The Things That Dreams Are Made Of 13

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Bagsak pangang pinapanood ni Neph si Des habang nagaayos ito sa unahan ng malaking salamin na nasa sulok ng kwarto, bago nila sundin ang utos ng ina ni Neph at pumunta sa mall. Suot- suot nito ang isa sa paboritong t-shirt ni Neph, medyo malaki ito para kay Des pero itinupi nito ang mga manggas at itinuck in ang lalayan nito. Maganda si Des at para kay Neph, kahit ano pang i-suot nito mapa sako man yan o basahan ay sigurado paring aangat si Des kapag tinignan sa malayo at gitna ng maraming tao.

Hey, what are you staring at?” naniningkit matang tanong ni Des kay Neph.


I---uhmm---” simula ni Neph ngunit wala siyang maisip na magandang sabihin.


May dumi ba ako sa mukha?” tanong ulit ni Des sabay tingin muli sa salamin upang tignan kung may dumi siya sa mukha.


No---!” biglaang sagot ni Neph na ikinakunot ng noo ni Des. “I-I m-mean there's nothing wrong w-with your face---” iwas tingin na pagtutuloy ni Neph.


Oh---” namumulang pinsging saad ni Des, di mapigilang kiligin sa daretsahang pagpupuri ni Neph sa kaniya. “--- I-I borrowed your shirt--- O-OK lang ba?” tanong ni Des kay Neph na agad namang nagtaas ng tingin at tumango, nakita niyang tinitignan ulit ni Des ang sarili sa salamin.


It's OK, you actually look great on it.” wala sa sariling saad ni Neph na lalong ikinamula ng pisngi ni Des.


Tila naman may isang anghel na dumaan sa gitna ng dalawa at napuno ng katahimikan ang buong kwarto, dahan-dahang nagtaas ng tingin si Neph, umaasa na hindi nagalit sa kaniyang sinabi si Des. Nang magtama ang tingin ng dalawa ay laking pasasalamat ni Neph nang wala siyang makitang galit sa mga mata ng huli, matapos ang maikling pasasalamat ay saglit pang tinignan ni Neph ang mga mata ni Des na inaamin niya sa sarili na siyang pinaka namiss niya sa lahat.


Bolero!” putol ni Des sabay hampas sa braso ni Neph na ikinagising ng huli mula sa wala sa sariling pagtitig sa mga mata ni Des.


Gusto na sanang sabihin ni Neph na totoo ang kaniyang sinabi, gusto na sana niyang ipaalam sa huli ang kaniyang totoong nararamdaman dito pero hindi niya magawa dahil alam niyang andon lamang si Des dahil may dinadala itong problema at hindi niya dapat iyon samantalahin. Isa pa sa mga rason ni Neph ay ang kaniyang kaibigan na si Josh na alam niyang mahal din si Des, ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng isa sa kaniyang pinakamatagal ng kaibigan. Kaya naman imbis na sabihin kay Des ang totoo ay pinili na lang niyang sarilihin ito kesa gawin pang kumplikado ang lahat.


000ooo000


Hindi ko pa sinasabi sayo kung bakit bigla na lang kitang hindi kinausap dati---” simula ni Des nang mapansin niyang kanina pa walang imik si Neph, maski nung habang nagmamaneho ito papunta sa mall, nung namimili sila ng pinabibili ng ina nito at hanggang sa sandaling iyon na kumakain sila.


Huh?” wala sa sariling tanong ni Neph.


Sabi ko, hindi ako nakapagpaliwanag kung bakit hindi na lang kita bigla pinansin.” ulit ni Des sabay ibinalik ang tingin sa kinakaing lasagna kaya't hindi nito nakita ang agad na pagtingin sa kaniya ni Neph dahil sa gulat sa sinabing iyon ng huli.


A-akala ko kasi may ginawa akong masama, I tried to talk to you but you just kept on ignoring me.” wala sa sariling saad ni Neph dahil sa wakas ay malalaman na niya ang naging dahilan ng pagkakaroon ng lamat ng pagkakaibigan nila ni Des, saglit na tumango-tango si Des.


