The Things That Dreams Are Made Of 11

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi magkamayaw si Josh sa panonood kay Igi sa pagtulog. Hindi niya maintindihan kung bakit pero tila ba ginigising siya ng tadhana sa eksatong alas singko y media ng umaga sa loob ng apat na araw na iyon ng kanilang team building para lamang mapanood niya sa pagtulog si Igi kahit pa sa loob lamang iyon ng ilang minuto, hindi rin maipaliwanag ni Josh sa sarili kung bakit siya aliw na aliw gawin ito gayong wala namang kakaiba kay Igi sa tuwing natutulog ito.

Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing malapit ng gumising si Igi at iginigiya ang mga labi nito na miya mo ngumunguya ay napapangiti siya, sa tuwing igagalaw ni Igi ang ilong nito na miya mo may naaamoy itong hindi maganda ay tahimik siyang napapatawa at sa tuwing makikita niyang itinataas na ni Igi ang kamay nito upang kusutin ang ididilat na mga mata ay gusto niyang abutin ang mukha nito, haplusin at bulungan na matulog ulit para mapanood niya pa itong matulog.


Pinapanood mo ba akong matulog?” inaantok na tanong ni Igi sa pagitan ng paghikab na ikinagulat at ikinamula ng mga pisngi ni Josh.


W-what?” nauutal na tanong ni Josh sabay iwas ng tingin kay Igi, hindi makapaniwala na nahuli at alam ni Igi ang kaniyang panonood na dito.


Siguro pini-picture-an mo nanaman ako habang natutulog no?!” naniningkit matang pagbibintang ni Igi kay Josh habang naguunat. Saglit namang nangunot ang noo ni Josh sa sinabing ito ni Igi at nang makuwa nito ang ibig sabihin ng huli ay humagalpak ito sa tawa.


Taking a picture of me while sleeping in third grade is not funny!” natatawa naring saad ni Igi sabay suntok sa braso ni Josh nang makita niya ang hindi magkamayaw na tumatawang si Josh.


Hindi sana siya nakakatawa kung hindi nagbaha ng panis na laway sa unan mo habang nagta-thumb suck ka!” pangaalaska naman ni Josh sabay tayo mula sa sariling kama upang magunat din.


PANIS NA LAWAY? Kapal mo! Walang laway sa picture na iyon, nagta-thumb suck, Oo, pero walang panis na laway! Hindi ako naglalaway habang natutulog!” nangingiti nang sabi ni Igi.


Ah kaya pala---!” simula ni Josh sabay hablot ng unan sa kama ni Igi. “---kaya pala may mapa sa unan na'to!” pagtatapos ni Josh sabay amoy sa natutuyong laway sa unan na kanina lang ay ginagamit ni Igi. “EEEEWWWW! ANG ASIM!” habol panga-asar ni Josh. Agad namang namula ang pinsgi ni Igi dahil sa hiya at sinubukang bawiin ang unan kay Josh.


Give that back!” singhal ni Igi.


MGA KAKLASE, TIGNAN NIYO ANG UNAN NI IGI OH, MAY PANIS NA LAWAY!” sigaw ni Josh na walang dudang gumising sa buong beach house.


JOSHUA, GIVE THAT BACK!” balik na sigaw ni Igi kay Josh sabay sinubukang hatakin muli ang unan mula kay Josh.


NYE NYE BUNYE NYE!” parang batang pagpapahabol ni Josh sabay takbo at sampa sa kama ni Igi upang hindi siya mahabol ng huli.


Give that back, Asshole!” nangingiting sabi ni Igi habang habol habol si Josh at wala sa sariling sumampa sa kaniyang kama kung saan kasalukuyang nakatung-tong si Josh.


Parang bumalik sa pagkabata ang magkaibigan, walang pakielam sa ingay na kanilang ginagawa at sa kung ano man ang masagi nila, paikot-ikot sa buong kwarto at pasampa-sampa sa magkabilang kama habang naghahabulan. Nakabuo na muli ng isa pang ikot ang dalawa sa buong kwarto at sumampa na ulit ang mga ito sa kama ni Igi nang hindi pa man lumapat ang kanang paa ni Igi sa kama ay pareho na silang nakarinig ni Josh ng tila ba nabibiyak na tabla.


