The Things That Dreams Are Made Of 12

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Napatigil si Igi sa paglalakad nang maabutan niyang nakatitig si Josh sa natitirang matinong kama sa kanilang kwarto, tila ba malalim ang iniisip o di kaya naman sinasaulo ang itsura ng kama na iyon, sa sobrang pagkaabala sa pagtitig ni Josh sa kama ay hindi na nito napansin si Igi na tumabi sa kaniya at sinubukan ding titigan ang kama at alamin kung bakit aliw na aliw si Josh sa pagtitig dito.

What are we looking at?” wala sa sariling tanong ni Igi kay Josh nang hindi na niya matiis pa na titigan ang hindi naman dapat bigyan ng interes na bagay. Ang biglaang pagsasalitang ito ni igi ang gumising kay Josh, saglit na sumulyap si Josh kay Igi atsaka ibinalik ang tingin sa kama.


Iniisip ko lang kung pano tayo matutulog ngayong gabi.” kunot noong tanong ni Josh kay Igi na hindi narin mapigilang mapa-isip ng malalim.


Mag a-anim na talampakan na si Josh na dalawang pulgada lang ang lamang kay Igi, pareho ring malaki ang katawan ng dalawa, si Josh bilang batak sa gym ay konti lamang ang lamang kay Igi na batak naman ang katawan, hindi sa pag-g-gym kundi sa pageehersisyo at iba't ibang sports na kinahuhumalngan nito. Kaya naman ang pagkasyahin silang dalawa sa isang maliit na higaan ay talaga namang kinakailangang pagisipan na mabuti.


At dahil sa malalimang pagiisip na iyon ay ilang minuto pa nilang dalawa tinitigan ang kama na miya mo iniintay itong sagutin ang kanilang tanong kung paano sila matutulog sa pang isahang kama na iyon.

000ooo000


Antok na antok man ay hindi magawa ni Igi na makatulog. Paano ba naman kasi ay natatakot siya na baka kapag nakatulog na siya ay wala sa sarili niyang yakapin ang kaibigan, hindi niya rin pinagkakatiwalaan ang sarili na tumahimik patungkol sa totoong nararamdaman sa kaibigan habang natutulog kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na patagilid na humiga sa kama at humarap palayo kay Josh.


Dahil sa pusisyon ng pagkakahiga na iyon ni Igi ay hindi niya nakikitang, katulad niya ay dilat na dilat parin si Josh, hindi rin makagalaw mula sa pagkakahiga, nagaalala na baka hindi makatulog si Igi dahil sa kaniyang likas na likot sa pagtulog at dahil narin sa pagiisip sa isang hindi malamang bagay na tila ba hinahanap ng kaniyang katawan sa mga oras na iyon.


Sa pagaakalang tulog na si Josh at dahil patuloy paring namamayani ang takot ay naisipan na lang ni Igi na bumangon at maglatag na lang ng mahihigan sa sahig ngunit nang aktong patayo na siya ay may isang bagay na nakapagpatigil sa kaniyang pinaplano.

000ooo000


Naniningkit matang tinignan ni Des si Neph, sinusubukang hulaan ang hawak nitong mga baraha, sinusbukang hulaan kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa. Pangalawang araw na niya iyong pagste-stay sa bahay ng huli, natatakot na sa oras na umalis siya sa tabi nito ay muli nanaman siyang malulungkot at hindi muling titigilan ang pagiisip sa kaniyang problema kaya't humingi siya ng pabor sa ina ni Neph na ipaalam siya sa kaniyang mga magulang sapagkat alam niyang si Neph lang ang makakapagpagaang ng loob niya.


Naniningkit matang tingin rin ang sinukli ni Neph kay Des, hinahamon na ipakita na ang baraha nito ng magkaalaman na kung sino ang panalo sa kanilang laro. Pangalawang araw na iyon doon ni Des, alam niyang may dinadala itong problema at ayaw nitong mapagisa. Dalawang araw na ngunit hindi parin kusang sinasabi ni Des kay Neph ang nangyari kung ano ang dinadala nito, ayaw din naman ni Neph na tanungin ito dahil alam niyang sasabihin din naman ito sa kaniya ng huli kapag handa na ito basta't alam niya ngayon na kailangan ng kasama ni Des at hindi niya iyon ipagdadamot sa huli.


Nang sa wakas ay nagkasawaan na ang dalawa sa pagpapalitan ng nanghahamon na tingin ay sabay na ng mga ito na inilahad ang kanilang mga baraha.


I won!” sigaw naman ni Des sabay tayo sa kinauupuan at nagtatatalon na miya mo bahay at lupa ang napanalunan.


