The Things That Dreams Are Made Of 4

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Sa mga sumunod na linggo ay naging abala pareho si Josh at Igi sa kanilang finals at pangangampanya. Andyan parin ang magkakasabay sila sa elevator pero hindi na sila pa nagpapansinan. Para kay Josh ay huli na ang ginawa niyang katangahan sa pakikipagusap at pag-hingi pa ng tawad kay Igi habang si Igi naman ay hinihintay ang muli siyang kausapin ni Josh kaya naman hindi niya mapigilang madismaya nang makalipas ang ilan pang araw matapos ang huli nilang paguusap ay hindi na siya nito pinansin.

Ilang araw pa matapos ang halalan ay hindi na umasa pang muli si Igi na magkakaayos silang muli ni Josh at si Josh naman ay hindi magkamayaw sa kakaiwas kay Igi pero nung araw na kung saan ihahayag na ang mga bagong officers ng kanilang skwelahan ay magkatabing hindi mapakali si Igi at Josh sa may auditorium, iniintay kung sino ang tatanghalin na bagong presidente ng Student Council. Para kay Igi ay ipinapanalangin niya na sana ay si Josh ang manalo upang hindi na magkalamat pa ang kanilang durog na durog ng pagkakaibigan at para si Josh naman ay tahimik ding nananalangin na siya ang manalo upang may ipandadagdag nanaman siya na pagkain para sa kaniyang confidence at ego.


Ilang minuto pa at lumabas na si Mrs. Roxas mula sa likod ng entablado. Tila parehong hinigop ang mga hangin mula sa mga baga ng magkaibigan. Tumapat na ang kagalang- galang na guro at nagsimula ng masalita na siyang lalong nagpakaba sa dalawa.


Magandang umaga!” simulang pagbati ng guro. “Gusto kong iparating ang aking taus pusong pasasalamat sa mga estudyanteng tumulong para maging successful ang halalan na ito---” saglit na nilunod ng malakas na palakpakan ang buong auditorium. “---Bago ko i-anunsyo ang bagong halal na mga kasapi ng Student Council ay meron muna akong masamang balita para sainyong lahat. Ang pusisyon na bise presidente ay pupunan ng pangalawa sa may pinakamataas na nakuwang boto na kandidatong tumatakbo sa pagka presidente. Ang mga kandidato para sa pagkabise presidente ay napag-usapang diskwalepikahin dahil sa isang dahilan na hindi ko maaaring banggitin---” muling napuno ng ingay ang auditorium, hindi ng palakpakan kundi ng bulung-bulungan, maski si Josh at Igi na hindi nag-uusap ay muntik ng magbulungan upang magpalitan ng opinyon sa sinabing iyon ni Mrs. Roxas.


Hindi naman kami nagkamali sa ginawang desisyon na ito dahil ang dalawang kandidato para sa pagkapresidente ay dalawa sa pinakamagagaling nating estudyante---” simula ulit ni Mrs. Roxas na bumasag sa pagbu-bulong-bulungan sa buong auditorium. “---ngayon ay itatanghal na natin ang bagong presidente ng student council! Mr. Luigi Martin Saavedra!” sigaw ni Mrs. Roxas na ikinagulat ni Igi at ikinabingi naman ni Josh.


Hindi niya matanggap na natalo nanaman siya ni Igi sa kabila ng kaniyang paniniwala na talo niya ito sa lahat ng bagay. Napansin ni Josh na kakausapin siya ni Igi kaya't agad siyang tumayo at lumabas ng auditorium. Hindi alintana ang nagtatakang tingin ng mga tao sa kaniyang paligid.


000ooo000


There you are--- Josh, are you OK?” nagaalalang tanong ni Neph sa nakatulalang si Josh. Tinignan ito ni Josh at binigyan ng isang matipid na ngiti.


Congrats.” pabulong na sabi ni Josh kay Neph.


Oh---Thanks.” nagaalangang sagot ni Neph.


I heard Mrs. Roxas shout your name as the new SC treasurer.” pabulong paring sabi ni Josh sabay pakawala ulit ng matipid na ngiti.