You did something wrong, Neph---” simula ni Des na siyang nagpabagsak sa moral ni Neph, kailanman kasi ay hindi niya pinangarap na saktan si Des at ang manggaling ito sa mismong bibig ng huli ay nagdulot ng kakaibang kirot sa kaniyang puso. “---you chose Roan, best friend ko pa, Neph.” hindi maikakaila ang sakit sa tono ng sinabing iyon ni Des ngunit hindi rin maikakaila ang gulat sa mukha ni Neph. Nagtama muli ang kanilang mga tingin, tila naman lalong nainis si Des kay Neph sa pagaakalang nagma-maang-maangan pa ito.


I saw you kissing, Roan, Neph. A-alam mong may gusto ako sayo pero ginawa mo parin yun---” simula muli ni Des na siyang naglinaw ng lahat kay Neph, magsasalita na sana siya at mage-explain ngunit nagsalita ulit si Des. “---at alam mo kung ano ang mas nakakatawa dun? I can't love Josh back like the way he loves me because I'm still in-love with you. You, who doesn't give a damn about me!” umiiling at lumuluhang sabi ni Des.


Hindi alam ni Neph kung ano ang kaniyang unang dapat maramdaman. Una niyang naramdaman ang galit, galit kay Roan dahil alam niyang siya ang may pakana ng lahat ng iyon, galit sa sarili dahil hinayaan niya ang taong kaniyang minamahal na makuha ng iba dahil lamang hindi niya ito kinausap at pinaliwanagan ng maayos. Sunod naman niyang naramdaman ay ang panghihinayang, dahil kahit alam niya at sinabi ni Des na hindi nito mahal si Josh na kaniyang kaibigan ay hindi naman ito alam ni Josh.


Did you hear what I said, Neph? I said I still love you.” pabulong pero hindi maikakaila ang pagmamakaawa sa boses ni Des, tila ba sa ginagawang iyon ay sasabihin din ni Neph ang mga salitang gusto niyang marinig. Ang sabihin ni Neph na mahal din siya nito. Ngunit humaba ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang nakatitig sa isa't isa. Si Neph, dahil sa pagiisip kung ano ang kaniyang dapat gawin, kapag sinabi niyang mahal din niya si Des ay siguradong masasaktan niya ng lubos si Josh ngunit kapag sinabi naman niyang hindi niya ito mahal ay ito naman ang kaniyang sasaktan at matagal at ilang beses narin niyang ipinako sa sarili na hinding hindi niya sasaktan ng hayagan si Des.


I-I'm sorry, Des---” simula ni Neph na siya namang nagpabigat sa loob ni Des.


Hindi naman sa masasabing inaasahan na ni Des na iyon ang isasagot ni Neph pero kahit papano sa loob ng ilang taong hindi nila paguusap ay halos natanggap narin niyang hindi maibabalik ni Neph ang kaniyang pagtingin dito.


I-I get it.” putol ni Des kahit pa taliwas ng mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga pisngi ang kaniyang sinabing iyon.


Pinanood ni Neph si Des na dahan-dahang tumatayo at naglalakad palayo sa kaniya. Bawat hakbang ay tila ba may isang punyal na bumabaon sa kaniyang puso. At hindi na niya natagalan pa ang ganoong pakiramdam.


Des, wait!” sigaw ni Neph sa tuloy tuloy paring naglalakad na si Des, ayaw lingunin si Neph upang hindi nito makita ang kaniyang mga luha.


DES WAIT!” sigaw muli ni Neph na ikinakuha ng ilang taong andun sa food court kasama na ang ilan ding kalalabas lamang ng elevator pero gaanong kalakas man noong sigaw na iyon ay hindi parin nagawa ni Des na harapin ulit si Neph.


DES! I SAID WAIT! DAMIT!” sigaw ulit ni Neph sabay hila sa braso ni Des at iniharap itong muli sa kaniya. Muling nagtama ang kanilang tingin tila ba sinasaulo lahat ng parte ng mukha ng bawat isa na mahagip ng kanilang mga mata.


Unti-unting inilapit ni Neph ang kaniyang mga labi kay Des.


