Against All Odds 2[25]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kinakabahan
man ay masayang naglakad-lakad si Mike sa kaniyang opisyal na bagong
skwelahan matapos niyang matapos ang pag-e-enroll. Nararamdaman
niyang maganda ang kahihinatnan ng kaniyang pagaaral sa unibersidad
na iyon. Saglit siyang tumigil sa gitna ng grounds at iginala ang
kaniyang mga mata. Malaki ang open grounds nito, maraming malalaking
puno na tila ba mas matatanda pa sa pinakamatandang istraktura doon
na siyang nagbibigay ng sariwang hangin kahit sa kabila ng makapal na
usok na nanggagaling sa mga sasakyan sa highway, ang paligid ng mga
bulding at mga puno ay siya ring napapaligiran ng magagandang halaman
at mga benches para sa mga mag-aaral.
Hindi
napigilan ni Mike ang mapabuntong hininga. Tila ba matagal siyang
nakulong sa isang kwarto na puno ng usok noon at dahil sa ginawang
pagbuntong hininga na iyon ay parang napuno ng sariwang hangin ang
kaniyang mga baga. Sariwang hangin ng pagbabago. Isang bagong simula.
“Umph!”
naibulalas ni Mike nang maramdaman niyang biglang may bumangga sa
kaniyang katawan.
Pinanood
niya kung pano bumagsak ang isang mapayat na katawan ng lalaking
bumangga sa kaniya.
“Oh
shoot!” bulalas ni Mike sabay abot ng kaniyang kamay upang i-abot
tulong sa lalaking bumangga sa kaniya.
“Ano
ba yan, Mike. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.” singhal
ni Mike sa sarili at binalak agad na humingi ng paumanhin dito kahit
pa hindi naman niya kasalanan talaga ang aksidenteng nangyari. Hindi
inabot ng kaniyang nabangga ang inaalok niyang tulong dito. Agad
itong tumayo, namumula ang pisngi sa hiya.
Pero
ang pagsasabi ng isang paumanhin ay tila naipit na sa dila ni Mike
nang magsalubong ang tingin nila ng kaniyang lalaki na nakabangga.
Kitang kita niya kung paano dahan dahang nabura ang pamumula ng mga
pisngi nito at mamutla, kitang kita niya kung pano napalitan ang
nahihiya nitong tingin ng takot, kitang kita niya kung pano nanigas
sa galit ang katawan nito, kitang kita niya kung pano nag-butil ang
mga pawis nito sa makinis nitong noo at kitang kita niya kung pano
mapalitan ng panginginig dahil sa ibayong takot at galit ang kanina
lamang ay kalmadong-kalmado na tindig nito.
“Dan---”
pero hindi pa man nabubuo ni Mike ang kaniyang dapat sanang sasabihin
ay mabilis ng nagtatatakbo si Dan.
“Dan,
wait!” sigaw ni Mike saka mabilis itong sinundan.
000ooo000
Hindi
mapigilan ni Ryan ang sarili na mapangiti kahit pa asa gitna siya ng
mahabang pila sa registrar ng kanilang school nang matanaw niya si
Dan na naglalakad sa gitna ng malawak nilang school grounds. Hindi
niya mapigilang maisip na cute parin ito kahit pa nakakunot ang noo
nito na tila ba malalim ang iniisip.
Pero
ang ngiting ito ni Ryan ay mabilis ding nawala nang makita niya kung
pano bumangga ang mapayat na katawan ni Dan sa mala batong katawan ng
isang lalaki na naglalakad din sa gitna ng school grounds. Aalis na
sana sa pila si Ryan upang tulungan si Dan kung sakaling bastusin
siya ng lalaking nakabangga nito pero napatigil siya dahil mukha
namang mabait ang lalaki dahil nag-abot pa ito ng kamay para tulungan
si Dan makatayo.
Hindi
makita ng maayos ni Ryan ang mga nangyayari dahil may kalayuan si Dan
at ang lalaki mula sa kaniyang kinatatayuan pero nang makita niya na
mabilis na naglakad palayo si Dan na tila ba takot na takot at anu
mang oras ay mapapaupo na sa isang sulok at nang makita niyang
sinundan pa ito ng lalaking nakabangga niya ay hindi na nagdalawang
isip pa si Ryan na umalis na mula sa pila at sundan ang mga ito.
000ooo000
Isa
lang ang tumatakbo sa isip ni Dan habang nagmamadali palayo kay Mike.
Ito ay ang hindi pagkapaniwala. Hindi makapaniwala na sinusundan
parin siya ng kaniyang nakaraan. Nakaraan na pilit niyang binabaon sa
limot.