000ooo000


Nang muling buksan ni Igi ang kaniyang mga mata ay agad siyang naguluhan. Ang huli niyang natatandaan ay ang paghahabulan nila ni Josh ngunit ngayon ay napapalibutan na siya ng bulak na nagkalat sa buong kwarto, bulak mula sa kanilang mga unan at malalaking piraso ng kahoy at spring mula sa kama. Unti-unting gumalaw si Igi at tinignan ang sarili kung meron ba siyang sugat, nang masigurong wala naman siyang sugat at walang nananakit sa kaniyang katawan ay agad naman niyang hinanap si Josh. Laking gulat ni Igi nang makita niyang nadadaganan pala niya si Josh, nakapikit ito at tila ba walang malay. Agad niya itong inalog upang magising ngunit hindi ito kumikibo.


Oh shit, Josh.” nagaalalang bulalas ni Igi saka tinignan ang buong katawan ng kaibigan upang makita kung may mga sugat ito at nang masigurong wala itong sugat ay sinubukan niyang gisingin ulit ito.


Josh, wake up.” panggigising ulit ni Igi sa kaibigan sabay alog ulit dito. Nagsisimula nang kabahan si Igi, iniisip na nasaktan si Josh kaya't hindi ito magising, inilapat ni Igi ang kaniyang tainga sa dibdib ng huli upang pakinggan ang puso nito.


Habang kinakabahan at nagsisimula ng maaligaga si Igi ay nakaramdam siya ng marahang pagalog mula sa dibdib ni Josh, itinaas niya ang kaniyang tingin at nakitang nakapikit parin si Josh ngunit meron ng nakakalokong ngiti sa mga labi nito.


Asshole!” singhal ni Igi sabay tayo at layo kay Josh at suntok sa braso nito.


What?! Akala mo patay na ako?!” nangaalaskang tanong ni Josh sa nangingiti-ngiti nang si Igi.


You look dead, can't blame me for being sad for a while, right?” nangaalaskang balik narin ni Igi.


Ang gwapo ko namang patay! Atsaka, SAD? More like depressed! nagsisimula ka na ngang umiyak dahil di ako magising eh.” tumatawang sabi ni Josh habang nakahiga parin sa tila ba nadurog na kama ni Igi.


Iyak? I was just actually making sure na hindi ka na humihinga bago ako magtatatalon sa saya.” nakangising balik ni Igi.


Ah ganun?! Teka lang---” galit-galitang sabi ni Josh saka umambang hahabulin ang papatakbo na sanang si Igi nang biglang bumukas ang kanilang pinto.


What the--- happened here?!” pagsisimula na sanang pagmumura ni Mrs. Roxas dahil sa galit at gulat sa kaniyang nakita nang buksan niya ang pinto kung saan niya narinig ang malakas na kalabog may ilang saglit lang ang nakalipas.


Now, now, Mrs. Roxas, there's no need to be excited---” nakangiti paring saad ni Fr. Rico kahit pa sinira na nila Igi at Josh ang isa sa mga kwarto sa bahay bakasyunan ng mga pari. “---I'm sure they are just being boys and this was all just an accident. Kalmado paring pagtatapos ni Fr. Rico na ikinahinga naman ng maluwag ng magkaibigan.


Fine! Pero dahil sa ginawa niyong yan, matutulog ang isa sainyo sa sahig dahil hindi ako magpapapunta dito ng gagawa ng kama na iyan at ire-report ko ito sa parents niyo!” galit paring sabi ni Mrs. Roxas sabay talikod na agad namang sinundan ni Fr. Rico.


You know that they can share the other bed, right?” masiya paring tanong ni Fr. Rico na tila naman lalong nakapagpainit sa ulo ni Mrs. Roxas dahil kahit kasi naglalakad na ang mga ito palayo sa kwarto nila Josh at Igi ay naririnig parin ito ng magkaibigan na nagtatatalak.


