The Things That Dreams Are Made Of 1

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.



Muling tinignan ni Josh ang sariling repleksyon, pinasadahan ng palad ang kaniyang school uniform. Katulad ng kaniyang ama na si Ed, ang didisyete anyos na si Josh ay matangkad, kayumanggi at gwapo, perpektong halimbawa ng tinatawag nilang “Tall, dark and handsome”, tulad ng ama ay nagpa semi kalbo rin ito na lalong nagpatingkad sa maamo, makinis at napaka-gwapong mukha nito, katulad din ni Ed at Migs ay alaga rin nito ang kaniyang katawan sa gym at halos doon na tumira upang hindi bumalik ang dati nitong timbang na hindi man kabigatan ay lubos namang malaki para sa kaniyang height. Nang masigurong perpekto na ang lahat ay pilit nang inalis ni Josh ang tingin sa sariling repleksyon. Naka-ngiti siyang lumabas ng kwarto at binati ang kaniyang dalawang ama na nagkukuwentuhan habang kumakain ng agahan.

Hey Dads!” magiliw na bati ni Josh kay Migs na may pagka OC-OC na nilalagyan ng butter ang kaniyang tinapay at si Ed na nagbabasa ng dyaryo habang pinag-uusapan ang kanilang maiiingay na kapitbahay.


Hmmm.” “Mornin.” sagot ng kaniyang dalawang ama na ikinahagikgik ni Josh.


Out of coffee again?” tanong ni Josh sabay pumunta sa tapat ng blender upang gumawa ng kaniyang protein shake.


How'd you know?” tanong ni Ed sa anak na lalong ikinahagikgik nito.


Because you guys are grumpy this morning.” naka-ngisi paring sagot ni Josh sa kaniyang ama.


Yeah. Your Dad here forgot about the damn coffee yesterday.” saad ni Migs sabay irap.


I was busy with the store, Migs. You know that, how the heck am I going to buy 'em if I was busy?” kaswal na sagot ni Ed, hindi parin inaalis ang mga mata sa binabasa sa dyaryo.


Uhmm simple, you get out of the store when you're not busy anymore, take two steps to your right then enter the hypermarket and look for the shelf that holds the coffee--- You do know that the store is just two steps from the hypermarket, right?” sarkastikong balik ni Migs na ikinahagikgik lalo ni Josh. Hindi niya alam kung bakit pero simula noong bata siya ay wiling wili siyang pinapanood ang mga palitan na iyon ng kaniyang dalawang ama.


Yeah, I think so.” kaswal paring balik ni Ed na ikinairita ni Migs.


YOU THINK?! Your store has been there beside the hypermarket for the past ten years and still you're not sure that the hypermarket is just two steps away?! You're impossible! You know that?!” singhal ni Migs sabay tayo at nagtungo sa kanilang kuwarto hawak hawak ang minantikilyahang pandesal.


Yep, I'm impossible!” balik ni Ed sabay ngisi na lalong ikinairita ni Migs. “But I know that you still love me kahit pa gano ako ka-imposible.” habol ni Ed sabay kindat sa wiling wili na si Josh. Nang hindi sumagot si Migs na abala sa pagbibihis sa kanilang kwarto ay malakas na inulit ni Ed ang kaniyng huling sinabi at ininis pa ito lalo.


You do still love me even if I'm impossible, right? Because if not I can still hook up with some pretty girl---” simula ni Ed na ikinahagikgik lalo ni Josh habang inililipat ang kaniyang protein shake sa kaniyang tumbler.


YES, EDUARDO SANDOVAL III, I STILL LOVE YOU EVEN IF YOU'RE ALWAYS IMPOSSIBLE!” sigaw ni Migs mula sa kanilang kuwarto na ikinahagikgik ni Ed at Josh sabay apir.


You're so awesome like me, Dad.” mahanging sabi ni Josh na ikinahagalpak sa tawa ni Ed. Nakakaaliw man ay aminado si Ed na may problema ang kanilang anak sa pagiging vain at masyadong confident nito. Hindi alam ni Migs at Ed kung ano ang nangyari sa kanilang mahiyain at may inferiority complex na anak at bigla itong nagbago. Pero sa kabila ng nakikitang problema na ito ni Ed ay muli na lang niya itong ikinibit balikat katulad ng mga naunang beses na napansin niya ito, iniisip na hindi pa naman masyadong yumayabang ang anak at wala rin namang masama sa pagiging medyo vain.


