Against All Odds 2[27]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Saglit na nagtama ang tingin ni Ryan at Bryan. Tila ba sa saglit na pagtititigan na iyon ay nakuwa na ng dalawa ang iniisip ng bawat isa. Nagaalangan silang pareho kung magandang ideya ba ang gagawin nilang ito, kung kakayanin ba ni Dan ang mga binabalak nila. Sa saglit din na pagtitinginan na iyon ni Ryan at Bryan ay pareho nilang hindi maikakaila na nakita nila ang pagaalangan sa mata ng bawat isa kaya nang hindi na niya matiis pa ay wala sa sariling sinabi ni Ryan ang bumabagabag sa kaniya loobin.

Still think this is a good idea?” nagaalalang tanong ni Ryan kay Bryan.


We have to do something to help him, Ry.” sagot naman ni Bryan, hindi alam kung sino ang mas kinukumbinsi ang sarili o ang kapatid.


Sabay na tumingin si Ryan at Bryan sa abalang abala sa pagluluto na si Dan. Tila naman ang sinabing ito ni Bryan ang lalong nagpa-buo sa loob ni Ryan na gawin ang kanilang binabalak na ito. Para kay Dan, gagawin niya ang lahat.


0000oo0000


What's this, Ry?” dikit kilay na tanong ni Dan nang makita niya ang isang bagay na nakatakip ng puing tela sa pagitan ng kambal. Ang tanong na ito ni Dan ay lalong nakapag pabalisa kay Ryan at ikinatameme naman ni Bryan na abala parin sa pagiisip kung tama ba ang kanilang gagawin.


We're going to do some experiment, Dan.” wala sa sariling sagot ni Ryan na ikinakunot ng noo lalo ni Dan. Hindi kasi alam ni Ryan kung pano niya sisimulang sabihin kay Dan ang kaniyang ideya kaya naman mali ang lumabas sa kaniyang mga bibig. Maski siya ay inaamin niya sa sarili niya na hindi rin hindi maganda ang sagot niyang ito.


Saglit na ngumiti si Dan, inaakala na ginu-good time nanaman siya ng kambal, pero nang wala siyang nasilayang ngiti sa mukha ng kambal ay agad na siyang kinabahan.


What's this, Ry?” paling ulit ni Dan kay Ryan.


I told you this is a bad idea.” saad naman ni Bryan sabay tatalikod na sana nang mapatid siya sa laylayan ng puting tela na siyang bumabalot sa misteryosong bagay.


Tila may pumindot ng slow motion button dahil dahan-dahang natanggal ang puting tela na bumabalot sa bagay na iyon.


Nang makita ni Dan kung ano ang nasa likod ng putting tabing na iyon ay agad na nanlamig ang kaniyang buong katawan. Nasa kaniyang harapan ngayon si Mike. Nakatingin ng daretso sa kaniya at nakangisi na kala mo wala itong mabigat na kasalanan sa kaniya.


HOW DARE YOU!” sigaw ni Dan kay Ryan. Pakiramdam niya ay muli siyang trinaydor. Aatras na sana siya sa may sulok ng kwartong iyon ng pigilan siya ng malalaking braso ni Ryan. Nagsimula ng magpapapalag si Dan.


0000oo0000

Card board. Dyan gawa ang kasing taas ni Ryan at Bryan na picture ni Mike. Ito kasi ang naisip na paraan ng kambal. Alam kasi nila na imposibleng hindi magkakasalubong si Mike at Dan sa loob ng unibersidad at kapag nangyari yun ay alam nilang aatakihin nanaman ito ng pagpapanic. Wala rin sa kanilang pagpipilian ang pagpapalipat kay Dan sa ibang unibersidad dahil unang una ay sayang naman ang naitaguyod ng scholarship ni Dan, pangalawa ay parang hindi na kaya ni Ryan na mawala ito at pangatlo ay iniisip din nila kung paano kapag nandum naman sa unibersidad na iyon ang iba pang nanakit kay Dan? Hahayaan na lang ba nila na takbuhan ni Dan ang mga ito gayong hindi naman ganong kalaki ang Pilipinas para sa kanilang lima.