“Dan!”
sigaw ulit ng lalaking nagdudulot sa kaniya ng ibayong takot.
Napatigil
si Dan nang igala niya ang kaniyang mata at wala siyang ibang nakita
kundi pader. Pader sa kaniyang unahan, pader sa kaniyang kanan, pader
sa kaniyang kaliwa at si Mike na kaniyang tinatakbuhan sa kaniyang
likod. Wala na siyang nagawa kundi ang magsumiksik sa isang sulok sa
bahagi na iyon ng kanilang unibersidad.
Hindi
mapigilan ni Mike ang mapako sa kaniyang kinatatayuan matapos siyang
dumugin ng ilang masasamang ala-ala. Ala-ala kung saan hindi pinansin
ni Dan ang dumudugo niyang kamay dahil sa pagkakahugot ng swero mula
dito, makalayo lang sa kaniya, kung pano idinikit ni Dan ang kaniyang
mga tuhod sa dibdib at itago ang ulo sa mga pagitan nito at kung pano
ito magmakaawa katulad ng ginagawa nito ngayon.
“No!
P-please. D-don't hurt me. P-please--- I'm not going to tell anybody!
I'm not going to tell! Just p-please don't hurt me! I can't take it
anymore!” desperadong desperado na pagmamakaawa ni Dan kay Mike na
talaga namang nagdulot ng ibayong kirot sa kaniyang puso.
Dahang-dahang
lumapit si Mike kay Dan, bawat hakbang ay nagdudulot ng pangingilid
ng luha dahil bawat hakbang ay isinasabuhay niya ang masasamang
alaala ng kaniyang nagawang kasalanan dito. Tila naman natunugan ni
Dan ang dahan dahan at tahimik na paglapit na ito sa kaniya ni Mike
kaya naman pilit niya paring isiniksik ang sarili sa sulok na iyon.
Isang bagay na lalong ikinalungkot ni Mike dahil iniisip niya na
magpasa hanggang ngayon ay hindi parin kaya ni Dan na makita o kaya
naman ay mapalapit sa kaniya.
Na
hanggang ngayon ay nasasaktan niya parin ito.
“P-please,
don't h-hurt me---p-please---” paulit-ulit paring sabi ni Dan.
Nang
ilang pulgada na lang ang layo ng kaniyang kamay sa katawan ni Dan
upang aluhin sana ito katulad ng kaniyang pag-aalo dito nung sila'y
mga bata pa lang ay...
“Dan?”
singit ng isang lalaki na hindi kilala ni Mike. Muli siyang tumayo ng
daretso upang magpaliwanag sana ngunit naunahan nanaman siya sa
pagsasalita ng kararating lang na lalaki.
“What
the hell are you doing to him?!” singal ni Ryan nang maabutan niya
si Dan na nakasiksik sa isang sulok, takot na takot at umiiyak.
“I-I
w-was just t-trying to talk to him.” pabulong na kinakabahan na
sabi ni Mike pero hindi ito pinakinggan ni Ryan na agad lumuhod sa
tabi ni Dan at niyakap ito.
“P-please,
don't h-hurt me---p-please---” bulong parin ni Dan habang
iniyayakap ang sarili kay Ryan na inaalalayan siyang tumayo ng
daretso.
Nakita
na ni Ryan si Dan na matakot at magsumiksik sa isang sulok sa tuwing
aatakihin ito ng panic attacks niya pero hindi niya pa ito nakikita
na takot na takot kagaya nito. Binato niya ng tingin ang lalaki na
nagdulot na magkaganito si Dan, nakita niyang maski ito ay
nanginginig ngunit hindi niya malaman kung dahil ba ito sa takot o
dahil sa galit. Hindi na ito pinagtuunan pa ng masyadong pansin ni
Ryan at ibinalik na lang niya ang kaniyang pansin kay Dan.
“Shhh.
It's OK, Dan. I'm here. I'm here.” pag-aalo ni Ryan kay Dan na tila
isang de-awtomatikong makina na unti-unti namang kumakalma. Lalong
hinigpitan ni Ryan ang kaniyang yakap kay Dan na tumigil na din sa
pag-iyak at tila naman unti-unti naring nakakatulog dahil sa hinatid
ng matinding pagod ng takot na naramdaman nito nang makita si Mike.
Nang
sunod na iginawi ni Ryan ang kaniyang tingin sa lalaking nabangga ni
Dan at sa taong naghatid ng ibayong taot dito ay wala na ito sa
kanina lang ay lugar na kinatatayuan nito.