I'm ready! Let's go!” masiglang sigaw ni Migs na ikinagising ni Ed sa iniisip nito at ikina-kunot noo naman ni Josh.


Wait? Diba graveyard shift ka ngayon, Dad? Where are you going?” tanong ni Josh.


Oh. We forgot to tell you, Your Dad can't give you a ride to school because he has to talk to your grandma via skype and report some things about the business. So it's just me and you this morning, kiddo.” masigla at nakangiting sagot ni Migs na ikinamutla ni Josh.


What?!” pasigaw na tanong ni Josh.


Why, what's wrong. I'm not that bad of a driver, right?” medyo nasaktang tanong ni Migs pero itinagao niya ang sakit na iyon sa likod ng isang nagaalangang ngiti. Alam niya kasi ang totoong dahilan sa likod ng pamumutlang iyon ni Josh. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya o natatakot parin ito na may makaalam na may dalawa siyang ama.


Inasahan na ni Migs na dadating sila sa punto na ito, dalawang taong gulang palang si Josh ay iniisip na niya ang mga “Paano kung---” na mga tipo ng tanong na ito. Akala niya ay handa na siya kung sakaling dumating ang panahon na iyon, ngunit mali siya dahil makalipas ang labing apat na taon ay hindi niya parin nasagot ang tanong na “Paano kung ikahiya niya na may dalawa siyang ama, kesa sa pagkakaroon ng isang ama at isang ina?”


Why? Anong masama kung Dad mo ang magda-drive sayo ngayon?” mariiin na tanong ni Ed na nagsabi kay Josh na huwag na siyang umangal pa at lalong saktan si Migs.


Nothing.” nakasimangot na sagot ni Joshua sab lakad palabas ng front door.


Aren't you going to say bye to your dad, first?” tanong ni Migs kay Josh na malapit ng maabot ang front door.


Bye.” matipid at malamig na sagot ni Josh na nagdulot kay Migs at Ed na magpalitan ng tingin.


We'll talk about this later, OK?” alo ni Ed sa naka-frown na si Migs sabay yakap dito ng mahigpit.


I love you.” bulong ni Ed sabay dampi ng kaniyang labi sa labi ni Migs, agad-agad ay muling tumatak ang ngiti sa mukha ni Migs.


I love you more.”


000ooo000


Nang dumating sa harapan ng elevator si Migs ay agad niyang nasabi sa sarili na mukhang hindi magiging maganda ang araw na iyon para sa kaniya matapos niyang mabungaran si Ram katabi si Igi na sinusupladuhan si Josh habang nakikipagbiruan kay Ram.


Mr. Saavedra, It's Josh now, not Joshua, Joshua is too long.” humahagikgik na sabi ni Josh habang inaabot ni Ram ang buhok nito para guluhin, katulad ng pag-gulo niya dito nung mga bata pa sila Igi at Josh.


Yes, dad. Joshua is-- I don't know--- too gay? You should stick with Josh or---Oh! I know! You could call him Ms. J. Sandoval!” nakangising pangaalaska ni Igi kay Josh.


Igi!” saway ni Ram sa anak.


What?! I'm just joking.” balik ni Igi sa ama sabay irap. Sa puntong iyon ay ipinaalam na ni Migs na andun siya sa likuran ng mga ito.


Good morning.” plastik na bati ni Migs kay Ram atsaka tumingin kay Igi at nginitian ito.


Hey, Igi! Nice shoes! Where'd you get 'em?” masiglang tanong ni Migs kay Igi na ikinangiti ng malaki ng bata.


Oh! Aunt Cha got 'em for me for winning the MVP award. Aren't they neat?!” excited na sabi ni Igi na ikina-irap naman ni Josh.


My son is so good at basketball it's not even funny anymore! What about you, Josh? Got anything from your Aunt Cha?” excited na singit ni Ram. Hindi naman nakaligtas kay Migs ang pasimpleng pagmamayabang nito na ikinakulo ng kaniyang dugo. Simula noong lumipat sila Ram sa katabing unit ay hindi malaman ni Migs kung bakit imbis na ma-resolba ang kung ano mang hindi naayos na gusot sa pagitan nila ni Ram ay mukhang lalo pa ngang bumigat ang loob nila sa isa't isa.


