Sunday, June 17, 2012

The Things That Dreams Are Made Of 2

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Pilit na inia-alis ni Josh sa kaniyang isip ang ginawa niyang pananakit sa sariling ama nang itanggi niya ito sa kaniyang girlfriend at mga kaibigan habang ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang ibalik ang kulay dilaw na bola papunta sa kabilang panig ng tennis court. Mahaba-haba na ang rally ng bola sa pagitan nila ng kaniyang kalaban at hindi niya maaaring i-alis ang kaniyang isip sa bola kundi ay tiyak na ang kaniyang pagkatalo.

Maliksi at matalinong ibinalik ni Josh ang bola sa kabilang dulo ng court at hindi ito naabutan ng kaniyang kalaban. Halos maibato ni Josh ang kaniyang raketa at mapaluhod sa sobrang saya. Muli, siya ang tinanghal na panalo at isang kalaban na lang ang kaniyang haharapin upang masabi na siya na ang pinakamagaling sa larangan ng tennis sa lahat ng mga private school sa buong Maynila.


Nakangiti paring iginala ni Josh ang kaniyang tingin at nahagip ng kaniyang mga mata si Igi na naka-tiklop ang mga kamay sa dibdib at naka-ngisi. Hindi mapigilan ni Josh na burahin ang ngiti sa kaniyang mukha. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon sa mukha na iyon ni Igi, ito ay ang “You did great but you can do better and I'm still way better than you are!”


What the fuck do I care about what he thinks?!” saway ni Josh sa sariling naisip at muling ibinalik ang mayabang na ngisi sa kaniyang mukha pero alam parin ni Josh na mahalaga ang bawat bagay na iniisip ni Igi para sa kaniya. Hindi ba't si Igi ang dahilan kung bakit itinatak ni Josh sa kaniyang sarili na dapat ay magaling siya sa lahat ng bagay at nagtulak sa kaniyang pagbabago, mula sa pagiging matabang si Joshie papunta sa macho at confident na si Josh.


Hi Igi! Hi Neph!” pasigaw na bati ni Josh sabay kaway sa kaniyang dalawang malapit na kaibigan na si Igi at Neph nang makita niya itong naka-tambay sa tabi ng swimming pool ng condo na kanilang tinitirahan.


Hi Joshie!” masayang balik ng dalawa. Lumapit sa mga ito si Josh at masiglang sinabi dito ang magandang balita na sinabi sa kaniya ng amang si Ed.


Guess what?!” excited na bungad ni Josh nang makalapit siya sa mga ito.


What, Joshie?” nakangiting tanong ni Neph.


I'll be going to the same high school as you guys next school year!” excited paring sagot ni Josh na may pakumpas-kumpas pa ng kamay. Lalo namang lumaki ang ngiti sa mukha nila Igi at Neph nang marinig ang balita na ito.


Ngunit makalipas lamang ang isang linggo ay nagbago ang excitement na iyon sa isa sa pinakamasakit na naramdamang emosyon ni Josh. Rejection. Isang araw, habang masayang pinipili ni Josh ang kaniyang mga magiging bagong gamit para sa nalalapit na pasukan ay natamaan ng kaniyang tingin si Igi na masaya namang nakikipagkuwentuhan sa mga kaklase nito sa pinasukang skwelahan pang elementarya.


Igi!” tawag pansin nito sa kaibigan.


Josh.” matipid na bati ni Igi, nagtaka man si Josh sa biglaang pag-iiba ng tawag nito sa kaniya ay hindi na niya iyon pinasin dahil sa kagustuhan na makasama at makausap ang kaibigan.


Excited ka na ba sa pasukan?! Sa parehong school na tayo papasok! Isn't that great?! Sabay tayo mag-lunch ah?!” nakangiting sabi ni Josh.


Geez, Josh! The new school year wouldn't start until two months away! And about lunch uhmm I don't know, Josh, I mean I'm going to eat with my friends from my elementary school, maybe you can ask Neph?” nagaalangang tanong ni Igi sa nakakunot noo na ngayong si Josh.


