The Things That Dreams Are Made Of 15
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities
to any written works and any person, living or dead are purely
coincidental. The story is intended for a mature audience. It may
contain profanity and references to gay sex. If this offends you,
please leave and find something more suitable to read. The author
maintains all rights to the story. Do not copy or use without
written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Pansamantalang
nakalimutan ni Igi na dapat na siyang lumabas ng mall na iyon nang
makita niya kung sino ang nabangga niya at tumawag sa kaniyang
pangalan. Napatitig siya sa maamong mukha nito, mapuputi at pantay
pantay nitong ngipin, mapupulang labi na nakangiti sa kaniya at
singiting mata na tila ba nagtatago dahil sa pagngiti ng may ari
nito.
“Lance?”
“Yup
the one and only!” nakangiti paring sabi ni Lance.
“You
were in a hurr---?” simula muli ni Lance nang hindi na nagsalitang
muli si Igi pero agad din siyang naputol nang biglang sumulpot si
Josh.
“Igi!
Kanina pa kita tinatawag, bakit ka ba nagmamadali?!” humihingal na
tanong ni Josh kay Igi, hindi napansin si Lance na ipinapabalik-balik
ang tingin kay Igi at Josh na wala sa sariling nagtititigan. Hindi
nakaligtas kay Lance ang takot sa mga mata ni Igi at galak naman sa
mga mata ni Josh.
“Oh—uhmmm---”
simula ni Igi sabay iwas sa tingin ni Josh, napadako ang kaniyang
tingin kay Lance na tahimik lang na nagmamasid sa kanila. “L-late
na kasi ako sa usapan namin ni L-Lance.” kinakabahang palusot ni
Igi na ikinakunot naman ng noo ni Josh at ikinabura ng ngiti nito sa
mukha.
“U-usapan?”
tanong ni Josh sabay baling ng tingin kay Lance na noon niya lang
napansin na nakatayo pala hindi kalayuan sa kanila. Ibinalik saglit
ni Lance ang tingin ni Josh atsaka nagbato ng naguguluhang tingin kay
Igi na may mga takot paring makikita sa mga mata.
“We’re
going to w-watch a movie---” simula ni Igi na agad naming pinutol
ni Josh.
“No!”
“We have plans to watch a movie?” sabay na sabi ng sumisinghal na
si Josh at nagtatakang si Lance ni Lance.
“Isa-isa
lang ang pagsasalita. I’m not asking for your permission, Josh and
yes Lance we have plans, REMEMBER?!” balik ni Igi kay Josh at
Lance.
“It’s
the first day of school, Igi!” singhal pabalik ni Josh nang makita
niya ang pagbabatuhan ng hindi niya maipaliwanag na mga tingin nila
Igi at Lance.
“Well
too bad because I already bought tickets. Lance? Ano tara na?”
Kibit balikat na saad ni Igi na ikinakunot lalo ng noo ni Josh.
“B-but---”
simula ni Lance pero hindi na siya hinayaan na magsalita pa ni Igi
dahil hinatak na niya ito pagawi sa sinehan.
Iniwan
si Josh na nakatanga sa kinatatayuan nito.
000ooo000
“What
was that all about?!” singhal ni Josh sa
sarili habang nakaupo sa ilalim ng silong ng isang puno sa loob ng
kanilang school, inis na inis na hindi niya nagawa ang kaniyang
ipinunta sa mall nung umagang iyon.
Matapos
kasi ang eksena nila ni Des sa may hallway noong umagang iyon ay may
ilan g bagay siyang na-realize, isa sa mga ito ay ang bagong
pagkakaintindi sa kaibahan ng LOVE at
IN-LOVE. Sa wakas ay
naintindihan na niya ang gustong sabihin ng kaniyang mga ama na sila
Migs at Ed. Mahal niya si Des pero may isa pang mas matimbang na
pagmamahal siyang nararamdaman at iyon ay nakatutok kay Igi.
