Against All Odds 2[23]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nakapangalumbaba
si Ryan malapit sa kinatatayuan ni Dan sa kanilang kusina habang
pinapanood niya ang kamay nito sa paghahati ng mga kamatis na gagawin
nitong sahog para sa nilulutong hapunan, pinapanood ang bawat
pag-galaw ng mga daliri nito na miya mo makina dahil sa ganda ng
presisyon. Wala sa sariling inabot ni Ryan ang kamay ni Dan, marahang
inalis ang kutsilyo sa kamay nito at inilapit ang makinis at malambot
nitong kamay sa kaniyang bibig at pinadampian ito ng kaniyang labi.
Hindi
alam ni Ryan kung bakit pero tila ba ang bawat galaw ni Dan ay lalong
nakakapagpaibig sa kaniya dito. Kahit gaano pa man kasimple ng kilos
nito ay talaga namang napapamangha siya. Idadampi pa sana niya ang
kaniyang mga labi sa likod ng kamay ni Dan nang may magsalita sa
likod nilang dalawa.
“Geeeshhh!
Let the guy cook breakfast first! We're going to starve to death if
you keep on kissing his hands!” singhal ni Bryan sa may gawi ng
pinto na agad namang ikinatalon ng dalawa palayo.
Alam
naman nilang walang problema kay Bryan ang kanilang sekswalidad at
ang possibleng pagkakaroon nila ng relasyon, ang tangi lang nilang
naiisip na magiging problema ay ang posibilidad na pagka-asiwa nito
sa oras na mahuli sila nitong naglalambingan. Ang ideya din ng
pagkailang sa kanila ni Bryan ang nakikitang dahilan ng dalawa upang
wag sabihin kay Bryan ang tungkol sa kanilang dalawa dahil wala mang
tutol si Bryan sa kanilang sekswalidad at posibilidad na relasyon ay
hindi naman nila alam ang limitasyon nito.
“I-I'm
g-going to school. Bye. See you later guys.” nabubulol at
nagmamadaling paalam ni Ryan sabay hapuhap ng lakad palabas ng front
door na sa sobrang pagmamadali at dahil narin sa laki ng katawan ay
nasagi ang mga bagay sa hallway palabas ng pinto.
Bago
pa man isara ni ryan ang pinto sa kaniyang likod ay muli niyang
nilingon si Dan at ang mukha nitong nagsasabi na “Iwan
ba ako sa ere?” ang
sumalubong sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapahagikgik
at mapangiti ng malaki sapagkat hindi niya mapigilang isipin kung
gaano ka-cute ni Dan kahit pa pinandidilatan siya nito ng mata. Nang
makita naman ni Dan ang pag-ngiti na ito ni Ryan ay hindi niya rin
mapigilan ang sarili na mapangiti. Hindi nakaligtas ang namumula pang
pisngi na pag-ngiti na ito ni Dan kay Bryan na hindi napigilan ang
sarili na mapahagikgik, iniisip kung gaano ka-cheesy ng dalawa at
kung gaanong kabilis na nahuhulog ang loob ng dalawa sa isa't isa.
“So---
when are you going to stop smiling like an idiot and start cooking
breakfast?” taas babang kilay na saad ni Bryan na iinagising naman
ni Dan mula sa kaniyang matamis na pag-ngiti.
Agad
na tumalikod si Dan kay Bryan at ipinagpatuloy ang pagluluto.
“I
have ADHD but I'm not stupid you know---” simula ni Bryan na
ikinalingon ulit dito ni Dan.
“You
guys don't have to hide your feelings for each other whenever I'm
around. I'm not a homophobe and honestly, the way you guys jump away
from each other whenever I come to a room is really annoying and
offending. I'm not going to walk out of the room if you guys started
kissing each other kung magsisimula na kayong mag-sex, pwede pa, pero
yung magha-hawakan lang kayo ng kamay or something kaya ko naman yun
makita. Those things doesn't make me uncomfortable, you know. And
please keep on cooking that breakfast I'm really hungry---” parang
bata na nagsisimula pa lang matuto na manermong sabi ni Bryan, hindi
mapigilan ang sarili na dumaldal kahit pa malayo na sa naunang
gustong iparating nito ang mga sumunod na sinabi. Nagsasalita parin
si Bryan nang tumayo ito at pumunta sa may Ref upang kumuwa ng
malamig na tubig.