Oh. Yeah--- uhmm--- OK.” dismayado na balik ni Josh.


Luigi! C'mon!” tawag ng isa sa mga kaibigan ni Igi na nagsisimula ng lumakad palayo, papunta sa kabilang bahagi ng mall.


I'll see you later, OK?” tanong ni Igi sabay talikod at hinabol ang papalayo nang mga kaibigan.


OK.” mahinang sabi ni Josh at tatalikod na rin sana katulad ni Igi nang maalala niya ang kabibili lang na DVD na gusto ring panuorin ni Igi.


Oh shit! Igi, wait.” ngunit hindi ito narinig ni Igi dahil sa ingay ng iba pang excited na mamimili sa mall na iyon pero sa kabila noon ay hinabol parin ito ni Josh.


Who's the fatso?” tanong ng isa sa mga kasama ni Igi nang makalapit si Josh, hindi alintana na ang tinatawag nitong fatso ay asa kanila na ngayong likod.


Oh he's just some kid from our floor.” sagot ni Igi sabay kibit balikat. Napatigil sa paglalakad si Josh sa kaniyang narinig.


Just some kid? I thought we're best friends?” tanong ni Josh sa sarili.


Haha! Siya ba yung sinasabi mong nag-a-idolize sayo?” humahagikgik ulit na tanong ng kaibigan ni Igi, lalong hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig si Josh. Hindi siya makapaniwala na minamasama pala ni Igi ang pag-tingala niya dito at nakuwa pa niya itong ikuwento at gawing katatawanan sa kaniyang mga kaibigan.


Nangingilid luhang tumalikod si Josh at bumalik sa bookstore kung saan andun ang amang si Migs.


Hey, Joshie. I saw this really cool binder--- Joshie? Why are you crying, baby?” nagaalalang tanong ni Migs sa anak sabay luhod upang mag-pantay ang tingin nilang dalawa.


Dad, am I a bad kid?” tanong ni Josh sabay pahid sa kaniyang nangingilid na mga luha.


Of course not! Where did you get that idea?” gulat na tanong ni Migs. Umiling lang si Josh at lalong nangilid ang mga luha.


Joshua, look at me and I want you to listen. You're an awesome kid, don't let what they say make you think otherwise, OK?” mariing sabi ni Migs sa anak sabay pinahiran ang mga luha nito. Sa wakas ay muling sumilay ang ngiti sa mukha ni Josh at tumango na lang sa habilin ng ama.


Kinabukasan ay may bagong misyon si Josh. Sumama ito sa nakasanayang pag-punta sa gym ng mga ama at sinimulan ng bawasan ang kaniyang mabigat na pagkain. Hindi nagtagal ay bumaba na ang timbang ni Josh at nagsimula nang lumitaw ang mga nagsisimulang muscles nito, iniwasan narin ni Josh ang kaniyang mga kaibigan sa condo partikular si Igi dahil sa ayaw niya naring maliitin pa siya nito.


Sumapit ang araw ng pasukan at isang bagong Josh ang humarap sa lahat. Isang Josh na hindi magpapa-api at confident. Isang Josh na hindi magpapatalo kay Igi at mga kaibigan nito na walang ginawa kundi ang manliit ng kapwa.


Habang naglalakad sa hallway ng bagong skwelahan si Josh ay hindi niya mapigilang kabahan lalo pa't nakikita niya sa hindi kalayuan si Igi na nanlalaking mata na nakatingin sa kaniya. Napansin sa gilid ng mga mata ni Josh na nagbubulong-bulungan ang mga kababaihan na kaniyang nadaanan at agad ding hahagikgik na miya mo kinikilig. Agad-agad na nabura ang kaba sa sistema ni Josh at napalitan iyon ng tuwa at pandagdag sa kaniyang tumataas na confidence.


Hi Joshie!” bati ni Igi kay Josh nang madaanan siya nito pero inirapan lang ito ni Josh at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.