Haist. Lagi na lang ikaw ang nananalo.” lungkot-lungkutan na saad ni Neph na ikinahagikgik naman ni Des.


Pulpol ka lang talaga sa lahat ng laro. Tanda mo noon, kahit laro sa jolen ako parin ang nanalo---!” pangaasar ni Des kay Neph na ikinailing na lang nito.


---tapos hihingi ka ng price dahil nanalo ka! Yung price pa na gusto mo, hot choco!” tuloy ni Neph sa pagbabalik tanaw ni Des na hindi mapigilan ang sarili na mamula ang pisngi at mapatawa.


---tapos di ka papayag kasi sabi mo nandaya ako---” balik naman ni Des.


---tapos hindi mo ako papansin at bigla ka na lang uuwi dahil lang sinabihan kitang madaya.” sagot naman ni Neph.


---tapos pupunta ka sa bahay na may dalang---” habol ni Des.


““HOT CHOCOLATE!”” sabay na pagtatapos ng dalawa, nagtama ang tingin ng mga ito, namumula ang mga pisngi habang unti-unting nauubos ang ngiti sa kanilang mga mukha, parehong hinihiling na hilahin ng pagkakataon na iyon ang oras at ibalik sila sa panahong mga bata pa sila at ang simple lamang na inumin na iyon ang papawi ng kanilang mga hindi pagkakaintindihan at muling ibalik ang kanilang nagkalamat na pagkakaibigan.


Ilang saglit pa ang itinagal ng pagtititigan na iyon nila Des at Neph. Tila nakakapagusap at nagkakaintindihan ang kanilang mga tingin na iyon.


Dahil dyan, ipagtitimpla kita ng hot choco.” basag ni Neph sa kanilang pagtititigan ni Des at tumuloy na papunta sa kanilang kusina na lubos na ikinalungkot ni Des, dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang dati'y solid na solid na nilang pagkakaibigan ni Neph, dahil lamang sa selos kay Roan at sa pagaakalang may nararamdaman si Neph sa huli.


I should've stayed as your friend, Neph. I should've faced the pain. I-I miss you.” bulong ni Des sa kalalapat lamang na pinto na siyang ginamit ni Neph upang makalabas mula sa kwartong iyon.

000ooo000


Nakangiti si Neph habang naghahanda ng maiinom nila ni Des. Hindi parin maialis sa sarili na matuwa at kahit papano ay nagkaayos na sila ni Des kahit pa hindi parin niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang hindi pinansin ni Des may ilang taon na ang nakakalipas.


I'm not sure if I'm in love with Josh.” pabulong na saad ni Des sa may pinto ng kusina na siyang ikinatigil ni Neph sa kaniyang ginagawa, sa sobrang gulat sa mga narinig mula kay Des ay hindi na niya nagawa pang humarap dito.


I love him only as a friend and not as a lover.” paguulit ni Des sa pagaakalang hindi narinig ni Neh ang kaniyang unang sinabi. Hindi na napigilan pa ni Neph ang sarili at hinarap na nito si Des, magsasalita na sana siya ngunit inunahan siyang muli ni Des.


I thought-- I-I can love him l-like I love--- I-I thought I can love him ng mas hihigit pa sa pagiging magkaibigan p-pero--- binigay ko na sa kaniya lahat dahil na-g-guilty ako dahil pakiramdam ko kulang yung ipinapakita ko sa kaniyang pagmamahal kumpara sa ipinapakita at ibinibigay niya sakin, akala ko kapag ibinigay ko na sa kaniya ang lahat mamahalin ko na siya ng higit pa sa pagiging magkaibigan p-pero mali ako--- ayaw na ng parents niya na naiiwan kaming walang matandang kasama sa bahay, nagalit siya and he told me that it's unfair because we love each other. B-but I broke his heart. I agreed with what his parents want, sinabi ko na masyado pang maaaga and that we should be sure with what we feel before going on with our relationship. Paulit ulit niyang tinanong kung mahal ko siya at sinabi kong mahal ko siya pero, pagkasabi na pagkasabi ko pa lang ng salitang pero bumagsak na ang mukha ni Josh. I told him that I'm not IN-LOVE with him and that I---” aligagang tuloy tuloy na saad ni Des na nakapagpalungkot ng sobra kay Neph, ayaw niyang nakikitang aligaga ito, ayaw niyang nakikita na pinapatay ng sariling konsesya ang taong mahal niya at lalong ayaw na ayaw niya itong nakikitang nasasaktan dahil lamang sa isang bagay na hindi niya kayang pigilan.


