The Things That Dreams Are Made Of “Prologue"
DISCLAIMER:
The
following is a work of fiction. Any similarities to any written works
and any person, living or dead are purely coincidental. The story is
intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do
not copy or use without written permission. Email
the author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Masaya
at wala ng mahihiling pa si Migs sa kaniyang buhay. Nasa tabi niya
ngayon ang lalaking alam niyang mamahalin niya ng buong buhay,
kalong-kalong ang isang magda-dalawang taong batang lalaki na
tuwang-tuwa sa pagme-make face ng kaniyang ama. Oo, hindi naging
madali ang buhay bilang mag-partner ni Migs at Ed, madaming kumutya
sa kanila at hindi biro ang kanilang mga sinuong na problema, ang iba
pa dito ay halos paghiwalayin silang dalawa. Pero kinaya nilang lahat
ng iyon, idinaan lahat sa maayos na usapan at syempre sa tulong at
suporta narin ng kanilang mga kaibigan. Matapos kayanin lahat ng unos
na dumating sa kanilang pagsasama at nang mapatunayan sa kanilang mga
sarili na para na talaga sila sa isa't-isa ay napagtanto nilang
dalawa na isa na lang ang kulang sa kanilang buhay.
Magda-dalawang
taon na ang nakalipas nang mapagpasiyahan ng dalawa na humanap ng
surrogate na siyang magdadala ng magiging anak nila. Semilya ni Ed
ang ginamit ng mga duktor at naging matagumpay ito, makalipas ang
siyam na buwan ay miya mo na may “mini
me” si
Ed na hindi alam ni Migs kung ikatutuwa niya o ikababahala, pero sa
kabila nito ay may isang pakiramdam na namumutawi kay Migs, ito ay
ang pakiramdam ng pagiging kumpleto.
Masaya
na siya sa ngayo'y hindi pa man itinuturing na normal ng sambayanan
ay masaya naman niyang bagong pamilya.
“You're
doing that creepy smile again, Migs.” nangingiting sita ni Ed kay
Migs habang sinusubuan ng pinalambot at pinaghalo-halong pagkain ang
batang si Joshua. Saglit na lumingon-lingon si Migs, sinipat ang
buong restaurant lalo na ang kalapit nilang mga lamesa kung may
nakarinig sa pasaring na ito ni Ed.
“I
don't know what you're talking about! I don't have a creepy smile!”
balik naman dito ni Migs habang pinipigilan ang sarili na ngumiti at
habang pinapanood niya si Ed na ibinubuka at isinasara ang bibig
kagaya ng ginagawa ng anak nilang si Joshua.
“You
have that smile that says you're thinking about something either
really good or really bad.” kaswal naman na balik ni Ed, sinulyapan
saglit si Migs at muling itinuon ang pansin kay Joshua na nakanganga
at pilit na inaabot ng maliit nitong dila ang piraso ng kinakain nito
sa kaniyang baba.
“I'm
just happy now that I have everything I could've asked for.” kaswal
na sagot ni Migs sabay masuyong ngumiti at inabot ang libreng kamay
ni Ed at pinisil ito.
“Dada!
Dada!” sigaw ng batang si Joshua na ikinalaki ng mata nila Ed at
Migs, iyon ang unang beses na narinig nila ang bata na tawagin ang
isa sa kanila. Wala sa sariling tumayo si Migs sa kaniyang
kina-uupuan at tumayo sa likod ni Ed, hinihiling na sana ulitin ng
kanilang anak ang pag-tawag sa kanila nito.
“Dada!”
sigaw ulit ni Joshua sabay abot ng magkabilang mabibintog na mga
kamay kay Migs at Ed. Hindi na napigilan ni Migs ang sarili at
iniyakap niya ang kaniyang magkabilang kamay sa leeg ni Ed at inabot
ang kaniyang labi sa mga labi nito.
Sa
sobrang galak ay nakalimutan na ng dalawa na asa isang pampublikong
lugar nga pala sila at ang pag-iyak ni Joshua, dahil siguro sa hindi
pag-pansin ng kaniyang mga magulang sa kaniya ang siyang gumising sa
dalawa na hindi maitago ang saya sa mga mata. Hindi nagtagal ay
bumalik na sa sariling upuan si Migs na may nakaplaster na ngiti sa
mukha habang si Ed naman ay kinarga si Joshua at pinatahan ito.
Nakangiti
paring tinititigan ni Migs si Ed at Joshua nang mabura ang ngiti na
iyon dahil sa biglaang pagsagi sa kaniyang utak ng ilang
nakakabahalang bagay.
“Pano
kapag lumaki na siya at nagtanong kung bakit may dalawa siyang daddy
imbis na isang mommy at isang daddy kagaya ng mga kaklase at kaibigan
niya?”