“So
ano pala yung ibig sabihin nung kiss sa may elevator kung
nakikipag-date na pala siya kay Lance?!” tanong
ni Josh sa sarili habang sinasariwa ang sensasyon na kaniyang
naramdaman nung nagdampi ang kanilang mga labi ni Igi.
“Dapat
pala hindi ko siya hinayaan na makipag-date sa kumag na iyon. Kung
tama ‘tong nararamdman ko at ang bago kong pagkakaintindi sa LOVE
saka sa pagiging IN LOVE, dapat hindi ko hinayaan yung taong mahal ko
na makipag-date sa iba.” sabi ulit ni Josh
sa sarili habang wala naman sa sariling binubunot ang mga damo
malapit sa kaniyang kinauupuan kaya’t hindi niya napansin na may
paparating.
“J-Josh?”
“Huh?”
wala sa sariling bulalas ni Josh sa sarili nang marinig niya ang
pagtawag sa kaniyang pangalan.
“C-can
we talk? Please?” tanong ni Neph. Di na siya sinagot pa ni Josh,
agad na itong tumayo at maglalakad na sana palayo na agad namang
ikinalungkot ni Neph.
“I
should have been honest with you.” halos pabulong ng sabi ni Neph
na ikinatigil at marahas na ikinaharap ulit ni Josh, galit itong
naglakad pabalik sa harapan ni Neph, halos isang pulgada na lang ang
layo ng mukha sa mukha ng huli.
“Damn
right, Asshole!” singhal ni Josh na ikinapikit sa takot ni Neph.
Kung ibang tao siguro ito ay baka hindi na nagdalawang isip si Neph
na kaltukan ito pero hindi, si Josh ito, isa sa kaniyang mga best
friend simula nung mga bata pa sila. Ang takot na ito sa mukha ni
Neph ang siyang nakapampalambot sa puso ni Josh.
“I
trusted you, Neph. You were one of my best friends---”
“I
still am your best friend---” putol ni Neph, sa takot na
tatalikuran na ni Josh ang kanilang pagkakaibigan sa oras na iyon.
“But
best friends don’t kiss each other’s girlfriend, Neph.” Hindi
maikakaila ang sakit sa sagot na ito ni Josh na nakapagpatameme kay
Neph. “You should’ve told me that you have feelings for her, baka
naintindihan ko pa pero yung titirahin mo ako patalikod ay ibang
usapan na, Neph.” malumanay pero hindi maikakaila na puno ng sakit
na saad ni Josh na lalong nagpalungkot kay Neph.
“I’m
sorry.” pabulong na saad ni Neph habang naglalakad palayo si Josh.
000ooo000
“I
already watched this movie, you know.” nangingiting saad ni Lance
habang sumusubo ng popcorn sa hiyang-hiya na si Igi.
“How
many times do I have to say I’m sorry?” namumulang pisngi na
tanong ni Igi na lalong nakapagpahagikgik kay Lance. Dahil kasi sa
takot na baka sinusundan sila ni Josh upang kumpirmahin na totoo ang
palusot niya ay wala sa sarili niyang hinatak si Lance papunta sa
loob ng sinehan.
“Nagbibiro
lang ako--- pero mas maganda siguro kung sasabihin mo sakin kung ano
itong pinasok ko. Baka kasi mamya sapakin ako sa labas ni Josh, at
least kapag sinabi mo na sakin ang dahilan meron na rin akong dahilan
para suntukin siya pabalik.” nakangiti paring sabi ni Lance na
ikinamula lalo ng pisngi ni Igi. Ngunit matapos ang naunang hiya ay
nakita ni Igi na hindi maikakailang mapapagkatiwalaan si Lance kaya
naman nagbuntong hininga muna siya sa ikinuwento ng buo ang mga
nangyari.
000ooo000
Nakalimutan
na ni Igi at Lance ang kanilang pinapanood na pelikula dahil
ikinuwento na lang ni Igi ang lahat ng nangyari. Matapos magkwento ay
sinulyapan niya ang mukha ni Lance, tinitignan kung ano ang magiging
reaksyon nito, hindi na siya nagtaka nang makita niya itong nagiisip
ng mamalim, nangungunot ang noo at tila ba nagaalala. Ine-expect na
niya na dahil straight si Lance ay hindi nito maiintindihan ang
kaniyang nararamdaman kay Josh.