Please calm down, Dan.” alo ni Ryan saka sinubukang yakapin si Dan na tinulak lang siya palayo.


HOW DARE YOU!?” sigaw ulit ni Dan at nang mapagod sa pagpupumiglas ay nagkasaya na lamang siya sa pag-iyak sa yakap na iyon ni Ryan.


We're doing this for you--- to help you. Sorry.” nagaalalang saad ni Bryan.


HOW THE HELL IS THIS GOING TO HELP ME?! IT'S KILLING ME!” singhal ulit ni Dan na nakapagpatameme kay Bryan habang yakap yakap parin ng mahigpit ni Ryan sa kabila ng muling pagpupumiglas nito.


Please, calm down.” pagmamakaawa ni Ryan. Hindi kasi mapigilan ni Ryan ang maawa kay Dan dahil sa basang basang mga pisngi nito sa kakaiyak. Ang pag-iyak na ito ni Dan ang naghatid ng ilang luha din sa kaniyang mga mata. Nahihirapan si Dan at wala siyang magawa para matulungan ito.


Ni hindi niya sigurado kung uubra ba ang naisip niyang ideya na ito.


Please.” pagmamakaawa ulit ni Ryan saka niluwagan ang yakap kay Dan. Nagtama ang tingin ng dalawa nang sandaling naghiwalay ang kanilang mga katawan.


You're going to see him in school. You might even have the same classes with him. You can't keep on having those panic attacks, Dan. It's not healthy---” pagpapaintindi ni Ryan.


I'll leave school!” pagmamatigas na balik ni Dan.


---and leave me?---” agad na tanong ni Ryan. May pagmamakaawa sa tono nito. Muling natigilan si Dan, hindi parin inaalis ang tingin sa mga mata ni Ryan. Sa puntong iyon ay tuluyan ng umiiyak si Ryan, dalang dala sa emosyon na ipinapakita ni Dan.


---and me? Leave us?” tanong ni Bryan sa hindi kalayuan na siya namang binato ni Dan ng tingin.


0000oo0000


Just always think that he's just a card board and that he can't hurt you.” saad ni Ryan habang dahan-dahang inilalapit si Dan sa life size na picture ni Mike.


W-what if he have me cornered sa isang eskenita?” parang bata na nai-insecure na saad ni Dan.


Dyan papasok ang mga baby na 'to.” nakangising saad ni Bryan saka inilabas ang mga tear gas, balisong at peper spray. Napanganga si Dan sa mga inilatag ni Bryan sa kaniyang harapan habang si Ryan naman ay tumatango-tango lang na tila ba aprubadong aprubado niya ang naisip na ito ng kakambal.


0000oo0000


What's this for?” tanong ni Dan habang humihingal nang bigla siyang abutan ni Bryan ng isang telepono matapos nilang mag-practice ng ilang mga galaw para sa self defense.


Para makapag text at makatawag ka kapag kailangan mo kami.” mabilis na sagot ni Ryan. Naisip na ito ni Ryan nang maisipan nila ni Bryan na bigyan ng cell phone si Dan. Alam niyang tatanggi ito, hindi papayag na bilhan siya ng mga bagay na mas mahal pa kesa sa kaniyang sariling tuition.


I-I can't accept this, Bry---” simula ni Dan.


We want you to have it, Dan.” seryoso pero marahang saad ni Bryan.


Wala ng nagawa pa si Dan kundi ang pumayag na lang sa gusto ng dalawa.


0000oo0000


Matapos ang nakakapagod na pagpra-practice ng basic self defense at iba pang paraan para matulungan si Dan sa kaniyang mga panic attacks at posibilidad na pakapahamak ay nagpaalam na si Bryan na maglilinis na muna ng katawan at si Ryan naman ay maghihilamos daw muna pero bago pumunta sa CR para maghilamos si Ryan ay tinanong niya muna si Dan kung magiging OK lang ito na siya namang sinagot ni Dan sa pamamagitan ng pagtango.