0000oo0000
“Damn
it, Bry! This is serious!” singhal ni Ryan sa kaniyang kapatid
habang pabalik balik na naglalakad papunta sa magkabilang dulo ng
kwarto ng mga ito. Nagaalala kay Dan lalo pa't natatakot siyang
bumalik ito sa pagiging malamig katulad noong panahon na kakikilala
palang nilang tatlo.
“I
already told you! It's not my story to tell, Ry!” balik naman ni
Bryan.
“I'm
his boyfriend! I have the right to know!” singhal ulit ni Ryan na
ikinagising naman ni Dan na nagpapahinga matapos masaid ang kaniyang
lakas nang makaharap niya si Mike noong umagang iyon. Hinang hina
parin ito na umupo mula sa pagkakahiga at tinignan ang magkamukhang
lalaki sa loob ng kanilang kwarto ni Bryan.
“Anong
gusto mong malaman, Ry?” malungkot at nanghihina paring tanong ni
Dan sa natigilang sila Ryan at Bryan nang marinig ang tanong na ito
ni Dan.
“Everything,
Dan. I want to k-know the reason behind all those panic attacks. I
want to know everything.” nagaalangan na may halong pagmamakaawa at
pabulong na sagot ni Ryan.
Iniwas
ni Dan ang kaniyang tingin dito at marahang tumango. Nakahalata naman
si Bryan, naisip na panahon na upang iwan muna ang dalawa upang
makapag-usap ang mga ito ng maayos.
0000oo0000
Mag-iisang
oras nang nakatingin si Ryan kay Dan na patuloy lang sa pagtitig sa
kaniyang mga paa habang naka-upo ito sa sariling kama at nakasandal
sa head board. Hindi kasi nito alam kung pano siya magsisimula, ni
hindi pa nga niya alam kung saan siya magsisimula.
“I
almost killed someone.” pabulong na saad ni Ryan.
Kung
may ibang tao pa sana sa loob ng kwartong iyon maliban sa kanilang
dalawa ni Ryan ay hindi aakalain ni Dan na sa huli galing ang mga
salitang iyon. Dahan-dahang ini-angat ni Dan ang kaniyang mga tingin
at isinalubong ito sa mga tingin ni Ryan na kanina pa nakatitig sa
kaniya. Kitang-kita ni Dan kung pano ito kahirap para kay Ryan
sabihin at alam niya na ginagawa at tinitiis lamang ito ng huli para
sa kaniya upang lumakas ang loob niya na ikuwento na ang masamang
nangyari sa kaniya noon.
“Umuwi
akong lasing at bangag galing sa party ng isa sa mga ka-brod ko sa
frat na sinalihan ko dun sa dati kong school and didn't see this
little boy who was selling sampaguita near the u-turn that I usually
take on my way home to the dorm. The poor boy stayed in the hospital
for six months, buti na lang he recovered but that incident ang
nagtulak para sa parents ko na pagbawalan na akong makipagkita sa mga
ka-brod ko. Little did they know that it was not because of the
party, the booze and the drugs kung bakit ako nagpupumilit at
nagmamatigas sa kanila---” umiiling na paglalahad ni Ryan habang
hindi parin pinuputol ang pakikipagtitigan kay Dan. Nagmamakaawa na
sana ay hindi maging hadlang ang kaniyang sasabihin sa kung ano mang
namamagitan sa kanila. Nang wala siyang nakita na maski bahid ng
panghuhusga sa mga mata ni Dan ay itinuloy na niya ang kaniyang
kwento. “---kundi dahil in-love--- No--- Ngayon ko lang na-realize,
I'm not in-love with him. Siguro infatuated pa---” pagtutuloy ni
Ryan na ikina-tense ng buong katawan ni Dan, naisip na si Melvin ang
tinutukoy ni Ryan.
“Because,
I was so blinded with infatuation and the idea of having a
relationship with this guy, hindi ko na nakita na masama na pala ang
ginagawa ko. Inilayo ko ang sarili ko sa family ko, iniisip ko na
hindi nila ako naiintindihan na kaya nila iyon ginagawa ay dahil
hindi nila kilala ang tao na iyon na noon ay akala ko ay mahal
ko. My parents transferred me here making my little brother as their
look out. Nakakahiya, nung una ginawa ko lahat wag lang matuloy ang
pagtransfer ko dito, hindi ko sila kinibo, iniisip ko na kapag
napansin nila na hindi ko sila kinikibo ay ibabalik nila ako sa dati
kong school. Ibabalik nila ako kasama yung tao na mahal ko--- ”
napatigil saglit si Ryan, inayos muna sa kaniyang utak ang kaniyang
nais sabihin habang nakatingin parin ng daretso kay Dan.