Nang masigurong nakalayo na ang dalawang matanda ay wala sa sariling nagkatinginan ang dalawa. Unti-unting gumapang ang ngiti sa mga labi ni Josh na naging dahilan ng pagngiti rin ni Igi at hindi nga naglaon ay humagalpak na ang dalawa sa tawa. Si Josh dahil sa sobrang tawa ay hindi na napigilan ang mapaupo sa tanging maayos na kama na natitira sa kwarto na iyon habang si Igi naman ay humawak na sa kaniyang magkabilang tuhod upang suportahan ang sarili mula sa sobrang pagtawa, sa sobrang abala ng dalawa sa pagtawa ay hindi na nila napansin ang kanilang mga kaklase na nagtungo sa kanilang kwarto upang tignan kung bakit maingay ang umagang iyon.


SHIT!” “OH NO!” sabay sabay na saad ng mga kasamahan ng dalawang magkaibigan na lalong nakapagpahagalpak sa dalawa sa tawa.


000ooo000


Masaya ang dalawa na bumaba para mag-agahan. Disaster mang maituturing ang nangyari sa umagang iyon ay nabale-wala iyon dahil sa parehong naramdaman ng dalawa na tuluyan nang nawala ang pagaalinlangan na bumalot sa kanila nang magkabati sila ilang araw na ang nakakalipas at muli ng bumalik ang kanilang pagkakaibigan na tila ba hindi nangyari ang awayan nila na tumagal ng tatlong taon.


Nakangiti at masuyong umupo ang dalawa sa kanilang napiling kaninan habang masama parin ang tingin sa kanila ni Mrs. Roxas at may dalawa pang pares ng mga mata na nagoobserba sa kanila. Agad na tinignan ni Josh ang nakaahin na pagkain sa kanilang harapan habang si Igi naman ay masuyo ng umabot ng kaniyang kakainin, hindi ito nakaligtas kay Josh na agad namang pinigilan ang huli.


Those have shrimp on it so hindi mo siya pwede kainin.” seryosong saad ni Josh kay Igi nang matandaan niyang alllergic sa hipon Igi.


Woooh! Gusto mo lang kasing kainin yung share ko kaya sinasabi mong may hipon 'to!” nakangising saad ni Igi.


No. Seriously, Igi. Those have shrimps on it.” seryoso paring saad ni Josh sabay abot sa kamay ni Igi na ikinatigil at ikinatameme ng huli. Nagtama ang mga mata ng dalawa, tila natunaw ang puso ni Igi sa pagaalala at pagaalagang iyon ni Josh habang si Josh naman ay walang ibang gusto kundi ang ipaalam kay Igi na pinangangahalagahan niya ito.


Marahang binawi ni Igi ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Josh nang maramdaman niyang ilang saglit pa ay mamumula na ang kaniyang mga pisngi. Ayaw niya itong mahalata ng iba pa nilang kasamahan sa hapagkainan na iyon.


T-Thanks.” nahihiya at namumulang pisngi na na bulalas ni Igi. Agad namang binawi ni Josh ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak niya kay Igi at agad na nag-iwas ng tingin dito nang maramdaman niya ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.


I-I just don't want you to die yet lalo pa ngayon na magkabati na ulit tayo.” pagbibiro ni Josh sabay pakalawa ng isang kinakabahang tawa kahit pa hindi niya mapaliwanag kung bakit kailangang mamula ng kaniyang mga pisngi at kabahan sa pagtawa gayong si Igi lamang naman ang kaniyang kausap.


Y-yeah.” wala sa sariling pagsang-ayon ni Igi sa sinabi ni Josh kahit pa hindi naman niya narinig ang sinabi nito.


Ibinalik na ng dalawa ang kanilang pansin sa kani-kanilang mga pagkain, umaasa na wala na ang pamumula ng kanilang mga pisngi upang maayos na muling makapag-usap.


Ang kakaibang kinikilos na ito ng dalawa ay hindi nakaligtas sa isang pares ng mga mata na masugid na nago-obserba sa kanila.


000ooo000


C'mon, Igi, you can do it!” sigaw ni Josh kay Igi na nagaalangang umakyat ng puno. May takot kasi si Igi sa matataas na lugar kaya naman ng ayain siya ni Josh na umakyat ng puno kung saan prenteng prente ng nakaupo si Josh ay agad siyang nagalangan.


Halika i-abot mo sakin ang kamay mo.” masigla at nakangiting saad ni Josh na siyang nagtulak kay Igi na abutin ang mabibintog na kamay ng kaibigan.