Stay. Please.” bulong ni Neph nang maghiwalay pansamantala ang kanilang mga labi at dahan dahang inilapat muli ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Des nang masigurong hindi na ito aalis sa kaniyang tabi.


000ooo000


Natigilan si Roan nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Neph pagkalabas na pagkalabas nila ng elevator, hindi rin nakaligtas sa kaniyang atensyon ang kakaibang ikinikilos ng mga taong andun sa food court na iyon na kala mo nanonood ng isang shooting.


DES! I SAID WAIT! DAMIT!” bumilis ang tibok ng kaniyang dibdib lalo pa't hindi ang kaniyang pangalan ang isinisigaw ng lalaking may-ari ng boses na iyon, hindi magawang i-tuon ang tingin sa lugar kung saan nanggagaling ang boses at kung saan nakatuon ang pansin ng halos lahat ng tao na andun.


Hey! Look, isn't that Des and Neph?” saad ng isa sa mga kasama nila Roan at Lance na lalong nakapagpangilabot kay Roan ngunit nagtulak naman sa kaniya na dahan-dahang i-tuon ang kaniyang pansin sa naghahalikang si Des at Neph.


Nagsisimula ng tumulo ang mga luha ni Roan dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman habang pinapanood ang lalaking kaniyang mahal at ang kaniyang dating kaibigan na naghahalikan. Dahil sa nararamdamang sakit ay hindi niya napansin ang biglaang pagsulpot ni Josh, sunod na lang niyang nakita ay ang pagmamadaling pagpunta ni Josh sa kinaroroonan nila Neph at Des at ang pag-hila ng marahas ni Josh kay Neph at ang pananapak nito.


000ooo000


Nakalutang parin ang utak ni Igi matapos ang maniit nilang paghahalikan ni Josh ngunit lahat ng magagandang pakiramdam na kaniyang naramdaman may ilang saglit lang ang nakararaan ay nawala lahat, napalitan ito ng gulat at sunod naman ay lungkot. Matagal na niyang tinanggap na hindi sila magkakaroon ng relasyon ni Josh at ang pagmamahal nito kay Des, ngunit matapos ang kanilang halikan may ilang saglit lang ang nakakaraan ay nagbigay ng pag-asa kay Igi na posibleng mahal din siya ni Josh lalo pa't ibinalik nito ang kaniyang naunang halik dito.


Pero sa nakikita niya ngayon, tila ba mapipilitan ulit siyang tanggapin sa sarili na pangarap lang ang relasyon na iyon at ang halikan na naganap kanina ay isa lamang biro lalo pa't kitang-kita niya ang galit at sakit sa mga mata ni Josh ngayon habang nakikipagsapakan kay Neph.


Ang masaklap lang ay, sa loob ng saglit na panahon na iyon matapos ang kanilang halikan at ang pagsugod ni Josh kay Neph upang sapakin ito ay hinayaan na ni Igi ang kaniyang sarili na umasa kaya naman ngayon ay lubos siyang nasasaktan. Ang pananapak ng may buong galit at sakit na iyon ni Josh ay tila ba isang sampal kay Igi na tanging pangarap lamang ang kani-kaninay inaasahan niyang relasyon mula kay Josh at ang halikan na nangyari sa pagitan nilang dalawa ay hindi nangyari.


Ang pananakit na ito ni Igi ay hindi nakaligtas kay Roan na kinuwa agad ang pagkakataon na iyon upang ituloy ang kaniyang pinaplanong pananakit sa mga taong nanakit at patuloy na nananakit sa kaniya sa kaniya. Ang tingin na nakaplaster ngayon sa mukha ni Roan na puno ng galit ay hindi naman nakaligtas kay Lance na agad siyang pinigilan sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ng lumuluhang si Igi.


Roan, please, don't do this.” bulong ni Lance kay Roan na katulad ni Josh ay puno rin ng pananakit at galit ang nakarehistro sa mukha pero hinawi lang ni Roan ang pakakahawak ni Lance sa kaniyang braso.


If I can't have him then I'm not going to let Des have him either.” mariing saad ni Roan na ikinagulat ni Neph.


But Josh and Igi doesn't have anything to do with all of this!” balik ni Lance na rinig na rinig parin ang pagmamakaawa sa boses.