Don't kill yourself over something you can't control. You don't love him, there's nothing yo can do about it. There's nothing he can do about it. So p-please stop killing yourself over this, I -I hate to see you like this.” hindi mapigilang pagaalo ni Neph sabay binalot na ng kaniyang malalaking braso ang petite na katawan ni Des na agad namang humagulgol.


Shhh. Everything is going to be OK now.” pagaalo ni Neph kahit pa alam niyang iyon pa lang ang umpisa ng lahat.

000ooo000


Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Igi nang maramdaman niya ang pagyakap ni Josh mula sa kaniyang likuran. Ramdam na ramdam niya ang bigat at laki ng mga braso nito, ang marahang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito na nakalapat sa kaniyang likuran kapag humihinga ito at ang pag-ihip ng hininga nito sa kaniyang batok kasabay ng pagtaas at pagbaba dibdib nito.


Pero imbis na lalong hindi dalawin ng antok at ma-tense si Igi dahil sa pagyakap na iyon ni Josh ay taliwas doon ang nangyari. Mas nagrelax ang kaniyang buong katawan na lalong lumapat sa matipunong katawan ni Josh, dahan dahan narin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata dahil sa antok at tanging isang malalim na hininga na lang ang kaniyang napakawalan bago pa siya tuluyang lamunin ng tulog.

000ooo000


Hindi alam ni Josh kung bakit niya biglang niyakap si Igi ang tanging alam niya lang ay tila ba may nagtutulak sa kaniya na gawin iyon na para bang ang pagyakap na iyon sa katawan ni Igi ay kanina pa gustong gawin at hinahanap hanap ng kaniyang katawan para makatulog. Habang asa ganoong pwesto siya ay hindi niya mapigilang mapansin ang mabangong buhok ni Igi na tila ba gumagapang at bumabalot sa buong katawan nito.


Hmmmm...” wala sa sariling bulalas ni Josh sabay dikit ng ilong sa batok ni Igi, ipinikit ang mga mata, sinamsam ang bang ng buhok at balat ni Igi, lalo pang iniyakap ang sarili sa katawan ng huli at hinayaan na ang sarili na lamunin din ng antok kagaya ni Igi.

000ooo000


Pagdilat na pagdilat ng mga mata ni Igi ay hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil sa buong magdamag silang magkayakap ni Josh. Hindi alam kung ano ang kaniyang isipin sa yakapan na iyon pero ipinograma niya rin sa kaniyang isip na ang simpleng yakapan na iyon sa kanilang pagtulog ng magkasama ay wala ng ibang ibig sabihin pa kaya naman dahan- dahan niyang ini-angat ang mala trosong braso ni Josh at umalis sa pagkakayakap nito, saglit na napatigil si Igi sa pagbangon sa pagaakalang nagising si Josh dahil sa biglaang paggalaw nito na tila ba hinahanap si Igi sa tabi, natigil lamang iyon nang mabilis na isiniksik ni Igi ang unan sa pagkakayakap ni Josh bilang kapalit ng kaniyang katawan na agad namang ikinatigil ni Josh sa paggalaw.


Saglit na tinitigan ni Igi ang maamong mukha ni Josh, hindi mapigilang mapangiti sa tila ba batang natutulog sa kaniyang harapan bago tahimik na lumabas mula sa kwarto at pumunta sa isang tahimik na lugar kung saan maaari niyang balik-balikan ang mahihigpit na yakap ni Josh.


000ooo000


Kalahating oras pa ang lumipas at tila may bumulong kay Josh na mayroong mali sa kaniyang paligid kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang talukap ng kaniyang mga mata. Para siyang sinampal ng pagkadismaya nang malaman niya kung ano ang mali sa kaniyang paligid sa umagang iyon. Wala na si Igi sa kaniyang tabi, tanging unan na lamang ang kaniyang yakap-yakap imbis na ang kaibigan.


Sa loob ng ilang araw nilang pagste-stay sa beach house na iyon ng mga pari ng samahan ni Saint Anthony ay si Josh lagi ang unang nagigising, panonoorin ang maamong mukha ni Igi habang natutulog hanggang sa magising ito, kaya naman ngayon, dobleng pagkadismaya ang kaniyang nararamdaman dahil hindi niya nagawa ang mga bagay na iyon na sunod sunod na apat na araw na niyang ginagawa.

Habang bumabangon at nagliligpit ng kanilang pinaghigaan ay hindi maiwasang isipin ni Josh na baka nawirduhan si Igi sa kaniyang pagyakap dito kaya maaga itong nagising at lumabas ng kanilang kwarto.