Hindi
mapigilan ni Dan ang matuwa kasi sa bibig na mismo ni Bryan
nanggaling na wala itong problema sa kanila ni Ryan kaya naman wala
rin sa sarili siyang lumapit dito at habang abala si Bryan sa
paghahanap ng tubig sa loob ng ref ay niyakap siya ng mahigpit ni Dan
mula sa likod.
“Thank
you! You're the best big brother I ever had!” bulong dito ni Dan
habang nakayakap. Hindi mapigilan ni Bryan ang mapahagikgik sa
sinabing ito ni Dan at mapaisip na tama ang kaniyang hinala na may
namamagitan na dito at sa kaniyang kapatid ngunit nagaalangan lang
ang mga ito na sabihan siya dahil iniisip ng mga ito na baka lumayo
ang loob niya sa mga ito.
“You
have no other big brother, Dufus!” humahagikgik na sabi ni Bryan
kay Dan sabay harap dito at niyakap din ito ng mahigpit.
“Tell
your boyfriend that I'm OK with all your shit and because I'm so
hungry this morning and you haven't cooked anything yet, he'll treat
me later for lunch!” saad ulit ni Bryan sa pagitan ng mga hagikgik
sabay pakawala sa katawan ni Dan at talikod.
“See
you later, Dan!” sigaw nito sabay lakad palabas ng front door.
“But
your breakfast---?” habol ni Dan.
“I'll
eat na lang on my way to class. I'm going to be late na eh!”
Matapos
sumara ng pinto sa likod ni Bryan ay hindi mapigilan ni Dan na
mapaisip na lahat na nga ng bagay ay nagiging maayos at mabuti na
para sa kaniya.
000oo000
“DAN!
ANDITO NA SUNDO MO!” sigaw ng gwardya kay Dan na ikinalingon naman
nito sa may bintana upang tanawin kung sino ang sumundo sa kaniya.
Hindi na siya nagulat nang makita niya si Ryan na nakangiting
nakatayo sa tabi ng gwardya na tila ba tinitignan siyang maigi kung
si Bryan ba ito o si Ryan.
“Bahala
ka dyan.” bulong ni Dan saka binagalan lalo ang pagaayos ng gamit.
Ang sinabi at kinikilos na ito ni Dan ay hindi nakaligtas sa kaniyang
boss na tila ba ginawa naring alarm ang palagiang pag-sigaw na iyon
ng gwardya para kay Dan sa tuwing dadating ang sundo nito para naman
sa kaniyang pang-hapon na kape.
“Trouble
in paradise?” tanong ni Jase sa nakasibanghot na si Dan habang
kumukuwa siya ng kape.
“Nope.”
matipid na sagot ni Dan, hindi naman na kailangang sabihan pa si Jase
na ayaw na itong pag-usapan ni Dan kaya naman iniba na lang ni Jase
ang usapan.
“So---
malapit na ang enrollment mo?” tanong ni Jase na ikinangiti naman
ni Dan, hindi mapigilang ma-excite sa ideya na malapit na ang
pagbubukas ng klase.
“Yup!”
nakangiti ng sagot ni Dan.
“Good!
If you need anything and I mean anything just call me, OK.”
makahulugang saad ni Jase na ikinangiti lalo ni Dan.
“Yup.”
sinserong sagot ni Dan. Dahil sa tulong ni Jase ay hindi na kailangan
pang maghanap ng pangalawang trabaho ni Dan. Nang ibigay ni Jase ang
pagiging waiter kay Dan nang may umalis siyang isang waiter sa
restaurant ay sapat na ang kinikita ni Dan.
“Good.”
balik ngiti namang saad ni Jase, hindi maikaila ang nararamdamang
tuwa na nakakatulong siya sa binata.
“DAAAAAAAN
SUNDO MO!” sigaw ulit ng gwardya na ikinahagikgik ni Jase at
ikinairap naman ni Dan.
“Hinahanap
ka na ng sundo mo, Dan.” nangiinis pang saad ni Jase saka tumalikod
at pumasok sa kaniyang opisina.