Simula noon ay lagi ng nagpapataasan ng ihi ang dalawa. Hindi papatalo sa isa't-isa at ginagawang kumpetisyon ang lahat sa pagitan nila. Sa isip kasi ni Josh ay gagawin niya ang lahat upang ipamukha kay Igi na nagkamali ito sa pambabalewala sa kaniya, na masyado siyang magaling at importanteng tao para sabihan lang ng: “He's just some kid from our floor”


Josh, bilisan mo! May gagamit pa ng shower!” sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Josh na ikinagising nito mula sa pagbabalik tanaw.


OK!” sigaw ni Josh dito habang iniaalis ang kaniyang isip sa mga alaala na iyon. Inabot ni Josh ang twalya at sinimulang tuyuin ang sarili, habang ginagawa niya ito ay napagtanto niyang hindi lang pala dahilan ng kaniyang pagbabago ang ipinararating ng alaalang iyon kundi ipinapaalala rin ito ang sakit na kaniyang naramdaman nang baliwalain ni Igi ang kaniyang pakikipag-kaibigan, sakit na maaaring nararamdaman ngayon ng kaniyang ama nang sabihin niyang “Tito” niya ito imbis na “Dad” din.


Magso-sorry na lang ako pagkauwi.” sabi ni Josh sa sarili habang nagbibihis.


000ooo000


Hey. You've been in bed the whole day, babe. Is everything OK?” marahang saad ni Ed sa nakahiga pero hindi datnan ng tulog na si Migs habang inihihiga ang sarili sa tabi nito.


Yes.” matipid na sagot ni Migs pero hindi ito kinagat ni Ed.


That's bullshit! C'mon, Migs. What's bothering you?” tanong ni Ed habang mariing nakatingin sa mga mata ni Migs na hindi narin napigilan ang sarili na umiyak.


Our son doesn't love me.” bulong ni Migs na sa puntong iyon ay hindi narin napigilan ang humikbi.


What?” nagaalalang tanong ni Ed sabay pahid sa mga luha ni Migs at hinaplos ang pisngi nito para kahit papano ay mapagaang ang loob nito.


Joshua, doesn't love me, Ed. He hates the fact that he has two dads. He said I was his “tito” when his friends asked who I am.” sagot ni Migs sa pagitan ng mga hikbi. Tila naman nadudurog ang puso ni Ed habang pinapanood masaktan ang tao na halos mas mahal pa niya sa sarili niya.


Shhh. I'll talk to him, OK?” alo ni Ed kay Migs sabay yakap dito ng mahigpit.


Do you want something to eat?” tanong ni Ed nang tumahan na mula sa pag-iyak si Migs. Umiling lang ang huli bilang sagot.


So, I'll leave you alone to rest? Papasok ka pa mamyang ten diba?” tanong ni Ed.


But I don't want you to leave yet.” parang batang sagot ni Migs sabay yakap ng mahigpit kay Ed na napahagikgik na lang.


I'm not your teddy bear, you know.” humahagikgik paring sabi ni Ed.


I know. But I love you and I need someone to hug right now.” parang bata ulit na sagot ni Migs. Wala na lang nagawa si Ed kundi ang mag-buntong hininga at yakapin ng mahigpit pabalik ang nasasaktang si Migs.


000ooo000


Hold the elevator, please!” sigaw ni Josh nang makita niyang papasara na ang elevator pero nang makita niyang binuksan muli ng taong asa loob ang mga pinto ay nagmadaling naglakad si Josh papasakay ng elevator pero agad ding natigilan at muli na sanang lalabas ulit kung hindi lang nagsara ang pinto sa kaniyang likuran.


Walang nagawa si Josh kundi ang tiisin ang pinka-ayaw niyang tao sa buong mundo sa loob ng ilang minuto at itinuon na lang ang mga mata sa mga numero na nagfla-falsh sa ibabaw ng mga pinto ng lift.


