The Things That Dreams Are Made Of 15

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Pansamantalang nakalimutan ni Igi na dapat na siyang lumabas ng mall na iyon nang makita niya kung sino ang nabangga niya at tumawag sa kaniyang pangalan. Napatitig siya sa maamong mukha nito, mapuputi at pantay pantay nitong ngipin, mapupulang labi na nakangiti sa kaniya at singiting mata na tila ba nagtatago dahil sa pagngiti ng may ari nito.

Lance?”


Yup the one and only!” nakangiti paring sabi ni Lance.


You were in a hurr---?” simula muli ni Lance nang hindi na nagsalitang muli si Igi pero agad din siyang naputol nang biglang sumulpot si Josh.


Igi! Kanina pa kita tinatawag, bakit ka ba nagmamadali?!” humihingal na tanong ni Josh kay Igi, hindi napansin si Lance na ipinapabalik-balik ang tingin kay Igi at Josh na wala sa sariling nagtititigan. Hindi nakaligtas kay Lance ang takot sa mga mata ni Igi at galak naman sa mga mata ni Josh.


Oh—uhmmm---” simula ni Igi sabay iwas sa tingin ni Josh, napadako ang kaniyang tingin kay Lance na tahimik lang na nagmamasid sa kanila. “L-late na kasi ako sa usapan namin ni L-Lance.” kinakabahang palusot ni Igi na ikinakunot naman ng noo ni Josh at ikinabura ng ngiti nito sa mukha.


U-usapan?” tanong ni Josh sabay baling ng tingin kay Lance na noon niya lang napansin na nakatayo pala hindi kalayuan sa kanila. Ibinalik saglit ni Lance ang tingin ni Josh atsaka nagbato ng naguguluhang tingin kay Igi na may mga takot paring makikita sa mga mata.


We’re going to w-watch a movie---” simula ni Igi na agad naming pinutol ni Josh.

No!” “We have plans to watch a movie?” sabay na sabi ng sumisinghal na si Josh at nagtatakang si Lance ni Lance.


Isa-isa lang ang pagsasalita. I’m not asking for your permission, Josh and yes Lance we have plans, REMEMBER?!” balik ni Igi kay Josh at Lance.


It’s the first day of school, Igi!” singhal pabalik ni Josh nang makita niya ang pagbabatuhan ng hindi niya maipaliwanag na mga tingin nila Igi at Lance.


Well too bad because I already bought tickets. Lance? Ano tara na?” Kibit balikat na saad ni Igi na ikinakunot lalo ng noo ni Josh.


B-but---” simula ni Lance pero hindi na siya hinayaan na magsalita pa ni Igi dahil hinatak na niya ito pagawi sa sinehan.


Iniwan si Josh na nakatanga sa kinatatayuan nito.


000ooo000


What was that all about?!” singhal ni Josh sa sarili habang nakaupo sa ilalim ng silong ng isang puno sa loob ng kanilang school, inis na inis na hindi niya nagawa ang kaniyang ipinunta sa mall nung umagang iyon.


Matapos kasi ang eksena nila ni Des sa may hallway noong umagang iyon ay may ilan g bagay siyang na-realize, isa sa mga ito ay ang bagong pagkakaintindi sa kaibahan ng LOVE at IN-LOVE. Sa wakas ay naintindihan na niya ang gustong sabihin ng kaniyang mga ama na sila Migs at Ed. Mahal niya si Des pero may isa pang mas matimbang na pagmamahal siyang nararamdaman at iyon ay nakatutok kay Igi.


So ano pala yung ibig sabihin nung kiss sa may elevator kung nakikipag-date na pala siya kay Lance?!” tanong ni Josh sa sarili habang sinasariwa ang sensasyon na kaniyang naramdaman nung nagdampi ang kanilang mga labi ni Igi.


Dapat pala hindi ko siya hinayaan na makipag-date sa kumag na iyon. Kung tama ‘tong nararamdman ko at ang bago kong pagkakaintindi sa LOVE saka sa pagiging IN LOVE, dapat hindi ko hinayaan yung taong mahal ko na makipag-date sa iba.” sabi ulit ni Josh sa sarili habang wala naman sa sariling binubunot ang mga damo malapit sa kaniyang kinauupuan kaya’t hindi niya napansin na may paparating.


J-Josh?”


Huh?” wala sa sariling bulalas ni Josh sa sarili nang marinig niya ang pagtawag sa kaniyang pangalan.


C-can we talk? Please?” tanong ni Neph. Di na siya sinagot pa ni Josh, agad na itong tumayo at maglalakad na sana palayo na agad namang ikinalungkot ni Neph.