“---Kaya
mo kami naabutan na hindi nagkikibuan, o kaya nagkikibuan man ay
pasinghal namang mag-usap. Pero nung unti-unti na kita nakilala,
akala ko kaya rin kitang itulak palayo katulad nila, pero iba ka,
Dan. Imbis na mapanatili ko yung layo ng loob namin sa isa't isa lalo
pang napalapit ulit dahil sayo. Akala ko pa dati naiinis ako sayo
kasi kapag andyan ka, hindi ko kayang magsungit kay Bryan dahil
naiilang ako na mapanood mo yun. Inisip ko pa nuon na nange-ngeelam
ka samin kaya iritang-irita ako sayo yun pala kaya ako iritang-irita
sayo kasi hindi kita kayang itulak palayo tulad ng iba. Ikaw din yung
nakapag-pa-realize sakin na hindi ko mahal yung tao na nagdulot sakin
na mapariwara, ikaw ang nagtulak sakin mag-isip na hindi ko pala siya
gustong makasama habang-buhay.” nangingiti-ngiti at namumulang
pinsgi na pag-amin ni Ryan.
“When
I met you it's as if my whole life is right again.” nahihiya pero
nakatitig paring tingin ni Ryan kay Dan.
Pero
hindi nagtagal ang pagtitigan na iyon ng dalawa dahil agad-agad na
tumayo si Dan at tumanaw sa labas ng bintana. Nagsimula ng mag-tense
ulit ang buong katawan, mamawis ng malamig at manginig ang mga kamay.
“Yung
bang tao na akala mo ay m-mahal mo ay si M-Melvin?” nauutal na
simula ni Dan na nakapagpalaki ng mga mata ni Ryan. Matagal na di
sumagot si Ryan dahil sa gulat sa tanong na ito ni Dan kaya naman
dahan dahang iginawi ni Dan ang kaniyang tingin mula sa labas ng
bintana papunta sa mga mata ni Ryan.
“P-Pano---?
nauutal na simula ni Ryan. Nagtataka kung paano nakilala ni Dan si
Melvin.
“Pano
ko siya nakilala? He's one of the four people who almost killed me,
Ryan. He's one of the reasons why I'm having these panic attacks.”
sagot ni Dan sa hindi na naituloy na tanong ni Ryan dahil sa sobrang
gulat.
Hindi
mapigilan ni Ryan ang kilabutan sa sinabing ito ni Dan. Nag-tense ang
bawat kalamnan sa kaniyang katawan, bumilis ang tibok ng kaniyang
puso, bumabaw ang kaniyang paghinga at tila ba ayaw pang i-proseso ng
kaniyang utak ang mga sinabi ni Dan.
Kitang
kita ni Ryan ang panginginig ng mga kamay ni Dan habang tila ba wala
itong pakielam kung dumudugo at masakit na ang mga nakausling balat
sa kaniyang daliri na pilit niyang hinihila. Alam niyang imposibleng
gumagawa lamang ng kwento si Dan dahil kitang kita niya rin ang sakit
na nararamdaman nito sa kaniyang mga mata, sakit na may kasamang
galit at takot.
Hindi
alam ni Ryan kung bakit pero wala sa sarili siyang tumayo at lumapit
kay Dan at niyakap ito ng mahigpit. Nang dumampi ang katawan na iyon
ni Ryan kay Dan ay wala itong inaksayang oras upang umiyak. Lumabas
lahat ng kinimkim na sama ng loob. Sakit. Galit. Takot. Mga
pakiramdam na hindi niya manlang nailabas maski sa sarili niyang ina.
“Shhh--”
pagaalo ni Ryan.
“Sinaktan
nila ako!” saad ni Dan sa pagitan ng mga hagulgol.
“Sinaktan
nila ako!” ulit ni Dan na talaga namang tumunaw sa puso ni Ryan.
Hindi
pa man naikukuwento ni Dan ang nangyari ay binabalot na ng matinding
galit si Ryan. Sa kaniya kasing palagay ay hindi lang basta sinaktan
ng mga taong ito si Dan. Sinira nila ang pagkatao nito. Sinira nila
ang buhay nito. Sinira ni Melvin ang taong mahal niya.
0000oo0000
“C-can
you look after him while I'm gone?” marahang tanong ni Ryan sa
kaniyang kakambal na nakatulalang nanonood ng T.V. matapos ikuwento
ni Dan lahat ng nangyari.
“Where
are you going?” nagaalalang tanong ni Bryan dito.
“Magpapahangin
lang.” malamig at matipid na sagot ni Ryan.
