Against All Odds 2[24]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
makapaniwala si Dan na matapos niyang takbuhan lahat ng kaniyang
nakaraan ay ito ngayon si Melvin sa kaniyang harapan, si Melvin na
isa sa mga pasimuno sa pambubugbog sa kaniya at nanggagatong kay
Dave, Mark at Mike upang ipagpatuloy ang panghahalay sa kaniya noong
nakalipas niyang kaarawan mag-iisang taon na ang nakakaraan. Ipinikit
ni Dan ang kaniyang mga mata, iniisip na guni-guni niya lang ito, na
hindi totoong nanlalamig ngayon ang kaniyang buong katawan, na hindi
siya ngayon pinagpapawisan ng malamig, na hindi siya ngayon makagalaw
mula sa kaniyang kinatatayuan...
Na
walang Melvin na nakatayo sa kaniyang harapan ngayon na nagmamakaawa
na kausapin niya.
“Please,
Dan.” lumuluha ng pagmamakaawa ni Melvin na siyang nagtulak kay Dan
na idilat ang kaniyang mga mata.
“I-I
n-need him---” simula ni Melvin na ikinataka ni Dan sa kabila ng
ibayong takot na kaniyang nararamdaman.
“I-I
n-never meant to push him away. I-I never meant to hurt him---
Please, Dan. Please--- He's all that I have left. I'm going to die
without him. P-Please.” pagmamakaawa paring saad ni Melvin.
Tila
naman may sumipa kay Dan. Kung kanina ay lamig na lamig ang kaniyang
buong katawan at nanginginig dahil sa takot, ngayon ay nagsisimula ng
mapuno ng init ang kaniyang buong katawan at manginig parin hindi
dahil sa takot kundi dahil sa galit.
Nakuwa
na kasi ngayon ni Dan kung ano ang nagdudulot kay Melvin na
magmakaawa. Hindi lang basta kung sinong lalaki ang kahalikan ni Ryan
noon malapit sa Gustav's.
“D-Dan,
please.” pagmamakaawa pa ni Melvin.
“Mike!
P-please, stop!”
Lalong
napuno ng ibayong galit ang buong katawan ni Dan nang maalala niya
ang eksenang iyon kung saan ang pagmamakaawa niyang iyon ay nahulog
at narinig lamang ng mga nagbibingi-bingihang tenga ng apat na
lalaking bumaboy sa kaniyang pagkatao.
“No.”
bulong na sagot ni Dan, pabulong man ito ay hindi maikakaila ang
lason sa tono nito.
Sa
unang pagkakaton ay nagsalubong ang tingin ng dalawa gamit ang
salamin. Gulat na gulat si Melvin kahit pa bangag siya dala ng
nahithit na shabu nang makita ang pinaghalo-halong tapang, sakit at
galit sa mga mata ni Dan. Wala na ang Dan na pinagkaisahan nilang
bugbugin nung sarili nitong kaarawan sa kanilang bahay, wala na ang
Dan na kanilang kinawawa, pinagtawanan at halos patayin. Nasa kaniya
na ngayong harapan ang isang matapang na Dan, sa katunayan nga ay
nakaramdam pa ng takot si Melvin nang makita niya ang tingin na ito
sa mga mata ni Dan. Purong galit.
“P-please---”
simulang pagmamakaawa ulit ni Melvin.
Bumaliktad
na ang mesa at umikot na ang gulong dahil ang pagmamakaawang ito ni
Melvin ay nagbigay ng kakaibang tapang kay Dan. Hindi na namalayan ni
Dan na muli na palang bumalik ang abilidad ng kaniyang mga paa na
gumalaw dahil agad siyang humarap kay Melvin na ikinagulat ng huli.
“YOU
DON'T GET TO BEG!” singhal ni Dan, wala sa sariling umalpas ang
galit na matagal na niyang kinikimkim. “---What did you do when I
was the one who was asking for your mercy? NOTHING! So now I'm going
to act as if I didn't hear anything from you.” singhal ni Dan na
ikinaatras ni Melvin.
“Please,
Dan, he's all I got!” pagmamakaawa ulit ni Melvin, umaasa na kahit
papano ay lalambot pa ang puso ni Dan sa kaniyang ginagawang
pagmamakaawa na iyon.
“No.