Well, actually, Josh bagged the MVP in badminton, lawn tennis, swimming and volleyball and got too tired to get the MVP award for basketball so he decided to just give his best friend the award since he got most of them and Cha gave him three thousand worth of gift check, masyado kasing maraming napanalunan si Josh na awards nitong sports fest kaya hindi na niya alam ang ibibigay sa anak ko kaya minabuto na lang niya na gift check ang ibigay.” pagmamayabang na balik ni Migs na ikinangisi ni Josh at ikinalaki naman ng butas ng ilong ni Ram dahil sa galit habang si Igi ay hindi naman inintidi ang mga pasaring na iyon dahil abala siya sa pagte-text.


So you're saying that my son---” mainit na simula ni Ram.


TING!”


Oh! The lift is here!” sigaw ni Migs, pilit na nilunod ang mainit na simulang sagot ni Ram. Nanlalaki parin ang butas ng ilong ni Ram na sumakay ng lift habang sila Igi naman at Josh ay nagbabatuhan ng masamang patagilid na tingin, hindi alintana ang palitan ng kanilang mga ama dahil para sa kanila ay normal na iyon at si Migs ay hindi mapigilan ang pagplaster ng isang malaking ngiti, tahimik na pinagdidiwang ang pagkapanalo niya sa munting iringan nilang iyon ni Ram.


ROUND ONE: Migs! I'm so awesome!” pag-puri ni Migs sa sarili.


000ooo000


Bye, Dad!” agarang sigaw ni Josh nang makarating sila sa tapat ng skwelahan niya habang lumilingon-lingon na miya mo may iniintay o tinataguan.


OK. Have fun and learn something!” nakangiting sabi ni Migs kahit na nagtataka sa ikinikilos ng anak.


Bye!” matipid na sagot ni Josh sabay halos tumalon palabas ng kotse. Papaandarin na sana ulit ni Migs ang kotse nang makita niya ang telepono ni Josh sa passenger seat.


Dumulas siguro galing sa bulsa niya.” kamot ulong sabi ni Migs sa sarili sabay inalis ang susi at inilock ang pinto bago bumaba sa kotse at habulin si Josh.


000ooo000


Joshua---!” sigaw ni Migs. Nanlamig ang buong katawan ni Josh at dahan- dahang humarap sa ama mula sa pakikipagusap sa kaniyang girlfriend at mga kaibigan. Ang pag-tawag na ito ni Migs kay Josh ay hindi naman nakaligtas kay Igi na nakatayo malapit sa may gate ng school kasama ang isa sa kaniyang mga best friend na si Neph, nakangiting nag-paalam si Igi kay Neph at nagsimula ng lumapit kay Migs, desedidong ipagmayabang pa ang kaniyang bagong sapatos dahil muhang gustong-gusto ito ng kaniyang kapitbahay. Hindi niya alam kung bakit pero magaang ang loob niya sa kapitbahay nilang ito.


Joshua, you forgot your phone.” nakangiting sabi ni Migs sabay abot ng telepono kay Josh. Marahas itong hinablot ni Josh sa kamay ng ama na ikinataka at ikinasakit ng damdamin ng huli, ang tagpong iyon ay nakapagpatigil kay Igi sa paglalakad.


Bye, Josh, I'll see you later.” malungkot at bagsak balikat na paalam ni Migs sabay talikod. Nang tumalikod na si Migs kay Josh ay sakto namang nakita ni Igi ang reaksyon sa mukha ng kapitbahay. Nangingilid ang luha nito at hindi maikakaila ang sakit sa mga mata.


Who's that, Babe?” kunot noong tanong ng girlfriend ni Josh na si Desiree o mas kilala sa tawag na Des.


Oh he's my tito.” sagot ni Josh, hindi alintana na hindi pa masyadong nakakalayo ang kaniyang ama.


Maliwanag na narinig ni Migs ang pagsisinungaling na iyon ng anak. Iniisip niya na ikinahihiya pala talaga siya ng anak upang ipakilala siya nito sa mga kasama nito bilang isang “Tito” at hindi “Dad”.