000ooo000
Hindi
mapigilan ng sariling mga ngiti ni Ryan ang mabura mula sa kaniyang
mukha nang makita niya ang nakasibanghot na mukha ni Dan nang lumabas
ito mula sa backdoor ng Gustav's na para lang sa mga empleyado nito.
Ilang ideya ang hindi rin napigilan ni Ryan na tumakbo sa kaniyang
isip. Andyan ang posibilidad na may umaway sa kaniyang Dan at kung
ano ang maaari niyang gawin para pasakitan ang taong ito kung sakali
mang meron ngang umaway o nanakit dito.
“Are
you OK? Sinong umaway sayo?” singhal ni Ryan nang mapatapat sa
kaniya si Dan.
“Bye,
manong.” paalam ni Dan sa gwardya na nagbigay lang ng nagtatakang
tingin sa kaniya, tila naman hindi nito narinig ang sinabi ni Ryan
dahil tuloy tuloy itong naglakad palabas ng compound ng Gustav's.
Hindi nakaligtas ang pagbingi-bingihan na ito ni Dan kay Ryan na agad
namang nangunot ang noo.
“Dan?”
tawag pansin ni Ryan dito habang mabilis itong sinusundan.
“Tse!
Iniwan mo akong mag-isa kaninang umaga! Alam mo ba kung gano ka
awkward yung heart to heart talk namin kanin ni Bryan plus the fact
na paiba-iba pa ng topic yung kakambal mo na ikinasakit ng ulo ko
atsaka di ko pa natuloy yung niluluto ko kanina, sayang tuloy yung
mga sahog! Tapos---” tuloy tuloy na saad ni Dan, dinagdagan na lang
ang totoong dahilan kung bakit siya nainsi kainang umaga para kahit
naman papano ay hindi magmukhang mababaw ang kaniyang dahilan kung
bakit siya naiinis kay Ryan.
Hindi
naman mapigilan ni Ryan ang maguluhan saglit at nang maintindihan na
niya ang ibig sabihin ng huli ay pinigilan naman niya ang sarili na
mapahagikgik. Halatang-halata kasi na gumagawa lamang ng dahilan si
Dan upang lambingin niya ito.
“Sorry
na.” seryosong singit ni Ryan, sapat lang ang lakas ng boses nito
upang marinig ni Dan iyon sa kabila ng patuloy nitong pagdaldal.
“---nasayangan
pa tuloy kayo ng pera dahil---” patuloy parin ni Dan.
“Sorry
na. Labas tayo ngayon para makabawi ako.” nangingiting saad ni Ryan
na ikinatigil ni Dan sa pagsasalita at paglalakad.
“Ano?!”
singhal ni Dan.
“Sabi
ko, sorry na saka labas tayo ngayon para makabawi ako.” nakangiting
paguulit ni Ryan na ikinalusaw naman ng pagkairita ng huli.
“O-OK.
San tayo pupunta?” namumulang pisngi na saad ni Dan, saka yumuko
dahil sa hiya. Naiirita man siya ay hindi naman niya palalagpasin ang
pagkakataon na lumabas sila ni Ryan na sila lang. Ang mabilisang
sagot na ito ni Dan ay ikinangiti ng malaki ni Ryan.
“Just
dress up you'll find out soon enough.” makahulugang saad ni Ryan na
ikinakunot ng noo ni Dan.
“San
nga tayo pupunta?” pangungulit ni Dan kay Ryan na patuloy lang sa
pag-ngiti.
“Basta---
I'm going to teach you how to live again.” makauhulugan at pabulong
na sagot ni Ryan kay Dan.
“Ano?”
tanong ulit dito ni Dan pero umiling lang si Ryan.
“Just
dress up later, OK?” pagpupumilit ni Ryan na ikinabuntong hininga
na lang ni Dan.
“Sige-sige.”
000ooo000
Hindi
mapigilan ni Dan ang mapanganga nang makita niya kung san siya
gustong dalhin ni Ryan. Asa harapan sila ngayon ng isang super club.
Isang club na punong puno ng tao, nakakasukang amoy ng alak,
nakakaubong usok ng sigarilyo at nakakarinding malalakas na tunong ng
mga speakers.