I'm not going to give him back to you. You stripped me of all my
happiness and now that I found my new happiness, I'm not just going
to give it to anybody who's not worthy of any happiness!” may lason
ulit na pagmamatigas ni Dan na ikinaluhod na ni Melvin sa maduming
sahig ng CR na iyon, mapalambot lamang ang puso ni Dan.
Ang
pagluhod na ito ni Melvin ay talaga namang ikinatuwa ni Dan ng
kaunti. Iniisip na kahit kapiranggot man lang sana ay maiparamdam
niya kay Melvin ang sakit na kaniyang nadama noon.
“How
pathetic---” bulong ulit ni Dan saka nagsimulang maglakad palabas
ng CR pero bago pa man siya lumabas ay muli niyang hinarap si Melvin
na nakaluhod parin sa sahig at nagsisimula ng humagulgol. “That's
what you get for hurting many people.”
“You're
not going to get Ryan back. You have no one else to blame but
yourself for pushing him away. And for the record, It's. Only. Right.
For. You. To. Be. Miserable.” pasaring ulit ni Dan, binigyan ng
emphasis ang huling walong salita.
“He
doesn't deserve you!” desperado ng saad ni Melvin na lalong
ikinapantig ng tainga ni Dan.
“Eh
sino pala ang mas karapatdapat sa kaniya?! Ikaw?!” sarkastikong
singhal ni Dan.
“No!
What I mean is--- You're a good guy, Dan! Ryan doesn't deserve
someone like you! His soul is broken.” pagpupumilit pa ni Melvin
pero naging pambobola ang naging labas nito para kay Dan para makuwa
nito ang kaniyang gusto.
“I'm
also broken, Melvin. You, Mike, Dave and Mark broke me.” malungkot
na balik ni Dan na saglit na ikinatahimik ni Melvin. Kahit papano ay
mas tinamaan pa siya sa sinabing ito ni Dan kesa sa ibang masasakit
na salitang nasabi nito sa kaniya.
Sa
saglit na pagtahimik na ito ni Melvin ay napa-iling na lang si Dan na
siyang gumising sa huli mula sa malalim na pag-iisip.
“I
LOVE HIM!” sigaw ni Melvin nang makita niyang papalayo na si Dan sa
kaniya. Natigilan si Dan at dahan-dahan muling humarap kay Melvin.
Kitang-kita parin ni Melvin ang galit sa mga mata ni Dan na siyang
nagbibigay naman sa kaniya ng kawalang-pag-asa.
“What
the fuck do you know about love?! A monster like you cannot love!”
singhal na pabalik ni Dan sabay inalis ang kaniyang tingin sa
nakakawang itsura ni Melvin.
“P-please!”
“He's
the only one I got left.”
“P-please!”
Paulit
ulit na narinig ni Dan mula sa mga bibig ni Melvin sa pagitan ng mga
paghikbi nito habang sinasara niya ang pinto ng CR sa kaniyang likod.
Saglit pang napasandal si Dan sa pinto ng C.R., tila kasi hinigop
lahat ng kaniyang lakas matapos ang pakikipag-harap niyang iyon kay
Melvin. Hindi niya ugali ang mang apak ng tao kahit gaano pa kasama
ng ginawa nito sa kaniya noon pero dahil narin siguro sa sobrang
galit kaya niya nasabi ang mga bagay na iyon.
Galit
na noon ay akala niyang tanging paraan para makabawi sa mga bumaboy
sa kaniya at ngayon ni hindi man lang nabawasan ng galit na iyon ang
sakit na kaniyang dinadaladala ilang buwan na ang nakakaraan, sa
halip tila bumigat pa nga ito. Pansamantala man siyang natuwa sa
pagmamakaawa at pagmumukhang miserable ni Melvin ay hindi parin
napigilan ni Dan ang sarili na makonsensya at usigin ang sarili kung
tama ba ang kaniyang ginawa.
000ooo000
Hindi
mapakali si Ryan. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang sumara
ang pinto ng C.R. kung saan pumasok si Dan pero hindi niya mapigilan
ang sarili na mag-alala, Oo at sinalubong nito ang dami ng tao, ang
mga tingin ng mga taong pumupuri sa kaniya at malalakas na pagkalabog
ng speaker ng hindi siya natatakot at nagsusumiksik sa isang sulok
pero hindi parin alam ni Ryan kung anong mangyayari dito sa oras na
mag-isa na lang ito at malayo siya sa tabi ni Ryan.