Kailangan ko siyang makausap.” sabi ni Josh sa sarili matapos magayos ng pinagtulugan at tumuloy na sa banyo upang mag-ayos ng sarili.


000ooo000

Nakatanaw lang si Igi sa malawig na dagat, pinapanood ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan, sinasaulo ang ganda nito, iniisip na iyon na ang huling araw nila sa beach house na iyon at babalik silang magkaibigan muli ni Josh, isang bagay na akala niya ay hindi na muli pang mangyayari. Naisip ni Igi na hindi na sila muli pang magpapataasan ng ihi ni Josh sa bawat activity sa school.


Andyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap ah!” humahangos na saad ni Josh sabay pabagsak na ini-upo ang sarili sa tabi ni Igi kahit pa ang totoo ay kanina pa siya sa likuran ni Igi, kinakabahan at hindi alam kung paano haharapin ang kaibigan kung sakaling tama ang kaniyang hinala kaya ito gumising ng maaga.


Maaga ka atang nagising ngayon?” tanong ulit ni Josh kay Igi sa pagtatangkang ipanatag ang sariling kalooban.


Wala naman, nagutom kasi ako, pupunta sana ako sa kitchen kaso nakita kong malalakas yung alon ngayon tas na-amaze ako kaya lumabas ako tas pinanood ko muna. Ikaw? Bakit bumangon ka na?” tipid ngiting sagot ni Igi na nagpakaba kay Josh. Hindi kasi ito sumasagot ng pabalang katulad ng nakasanayan kaya kung ano- ano nanaman ulit ang pumasok sa isip ni Josh.


Patay, nawiwirduhan nga ata sakin si Igi.” malungkot na sabi ni Josh sa sarili, umiisip ng paraan upang bawiin ang sitwasyon na iyon.


Oh--- Well, I woke and saw you were not beside me, akala ko nasipa kita at nahulog ng kama kaya bumangon ako para sana pahigain ka ulit sa kama at mag-sorry kaso wala ka na pala sa loob ng kwarto kaya hinanap kita.” biro ni Josh, umaasa na ibalik ni Igi ang biro sa kaniya.


Di ka naman ganung kalikot.” nakangiti ulit na saad ni Igi na ikinatakot muli ni Josh, hindi kasi nito ibinalik ang biro gaya ng kaniyang inaasahan at nakapagpalala pa ng takot na iyon ay ang pagtingin ulit ni Igi sa malalakas na alon sa kanilang harapan na tila ba umiiwas na makausap siya. Hindi na natiis pa ni Josh ang sarili at tinanong na niya si Igi.


Hey, is there something wrong?” tanong ni Josh na ikinagulat ni Igi, agad na ngumiti si Igi, hindi man niya alam kung saan nanggaling ng tanong na iyon ni Josh ay malugod niya parin itong sinagot.


Oo naman. Gutom na kasi ako tapos inaantok pa, kaya ako nagspe-space out.” nakangiting sagot ni Igi na hindi kinagat ni Josh, iniisip parin kasi ni Josh na nawirduhan nga si Igi sa kaniyang pagyakap dito buong magdamag kaya ito wala sa sarili nung sandaling yun.


M-meron ba akong ginawang masama, Igi?” pabulong na tanong ni Josh, natatakot na kasi siyang magkalamat nanaman ang kanilang pagkakaibigan dahil lamang sa isang bagay na hindi niya naman alam kung bakit niya nagawa at hindi mapigilan. Agad na tinignan ni Igi si Josh, nakita niya ang lungkot sa mukha ng kaibigan kaya naman agad niya itong inalo.


Ramdam ko kasing umiiwas ka---” simula ulit ni Josh na agad namang pinutol ni Igi.


Hey, where is this coming from? I'm just not being myself today that's all. Di ako nakatulog dahil anlakas mong humilik tas utot ka pa ng utot habang tulog.” biro ni Igi kay Josh sabay akbay, Sa pagbibirong ito ni Igi ay agad namang gumaan ang loob ni Josh. Napagtantong walang basehan ang kaniyang ikinatatakot.


Are you sure? You're being cold and---” simula muli ni Josh, sinisigurong walang panibagong lamat sa kanilang pagkakaibigan.


Doofus! Of course I'm sure! Ngayon, kumain na tayo at lubusin na natin ang last day natin dito!” magiliw na sabi ni Igi habang naka-akbay parin kay Josh na hindi narin napigilan ang sarili na mapangiti lalo pa't nasiguro na niyang hindi nawiwirduhan si Igi sa kaniyang ginawang pagyakap dito magdamag.