Itinitig
ni Bryan ang kaniyang tingin sa kakambal na hindi
maisalubong-salubong sa kaniya ang sariling tingin.
“Please
don't do anything stupid, Ry. Dan needs you. We need you.”
makahulugang saad ni Bryan sa kakambal na tila ba nakatunog sa
binabalak ng huli.
“I-I
won't. Magpapahangin lang.” matipid ulit na saad ni Ryan na
ikinatakot na ni Bryan.
Hindi
na inintay pa ni Ryan ang sagot ng kapatid at tuloy-tuloy na siyang
lumabas ng front door. Bitbit ang galit na kanina pa niya
nararamdaman. Nakatulog na si Dan sa sobrang sama ng loob at bigat
para sa pagsasariwa ng nangyari sa kaniya maipaalam lang kay Ryan ang
lahat, isang indikasyon na buong buhay itong dadalhin ng huli at alam
ito ni Ryan. Para sa kaniya ay hindi lang nila sinaktan si Dan, hindi
lang muntik mapatay, binaboy pa nila ito.
Isa
pang hindi maitanggi ni Ryan ay ang kuneksyon niya sa mga taong
gumawa nito sa taong kaniyang lubos na pinangangahalagahan ngayon.
Sila Mark at Dave na kaniyang mga senior sa fraternity, si Melvin na
noong una ay akala niya ang taong mamahalin niya at si Mike...
“Mike.”
wala sa sariling saad ni Ryan
saka napa-iling. Naaalala ang unang pagkakataon na nakita niya ang
taong ito, ang taong lubos na nanakit at patuloy na nananakit kay Dan
ngayon. Naaalala ang unang pagkakataon kung saan unang narinig ni
Ryan ang kwentong kalalahad lang ni Dan sa kaniya.
Hindi
mapigilan ni Ryan ang mapatitig kay Melvin, isa sa mga tinatawag
niyang master sa fraternity na kaniyang sinalihan. Hindi niya alam
kung bakit pero may isang bagay na tila ba tumutulak kay Ryan na
gawin 'yon. Bilang neophyte ay kailangang gawin ni Ryan lahat ng
sasabihin ng kaniyang mga master at wala itong problema kay Ryan
basta't kasama niya lang si Melvin.
“Mike!”
patiling saad ni Melvin na ikinalingon ni Mike. Alam niyang tungkol
sa sekswalidad ni Melvin at wala siyang problema dito, ang tangi niya
lang naging problema ngayon ay ang nakikita niyang galit sa mga mata
ng lalaking tinawag ni Melvin na Mike habang andun sila sa malawak na
parking lot ng mall na kanilang tatambayan.
Sunod
na nakita ni Ryan ay ang pagsasalubong ng kamao ni Mike at ng makinis
at maamong mukha ni Melvin.
“What
the hell, Mike?!” sigaw ng dalawa pang master ni Ryan na sila Dave
at Mark at ang mga sumunod na nangyari ay nagpakawala na si Mike ng
mga suntok sa dalawa niyang master.
“Sir
Melvin, is this still part of the initiation?”
“This
is not part of your initiation and if you know what's good for you,
you should quit now!” singit ulit ni Mike.
“No!
They're my frat brothers! I think it's you who's trouble!” saad ni
Ryan saka sumugod kay Mike pero wala siyang laban kay Mike lalo pa't
lango parin siya sa pinagbabawal na gamot na siyang binigay sa kaniya
ni Melvin bilang initiation pero nang makabawi sa malalakas na suntok
ni Mike ang mga sumunod na lang na narinig ni Ryan ay ang sigawan ng
apat.
“What's
your problem?!”
“WHAT'S
MY PROBLEM?! TANGINA, MARK! HALOS MAPATAY NATIN SI DAN—-!”
“Huwag
kang maingay!”
“He
didn't die, Mike!”
“He's
in the hospital! He's still asleep! Gawd! We don't even know if he's
still going to wake up!”
“Eh
natutulog lang pala eh! Magigising din yun! Tignan mo kapag nagising
yun hahanap hanapin kayo nun, hindi dahil gusto niyang managot kayo
kundi dahil gusto niyang maulit yung nangyari nung birthday niya!
Kaya Chill lang!”
“Oo
nga!”
“Putangina!
Dan is our friend---”
“Correction.
He's YOUR friend.”
“Oo
nga! And besides, di ka ba magpapasalamat samin? Tinuruan lang naman
namin siya ng leksyon. All those sleep over na hindi natin alam kung
minamanyak ba tayo nun. Yung kahihiyan mo na niligtas namin dahil sa
pagmamahal nung baklang yun sayo---”
“Hindi
ganun si Dan!”