Isang
minuto. Apat na minuto. Limang minuto na ang nakakaraan pero wala
parin si Dan. Kinakausap na si Ryan ng kaniyang mga kaibigan pero
tinatanguan niya lang ito o kaya iniilingan dahil abala siya sa
panonood ng pinto ng C.R. sa kakaintay kay Dan.
Nang
hindi na natiis pa ni Ryan ang pag-aalala kay Dan ay wala siya sa
sariling tumayo mula sa kinauupuan, hindi pinapansin ang nagtatakang
tingin ng kaniyang mga kaibigan at mga tawag nito.
“Ry,
I'm talking to you! Where the hell are you going!?” singhal ni
Nikki habang wala siyang nagawa at pinanood na lang ang kaibigan na
seryosong naglalakad papunta sa gawi ng C.R. ng club na iyon.
Dikit
kilay na nilagpasan ni Ryan ang mga grupo ng babae pati narin ng
lalaki na nagpapapansin sa kaniya, hindi niya malaman kung bakit pero
tila ba ibang klase ang pagpapahalaga niya kay Dan, isang bagay na
hindi niya kailanman nagawa sa mga dati niyang naka-relasyon lalong
lalo na si Melvin. Sumagi tuloy sa isip ni Ryan na maaaring hindi nga
pagmamahal ang kaniyang naramdaman noon kay Melvin, dahil hindi lang
naman ang pagiging maaalalahanin ang hindi niya naging ugali
patungkol dito, kailanman ay hindi rin siya nito napapangiti katulad
ng pagpapangiti sa kaniya ni Dan, hindi siya nito napatawa, hindi
siya nito pinabayaang maging malaya sa pagiging pagkatao niya katulad
ni Dan at ang pinaka-importante sa lahat ay hindi niya rin naranasan
kay Melvin ang kaniya ngayong nararanasan kay Dan na importansya.
Kaya
naman abot langit na ngayon ang kaniyang pag-aalala.
Nakahinga
na lang si Ryan ng maayos nang makita niya si Dan na nakasandal sa
isang pader at tila ba malalim ang iniisip pero nang magtama ang
kanilang mga tingin ay agad din namang ngumiti. Mabilis niya itong
nilapitan, medyo nagaalala parin pero hindi na katulad kanina.
“Are
you OK?” nagaalalang tanong ni Ryan, hindi naman pinagkatiwalaan pa
ni Dan ang kaniyang sariling boses kaya naman tumango na lang siya
kesa malaman pa ni Ryan ang nangyari sa loob ng C.R.
Hindi
pa handa si Dan na sabihin kay Ryan ang tungkol sa pambababoy sa
kaniya ng kaniyang mga dating kaibigan kaya naman ayaw niya ring
ipaalam dito na nasa loob si Melvin sa takot na pandirihan siya nito.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya na makita ni Ryan si
Melvin ay dahil natatakot siya na baka kapag nakita ni Ryan itong
nagmamakaawa ay balikan ito ng huli at mawala ito sa kaniya.
Hindi
kaya ni Dan na mawala sa kaniya ngayon si Ryan dahil ito ang
nagsisilbing pader niya ngayon at alam niya na kapag lumayo ito sa
kaniya ay muli nanaman siyang malulunod sa depresyon at muli nanaman
siyang matatakot sa buhay. Alam ni Dan na pagiging makasarili ito
pero hindi niya rin makita ang kasalanan sa pagiging masaya.
Nagulat
si Ryan nang biglang lumapit sa kaniya si Dan at iniyakap ang sarili
sa kaniya. Hindi niya tuloy mapigilang isipin kung may nangyari ba
ditong hindi maganda sa loob ng C.R. pero ang ideya na ito ay tuluyan
na niyang nakalimutan ng bulungan siya ni Dan.
“P-please
never leave me.” bulong ni Dan na nakapagpatayo sa lahat ng
balahibo ni Ryan.
“Never.”
balik ni Ryan sabay isinalubong ang kaniyang mga labi sa labi ni Dan.
Napako
si Melvin sa kaniyang kinatatayuan matapos niyang buksan ang pinto ng
C.R., hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan si Dan at ang lalaking
mahal niya na naghahalikan sa kabila ng pagtitinginan ng maraming
tao. Hindi mapigilan ni Melvin ang sarili na masaktan kahit pa ilang
beses niyang sinabi at pinaniwala sa sarili na wala siyang
nararamdaman para kay Ryan noong lumalabas pa sila.