000ooo000


Dahan-dahang idinilat ni Des ang kaniyang mga mata, hindi na siya nagulat nang makita niyang ginawa niyang unan ang dibdib ni Neph, magdamag kasi silang nagusap ni Neph, pinagusapan ang nangyari sa kanila sa loob ng ilang taon nilang hindi paguusap at nang pareho ng gumaan ang kanilang mga loob ay ipinikit na lang nila ang kanilang mga mata at nakatulog na.


Good morning.” inaantok na bati ni Neph kay Des na hindi naman napigilang mapangiti.


EWWW! Morning breath!” panunukso ni Des kay Neph na agad namang inamoy ang sariling hininga,


Hey! It's not that bad!” balik ni Neph sabay ngisi.


Ha! Amoy imburnal kaya! Mag tooth brush ka nga mun--- ARGGGGHHHH!” hindi na naituloy ni Des ang kaniyang sasabihin sapagkat inabot na ni Neph ang tagiliran nito at masuyo itong kiniliti.


Mabango kaya! Cmon smell it!” nakangising sabi ni Neph kay Des habang kinikiliti ito, hindi batid na ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha at nang sa wakas ay napagtanto na nila ang lapit ng kanilang mga mukha ay unti-unting nabura ang mga ngiti sa kanilang mukha, nagtama ang kanilang mga tingin at tila ba wala na silang pareho pang pakielam sa nangyayari sa kanilang paligid.


Ahem.” saad ng ina ni Neph sa may pinto ng kwarto, seryoso ang mukha nito ngunit hindi rin naman ito galit. Agad na umayos ang dalawa at nahihiyang humarap sa matanda.


I need you to pick up something for me at the mall. I'll give you money, you and Des can have your lunch there.” pinipigilang ngiting sabi ng ina ni Neph sa dalawang bata na di magkamayaw sa pagpula ng mga pisngi.


000ooo000


Pagod pero nakangiting bumaba ng bus ang magkakaklase sa harapan ng isang mall. Napagusapan kasi nila na doon sila magtatanghalian matapos ang team building. Masayang nagkukuwentuhan ang lahat, pinaguusapan parin ang katatapos lang na team building habang sumasakay sa elevator, sa kagustuhang sabay-sabay na makarating sa kanilang kakainan ay ipinagpilitan nila na magkasya sa elevator, isisiksik pa sana ni Josh at Igi ang sarili nang tumunog na ang bell sa loob ng elevator bilang hudyat na masyado ng maraming sakay ang elevator, napag-isipan ng dalawa na sa susunod na lamang na lift sumakay.


Nang dumating na ang susunod na lift ay agad ng pumasok ang dalawa kasunod ng ilan pa na gustong makarating sa mga susunod na palapag. Sa sobrang dami ng sumakay ay napasiksik si Igi sa dulo ng elevator kaharap si Josh na hindi mapigilang mapadagan sa kaniya. Nagtama ang tingin ng dalawa, tila ba gustong saulohin ang bawat detalye ng mata ng bawat isa, nangungusap at may mga lihim na sinasabi, ang mga katawan ay tila ba hinulma para lang sa isa't isa at ang magkalapat nilang mga dibdib ay iisa lamang ang ritmo ng pagtibok.


Lumabas na ang mga kasabay nila ng elevator, tanging sila na lamang dalawa ang natira sa loob noon pero hindi parin sila naghihiwalay. Wala sa sariling inilapat ni Igi ang kaniyang mga labi sa malalambot na labi ng gulat na gulat na si Josh. Saglit lamang ang itinagal ng halik na iyon pero habang buhay iyong tatatak sa isip ni Igi, puno iyon ng emosyon na tila ba matagal nang gustong gawin ni Igi ang halikan na iyon kaya naman nang sa wakas ay nangyari ito ay iba't ibang emosyon ang tumatak sa kaniya, ngunit nang mapagtanto na niya ang kaniyang ginawa ay agad na niyang iniwas ang tingin sa tila ba gulat na gulat parin na si Josh atsaka marahang lumayo dito.


Iniintay ni Igi ang pagkunekta ng malaking kamao ni Josh sa kaniyang mukha dahil sa kaniyang pangangahas na iyon pero hindi iyon dumating. Unti-unti siyang nagtaas ng tingin at nagulat nang makita niya ang namumulang pisngi na nakatitig parin sa kaniya na si Josh na tila ba kinikilatis siya.