Where's your Dad?” tanong naman ng isa pang kaibigan ni Josh na laging nakakakita kay Ed na hinahatid si Josh.


Oh, he's in a meeting---” matipid na sagot Josh sabay sulyap sa ama dahil akala niya ay nakita niya itong malungkot na lumingon ulit sa gawi niya.


Joshua, can I talk to you?” magaspang na tanong ni Igi kay Josh na tila ba nagsasabi na dapat lang ay pumayag ito sa gusto niyang mangyari.


What is it, Igi?” naiiritang tanong ni Josh.


Alone.” mariing balik ni Igi sabay tingin sa girlfriend at kaibigan ni Josh.


Hi, Igi-- Josh, I'll see you later, OK” bati ni Des kay Igi at paalam naman sa kaniyang nobyo sabay halik sa pisngi nito. Inaya rin ni Des ang iba pa nilang kaibigan ni Josh upang iwan ito gaya ng gustong mangyari ni Igi.


Bitch!” habol ni Igi na ikinamula sa galit ni Josh.


Hey! Don't call her that!” sigaw ni Josh sabay tulak kay Igi na miya mo naman tinulak lang ng langgam dahil sa laki ng katawan.


She's a bitch, Josh and you know it!” singhal ni Igi sabay balik ng pagsaling kay Josh na mukhang di rin naman natinag dahil ni hindi ito napahakbang patalikod.


Is that what you want to talk about? My girlfriend's bitchiness?!” singhal pabalik ni Josh.


No.” malambot at seryosong sabi ni Igi. Nangunot ang noo ni Josh, ngayon niya na lang ulit nakitang ganito si Igi. Madalas kasi kapag kaharap niya ito ay nakikipagpataasan ito sa kaniya ng ihi. Hindi papatalo sa kahit na anong bagay kahit alam niyang mali siya, kaya naman ang pag-lambot ng boses nito at pag-yuko na miya mo nahihiya ay tila nagbalik kay Josh sa nakaraan kung saan pareho lang silang limang taong gulang na mga bata ni Igi. Walang bahid ng kayabangan at tanging paglalaro lang kasama ang pinakamatalik na kaibigan ang nasa isip.


Haha! Di mo ako maaabutan!” sigaw ni Igi kay Josh na humihingal na dahil sa katabaan.


Andaya mo naman, Igi eh! Ambilis-bilis mong tumakbo!” nangingilid luha at nakanguso nang sabi ni Josh. Napatawa lang ng malakas si Igi habang pinapanood si Josh na nagpupumilit na makahabol sa kaniya. Lalakihan pa sana ni Igi ang agwat nilang dalawa ng matalik na kaibigan nang makarinig siya ng isang sigaw.


ARAY!” sigaw ni Josh, agad na napaharap dito si Igi at mabilis na bumalik sa kinauupuan ng umiiyak na si Josh na sapo-sapo ang tuhod na dumudugo.


Joshie, OK ka lang?” nagaalalang tanong ni Igi na galing sa kabilang dulo ng playground. Lumingon si Igi sa buong playground upang hanapin ang kanilang mga magulang pero hindi niya makita ang mga ito.


Igi, ang sakit.” umiiyak na sagot ni Josh habang sapo-sapo parin ang kaliwang tuhod. Muling iginala ni Igi ang kaniyang tingin sa paligid ngunit hindi talaga niya makita ang mga ama.


Shhh. Joshie. Wag ka ng umiyak.” sabi ni Igi sabay yakap kay Josh na hindi man nauwi sa pag-hagulgol ang marahang pag-iyak ay tila naman gumaang ang loob dahil nag-kasya na lang ito sa pag-hikbi.


Bakit “Tito” ang pakilala mo sa Dad mo?!” singhal ni Igi na gumising mula sa pagbabalik tanaw na iyon ni Josh. Asa harapan na ngayon ni Josh ang masama, malaki at mayabang na bersyon ng Igi na kanina lang ay kasama niya sa kaniyang pagbabalik tanaw.


