Against All Odds 2[26]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
“Kinasusuklam
kita! Ipaparamdam ko sayo ang ginawa mong pananakit kay Dan!”
singhal ni Ryan kay Melvin na siyang nakasandal parin sa pader kung
saan siya marahas na sinandal ng huli sa pamamagitan ng mahigpit na
paghawak sa leeg nito. Kitang kita ni Melvin ang galit sa mga mata ni
Ryan na nagtulak sa kaniya na makaramdam ng takot.
“You
almost fucking killed him! YOU. ALMOST. KILLED. HIM!” saad ni Ryan
habang pahigpit ng pahigpit ang kaniyang hawak sa leeg ni Melvin sa
bawat huling apat na salitang kaniyang binigkas.
Hindi
magawang ipagtanggol ni Melvin ang sarili dahil naparalisa siya ng
takot. Ngayon niya lang nakitang ganito si Ryan kaya naman nagkasya
na lang siya sa pamumula, hirap sa pag-hinga at pag-iyak.
Naparalisa
siya sa sakit hindi sa pagsakal ni Ryan sa kaniyang leeg kundi sa mga
sinabi nito na siya lang patunay na mahal na nga nito si Dan. Isang
realisasyon na lalong nagdulot kay Melvin na mapaiyak.
0000oo0000
Ang
mga luhang iyon ang gumising kay Ryan mula sa matinding galit na
kaniyang nararamdaman. Tila napaso ang kaniyang mga kamay na pirming
humahawak sa leeg ni Melvin dahil agad niya itong pinakawalan. Wala
sa sariling napaluhod si Melvin, hawak hawak ang kaniyang leeg,
umuubo na para bang pinupuno niya muli ang kaniyang mga baga ng
hangin. Si Ryan naman ay tila sinaid lahat ng lakas dahil matapos
niyang humakbang paatras at mapasandal sa pader ay wala siya sa
sariling pumadausdos pababa at mapaupo sa sahig.
“Why?”
pabulong at nanghihinang tanong ni Ryan, may halo paring galit at
sakit sa tanong nito na hindi nakaligtas kay Melvin na tila ba napuno
na ng sapat na hangin ang mga baga.
“We—we
w-were high t-that night, Ry. B-believe me, I didn't want t-to hurt
him! I-It was the drugs!” balik naman ni Melvin sa pagitan ng
kaniyang mga pag-ubo habang hwak hawak parin ang kaniyang leeg.
“BULLSHIT!”
lumuluha naring saad ni Ryan dahil sa patuloy na pag-akyat ng
kaniyang galit, ayaw kagatin ang sagot na ito ni Melvin.
“YOU
SHOULD'VE KNOWN BETTER!” sigaw ulit ni Ryan habang nakatingin ng
daretso kay Melvin mula sa kabilang bahagi ng sala ng bahay ng mga
ito. Nang makita ni Ryan na umiiling si Melvin na tila ba nagsasabi
na hindi totoo ang kaniyang mga sinabi at tila ba nagmamakaawa na
paniwalaan ang kaniyang mga sinabi ay muli itong nagsalita. Hindi
hahayaan na malusutan ni Melvin ang pangongonsensya niyang ito.
“Anong
kasalanan niya sayo?! Do you even know him before the party?!”
sumbat ulit ni Ryan kay Melvin na patuloy lang sa pag-iling at
pagmamakaawa kay Ryan sa pamamagitan ng mga tingin nito.
“Please,
Ry. Believe me! I didn't mean to hurt him!” balik ni Melvin. Ang
sagot na ito ni Melvin ang tila ba naglagay ulit ng lakas sa buong
katawan ni Ryan dahil agad siyang tumayo. Iniisip na walang
patutunguhan ang usapan na iyon dahil tila ba may bumulong sa
kaniyang isip na wala na itong pupuntahan.
“After
knowing you for almost a year now makes me think that what you said
was true. I'm sure you also didn't mean to hurt me before. BUT YOU
KEPT ON DOING IT OVER AND OVER AGAIN! How can I be so sure that's not
the same with what happened to Dan?!” humihingal na saad ni Ryan
dahil sa sobrang galit at pagpipigil sa sarili na muling saktan si
Melvin.