Agad na ipinikit ni Igi ang kaniyang mga mata dahil sa takot nang makita niya ang paglapit sa kaniya ni Josh, inihanda ang sarili sa pambubugbog nito ngunit hindi iyon nangyari sa halip ay ang pagdampi ng malalambot na palad sa kaniyang pisngi ang kaniyang naramdaman, ang malalambot na palad ding iyon ang unti-unting nagtaas ng kaniyang mukha, hindi napigilan ni Igi na imulat muli ang kaniyang mga mata upang malaman kung bakit iniaangat ni Josh ang kaniyang mukha. Agad siyang nanlambot nang magsalubong muli ang kanilang tingin ni Josh, ipinapaikot nito ang kaniyang dalawang mata sa maamong mukha ni Igi na miya mo sinasaulo ito ngunit kasabay non ay tila ba nagtatanong, nagsusumamo at naghahanap ng kasiguraduhan ang tingin na iyon.

Lalong nagulat at naguluhan si Igi nang bigla ulit sumalubong sa kaniyang mga labi ang malalambot na labi ang malalambot na mga labi ni Josh. Ang tingin ng tila ba nagtatanong, nagsusumamo at naghahanap ng kasiguraduhan ay agad na nabura mula sa mga tingin ni Josh at napalitan iyon ng kasiguraduhan, sinseridad at marami pang iba't ibang emosyon na bago sa dalawa, ngunit lahat ng iyon ay nawala ng muling ipikit ng dalawa ang kanilang mga mata at ninamnam na lamang ang kanilang paghahalikan.


Nang maghiwalay ang dalawa sa halikan na iyon ay muling nagtitigan ang dalawa, namumula ang pisngi ngunit parehong may mga ngiti sa mukha, tanging ang pagtunog ng bell sa loob ng elevator, hudyat na asa tamang palapag na sila at oras na upang lumabas sila doon ang pumutol sa pagtititigan na iyon.


Akala ng dalawa ay tapos na ang surpresa para sa araw na iyon kaya't laking gulat nila nang bumukas ang pinto ng elevator at bumulaga sa kanila ang madaming tao na nagche-cheer na tila ba may pinapanood na palaro sa gitna ng food court. Agad na naglaho ang galak sa puso ni Josh at tila ba nakalimutan ang kani-kanina lamang ay kahalikan niyang si Igi sa kaniyang tabi nang makita ang pinapanood ng lahat.


Si Des at Neph, naghahalikan.


Itutuloy...



The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 12”
by: Migs

Comments

  1. Maikli lang ulit 'to. :-) Sensya na ulit sa late post dahil sa sobrang busy. Wala naman ng bago. Hehe. Ang promise ko na surprise nung lunes ay hindi ko nai-post dahil anlakas ng ulan. (koneksyon?) haha! Isa lang ang eksplanasyon ko dyan. Tinamad ako. Haha! Sensya naman. Napasarap ang tulog eh.

    Lawfer: Oo nga, namiss ko ang mga comments mo. Haha! Ewan ko ba kung bakit hindi ako makapagpakilig ngayon, siguro dahil hati ang ideas ko sa pagpapakilig sa dalawang story. (straight and gay.) haha! Thanks sa patuloy na pagsubaybay kahit sa mobile lang. It means a lot.

    Ivan Cristobal: intayin mo lang, mare-realize mo rin na hindi talaga dapat ginagawang inspirasyon ang mga lintik na crush na yan.

    Akosichristian: LIAM PARIN?! Haha!

    Makki: pano ka naman nakakasigurong hindi pa ako skin head? Haha! :-D

    Erwin F.: marami na akong kilala na pro gay priest. :-)

    Riley: kasi siguro iniisip mo na matagal na hindi nagkita si Maki at Jepoy sa breaking boundaries at may “boundary” nga between them, pareho nila Josh at Igi na ino-overcome ang boundaries na yun. Hehe. Wala lang, pa-epal lang ako. :-) may masabi lang.

    Ryge stan: abangan ang mga susunod na kabanata at ipapakilala ko si Lance. :-)

    russ: once you become a bitch, you can never go back. ;) Alam mo yan at ng rainbow colors mo. :-)

    ANDY: pano ka nakakasiguro sa character ni Lance? Malay mo sila pala talaga ni Igi ang meant to be? :-)

    MERVIN: akala ko di bagay sayo. Anong health problem naman ito, baka makatulong ako? Oo, matagal na ulit ko mag update, busy eh.

    AR: how can you be so sure? :-D

    kean tongol: here's your next level. Enjoy! Haha!