You wouldn't understand even if I tell you, Igi.” pangiinis na balik ni Josh kay Luigi na ikinairap ng huli. Iniwas na ni Josh ang kaniyang tingin kay Igi at susunod na sana sa nobya at mga kaibigan nang magsalita ulit si Igi.


I don't care if you call me stupid or whatever you want to call me today, Josh. I will not give in and have a word fight with you. All I want now is for you to realize how much you hurt your dad by telling your bitch of a girlfriend and your phony friends that he's only your “tito”! You should've seen his teary eyes, Josh. Your parents are too good to be treated that way!” ibinalik ni Josh ang tingin kay Igi. Nakita niya ang pinaghalo-halong galit, pagkadismaya, lungkot at pagaalala sa mga mata ni Igi na lubos niya ulit na ikinataka.


N-narinig niya?” tanong ni Josh kay Igi. Tila naman dinudurog ang puso niya sa nalaman na ito mula kay Igi. Ayaw niya mang ikahiya ang kaniyang mga magulang ay hindi naman niya ito maiwasan dahil iniisip niya na hindi ito maiintindihan ng ibang tao at lalong hindi itataya ni Josh ang kaniyang magandang reputasyon sa school at kasikatan na matagal niyang pinaghirapan dahil lang sa pagkakaroon ng dalawang ama na kahit pa mahal na mahal niya ay hindi niya magawang ipagmalaki.


Oo.” matipid na sagot ni Igi sabay iling at muling bumalik sa tabi ng kaibigan niyang si Neph.


000ooo000


What's that all about?” tanong ni Neph nang makabalik si Igi sa kaniyang tabi.


Nothing. It's just Joshie and his usual asshole-ishness.” naiirita paring sagot ni Igi sa humahagikgik na si Neph.


What?” nangingiti naring tanong ni Igi.


Wala lang. Tagal na kasi nung huli kong narinig na tinawag mong Joshie si Josh eh.” humahagikgik parin na sagot ni Neph.


Yeah. Matagal- tagal narin.” tahimik na balik ni Igi sabay sulyap kay Josh na nakatayo parin kung saan ito iniwan ni Igi. Nagaalala ito at mukhang malalim ang iniisip.


Yeah. That was before you guys decided to rip each other apart. I wonder what happened to him? He used to be so nice and always hangs out with us.” balik ni Neph sabay nood din sa nagaalala paring si Josh.


Yeah. I wonder...” simula ni Igi habang pinapanood ang nangingilid luhang naglalakad palayo na si Josh. Pilit pinipigilan ang sarili na lapitan ito at aluhin.



Itutuloy...







The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 1”
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! May bad news ako. :( May bago ulit akong trabaho. Industrial Nurse, yung sa mga factory, ganyan. Kapag may tinatamad mag-trabaho, ako ang haharapin nila na mga kunwari may sumasakit sa katawan. Ganyan. Pero hindi lang naman iyon ang aking trabaho, ako din ang katuwang ng duktor kapag may medical ang mga employee na ito. So... Mababawasan ang aking time sa pagsusulat, sapagkat, dalawa na ang aking trabaho, ER nurse, Industrial nurse tapos may Masteral pa ako saka may buhay sa bahay pa ako.


    PERO... promise ko, magpo-post parin ako. Kailangan lang talaga eh. :-) Kayod marino lang eh no? So ang labas may tatlong oras pa akong tulog. Haha! Kaya naman! :-) Sana lang maintindihan niyo kapag umaabot ng siyam-siyam ang aking pagpo-post at madalas na hindi nakakasagot sa inyong mga email at mga comments, ibig sabihin nun pagod ako at tulo laway na akong natutulog. Sa keyboard. Ng nakaupo. Haha! Employment month kasi ngayon, diba madalas contractual sila kaya nagme-medical kami ngayon kaya medyo matagal talaga pero once na natapos na ito pwede na akong maki-wifi sa clinic at magsulat at mag-post. Bear with me. Tama ba? Bear? Hindi bare?! Hahaha!


    AND LASTLY: sa mga naguluhan sa mga characters na si EDISON at ED. ED is Eduardo Sandoval III, kapatid siya ni Cha sa LAIB 1 at life long partner ni Migs.