Natameme
si Melvin. Muli, hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili nagkasya
na lamang siya sa pagbato kay Ryan ng nagmamaka-awang tingin
ikinailing ng huli.
“FORGET
IT. I'VE ALWAYS KNOWN YOU'RE A MONSTER AND WHAT I LEARNED TONIGHT
ONLY PROVES IT!” pabulong na singhal ni Ryan sabay talikod at lakad
palabas ng bahay nila Melvin pero kung anong hina ng pagkakasabi na
iyon ni Ryan ay siyang tindi naman ng kirot na naramdaman ni Melvin
sa kaniyang puso.
Nakailang
hakbang pa si Ryan bago magsalita si Melvin.
“I
love you.” bulong ni Melvin na nakapagpatigil kay Ryan sa
paglalakad palabas ng bahay.
“I
always have. I was just too afraid to admit it---” pagpapatuloy ni
Melvin nang makita niyang nakuwa niya ang atensyon ni Ryan.
“---I
was afraid that if I tell you, you'll also leave me like my parents
did, like every asshole I was in love with before, did.” pahabol pa
ni Melvin sa pagaakalang makukuwa niya parin ang loob ni Ryan.
Nabuhayan ng loob si Melvin nang biglang humarap si Ryan sa kaniya.
Pero
mali ang kaniyang akala.
Umiiling
na tumalikod si Ryan, tila ba ang sinabi ni Melvin sa kaniya ay
purong kabaliwan at hindi na kailangan pang pag tuunan ng pansin.
Wala sa sariling tumayo si Melvin at hinabol si Ryan, iniyakap ang
kaniyang mga braso sa kaliwang paa ng huli upang hindi ito makalakad
papalayo. Natigilan naman si Ryan, may bahagi ng kaniyang isip na
nagsasabi sa kaniya na totoo lahat ng sinasabi sa kaniya ni Melvin at
ang isang bahagi naman ay nagsasabi sa kaniya na kalokohan lamang
lahat ng iyon at sasaktan lamang ulit siya nito katulad ng pananakit
nito kay Dan.
“It's
a little too late for that.” malamig na sagot ni Ryan na siyang
malamig na bumalot sa buong katawan ni Melvin. Dahan-dahang lumuwag
ang yakap ni Melvin sa kaliwang paa ni Ryan na siyang ginawang
senyales naman ni Ryan upang magsimulang maglakad palayo ulit.
Muli
itong hinabol ni Melvin. Sa pagkakataong ito ay pilit ng pinaharap ni
Melvin ang huli at sinibasib ang kaniyang labi sa mga malalambot na
labi ni Ryan. Alam kasi niya, ayon sa kaniyang pagkakakilala kay Ryan
ay hindi nito nahihindi-an ang kaniyang mga halik, pero katulad ng
ilang bagay na nagbago kay Ryan ay tila hindi narin epektibo ang
kaniyang ginawa na ito dahil marahan lang siya nitong itinulak palayo
kahit hindi pa nagtatagal ng ilang segundo ang kanilang mga labi sa
isa't isa.
Tila
binuhusan ng isang timba ng nagyeyelong tubig si Melvin matapos
niyang makita ang malamig na tingin sa kaniya ni Ryan at ang
pag-iling nito na tila ba nagsasabi na kinaawaan siya nito. Napako
muli si Melvin sa kaniyang kinatatayuan, patuloy sa pagtulo ang
kaniyang mga luha, patuloy sa panginginig ng bawat kalamnan sa
kaniyang katawan at patuloy ang pagbabaw ng kaniyang hinga.
“I
love you.” bulong ni Melvin habang unti unting sumasalampak sa
sahig ng kanilang patio.
“I
love you.” saad ulit ni Melvin sabay ilang luha ang patuloy pang
pumatak sa kaniyang mga mata.
“I
love you---” bulong ulit ni Melvin kahit pa alam niyang hindi siya
paniniwalaan pa ni Ryan. Kahit pa alam niyang wala na siyang pag-asa
na mabawi ang pagtingin nito sa kaniya.
0000oo0000
Ang
magandang araw ni Mike ay nauwi sa isang araw na napakasama. Hindi
niya inaakalang makikita niya sa unibersidad na iyon ang kaniyang
dating kaibigan, hindi niya inaakalang magiging ganon parin ang
reaksyon nito sa kaniya kapag nakita siya nito at lalong hindi niya
inaakalang mauungkat ng ganun ganun na lang ang mga pakiramdam na
pinaghirapan nilang ibaon ni Cha.