    Moon Sung-Min: Anong chasing pavements? Ano yun? Di ko alam yun. (Migs on maang-maangan mode.)

    berto: that b**ch has her reasons. :-)

    ReplyDelete
  2. robert_mendoza: Oo naman. Lahat naman ata ng writer sa genre ng m2m love magagaling eh. :-)

    wastedpup: minomoment-an mo na nga ako kada post eh, hindi pa ba sapat yun? Haha!

    Igi: pati ba allergies kuwa ko? Haha! Magpabiktima? Kanino mo naman narinig yan? Dahil dyan may paguusapan tayo ng masinsinan. Tsktsk. Sa expected characters naman... eh ano ngayon? Haha! Good luck din sa studies! Thanks!

    Gavi: thanks for loving my stories. It means a lot. At para naman sa paglo-load ng mobile blog ko, thanks sa update! :-)

    adik_ngarag: magkakapantay lang ang haba ng stories ko ano kaba! Walang maikli at walang lamang. Haha! Lahat eight pages all with 3k plus words! Haha!

    Josh: yung story na bago, bukas na lang. Hehe. Mwah!

    Mr: brickwall: ikonek talaga sa ulan lahat? Haha! Thanks at wag maligo sa baha. Okeii? Haha!

    Muli, inaanyayahan ko po kayo na silipin at basahin ang mga blog na ito ng aking mga kapatid sa pananampalatay na walang kapres at kasing galing sa pagsusulat...

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    At syempre ang pinaka idol ko sa lahat:

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapatid ng pananampalataya ka riyan! HAHAHAHAHA Hanglakas ng tawa ko. At binobola mo na rin pala ako hanggang dito, ah.. Miss you Migoy pasensiya na kung medyo naging busy ako at di kita masyadong nakausap no'ng nasa chatbox ka..


      Good luck at bilisan mo ang posting!! :D

      Delete
  3. yaman!! may pala airport na ang uluhan mo!? bwahahah loko lng Migoy!

    waaaaaahh Halik dito halik doon! yakap dito yakap doon! kilitiian dito kilitian doon! ang sayaaaa! waaaaaaaaaah! nice one Migz!

    BTW semikal ako! bwahahaha :P

    ReplyDelete
  4. kuya migs its been 7 months na walang CP!!!! january 1 yung huli! dali na kasi... ahaha... makapilit lang... namiss ko na si lil' Ric! ahaha( si ric talaga ang namiss ko pati yung puno ng santol!)

    ReplyDelete
  5. Waaah! Kaaning!

    Hug mo ko! Mwuah mwuah chapter ito pala!

    Kilig ako!

    Talaga? Makapagsimba nga doon. Saan yun? Papabless ko na din kay father yung raibow rosary

    ReplyDelete
  6. Kiliiiiiig!!!! =p~ nainggit ako :/ :))))) hi kuya sorry ngayon lang ulit :))) ah basta kiliiiig!!!! =))))

    ReplyDelete
  7. no no no migs, ndi ung snulat m ung kulang sa kilig, aq ung ejo namanhid lol

    peo d2 parang maiihi aq ah lol msasbi q lng leche flan tong chapter na to, puno ng tamis na nkapagpangiti skn... un nga lng eh sunog ung caramel kea mpait sa huli x.x

    ReplyDelete
  8. kuya migs! i miss you!!!! angtagal kon d nagbasa dito! minarathon ko lang talga kasi walang ginagawa sa bahay! i like your new story!!!! keep it up!

    kumusta ka na? Always a FANN! ahahah forever na ata. God bless and keep the stories coming :D

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  9. Author Migs!!

    Yup na feel ko lang!

    Seriously di naman maikli story mo naenjoy ko nga..haha..at last josh acknowledging Igi!!

    but wait there's more haha...des-neph na! ito na bitterness ni josh, suntukan moment na ba?

    aR

    ReplyDelete
  10. May pinaghuhugutan Migs?! Mka-lintik sa crush wagas?! hahahahaha!

    Hindi naman maikli update mo ngaun ah! Pinangungunahan mo na comment ko na maikli ang update mo. hahahaha! Nagenjoy ako. PROMISE! That Elevator scene, SUPERB! HAHAHAHAHAH!

    Good morning Author Migs!


    -iyanchan

    ReplyDelete
  11. Ayan!ang ganda ng chapter 12 Migs!eto na yung pinakahihintay kong moment nila Igi at Josh kahit epal sa eksena sila Neph at Des :p

    Yung explanation mo sa breaking boundaries eh pak na pak!haha!at saka di epal yun kasi malamang yun na nga reason kung bakit naaalala ko sila Maki at Jepoy kila Igi at Josh..all time fave ko kasi ang breaking boundaries :))

    Thank you Migs and take care!mwaahh!!