8”

9”


Sa loob ng ilang segundo ay ilang beses narinig ni Josh na nagbuntong hininga si Igi na labis niyang ikina-irita, alam niyang hindi rin gusto ni Igi ang maiwan kasama siya sa isang maliit na lift pero hindi niya rin naman iyon ginusto kaya namang marinig niyang muling nag-buntong hininga si Igi ay hindi na niya napigilang sitahin ito.


Stop that!” singhal ni Josh na ikinagulat ni Igi, hindi niya kasi napansin na napapadalas pala ang kaniyang pagbu-buntong hininga na ikinairita na ng huli pero hindi naman siya papatalo sa pagiging brat nito.


What?! You want me to stop breathing?! Para nagbubuntong hininga lang!” balik singhal ni Igi.


It's annoying!” balik naman ni Josh.


Fine! I get it! You don't want me around but this elevator ride is just for a few minutes, Joshie, hindi mo ba kayang tiisin manlang ang kapiranggot na oras na iyon?!” naiinis na balik ni Igi na ikinairap naman ni Josh. Hindi na ito sinagot ng huli kaya't muling binalot ng katahimikan ang loob ng elevator.


15”


16”


Nga pala, congrats kanina---” simulang saad ni Igi na ikinagulat ni Josh. Magpapasalamat na sana si Josh nang muling nagsalita si Igi.


---but---” na ikinairap naman ni Josh. Iniisip na bakit hindi pa siya nasanay gayong hindi naman magbibigay ng papuri si Igi ng walang kasunod na panlalait.


---but your serve is a little slow and your over head---” pagpapatuloy ni Igi na ikinakulo ng dugo ni Josh.


Shut up---!” singhal ni Josh na ikinagulat ni Igi. Nagtama ang kanilang mga tingin, nun lang unang napansin ni Igi ang pinaghalong sakit at galit sa mga mata ni Josh.


---I get it! You think I'm not good enough and I will never be good enough to be your friend and I'm fine with it! I'm already over it! So if you don't mind, I would like it if you just shut up and maintain the cold but quiet space between us! And for the record. I don't need your advise. I'm still going to be fucking amazing without it!”


TING!”


Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay nagmamadaling lumabas si Josh gusto man itong sundan ni Igi ay hindi niya magawa sapagkat tila napako ang kaniyang mga paa sa sahig ng elevator dahil sa biglaang pagpapakita ng galit sa kaniya ni Josh.


What the hell did I do?!” di makapaniwalang tanong ni Igi sa sarili atsaka lumabas na ng elevator at umiiling na pumasok sa kanilang unit.


000ooo000


How's school?” bungad ni Ed sa anak na si Josh pagkapasok na pagkapasok nito sa kanilang unit.


It was OK--- Oh and I won against St. George's School.” nakasimangot paring sagot ni Josh sa ama, hindi maialis sa kaniyang isip ang nangyaring pag-uusap nilang dalawa ni Igi.


That's good, son.” matipid na balik ni Ed na hindi naman nakaligtas kay Josh na napa-buntong hininga na lang. Alam niyang nasabi na ng kaniyang amang si Migs ang nangyari noong umaga sa isa pa niyang ama at alam niya ring hindi natutuwa ngayon ang amang si Ed sa kaniya.


I guess. Dad, where's Dad?” matipid ding tanong ni Josh sa ama na sa unang pagkakataon ay sinalubong ang kaniyang tingin.


He's in our room. Sleeping.” mariing sagot ni Ed habang mariin paring nakatingin sa mga malungkot na mata ni Josh.


Oh.” dismayadong balik ni Josh.


Want to tell me what happened?” tanong naman ni Ed. Walang makitang galit sa mga mata ni Ed ang anak kaya't nagpasiya si Josh na sabihin na sa ama ang nangyari noong umagang iyon.


I told my friends that he's my “tito” instead of “my other dad” I guess he heard it--- I'm really sorry, Dad. I'll talk to Dad later---” simula ni Josh habang nangingilid na ang mga luha.