“Dan?”
tawag pansin ni Ryan kay Dan sabay lahad ng kamay nito bilang pag-aya
dito na panahon na upang pumasok sa loob ng club. Humakbang paatras
si Dan habang umiiling, muntik ng i-atras ni Ryan ang kaniyang
pinaplano pero naisip niya rin na hindi naman para sa kaniya ang
gagawin niyang ito kung hindi para kay Dan.
“Dan--”
tawag pansin ulit ni Ryan dito sabay hawak sa braso nito upang
mapigilan ito sa pag-atras.
“Ryan,
alam mo kung ano yung nangyari last time we were in a club. Ayaw ko
ng maulit yun--” simulang pagpupumilit ni Dan pero hindi siya
pinakinggan ni Ryan.
“I'm
doing this not to torture you, Dan. I just want you to live your life
again.” marahang saad ni Ryan kay Dan.
“You
call this living a life?” tanong naman ni Dan sabay tingin sa
kaliwa't kanan.
“No.
Hindi yun ang ibig sabihin ko, hindi ko sinasabing ang
pakikipagsiksikan, ang paglanghap ng usok ng sigarilyo, ang pag-inom
ng alak at pagpapakabingi sa sounds ng club kungdi yung masanay ka sa
paligid ng maraming tao, yung masanay ka na may tumititig sayo hindi
dahil sasaktan ka nila kundi dahil nagwa-gwapuhan sila sayo, yung
masanay kang makipag-usap ulit sa ibang tao, yung masanay ka na
magtiwala, yung masanay ka na andito ako sa tabi mo at hindi kita
iiwan.” mahabang paliwanag ni Ryan habang mariing nakatingin sa mga
mata ni Dan na maluha-luha na.
Saglit
na nag-isip si Dan. Pilit na tinatanong ang sarili kung siya ba'y
handa ng gibain ang pader na kaniyang ginawa nang mangyari ang
panghahalay sa kaniya nila Mark, Dave at Mike at mabuhay muli ng
walang pagaalinlangan at takot. Habang iniisip ito ni Dan ay hindi
pinutol ni isang segundo ni Dan at Ryan ang kanilang pagtititigan.
“Please.”
may pagmamakaawang bulong ni Ryan kay Dan na wala ng nagawa kundi ang
tumango bilang pag-payag, hindi mapigilan ni Ryan ang mapangiti ng
makita ang tahimik na sagot na iyon ni Dan. Sa hindi maipaliwanag na
dahilan ay tila ba nalusaw lahat ng pagaalinlangan ni Dan nang makita
niya ang ngiting iyon ni Ryan.
“---plus---”
pabitin na simula ni Ryan sabay ngisi ng nakakaloko. “---you get to
hold my hand whenever you feel uncomfortable. Libre tyansing kung
baga.” nakangisi paring panloloko ni Ryan kay Dan na umirap na lang
atsaka marahang sinuntok ang malaking braso ni Ryan.
Matapos
ang konting biruan na ito ni Dan at Ryan ay wala sa sariling
napatingin si Dan sa bungad ng super club na iyon at napabugha ng
hangin, hindi ito nakaligtas kay Ryan, alam niyang malaking bagay ito
kay Dan kahit pa hindi niya alam ang rason kung bakit tila
ikinukulong nito ang sarili sa sariling mundo kaya naman wala sa
sarili niyang inabot ang kamay nito.
“Seriously.
You can hold my hand anytime. I'm always here, Dan. I'm always going
to be here.” bulong ni Ryan habang tinititigan ng mariin si Dan.
000ooo000
Sa
tuwing makikita ni Ryan na biglang mapapatigil si Dan o kaya naman ay
sa tuwing nakikita niyang tila ba magsisimula na itong mag panic ay
hindi na niya iintayin pang abutin nito ang kaniyang kamay dahil siya
na mismo ang aabot non at ipapadama kay Dan na andun lang siya at
walang mangyayaring masama sa kaniya.
Pagkapasok
na pagkapasok pa lang ni Dan ay muli na niyang naramdaman ang mga
bagay at naalala ang masasamang alaala ng kaniyang nagdaang birthday.