“Pano
kung gaya ng iba ay lumayo ang loob ng kaniyang anak sa kaniya dahil
naisip nito na tama ang sinasabi ng ibang tao na hindi normal ang
pagkakaroon ng dalawang ama, ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang
lalaki at ang pagpapalaki ng mga ito sa isang bata na parang isang
anak?”
“You're
doing that weird face again.” sita ulit ni Ed kay Migs nang makita
niyang humahaba nanaman ang nguso nito at nangungunot ang noo bilang
tanda na may bumabagabag dito.
“What
weird face?” tanong ni Migs na ikinahagikgik ni Ed. Sa kabila kasi
ng humahabang nguso at nangungunot na noo nito ay hindi niya parin
mapigilang ma-cute-an sa kinakasama na siyang lalong nagiging dahilan
ng pagka-in-love niya dito. Sasagutin na sana niya ang tanong ni Migs
nang matamaan ng kaniyang tingin ang isang pamilyar na mukha.
“Don't
look now but one of your ex's is back in town.” bulong ni Ed kay
Migs na naglihis sa pagkabagabag na iniisip nito at agad na lumingon.
“Huh?
Sinong ex?”
000ooo000
Masaya
na si Ram at wala na siyang iba pang maihihiling. Asa kaniya ngayong
tabi si Martin na mas mahal niya pa kesa sa sariling buhay at
karga-karga niya ngayon ang magdadalawang taong gulang na bata na
ipinanganak gamit ang isang surrogate. Tulad ng pagsasama nila Migs
at Ed ay hindi rin nilulubayan ng pangungutya at problema si Ram at
Martin pero katulad din nila Migs at Ed ay kinaya nila lahat ng ito.
“Oh
shit.” bulong ni Ram nang makita niya sila Ed at Migs sa isang
lamesa hindi kalayuan mula sa lamesa na ibinigay sa kanila ang
hostess sa restaurant na iyon.
“Martin,
can we eat somewhere else?” tanong ni Ram habang sumusulyap kila
Migs na mataman ding nakatingin sa kanila na agad namang nagiwas ng
tingin nang makita ang pagsulyap sa kanila ni Ram.
“What?
I thought you like to eat seafood this time? This is the best seafood
restaurant in town.” sagot naman ni Martin habang pinapasadahan ang
menu bilang sabi na hindi na sila lilipat pa ng kainan.
“What
about Igi?” tanong ni Ram, nakataas kilay naman siyang tinignan ni
Martin.
“Didn't
we bring baby food for him? C'mon, Ram. What is this all about?”
taas kilay paring tanong ni Martin.
“Ahh—Uhmm---
My ex is here. Don't look now but they're on the third table to your
left.” bulong ni Ram sabay itinago ag sarili sa menu, kunwari
pumipili ng kakainin.
“I
said don't look!” singhal ni Ram pero huli na dahil napansin na
nila Migs at Ed ang pagtingin sa kanila ni Martin.
000ooo000
“I
said don't look! Geez, Ed!” singhal ni Migs sabay punas sa mga
imaginary pawis ni Joshua para mag mukhang may ginagawa siya.
“What?!
You still have feelings for him? I thought you guys talked and
decided that it's better for you guys to remain as friends?”
naniningkit na tanong ni Ed kay Migs na tinignan siya ng mariin bago
sumagot.
“We
did talk and decided to remain just friends! But it's still awkward
seeing him, you know! And NO! I don't have lingering feelings for
him.” balik ni Migs, pilit na binabalewala ang naniningkit na
tingin ni Ed.
“Good!
We should say hello on our way out, then.” kaswal na balik ni Ed
sabay senyas sa waitress para sa kanilang bill.
“No!”
mariin ulit na balik ni Migs na ikinasingkit ulit ng mga mata ni Ed.
“Please?”
pagmamakaawa ni Migs kay Ed habang binubuhat ng huli ang humahagikgik
na si Joshua mula sa baby seat.
“Fine!
Geesh, Migs. After all this time you still feel awkward seeing Ram?
You dumped his ass, so what?” umiiling na pasaring ni Ed kay Migs
habang pinipilit na hindi humagikgik.
“ASS!
ASS!” sigaw ni Joshua sabay hagikgik na ikinalaki ng mga mata nila
Migs at Ed.
“You're
a bad influence to our son!” umiiling na saad ni Migs sabay mabilis
na naglakad palabas ng restaurant upang makaiwas sa mga tingin ng tao
na nakarinig sa mga sinabi na iyon ni Joshua.
000ooo000
“Is
that the guy that made you sleep around?” tanong ni Martin kay Ram
nang mapansin nitong hindi parin ito mapakali kahit pa umalis na ang
sinasabi nitong ex. Tumango naman si Ram bilang sagot sabay pahid sa
tumutulong laway ni Igi para lang hindi niya masalubong ang tingin ni
Martin.