Why?” putol naman ni Ed sa pagpapaliwanag ng anak.


Huh?”


Why did you tell your friends that he's just your “Tito” and not your “Other Dad”?” tanong ni Ed.


I-I'm afraid that my friends wouldn't understand it and that they will hate me.” naluluha paring pag-amin ni Josh.


If they are really your friends, they will understand and accept everything that makes you, you.” makahulugang balik ni Ed sabay lapit sa anak at pinahiran ang mga luhang nagbabadyang pumatak.


It's j-just that I worked hard for everybody to like me, to be awesome and be cool---”


Josh, since the moment you're born you've been nothing but awesome. Before these muscles and all those awards you were always this cute and happy kid that makes everybody smile. You've always been so smart and funny that even Mr. and Mrs. Nocon who doesn't like kids wants to adopt you. Don't let other people tell you otherwise. It's bad enough that you've been busting your butt to look good for others and not for yourself that you also have to turn your back from your dad because of them.” mariin na pagmumulat ni Ed sa mga mata ng anak. Napaisip ng malalim si Josh at nabalot saglit ng katahimikan ang dalawa.


I'm sorry, dad.”


So you'd still rather have Migs as your tito?” malungkot na tanong ni Ed sa kaniyang anak. Marahas na umiling si Josh bilang sagot.


No! I want him as my Dad!” humihikbing sagot ni Josh sabay yakap sa ama.


Well, you have some serious apologizing to do for your Dad to still want you as his son.” balik naman ni Ed sabay kawala sa yakap ng anak at talikod dito at pasok sa banyo, iniwan si Josh na malungkot na malalim ang iniisip sa kinatatayuan nito.



Itutuloy...





The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 2”
by: Migs

33 comments:

  1. Hello guys! Kamusta kayo? Pasensya na at inabot na ng siyam siyam ang aking pagpo-post. Busy talaga ako, bukas mga bossing na Koreno naman ang aming ime-medical, may mga nauna na nung Friday at isa lang ang masasabi ko. Makinis. Ang kikinis ng balat nila! Haha! Gaganda at ang gagwapo. Haha! Anyway! Sensya na talaga! Ngayon lang ako nakabawi ng tulog kasi wala akong pasok sa Masteral ko. Hehe! Namiss ko kayo! Sana ako din namiss niyo. Haha!


    Anonymous June 12, 2012: Hirap din ba ang iyong kapatid? Grabe, kami na ata ang kasunod ng mga OFW sa pagiging martyr. Haha!

    Erwin F.: full package? Haha! Pwede ko ba siyang mahiram minsan? Haha! Sige, kapag naging bilyonaryo ka ako ang unang magpapaampon sayo. Haha!

    Makki: may taga update ka pa? Susyal ka ah. Haha! German? Haha! Totoo? Di ako sanay na seryoso ka! Haha!

    Iyan Chan: mahirap yang naaamoy mo. Haha! Si Cha? Saka na lang siya? Choz! Thanks! Sensya na sa tagal ng update.

    KV: kung magiging sekretarya kita dapat with pleasing personality ka tapos dapat lahat ng ipagawa ko sayo, gagawin mo. As in. Lahat! Hahaha! Thanks! :-)

    Josh: alam ko nga 17 years pa ang pagitan natin eh! Isasama ko sana si Lance kaso iniisnob ako nun. Hmpft! Si Neph naman eh ayaw sumagot. Sayo ko ipinatern ang char ni Josh so talagang masama ang ugali niya! Hahaha! STURDY sila! Lalo na yung mga Korean bosses nila. Mapapa “AYYY” ka! Haha!

    Gerald: iba na ata ang depenisyon ng company nurse. Company nurse ata eh yung mga asa high rise building na company, alam mo yun, yung mga tipong yuppies ang kini-cater, yung mga naka-upo sa harap ng computer araw araw. Ang industrial nurse naman ay yung katulad ko na mga factory employees ang pasyente. Hehe! Hindi ko ipapasok dito si Liam. Sa huli niyo na malalaman ang sagot kung bakit. Hehe.

    robert_mendoza94@yahoo.com: thanks! Sana nga makaya ko ang pressure. :(

    aR: dagdag experience. Pamatay na experience. Haha! :-) thanks!