If hurting Des and Neph means hurting other people in the process, then I don't care.” singhal ni Roan kay Lance, sa puntong iyon ay alam na ng nhuli na hindi na niya mapipigilan pa si Roan pero hindi rin naman siya tutunganga na lang sa isang tabi at hahayaan si Roan na makapanakit ng iba at masaktan din sa proseso ng paghihiganti nito.


000ooo000


Wala ng makakapigil pa sa pinaplano pa ni Roan lalo pa sa nakitang nitong paghahalikan ni Des at Neph. Mabagal na lumapit si Roan sa lumuluhang si Igi, dahil sa wala sa sarili ang huli ay hindi nito napansin ang paglapit ni Roan, nang ilapat na lang ni Roan ang kaniyang kamay sa kanang balikat ni Igi siya nito napansin.


Nagsalubong ang tingin ni Roan at Igi.


He's an asshole.” bulong ni Roan sabay yakap kay Igi, umaarteng inaalo ang huli bilang parte ng kaniyang mga plano. Si Igi naman ay hindi na nag-atubili pang itanong kay Roan kung pano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang nararamdaman kay Josh, ang importante para sa kaniya ay may isang tao na dumadamay sa kaniya ngayon habang nasasaktan siya.


May ilang metro lamang ang layo ay si Lance, natatakot at kinikilabutan sa nakikitang pag-arte ni Roan sa harapan ni Igi.


000ooo000


TAMA NA!” sigaw ni Des kay Josh sabay pumagitna sa dalawa. Nang sa wakas ay maihiwalay na ng maliit na katawan ni Des si Josh mula kay Neph ay dun na natauhan si Josh, nalulunod kasi siya ngayon ng sama ng loob at sakit dahil sa pantra-traydor ni Neph kaya't hindi niya napansin na gumagawa na sila ng eksena sa gitna ng food court. Sakit dahil hindi siya makapaniwala na ang isa sa kaniyang mga best friend ang dahilan ng pagkakalabuan ng relasyon nila ni Des.


Is he the reason why you were never in love with me?!” singhal ni Josh kay Des na nagulat sa tanong na iyon ng huli.


Hindi alam ni Des kung ano ang kaniyang isasagot, totoo kasing si Neph ang dahilan kung bakit hindi niya magawang mahalin si Josh ng higit pa sa magkapatid at hindi nakaligtas ang pagaalangan ni Des na iyon sa pagsagot kay Josh.


I-I'm sorry.” ang tanging naisagot ni Des.


Pare-parehong hindi makagalaw ang tatlo mula sa kanilang pagkakatayo. Si Josh dahil sa sakit ng pinagtraydoran na namumutawi sa kaniyang kalooban, si Neph dahil sa kahihiyan dahil sa kaniyang ginawang pangga-gago sa kaniyang best friend at si Des dahil sa matinding pagsisisi.


000ooo000


Muling tumunog ang telepono ni Igi. Malapit na itong ma-low batt dahil sa kakatawag ni Josh sa kaniya, ilang beses niya rin itong gustong sagutin pero pinipigilan siya ni Roan.


Making you fall in love one minute and then totally ignores you the next. I'm telling you, Igi, he's one hell of an asshole! You should forget about him and let him date that bitch.” saad ni Roan, walang bahid ng pagpapanggap sa kaniyang boses habang tumatambay sa harapan ng TV sa sala nila Igi.


Matapos na lapitan ni Roan si Igi sa may food court nung tanghalian na iyon ay agad na itong naging instant buddy ng huli. Walang alinlangan na pinagaang ang loob nito upang umayon ang lahat para sa kaniyang plano, sumama pauwi sa bahay nito upang mas maging kapani-paniwala ang kunwaring pagiging-concern nito sa huli at paminsan-minsang pagpapatawa dito kahit pa ang totoo ay wala rin naman siya sa wisyong magpatawa dahil ang totoo ay katulad ni Josh at Igi ay nasasaktan din siya.


I guess you're right.” medyo magaang ng loob na saad ni Igi.