    Riley

    ReplyDelete
  12. kkkkkiiiiiiiiiiiiissssssssssssssssssssssssssssssss. :)

    ReplyDelete
  13. kuya migs wag naman ganon. Igi-Josh dapat!!! Haha! Please..

    Bakit naghahalikan si Des at Neph? Nakita ba nila si Josh at Igi na nghahalikan kaya gumanti? Transparent ba yung elevator?? LOL!

    Hayan na suntukan na yan kuya migs!! Suntukan! Suntukan! Suntukan!!

    ReplyDelete
  14. Mga ampupung PBB TEENS, anung trip niyo mang-inggit? Kaloka. Haha. PDA pa ahh. Kayo na.

    Kuya migs, super to the next level nman ito. Haha. Konti na lang at kokota na eh. Haha.

    ReplyDelete
  15. hmmm PM na lang kita Kuya Migs...:) kaso panu...? e-mail mo ako..??ehehe or sa fb..??

    hmmm another cliff hanger, pero this time mas nakakainis sya..andun na ung moment nila ni Igi-Josh tapos may Neph-Des..?? are u venturing in the field of Hetero Romance..?hehe anyways, I know which ever theme u'll choose, I know it will be a blast.

    more power and KUDOS for sharing..mwuah

    ReplyDelete
  16. wah di ko kinaya tong chapter na to! =)) Heavenly first kiss. lol super kinilig ako pero bat ganon, tapos na agad...wah bitin!!! neeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeext! hehe

    Migz, i love you na, Sir... =))


    -Gavi :)

    ReplyDelete
  17. woahhhhh shocking migs..so two couple were kissing..hehehe un nga lang silang dalawa sa elevator...ma try nga dito sa amin..ung nga lang escalator lang hehehe..pwde ba migs?

    ReplyDelete
  18. enuf of neph and des na, ndi nman nila kwento 'to idol eh.. hehe kahit cla nlng 2 poreber, keri lang un!!!!! ke igi at josh nlng.. :p

    lakas maka-kilig sa elevator.. :p

    ReplyDelete
  19. lagi na lang bitin..... migs, post mo na yung next chapter!

    putik, nag-kiss na sina josh at igi... tingin ko unti-unti nang nagiging beki si josh!!! haha

    ReplyDelete
  20. Ayos ka din naman pareng josh e no! kung makaparanoid ka na baka nawirduhan si pareng igi sayo, e ikaw ba naisip mo na dahilan sa mga kawirduhan mo. adik! hahaha.

    at ikaw pareng igi, wag ka na mag-attempt na i-reason out pa yang mga kawirduhan ng kaibigan mo para maprotektuhan yang damdamin mo na baka umasa ka. kasi, ayan na oh! ayan na si GF! masasaktan ka kahit anu mangyare, dahil lang sa isang rason, NAINLOVE KA LANG NAMAN SA BEST FRIEND MO! hahaha.

    ikaw naman pareng neph, wag na pakamartir, agawin mo na yang si des. tutal feel naman nyang paagaw e. hahaha.

    at ikaw pareng MIGS, salamat sa update. :)

    tagay pa! parang adik lang comment ko.

    ReplyDelete
  21. kakakilig nmn ung sa elevator scene nila!!finally!!tagal kong inintay ung moment na'to eh!haha

    -monty

    ReplyDelete
  22. Ngaun lang ako nakapagComment kahit na isa ako sa mga unang unang nakabasa ng chapter na ito. Kasi, next na!!!!
    hahaha.... Hi Migs. Galing kasi eh. eto na ang simula ng pagiging intimate ni Josh kay Igi eh. Kaya di ba, ganun na lang ang kagustuhan nating mabasa ang mga susunod na mga kabanata. Kinikilig ako sa 2 ito. Sige na Migs, next na please.

    ReplyDelete
  23. shesh what a chapter migz. This is totally amazing at least di na mahihirapan si Josh and Des to clear things up hehehe.

    Can/t wait to read the next chapter.....

    Have a great day migz and have a safe week ahead.

    ReplyDelete
  24. Di kana siguto magtatampo sa akin ngayong nakahabol na ako sa k'wento mo. Hihihihi!! Galing talaga Migoy, walang kupas ikaw na!!



    ^____^

    ReplyDelete
  25. naghalikan lang? wala na bang kasunod yan? hahahaha!!!

    maganda miguel ang progression. kaso ang hinihintay ko yung pangako mo sakin. asan na?

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  26. di ko kinakaya to sa elevator sila naghalikan seryoso ba yan

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]