    ANDY: I love you more! :) sa wakas na folow mo na ako. Sabi nila may problem daw ang mobile blogger, totoo ba ito? Di raw mabasa stories ko dun?

    Chris: thanks! Intayin mo na lang sa huli. Hehe.

    Ryvis Tan: thanks! :-) mwah!

    Michael John: 3 hours sleep is more than enough for me. Haha! Nocturnal ako eh kaya sanay na. :-)

    Riley: RILEY! OMG! Nag-comment ka! Haha! Ang nag-iisang babae sa aking blog! :-) Thanks!

    Jemyro: I wouldn't want someone to keep me as their secret. Ikaw ba? Haha! Thanks!

    Kean Tongol: isa ka pang hindi maka move on kay Liam. Haha! Thanks! Mwah!

    Glitterati: You're back! Madalang ka ng mag-comment. Thanks! :-)

    Boboy Tuliao: ikaw ang nawala sa mga nag-comment! Tse! Akala ko pa naman seryoso ka sakin! Haha! Asan na ang flowers ko?! Haha! Namiss din kita, kaya mo akong buhayin? Talaga? Pakasalan mo muna ako! Di ka pa nga nanliligaw eh! Haha!

    Mark Ryan: alam mo kung anong package ang sinasabi ko! Hmpft! Bigay ko sayo address ko, ibigay mo personally at may ibibigay din ako sayo. Haha! ;)

    akosichristian: pwede. Hehe! Thanks!


    Enjoy reading guys! Expected ko na na bababa ang aking page views, pero masyado naman atang lumaki ang pagbaba? :( promise ipipilit kong magpost kahit na pagod na pagod na ako. :-)

    THANKS GUYS! Love you all! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang tagal naman po ng update ng kwento,...hmmph sigh

      Delete
  2. waaaaaaaaaaaaaa. yehey! akala ko Migs next week ka pa maguupdate e. araw araw kasi ako nabisita dito sa site mo anghihintay ng update. hehehe :D

    cant wait to read the chapter 2.

    ReplyDelete
  3. Pleasing ako hahaha cge ba gawin ko lahat ng ipapagawa mo hehehe just keep on inspiring us with your work ^_^ bakante pa man din ako hahaha anways ingat ka palagi

    KV

    ReplyDelete
  4. thanks for the update migs!

    rei

    ReplyDelete
  5. ahay bakit ako umiiyak..? awwww, im so touched by the scenes.

    ReplyDelete
  6. Makikita ba talaga namin dito si Liam??? Waaah!!! I like him, not in a romantic way ha? Haha!

    kuya migs hindi ako sure kung talagang may prob ang mobile blogger, ang naging problema ko talaga ay matagal iload yung page lalo na kpg magkocomment kasi hinihintay ko pa mag-appear yung captcha code. Im using third party browser naman kasi kaya mas okay yung pagload ng page. Hindi ko sure eh.

    Kung ako asa posisyon ni Josh baka ganon din ako.

    Kuya migs, ipamahagi mo naman yung ibang koreano jan. Haha!

    Kuya migs bka may kakilala kang cute jan, im free haha! Kahit yung kamukha lang ni Liam. LOL! Joke.

    ReplyDelete
  7. P.S.

    Kuya migs, sa pagbagsak ng page views mo, hindi ako kasali dun ha? Lol. Love kasi kita, kaya pagkagising ko, check ko agad blog mo, kpg wala pa, after office hour naman, kpg wala pa, bago ako matulog.

    Okay lang yan, maganda naman yung bawat chapter kaya sulit, magaling ka lang talagang mambitin. Haha! Yung feeling na magpapapadyak ako sa kama kpg nabasa ko yung

    "Itutuloy..."


    haha!