Ang ala-alang iyon ay muling pumasok sa isip ni Igi habang tinitignan niya ngayon ang tila ba nanalo sa lotong si Josh na nakaabot sa kaniya ang kamay habang nakaupo sa isa sa malalaking sangha ng isa lamang sa maraming puno na nakapalibot sa dalampasigan.


C'mon, Igi. You can do it.” nag-aanyayang saad ni Josh.


Matagal ng nabuo ang tiwala ni Igi kay Josh, panandalian man itong nasira ay muli naman itong bumalik nang muli silang magkapaliwanagan at magkabati na dalawa kaya naman hindi na siya nagalangan pang abutin ang kamay nito at itulak ang sarili paakyat sa puno kung saan may sinasabing supresa si Josh.


I can't believe you're still afraid of heights.” umiiling na nakangising saad ni Josh kay Igi nang sa wakas ay makatabi na ito kay Josh.


Shut up! Phobia's are not easy to overcome, you know---” iritableng balik ni Igi kay Josh na agad na nagtaas ng kamay bilang sabi na suko na siya. “---Ano bang ipapakita mo kasi sakin at kailangan sa taas pa ng puno?” tanong ni Igi kay Josh na muling ibinalik ang isang confident na ngiti sa mukha.


Just wait.” nakangising sagot ni Josh.


Kalokohan nanaman ba yan, Joshua?” naniningkit na tanong ni Igi kay Josh na humagikgik na lang.


Nope!”


Kapag yan kalokohan nanaman humanda ka sakin.” nangingiti naring sabi ni Igi na lalong ikinalaki ng ngiti sa mga labi ni Josh.


Promise, hindi ito kalokohan!” masigalang balik ni Josh sabay gulo sa buhok ni Igi at inakbayan ito. Hindi mapigilan ng mga pisngi ni Igi ang mamula na miya mo may mga sariling utak, wala sa sariling sumulyap si Igi kay Josh na nakatingin ng daretso sa malawak na karagatan sa kanilang harapan habang masuyo paring nakangiti, sunod namang tinignan ni Igi ang kamay ni Josh na nakaakbay sa kaniya, hinihiling na sana ay asa ganoong puwesto nalang sila habang buhay.



000ooo000


Iniintay ni Josh ang paglubog ng araw, nasilayan niya ito may ilang araw na ang nakakaraan at sinabi sa sarili na iyon na ang pinakamagandang tagpo na kaniyang nasilayan kaya naman matapos ang ilang activity nila sa team building noong araw na iyon ay hindi na niya pinagisipan pang mabuti kung ipapakita niya ito sa kaibigang si Igi, hindi pa man sila pinapaalis ni Fr. Rico may ilang minuto lang matapos ang kanilang huling activity ay agad na niyang hinatak si Igi papunta sa isa sa pinakamataas na puno malapit sa dalampasigan at inakyat ito.


Kinukulit siya ni Igi kung ano ang iapakita niya dito ngunit hindi niya ito sinasagot. Ilang minuto narin silang nakaupo sa malaking sangha na iyon ni Igi pero hindi parin maipaliwanag ni Josh kung bakit hindi niya parin mai-alis ang masuyong ngiti mula sa kaniyang mukha na andun na simula nang magsimula ang araw na iyon.


Naalis na lang ang kaniyang pansin sa napakagandang tagpo sa harap niya tila ba nagsasalubong na araw at dagat nang makaramdam siya ng pamimigat sa kaniyang kaliwang balikat. Tinignan niya ang sanhi ng pamimigat nito, nakita niya ang maamong mukha ni Igi na mahimbing ng nakaidlip at nakahilig sa kaniyang balikat.


Hindi na inalis pa ni Josh ang kaniyang pansin sa maamong mukha na iyon ni Igi. Ang kagustuhang mapanood ang magandang tagpo ng paglubog ng araw ay tuluyan ng nakalimutan dahil mas pinili na niyang panoorin ang maamong mukha ni Igi na mahimbing na natutulog sa kaniyang balikat.