I-I should also congratulate you, you know. Being the new vice president isn't bad---” simula ni Neph pero natigilan siya ng nabura sa mukha ni Josh ang ngiti. “---uhmmm, Mrs. Roxas sent me to find you, Josh. We're about to have our first meeting, do you think you could come?” nagaalalang tanong ni Neph, pilit na iniba ang topic. Marahan na lang na tumango si Josh at tahimik na naglakad papunta sa opisina ng SC.


000ooo000


Nasa kalagitnaan na ang meeting nang pumasok si Neph at Josh sa kuwarto, agad-agad ay napako ang bawat tingin ng mga bagong halal na officers kay Josh na namumula naman sa hiya, nun niya lang kasi na-realize na hindi nga pala naging maganda ang dating ng kaniyang biglaang pag-alis.


Mabuti't nakarating ka sa ating unang pagtitipon, Joshua.” nakangiting bati ni Mrs. Roxas kay Josh nang makuwa nito ang kaniyang pansin.


I'm sorry, Ma'am. Sumama po kasi kanina ang pakiramdam ko.” palusot ni Josh sabay sulyap sa kaniyang mga kapwa officer.


It's OK, Josh. Alam ko namang na-stress kayo sa halalan na ito, kaya't hindi na ako nagtaka kung meron man ngang sumama ang pakiramdam sainyo.” nakangiti paring sabi ni Mrs. Roxas. Tumango na lang si Josh at lumingon-lingon at naghanap ng bakanteng upuan, ngunit muli siyang nanlamig nang mapansing nakuwa na ni Neph ang isa pang silya na bakante at ngayon ang silya na lang sa tabi ni Igi ang bakante.


According sa pusisyon kung san ka nahalal ang seating arrangement, Josh.” kinakabahang bulong ni Neph sa kaibigan nang mapansin na tila ba ilang saglit na lang ay muli na itong magtatatakbo palabas. Napalunok ng sariling laway si Josh at marahan na lang na tumango sa sinabing iyon ni Neph.


So ating ipagpatuloy ang ating pagpupulong---” nakangiti ulit na simula ni Mrs. Roxas nang makita niya ang pag-upo ng tila ba nagaalangan paring si Josh sa tabi ni Igi na tila naman naging kasing tigas ng plywood sa pagiging tense. “---Bilang dadating na ang bakasyon, naisipan namin ng ating principal na magkaroon ang ating mga bagong halal na officers ng team building---” Napuno ng bulungbulungan ang buong opisina habang si Josh ay hindi parin mapakali sa tabi ni Igi at ng kanilang sekretarya na si Roan at si Igi naman ay tila tense na tense parin, natatakot sa maaaring pagwawala ni Josh sa kaniyang tabi dahil sa pagkatalo nito sa kaniya.


---quiet children---” humahagikgik na putol ni Mrs. Roxas sa grupo ng bagong officers at nang muling balutin ng katahimikan ang buong kwarto at nang makuwa na ulit ni Mrs. Roxas ang atensyon ng lahat ay muli itong nagsalita. “--- napagdesisyunan din namin na mas maganda siguro sa Batangas, sa farm na pagmamay-ari ng brothers of Saint Anthony---”


Ma'am yun ba yung malapit din sa beach?” tanong ni Roan na hindi na mapakali sa sariling upuan dahil sa pagka-excite.


Yes, Roan. In fact sa may beach house tayo ng mga brothers magste-stay at hindi sa retreat house sa gitna ng farm.” nakangiting sagot ni Mrs. Roxas.


Muling binalot ng bulong-bulungan ang buong kwarto ngunit nanatiling tahimik si Igi at Josh. Kinakabahang sinusulyap-sulyapan ni Igi si Josh at ilang beses ding sinubukang magsalita upang humingi sana ng tawad at magpaliwanag na hindi siya tumakbo sa pusisyon na iyon para talunin si Josh pero sa tuwing ibubuka niya ang kaniyang bibig ay walang lumalabas sa kaniyang bibig dahil nauunahan siya ng takot.