“Anong
hindi ganun?! Rinig na rinig mo nung sinabi niya na mahal ka niya sa
labas ng kwarto ni Melvin nung gabing yun! Hindi ka ba nandidiri?
Lumaki ka kasama yun? Malay mo matagal ka na pala nung hinihipuan!”
“WHY THE FUCK ARE YOU CRYING?!”
“Maybe he's in-love with Dan too!”
“Hay nako, Mike. Ako na lang! Mas masarap ako dun!”
“MAKE SURE YOUR BOYFRIEND WON'T RAT US OUT AFTER HE WAKES UP OR ELSE HE'S NOT GOING TO WAKE UP AFTER WHAT WE'RE GOING TO DO TO HIM.”
Napapikit si Ryan habang nakasakay sa taxi matapos maalala ang mga tagpong iyon nung siya'y neophyte pa lang, nang matandaan niya ang mga pinagusapan ng kaniyang mga master kasama na si Mike, nang maisip niya na ang pagkataong binabaoy na iyon ng apat na lalaki ay ang lalaking kaniyang lubos na pinanghahalagahan ngayon. Wala sa sariling sumara dahil sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman.
“Boss, andito na po tayo.” gising ng driver ng taxi sa pag-iisip ng malalim ni Ryan. Wala sa sarili siyang nag-abot ng pera sa driver at tuloy tuloy na naglakad papasok sa bakuran ng malaking bahay na nasa kaniyang harapan ngayon. Hindi pa man kumakatok si Ryan ay agad ng bumukas ang pinto at may isang katawan ng yumakap sa kaniya.
“Ryan!” sigaw ng lalaki.
Pero hindi mahigpit na yakap ang isinukli ni Ryan sa katawan na iyon katulad ng ilang beses na ginawa noon. Sa halip na yakapin ay tinulak niya pa ito at marahas na isinandal sa pader. Walang pakielam kung nabagok ba ang ulo nito saka mahigpit na sinakal ang manipis na leeg ng taong iyon. Nagsimula ng mahirapang huminga ang lalaki pero patuloy parin ang pagsakal dito ni Ryan.
“Sinakal mo rin ba ng ganito si Dan dati, Melvin?”
Itutuloy...
Against All Odds 2[25]
by: Migs
Hey guys! Sorry at inabot nanaman ng ilang araw ang pag-a-update ko, busy...busy...busy. Sensya na talaga, guys! Parang napapadalas na na ganito ang opening spills ko. :-( Sorry talaga.
ReplyDeleteENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Frostking: thanks! Magaling na ako. :-)
SuperKaid: thanks din. :-)
jonas mejia: unahan ba ulit ito? Ahaha! And yes, bumalik na si Mike.
Edmond: paki email naman sakin yung pangalan ng blog mo. miguisalvador@yahoo.com
frontier: yep. He's back. :-)
januard: wala na ulit na back to back. :-)
Lawfer: ginoong miggoy talaga? Haha!
Anonymous February 5, 2013 at 2:49AM: hinay hinay sa pagka demanding, dude. May buhay din ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon makakapag update ako.
Anonymous February 5, 2013 at 3:04AM: Itong chapter na po ang sagot sa tanong mo. Sana sa susunod palagyan na po ng name ang comment niyo para ma-address ko kayo ng ayos. Thanks and please do follow my blog.
Akosichristian: thanks! Feeling better now. ;)
Pink 5ive: you're right! :-)
russ: ikaw, ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin nun? :-)
robert mendoza: all caps talaga dapat? Ahaha! Thanks!
Ryge Stan: dami sainyo ang nakahula andami ding mali. :-)
riley delima: sinabi na sa chapter na ito ang past ni Ryan. :)
Roan: a promise we all wish Ryan could keep. :-)
Love Doctor: hindi lang siguro pagtataray ang kaya ni Dan. :-) thanks! And I believe you're new here? I would appreciate it if you follow my blog and be a resident reader. And sana din mai-endorse mo ang blog ko sa mga friends mo. Salamat! :-)
john el: Exciting ba? Hehe! Thanks!
Mhi mhiko: yep, nagbalik na si Dan. :-)
ANDY: ako lang ba? Haahahaha! Thanks!