Nagsisimula
nanaman siyang usigin ng kaniyang konsensya.
Wala
sa sarili siyang naglakad ng payuko palabas ng kanilang unibersidad.
Walang pakielam kung san man siya dalhin ng kaniyang mga paa. Laking
gulat na lang niya na matapos ang magiisang oras ay nasa harapan na
siya ng kanilang bahay. Tahimik siyang pumasok sa loob ng kanilang
bakuran at pipihitin na sana niya ang door knob ng kanilang front
door ng makarinig siya ng ilang pag-tawa sa loob ng bahay.
Wala
sa sarili parin siyang umikot papunta sa isang bintana. Doon nakita
niya mula sa labas na nagkakasiyahan ang kaniyang mga magulang. Wala
sa sarili ulit siyang napangiti pero ang ngiti na iyon ay hindi
nagtagal nang sumagi sa kaniyang isipan na paano na lang kung pumasok
siya sa bahay na iyon, alam niyang mapapansin ng kaniyang mga
magulang ang kaniyang nakasibanghot na mukha, alam niyang kakausapin
siya ng mga ito, aalamin kung ano ang nangyari at alam niyang hindi
siya makakapagsinungaling sa mga ito at sasabihin niya ang tungkol sa
pagkikita nila ni Dan.
“Ngayon
ko lang ulit silang nakita na ganitong kasaya. Hindi ko kailangang
basagin ang kasiyahan na iyon dahil lang sa isang hindi magandang
araw ko.” umiiling na saad ni
Mike saka tumalikod at muling naglakad palabas ng kanilang bakuran.
“Miserable
much?!” singhal ng isang babae sa likod ni Mike pagkalabas niya ng
kanilang bakuran at habang naglalakad siya papunta sa terminal.
“Tita---”
pabulong at kinakabahang saad ni Mike ngunit hindi ito pinansin ni
Lily na mukhang tumungga nanaman ng ilang bote ng alak.
“---You
must be, I mean, who in their fucking right mind would rape and
almost kill their best friend just for fun?!---” sunod sunod na
saad ni Lily habang pagewang gewang pero nanlilisik ang mga mata na
lumalapit kay Mike.
“---and
if you're not miserable about what you've done to my son, I'm going
to start and keep on praying for you to be miserable your whole
life!” saad nanaman ni Lily na tuluyan ng nagtulak kay Mike upang
mapaluha.
“Tita,
please stop!” pagmamakaawa ni Mike dahil ang sakit at bigat na
kaniyang nararamdaman dahil sa maaanghang na salita ni Lily ay mas
matindi pa kesa yung pinagsasasampal siya ni Lily.pero nagpakawala
lang ng isang nakapangingilabot na tawa si Lily.
“No
rapist is going to tell me to stop!” matalim na dilang saad ni Lily
na nagtulak kay Mike na talikuran ito at mabilis ng maglakad palayo
bago pa makuwa ni Lily ang atensyon ng ilang tao sa hindi kalayuan.
“RAPIST!”
sigaw ni Lily na nagtulak kay Mike na mabilis na maglakad palayo.
“YOU'RE
A FUCKING RAPIST!”
0000oo0000
Nang
buksan ni Cha ang pinto ng kaniyang clinic ay laking gulat niya nang
makita si Mike na tila ba pinagsakluban ng langit at lupa, umiiyak at
bagsak balikat. Tinignan ni Cha ang kaniyang kaibigan na naglalabas
din ng sama ng loob sa kaniya.
“Get
out.” malamig na saad ni Cha sa kaniyang kaibigan.
“What?
I'm not done talking to you yet!” singhal naman pabalik ng kaibigan
nito.
“I
said get out!” singhal ulit ni Cha na tinignan lang ng masama ng
kaniyang kaibigan na mabilis din namang lumabas ng clinic na iyon
pagkatapos.
“What's
wrong?” marahang tanong ni Cha kay Mike, malayong malayo sa
pasinghal na tono nito sa kaniyang kaibigan kani-kanina lang.