“I'm
cuter than him.” saad ni Martin sabay subo sa soup na kaniyang
in-order.
“What?”
nangingiting tanong ni Ram, narinig niya ang sinabi ni Martin at alam
niyang pinapagaang lang nito ang kaniyang loob pero hindi niya parin
mapigilan na ipaulit dito ang sinabi para lalo pang mapagaang ang
kaniyang loob.
“I
said I'm cuter that your ex.” sagot ni Martin sabay mariin na
tumingin kay Ram na hindi mapigilan ang sarili na mapangiti.
“Yes,
you're defenitely cuter.” sagot ni Ram, tuluyan nang gumaang ang
loob nito at wala sa sariling inabot ang mukha ni Martin at
pinasadahan ng kaniyang palad ang makinis nitong mukha. Ngumiti narin
si Martin lalo pa't alam niyang napagaang na niya ang loob ng
kinakasama.
000ooo000
“I
still don get why you're so fussed about this.” saad ulit ni Ed
sabay make face upang mapatawa ulit si Joshua na kaniya na ngayong
karga- karga habang si Migs ay di parin mapakali.
“Well
you're not the one who broke his heart.” nakanguso nanamang sabi ni
Migs sabay tingin ng mariin kay Ed, muling bumalik ang mga dinadala
niya may ilang taon na ang nakakaraan nang saktan niya si Ram.
“Am
I a bad person, Ed?” nangingilid luhang tanong ni Migs sa
kinakasama, muli kasing bumalik sa kaniya ang paninisi sa sarili sa
pagiging pakawala ni Ram matapos niya itong saktan at ang posibilidad
na hanggang ngayon ay hindi parin siya nito napapatawad ay lalong
nakapagpabigat sa kaniyang nararamdaman. Sinulyapan ni Ed si Migs,
isang tingin niya lang dito ay alam niyang muling bumalik ang matagal
na nitong nakalimutang hindi matapos-tapos na pagkabagabag patungkol
sa pananakit nito kay Ram noong mas pinili siya ni Migs imbis na
huli. Ang pagkabagabag na ito ni Migs ay nagtulak kay Ed na abutin
ang kamay nito at pisilin.
“Hey.
Stop beating yourself over nothing. He looks OK now. He looks happy.
I'm sure napatawad ka na nun.” saad ni Ed, pilit na ina-alo si Migs
at mukhang nagtatagumpay siya dito. Niluwagan na ni Migs ang kaniyang
kamay sa pagkakahawak ng kamay ni Ed nang lalong higpitan ni Ed ang
pagkakahawak sa kaniyang kamay. Tinignan ito ni Migs, bibihirang
ipakita ni Ed ang kaniyang pagmamahal kay Migs sa ibang tao kaya't
ang ginawang ito ni Ed, bilang sabi na andun lang ito sa kaniyang
tabi ay tuluyang lumusaw sa pagkabagabag ni Migs.
000ooo000
Tuluyan
nang nakalimutan ni Migs at Ram ang kanilang saglit na pagkikita sa
restaurant nung tanghalian dahil narin sa kanilang kaniya-kaniyang
mga minamahal na kinakasama at mga anak. Naalis na ang hindi
pagkapakali ni Ram at ang pagkabagabag ni Migs at akala nila na ay
magtutuloy-tuloy na iyon.
“Hold
the elevator please.” nag-tense ang buong katawan ni Migs nang
marinig ang tawag na ito si Ed naman dahil hindi niya nakilala ang
boses na iyon ay pinindot ang hold button ng elevator.
Agad
naman na namutla si Ram nang muling bumukas ang muntik nang magsarang
pinto ng mga elevator at bumulaga sa kaniya ang pamilya ni Migs.
Hindi napansin ni Martin na sila Migs pala ang laman ng elevator
dahil abala ito sa pagtingin sa kaniyang humahagikgik na anak at
pag-gabay kay Ram papasok ng elevator na hindi sana sasakyan ni Ram.
Nalaman niya nalang ang dahilan sa biglaang pagtahimik ni Ram nang
magsalita si Ed.
“Hi,
Ram. Kamusta?” kaswal at nakangiting tanong ni Ed na lalong
ikinabahala ni Migs.
“Ed!
Migs. Kayo pala yan---!” arte naman ni Ram na parang nagulat at
noon lang nakita ang dalawa.
““Kayo
pala yan?” Wow, Ram! Nice bullshitting skills!” bulong
ni Martin sa sarili at pinigilan ang sarili na mapatawa sa
ipinapakitang ka-eng-engan ng kinakasama.
“---OK
naman ako-- Kayo? Kamusta? Siya nga pala, si Martin, partner ko saka
anak namin si Luigi.” kinakabahang sabi at pakilala ni Ram.
“OK
naman kami.” kaswal na sagot ni Ed sabay abot ng kamay ni Martin.