    Si Edison Saavedra ay kapatid ni Ramon Saavedra or Ram na ex ni Migs at ka-love triangle nila Ed at Migs sa Laib 1 samantalang si Edison naman ay ka-love triangle ni Martin na bestfriend niya na nakauluyan naman ni Ram na kapatid niya. Si Edison ang bida sa Breakeven book3 na nakatuluyan ni Jake na ka-love triangle naman ni Eric at Pat.

    SANA WALA NG MAGULUHAN. Hihi!


    Ryvis Tan: Sana masanay na kayong walang poster. Haha. Wala na kasi akong balak na gumawa. Hehe! Thanks!

    KV: they miss you too! Haha!

    Gerald: sa kasamaang palad ay walang nag-o-offer. Haha!

    ANDY: sa tinagal-tagal mong nagco-comment at nagbabasa, ngayon ka lang nag-follow sa blog ko?! Haha! Thanks! Mwah! At hindi magaling ang utak ko! Haha!

    Chris: you're welcome!

    Iyan Chan: wag ka ng mastress. Haha! Si Cha? Intayin mo na lang. :-) Thanks pala sa pag-sagot sa question ni aR! :-)

    Erwin: tingin ka lang sa taas. May nilagay ako dung short description ng characters. Gora na teh kay new love life! Haha! Iwan na si OJT. Isang letter lang? I'm sure it's EDWIN. Haha! Am I right?! Ikaw na teh! Haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. migs find time to relax....i know your followers would understand even if the posts are late....its not easy to be a nurse, that i know...coz my elder sibling is also one...heheheh..... ;)

      Delete
  2. Ramy from Qatar: you're back! Thanks!

    Almondz: scroll up mo, sa unahan ng mga reply ko sa comments niyo andun ang mga short descriptions ng characters. Thanks!

    AnonymousJune 5, 2012 7:37 PM: Thanks! Sana maglagay ka ng name mo sa susunod nang ma-address kita ng maayos! Mwah!

    Jemyro: no more scenes from the babies, magiging katulad na siya ng DS 2 kapag ganun. Skip na ako ng 14 years and then may mga flashbacks lang katulad ng chap na ito.


    Rez Ortaliz from Bacolod City: thanks! Follow mo ako kung hindi mo pa ako nafa-follow ah! Thanks!

    Russ: madaming lawyer sa UP Diliman at Taft! Punta ka dun, madami kang mapupulot! Haha!

    Nix: kamusta naman ang pagme-med? Haha! Malapit ka na bang mag-collapse? May naaalala akong isang tao na 2 beses na nagcollapse dahil sa stress! Haha! Joke! Tinatakot lang kita.

    Josh: Tse! Antanda mong yan tatawagin mo akong DADA?! Mahiya ka naman labing anim na taon ang tanda mo sakin! Haha! At hindi, mali ka sa akala mo! Haha! Mali ka sa akala mo ng slight! Kasi hindi naman siya sakin connected, sayo, pwede pa, sakin? Hindi! Haha!

    ZROM60: Thanks! Follow mo ako kung hindi mo pa ako nafa-follow ah.

    Vince: thanks! I'm not planning on making some posters for my stories anymore so I'm glad that there's someone who can do without them.

    Lawfer: Scroll up ka, sa taas ng bawat reply ko sainyo may short description don ng bawat characters ng stories dito para di na kayo malito. :-)

    ICHIGO_XD: gusto talagang isinasama si Liam? Haha!

    Ryan: nakalimutan kong nagsusulat ka nga pala. Napahiya naman ako sa sinend kong “Advise” sayo. Haha! More on technical lang kasi yung binigay ko sayo. Eto na lang: Write from the heart.

    Jap24: thanks! Follow mo ako ah. :-)

    aR: meron akong inayos na sequence ng mga stories sa upper right corner ng page. Kaso walang mga characters na nakalagay dun mga titles lang ng stories. Yup '09 pa ako nag start hehe. At sinagot ka ni IyanChan! Haha!

    Michael John: Intayin mo na lang hanggang sa matapos ang kwento, malay mo may family na rin si Cha. Haha!

    ManInWhite: Thanks! Saka na ang Chasing Pavements. Nawalan na kasi ako ng gana na ituloy pa yun. Haha!