    ReplyDelete
  8. Yes!posted na chapter 2..thank u migs:)and yes,ako lang ang nag iisang babae mo migs:D

    Riley

    ReplyDelete
  9. Next please! Ahaha.. Ganda! :-) i know wher josh is coming from and so as migs! XD galing mo talaga!

    Ivan d.

    ReplyDelete
  10. Hi! This blog was endoresed by a friend! Ahaha.. Maniwala kau at hindi im a girl! Ahaha.. I enjoy reading stories here, ang cute kasi. I think gay love is not be ashamed of, knikilig din ako kahit di siya straigt love story! Ahaha.. Try mo din po kayang gumawa ng guy girl story, i think same kilig factor ung magagawa mo! Ahaha :-)

    Kristine.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy!dalawa na kaming girl dito..hehe..actually parang di na ako sanay yatang magbasa ng straight love story mas feel ko na to..haha!!

      Riley

      Delete
    2. Hi sis riley! Ahaha

      Kristine.

      Delete
  11. Ayan! Mayupdate! I think joshie like igi. Ahaha... Sa ibang story na lang si liam, natuwa naman ako sa commentor sa taas, a girl enjoying a gay love! Hehe... Actually ung friend ko na babaeng bakla nagbabasa din dito eh. Ahaha. I mentioned this blog and nag enjoy ang gaga. Ahaha

    Marlone

    ReplyDelete
  12. I sooo love the flow of this story! Keep it up, nakakawala ng stress.! :-)

    ReplyDelete
  13. Wiiiii! Mayroon na! Ngaun lang ako nagcomment. Para ganahan si mr. Author, pupuriin na po kita! Suuuper galing mo po kasi! Ang ganda lahat ng stories mo, nakakaistress. Ahaha

    Andy.

    ReplyDelete
  14. Soooooo!! Ayun Migs! Tama nga ang kutob ko, magiging manga series ang stories mo ngaun. Hahahaha! Pero okay lang, take your time Sir Migs, naiintindihan ka naman namin kailangan mo rin naman ng pahinga at ramdam na ramdam ko ang pagiging stress mo jan! :)))

    Kay Cha? Namimiss ko lang sya pero kung wala sya sa Cast ng Story mo ngaun okay lang, maganda naman ang flow e.
    Ung naamoy ko? Saka ko na rin sasabihin hihintayin ko nlng kung mangyayari un. Hahahahaha!!!

    Btw, namiss kta Migs Hahahaha!!

    ReplyDelete
  15. Yey! Update! Ofcourse i dont want to be someone's secret! Kaya nga ako single ngayon! Sawang sawa na akong maging sikreto ng iba... Haha.. May pinaghuhugutan ako.. Haha..

    Now about the story! I really feel bad on what joshie did, but i understand may pinaghuhugutan din naman pala sya, but i can feel the pain of migs, it's not that i've been on the same situation, but being a dirty little secret? My gosh I can still feel it! Haha

    affected much ako.. Haha... Great job mr.author!

    ReplyDelete
  16. Author MIgs!

    Sobrang ikaw na busy! ikaw na may workXD haha

    basta wag naman every week yung post ok lang ba yun? atleast twice namanXD haha

    ReplyDelete
  17. inantay ko talaga to... twice a day akong nag tse-check! ahaha... well I wish you well sa bagong work mo! ahaha

    ReplyDelete
  18. Weeeeeeee! Sana ganun na lang din ako dalawa daddy. Kaso now wala na ako daddy.

    As in full package! Rawr! May problema Migs. Kung magpapahiram siya. Ayun naman pala may koreans eh! Grab na yan! Kaso ingat ah! Iba dyan amoy kimchi. Ahahaha!