“Nice
meeting you, pare.” bulalas ni Ed.
“Same
here.” kaswal na balik ni Martin. Pagkatapos nito ay saglit silang
binalot ng katahimikan. Siniko ni Ed si Migs bilang sabi na sumagot
din ito sa pangangamusta ni Ram at kamayan din si Martin upang hindi
naman sila balutin ng nakakakilabot na katahimikan.
“O-Oo.
OK naman kami. Kayo?” tanong ni Migs, hindi alintana na nasagot na
ni Ram ang tanong na iyon, ikinairap ni Ed ang katangahan na ito ni
Migs at katangahan rin na iyon ni Migs ang ikinahagok ni Martin dahil
sa hindi mapigilang paghagikgik.
“Ah
eh uhmmm OK naman kami.” sagot parin ni Ram sa inulit na tanong ni
Migs.
Idinaretso
na ng lahat ang kanilang tingin sa mga numero na nagfla-flash sa
ibabaw ng pinto ng elevators na siyang nagsasabi kung anong floor na
sila.
“19”
“20”
“Anak
niyo?” basag ni Martin sa katahimikan.
“Yup.
This is Joshua.” proud na pakilala ni Ed sa kaniyang anak kay
Martin at Ram.
“Cute.”
walang emosyon na bulalas ni Ram na siyang lumabas na pagiging
plastik para sa tenga ni Migs, binigyan ng isang masamang tingin ni
Migs si Ram pero agad niya itong binawi. Muling binalot ng
katahimikan ang buong elevator.
Nang
bumukas ang pinto ay sabay-sabay na nagbuntong hininga ang apat pero
agad ding natigilan nang mapansing sa iisang floor lang ang
destinasyon nila at ang sunod na nangyari ay nakapag-palamig sa dugo
ni Migs nang mapansing sa katabing bagong upang unit tumuloy sila
Ram.
“Shit.”
bulong ni Migs na ikinahagikgik ni Ed.
“Well,
this is going to be interesting.” humahagikgik na saad ni Ed sabay
bukas sa pinto ng kanilang unit.
000ooo000
“They're
our new neighbor?! Gawd, how twisted is that?!---” simula ni Migs
nang maibaba na ni Ed si Joshua sa crib nito. Napa-irap na lang si Ed
nang maisip na hindi na niya maririnig ang katapusan ng usapan na
iyon.
“---And
did you see their baby?! It's head is like shrunk or something---”
pagpapatuloy ni Migs na ikinalaki ng mga mata ni Ed, hindi malaman
kung matatawa o maiinis sa inaasta ng kinakasama.
“What
the hell?! Their baby's head doesn't look like it shrunk, Migs!
You're being mean!” nanlalaki paring mata na saad ni Ed.
“What?!
I'm not being mean! I'm just saying what I see!” kibit balikat na
saad ni Migs na naging dahilan upang padilatan siya lalo ni Ed.
“Fine!
Their baby doesn't look like it's head got shrunk or something!”
pagsuko ni Migs.
“Igi's
kinda cute.” kibit balikat na balik ni Ed matapos sumuko ni Migs.
“Fine!
Igi's cute but Joshua is cuter!” habol ni Migs sabay sunod kay Ed
na noong puntong iyon ay tumuloy na sa kama upang matulog na.
“Hell
yeah! My son's cuter!” saad ni Ed sabay biglang pumaibabaw kay Migs
at siniil ito ng halik.
000ooo000
“Did
you see their son? Gawd! That kid will grow up like his Dad! A
player, a heart breaker and an asshole!” singhal ni Ram.
“Hey!
Not in front of the kid.” saway ni Martin sa kaniyang kinakasama
habang pinapalitan ng diaper si Igi.
“Wait.
Who are we talking about?” tanong ni Edison na kumakain ng pansit
sa may sofa katabi ang ga-higanti nitong teddy bear at si Jake na
nanonood ng PBA.
““Migs.””
sabay na sagot ni Martin at Ram.
“That
asshole who broke your heart?” tanong ni Edison sa pagitan ng
pag-nguya at pagsubo.
“Hey,
I said not in front of the kid!” saway ulit ni Martin.
“Is
he cute?” tanong naman ni Jake kay Ram nang mag-commercial ang
pinapanood nito na nagdulot kay Edison na mabulunan. Sinuntok ni
Edison ang malaking teddy bear sa gitna nila ni Jake na siya namang
mabigat na humilig kay Jake.
“Aww!”
reklamo ni Jake nang humilig sa kaniya ang gahiganteng teddy bear.
“Yeah.
He's cute.” wala sa sariling pag-amin ni Ram sa tanong ni Jake kung
cute si Migs na ikinataas ng kilay ni Martin.