“Lance?”
tawag pansin ni Igi sa huli na ikinagising nito sa malalim na
pag-iisip.
“Huh?
Oh. I think you should clear things up with Josh first bago ka
magisip ng kung ano-ano. From what you said, mukhang may feelings din
si Josh sayo and all of this is just a misunderstanding.” mungkahi
ni Lance kay Igi, iniisip na lahat ng ito ay ayon lamang sa plano ni
Roan kaya mas gusto niyang mag-usap muna ang dalawa upang
magkalinawan. Dahil naman sa mahinahong sagot na ito ni Lance ay
napabuntong hininga na lang si Igi. Iniisip niya kasi na homophobic
si Lance at mali ang pagtitiwala niya dito.
“Kitang-kita
ko na, Lance. Naghahalikan si Josh at Des sa gitna ng hallway. Wala
ng dapat pang pag-usapan.” umiiling na saad ni Igi matapos
masigurado na hindi siya sasapakin ni Lance.
“I
don’t know. I still think it's best if you talk things with Josh
first.” mariin paring saad ni Lance na ikina-isip ng malalim ni
Igi.
000ooo000
“Still
mad at me?” nahihiya at pabulong na tanong ni Des kay Josh nang
makita niya itong nakatulala sa library ng kanilang school.
“Huh?
Oh Hi, Des. No, I’m not mad at you.” Parang batang kagigising
lang sa paged-daydream na sagot ni Josh. Hindi parin panatag ang loob
ni Des sa sagot na ito ni Josh.
“Still
thinking about what Neph and I did?” malungkot na tanong ni Des na
tuluyang gumising kay Josh.
“Actually
I was thinking about something or somebody else.” wala sa sariling
tuloy-tuloy na saad ni Josh, medyo nasaktan si Des sa sinabing ito ni
Josh pero hindi na lang niya ito ipinaalam sa huli.
“Care
to tell me?” tanong ulit ni Des sabay upo sa katabing silya ni
Josh. Tinignan ni Josh ng maigi si Des, tinimbang kung
mapagkakatiwalaan niya ba ito patungkol sa kaniyang nararamdaman kay
Igi. Nakita niya ang sinserong pagaalala nito kaya't napagdesisyunan
niyang sabihin na lang ang lahat dito.
“Remember
when you told me about the difference about being in love and
love?---” simula ni Josh, nakita niyang tumango si Des bilang sagot
kaya't ipinagpatuloy na niya ang sasabihin matapos magbigay ng isang
malalim na hininga. “After we kissed earlier and after you made me
realize about not feeling something with that kiss like what in
love people
should feel. I-I r-realized something else--- uhmm I-I t-thin--”
“You're
in love with somebody else?” nakangiting saad ni Des ngunit kapag
tinignan mo ito ng masinsin ay kita rin ang sakit sa mga mata nito.
Alam ni Des na wala siyang karapatang masaktan dahil maging siya ay
tanging pagmamahal lamang ng isang kaibigan ang nararamdaman para kay
Josh.
“Why
am I hurting over this? Kung tutuusin dapat pa nga akong maging
masaya para kay Josh diba? He finally realized the difference between
love and being in-love. Saka matapos namin siyang traydorin ni Neph,
swerte ko pa nga na kinakausap niya ako ngayon.” sabi
ni Des sa sarili sabay pilit na ginawang buong puso at makatotohanan
ang pagiging masaya para sa ex boyfriend na noong sandaling iyon ay
nahihiyang tumango bilang sagot sa kaniyang tanong.
“Who is it?” tanong ulit ni Des, ngayon
makatotohanan na ang ngiti nito at bukal na sa loob.