Gusto na niyang pumikit, tumakbo palayo o kaya naman ay magsumiksik
sa isang sulok. Nang makita niya ang malilikot na ilaw ay natandaan
niya ang bawat pagbalik at pagkawala ng kaniyang malay noong siya'y
pinagpapasahang suntukin ng kaniyang mga dating kaibigan habang
hinahalay siya, ang matatapang na amoy ng usok ay nakapagpatanda sa
kaniya ng sigarilyo at amoy ng droga na ginagamit nila Dave, Mark,
Melvin at Mike, ang amoy ng alak na siya namang naamoy niya sa damit
nila Dan, Mark at Mike at ang malalakas na kalabog ng speaker na
nakakapagpabilis ng pagtibok ng kaniyang puso at lumunod sa kaniyang
paghingi ng tulong.
Peron
lahat ito ay nawala nang maramdaman niya ang pamilyar na sensasyon na
dulot ng kamay ni Ryan, lalo pa ng isalubong niya ang kaniyang tingin
sa mga tingin na ito na punong puno ng suporta at pagpupursigi sa
kaniya.
Sa
tuwing nararamdaman niya na may tumitingin sa kaniya ay hindi niya
parin mapigilan ang sarili na kilabutan at isipin na may binabalak
ang mga taong iyon sa kaniya na masama pero ang pagkapraning niyang
ito ay mabubura naman sa tuwing isasalubong ni Ryan ang kaniyang
tingin sa huli at kikindatan siya nito sabay bulong na. “She's
got the hots for my boyfriend.” sabay halik sa kaniyang
nanlalamig na kamay at hahawakan ulit ito ng mahigpit pagkatapos.
“So
this is Dan?” saad ng isang lalaki nang makarating sila sa isang
bakanteng lamesa na tila ba pina reserve ni Ryan. Agad na nanlamig
ang buong katawan ni Dan, iniisip na ang taong ito ay sasaktan siya.
Nagsisimula ng ipikit ni Dan ang kaniyang mga mata at muli na sanang
magpapakain sa kaniyang panic attack nang abutin ni Ryan ang kamay
nito at hawakan ng mahigpit.
“Yup.
This is my boyfriend, Dan.” proud na proud namang sagot ni Ryan na
muling nakapagpamulat sa mga mata ni Dan, lahat ng masasamang iniisip
ay tuluyan ng nalunod sa sinabing iyon ni Ryan.
“Damn
he's cute!” saad naman ng isang babae sabay hagikgik. Pagkatapos
magsalita ng babaeng ito ay sumulpot pa ang dalawang lalaki na pumuri
rin kay Dan. Natatalo ang takot at ang pagiging curious ni Dan kung
sino ang mga taong ito na tila ba kilala ni Ryan. Hindi naman
nakaligtas ang pagaalangan na ito ni Dan kay Ryan kaya naman mas lalo
pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ni Dan.
“Dan,
I want you to meet Nikki, Shane, Ben and Jop, they're our classmates
in highschool.” pagpapakilala ni Ryan sa mga ito kay Dan sabay
inaya ang mga ito kasama na si Dan na umupo na.
“Aw!
He's a cutie, Ryan! Can I keep him? Pretty please?” nakangiti at
nagbe- beautiful eyes na saad ni Ben na ikinairita naman ni Ryan. Si
Ben ang isa sa mga kaibigan ni Ryan na mas matimbang pa ata ang
pagiging babae sa katawan kesa ang pagiging lalaki.
“Hands
off!” seryosong saad ni Ryan.
“But
he's so cute---!” balik naman ni Ben na ikinahagikgik na lang
nilang lahat kasama si Dan at maliban kay Ryan.
Ngayon,
naisip ni Dan habang masaya siyang nakikipagtawanan kasama ang grupo
na iyon na walang duda na nagsisimula na ngang maging mabuti ang
kaniyang buhay. Nagsisimula na itong maging balik sa normal.
000ooo000
Matapos
ang ilang tawanan at kwentuhan kasama ng grupo ay nagsayawan muna ang
iba, iniwan si Ryan at Dan sa kanilang lamesa, ibinaling ni Dan ang
kaniyang tingin kay Ryan at nang salubungin ng huli ang kaniyang
tingin dito ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.