    Mark Ryan: Poster ko?! Baka lalong walang pumunta sa blog ko! Hahaha! Tse! Oi! Yung pasalubong ko?! Araw-araw kong sinisilip ang mailbox namin expecting a package from you! Haha!

    ReplyDelete
  3. Errrrrr! Si Josh at Igi nga ang bida.

    Naliwanagan na ako Migs. Thank you!

    Eeeeennngggrrrrrkkkkk! Wrong! Hula ulit. Yung andy na commenter feel ko close ko. Alam niya eh! Anyway mas happy ako sa kanya. Total package. If you know what i mean?! Ahahahahaha!

    Good luck sa patayang work mo. Kung billionare lang ako aampunin ko kayo eh! Ahahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si "Erwin" (German) yan diba wintowtz? lol :P may kasalanan ka sakin... di mo manlng sinabi na may update na may bagong kwento na pala si Migz... tsktsk :P

      Delete
  4. Eto ung hinihintay ko Migsssss!!
    Ang tagal lang ha, para kong nagintay ng weekly update ng manga, pero naiintindihan ka naman nmin. :)
    Ung sa pagsagot? Wala un, nakakaaliw lang kc habang naghihintay ako sa next post mo, ayun naisipan ko sumagot. xD
    At ung kay Cha? Hihintayin ko talaga yan!
    Pero ung totoo, may naamoy ako sa dalawang batang ito! HAHAHAHA

    ReplyDelete
  5. Cute!!!! Aunt cha!!!! Hahahaha damn it hurts na ikahiya, well ok lang kahit medyo late hhehee baka kailangan mo ng secretary pwede ako mgapply hehehe ingat po palagi and God bless

    KV

    ReplyDelete
  6. ramdam ko din yan migs ng ikahiya ako ng bf ko..mantakin mo i was holding his hand bigla nya kinuha ng dumating ung plastic na mga kaibigan nya..sheieiettttttt..

    makabingwet nga ng lawyer dyan sa UP diliman at taft hehehehe samahan mo ako ha migs kahit medical,industrial, social, intellectual nurse ka pa jan..lets go sis..

    ReplyDelete
  7. DADA migs, wag kang magpanggap. ilusyon mong 16 years ang pagitan natin?? excuse me lang naman :p

    nasali na din si neph, dapat ipm mo siya ng sumaya saya naman yung isang yun pag nabasa niya ito..tsaka dont tell me isasali pa dito yung isa pa. kukumpletuhin mo ba kami dito?? :D

    sama ng character ni josh, pero sa isang nagbibinata ay understandable. lahat tayo may phase na ganito, nahihiya sa sexuality or background man. personally i'll give him some slack.

    sushal ka pala. industrial nurse pala ang drama mo ngayon ha? kamusta naman ang mga industrial people? sturdy ba? :D

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  8. yeah right! Tama ako pero 17yrs later. My guess was 20yrs later. Anyways, naawa naman ako kay Migs sa inasal ni Josh buti na lang nandun si Igi para ito konsensyahin. Hmmm I have sense na this would be a complicated and sensible story. At i feel also na papasok din si Liam dito, tama ba? At congrats sa bago mong racket as industrial nurse susyal diba company nurse tawag dati dito? Hehehe Take care na lang at sana umokey na ung update.

    ReplyDelete
  9. whoahh! , d pla sya proud na 2 dad nya. hmmm.good for igi at d sya katulad ni josh. congratz sa 2 work mo, hope mas mkaya mo ang pressure lalu na sa masteral mo. always yngat for ur health ha.

    ReplyDelete
  10. Author Migs!

    Sa prologue they were just 2 years old, and now haha 17 na ayos:D time skip haha!
    i felt something with Igi towards josh..haha selos ba yun?
    with josh, taray parang si baby james lang,you can call me josh coz im a big boy nowXD at nasa point siya ng identity confusion,,haha obviuosly ayaw niyang malabel kaya naman super paepal ang ginagawa niya hooking up with a bith haha..nakakaasar langXD

    sosyal industrial nurse, pano kanaman na punta jan diba 2 days lang off mo san mos isingit yan? haha Ikaw na! ikaw na masipag na nurse:) sulitin mo yang work mo:D dagdag experience yan :D

    and oo nga may nakalagay sa gilid haha,,sori naman di ko napansin :D

    ReplyDelete
  11. di mo naman masisisi Josh sa nagawa nya... may pagkakataon din sa buhay ganun ang mangyayari.. lalo na't hindi ito normal sa paningin ng iba.. naks! seryoso ko ngayon ah! lol... Nice one Migz! :D

    ReplyDelete
  12. Kuya Migs!!! Shet!!! Bakit chapter pa lang ang ganda na!!! May bago na ngang love team may extrang characters pa from LAIB at Breakeven!!! Waaah!!!!!!!