“It's---”
000ooo000
“Aww! Look at them. They look so great together!”
masayang singit ni Roan sa pagtitig ni Neph kay Des at Josh sa may
sulok ng library, hindi maikakaila ni Neph na may punto si Roan, lalo
pa't kitang-kita niya ang masinsinang paguusap ng dalawa. Iniwas na
ni Neph ang kaniyang tingin kila Josh at Des at nagsimula ng maglakad
palayo.
“Hey do you want to watch a movie or something? Wala
pang kwenta ang mga class ko eh---” simula ni Roan na agad namang
pinutol ni Neph.
“What
do you want Roan? What do you really
want?!”
halos pasinghal na niyang tanong kay Roan.
“Look, Neph, they love each other. You should get over
it! We belong together! Di ka pa ba nagsasawa sa laging
pange-echepwera sayo ni Des?!” nanlalasong sabi nanaman ni Roan
pero hindi na magpapalason pa si Neph dahil alam na niya ngayon ang
nais mangyari ni Roan. Galit na lumapit si Neph kay Roan, halos
idunggol na ni Neph ang sariling mukha sa mukha ni Roan mai-parating
lang dito ang kaniyang galit.
“Listen to me, bitch. Alam ko na ngayon na ikaw ang
reason kung bakit ako nilayuan noon ni Des. Tell you what-- You drove
us apart the first time and I congratulate you for that but this time
you wouldn't be as successful, wanna know why? Because we love each
other, something you're never going to understand because
NO.ONE.LOVES.YOU. because you're a stone hearted selfish bitch who
wouldn't let anyone else happy!” singhal ni Neph sa nanlalaking
mata at maluluha ng si Roan.
000ooo000
“Maganda sana yung pelikula kung nanood lang tayo.”
humahagikgik na saad ni Igi kay Lance na hindi rin mapigilang
mapangiti at umiling. Matapos ang kanilang saglit na pagba-bond ay
nagkapalagayan agad ng loob ang dalawa.
“At least nailabas mo ang sama ng loob mo diba?”
nakangiting sabi ni Lance na ikinatango naman ni Igi bilang pagpayag.
“At dahil dun. Thank you.” sabi ni Igi sabay tingin
kay Lance na hindi rin mapigilang mapangiti.
“I'm flattered, Igi, but I'm straight.” nakangising
saad ni Lance na ikinamula ng pisngi ni Igi sabay suntok nito sa
braso ng huli.
“Asshole!” singhal ni Igi sabay iling saka
humagalpak sa tawa.
“Wow. That was fast. One minute I'm a saint and the
next I'm an ass?” humahagikgik na sabi ulit ni Lance na ikihagalpak
lalo ni Igi.
“Damn right!” balik ni Igi pero agad din siyang
natigilan nang makitang biglang sumeryoso ang mukha ni Lance.
Sinundan ni Igi ang tingin ni Lance at nakita niya si Roan na
nakasandal sa pader, nanlalaki ang mga mata at naluluha na habang
tila ba tinatakot siya ni Neph.
“What the hell---?!” saad ni Igi sabay sunod kay
Lance papalapit ksa kinatatayuan nila Roan. Nang may ilang metro na
lang ang layo ng dalawa ay siya namang alis ni Neph at naglakad
pasalubong kila Lance at Igi. Mabilis na pumunta sa tabi ni Roan si
Lance at inalo ito lalo pa't dumeretso na ito sa pag-iyak.
“What happened, Neph?” tanong ni Igi sabay harang sa
kaibigan. Ngayon niya lang ito nakitang galit na galit.
“You wouldn't understand, Igi.” pasinghal na saad ni
Neph na lalong nakapagalala kay Igi.
“Try me.” seryosong pangungulit ni Igi sa kaibigan
na ikinailing lang ni Neph.
“P-please. N-not now.” pigil galit na saad ni Neph
na agad namang pinagbigyan ng huli. Hinayaan na niyang makalampas ang
galit na galit na si Neph at nang hindi na niya ito matanaw ay agad
naman siyang pumunta sa kinatatayuan ni Roan at Lance.