“Thank
you.” bulong ni Dan. Wala naman sa sariling isinalubong ni Ryan ang
kaniyang labi sa mga labi ni Dan, may ialng segundo ring tumagal ang
puno ng emosyon na halikan na iyon at naghiwalay lang ang kanilang
mga labi upang huminga kaya naman nang makabawi ay muli na sanang
isasalubong ni Ryan ang kaniyang mga labi sa labi ni Dan nang pigilan
siya nito.
“Iihi
lang ako.” paalam ni Dan na ikinahagikgik naman ni Ryan. Nang
tumayo si Dan ay tatayo narin sana siya nang pigilan siya ulit nito
at muling pinaupo.
“I'm
going to do this alone.” makahulugang saad ni Dan. Saglit na
nag-alangan si Ryan pero nang makita niyang desedido si Dan ay wala
na lang din siyang nagawa pero bago tumango at pumayag sa gustong
mangyari ni Dan ay sumumpa si Ryan na hindi niya pakakawalan ng
tingin si Dan hanggang makarating ito sa banyo.
000ooo000
“I
made it!” masayang sabi ni Dan
sa kaniyang sarili nang makaharap na siya sa salamin ng banyo. Masaya
siya dahil sa kabila ng takot sa mga bagay na nakapagpapaalala sa
kaniya ng masamang nangyari sa kaniya noon ay nakuwa niya paring
labanan ang mga ito kahit wala si Ryan sa kaniyang tabi.
Ngunit
ang pagkagalak na ito ni Dan ay hindi nagtagal nang makita niya ang
repleksyon ng isa pang lalaki sa kaniyang likod. Agad na nanlamig ang
buong katawan ni Dan, nagpawis din ng malamig, nanginig ang buong
katawan at tila ba napako ang kaniyang mga paa sa kinatatayuan, maski
ang tumalikod at humarap sa lalaking nakikita niya sa repleksyon ay
hindi niya magawa.
“I
need to talk to you.” pagmamakaawang saad ng repleksyon na iyon sa
kaniya pero hindi na nakasagot pa si Dan dahil pati ang kaniyang
panga ay hindi narin niya maibukha.
“Dan,
please. I need to talk to you.” saad ulit ng lalaki at humakbang
papalapit kay Dan na siya namang tila nakapagpahinto sa pagtibok ng
kaniyang puso at pag-hinga dahil sa takot.
Itutuloy...
Against All Odds 2[23]
by:
Migs
BACK TO BACK CHAPTER GUYS! pambawi ko sa sobrang late na post. Sensya na din at hindi ko ulit masasagot ang mga comments niyo sa last post. BUSY. Pilit ko lang talaga na ISININGIT ang mag-post dahil alam kong i-re-report niyo na ang blog ko sa blogger.com. ahahahaha!
ReplyDeleteSalamat ulit guys! Sana patuloy parin kayo sa pagsuporta!
Sniff* Sniff* sinisipon pa nga ako. :-(
galing galing back to back
ReplyDeleteSuper thanks sa back to back chapter.
ReplyDeleteVery interesting na talaga ang takbo ng kwento.
-frontier
tnx..migs for the back to back episodes mo..
ReplyDeletea true writer ka tlaga migz! thought still not feeling well ay iniisip mo pa din ang mga mahal mong readers. very touching indeed! hope patuloy na ang iyung paggaleng. thank you so much my frend. always yngat, remember HEALTH IS WEALTH, OKEI?
ReplyDeletetnx migs for the back to back chapter. I have a feeling that the refelection at the mirror is mike.
ReplyDeletehave agreat day migz
yey!back to back!thanks Migs..and pagaling ka ha?
ReplyDeleteoh my!ka excite kung sino yung nasa likod ni Dan..and i'm going to read it na.. :))
yey!back to back!thanks Migs..and pagaling ka ha?
ReplyDeleteoh my!ka excite kung sino yung nasa likod ni Dan..and i'm going to read it na.. :))
Yey thanks Kuya Migs! Pagaling ka! :)
ReplyDeletec mike ata yang nkta ni dan
ReplyDeletewell done kuya migs!!! Ang galing talaga!
ReplyDeleteJump sa next chapter.
ayan na c mike hehehehehe
ReplyDeleteeto na yung best at worst part si mike.
ReplyDeletePagaling ka Migs. Baka kasi overworked k n.