Hey I'm always right! Look, Igi. You're a great guy. Hindi ka mahirap mahalin. Forget that sonovabitch and find a hunk that will love you. If that asshole prefers someone other than you then it's his loss not yours!” masayang sabi ni Roan.


Wala sa sariling niyakap ni Igi si Roan bilang pasasalamat sa pagpapagaang ng kaniyang loob. Ang pasasalamat na ito ni Igi ay nakapagpaisip ulit kay Roan kung tama ba ang kaniyang ginagawa. Kung dapat bang manakit siya ng ibang tao para lamang maiparamdam kila Neph at Des ang kaniyang galit.


000ooo000


Where the hell are you, Igi?!” singhal ni Josh sabay bato ng kanyang telepono, kung kailan kasi mas kailangan niya ang kaibigan ay saka naman ito nawala. Sinubukan niya itong tawagan o i-text ngunit hindi ito sumasagot kaya naman naisipan niyang puntahan na lang ito sa kanilang unit.


Where are you going?” tanong ni Migs sa anak ngunit hindi siya pinansin nito at tuloy-tuloy lang itong lumabas ng kanilang unit. Wala na lang nagawa si Migs kundi ang tignan ang kaniyang kinakasamang si Ed na nagbato din sa kaniya ng isang nagtatanong na tingin.


Ilang hakbang pa ay nasa tapat na ng pinto nila Igi si Josh at aktong kakatok na sana ito nang bumukas ang pinto. Nagulat si Josh nang bumulaga sa kaniya si Roan na mukhang malalim ang iniisip at tila ba nagulat din sa pagkakakita niya kay Josh doon.


““What are you doing here?”” sabay na tanong ng dalawa sa isa't isa.


I was just talking to Igi about something.” “I'm here to talk to Igi.” sabay ding sagot ng dalawa. Saglit silang nagtinginan. Si Roan, iniisip kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang kaniyang pinaplano at si Josh naman ay abala sa pag-iisip kung bakit hindi niya magawang maniwala kay Roan.


Tapos na ba kayong magusap?” tanong ni Josh na gumising sa pagiisip ng malalim ni Roan na agad namang tumango. Tumabi na si Roan upang padaanin si Josh ngunit agad na nagbago ang kaniyang isip.


Josh, p-pwede ba kitang makausap? K-kasi matagal ko na din itong napapansin.” simula ulit ni Roan na siyang nakapagpatigil kay Josh sa pagkatok at pagbukas sa front door nila Igi.


Now?” medyo bastos na tanong ni Josh, agad namang tumango si Roan bilang sagot na ikinahinga na lang ng malalim ni Josh bilang pagpayag sa gustong mangyari ni Roan.


If you really care about him, you should think twice about having a relationship with him---” simula ni Roan na ikinakuha ng atensyon ni Josh.


W-what?” di makapaniwala at gulat na gulat na bulalas ni Josh kay Roan.


---You and Igi. I saw you guys having a sweet moment dun sa beach house, I saw you guys looking at each other---” simula muli ni Roan at nang makita niyang nagsisimula ng magpanic si Josh ay agad niya itong siniguro. “---look. I'm not going to tell anybody. Ang sakin lang kung may ibang makakaalam, hindi lang ikaw ang malalagay sa kahihiyan kundi pati si Igi. Sa tingin mo may rerespeto pa sa kaniya sa school kapag nalaman ng iba? Magaling na leader si Igi at alam nating pareho na matagal na niya itong ginusto, sisirain mo ba ito para sa kaniya?” sunod sunod na saad ni Roan kay Josh na ikinaisip ng malalim ng huli.


And besides, you still have Des to think about. I-resolba mo muna ang lahat ng issues pertaining to Des bago ka gumawa ng bago.” pahabol ni Roan, nararamdaman niyang magtatagumpay siya sa kaniyang pinaplano. Ang pahabol na ito ni Roan ay lalong nagpalalim ng iniisip ni Josh kaya't hindi nito napansin ang pag-ngisi ni Roan na siyang nagsisimula ng maglakad palayo.


Oh and one more piece of advise, Josh. Huwag mong hayaan na kuwanin ng iba ang dapat ay para sayo it wouldn't be good for your ego and for your reputation.” painosenteng sabi ni Roan saka tuloy-tuloy na sumakay sa may elevator pababa ng lobby, walang duda na ang ibig sabihin ay ipaglaban ni Josh si Des.


