Mabilis na naglakad palabas ng conference room si Rob nang maramdaman niyang may lakas na ulit ang kaniyang mga paa, una dahil pakiramdam niya ba ay hindi naman niya dapat nakikita ang mga ganung personal na bagay pangalawa ay aminin niya man o hindi ang tagpong iyong kaniyang nakita ay lalong nakapagpadagdag ng milyong milyon na emosyon sa kaniyang dibdib.


Shit!” bulong ni Rob sa kaniyang sarili habang naghahanap ng matataguan saglit habang pinapakalma ang sarili.

000ooo000

You might've invested a lot of money in this company, Jase but this company is still mine.” paglilinaw ni Ian kay Jase na agad lang umiling.


Half of this company is mine---” simula ni Jase at umarteng nagisip pa saglit.


Actually. More than half of this company is mine.” pagtatapos ni Jase at nakita niya ang takot sa mga mata ni Ian. Alam niyang importante ang kumpaniyang iyon sa huli at wala naman siyang balak agawin ito sa kaniya.


Look, I'm not going to steal this company, Ian. I--” simula ni Jase, iniisip kung bakit nga ba siya biglang nagkainteres sa kumpaniyang iyon gayong ang intensyon niya lang naman talaga kaya siya pumunta doon ay para makita ang kinahinatnan ng kaniyang pera.


Si Rob.” sagot ni Jase sa kaniyang tanong sa sarili.


I-I just want to see the company grow even more. Gusto ko lang makasiguro na for the first few years ng company ay magiging OK ito sa future. Maaaring mangielam ako paminsan minsan pero ikaw parin ang final say. Tulad lang ng dati, Ian. I know this company is important to you pero importante din ito sa akin.” pagtatapos muli ni Jase sabay iwas sa pumipigil na palad ni Ian at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng conference room.


Naiwan doon sa loob ng conference room si Ian, malalim ang iniisip. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi dahil natatakot siya kay Jase na agawin ang kumpaniyang iyon kaya niya ito ayaw na laging nakikita kundi dahil alam niyang hindi parin siya kumportable na laging andun. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila at ayaw niyang laging naaalala iyon kung lagi silang magkakaharap.


Pwede naman kasing nasa bahay ka lang tapos i-a-update na lang kita about sa company.” suhestiyon ni Ian na nagdulot kay Jase na tumigil sa paglakad palabas. Napaisip saglit si Jase. Alam niya kung bakit ayaw siyang laging makita ni Ian at naiintindihan niya ito pero may pangako siya kay Aaron na dapat tuparin.


I'm sorry Ian but you will see me everyday dito sa kumpanya. You very well know na napaka hands on kong tao.” balik ni Jase saka mabilis ng lumabas ng conference room upang hindi na siya mapigilan pa ni Ian na sundan si Rob.


Pero---” simula muli ni Ian pero ang paglapat na ng pinto sa hamba nito ang sumagot sa kaniya. Napabuntong hininga siya at muli na lang umupo sa malaking upuan na nakalaan para sa conference table na iyon.


Shit.” bulong ni Ian sa sarili.

000ooo000

Agad na hinanap ni Jase kung saan pumunta si Rob. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa kanan at nakita niya ang mga empleyado na nagkukumpulan sa tapat ng elevator at hindi isa doon si Rob kaya naman ibinaling niya ang kaniyang tingin sa kaliwa. Malinis ang buong hallway pero alam niyang doon sa direksyon na iyon pumunta si Rob. Gusto niya itong makausap, hindi niya rin alam kung bakit pero gusto niya itong yakapin, gusto niyang magpaliwanag, gusto niyang bumalik yung dati, gusto niya ulit itong maging kaniya at maibalik sa dati. Mabilis niyang tinahak ang daan na iyon at binuksan ang pinto na may nakalagay na “Fire Exit” sa taas. Alam niyang hindi siya nagkamali ng pinuntahan dahil nakita niya ang bumababa pa lang na si Rob. Hindi napansin ni Rob ang humahabol sa kaniya na si Jase.


Rob wait.”