I should have been honest with you.” halos pabulong ng sabi ni Neph na ikinatigil at marahas na ikinaharap ulit ni Josh, galit itong naglakad pabalik sa harapan ni Neph, halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha sa mukha ng huli.


Damn right, Asshole!” singhal ni Josh na ikinapikit sa takot ni Neph. Kung ibang tao siguro ito ay baka hindi na nagdalawang isip si Neph na kaltukan ito pero hindi, si Josh ito, isa sa kaniyang mga best friend simula nung mga bata pa sila. Ang takot na ito sa mukha ni Neph ang siyang nakapampalambot sa puso ni Josh.


I trusted you, Neph. You were one of my best friends---”


I still am your best friend---” putol ni Neph, sa takot na tatalikuran na ni Josh ang kanilang pagkakaibigan sa oras na iyon.


But best friends don’t kiss each other’s girlfriend, Neph.” Hindi maikakaila ang sakit sa sagot na ito ni Josh na nakapagpatameme kay Neph. “You should’ve told me that you have feelings for her, baka naintindihan ko pa pero yung titirahin mo ako patalikod ay ibang usapan na, Neph.” malumanay pero hindi maikakaila na puno ng sakit na saad ni Josh na lalong nagpalungkot kay Neph.


I’m sorry.” pabulong na saad ni Neph habang naglalakad palayo si Josh.


000ooo000


I already watched this movie, you know.” nangingiting saad ni Lance habang sumusubo ng popcorn sa hiyang-hiya na si Igi.


How many times do I have to say I’m sorry?” namumulang pisngi na tanong ni Igi na lalong nakapagpahagikgik kay Lance. Dahil kasi sa takot na baka sinusundan sila ni Josh upang kumpirmahin na totoo ang palusot niya ay wala sa sarili niyang hinatak si Lance papunta sa loob ng sinehan.


Nagbibiro lang ako--- pero mas maganda siguro kung sasabihin mo sakin kung ano itong pinasok ko. Baka kasi mamya sapakin ako sa labas ni Josh, at least kapag sinabi mo na sakin ang dahilan meron na rin akong dahilan para suntukin siya pabalik.” nakangiti paring sabi ni Lance na ikinamula lalo ng pisngi ni Igi. Ngunit matapos ang naunang hiya ay nakita ni Igi na hindi maikakailang mapapagkatiwalaan si Lance kaya naman nagbuntong hininga muna siya sa ikinuwento ng buo ang mga nangyari.


000ooo000


Nakalimutan na ni Igi at Lance ang kanilang pinapanood na pelikula dahil ikinuwento na lang ni Igi ang lahat ng nangyari. Matapos magkwento ay sinulyapan niya ang mukha ni Lance, tinitignan kung ano ang magiging reaksyon nito, hindi na siya nagtaka nang makita niya itong nagiisip ng mamalim, nangungunot ang noo at tila ba nagaalala. Ine-expect na niya na dahil straight si Lance ay hindi nito maiintindihan ang kaniyang nararamdaman kay Josh.


Lance?” tawag pansin ni Igi sa huli na ikinagising nito sa malalim na pag-iisip.


Huh? Oh. I think you should clear things up with Josh first bago ka magisip ng kung ano-ano. From what you said, mukhang may feelings din si Josh sayo and all of this is just a misunderstanding.” mungkahi ni Lance kay Igi, iniisip na lahat ng ito ay ayon lamang sa plano ni Roan kaya mas gusto niyang mag-usap muna ang dalawa upang magkalinawan. Dahil naman sa mahinahong sagot na ito ni Lance ay napabuntong hininga na lang si Igi. Iniisip niya kasi na homophobic si Lance at mali ang pagtitiwala niya dito.


Kitang-kita ko na, Lance. Naghahalikan si Josh at Des sa gitna ng hallway. Wala ng dapat pang pag-usapan.” umiiling na saad ni Igi matapos masigurado na hindi siya sasapakin ni Lance.


I don’t know. I still think it's best if you talk things with Josh first.” mariin paring saad ni Lance na ikina-isip ng malalim ni Igi.


000ooo000


Still mad at me?” nahihiya at pabulong na tanong ni Des kay Josh nang makita niya itong nakatulala sa library ng kanilang school.


Huh? Oh Hi, Des. No, I’m not mad at you.” Parang batang kagigising lang sa paged-daydream na sagot ni Josh. Hindi parin panatag ang loob ni Des sa sagot na ito ni Josh.


Still thinking about what Neph and I did?” malungkot na tanong ni Des na tuluyang gumising kay Josh.