“C-can
we go home now?” parang batang iiyak na tanong ni Dan kay Ryan na
ikinangiti nito at ikinatango na lang bilang pagpayag sa gusto nito.
“OK.”
sagot ni Ryan saka hinila ang huli papalabas ng club.
“What
about your friends?” wala sa sariling tanong ni Dan kay Ryan kahit
pa hindi rin naman siya tumitigil sa paglalakad papalabas ng club.
“They'll
live.” humahagikgik na sagot ni Ryan saka pinisil ang kamay ni Dan
na kaniyang hawak hawak.
Bago
pa man lumabas si Ryan kasunod ni Dan sa club na iyon ay tila ba may
tumawag sa kaniya at wala sa sarili siyang napalingon sa gawi ng
C.R., muntik ng mapatigil sa paglalakad si Ryan nang maaninag niya
ang isang tao sa may bungad ng C.R. na tila ba si Melvin. Nilingon
niya si Dan, tinitignan kung asan ang pansin nito at nang makasiguro
na daretso ang tingin nito habang naglalakad palabas ng club ay
muling iginawi ni Ryan ang kaniyang tingin sa bungad ng C.R. at
laking pasasalamat niya ng wala na dun ang lalaking inaakala niya ay
si Melvin.
Hindi
pa siya handa na malaman ni Dan ang tungkol sa madilim na bahagi na
iyon ng kaniyang buhay. Oo at nasambit na niya ang tungkol sa
katatapos niya lang na relasyon pero hindi pa alam ni Dan kung no ang
naging pundasyon ng relasyon na iyon. Hindi pa niya nasasabi kay Dan
kung gaano kadumi ng pundasyon an iyon na halos sumira sa kaniyang
buhay.
000ooo000
“Your
friends are sooo gonna kill you.” humahagikgik na saad ni Dan sabay
kagat sa kaniyang binili nilang shawarma ni Dan sa park ilang metro
lang ang layo sa Gustav's. Hindi napigilan ni Ryan ang mapahagikgik
habang ngumunguya.
“Nah.
Sanay na ang mga yon.” kibit balikat na sagot ni Ryan na ikinailing
na lang ni Dan.
“If
I die, what would you do?” wala sa sariling humahagikgik na tanong
ni Dan na ikinatahimik saglit ni Ryan.
Isinalubong
ni Ryan ang kaniyang tingin sa mga mata ni Dan. Hindi makapaniwala na
ang tanong na iyon ang makakapagpa-realize sa kaniya na hindi niya
lang pala gusto si Dan kundi mahal na niya ito. Ilang tagpo kasi ang
tumakbo sa isip niya nang iahin ni Dan ang ideyang ito sa kaniya.
Andyan ang hindi niya kakayanin ang mawala ito, andyan ang
kasiguraduhan ng kaniyang pagkalunod sa depresyon sa oras na mangyari
nga iyon at marami pang iba na hindi naman karaniwang gagawin at
mararamdaman ng mga tao na siya mo lamang pinanghahalagahan. Alam
niyang masyado pang maaga para mahalin niya agad si Dan pero alam
niya at sigurado na siya na mahal na nga niya ito, kaya naman seryoso
niyang sinagot ang huli.
“Besides
crying?” nakangising balik tanong ni Ryan nang maisip niya na
marahil ay pabiro lang ang tanong na iyon ni Dan.
“Yup.
Besides crying.” nakangisi naring tanong I Dan.
“Maybe
I'll just kill myself kasi alam kong h-hindi ko kakayaning wala ka.”
seryosong sagot ni Ryan sabay tingin ng daretso sa mga mata ni Dan na
ikinaseryoso na din ng huli.
Binalot
silang dalawa ng katahimikan. Si Dan, natameme sa sagot na iyon ni
Ryan, habang si Ryan naman ay iniisip kung tama ba ang naging
desisyon niyang pahapyawan na si Dan sa kaniyang maaaring
nararamdaman dito.
“Huwag
ka ngang echosero!” humahagikgik na saad ni Dan sabay sapak sa
braso ni Ryan na ikinahagikgik nadin ng huli.
“I'm
not joking!” saad ni Ryan sa pagitan ng mga hagikgik.
“Ulol!”
balik naman ni Dan.
Matapos
humupa ng kanilang paghahagikgikan ay saglit ulit silang binalot ng
katahimikan at nang hindi na nakatiis si Dan ay wala sa sarili niyang
inabot ni Dan ang libreng kamay ni Ryan at hinawakan ito ng mahigpit.