000ooo000


Hindi maintindihan ni Josh kung bakit hindi parin gumaang ang loob niya. Hindi na masama ang pusisyon ng pagiging bise presidente at alam naman niyang magiging magaling na presidente si Igi. Sumagi na lang sa isip niya na marahil ay dahil si Igi ang nakatalo sa kaniya, ang tao na kakumpitensya niya sa lahat kaya't sa kabila ng malaking posibilidad na maging magaling na presidente ito ay naiisang tabi iyon ng kaniyang sama ng loob dito.


I'm sorry.” pabulong na sabi ni Igi na ikinagulat ni Josh. Humarap si Josh kay Igi na noon ay nakayuko at tila hindi mapakali.


Lalo namang nag-init ang ulo ni Josh dito, pasaring kasi ang dating ng paghingi ng tawad na iyon ni Igi sa kaniya kaya't habang abala sa pagdidiskusyunan ang kanilang mga kasamahan at si Mrs. Roxas ay pabulong na sininghalan ni Josh si Igi.


You really have to rub it in my face, do you?!”


What?! No! I'm apologizing, Josh---”


Ha! Apologizing? O kating kati ka na maipamukha sakin na talo ako?!” singhal pabalik ni Josh na ikinakulo ng dugo ni Igi.


I can't believe this! What the hell is your problem?! Lahat na lang ng bagay ginagawa mong kumpetisyon sa pagitan nating dalawa! Lahat ba talaga ng bagay dapat maging kumpetisyon para sayo?” pabulong na singhal pabalik ni Igi. Ngayon, pareho na silang namumula dahil sa pigil na galit at pareho narin nilang tinititigan ang isa't isa sa mata, pursigido na hindi magpatalo sa isa't isa.


What is my problem?! YOU! You are my problem you---” simula ni Josh pero naputol iyon nang biglang umalingawngaw ang boses ni Mrs. Roxas sa buong kwarto na muling ikinatahimik ng lahat.


So it's settled then?! May kaniya- kaniya na kayong mga partner.” nakangiting sabi ni Mrs. Roxas na napa palakpak pa sa sobrang galak.


Excuse me, Ma'am. Ako po wala pang partner.” taas kamay na sabi ni Josh.


Oh, I thought, since busy kasyong dalawa ni Igi habang namimili ang lahat ng partner ay napili na niyo ang isa't isa bilang partners.” nakangiti paring sabi ni Mrs. Roxas na ikinamutla ni Josh.


Is there a problem, Josh?” nagaalalang tanong ni Mrs. Roxas nang hindi na umimik si Josh at nang mapansin nitong ang namumutlang mukha ng huli.


Yes. Are you alright, Josh?” nakangising tanong ni Igi kay Josh na nagpakulo ng dugo ng huli. Umiling na lang si Josh na muling ikinangiti ni Mrs. Roxas.


Good! So since everything is settled, we should call this meeting adjourned!” sigaw ni Mrs. Roxas sabay masayang lumabas ng opisina na masiglang sinundan ng iba maliban kay Josh na hindi parin makapaniwala sa kaniyang sinangayunan at si Igi na nakangisi parin.


You're not going to get chicken shit now, are you? What?! You're afraid to see that I'm actually better than you kapag nagsimula na ang team building? Di mo ba masisikmura na ang katotohanan na ako ang nanalo at hindi ikaw? Na ako ang pinili nila at hindi ikaw---?” singhal at nakangisi paring tanong ni Igi kay Josh habang pinapanood ang huli na napipikon nang palabas ng opisina. “---I'm so fucking tired of dealing with your spoiled ass! I'm so fucking tired of feeling like I've done something wrong when all I do is be better at everything!” paglalabas ng sama ng loob ni Igi na ikinatigil ni Josh sa paglalakad palayo. Saglit itong humarap kay Igi.


I don't back out, Igi, you of all people should know that. They might have voted you to be their president but it doesn't mean that you are better at everything and I will make you see that in our team building. I'm going to knock you off your pedestal and make you eat dirt. I'm going to make you realize that you are not better than anyone else and that make you see your own shit like the rest of us!” singhal pabalik ni Josh, hindi maikakaila ni Igi ang galit sa mga salita nito na ikinabahala ng huli. Alam niyang bugso lamang ng damdamin ang kaniyang mga huling sinabi dito at ayaw na niyang lumaki pa ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Susubukan pa sana niyang humingi ng tawad kay Josh pero mabilis ng nakaalis ang huli.