Actually I was thinking about something or somebody else.” wala sa sariling tuloy-tuloy na saad ni Josh, medyo nasaktan si Des sa sinabing ito ni Josh pero hindi na lang niya ito ipinaalam sa huli.


Care to tell me?” tanong ulit ni Des sabay upo sa katabing silya ni Josh. Tinignan ni Josh ng maigi si Des, tinimbang kung mapagkakatiwalaan niya ba ito patungkol sa kaniyang nararamdaman kay Igi. Nakita niya ang sinserong pagaalala nito kaya't napagdesisyunan niyang sabihin na lang ang lahat dito.


Remember when you told me about the difference about being in love and love?---” simula ni Josh, nakita niyang tumango si Des bilang sagot kaya't ipinagpatuloy na niya ang sasabihin matapos magbigay ng isang malalim na hininga. “After we kissed earlier and after you made me realize about not feeling something with that kiss like what in love people should feel. I-I r-realized something else--- uhmm I-I t-thin--


You're in love with somebody else?” nakangiting saad ni Des ngunit kapag tinignan mo ito ng masinsin ay kita rin ang sakit sa mga mata nito. Alam ni Des na wala siyang karapatang masaktan dahil maging siya ay tanging pagmamahal lamang ng isang kaibigan ang nararamdaman para kay Josh.


Why am I hurting over this? Kung tutuusin dapat pa nga akong maging masaya para kay Josh diba? He finally realized the difference between love and being in-love. Saka matapos namin siyang traydorin ni Neph, swerte ko pa nga na kinakausap niya ako ngayon.” sabi ni Des sa sarili sabay pilit na ginawang buong puso at makatotohanan ang pagiging masaya para sa ex boyfriend na noong sandaling iyon ay nahihiyang tumango bilang sagot sa kaniyang tanong.


Who is it?” tanong ulit ni Des, ngayon makatotohanan na ang ngiti nito at bukal na sa loob.


It's---”


000ooo000


Aww! Look at them. They look so great together!” masayang singit ni Roan sa pagtitig ni Neph kay Des at Josh sa may sulok ng library, hindi maikakaila ni Neph na may punto si Roan, lalo pa't kitang-kita niya ang masinsinang paguusap ng dalawa. Iniwas na ni Neph ang kaniyang tingin kila Josh at Des at nagsimula ng maglakad palayo.


Hey do you want to watch a movie or something? Wala pang kwenta ang mga class ko eh---” simula ni Roan na agad namang pinutol ni Neph.


What do you want Roan? What do you really want?!” halos pasinghal na niyang tanong kay Roan.


Look, Neph, they love each other. You should get over it! We belong together! Di ka pa ba nagsasawa sa laging pange-echepwera sayo ni Des?!” nanlalasong sabi nanaman ni Roan pero hindi na magpapalason pa si Neph dahil alam na niya ngayon ang nais mangyari ni Roan. Galit na lumapit si Neph kay Roan, halos idunggol na ni Neph ang sariling mukha sa mukha ni Roan mai-parating lang dito ang kaniyang galit.


Listen to me, bitch. Alam ko na ngayon na ikaw ang reason kung bakit ako nilayuan noon ni Des. Tell you what-- You drove us apart the first time and I congratulate you for that but this time you wouldn't be as successful, wanna know why? Because we love each other, something you're never going to understand because NO.ONE.LOVES.YOU. because you're a stone hearted selfish bitch who wouldn't let anyone else happy!” singhal ni Neph sa nanlalaking mata at maluluha ng si Roan.


000ooo000


Maganda sana yung pelikula kung nanood lang tayo.” humahagikgik na saad ni Igi kay Lance na hindi rin mapigilang mapangiti at umiling. Matapos ang kanilang saglit na pagba-bond ay nagkapalagayan agad ng loob ang dalawa.


At least nailabas mo ang sama ng loob mo diba?” nakangiting sabi ni Lance na ikinatango naman ni Igi bilang pagpayag.


At dahil dun. Thank you.” sabi ni Igi sabay tingin kay Lance na hindi rin mapigilang mapangiti.


I'm flattered, Igi, but I'm straight.” nakangising saad ni Lance na ikinamula ng pisngi ni Igi sabay suntok nito sa braso ng huli.


Asshole!” singhal ni Igi sabay iling saka humagalpak sa tawa.


Wow. That was fast. One minute I'm a saint and the next I'm an ass?” humahagikgik na sabi ulit ni Lance na ikihagalpak lalo ni Igi.