Hindi mapigilan ni Ryan ang titigan ang kamay na iyon ni Dan.
“Seriously,
Ryan. I-If I die before you, promise me you will not kill yourself. I
want you to continue living. I want you to enjoy. I want you to love
again. My end doesn't mean your end too.” pabulong na saad ni Dan
habang nakatingin sa malayo.
Natahimik
ulit si Ryan sa mga sinabing ito ni Dan. Ngayon, sigurado na siyang
pinanghahalagahan na siya ni Dan katulad ng pagpapahalaga nito sa
kaniyang kapatid na noon ay pinapangarap niya lang na makamit. Ang
naisip na ito ay nagbigay ng panibagong pag-asa kay Ryan na kung ang
kaniyang nararamdaman para kay Dan ay pagmamahal nga talaga, matapos
siyang pangalagahan nito ay hindi malayo na mahalin din siya nito.
“Please
promise me.” pahabol na pangungulit ni Dan. Wala ng nagawa pa si
Ryan kundi ang pumayag, iniisip na hindi naman sila dadating sa
ganong punto.
“I
promise.” sagot ni Ryan na ikinangiti ni Dan. Hahalikan sana nito
si Ryan sa pisngi bilang pasasalamat pero biglang humarap si Ryan,
nagtutulak na magsalubong muli ang kanilang mga labi.
Ilang
saglit pa ay tuluyan na nilang nakalimutan ang kanilang kinakain na
shawarma dahil abala na silang dalawa sa paghahalikan.
000ooo000
“Sooo-
where did he take you?” biglang tanong ni Bryan na akala ni Dan ay
tulog na matapos niya itong abutan nung pumasok siya sa kanilang
kwarto na talaga namang ikinagulat niya.
“Argghhh!”
sigaw ni Dan na ikinahagalpak ni Bryan ng tawa. Ilang saglit pa ay
biglang sumulpot si Ryan sa may pinto, may pagaalala sa mata nito
pero nang makita nito ang dalawa na paran tangang nagtatawanan ay
umiiling na lang siyang tumalikod at bumalik sa kaniyang kwarto.
“So?
Where did he take you?” tanong ulit ni Bryan na ikinangiti na lang
ni Dan.
Ikinuwento
ni Dan lahat ng nangyari, ang pagpapakilala ulit ni Ryan sa mga bagay
na nagbibigay sa kaniya ng hindi maipaliwanag at angkop na takot, ang
pagtuturo sa kaniya nito kung panong magtiwala ulit at paniniguro
nito na handa siyang magbigay ng suporta kay Dan ano mang oras.
“I
told you he's the best!” proud na saad ni Bryan na ikinatango na
lang ni Dan.
“Is
that all? didn't you guys have sex or something?” taas babang kilay
na dagdag tanong pa ni Bryan na ikinairap na lang ni Dan.
“No
we didn't have sex. That's not all though.”
At
ikinuwento na nga ni Dan lahat ng nangyari at napagusapan nila ni
Melvin sa loob ng C.R. habang wala si Ryan sa kaniyang tabi.
000ooo000
“I
think the sooner you tell him about what happened, the better.
Because, Dan, things like that isn't supposed to be kept from you
boyfriend. Keeping secret about your boyfriend's ex as one of the
guys who almost beat you to death is really not on the list for
common love quarrel reasons.” payo ni Bryan matapos ikuwento ni Dan
lahat kasama na ang kaniyang pagaalinlangan na malaman ni Ryan ang
kaniyang nakaraan na. Ang payo rin na ito ni Bryan ay lubos namang
ikinaisip ni Dan ng malalim dahil alam niyang may punto ito pero ang
tanong ay kung handa na ba siya. Tila naman nabasa ni Bryan ang
iniisip ni Dan dahil agad niya itong inakbayan.
“He
will understand. Ry is a very understanding person, you should tell
him before this secret explodes both your faces.”
000ooo000
Dalawang
linggo pa ang nakalipas at hindi parin naipapalam ni Dan kay Ryan ang
lahat, inabot na sila ng enrollment at lahat ay hindi parin alam ni
Ryan ang tungkol sa kuneksyon ni Dan at Melvin. Ang mga bagay na ito
ang iniisip ni Dan habang naglalakad sa loob ng unibersidad nang may
makabangga siya na talaga namang ikinaupo niya sa madamong grounds ng
kanilang unibersidad.