“I
mean, he gained a lot of weight and his hair is thinning out, Martin
is definitely hotter plus did you see their baby?! It's so fat it's
not even funny!” bawi ni Ram nang makita niya ang pagtaas ng kilay
ni Martin nang madulas siya at aminin na cute si Migs. Alam ni Martin
na sinabi lang iyon ni Ram upang makabawi sa kaniyang pagkakadulas
dahil sa nakita niya ay hindi naman mataba si Migs, ang totoo niyan
ay maganda ang katawan nito at lalong hindi numinipis ang buhok nito
pero hindi parin nun napigilan ang maglagay ng ngiti sa mukha ni
Martin.
“That's
mean, little brother.” umiiling na sabi ni Edison sa kapatid
matapos nitong laitin ang anak ni Migs sabay lantak ulit sa kinakaing
pansit at sumandal sa kaniyang teddy bear.
“Yeah
that's mean.” sang-ayon naman ni Jake.
“Fine!
Joshua is a cute little bugger!” singhal na pag-amin ni Ram na
ikinahagikgik ng magkasintahan na si Edison at Jake.
“I'm
beat! Martin, are you coming to bed?” tanong ni Ram sa kinakasama
nang makitang nakatulog na ang kanilang anak na si Igi.
“Yes,
Hon, coming!” pairap pero nakangiting sagot ni Martin.
“Good
night guys!” sigaw ni Martin sa kapatid at kay Jake.
“Galingan
mo, little brother.” humahagikgik na pasaring ni Edison bago pa
makapasok si Martin.
“Shut
up, Edison!” singhal ni Jake sabay suntok sa malaking teddy bear sa
pagitan nila ni Edison na siya namang mabigat na humilig sa huli.
“Awww!
It's not like you don't know they're going to do it!” balik ni
Edison kay Jake.
“You
should've kept it to yourself! It's not your damned business you
know!” balik naman ni Jake. Sasagot na sana si Edison nang
makarinig sila ng impit na ungol sa loob ng kwarto na pinasukan nila
Ram at Martin. Nagkatinginan si Edison at Jake at sabay na
humagikgik.
000ooo000
Pagod
man matapos ang mahabang araw sila Migs at Ram ay hindi parin sila
datnan ng tulog. Iniisip ang ilang mga bagay na natural lang na
iniisip ng mga magulang. Ang hinaharap ng kanilang mga anak. Pero
kahit pa abala sila sa pag-iisip sa hinaharap ng kanilang mga anak,
may ilang mga bagay parin na sumisingit sa kanilang mga isip. Para
kay Migs ay ang ginawa niyang pananakit kay Ram at kung pano
mareresolbahan ang pangongonsensya sa sarili at para naman kay Ram ay
ang pag-iisip patungkol kay Migs at kung paanong magiging katulad din
nito ang anak pag-laki.
“I
wish they won't become friends.” Tahimik
na hiling ng dalawa sa sarili, iniisip ang maaaring maging
pagkakaibigan ng kanilang mga anak na sila Joshua at Igi paglaki.
“My
son is definitely cuter.” bulong
ulit ng dalawa sa sarili. Matapos niyon ay pinasok naman ng mga
“Paano kung” ang
kanilang mga isip tulad ng...
“Paano
pagnagtanong na siya kung bakit dalawa ang daddy niya? Anong isasagot
ko?” pero kaakibat ng mga
“paano kung” na
mga tanong na ito ay mga blangkong sagot na lalong nagpa-gulo ng
kanilang mga isip.
“I'll
think about this tomorrow.” sabi
ni Migs at Ram sa kanilang sarili at sabay na pinikit ang kanilang
mga mata at yumakap sa kani-kanilang mga kinakasama.
“I
Love you, Ed.” bulong ni Migs na sinagot naman ng inaantok na ungol
ni Ed na ikahagikgik ng huli.
000ooo000
“I
love you, Martin.” bulong ni Ram sabay yakap dito.
“I
know.” kaswal naman na balik ni Martin at muling bumalik sa
pag-tulog.
The Things That Dreams Are Made Of
The Things That Dreams Are Made Of
“Prologue”
by: Migs
Hey Guys! Inihahandog ko ang pinakabago kong series. hehe! This is not a continuation of Chasing Pavements, wag sana kayong malito dahil sa pagkakapareho ng pangalan ng ilan sa mga bida. Continuation ito ng LAIB book 1 pero pwede ring stand alone story. :-)
ReplyDeleteHindi ito ang pinaplano kong i-post. Promise. I said I'm done with interlaced stories right? but i keep on having these weir dreams and day dreams about this plot. Yes, napapanaginipan ko rin ito habang dilat! di ko siya maintindihan nung una at habang sinusulat ko ang dapat sana ay i-po-post ko na ngayon ay pilit na pumapasok ang panaginip na ito sa aking isip! ang nangyari tuloy, hindi ko na naituloy yung isang story at ito ng panaginip na ito ang tinipa ko. Sa loob ng limang oras natapos ko ang series na ito. Sana magustuhan niyo! :-)
next post ko na sasagutin ang mga comment niyo sa last part ng Different Similarities book 2. Medyo pagod na ako eh. hehe! Love you guys!