000ooo000


Roan?” tawag ni Lance sa hulinang maabutan niya ito na nakaupo sa isa sa mga bench sa park.


Oh, hi, Lance!” may pagka-masayang balik bati ni Roan dito na ikinataka ng huli.


Mukhang masaya tayo ngayon ah.” nagaalangang sabi ni Lance na lalong ikinangiti ni Roan.


Yup. Nakuwa ko ang loob ni Igi, ngayon alam kong hindi na niya hahabulin pa si Josh, nakausap ko narin si Josh kaya alam kong hindi na niya itutuloy pa kung ano mang meron sa kanila ni Igi at mukhang ipaglalaban na nito si Des kaya muling magiging malungkot si Neph at ako ulit ang tatakbuhan niya para humingi ng suporta.” nakangising saad ni Roan na tila ba proud na proud sa kaniyang ginawa pero ni katiting ay hindi na-impress si Lance sa halip ay hind nito mapigilan ang mapa-iling.


What have you done, Roan?” malungkot na tanong ni Lance na ikinairita naman ni Roan.


You don't understand! You don't know how I feel! You don't fucking know how it hurts! So before you fucking judge me for what I've done I dare you to put yourself in my shoes first!” singhal ni Roan kay Lance na hindi parin makapaniwala sa ginawa ni Roan.


You might have won now, but at the end of all these--- you will be left all alone, feeling more hurt and anger for yourself than those who you are angry with and wanted to hurt.” pabulong pero makahulugang sabi ni Lance sabay tayo mula sa tabi ni Roan at naglakad palayo, hindi na nag atubili pang itago ang lungkot sa kaniyang mga mata habang si Roan naman ay sadyang natigilan sa sinabing iyon ni Lance.


Alam niya kasi na totoo lahat ng sinabi nito dahil ngayon pa lang, wala pang dalawang oras matapos niyang lasunin ang mga utak ni Igi at Josh ay nagsisimula na siyang masaktan dahil sa pagtra-traydor kay Igi lalo pa ngayon at tila ba kailangan nito ng isang kaibigan at galit sa sarili dahil hinayaan niya ang galit na balutin ang kaniyang buong pagkatao.


What have I done?” naiiyak na tanong ni Roan sa sarili matapos siyang tugisin ng sariling konsensya.


Itutuloy...



The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 13”
by: Migs

Comments

  1. Kamusta na ang aking mga pinakamamahal na mga readers? Nais kong humingi ng tawad sa inyong lahat dahil sa matagal na hindi pag-update. Alam niyo na kung bakit. BUSY. Pasensya na talaga. Alam kong nawawalan na kayo ng gana na magbasa dahil sa matagalang hindi pagpost. Di ko po kayo masisisi at maiintindihan ko po kung galit na galit po kayo ngayon. :-( at kung hindi niyo na po babalikang muli ang aking blog. :-(

    Inaanyayahan ko parin po ang lahat na bisitahin at magbasa sa mga blog na ito dahil sa angking galing ng mga manunulat na ito. :-)

    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    At syempre ang pinaka idol ko sa lahat:

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Zildjian: alam ko namang busy ka din. OK lang.

    Makki: semikal ka?! Wag kang papakita sakin. Haha!

    Moon Sung Min: Chasing pavements? Ano yun? (maang maangan mode.) haha! Soon. :-) promise.

    Erwin F.: may rainbow rosary ka? Haha! Para kang si Russ. Puro rainbow ang gamit. Haha!

    Vince: bakit ngayon ka lang bumalik? Haha! Thanks!

    Lawfer: haha! I-konek talaga sa leche flaun? Hahah!

    Ichigo: ikaw pa isa! Bakit ngayon ka lang bumalik?! Haha! Miss you more! Thanks! :-)

    aR: suntukan moments pala gusto mo ah. Ayan. Haha!

    Iyanchan: salamat naman at nag-enjoy ka.

    ReplyDelete
  2. Riley: thank you at hanggang ngayon di ka parin nagsasawa sa pambobola. Haha! :-P

    jamespot: thanksssssssssssssss!