Nagising mula sa kaniyang malalim na pagiisip si Rob at nanigas ang kaniyang buong katawan. Nawalan ng kakayahan si Rob na igalaw ang kaniyang mga kamay at paa nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ng malaking kamay ni Jase sa kaniyang braso. Nanikip ang kaniyang daluyan ng hangin, sa pakiwari niya ay walang pumapasok na hangin sa kaniyang mga baga habang naririnig niya ang pamilyar na paghinga ni Jase sa kaniyang likuran.


Hindi alam ni Rob kung bakit pa ngayon napili ng galit na mamayagpag sa kaniyang dibdib. Dahil sa ibayong galit na nararamdaman na iyon ay muling naramdaman ni Rob ang kaniyang mga kalamnan. Marahas niyang hinawi ang malaking kamay na pumipigil sa kaniyang maglakad palayo at nagbuntong hininga at pilit na pinakalma ang kaniyang sarili.


Nagulat si Jase sa ginawang ito ni Rob. Alam niyang marami siyang kailangang ipaliwanag kay Rob at alam niyang kailangan niya ding humingi ng tawad pero hindi niya inakalang magiging ganito kalaki at kalalim ang galit nito sa kaniya.


Jase.” malamig na balik ni Rob. Saglit na napapikit si Jase sa sobrang lamig ng pagbati na iyon sa kaniya ni Rob. Pilit na binabalewala ang sakit na kaniyang nararamdaman sa pagtrato sa kaniya ni Rob.


Rob, w-what happened?” nagaalangang tanong ni Jase.


Umiling si Rob at doon mabilis na bumagsak ang ilang patak ng luha na agad niyang pinahiran. Hindi ito nakaligtas kay Jase na agad inabot ang pisngi ni Rob upang pahiran sana ito pero agad na umiwas ang huli.


Life happened.” makahulugang sagot ni Rob saka nagpakawala ng isang malungkot na ngiti sabay talikod kay Jase at naglakad na palayo dito.


What?”


Welcome to the company, Sir.” balik ni Rob sabay tuloy tuloy na bumaba ng fire exit, iniwan si Jase na nakatunganga doon, hindi alam kung ano ang gagawin.

000ooo000

Madalas sa tuwing matatapos ang kaniyang clinic hours ay nagste-stay parin siya sa clinic na iyon, minsan nagbabasa ng mga boy x boy na mga nobela, minsan naman ay simpleng nagpapahinga lang matapos ang mahabang duty sa ospital na iyon. Papapikit na sana siya nang biglang marahas na bumukas ang pinto ng kaniyang clinic.


Sir sabi ko po sa inyo na tapos na po ang clinic hours ni Mam Cha!”


Tumaas ang dugo ni Cha pero agad niyang pinakalma ang kaniyang sarili.


Thank you Joan. Ako na ang bahala dito.”


Pero Ma'am.” saad ng sekretarya ni Cha.


Ako na ang bahala. Paki sara na lang ang pinto. Thank you.” nagaalalang tinignan ni Joan ang kaniyang boss pero agad niya din naman itong sinunod.


Pagkasarang pagkasara ng pinto ay agad na nagsalita si Jase pero agad din siyang binara ni Cha. Wala sa sariling napaatras si Jase nang makita niya ang galit sa mga mata ng kaniyang kaibigan.


You dare come here matapos ng ginawa mo kay Rob!” singhal ni Cha habang papalapit ng papalapit sa kinatatayuan ni Jase. Wala siyang pakielam kung mas malaki ito sa kaniya at kung kasing laki ng isang body builder ang katawan nito. Gusto niyang ipaalam dito na galit siya at kaya niyang saktan si Jase dahil sa pananakit nito kay Rob.


I left! I was trying to find myself. I-I thought I was doing everyone a favor. I-I was just fulfilling a promi---”


Bullshit!” singhal ni Cha na ikinagulat nanaman ni Jase.


So galit na lahat sa akin?! Ginawa ko lang naman kung ano yung tama!”


Tama sa mata ng mga magulang ni Aaron!”


What?!”


Stop bullshitting me tungkol sa pagalis mo ng walang paalam para lang tuparin mo ang pangako mo kay Aaron. Hindi totoo yan! Umalis ka kasi hindi mo kayang sikmurain ang sinasabi ng mga magulang ni Aaron! Umalis ka kasi hindi mo kayang sikmurain ang katotohanan na na-in love ka kay Rob. You're a coward! Wag nang madaming excuses! Ginawa mo pang dahilan yung patay!”