“I-I---”
simula ni Mike pero hindi niya kayang ikuwento lahat ng nangyari
noong araw na iyon. Hindi na hinayaan pa ni Cha na lalong mahirapan
si Mike kaya naman niyakap na niya ito ng mahigpit.
0000oo0000
Nang
matapos sa pagkukuwento si Mike ay wala ng iba pang nagawa si Cha
kundi ang magbuntong hininga. Hindi niya inakalang babalik sila sa
ganito ni Mike matapos nilang paghirapan na matanggal kahit kaunti
lamang ang hindi magandang pangongonsensya sa sarili ni Mike sa oras
na paglaruan sila ng tadhana at magkita muli si Mike at Dan.
“Tadhana.”
saad ni Cha sa sarili nang
matandaan kung ano ang madalas sabihin sa kaniya ng kaniyang
kaibigang si Migs.
“Kapag
si 'Tadhana' na ang nangingielam, tangina, magtago ka na.”
Wala
sa sariling ibinalik ni Cha ang kaniyang tingin kay Mike. Tadhana na
ang gumawa ng paraan upang magkita ulit si Mike at Dan at ayon sa
kaniyang mga narinig na kwento at sariling experience ay wala na
silang magagawa pa kundi ang magpadala sa tadhana na ito.
“Grow
some balls.” saad ni Cha na ikinakunot ng noo ni Mike.
“Huh?”
wala sa sariling tanong ni Mike.
“I
said, grow some balls!--” simula ulit ni Cha habang patuloy na
tinitignan ng mariin si Mike. “There's a reason why you ended up
enrolled in that university, Mike, the same university where Dan is
studying. Who knows, maybe this is an opportunity for you to fix
things, maybe this is destiny's cruel way of telling you that you
still have a chance to fix things between you and Dan and lighten
that burden you just don't seem to stop carrying.” pagpapaintindi
ni Cha kay Mike na matagal natahimik at tila ba pinagiisipang maigi
ang sinabing ito ni Cha habang nakabaling ang tingin sa isang sulok.
“---maybe
destiny is giving you a second chance.” marahang saad ni Cha na
nagtulak kay Mike na salubungin ulit ang tingin ng mga ito.
“I'm
scared.” parang batang pag-amin ni Mike na siyang nagtulak kay Cha
na yakapin ang huli ulit ng mahigpit.
“I
know you are, but I think this is a chance that you shouldn't have to
miss. There could be so many reason why you and Dan bumped to each
other this morning and fixing things between the two of you might be
one of the many reasons there is.” balik ni Cha na siyang nagbigay
ng bagong pag-asa at lakas ng loob kay Mike.
“I'm
going to man up and fix this.”
0000oo0000
Tila
lumulutang siya, parang sinabuyan siya ng magic powder ni Peter Pan
at kasama niya itong lumilipad sa kawalan. Umiikot ang kaniyang
paningin pero hindi siya nahihilo o kaya naman nasusuka. Nilalamig
siya sa kabila ng mainit na paligid at puspusan niyang pagpapawis.
Natatawa siya kahit pa wala namang nakakatawa sa kaniyang paligid.
Nasa
harapan ngayon ni Melvin ang foil at ilan pang mga paraphernalia na
ginagamit sa paggamit ng droga. Hindi na niya kinayanan pa ang sakit
matapos nilang magharap ulit ni Ryan kanina, ang lalaking kaniyang
mahal kaya naman pinili niya ang pinakamadaling paraan upang
malimutan ang sakit na iyon.
Paraan
ng mga duwag upang madaling makalimot.
Ngunit
sa kabila ng pagkawala ng sakit ay hindi parin maikakaila ng utak ni
Melvin ang mga nangyari at sumumpa siya na babawiin niyang muli ang
pag-ibig na dapat ay sa kaniya. Ang taong dapat ay sa kaniya.
Pero
muli siyang napasinghot sa foil na naglalaman ng pinagbabawal na
gamot sa kaniyang harapan nang sumagi sa kaniyang isip na hindi niya
alam kung papano iyon gagawin. Kung paano niya muling babawin ang
taong kaniyang mahal.
0000oo0000
“Dan---”
narinig na simula ni Bryan pagkapasok na pagkapasok ni Ryan sa
kanilang front door. Nanghihina parin siya matapos ang nangyari noong
umagang iyon.