Agad
siyang tumayo upang makabawi sa pagkapahiya at itinaas ang kaniyang
tingin upang humingi sana ng tawad sa kaniyang nabangga nang biglang
tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso at paghinga, nanlamig ang buong
katawan, nagpawis ng butil butil at mabilis na naglakad palayo sa
taong nagdudulot sa kaniya nito.
Itutuloy...
Against All Odds 2[24]
by:
Migs
BACK TO BACK CHAPTER GUYS! pambawi ko sa sobrang late na post. Sensya na din at hindi ko ulit masasagot ang mga comments niyo sa last post. BUSY. Pilit ko lang talaga na ISININGIT ang mag-post dahil alam kong i-re-report niyo na ang blog ko sa blogger.com. ahahahaha!
ReplyDeleteSalamat ulit guys! Sana patuloy parin kayo sa pagsuporta!
Sniff* Sniff* sinisipon pa nga ako. :-(
Get well soon migs! :-)
DeleteAwwww.. Get well soon Kuya! :)
Deleteansabe first ako ngayon...present...
ReplyDeleteYou get well. Kagagaling ko lang din sa colds.
ReplyDeleteNow, I'm really am in awe how storytelling seems so natural sa 'yo. If only ma-acquire ko yung kalahati man lang ng skills mo. Hahaha!
si mike yung nabangga nya..wow nagbalik na simike kung ganon
ReplyDeletepagaling ka kuya migs..we will always support you of course
ReplyDeleteAnd now Mike is back in the game.
ReplyDeleteSuper like.
-frontier
ok lang sir. bumawi ka naman. pahinga rin minsan para wag magkasakit.
ReplyDeletesana bukas na ang next back to back chapters. hehehehehe
---januard
mikeeee! not now -_-
ReplyDeleteung melvin na un dpat iniihaw ng buhay sa pugon!
thanks sa b2b chapter ginoong migoy, na-enjoy q tlaga :3
pagaling ka po, inom lagi tubig at sguraduhng tama ang pahinga :)
dapat back to back to back to back sooooobrang bitiiiinnnn tas tagal pa ulit next chap.....
ReplyDeletesino kayang unang makakaalam kung sino ang connected kay sino kung hindi pa masasabi ni dan kay ry ang kanyang past....
ReplyDeletego push!!! tama ako na c melvin is someone from ryan's past.. :p c mike yang nakabanga nia.. :p
ReplyDeleteget well soon sir!!
That must be Mikee!
ReplyDeletemigs get well soon ok.. wag masyadong workaholic..
ReplyDelete“Seriously, Ryan. I-If I die before you, promise me you will not kill yourself. I want you to continue living. I want you to enjoy. I want you to love again. My end doesn't mean your end too.” pabulong na saad ni Dan habang nakatingin sa malayo. ( anong ibig sabihin nito migs? wag naman sana ganito ang ending.
to mike get lost..
to melvin go to hell bagay sa iyo..
to bryan nice big bro..
to ryan sweet mo dre..
to dan..sana tuloy tuloy na..
SOOOO NICE AND EXCITING TOOO. HE HE HE. TNX MIGZ.
ReplyDeleteget well soon migs, I happy that you still find time to continue writing.
ReplyDeleteGosh i'm wrong si melvin pala ang kafubu ni ryan, but this time I know si mike na ang nabunggo ni dan sa school hehehe.
Keep up the good work migz have a great day.
and that's Mike..kahit paulit ulit na sasabihin kong excited na ko sa next chapter,eh excited talaga ako Migs :))
ReplyDeleteproud ako Dan kasi this time lumaban na talaga sya..it shows na mahal na nga nya talaga si Ryan..i know na things will get complicated ngayong bumabalik na ang past ni dan..and yung past ni Ryan?i so really want to know na talaga..
good job Migs..take care and mgapagaling ka mabuti.:))
thank you for this back to back updates..
ReplyDeletesobrang touching naman nung promise ni Ryan at Dan sa isa't isa.. :)
God bless.. -- Roan ^^,
It seems like there's someone who wants to take Dan back from Ryan (hmmm...Mike somehow reminds me of Nathan Cruz of AAO1) sana gawin rin ni Dan ang pagtataray kay Mike na siyang ginawa niya kailan lang kay Melvin.