Umihip ang malakas na hangin na siyang nagpalamig sa paligid ng dalawang magkaibigan, ramdam na ramdam ni Josh ang saglit at marahang pangi-nginig ni Igi kaya't wala sa sarili niyang isiniksik ang sarili sa katawan nito. May kakaibang pakiramdam ang namayani kay Josh nang maramdaman niya ang paglapat ng katawan ni Igi sa kaniyang katawan, ito ay ang pakiramdam na tila ba tama ang pagkaka-kabit ng katawan nilang iyon ni Igi, ang paglalapit ng mga ito, ang pagpapalitan ng init ng mga ito at ang mga hubog ng kanilang katawan na miya mo ginawa para sa isa't isa.


Dahil sa pakiramdam na iyon ay lalo pang isiniksik ni Josh ang sarili kay Igi.


Hmmm” nagulat si Josh nang marinig ito mula sa bibig ng kaniyang katabi at hindi mapigilang mapangiti ulit dahil sa narinig na iyon, naisip din niya na marahil ay pareho sila ng nararamdamang dalawa at lalo pang lumaki ang ngiting iyon ni Josh nang makita niyang muli ang paggalaw ng mga labi ni Igi na miya mo may nginunguya habang natutulog at ang paggalaw din ng ilong nito na miya mo nakaamoy ng mabahong bagay.


000ooo000


Ang tagpo na siya ngayong pinapanood ni Roan habang nakatingin sa isang malaking puno malapit sa may dalampasigan ay lalong nagpatunay sa kaniyang hinala, ngayon tiyak na ni Roan na may patutunguhan na ang kaniyang mga balak na iparamdam din sa taong lubos na nanakit sa kaniya ang sakit na kaniyang nadarama ngayon.


I know that look.” saad ng isang lalaki sa may likuran ni Roan na ikinagulat ng lubos ng huli.


What the hell?!” singhal ni Roan.


Pang-ilang beses na kitang nakikita na nakatitig kila Josh at Igi. Anong bang meron?” tanong ulit ni Lance na ikinainis ni Raon.


Mind your own business!” singhal ni Roan na tila naman wala lang kay Lance dahil lalo pa itong ngumisi.


Bakit umuwi si Neph? Nanawa na siya sayo?” nakangisi paring tanong ni Lance na ikinagulat ni Roan. Walang nakakaalam na merong namagitan sa kanila ni Neph kaya laking gulat niya na ang isang katulad ni Lance na ni isang beses sa nagdaang school year na iyon ay hindi niya nakakausap ay may alam ng patungkol sa kanila ni Neph.


Don't give me that 'deer caught in a headlight look' it doesn't suit you---” nangaasar ulit na saad ni Lance.


Fuck you!” singhal ulit ni Roan sabay talikod kay Lance at maglalakad na sana palayo nang muli itong magsalita.


It's OK to make people see you're hurt, Roan. What's not OK is pretending to be OK when in the inside your seething with rage, ready to pounce at unsuspecting friends---”


You don't fucking know me and you don't know how fucking bad it hurts so just mind your own fucking business and shut up---!” singhal muli ni Roan sabay lapit ulit kay Lance at dahil sa galit kay Lance ay hindi na napigilan pa ni Roan na sampalin ito na nasalo naman ng huli bago pa sumayad ang palad nito sa kaniyang kanang pisngi.


You're better than this, Roan. Neph is an asshole for hurting you but you don't have to be a bitch to make others hurt like you. You're better than this, choosing to be miserable while others choose to be happy. You're better than this.” pabulong na saad ni Lance habang hawak hawak parin ang kamay ni Roan na desedido paring ilagapak ang palad sa kaniyang pisngi.


Unti-unti namang nanlambot si Roan. Nang masigurong hindi na siya muli pang aambaan ni Roan ay marahan nang ibinaba ni Lance ang kamay ni Roan at masuyo ng nilisan ang lugar na iyon habang si Roan naman ay nagsisimula ng maluha, tila kasi pinako ang kaniyang puso sa isang tabla dahil sa mga sinabing iyon ni Lance. Wala naman kasi talaga siyang balak manakit ng tao pero itinutulak siya ng pinagsamang galit at sakit na iparamdam sa iba ang sakit na kaniyang nararamdaman.


I'm better than this.” pagpapaalala ni Roan sa sarili matapos mapaluhod sa lupa habang tuluyan ng tumutulo ang kaniyang matatabang luha.


I'm better than this.”


Itutuloy...