“I
said get out of my way, Bry.” hinang hina na saad ni Dan.
Tila
naman may ideya na si Ryan sa kung ano mang pinagtatalunan ng dalawa
kaya naman mabilis siyang tumungo sa kwarto ng mga ito.
Doon
nadatnan niya ang magulong kwarto ng dalawa. Nagkalat ang mga gamit
ni Dan, halatang sinubukan pang pigilan ng kaniyang kakamabal ang
balak nitong pag-alis. Sunod na iginawi ni Ryan ang kaniyang tingin
kay Bryan na desedidong desedio na nakatingin kay Dan na tila ba
nagsasabi na hindi ito makakalagpas sa kaniya kahit pa anong gawin ni
Dan. Sunod na ibinaling ni Ryan ang kaniyang tingin kay Dan.
Tila
pinupunit ang bawat hibla ng kaniyang puso sa nakita.
Nung
iwan niya ito kay Bryan may ilang oras lang ang nakakalipas ay tulog
na tulog ito, tila ba binabawi ang lakas na nasaid matapos nilang
magharap muli ni Mike at matapos niyang isabuhay muli ang mga
masasamang nangyari sa kaniya noon habang ikinukuwento lahat kay Ryan
ang mga nangyari. Ngayon, tila pinagsakluban ito ng langit at lupa.
Ptuloy parin ito sa pag-iyak kahit na iyon ang pangunahing dahilan
kung bakit siya nanghihina, nanginginig parin ito na tila ba hinayaan
itong gumala ng gumala sa labas habang malamig at mababaw parin ang
pag-hinga nito, tanda na hindi parin ito kumportable sa mga
nangyayari sa kaniyang paligid.
“Dan---”
nagmamakaawang tawag pansin ni Ryan kay Dan na noon ay biglang
natigilan atsaka binigyan ng masamang tingin si Bryan matapos
makabawi.
“I-I
n-need to get away f-from this place, Ry.” nagmamakaawang balik ni
Dan kay Ry atsaka hinang hina na napaupo sa sariling kama. Tinakpan
ng kaniyang mapapayat na kamay ang sariling mukha. Nahihiya na
ipakita kay Ryan ang kaniyang kaawa-awang itsura.
“Excuse
me.” mahinang saad ni Bryan atsaka naglakad palabas. Alam niyang
usapan ito ni Dan at ni Ryan at wala na siyang dapat pakielam doon.
“Why?”
nanghihina naring saad ni Ryan atsaka lumuhod sa tapat ng inuupuan ni
Dan upang magpantay ang kanilang mga tingin. Dahan-dahang nagtaas ng
tingin si Dan, hindi niya maikakaila ang lungkot sa mga mata ni Ryan.
“You
saw how I reacted when I saw him, Ry. Alam mo ba kung anong
nararamdaman ko nun? It's like I was being raped again! It's like I
was being beaten to death again. I don't want to feel that way again,
Ry. I-It's killing me---” napapikit naman sa sinabing ito ni Dan si
Ryan. Ang pagsasabi ng salitang 'rape' at 'beaten to death' ay
naghahatid sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na tila ba
iniipit ang kaniyang puso ng dalawang naguumpugang bato.
Lalong
nakaramdam ng kirot si Ryan sa kaniyang puso nang pagdilat niya ay
kitang-kita niya si Dan na nawawalan ng pag-asa, si Dan na muling
kinakain ng depresyon at sama ng loob, si Dan na mahal niya na tila
ba gagawin ang lahat makalayo lamang sa lugar na iyon.
“I-I
can't---” simula ulit ni Dan sabay iwas ng kaniyang tingin sa
nagmamakaawang tingin ni Ryan.
“P-please---
You can't keep on running. Your past will keep on coming after you if
you don't settle it now. If you don't face it now. Please.”
“Ryan,
NO! I can't! I told you, I can't!” nagpupumiglas paring sabi ni Dan
sabay tayo na ikinatayo rin ni Ryan mula sa pagkakaluhod sabay yakap
sa huli. Nung una ay nanlaban pa si Dan pero hindi nagtagal ay
tuluyan ng nilamon ng pagod ang buo niyang katawan at hinayaan na
lang ito na sumandal kay Ryan.
“Please
stay--- s-stay for me, Dan. P-please.” bulong ni Ryan.