000ooo000
“Are you OK?” tanong ni Lance kay Roan sabay yakap
ng mahigpit dito.
“Why can't he love me back?” wala sa sariling tanong
ni Roan kay Lance na hindi mapigilang mapasinghap.
“Because he's in-love with someone else, Roan. You
have to let him go.” mahinahong saad ni Lance sabay yakap ng
mahigpit kay Roan.
“But what if nobody like's me? What if nobody will
care for me? What if nobody will love me?” sunod sunod na parang
batang tanong ni Roan kay Lance.
“Shhh, wag mong isipin yan, you're beautiful, smart
and kind. It doesn't mean na kapag tinurn down ka ni Neph ay wala ng
iba pang magkakagusto sayo.” alo muli ni Lance kay Roan, wala na
lang nasabi si Roan kung kaya't ibinalik na lang nito ang mahigpit na
yakap na ibinibigay sa kaniya ni Lance.
Aktong lalapit na sana si Igi kay Lance at Roan at
aaluhin na sana niya ang huli katulad ng pagpapagaang ng loob na
ginawa nito may ilang linggo lang ang nakalipas sa kaniya nang
mapasulyap siya sa salamin na pinto ng school library. Katulad noong
umagang iyon, nung nakita niya si Des at Josh na naghahalikan ay tila
pinupunit muli ang puso ni Igi habang pinapanood niya ang masinsinang
paguusap ng dalawa sa may sulok ng library.
“Uhmmm I-I h-have to go.” paalam ni Igi sa kung sino
man ang nakikinig. Hindi na niya sinulyapan pa sila Lance at Roan
kung narinig ba ng mga ito ang kaniyang paalam, basta na lang siyang
umalis mula sa lugar na iyon.
“Lance?” tawag pansin ni Roan sa huli, sinundan ni
Roan kung sino ang binabato ng nagaalalang tingin ng huli at naabutan
niya ang tila naluluhang si Igi na naglalakad palayo.
Di niya mapigilang makonsensya mula sa sakit na
idinudulot ng kaniyang mga nagawa kay Igi.
Itutuloy...
The Things That Dreams Are Made Of
“Chapter
15”
by:
Migs
ITO PO AY BACK TO BACK CHAPTERS (TTTDAMO 16 and 17). Ang mga comments niyo po sa chasing pavements ay sasagutin ko sa next update ng CP, ngayon po ang aking munang sasagutin ay yung mga comments last post ng TTTDAMO.
ReplyDeleteInaanyayahan ko pa ang lahat na bisitahin at basahin ang gawa ng mga authors na ito. Hindi po kayo magsasawa, promise! :-)
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Moon sung Min: masyadong mahaba ang pangalan mo para sa story hahaha! Kinalaman ng pangalan sa story?! Pasensya na aning mode lang ako ngayon. Pagod na eh.
Berto: silver? Hahahahahaha! Ikaw naman, ganun lang talaga si Roan, moody hahaha
jacobo: lakas maka “ultimate fan” hahahaha! Anyways, I'm sorry kung medyo nawawalan ng heart yung story, sabi ko naman sainyo bago ito mag-start na wala itong storya na ito sa mga naka line up ko na na story, isiningit ko lang ito kasi paulit ulit ko siyang napapanaginipan. Haha! I don't know kung mag i-improve pa yung plot, pero siguro hindi naman nawawalan ng heart baka nagiging dragging lang? Hehe. Sige- sige. I'll re-read the rest of this story at kung may maisisingit ako para gumanda yung story gagawin ko. :-) pasensya na ah, busy talaga eh, actually, ngayon habang tinitipa ko itong comment na 'to nag e-encode naman ako sa kabilang laptop ng mga medical records ng pasyente. Haha! Pero alam ko hindi excuse yun, and for the record, hindi ito tipo ng story na “may maipost lang” medyo dragging siguro, Oo, pero sige, I'll “re-direct” the plot sa mas ma-pusong daan. Hehe. Saka nga pala, may reason kung bakit ko ito sinulat. Intayin niyo na lang po sa ending, mga 3-4 chapters pa. :-D
Iyanchan: haha! Bakit ba sa kesame pa? Hindi ba pwedeng sa puno na lang? Haha!