Nang maiwan na siyang mag-isa ay wala sa sariling lumabas si Dan ng kanilang front door, umupo sa step at tumingin sa malayo. Iniisip na OK man siya sa ideyang nakakalapit na siya sa Mike na gawa sa cardboard ay iniisip niya parin kung magagawa niya ba ito sa personal at sa gumagalaw, nagsasalita at nagiisip. Sa kabila ng pagaalinlangan na ito ay naisip din ni Dan na kung hindi niya ito susubukan ay wala rin naman siyang mapupuntahang iba kung sakaling muli niyang takbuhan ito, hindi niya alam kung makakahanap pa siya ng mga taong katulad nila Bryan, Ryan at Jase na maaring tumulong sa kaniya.


Hey.” nagaalangang tawag pansin ni Ryan kay Dan na agad lumingon at nagbigay dito ng malungkot na ngiti.


You're not going to run off, are you?” insecure na tanong ni Ryan habang umuupo sa tabi ni Dan. Wala sa sariling inabot ni Dan ang kamay ni Ryan at mahigpit itong hinawakan saka sumandal sa matipuno nitong balikat at umiling.


Good---” wala sa sarili pero natutuwang saad ni Ryan at ang sunod na mga salitang kumawala sa kaniyang bibig ay mga salitang hindi niya sinasadyang sabihin ng malakas.


Good---b-because I'm starting to fall in love with you--- a-and I want you always near me.”


0000oo0000


Unang klase. Humanities. Isa sa mga klase na pinka-iintay na kuwanin ni Dan. Sa sobrang excitement ay nawala na sa kaniya isip ang katotohanan na nasa unibersidad narin na iyon si Mike, naalala lang niya ito nang sumulpot ito sa likod ng kanilang guro bago magsimula ang klase. Agad na nanigas ang buong katawan ni Dan, sa kabila ng malamig na bugha ng aircon ay pinagpawisan din si Dan at bumabaw ang paghinga nito.


Saglit siyang pumikit.


He's just a cardboard. He can't hurt you.” bulong ni Dan sa sarili.


Magkaiba man ang kurso na kanilang kinukuha ay hindi naman non mapipigilan ang posibilidad na magkaroon ng magkaparehong subject ang dalawa. Hindi nga lang nila ito inaakalang mangyayari sa lalong madaling panahon.


Tila naman may naglatag ng epoxy sa sahig na tinutungtungan ni Mike dahil kahit anong pilit ng kaniyang utak na i-apak ang kaniyang mga paa ay hindi niya ito magawa matapos niyang makita ang maamong mukha ni Dan na nakaupo sa papataas na mga upuan sa classroom na iyon. Saglit na nagtama ang kanilang tingin. Kitang kita ni Mike ang biglaang pagtense ng katawan ni Dan at pag-pikit nito.


Handa na siya na magtatakbo palayo huwag lang muling mag-panic si Dan katulad ng mga nakaraan nilang pagkikita nito pero nang makita niyang dumilat ulit ito, iniwas ang tingin sa kaniya, nagbuntong hininga at umarte na parang hindi siya nakikita.


Hindi maikakaila ni Mike na nasaktan siya sa inasal na ito ni Dan na tila ba wala itong nakikita, na tila ba isa lang siyang hangin sa paligid, isang bagay na hindi dapat pagtuunan ng pansin pero inintindi na lang ito ni Mike, kung tutuusin ay naisip niyang dapat magkasya na lang siya sa pakikitungo ni Dan na ganito kesa naman yung nagtutumakbo ito palayo sa kaniya o kaya naman yung takot na takot at paulit ulit na sinisigaw na huwag siya nitong saktan.