Ang
mga sinabing ito ni Ryan ang tuluyang lumusaw sa takot at
pagaalinlangan ni Dan na pumirmi sa lugar na iyon.
“--stay
for me---”
Itutuloy...
Against All Odds 2[26] by: Migs
Pasensya na kayo at napatagal nanaman ang pagpo-post. sobrang busy lang talaga. :-(
ReplyDeletepasensya pang isa dahil di ko ulit masasagot ang mga comments niyo. TRY ko ulit magpost bukas, makabawi man lang. :-)
kuya kelan niyo po ipopost yung next chapter???
Deletethank you kuya sa post
ReplyDeletewait ko post mo...hehehe dapat tinuluyan na ni ryan si melvin..
ReplyDeletetama yan bawi bawi din sana limang chap tom hahaha.. just kiddin...
ReplyDeleteAng sad ng chapter..naaawa na namana ako kay Dan :(
ReplyDeleteThanks sa update Migs..sana talaga may chapter27 na bukas :))
Author MIgs!
ReplyDeleteang tense nito, naawa ulit ako kay Dan, kay mike? I dunno..mixed emotion parin ako sa kanya,..babalik ba sila david at mark?
at si melvin, i had this feeling lng naman...soon:D
btw luv the word 'tadhana'..hahaha...kailna to sinbi ni migs? di ko matandaan. please remind me :P :>
-aR
For Melvin:Serves you right gay whore! Magpakalulong ka na lang at wag na magising pa!
ReplyDeleteFor Mike: Sobrang sarap ng pakiramdam ano...kinakain ka ng iyong konsensya...it will be really hard for you to reconcile with Dan (paano nga kaya iyon Kuya Migs)
For Dan & Ry: please hold on to your love for each other...kuya pwede ba sila na lang ang magkatuluyan?
Grabe mali hinala ko pero mas gusto ko pa ring matodas na si Melvin :))
relax ka lang authour...
ReplyDeletekahit anu pa man pinagdaanan ni melvin, d mgbbgo tingin q sknia. isa xang mlaking peste! nkakabwisit xa! >:(
ReplyDeleteAng heavy ng chapter na ito, pero okay pa din ang flow ng story.. Nakakaawa talaga si Dan and sana dear author wag mo na silang paghiwalayin ni Ryan.. Ryan has been Dan's saving grace and hopefully wil remain to be his strength and that they will both endure as partners forever loving each other.. In my opinion, mas tama na sana sila ang magkatuluyan..
ReplyDeleteWow! Feel na feel ko ang chapter na to... Very emotional.
ReplyDeleteMukhang makakapatay neto si Melvin ah.
And oh btw, namiss ko si Cha! Haha! Ang babaeng bakla na magaling mag-payo. Lol
Yung totoo, excited na ako sa mga hakbang na gagawin ni Mike para mapatawad siya ni Dan. And I hope na even if HELL yung sumalubong sa kanya he will still pursue Dan's forgiveness.
ReplyDeleteNakakaawa si Dan. Bumalik na naman siya sa mga gawi niya before. Nakakalungkot lang. Buti na lang nanjan si Ryan to save him.
Hey Melvin, its PAYBACK TIME!!!
Bwahahahahahaha
I'm looking forward sa pagkikita ng magnanay. At panigurado ako tears will shower sa tagpong iyon.Yeah shower kasi panigurado madaming iyak yun ih. Hahaha
Migs, thanks sa update. Supah like ;)
Intense! Wow!
ReplyDeleteMelvin deserve it, I can feel what Dan has been the whole time and it gives me the shivers that the persons close to you are the ones who will hurt you.
ReplyDeleteIm waiting for the time na magkita na ulit si Lily at Dan they have a lot of catching up to do.
Have a great day Migs. Kahit na matagal ung update its worth the wait naman.
Paano kaya babawiin ni Mike si Dan? And will Ryan let go of Dan?
ReplyDeleteHey Migs, just take your time. As long as you're able to attend to your real-life responsibilities and napapaganda mo pa lalo ang mga stories mo, go lang.
- Edmond
Parang may masamang gagawin si melvin ah. 😱
ReplyDeleteTsk. Ayokong maniwala na tadhana si mike at dan! Ryan-Dan ako forever. :)) <3
Looking forward to your next posts..