    ReplyDelete
  19. Hm. Kalungkot. :( Hm. relate ako with josh. I'm so bad pla. :(((

    Yieh. We miss you. Haha. Tlaga bang wala na si Liam? Hehe.
    Take care. Thanks sa update. :))

    ReplyDelete
  20. hindi ba bagay sakin ang seryoso Migs? LOL hahaha.. hayaan mo sa susunod.. lalabas na naman ang katopakan ko. LOL

    W = V basahin mo name nya in german language... ER(W)IN.. yan yung nagpapatibok ng puso nya ngayon.. LOL.. peace wintowtzz

    Great Chapt Migz.. Idol! ang maong ay kumukupas ikaw Hindi! wala kang kupaz! naks! bolabola :P

    ReplyDelete
  21. anlakas maka-pbb teens ni migs ke ed.. lol

    pede bang uuwi nlng ako ng pinas tas mag-industrial nurse nlng ako, hehe.. pls? have a recommendation for me..? pls migs? h:p

    ReplyDelete
  22. well, DADA migs hindi ako ito dahil. hindi ako TALL alam mo yan, average lang ang height ko, hindi ako DARK, hindi ako HANDSOME, jusko! at higit sa lahat hindi MASAMA ANG UGALI KO! buset! hahaha

    about sa story, flashback pala. yung eksena nila ni ed, ewan para nabigla ako. expected ko kasi somewhat may kaunting struggle sa part ni josh or gusto ko lang talaga ipattern sa akin, hahahahaha!

    kay Igi naman, ewan din sa character niya. iba ang kilala kong Igi eh, pero nage-gets ko na ang eksena nila ni josh (hope so)

    sturdy talaga ang koreans? how come? bwahahahaha!!
    related naman ikaw sa kanila eh, hahahaha!! :p

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  23. wow migz u are really an amazing writer hehehe sobra naawa ako kay migs but I can't blame josh. I used to be in his shoe, and I know how it feels to be rejected and treated like I'm not existing. Like josh I tried to exceed my best to be accepted but afterwards I have realize that instead of having friends I lost them. But now I change my my outlook in life, I'm not born to pleased all people around me and if they cannot accept my whole being then who cares not even care bears.....

    have a great day and keep on writing

    ReplyDelete
  24. Ah yong package bwahaha.. Dali na, asan na address mo? Excited ako sa ibibigay mo sa kin hahaha

    Thanks nga pala sa update... can't wait for the next post, but I know busy ka, so take your time... basta ba bukas may kasunod na ito! Yey! Can't wait for Josh to apologize... ang drama!

    ReplyDelete
  25. ai nahiya naman ako sir migs.. di na kasi ako nakaka pag fb lately.. buti nalang nainforn ako ni Igi na may bago kang gawa at kasali kaming tatlo ni josh..hehe tuwang tuwa pa ang loko ng binalita niya sa akin ito.hehe

    -neph

    ReplyDelete
  26. Hi Miguelito ko... Eh hindi na ako nag comment dun sa prologue mo kasi sabi mo sa chapter 1 mo ikaw sasagot sa mga comments sa last part ng diff sim b2...
    Anyway, enough for that... Namiss talaga kita... Pwede na ba kitang ibahay bago ligawan..? para sakin lang ang focus mo... hahaha... Papagawa tayong hardin para araw araw may flowers ako for you...

    ReplyDelete
  27. Helow po kua migz. . .im a new follower ng blog mo po and i read all the stories except ung short stories. . .graveh. . .marath0n reading for more than a week. . .haha. .eneweiz, your works are all fabulous, as in, nakakarelate ako kht papano sa mga characters dito, and about sa new story mo po, its amazing, ang ganda na ng flow kht chap 2 pa lng. . .hope to read the next chap kua migz. .keep up the good work. . .

    P.S. : thanks to kua zildjian at napunthan ko t0ng blog na ito, if n0t for him advertising this blog, ndi ko to makikita. . ^__^

    ReplyDelete
  28. Lumalalim na ang kwento. Da best mo talaga mahal kong Migz. :)

    ReplyDelete
  29. wow ha! isanbero pala ako Migs? hahaha (almost 1 year ang delay ng reply e no? haha)

    ReplyDelete