0000oo0000


Hindi makapag-concentrate si Dan sa itinuturo ng isa sa kaniyang mga paboritong propesor sa isa sa kaniyang mga paboritong subject dahil sa ramdam na ramdam niya parin ang presensya ni Mike sa paligid. Sinubukan niyang alisin ito sa kaniyang isip at ituon ang pansin sa pisara at sa nakasulat doon pero pakiramdam niya ay merong isang pares ng mga mata na nakatitig sa kaniya na pilit kumukuwa ng kaniyang atensyon, bahagya niyang inilingon ang kaniyang ulo pakanan.


Hindi napigilan ni Mike na i-iwas ang kaniyang tingin mula sa pagtitig niya kay Dan. Hindi niya kasi maikakaila na nami-miss niya ang pakikipagkaibigan dito, ang malayang makipag usap dito, ang makipagtawanan katulad noong sila'y mga bata pa at ang maging kumportable itong makatabi na walang ginagawa kundi ang makipag-gagugahan. Nami-miss na niya ito.


Matagal sila nitong hindi nagkita matapos ang kawalang hiyaan na ginawa niya at ng kaniyang mga dating kaibigan dito. Mag-iisang taon niya itong hindi nakikita, namimiss na niya ang mga ngiti nito, ang mga mannerism nito, namimiss na niya ang boses nito at pati narin ang paraan nito ng pagkukuwento kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na mapatitig sa kaniyang best friend, hindi mapigilan ang sarili na mag-isip kung anong kaniyang dapat gawin upang muli siyang maging kaibigan nito.


0000oo0000


Kunot noo na tinignan ni Jase si Dan habang nag-aayos bago umuwi mula sa trabaho. Tila wala ito sa sarili, tahimik at malalim ang iniisip. Nilapitan ito ni Jase, ni hindi napansin ni Dan ang paglapit na ito ni Jase kaya naman halos mapatalon ito sa gulat ng linawin ni Jase ang kaniyang lalamunan upang makuwa ang pansin ng huli.


Geesh!” sigaw ni Dan saka nagpakawala ng isang wala sa sariling ngiti, ngiti na kailanman ay hindi nagustuhan ni Jase sa kahit na sinong tao, isa kasi itong indikasyon na may malalim ngang iniisip ang tao na nagpapakawala nito.


What's wrong?” awtomatikong tanong ni Jase na ikinatigil naman ni Dan sa pag-aayos ng gamit.


Huh?”


I told you na pwede mo kaming sabihan kapag may problema ka, diba?” saad ni Jase sabay itiniklop ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib. Tila ba sinasabing hindi matatakasan ni Dan ang kaniyang mga tanong.


Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Dan matapos niyang mapansin ang pagtiklop ng mga kamay ng kaniyang boss sa dibdib nito, hindi rin nito mapigilan ang mapapikit. Iniisip na hindi ito palalagpasin ng kaniyang boss hangga't hindi niya sinasabi ang lahat dito.


Saglit na natigilan si Jase matapos magbuntong hininga ni Dan at makita ang pagpikit nito. Iniisip na mabigat-bigat ang sasabihin nito sa kaniya.


0000oo0000


Hindi napigilan ni Jase ang sariling katawan na mag-tense matapos sabihin ni Dan ang lahat sa kaniya at matapos nitong panoorin ang huling umiyak na tila ba bata na inaway ng lahat ng bata sa kanilang looban. Alam niyang may pinagdadaanan ito matapos nilang magkakilala magiisang taon na ang nakakaraan ngunit hindi niya alam na ganon pala katindi ang pinagdadaanan nito.


Trinaydor, sinaktan at ginahasa ng mga pinagkatiwalaang kaibigan. Iniwan at binalewala ng ina. Hindi niya inaakalang may mas titindi pa sa mga pinagdaanan ni Aaron at ngayon muli pang pinaglalaruan ng tadhana si Dan dahil naging magkaklase pa ito saka ang taong pinagkatiwalaan noon ni Dan ng kaniyang pagmamahal.


Have you called the police yet?” matigas at halos pasinghal na tanong ni Jase kay Dan.


Matagal bago sumagot si Dan at naunahan pa ang sagot nito ng isang nakapangingilabot na tawa. Tawa ng isang taong nawalan na ng tiwala, kahit pa sa mga taong alam niyang makakatulong sa kaniya.