Oo nga pala! kumunsulta ako sa isa kong kaibigan na lawyer. Yes, may friend akong lawyer. Susyal no? haha! anyway. Nagtanong ako about copyrighting my stories here in my blog. Sabi niya sakin na huwag akong maging impokrito. bakit kanyo? i swear di ko din alam na lumalabag na ako ng batas by dragging pictures from the net and posting it here in my blog as poster for my stories. Ang siste pala, lahat ng written works, photos and videos at marami pang ibang likha ay copyrighted na basta't itoy ginawa after 1927. so hindi ko na kailangang lagyan ng copyright ang aking mga akda kasi understood na iyon. Ang problema lang ay hindi ito alam ng ibang tao. haha! so malaya parin silang kumukopya ng walang paalam. Wag na lang sana silang mahuli. tama?
ReplyDeleteAbout the pictures, kahit pala minodify ko ito at ginawang akin ay lumalabag parin ako sa copyright law, ayon sa akong lawyer friend. Kaya ang ginawa ko? tinanggal ko lahat ng pics sa blog ko. simula sa pinakaunang story na pinublish ko dito. Kaya sana po ay huwag na kayong mag-taka na wala na akong poster bawat story.
Tanong ko lang? kailangan ba talaga ng poster sa bawat story? may naidadagdag ba ito para sa inyo? Since hindi naman na ako gagawa ng teaser ay hindi na kawalan para sa akin ang mga poster na iyan. Kayo ba? anong palagay niyo? Saka pampabagal ng pag-load yan ng page diba? hehe! Reply kayo ah! :-D
Love to read your comments, guys! keep 'em coming! ^_^
Hi Migs,
Deletefor me, it does migs kasi nakakapagpadagdag un sa interest ng readers what to expect sa story plus mas pleasing sa eyes kung pag open mo ng story bubungad sayo ang isang magandang scene that will set the imaginative mode of the person reading your stories. But your friend is right (though ung boss ko ang lawyer I understand some of the laws here in our country and few from the Int'l laws). I know it's not intentional but you might have violated other people's rights pero at the end of the day alam ko na you only wish to give the best to your readers, kaya I don't blame you for that. Although it adds some spice to your story kahit hindi mo na lagyan ng poster as long as the essence and the plot is there nothing will change I'm still your No. 1 fan hehehe(baka patayin ako ng mga nauna sa akin d2 sa blog mo migs).
Another story to look and wait for. I know this is another work of art, so I will sit back and wait for the next chapter.
Take care and keep on writing.
i agree kuya Migs. kakadagdag sya ng interest na basahin pa ito. hehe.
DeleteHahaha i miss them hehehe lalo na si cha ang best ni migs hehehe this is gonna be exciting
ReplyDeleteKV
Ye'ey! May bago na naman akong aabangan. Though ang kulit lang ng prologue. Hmmm parang nase-sense ko... This is about their sons Igi and Joshua at after 20yrs later LOL. Naks naman, nagle-level up na. Hahaha
ReplyDeleteabout sa poster okay lang ang wala na but its much better if meron. I'm sure, dami magpapadala ng personal na gawa nila for you and for the story wholeheartedly. At masasabi mong iyo. Ung mga xerox machine naman (mangongokya) wag naman nilang i owned ang story mo.
Take care always.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKuya Migs, maya ko basahin yung story, finollow muna kita, now lang ulit nka gamit ng personal PC eh.
ReplyDeletewow thanks sa info about copyright. ganon pala yun. hehe.
out muna.
btw, thanks sa bagong story.
ang ganda kuya! hehe. sobrang exciting ng mga mangyayari. salamat po sa post! ingat po!
ReplyDeleteMayyy gawwwd!! Ano nanaman to Migs? Isa nanaman ba ito sa mga magpapastress sakin, magpapastress sa sobrang excitement para sa sususunod na update? I'm sure isa nanaman to sa aabangan ng mga readers mo. ;) Nakakamiss yang mga characters na yan! And btw Migs siguro nman dito sa book na to may partner na si Cha (kung meron man syang exposure). Hahahahaha!!
ReplyDeleteErwin is confused.
ReplyDeleteBut i liked it! They have their own babies! Ang cute!
Anyway migs konting chika lang. Discarded na si ojt. May nakilala at pumasok sa buhay ko. He is cute and so handsome. Isang letter lang pagkakaiba ng names namin. We are getting along very well. :)
ang ganda kaya ng story nila ulit.... just imagined na mamet ulit ang landas nila.... na may mga anak na sila... that until now walang nag babago sa kanila kung papano nila harapin lalot na may anak na silang pareho.... how interesting their situation.... mukhang exiciting at kapananabik ang bawat detalye ng story nila...