The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 11”
by: Migs

Comments

  1. Maikli lang ulit 'to. On the go tayo mga kapatid. Hehe! Super busy eh, dapat ata ang tawag na sakin, super busy. Nga pala, may surprise ako bukas para sa mga matagal ng nangungulit sakin. Haha! Nais ko ulit magpasalamat sa aking mga kapatid sa pananampalataya na walang sawang ine-endorse ang blog ko sa kanilang blogspot, di ko parin magawang gawan ng advertisement ang blog ko kaya't di ko pa kayo na-iaadvertise kaya dito na lang muna.

    Inaanyayahan ko ang lahat na bisitahin at magbasa sa mga blog na ito dahil sa angking galing ng mga manunulat na ito. :-) They are my Idol!

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    At syempre ang pinaka idol ko sa lahat:

    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Jiru: Thanks for always appreciating my works! But I would also appreciate it if you comment more! :-P

    Anonymous July 30, 2012: thanks, I'll focus on them more. :-) Please write your name next time so I can address you properly.

    Jasper Paulito: eto na ang update, sorry natagalan. :-( Hindi maigsi ang chapter 10, pare-pareho sila ng number of words. Lahat asa 3100+ words, so lahat yan magkakasing haba. :-)

    jemyro: that's the term that i've been looking for! Hahaha! Tatlong linggo ko na siyang iniisip!

    robert_mendoza: torpe din yung pinagbasehan ko ng character na yan. Haha! Peace sir Neph! ;-)

    berto: just wait and see! Haha!

    Makki: pakalbo ka na rin haha! Lahat ng lalaki gusto ko kalbo. Haha! :-)

    ReplyDelete
  2. Moon sung-Min: belated happy birthday! Nyahahaha! Asan na ang kasunod mong comment?

    Ivanchan: kapag nagtagal malalaman mo rin na hindi dapat gawing inspirasyon ang crush. Haha!

    Akosichristian: isisingit talaga si Liam? Haha!

    Josh: ang pinakaiintay mo i-po-post ko na bukas. Haha! KAPAG SINIPAG AKO. Haha!

    Erwin F.: try ko lang ulit na bumalik sa patweetums. Haha! OK ba O panget?

    Riley: Bakit? Anong meron sa breaking boundaries saka TTTDAMO?

    Wastedpup: magkita saan? Haha! Kayo talaga! Pa-I LOVE YOU I love you pa kayo! Haha!

    Mr. Brickwall: ikaw lang ang bukod tangi na nakakakuwa ng mga ganyang detalye and for that, I love you! Haha!

    jm_virgin: patience is a virtue, anak. Sa buhay hindi dapat laging nagmamadali. Ok? :-)

    ANDY: ikaw ba yung nag email sakin? Di ko pa nasasagot eh.

    adik_ngarag: sinubukan ko lang magsingit ng straight story baka kasi magustuhan niyo. Hehe.

    aR: nago-auto correct eh, haha! Sorry naman! Haha! Abangan sa susunod na kabanata ang plano ni Roan. Hehe. Kung may plano. Haha!

    RygesTan: Thanks! Ganun ba ako katagal hindi nakapag update dahil nasira at nagawa na ulit at lahat ang net mo hindi pa ako nagu-update? Huhu! Sorry.

    Gavi: hala. Hung hindi naglo-load ang mobile blogspot ko edi maraming hindi nakakabasa. Huhu!

    Maraming Salamat ulit sa patuloy na nagbabasa at nagco-comment. Though wala na masyadong nagco-comment. Huhu. Magbalikan na sana yung mga dating nagco-comment. :-(

    ReplyDelete
  3. o.O
    bulaga! :o
    (dpat boo(panggulat) yan peo bka icpn m ung boo(syota) o boo(disaproval) kya bulaga nlang)

    mtgal aq d nkpaxal d2, sa feeds lng aq ngbsa netong nkaraan gmit cp q weh x.x
    nyway, aun, npangiti aq sa kulit ng dlawa tho d aq tnablang ng kilig ngaun(dti kc bbalikwas aq gling pgkakahiga tas mgpapadyak na parang ewan) ngaun smile smile lng lolz
    peo, roan hmm... mggng kotra bida ba o mamamayani ang konsenxa? yan ang aabangan q...
    (wg naman sna kc gs2 q ang pangalang roan :()

    ReplyDelete
  4. Good morning Migs! wala lang good morning lang. Hahahaha! Sulit ang paghihintay ng 1 week, ang lakas maglandian.