Walang magagawa ang mga pulis sa mga hayop na yan.” saad ni Dan.


So what? You're just going to let this sonovabitch make you miserable?” galit na tanong ni Jase.


I've been miserable since that day, Jase. Wala na akong ikami-miserble pa.”


Then what are you going to do about it?” marahan nang tanong ni Jase.


I'm not going to do anything about it. Before he showed up, I'm beginning to have a life again. That's what I'm going to do. Ignore him. Act as if he's not there and pray to God that he won't plan on hurting me again and continue with having a normal life.”


Natameme si Jase sa sinabing ito ni Dan. Hindi na niya ngayon maikakaila ang pagkakapareho ni Aaron at Dan. Pareho itong palaban, parehong matapang pero pareho ding tanga. Wala na siyang nagawa kundi ang umiling at puno ng galit na talikuran si Dan at iwan itong nagtataka sa kaniyang kinilos.


Pabalang niyang ibinagsak ang pinto ng kaniyang opisina at pabalang ding ibinagsak ang sarili sa swivel chair sa likod ng kaniyang lamesa. Itinakip niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha nang hindi na niya mapigilan ang mga luha sa pagtulo.


Hindi siya nalulungkot dahil sa nangyari kay Dan. Hindi siya nagagalit sa mga taong gumago dito. Kundi, nalulungkot siya para sa sarili at nagagalit din sa kaniyang sarili kasi kahit gaano mang ka-positibo ng sinagot na iyon ni Dan sa kaniya kani-kanina lang ay hindi niya parin maiwasang ihalintulad ang buhay nito sa naging buhay ni Aaron. Hinihintay niya parin na bumagsak ang lahat para dito katulad ng pagbagsak ng lahat para kay Aaron kahit gaano pa nito ka-positibo sa buhay. At dahil sa iniisip na ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na magalit sa sarili.


0000oo0000


Kunot noo na pinanood ni Dan ang pag-bagsak ng pinto ng opisina ni Jase. Susundan na sana niya ito at hihingi ng paumanhin sa kung ano man ang kaniyang maaaring nagawa na ikinagalit nito pero nang ihakbang na niya pagawi ng opisina ang kaniyang kanang paa ay biglang sumigaw ang gwardya nila sa restaurant na iyon.


DAN ANDITO NA SUNDO MO!” sigaw na ikinagising ni Dan. Tumalikod na si Dan at ipinangako sa sarili na kakausapin niya si Jase kinabukasan.


0000oo0000


Hey, how was your day?” tanong ng tila ba nahihiya pang si Ryan kay Dan na ikinangiti naman ng huli. Ngiti na tila ba hindi gumuhit sa kaniyang mukha sa loob ng buong araw na iyon.


Ang ngiti din na iyon ang pumigil sa kaniya sa pagsasabi tungkol sa pagiging magkaklase nila ni Mike. Alam kasi niya na pareho lamang sisirain noon ang kanilang araw kaya naman mas napili na lang niyang manahimik tungkol dito.


I've seen better.” madaling pagsisinungaling ni Dan saka inabot ang nakalahad na kamay ni Ryan at hinawakan ito ng mahigpit.


Where to?” taas babang kilay na tanong ni Ryan kay Dan.


Want to go on another date?” nakangisi paring tanong ni Dan kay Ryan na agad na nagtaas ng tingin at sinalubong ang tingin ni Dan. Agad na namula ang pisngi ni Ryan.


Sure.”


Itutuloy...


Against All Odds 2[27]
by: Migs

Comments

  1. pasensya na po ulit sa tagal ng pag-update. sobrang busy lang po talaga ngayon.

    Pasensya narin po at di ko rin po nasagot nanaman ang mga comments niyo. :(

    Salamat sa patuloy na pagsubaybay. :-D

    ReplyDelete
  2. First hahaha!

    I wonder kung gaano kalaki participation ni Jase dito and kung kelan mare-reveal kung sino yung partner niya (na mukhang si Rob naman).