ReplyDeleteramy from qatar
Ayun nabasa ko din...
ReplyDeleteWaaaaaah!!!!! Yung mga characters sa LAIB series!!!!! Namiz ko sila!!! Ang ganda kuya migs.
Tungkol kaya saan to????
Story ba ito ni Igi at Joshua? Or story ulit nilang lahat??
Nakaka excite!!! Ang galing talaga ng utak mo mag-isip!!!
Next na please!!!!
---
Pa-epal lang @ERWIN F.
ERVIN siguro yung name na sinasabi mo. Isang letter lang sabi mo eh. Haha! Cenxa na napaisip lang ako kaya napa-epal na din sumagot.
confused lang ako sa characters na Ed at Edison...
ReplyDeleteabout naman sa poster, para sa akin ok lang na wala. ngunit gaya ng mga nabanggit nila sa itaas, nakakadagdag iyon ng interes.
at gaya rin ng comment nung isa... "Isa nanaman ba ito sa mga magpapastress sakin, magpapastress sa sobrang excitement para sa sususunod na update?" --- hehehe, alam na.
hmmm... cguro magkakatuluyan d2 cna igi at joshua.. mga anak nina ram at migz.. hehe
ReplyDeleteMr. Author im confused... Sa ed and edison, i think of them as one person...
ReplyDeleteBut anyways, cute start! More scene for the babies!! Haha.. Please!
I think this is about igi and joshua awww
ReplyDeleteIm sure magandang story to
Bungad palang maganda na
Nice work migs
Magandang plot
Magandang settings
Pati ang papalit palit na point of view, imbes na makagulo ay nakakadagdag ito sa appeal ng story
Looking forward po sa next chapter
Rez Ortaliz
Bacolod city
ang taray mo migs may friend ka na lawyer makahanap nga din sa dictionary o dyaryo hehehhe..
ReplyDeletenice story migs..life after love life
PM sent. maya na ung uber reaction kasi me assignments pa ako at ang haba! loko tlaga tong med. :p PM lang ako sayo kuya. hehe.. paunang message pa ung nasend ko. XD
ReplyDelete-->nIx
bakit may legal issue dito? tapos na ang impeachment migs. hahahaha!!
ReplyDeleteseriously, yang copyright infringement or some sort in my humble opinion proscribed any person from using material/s of any kind with the intention of "benefiting" from it at the expense of the "true" and "real" creator, but if there is an explanation or a valid reason as to why such action had been done i think the law must not be rigorously enforced, provided of course that there should be a corrective measure to which the "guilty" party must undertake. this is what we call leniency and human compassion. at gaya nga ng sabi mo nakakagamit ka din ng material/s ng iba kaya guilty ka din and you readily corrected it. for that KUDOS! :D
siguro ang issue lang talaga is yung respeto sa gumawa na magpaalam at magbigay ng credit sa gawa mo which apparently di nagagawa ng iba. di mo naman siguro ipagmamaramot ito no? basta magpaalam at bigyan ka ng credit =)
about sa story. WOW! kapangalan ko pa ang anak ni migs, so therefore pwede pala kitang tawagin na DADA na ngayon, bwahahahaha!!
parang itong si LUIGI na anak ni ram in some way connected sa AKIN at SAYO...tama ba? :O
nice! aabangan ko ito migs (",)
nice aman e2ng new story mo, nakaktuwa at nkakakilig. both have son to raise na hindi pa man ay andami ng bumabagabag sa kanila. he he he. next na po.
ReplyDeleteI come here to read your stories kuya, poster or no poster, the stories are still great :))
ReplyDeleteBtw, hands down dun sa different similarities 2... Gonna be one of my definite favorites... Astiiiig talaga nung ending eh, :-bd
hai nku ngloloko na naman mobile blogger -_-
ReplyDeletesummarize q nlang coment q na ayaw ipost ng buset na cp na to -_-
cute ng start ng kwento kht nalito aq sa pangalan lolz, bsta excited nq sa mga su2nod na mangyayari
about sa poster, ok lng na wla at tama nga ms mblis mgload pg wla images... kaso, dagdag nga sa appeal ung poster, sbi nga a picture paints a thousand words, parang ung poster na mismo ung summary ng kwento, parang gnun ba... xD
HONESTLY. AHAHA NALITO AKO. DAMING SHIFT SA POV. AND DAMING CHARACTERS. SABAY SABAY NAGFLASHBACK STORIES MO SA UTAK KO.