Cha!” saway ni Jase pero hindi siya pinakinggan ng huli dahil alam ni Cha na kapag nagpasaway siya dito ay hindi niya masasabi ang nais niyang sabihin at hindi mare-realize ni Jase ang kaniyang pagkakamali.


No! Dapat mo 'tong marinig! Hindi pwede yung papaibigin mo yung tao tapos bigla kang aalis at dun pa sa oras na kailangang kailangan ka niya!” singhal ni Cha saka tinignan pa ng masama si Jase ang huling sinabi namang iyon ni Cha ang nakapagpakalma kay Jase.


What do you mean, what happened after I left?” sa tanong na ito kumalma si Cha at umiling. Kitang kita ni Jase ang biglaang pagkawala ng galit sa mukha ni Cha at nang mapaltan ito ng lungkot.


Si Ace---” simula ni Cha.

000ooo000

Nawala na ang lahat sa kaniya. Akala niya ang ginawa niyang pagtuon ng sisi kay Rob ang solusyon nung biglang bumulaga sa harap ng buong kumpaniya ang video niang dalawa habang nagtatalik. Alam niyang maiintindihan ni Rob ang ginawa niyang iyon dahil simula nung nagaaral pa lang sila ay ito na ang ginagawa nito, ang saluhin siya sa tuwing naiipit siya pero hindi na niya muli pang nakita ang kaniyang kaibigan.


Nawala ang lahat ng investors ng kumpaniya na nagtulak sa kaniya upang ibenta ang kalahati nito sa mga foreign investors. Naging malamig ang pagsasama nilang mag-asawa at naging malayo ang loob ng kaniyang mga anak sa kaniya at ngayon pati si Rob ay wala narin sa kaniyang buhay.


Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga saka tumayo mula sa pagkakaupo. Pero hindi tulad ng mga nakaraang gabi ang gabing iyon at napagtanto ito ni Ace nang pagkalabas niya ng pinto ng kaniyang opisina ay bumulaga ang isang malaking kamao na hindi nagatubiling nagtanim ng isang malakas na suntok sa kaniyang kaliwang pisngi.


Asshole!” singhal ni Jase sabay talikod at naglakad palayo pero agad siyang pinigilan ni Ace sa pamamagitan ng pagsasalita.


D-do you know where Rob is? I-is he with you?” tanong ni Ace habang tumatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig na nagdulot kay Jase na tumigil sa paglalakad. Ang pagtigil na ito ni Jase sa paglalakad ang nagsabi kay Ace na alam nito kung nasan ang kaniyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita at kating kati na niyang hingan ng tawad.


P-please tell him I'm sorry a-and that I-I miss him.”


Itutuloy...


Against All Odds
3[18]
By:Migs

Comments

  1. SORRY PO ULIT SA LATE POST. :-(

    ReplyDelete
  2. Its ok migs. Still worth it to wait.. asan nga pala ang back to back nito?

    ReplyDelete
  3. Nagsisibukan na ang mga character! Yay!!!

    ReplyDelete
  4. Alam ko magkakatuluyan parin si rob at jase, based dun sa nakaraang story na extra silang dalawa, PERO... Kahit ano pang dahilan ni Jase, kahit hindi pa nya alam ang nangyari, KUNG AKO si ROB, hindi ko na bibigyan ng chance sa puso ko si Jase nor Ace. Parang ginamit lang naman nila si Rob. Haaay, galit talaga ako kay Jase. Grabe yung story na to, naapektuhan talaga ako.

    --ANDY

    ReplyDelete
  5. Both Jase and Ace were so unfair and ungrateful sa pagtrato nila kay Rob. Yes, magiging sina Rob at Jase sa future dahil sa AAO2 pero sana paghirapan ni jase nang sobra para makuha niya uli si Rob. They left Rob so desperate and miserable.

    ~maharett

    ReplyDelete
  6. Love is unfair. Ganun yata talaga. Rob almost list everything. Buti na lang at hindi sya iniwan ng familyy nya. At supportive pa sila rito. Si ace at jase ang masasabi ko lang. MGA WALANGHIYA SILA. Though gusto kong malaman kung bkit umalis bigla si Jase. Khit sabihin na natin na none sense ang khit na anong dhilan nya. Stlill I want to know.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]