Damn right!” balik ni Igi pero agad din siyang natigilan nang makitang biglang sumeryoso ang mukha ni Lance. Sinundan ni Igi ang tingin ni Lance at nakita niya si Roan na nakasandal sa pader, nanlalaki ang mga mata at naluluha na habang tila ba tinatakot siya ni Neph.


What the hell---?!” saad ni Igi sabay sunod kay Lance papalapit ksa kinatatayuan nila Roan. Nang may ilang metro na lang ang layo ng dalawa ay siya namang alis ni Neph at naglakad pasalubong kila Lance at Igi. Mabilis na pumunta sa tabi ni Roan si Lance at inalo ito lalo pa't dumeretso na ito sa pag-iyak.


What happened, Neph?” tanong ni Igi sabay harang sa kaibigan. Ngayon niya lang ito nakitang galit na galit.


You wouldn't understand, Igi.” pasinghal na saad ni Neph na lalong nakapagalala kay Igi.


Try me.” seryosong pangungulit ni Igi sa kaibigan na ikinailing lang ni Neph.


P-please. N-not now.” pigil galit na saad ni Neph na agad namang pinagbigyan ng huli. Hinayaan na niyang makalampas ang galit na galit na si Neph at nang hindi na niya ito matanaw ay agad naman siyang pumunta sa kinatatayuan ni Roan at Lance.


000ooo000

Are you OK?” tanong ni Lance kay Roan sabay yakap ng mahigpit dito.


Why can't he love me back?” wala sa sariling tanong ni Roan kay Lance na hindi mapigilang mapasinghap.


Because he's in-love with someone else, Roan. You have to let him go.” mahinahong saad ni Lance sabay yakap ng mahigpit kay Roan.


But what if nobody like's me? What if nobody will care for me? What if nobody will love me?” sunod sunod na parang batang tanong ni Roan kay Lance.


Shhh, wag mong isipin yan, you're beautiful, smart and kind. It doesn't mean na kapag tinurn down ka ni Neph ay wala ng iba pang magkakagusto sayo.” alo muli ni Lance kay Roan, wala na lang nasabi si Roan kung kaya't ibinalik na lang nito ang mahigpit na yakap na ibinibigay sa kaniya ni Lance.


Aktong lalapit na sana si Igi kay Lance at Roan at aaluhin na sana niya ang huli katulad ng pagpapagaang ng loob na ginawa nito may ilang linggo lang ang nakalipas sa kaniya nang mapasulyap siya sa salamin na pinto ng school library. Katulad noong umagang iyon, nung nakita niya si Des at Josh na naghahalikan ay tila pinupunit muli ang puso ni Igi habang pinapanood niya ang masinsinang paguusap ng dalawa sa may sulok ng library.


Uhmmm I-I h-have to go.” paalam ni Igi sa kung sino man ang nakikinig. Hindi na niya sinulyapan pa sila Lance at Roan kung narinig ba ng mga ito ang kaniyang paalam, basta na lang siyang umalis mula sa lugar na iyon.


Lance?” tawag pansin ni Roan sa huli, sinundan ni Roan kung sino ang binabato ng nagaalalang tingin ng huli at naabutan niya ang tila naluluhang si Igi na naglalakad palayo.


Di niya mapigilang makonsensya mula sa sakit na idinudulot ng kaniyang mga nagawa kay Igi.

Itutuloy...



The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 15”
by: Migs

Comments

  1. ITO PO AY BACK TO BACK CHAPTERS (TTTDAMO 16 and 17). Ang mga comments niyo po sa chasing pavements ay sasagutin ko sa next update ng CP, ngayon po ang aking munang sasagutin ay yung mga comments last post ng TTTDAMO.

    Inaanyayahan ko pa ang lahat na bisitahin at basahin ang gawa ng mga authors na ito. Hindi po kayo magsasawa, promise! :-)

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Moon sung Min: masyadong mahaba ang pangalan mo para sa story hahaha! Kinalaman ng pangalan sa story?! Pasensya na aning mode lang ako ngayon. Pagod na eh.

    Berto: silver? Hahahahahaha! Ikaw naman, ganun lang talaga si Roan, moody hahaha

    jacobo: lakas maka “ultimate fan” hahahaha! Anyways, I'm sorry kung medyo nawawalan ng heart yung story, sabi ko naman sainyo bago ito mag-start na wala itong storya na ito sa mga naka line up ko na na story, isiningit ko lang ito kasi paulit ulit ko siyang napapanaginipan. Haha! I don't know kung mag i-improve pa yung plot, pero siguro hindi naman nawawalan ng heart baka nagiging dragging lang? Hehe. Sige- sige. I'll re-read the rest of this story at kung may maisisingit ako para gumanda yung story gagawin ko. :-) pasensya na ah, busy talaga eh, actually, ngayon habang tinitipa ko itong comment na 'to nag e-encode naman ako sa kabilang laptop ng mga medical records ng pasyente. Haha! Pero alam ko hindi excuse yun, and for the record, hindi ito tipo ng story na “may maipost lang” medyo dragging siguro, Oo, pero sige, I'll “re-direct” the plot sa mas ma-pusong daan. Hehe. Saka nga pala, may reason kung bakit ko ito sinulat. Intayin niyo na lang po sa ending, mga 3-4 chapters pa. :-D

    Iyanchan: haha! Bakit ba sa kesame pa? Hindi ba pwedeng sa puno na lang? Haha!