    Ang sarap na almusal nito sa umga ahahaha!!

    Kuya migs, ganito kasi yun, CP lang talaga ang gamit ko sa pgvisit sa mga blogsites. Eh hindi ako mkpgfollow kasi ang hirap iload ng page. So ayun nagPC ako at finollow ko na lahat ng blogsites na pinupuntahan ko.

    Ahaha tsaka hindi ako aware na hindi ko pala pinafollow yung mga blogs na pinupuntaha ko. Haha!

    Ang mahalaga naman full support ako. LOL.

    Tsaka I love you naman po.

    Thanks kuya migs sa chapter na to.

    ReplyDelete
  13. ayiiee! may sarili silang love story. sila Igi at Josh kaya sa huli? hahaha!

    kaya mo yan kuya Migs. kung kailangan huminto sandali sa pagsusulat, ok lng basta wag mo masyadong parusahan sarili mo.

    ReplyDelete
  14. wew nice ang galing nmn next generation na love stories hehehe.

    Don't worry migs I understand namn kung delay ang post mo hehehe You still have your own life to tend and things to prioritize kaya wag kang magalala kung madelay ung mga updates. I know the other readers will understand too.

    Just don't forget to take care if yourself kasi baka sa sobrang busy mo mapabayaan mo naman ung sarili mo lalo ng ung health mo.

    Okey thankz again, I will surely wait for your next post check ko na lang madalang ung blog mo para di me maiiwanan hehehe.

    ReplyDelete
  15. can't wait for the next one. super hooked with ur story. hahahaha.....

    find time to rest Migs. having 3hr sleep is so not enough. magkasakit ka nyan. anyways, i will wait for the next chapter. :)

    ReplyDelete
  16. Yes!posted na chapter 1!! I've been waiting for this migs and thank u for finding the time to post it..goodluck sa new job mo and i really appreciate the fact na sa kabila ng nakakalokang sked mo eh u still have time to make beautiful stories like this one..wag lang masyadong magpakapagod isa lang katawan natin..and yeah remember me migs?it's me riley:)

    Godbless and be safe always..

    Riley

    ReplyDelete
  17. Ok!!! Hehe...madali naman po ako kausap. Hehe.. Ang cute ng part na to! Ano nga ba ang dapat? Be proud or just keep it a secret? Tsktsk... Haha..

    ReplyDelete
  18. Hm. Atlast. Nabasa ko din ang bagong series. :P Ang cute ni joshie at igi. Haha. Hmm. Bagay. Lol. Haha. Ganda ng bagong story though i expected for Liam's turn. Hehe.

    Hm. Grabe nman po trabaho niyo. Ingat nalang and GodBless. :DD

    ReplyDelete
  19. I love how things pick up after their parents, it's like a sequel of two books combined! I also love how we're having a glimpse of how
    the lives of the teens with same sex parents.

    I just hope that the story will be fresh because it's kinda reminding me of Migs and Ed again, both from LAIB and Chasing Pavements.

    ReplyDelete
  20. Ay nawala ako sa binanggit ni Miggy... Sad.... hahaha.. demanding lang... Thank you Miguelito for bringing back Ed and Migs... Buti naman napagbigyan mo ako..assumera lang... Namiss kita..
    Sabi naman kasi sayo kaya kitang buhayin eh kahit hindi ka magwork... hahahah

    ReplyDelete
  21. Nice One! Miggy Boi!

    Package? What package? haha

    ReplyDelete
  22. Nagbabalik na ako mahal kong Migz. Konting alalay sa katawan lalo na at dalawa work na pinagsasabay mo ah. Paxenxa na at natagala ako magbasa at magpost ulet. Medyo kasi nagkaubusan ng pera. Wala pang internet. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]