    ANDY: hindi transaparent yung elevator. Haha! Parang yung sa makati med lang. Nakita ko yung intern saka yung nurse na nagkiss. Take note. Lalaki sila pareho. Haha! Yun actually yung inspirasyon ko dito eh. Haha! Chos! Peace kung sino man kayo na nahuli ko. haha!

    Kean tongol: akala ko kumota na? Hindi pa pala! Haha!

    MERVIN: sorry di ako nakareply agad. Uhmmm sa mail na lang yung miguisalvador@yahoo.com

    gavi: thanks! :p

    russ: sige sa escalator. Haha! Binigyan mo ako ng idea. Hmmm.

    Akosichristian: hindi kasi mabubuo ang kwento kung hindi sila isisingit. :-) intay lang. Magiging josh igi din ito. :-)

    adik_ngarag: bitin parin?! Haha! :P

    Mr. Brickwall: you're welcome. :-) haha!

    -monty: haha! Salamat sa pagiintay.

    Jasper Paulito: hindi pa simula. Matagal pa. Haha!

    Ryge Stan: thanks! :-)

    josh: ano pa bang gusto mo. Oi may paguusapan pala tayo ng masinsinan. May isusumbong ako sayo.

    ReplyDelete
  3. bitin ang halik...if you know what i mean, bwahahaha!! :p

    ok. im just one pm away =)

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  4. That Bitch! Parang gusto ko kunin yung baseball bat sa kwarto ko sa paghahapmpasin si Roan.

    Huy di naman migs. Yun lang rainbow item ko. I love black colored things. Busyng busy ka ah. Ano ba meron? Baka di ka pa yumaman niyan. Hehehehe!

    ReplyDelete
  5. weee. ngayon lang ulit ako nakapagcomment.

    galing galing talaga. can't wait for the next update...

    galing din ni Roan making the story interesting. hahaha.

    what will happen next about Igi and Josh? can't help but think. :)

    ReplyDelete
  6. Naloka naman ako sa "pambobola"..di naman kita binobola Migs..

    Anyway,lagi ko naman talagang tinitingnan kung may update na at salamat meron na pala..
    Ok thanks Migs..

    ReplyDelete
  7. haay roan :( what have you done nga?! :/
    kwawa nman c igi boi :(

    senxa na kung sa pagkain q pa naikumpara, un unang pimasok sa icp q weh haha
    sa susunod sa tao q nman ikokonek :P

    ReplyDelete
  8. AHAHAHA, SORRY NAMAN KUYA MIGS.
    busy sa studies. GANDA NG TWIST. ang complex ng character ni roan. sana in the end c igi and josh parin. :-))

    kelan na yung cameo ng iba pang characters? I MISS ALL OF YOUR CHARACTERS!
    kelan pala chasing pavements mo?

    anyways. DAMI KONG TANONG. KEEP UP THE GOOD WORK KUYA! STILL PRAYING FOR YOU! INGATS AND GOD BLESS! :))))

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  9. such an old braggart tong si ROAN! Self-Centered Dumbass! I pity her! Kainis! panira ng buhay ng may buhay! waaaaaaah! apektado talaga ako! waaaaah!

    ay! di talaga ako magpapakita Migoy! Baka ano pang gawin mo sakin! bwahahahaha :P

    Dope!

    ReplyDelete
  10. nice one migz...ngpost ka sa special day ko...wahahaha....tnx tnx..i feel special...wahaha..joke...sorry di ako nakapagcomment last time...tinopak lang...hahaha...
    naks...napaka egocentric ni rona...hay na lang...bkt dumadami yung mga ganyan sa mundo...hahaha...tapos sa huli iiyak iyak xa...haha...bipolar na yan migz...hahaha...di namaganda...hahaha...joke lang migz!...haha...nice one migz!...hahaha

    -Berto-

    ReplyDelete
  11. migs, thanks sa update. ok lang kahit natagalan ang update.... sulit naman ang pagihintay namin. maganda tong chapter na to ha!

    medyo maiksi lang tong chapter pero parang nabusog ako sa dami ng nangyari! nice one, migs!

    sana sa wed may update na agad. please!!!!! hehe

    ReplyDelete
  12. thanks sa bagong update. next na ulit.