ReplyDeleteIN THE LONG RUN NAGEST KO NA! RAMBULAN NANAMAN TO. AND TO THINK NA PARANG WALA LANG SA MGA PARTNERS NILA ANG RIVALRY. ANGALING NG PAGKA WEAVE NG MGA SEQUENCES. AHAHA . CAN'T WAIT FOR THE LOVE STORY NUNG DALAWANG BATA AND KUNG PANO MAG KAKALMA YUNG RIVALRY BETWEEN MIGS AND RAM.
WISHING FOR ALOT OF CAMEOS DITO. C CHA! NAMISS KO YUNG CHARACTER NYA.
AY KUYA MIGS. YUNG TIME BANG TO SAME AS YUNG TIME NA MALAKI NA C LIAM OR DIFFERENT?
ANYWAYS.. KUYA MIGS!! KALA KO NAMAN MAG BREBREAK KA MUNA.. KUMUSTA KANA? GET WELL SOON!! AND GODBLESS AND INGAT LAGI!
STILL PRAYING FOR YOU!
_ICHIGOXD
wow may legal issue talaga hehehe...:)
ReplyDelete-tnx pla sa shinare mu ah...i got a lot from it ...nag sstart n din akong mag sulat pero di ko pa maupuan masydo kasi dami work.,
-may bago n nmn kaming aabangan...
-ingat ka palagi migui boy..:)
wow me bago na naman..hahahha...galeng mo po tlaga...
ReplyDeletenaiinspire ako sa mga kwento mo..
:p
jap24
AUTHOR MIGS!!!
ReplyDeleteHOHOHO!!! Let's celebrate you won't really make us DOWN..and just like what my commment says :D in vitro babies!!! no rather surrogate ones :D SOBRANG SAYA KO:D haha as in oo..hehe..hancute joshua and luigi :3 sounds interesting ang paglaki ng dalawa:D hehe Witwiw i remember martin with ram..haha..you're right happy na nga si RAM, i just forgot this scene but now i do remember him..ask lang may sariling story ba si martin, sounds really familiar haha..sori malilimutin lang :P
pero seriously it's so cool!
ANG COOL DIN NG BAGONG background mo:D actually sunday ko pa nakita to kaya lang di ako makapag comment kasi baka di mo na mabasa pag nag post ako sa last story mo.Ang linis tignan hindi na rin bothering yung gilid ng recent comments mo, basta everything is on its place, ang ayos talaga:D btw why remove the blue color and stick to black? :( yun favorite color koXD no means pero parang pale tuloy tignan. tapos did you just change font or the size? ok na yung sa gilid pero yung sa story mismo,parang may nabago talagaXD haha
and Whoah didn't know about that legal issue 'bout copy rightsXD taray ng friend mo lawyer ^^ ok lang naman siguro yung pagatangal sa mga poster pero please could you arrange them according to plot time, tama ba? hmm, basta yung pagkasunod sunod according to first story yung kagaya dati? haha para di kami mahirapan mag browse sa past stories kung kailangan ng back ground checking :D
MORE MORE STORIES TO COME, disregard mo na yung "hindi ko na gagawan pa ng interlaced stories" yun na kaya trademark mo since '09 tama ba? haha correct me if im wrong.
Opo kuya, meron po sarili kwento si Martin, sya po ung writer ng isang Magazine na nafall kay Ram dahil sa isang project.
DeleteMakikisagot lang po. ;)
thank you so much Iyanchan:D haha nalala ko na! siya yung best ni edison na naging secretary ni ramXD
Deleteoh di ako na ang hindi na naman mapapakali pag di nabasa ang next update. hahaha
ReplyDeletesiguro naman wala ng magiging something between Ram and Migs kasi they both have family na. hahaha
what about Cha? hindi ba sya magkakaroon ng partner? dinaig pa sya ng ga kasama nya. ahahaha
Ayylaaaveeeth! :) Keep up Migs! Ano kaya ang twist nitong story na 'to? Exciting! Hahaha!
ReplyDeleteAbout poster, kahit huwag na. Sa mobile lang kasi ako. Hehe. :)
Kailan nga pala yung Chasing Pavements? Ituloy mo na! Gusto ko na malaman ang update sa love life mo! Puhlease Migs? Hehe. I love you! :)
-ManInWhite ^^
Ohh! This is going to be interesting... ex being your neighbor... how twisted is that? Very! Riot to for sure...
ReplyDeleteAbout Poster, ok lang na wala pero kung poster mo Migs ilalagay mo, for sure Panalo!!!!
Yow Migs! Late Comment ako! LOL nice nice! :D
ReplyDeletekuya migs di ko na po mabasa sa mobile ang mga stories mo
ReplyDeleteT.T
-jay
migs! don't stop in making interlaced stories! :) and unsual kase kaya maganda basahin. :) so please do continue making them! ibang plot, charcaters and story naman. :) you're one of the best writers! so don't stop! :D haha keep on going!
ReplyDelete