ReplyDeleteKudos kuya Migs! Get well soon! :D
waahhhhhh!!!!! si miiikkkeeeeee!!!! gosh!! excistin
ReplyDelete-john el-
nice ngblik c mikee hehehe....
ReplyDeleteGo dan tell ur past w/ melvin of ryan, he understand u....
tnx 4 b2b chapter
si Mike yun sure!!!
ReplyDeleteYung back-to-back na nga bitin ka parin! Haha!
Thanks so much kuya migs sa back-to-back. Ikaw lang ata yung kilala kong writer na madalas magganon. Haha!
Pagaling ka po.
Basta ang ganda! Tsaka ngkakaconnection talaga sa bumabasa at sa story.
ayun nga at si melvin nga ang fubu ni ryan..si mike na ba yan miggs??si mike na yang nabunggo ni dan..nako nakaka excite..pero pwede si martin eh..pero sana si mike miss ko na siya eh..
ReplyDeleteOOOOOOOOMAAAAAAAAAAAAYYGGGaaaaaaaaaaaaaads!!! ito na talaga, ito na! ito nah! ito na ang simula ng pagbabago.... hahaha parang nakikisabay lang ang flow nito sa Ina, Kapatid, Anak ha! at tama ako yung malanding melvin nayun ang past ni ryan... and I'm sure na si mikee na yung nakabungo ni Dan. oh well masyado ng huli si mikee to get dan hahaha.... basta Dan <3 Ryan Loveteam parin ako kahit anong mangyare :D - Joshua
ReplyDelete~hahahaha .. Yan si dan!! Dapt lang yan kay melvin .. Antaray ni dan huh! .. Haha at si mike ung nakabungo nya .. Nice! Nice! ^_^
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
Author MIGS!
ReplyDeleteAww..may sipon kadin, good thing tapos na ko jan, so which side are you pill popper or the water can cure it! haha feeling doctor ako kaya ako nagrereseta ng gamot ko XD
anyway back to the story..TUWANG TUWA ako pag may back to back ka..kasi hung binasa ko yun end nung 23 hanging yung feeling buti may 24 agad, yun end niya light pero may suspense hehe :D
alas!! Revealed na si secret buddy!! and now connect the dots tayo ngayon.
Si ryan nga yung bagong sali sa brotherhood nila ryan,mark,david..siya yung binugbog ni mike? right!! hehe
...the same reason why ryan get kicked!!
and now that Dan knows who's the EX, i agree with bryan na sabihin na niya, before pa sumali si mike sa scene.
Mike is back! so baablik na rin si Martin, Dave, Mark
HUH..di ko pa rin nakakalimutan yun shout ko na Justice for Dan! dapat may sweet revenge siya.
..PS
pagalign author migs! hehe
-aR
oo nga noh! baka si ryan yung bagong recruit nila melvin pagkatapos nilang babuyin si dan, now I know. It all make sense now. thanks aR, nanilawanan din ako sa wakas. - Joshua
Deleteayun na nga ang sinasabi mong panandaliang kasiyahan at ka-sweetan!
ReplyDeleteayan na love triangle hehheehehehehe
ReplyDeleteAyo guys! Here comes trouble! Here comes Mikee. Goodluck na naman kay Dan. Kamusta naman yun? Hehehe looking forward to know Ryan's history para mapagtagni tagni na lahat. Yung tungkol sa frat thingy na namention dati ni Bryan.
ReplyDeleteNga pala yung Chapter 22 is the best! Naka3x kong binasa yung chapter na yun at walang kupas lagi akong pinapakilig. :))
Migs, Migs, Migs pagaling ka po. Thanks for the update. :)
Goodluck kay Dan... Ang heavy ng back to back chapter. Okay na ako sa ry-dan love team, hehe
ReplyDeleteGet well
melvin and mike are so back!!! hahahaha
ReplyDeleteeto n talaga! The nightmare is back. Fight Dan!
ReplyDeleteMigs get well po
I so loce these two chaps! Thanks sa pagtupad ng wish ko hehe
ReplyDeleteAwwww your sick? Get well soon sir.. Missed your posts soooooo much!
--gavi :)
ang galing mo po talaga ... idol na idol po kita sir migs .... :D
ReplyDeletenakakatuwa.. back to back.. savi kuna eh.. si melvin ang fubu ni ryan before at si mikee naman ang nakita ngayun ni danny.. whoah.. umiinit na ang mga tagpo.. heheh keep safe kuya migz.. ingatz.. olways... :)
ReplyDelete