    ---januard

    ReplyDelete
  13. MIGZ! Sir, thanks sa update...oks lang kahit ilang beses ko sa isang araw icheck kung nakapagpost ka na because your stories are really something and worth it. kung ikaw nga nageefort na magupdate, mageefort din ako mag check n_n nagalala nga ako akala ko may prob ka na kasi antagal mo magpost. anyways, goodluck with your busy sched. =))

    Love you Sir... (Kelan kaya ako makakakuha ng ILOVEYOUTOO?! LOL hahahaha)


    -Gavi :)



    PS,
    nabitin na naman ako. hahaha that BITCH. who's up for an ANTI-ROAN CAMPAIGN?? JK.... =D

    ReplyDelete
  14. hi:),,,,love your stories:)....

    ReplyDelete
  15. ayy good vibes ako as igi at josh na yan, dpat malaman ito ng mga ama nila.. :p

    worth the wait.. :p

    ReplyDelete
  16. Author Migs!

    Haha the best! haha mga reaction ng bawat isa during the scene i so like it!

    badtrip si roan! akala ko ba naman pababitin mo na siya..AND Lance i do believe na gusto niya si roan! Bow :D

    Yun ugali na mapag pangagap ni roan ay due to her emotions lang..dapat sa kanya mag moment mag isa, tapos maaksidente..haha

    Igi hehe..dapat may bagong character ang makikijoin para magbigay concern kay igi para mas gumulo ang love cycle nila Igi-josh-des-neph-roan

    ReplyDelete
  17. kahit ndi ko pa nababasa ,excited na akong basahin hehee sana maganda ang part na ito sa kwento

    ReplyDelete
  18. migs pang teleserye ang gawa mo..kasi di lang sa m2m relationship nabase ito kundi pati na sa lahat ng aspeto..ganda migs..matagal paba ang escalator na yan .ehehhee

    ReplyDelete
  19. can you just kill roan right now kuya migs! like i'll burn her to hell if i could or better yet padala mo sa loob ng mandaluyong. ang BOBO ng reasoning, kairita.

    ReplyDelete
  20. Mamatay yan si Roan! isusumpa ko sya, hindi nya ikagaganda ang pagiging intrimitida. Hahahaha! Migz paki bitin nlng sa kisame si Roan please!


    -iyanchan

    ReplyDelete
  21. wow talaga kuya migs? Haha pano mo nahuli, ikwento mo naman. Haha! Mga gwapo ba yung intern at nurse? Haha!

    Haha mali pala hula ko sa last chapter. Pero sobrang tindi ng mga pangyayari, galing!

    Sana wag na ituloy ni Roan yung plan nya, pero cge na lang pala, para mas madaming conflict. Haha! The best sa eksena ang chapter na to kuya migs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganda ng story... Nakakaadik basahin... Galing ni author... Next chapter na po... =)

      Delete
  22. "TAMA NA!" ika nga ni des. Haha. Masyado na pong dumarami ang mga characters. Tama na po, Haha. Hindi ko na kaya. Masyado na pong maraming nagdradrama sa story at hindi ko na ma-take silang lahat. Hahahaha.

    Go Roan! I know the feeling. Haha. Wag masyado maging kontrabida baka mapatay kita ng di oras. Haha

    ReplyDelete
  23. we all know "truth hurts", if that will be the consequences if Josh and Igi will have their relationship then be it. Every person has its personality to judge, don't look in one way, maybe somehow, somewhere, there are people who can understand what they did. not all people we are going through are judgmental because of the things that we prefer to do.

    ilovethestory :)

    ReplyDelete
  24. GREAT STORY! LOVE IT.. =)

    ReplyDelete
  25. migz next chapter na please. hehehe this is a great story and I want to read more. I hope your doing great I will always check for updates so that I will not be left behind.

    I pity roan for what she is doing, before she knew it baka gumuho na ang lahat sa kanya. And for Igi, I know there is still a way. He needs to talk to Josh to clear things up.

    Anyways have a great day and keep on writing.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]