Therese Llama: yup si Mike na nga! :-)
Joshua: yup. Andyan na si Mike. Haha! :-) nabasa ko yung reply mo kay aR, naguguluhan ka ba? :-(
WaydeeJanYokio: Dan's fighting spirit is back. :-) Thanks to the twins! :-)
aR: sa sobrang tagal mo ng nagbabasa ng mga stories ko alam mo na ang mga susunod na mangyayari. Geesh. Weird. Ganun na ba ako ka-predictable as a writer? Haha! Thanks! :-)
makki: sabi ko naman sayo eh. :-P
rascal: malay mo hindi siya love triangle. :-P
Johnny Quest: good to know na meron pa pala akong power magpakilig. :-)
Ej Jasmin: thanks!
adik_ngarag: everyone is going to be sooo back this season. :-)
foxriver: i'm OK now. Thanks! :-)
gavi: my posts misses you too. :-)
marven cursat: kaya wag kang bibitiw. :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
tokneneng naman! c mike nga! >_<
ReplyDeleteumpisa na ng gulo haiz :(
uu ginoong miggoy, sagwa naman kung binibining miggoy xD
joke lan po ^^v
epal tlga c mike...hehehehe galing nmn...kfrat member din pla c ryan!
ReplyDeletehays biteeeeeeeeeennnnnnnnn
ReplyDeletegaling talaga migs..kahit malate na ako sa work ko ok lang basta mabasa ko ito.hehe
ReplyDeletetama epal si mike dapat ilibing na pati sila mark, dave and melvin..
migs..i dont know din kaya sana di mangyari ang nasa isip ko now....
tnx migs..
at ayun nga nagconnect-connect na.. galing!
ReplyDeleteIntense!! Intense!!! Waaaaaah!!!
ReplyDeleteGaganti si Ryan for Dan!! Ang sweet! Lol!
Ang ganda kuya migs!! Hindi ko na maexplain yung nararamdaman ko!!
Thanks sa chapter na to!!
Please kuya migs, Ryan-Dan na lang!!
P.S.
DeleteAng galing din ng pagkakaconnect. Si ryan pala yung lalaki na yun nung may suntukan sila Mike.
Yup I am new in your blog kaso minarathon ko ung previous novels mo kaya sa AAO2 lang ako nakapagcomment. Grabe kaabang-abang ang next scene...so si Ry pala iyong neophyte na iyon....wow you can really utilize each character of your story for the betterment of the plot...sana matutunan ko rin kung paano iyon gawin! Haha idol na kita dahil diyan! I can't wait to read the succeeding chapter for next week~! :D
ReplyDeleteAs you have requested kuya Migs, I'm now following as a resident reader. :)
DeleteDon't tell me that Ryan will be put into prison for "killing" Melvin...pag nagkataon....Dan will lose someone who cares for him deeply again...wah...baka di niya kayanin yun lalo na si Mike ay aaligid-aligid lang...
may naiisip pa kako na pwedeng mangyari next e kaso baka mali lang at sobrang advance na para sa story haha
Sana mali ang mga nahinuha kong next sequence of events sa novel na ito. Peace kuya Migs! :)
The plot is thickening. I sooo love this na. <333..3
ReplyDeleteP.S.: Migs, check your mailbox.
E2 na I'm get ready to rumble!!! Its payback time. I hope in the end maging masaya na si Dan for he deserve it.
ReplyDeleteMigs thanks for the update have a great day....
Bitiiiiiiiiiiiiiin! :) pero wag naman sana mapatay ni ryan si melvin, baka maudlot pa love story nila ni dan! Awwwwww more back to back.......please? :)
ReplyDelete-gavi :)
demanding lng??? hahaha Joke.. nakikibasa lang makapagdemand naman??? heheh peace :)
DeleteWhew! Intense chapter. Can't wait what will happen next. :)
ReplyDelete_xtian of ksa
can't wait for the next chapter!
ReplyDelete-author migs magiging magkaibigan po ba ulit cna dat at mike...?...
ReplyDelete-sino kya ang makakatuloyan ni mike kung sakali...
Anonymous February 5, 2013 at 3:04AM
Hala!!! napaka-action star ng arrive ni ryan!!! go push ryan!!!!
ReplyDeleteNapaka intense na chapter to Migs!galing ng twist..
ReplyDeleteThanks for the update Migs..sana back to back sa next..hahaha! (nawili ihh) :D
Uh-oh, Here comes TROUBLE! Anjan na si Mike ih. Hahaha
ReplyDeleteSi Ryan pala yung neophyte na iyon dati. Ikaw na Migs. Galing talaga ng mga Revelations mo. Kakaexcite tuloy. Sobraaa.
Yung feeling na sana andun din sa bahay nila Melvin sina Mark at Dave at ng masapak din ni Ryan. Hmm. Vengeance is sweet. Haha Chos!