    Ian: haha! Kapag di satisfying yung mga chapters, kaaway mo na ako? Ganun? Haha!

    ReplyDelete

  2. adik_ngarag: your wish is my command, since isa ka sa mga UNANG nag-comment sa LAIB 1 TWO years ago! :-)

    john el: nope. Not Liam. Hehe! :-)

    Jm_virgin: ano pong sad?

    Makki: nope, not Liam.

    Gavi: matakot ka talaga na mainlove sakin haha! Hindi magandang experience, promise. Haha!

    Wastedpup: I LOVE YOU. Ayan OK na? Haha! Nope, not a love triangle for Igi and Josh. Panggulo lang yun nabangga. Haha!

    ANDY: sa notepad. :-). Yup, bago talaga kasi, iniba ko ngayon, sa huli inatyin mo kung bakit. Haha.

    Russ: sabi ko kasi diba sainyo na nag-apply ako sa isang network as script writer. Haha! Boplaks lang ako kasi di ko inisip na ako ay amateur lang compared sa mga kasabay ko mag-apply. AT, huwag kalimutan ang AT--- di ko agad na-realize na B2B nga pala ang genre na isinusulat ko at hindi B2G! Haha! Kaya ayan, yan ang nagtulak sakin na itesting ang pagsulat ng straight story.

    Erwin F.: akala ko gawa na ang wifi mo? :-)

    ryval winston: wag masyadong magalit kay Roan. :-)

    kean tongol: isa ka pa. Nope, not Liam. :-D

    aR: di ka pa nasanay sa mga pabitin ko. haha!

    Mr. Brickwall: maka OHVER ka naman. Sige, pila ka na sa mga taong hindi nagustuhan ang story na 'to. :-( hahaha! Naginarte lang ako saglit.

    Ric Blue: flattered naman po ako sa inyong offer. Sige po, Ok lang po sa akin. :-D

    morri: thanks! :-)

    Edmond: pressure much? Haha! Prinessure na nga ako ni jacobo pati ba naman ikaw? Haha! And NO your comment was not deleted. It was spammed. :-) retrieved it and unspammed it.

    Akosichristian: bakit, ano bang meron kay Liam at halos lahat kayo siya ang sinasabi na sumulpot?! Haha!

    MARAMING SALAMAT PARIN SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA. :-) PA-FOLLOW NA LANG PO SA MGA HINDI PA NAGFA-FOLLOW AT COMMENT COMMENT DIN PARA SA MGA SILENT READER. :-) di ako nangangagat, labas na kayo sa lungga niyo! :-)

    ReplyDelete
  3. So far so good Migz... Galing talaga! At dahil diyan, bati tayo... Hehehe

    _ian

    ReplyDelete
  4. well kuya migs... moon na lang... as in salor moon(parurusahan kita! sa ngalan ng buwan!)?? ahaha... sa chapter 19 dapat ako ang assassin ni roan...lol

    ReplyDelete
  5. migs, oo naman, isa talaga ako sa unang sumubaybay sa LAIB kasi 1st chapter pa lang nun e nagustuhan ko na at hindi kasi sya puro kalibugan kagaya ng iba sa mga stories sa BOL. sobrang na hooked ako kay migs, ed at cha.

    nagulat ako.... BACK TO BACK Chapter.... what a way to start the weekend!!!

    kagabi ko pa inaabangan to at pagkagising ko kanina, ni check ko agad kung may update na.

    like the previous chapter, maganda na naman tong chapter na to at excited ako mabasa yung next.

    kaya lang bakit parang nakakaramdam ako na malapit na yuing ending??? hahaahahahaha

    basahin ko na yung next chapter.... thanks, migs!

    ReplyDelete
  6. Poor Roan!

    Sabi ko na nga ba si Lance yun eh!

    Ayan nagkaaminan na sa sarili at kay des at lance si igi at josh. Kailangan n lng nila aminin sa isat isa. Weeeh! Next naman!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]