    Oh, sure migs! sige hihintayin ko yang sinasabi mo na pagtumagal hindi magandang gawing inspirasyon ang crush. I dare... myself! Hahahaha! :D Good morning ulet!

    ReplyDelete
  5. roan is better than being a bitch.. hehe kaya she should stop na.. :p cla nlng ni lance or ni liam kaya.. lol

    anyway, good job as usual, andaming kilig.. mahal na kung mahal kasi.. :p

    ReplyDelete
  6. magpapakalbo ako tapos ikaw naman magpapaskinhead! bwahahaha oh ano kaya? LOL

    Ayiieeee! nakakaihi naman yung scene sa puno! ayiiiieee

    Nice one Idol! Mukhang so Lance ang magpapabago kay Roan ah? At si Fr. Rico oh!? ang lakas ng radar! bwahahaha

    ReplyDelete
  7. Pro gay pala si father.

    Yung puno scene... Ayieeeee!

    Bagay naman yung pasweet. Usual kasi sa iyo yuppies ang characters. Ngayon teens kaya ayos pwede to. More JoGi moments. Wait ko yung pagtulog nila sa iisang bed. Hehehehe!

    ReplyDelete
  8. Panalo ang chapter na to Migs!ang daming sweet moments nila Igi at Josh..I super love it!

    Naawa naman akong bigla kay Roan..haayy!!ewan ko nga rin ba bakit naaalala ko ang breaking boundaries pag binanbasa ko to..siguro nakikita ko lang yung character nila Macky at Jepoy kay Igi at Josh?basta yun na yun!haha!!

    Thanks nga pala Migs sa pag plug sa blog ni Ken..hihi
    Take care and Godbless:)

    Riley

    ReplyDelete
  9. hi migs another rainy day. Good to see an update first thing in the morning and its Monday. hehehe.

    Migs that's not what I mean by saying na I dont miss a thing. I'm just glad that my net connection is fixed and I can read your stories again and I'm glad that I did not miss a thing coz Im always updated hehehe.

    Nice chapter another character appears... Ano kaya magiging papel nya sa story that I will watch out. Kakakilig naman ung parts nila Jodh snd Igi hope I hope to see more of those.

    Thanks and have a great day migs keep on writing.......

    ReplyDelete
  10. galing migs..hehe ibig sabhin ba si roan ay gud gurl na?..hehehe

    ReplyDelete
  11. ang sweet ni Josh at Igi!!!

    Kinakabahan ako kay Roan!

    So lance, sigurado may gusto kay Roan. Hay pag-ibig nga naman! Lol!

    Kuya migs, ako nga po. :)

    ReplyDelete
  12. hi Kuya Migs, sorry kung ngaun lang nakapag comment, I have been a silent reader for the past few post. Busy sa work, at nagkaroon ng health problem..ahha ayun Kalbo ako ngaun..:P anyways....

    Nice plot, and this post is all I need to end a day (a very wet, tiring and stressful DAY) hehe daig pa nito ang kape at gym sa pagtanggal ng stress, thanks for the update though mejo mahahaba ung pagitan ng pag post, ok lang, it worth the wait. thanks sa post and KUDOS..:)

    ReplyDelete
  13. Author Migs!

    Alam na! roan will not continue her rage :D I'm better than this! hoho, well natauhan ata..ang galing lang ng mga words ni Lance

    "Lance" who is he? parang astig lang, ang cool ng nameXD isang chismoso itong taong to :D

    Igi-Josh...abangan hahakonti kembot pa at ma-acknowledge na niya ang feelings niya..

    Des-neph...i hope sa decision ni des win-win sila ni josh..no hard feelings sa parting nila

    bakit ganito comment ko...nafefeel ko nananmn ganito ang mangyayariXD joke
    better na masabi ko na

    aR

    ReplyDelete
  14. Its so nice to be back here. :D Dami kong namiss. Hehe
    I'm so happy sa status nila joshie and igi, so, can we move to the next level? Haha. Excited lang eh no? Hahaha

    ReplyDelete
  15. eto ohh... ahahahaha... ehh kasi naman kuya eh...chasing pavements na!