Thanks sa update Migs. :)
Yess.. Mikee boy was back at last.. hehehe.. time will come mababawi nia din si danny.. heheh although nakikita ko naman ang sincerity ni ryan,, pero ewan kuba kung bakit mas excited tlga ako kay mikee boy hehehe.. galing mo talaga miggoy.. make the story unexpected and lots of revelations huh :)
ReplyDeleteingatz ka palagi..
Nagmamahal,
"Mharvs"
So kuya parang super twins lang ang peg ni ryan at brayan? .. haha thanks to them .. haha si melvin si nakal ni ryan haha buti nga sakanya .. pero wag naman nya sanang ma tegi si mevin pano na si dan? .. hehe galing galing kuya ^_^ ..
ReplyDelete~WaydeeJanYokiO
Author Migs!
ReplyDeleteHaha, grabe naman, di ka predictable, yung totoo lang hula-hula lang yan, kasi nga malawak imagination ko, pansin mo yung nanghuhula ako sa stories mo? hehe
at first nung binasa ko yung umpisa, kala ko mali kasi iba pero nung patagal it all connects! haha,
you're not predictable, ibig sabihin niyan, madami kang readers gaya ko at syempre mahilig gumawa ng sariling story line:D CHHERS :)
....since bumalik na nga si Mike, then does it means babalik rin sila Mark at Dave?...pati si Martin!! hehe
...next2 na! haha
-aR
ganda ng takbo ng story!
ReplyDeletethanks sa update, migs!
INTENSE!!!!!! Galing mo talaga Migs!!!!! Super Migs!!!
ReplyDeletesubaybay ko ang AAO.. now lang ako ng comment!! hanep! ganda talaga ng story! next chapter please! :)
ReplyDelete-john! :)
excited na ako simulan itong sotry na ito :D ... na sa "the things that dreams are made of" pa lng ksi ako XD..nalulungkot din ako na last part na ung binabasa ko sa sequel na un :((
ReplyDelete-Gim :)
hello sorry kung ngayon lng nakapag-comment. kuya galing talaga sana kapareho rin kita magsulat!!!
ReplyDeleteso tama pala yung comment ni aR na si ryan yunh nasali sa frat nila melvin
buti nga kay melvin at least alam na niya ngayon kung paano masaktan! katulad ng ginawa nila kay dan.
kuya tanong lang magiging possesive ba si ryan kay dan after he here that story? yung tipong masasakal na si dan sa kanya kaya sila maghihiwalay? pero kuya kung tama ako sa hula ko wag mo namang ibigay si dan kay mikee. kay ryan parin siya kahit anung mangyari.
kuya suggest lang, gawa ka pa ng isang character na parang isa rin sa mga protector ni dan, katulad nila jase, martin, at bryan. pwedeng schoolmate niya or better yet para mas exciting KAPATID na lang niya or KAKAMBAL rin para pareha sila nila bry at ry.
basta! dapat ang ugali mas kalog kay bryan at mas mataray kesa kay dan yung tipong ruby lng ang peg hehehe tapos gawin mo rin mayaman para masaya!!!
anu ba yan! nagiging e=demanding na ako eh nakikibasa lang naman basta kuya ang ganda na ng story!
- JOSHUA
mike and dan pa rin ako heheeh well un naman ang unang tandem eh hahaha,
ReplyDeletekorek :)
Deleteoo nga pla, sya ung neophyte nung sumugod c mike dun sa 2 nyang barkafda na mga addict ! at iisa pa ang taong magkokonect sa kanila. anu kaya mangyayare kay ryan? huh.
ReplyDeleteIM BACKKK!!! After a long hibernation. Napaka exciting naman nito. unlike the 1st aao na hardcore from 1st to last chapter. grabeee enjoyment ko sa reading marathon na ginawa ko khit mskit n mata ko. wala kang kupas sobrang galing far excellent than your contemporaries. more power and GOD BLESS!
ReplyDeleteIM BACKKK!!! After a long hibernation. Napaka exciting naman nito. unlike the 1st aao na hardcore from 1st to last chapter. grabeee enjoyment ko sa reading marathon na ginawa ko khit mskit n mata ko. wala kang kupas sobrang galing far excellent than your contemporaries. more power and GOD BLESS!
ReplyDeleteIM BACKKK!!! After a long hibernation. Napaka exciting naman nito. unlike the 1st aao na hardcore from 1st to last chapter. grabeee enjoyment ko sa reading marathon na ginawa ko khit mskit n mata ko. wala kang kupas sobrang galing far excellent than your contemporaries. more power and GOD BLESS!
ReplyDeletegaganti si ryan for dan...
ReplyDeletehala baka rape-in nya din si melvin...
ibang usapin yan hindi rape yun para kay melvin..
bwahahaha