-gavi :)
PS
Back to back, please? Hihihu love you, sir!
"Tadhana na ang gumawa ng paraan upang magkita ulit si Mike at Dan at ayon sa kaniyang mga narinig na kwento at sariling experience ay wala na silang magagawa pa kundi ang magpadala sa tadhana na ito." - Cha
ReplyDeletekuya migs.. gusto ko ang line nato, there meant to be talaga.. whahaha
naks.. nagbago kulay ng setting sa blog kuya migs ah :)
DeleteWaaah!!! Awa mo na kuya Migs, wag mo ibalik kay melvin si Ryan. Ryan-Dan till the end please!!
ReplyDeleteAfter ko basahin ang chapter na to, kabog parin ang puso ko, tindi ng mga eksena. Feel na feel ko yung mga bida.
Thanks so much sa update kuya, sobrang hinintay ko talaga to. Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko sa paghihintay sa chapter na to!! Joke! Haha! Thanks thanks!!
ang ganda ng pagkalinya ni ryan kay dan " please stay for me".
ReplyDeletewelcome back migs..
anyway happy valentines miggs kahit sobrang late na. hahaha. musta naman ang date mo??
ReplyDeletegrabeee at si ryan nga ang gumanti ky melvin para ky dan. feeling ko isa sa kambal ang tutulong para magka ayos si mike at dan. sa totoo lng na aawa din ako ky mike eh isa dn naman siyang biktima nila melvin mark at dave
ewan ko kung bakit pero na curious ako sa frend si charity si miggs ba un??naku di naman sila sana nag aaway
anyway happy valentines miggs kahit sobrang late na. hahaha. musta naman ang date mo??
ReplyDeletegrabeee at si ryan nga ang gumanti ky melvin para ky dan. feeling ko isa sa kambal ang tutulong para magka ayos si mike at dan. sa totoo lng na aawa din ako ky mike eh isa dn naman siyang biktima nila melvin mark at dave
ewan ko kung bakit pero na curious ako sa frend si charity si miggs ba un??naku di naman sila sana nag aaway
inaabangan ko talaga kung pano nila mikee at danny maibalik ang dating pagkakaibigan. nice one migoy!
ReplyDeleteRapist naman talaga si Mike. No need to have him in Dan's life anymore. If he needs therapy hanggang mamatay siya, then tadhana yun.
ReplyDeleteAt saka, sana mag suicide na si Melvin. Ang tagal.
The other rapists need punishment. I wonder what it will be. Its what keeps me checking for updates, maybe at least five times a day. Migs naman, please!
oh my.. this is getting more exciting.. woohh can't wait..
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
natatakot ako sa mga darating pang mga chapters, basta ewan ko knowing migs for his abundant twists mahirap hulaan ang iba pang mangyayari. the story itseft has so many possibilities to happen but for sure it'll lead to two things it may be sad or happy in the end but i'm hoping for the latter. good day.
ReplyDeleteGusto din ba ni mike si dan? Bat di ko ma feel. Team RY-DAN padn ako. Tama si ryan dapt ng masetle ung past ni dan para magising na sya sa bangungot nya sa nakaraan. :) cant wait for next chap.
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
kakaawa si Dan. Hay simula na nman ng kalbaryo ni Dan.
ReplyDeletegaling mo talaga mr.author :D
ReplyDeletegaling mo talaga mr.author :D
ReplyDeletehuh! what can i say sa chapter na eto? grabeeeee! ! ! next chapter please MIGS.
ReplyDelete
ReplyDeletegrabeee!!!!namamaga na ang mata ko para ky mike at dan.. hope
my happy ending ang dalawa...
Hey Migs! :) kelan mapo-post yung next Chapter? :)) Pati narin yung sa Chasing Pavements book 5 :D lol i know its sooooooooooo hard to be a Nurse especially working late at night... but please do give extra effort to post the next chapters ;) hehehe sorry sa pagiging makulit. galing mo kase gumawa ng stories e. hahaha sana ma-post na lahat lahat para dere-derecho. tas sana gawa ka pa ng napakaraming inter-conntected stories pa para enjoy :D DEMANDING ba? haha i know. lol but its what pleases your readers to read more! lol will definitely subscribe to your blog! :D thanks migs! -Mackoy
ReplyDelete