    ReplyDelete
  16. naks!...ang sweet ng dalawa...ganda ng scene sa puno....nakakaihi...hahah....sa isang kama na sila matutulog oh!...waaaaahhhhh!!!...bitter ni roan...wahaha...walang patutunguhan kabiteran nyan...hnd ko lang maisip kung bakt sina igi at josh ang pinupuntirya nya...that b****...hehe...nice one migz!

    -Berto-

    ReplyDelete
  17. ngek! kaya pala. he he he. magagaleng din ung mga frends mo at palage ko din dinadalaw mga blogs nila. he he he. yngat lage frend.

    ReplyDelete
  18. I love you migz. For better or for worse. Sarap naman ng kwentong igi at josh. Hmmm. Sana tau din migz magkaroon ng ganung moments. Kilig kilig kilig. :)

    ReplyDelete
  19. Haha! naman pati allergies ko! XD

    Dahil walang pasok at nakanganga lang ako ngayon, pwede na siguro ako magcomment uli kuya. haha!

    Una, again thanks! AS IN SOBRANG THANK YOU TLAGA KUYA!!!!! wala ka bang balak makita ako sa personal? meet and greet lang nman, wala akong plano magpabiktima sayo! HAHAHA! JOKE! :D :D :D

    Pangalawa, kung si roan ay may pa "I'm better than this." Kaw naman ay THE BEST IN THIS! hehe! grabe ka kuya! More lessons, more kulitan, more unexpectd turns and MORE , although EXPECTED, characters. HAHA! :D :D :D
    This has become more lively than ever! grabe lakas ko tumawa ngayon dito sa dorm..ginising ko ata mga natutulog pa dahil sa ulan. XD

    Anyway, structure, flow, content, A++++++ parin tlaga kuya. Kaw na tlga idol writer ko! If I have time, I want to write stories like this one. Pero unahin ko na muna tlaga pagpasa mga subjects ko. haha! Kawindang tlaga pinasok kong course eh. XD

    Anyway, GOOD LUCK ANG MORE POWER KUYA MIGS!!! AT NAGHIHINTAY RIN AKO S ISANG POST!!!!!! hehe

    -->igi

    ReplyDelete
  20. hi Sir, :) tagal ko hinintay tong chapter na to ah?! haha =D can't wait sa next chapter..one bed?? >_< hihihi i really love how you put the twists on your stories... and now i can't tell kung ano ba talaga balak ni Roan..wag lang syang magkamali at baka bumuo ako ng "Anti-ROAN" campaign. lol i juuuuuuuuuuust love your stories... super relate. :))

    RE: your reply, nagloload po sya.. in fact sa mobile lang ako nagbabasa ng blog mo...nagOonline lng ako para makapag comment. hehehehe

    hope to meet you soon..i'm soooooo in love with your stories.

    PS
    when are you gonna post the next book of chasing pavements? :P


    love,

    Gavi :)

    ReplyDelete
  21. gusto ko tong chapter na to kaya lang bitin!!!!

    migs, next time habaan mo naman please..... kinilig ako kay josh at igi.

    nabubuhay na ang pagkababae ni josh! haha

    ReplyDelete
  22. andito na pala si fafa lance. bwahahaha!!!

    may namumuo na pala. hintayin ko nalang ang turning point ng story.

    asan na ang story na bago? :D

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  23. dahil love mo ko, for that, i love you too. hahaha!

    tagal ko before mabasa. lakas dakasi ng ulan. konek? hahaha.

    hmm, here comes the hero sa sinking life ni roan. haha. sana naman i-take positively ni roan ung payo na, 'you're better than this'. baka iba kasi ung dating sa kanya, iba sa intindi ng iba. may saltik pa naman yang si roan, umiibig kasi e.

    anyways, malakas pa din ang ulan, parang buhay pag-ibig ni roan. pero malay natin, si lance na yung sunshine nya.

    kay josh at igi, no comment, ang lalandi kasi nila. haha. ganda ng progress, wala pa naman conflict. sana matagal pa dumating, para happy padin muna. haha.

    -baha! baha pdn!
    ingat ingat

    ge kua migs, mamatz! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]