Ian: haha! Kapag di satisfying yung mga chapters, kaaway mo na ako? Ganun? Haha!
ReplyDeleteadik_ngarag: your wish is my command, since isa ka sa mga UNANG nag-comment sa LAIB 1 TWO years ago! :-)
john el: nope. Not Liam. Hehe! :-)
Jm_virgin: ano pong sad?
Makki: nope, not Liam.
Gavi: matakot ka talaga na mainlove sakin haha! Hindi magandang experience, promise. Haha!
Wastedpup: I LOVE YOU. Ayan OK na? Haha! Nope, not a love triangle for Igi and Josh. Panggulo lang yun nabangga. Haha!
ANDY: sa notepad. :-). Yup, bago talaga kasi, iniba ko ngayon, sa huli inatyin mo kung bakit. Haha.
Russ: sabi ko kasi diba sainyo na nag-apply ako sa isang network as script writer. Haha! Boplaks lang ako kasi di ko inisip na ako ay amateur lang compared sa mga kasabay ko mag-apply. AT, huwag kalimutan ang AT--- di ko agad na-realize na B2B nga pala ang genre na isinusulat ko at hindi B2G! Haha! Kaya ayan, yan ang nagtulak sakin na itesting ang pagsulat ng straight story.
Erwin F.: akala ko gawa na ang wifi mo? :-)
ryval winston: wag masyadong magalit kay Roan. :-)
kean tongol: isa ka pa. Nope, not Liam. :-D
aR: di ka pa nasanay sa mga pabitin ko. haha!
Mr. Brickwall: maka OHVER ka naman. Sige, pila ka na sa mga taong hindi nagustuhan ang story na 'to. :-( hahaha! Naginarte lang ako saglit.
Ric Blue: flattered naman po ako sa inyong offer. Sige po, Ok lang po sa akin. :-D
morri: thanks! :-)
Edmond: pressure much? Haha! Prinessure na nga ako ni jacobo pati ba naman ikaw? Haha! And NO your comment was not deleted. It was spammed. :-) retrieved it and unspammed it.
Akosichristian: bakit, ano bang meron kay Liam at halos lahat kayo siya ang sinasabi na sumulpot?! Haha!
MARAMING SALAMAT PARIN SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA. :-) PA-FOLLOW NA LANG PO SA MGA HINDI PA NAGFA-FOLLOW AT COMMENT COMMENT DIN PARA SA MGA SILENT READER. :-) di ako nangangagat, labas na kayo sa lungga niyo! :-)
So far so good Migz... Galing talaga! At dahil diyan, bati tayo... Hehehe
ReplyDelete_ian
well kuya migs... moon na lang... as in salor moon(parurusahan kita! sa ngalan ng buwan!)?? ahaha... sa chapter 19 dapat ako ang assassin ni roan...lol
ReplyDeletemigs, oo naman, isa talaga ako sa unang sumubaybay sa LAIB kasi 1st chapter pa lang nun e nagustuhan ko na at hindi kasi sya puro kalibugan kagaya ng iba sa mga stories sa BOL. sobrang na hooked ako kay migs, ed at cha.
ReplyDeletenagulat ako.... BACK TO BACK Chapter.... what a way to start the weekend!!!
kagabi ko pa inaabangan to at pagkagising ko kanina, ni check ko agad kung may update na.
like the previous chapter, maganda na naman tong chapter na to at excited ako mabasa yung next.
kaya lang bakit parang nakakaramdam ako na malapit na yuing ending??? hahaahahahaha
basahin ko na yung next chapter.... thanks, migs!
Poor Roan!
ReplyDeleteSabi ko na nga ba si Lance yun eh!
Ayan nagkaaminan na sa sarili at kay des at lance si igi at josh. Kailangan n lng nila aminin sa isat isa. Weeeh! Next naman!