    BTW, salamat nga pala sa pagli-link ng blog ko sa blog mo. =D

    ReplyDelete
  3. lalu nang nagiging kumplikado ang mga pangyayari x.x andami nang mga katanungang nabubuo
    waah next na next na! bitin ei :(

    ReplyDelete
  4. grabe ang dami ng ngyayari!! Kung saken siguro ngyari yung kay dan baka nagpakamatay na lang ako. Hihi.

    Take your time kuya migs, basta ba back-to-back ang next! Joke lang. Thanks.

    ReplyDelete
  5. oks lang po kuya migs.. ingats :)

    ReplyDelete
  6. Short and sweet :) thanks sa update, sir! :) moooooooooore!!!!!!!

    -gavi :)

    ReplyDelete
  7. wow migz this is great buti nlang may mga taong tumutulong pa rin kay Dan despite everything that has happened to him this just prove na God is good, though He give is problems and other things that will test our faith He is there to guide and help us.

    Have a wonderful day migz and keep on writing....

    ReplyDelete
  8. Super bitin~! Feeling ko si Mike sisira sa relationship ni Ry at Dan...since gagawa siya ng ways to get him back. May gusto ba si Jase kay Dan?(since nakikita niya si Aaron kay Dan)

    ReplyDelete
  9. wow! galeng ah, dapat ganun nga ang gawin ni dan at pilitin nya ng mag move on. he he he

    ReplyDelete
  10. Thats the spirit dany! ^__^ grabi naman ang mga new baby ni bryan. Balisong,teargas at pangspray. Tapus tinuruan pa ng SD! Haha kayo ng kambal naniniguro.

    At anu na ang gagawin mu mike?

    -WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  11. Author Migs!

    haha, anong meron at color change tayo sa blog, infairness feeling ko lumiwanag :D

    Dude bitin much, hehe..parang nakulangan ako sa scenes..lol sa self defense training, naimagine ko na yung training nila e parang pambata lang XD

    kailangan intense mangyayari next chapte :D hehe, puro excitement and wondering question lang naiisip ko :D

    -aR

    ReplyDelete
  12. sana sure na din na ok na na si dan..

    migs dont worry..makakahintay kami..ikaw pah..lakas mo eh.

    ReplyDelete
  13. tnx for the update Migs....kahit busy ka you still find time to update for us..ur fans and followers

    ReplyDelete
  14. puzzled!

    bat ganun ka-affected c chase..??

    ReplyDelete
  15. hi miggs..salamat sa update..sa tingin ko tlgang guilty si jase patungkol ky aaron..

    sana mag ka ayos sina mike at dan....mikee at danny pa rin ang love team ko...

    ReplyDelete
  16. hi..tnx sa update migs.,ung pov sana ni mikee.,gusto q malaman ung ways nya to make up with dan. after all.,mikee is also a victim i d situation..d nman u cguro alam ang ginagawa u tlaga pag nkadrugs kna...go mikee..hahaha...

    ReplyDelete
  17. cool....galing...tnkz 4 the update.........maganda ung song na "the art of leeting go" para kay mike heheheheheehhehehe

    ReplyDelete
  18. kalungkot lagi tong aao2 :)

    ang ganda talga ng story...

    ReplyDelete
  19. sana malagpasana na ni Dan yung takot nya..buti na lang nanjan lagi si Ryan at Bryan..

    namiss ko talaga tong AAO mo Migs..thanks for the update..ingat ka palagi Migs :))

    ReplyDelete
  20. Nakakalungkot itong chapter na ito or sadyang malungkutin lang talaga ako these past few days. Haha weird ko!

    Oh well, Migs. I'm looking forward more sa interaction between Dan and Mike. Walang kupas talaga si Ryan sa pagpapakilig kay Dan.

    Thanks sa update Migs. :)

    ReplyDelete
  21. I am sure this piece of writing has touched all the internet users, its really
    really nice piece of writing on building up new web site.


    my weblog: search engine optimization tips

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]