000ooo000


Arggghhh! He's so fucking annoying!” sigaw ni Josh nang makarating siya sa bahay nila Des at nang makapasok ito sa kwarto nito at maabutan ang huli na nagfe-facebook. Agad namang naglakad pasalubong si Des sa kaniyang nobyo, higit na nagaalala dito.


What happened? Who's annoying?” nagaalalang tanong ni Des sabay yakap kay Josh.


That mother---” natigilan si Josh sa pagmumura nang makita niya ang isang matalim na tingin na ibinato sa kaniya ni Des. “---that butt face, Igi!” pagtutuloy na lang ni Josh. Muling iniyakap ni Des ang sarili sa nobyo at nang pakawalan ito ay nagbuntong hininga.


What did he do now?” tanong ni Des sabay hila kay Josh paupo sa kama.


Well, to start with--- he won the presidency and then he have the decency to rub it in my face and say cruel and bad things to me after, like, being spoiled and stuff.” malungkot na sabi ni Josh.


Hey. You're not spoiled, a little vain maybe but not spoiled.” pang-aalo ni Des sabay halik sa labi ni Josh.


Really?” parang batang tanong naman ni Josh nang maghiwalay ang labi nila ni Des.


Yes.” sagot ni Des abay halik ulit sa labi ni Josh.


Sunod na naalala ni Josh ay maalab na silang naghahalikan ni Des at pareho na silang nakahiga sa kama ni Des.


000ooo000


Malaki parin ang ngiti sa mukha ni Josh nang makarating siya sa lobby ng kanilang condo at habang humahabol siya sa papasara ng mga pinto ng elevator. Tama ang kaniyang pasya matapos lumabas ng opisina ng student center at dumeretso na sa bahay ng kaniyang nobya na si Des dahil napawi nito lahat ng kaniyang sama ng loob. Nabura na lang ang mga ngiting iyon nang may tumawag sa kaniyang pangalan at nang lingunin niya kung sino iyon.


Joshie! San ka galing?! Bakit gulo-gulo yang buhok mo?” nakangising tawag ni Neph na kasama ang tahimik na si Igi na mataman namang tinitignan ang lukot-lukot na damit ni Josh at medyo magulo nitong buhok.


Hey Neph.” nakangiti ulit na bati ni Josh.


Soo--- where have you been?” nakangiti paring tanong ni Neph sa namumulang pisngi na si Josh.


Oh uhhmm diyan lang kila Des.” namumulang sagot ni Josh habang pinaplancha ng kamay ang lukot-lukot niyang damit at gulo-gulong buhok, iniisip na nahuli siya ni Neph sa kung ano ang maaaring ginawa nila ni Des.


I see! You got lucky huh?” tanong ni Neph na lalong ikinamula ni Josh.


Uhmmm---” simula ni Josh pero bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay muli nng nagsalita si Neph, nakatuon ang pansin kay Igi.


AWW! What did you do that for?!” sigaw ni Neph nang batukan siya ni Igi.


Bababa ka na.” malamig na sabi ni Igi kay Neph habang bumubukas ang pinto ng elevator, sapo-sapo ang batok na lumalabas ng lift habang nakangising nakatingin kay Josh na namumula parin sa hiya.


Binalot ng katahimikan ang dalawa at ang mabibigat na pag-buntong hininga na lang ni Igi ang siyang naririnig sa loob. Hindi na ito pinansin ni Josh, iniisip na gusto lang ni Igi na sitahin niya ito at muling sumiklab ang isa nanamang awayan. Nang sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator ay mabilis na lumabas si Josh kasunod si Igi.


You should put something on your neck and close your zipper before going inside your unit.” pabulong na sabi ni Igi sabay buntong hininga at tila ba dismayadong dismayado bago pumasok ng sariling unit. Matapos isara ni Josh ang sariling zipper at dahil sa pagiging natural na vain ay kinuwa ang salamin sa kaniyang bag at tinignan ang kaniyang leeg upang malaman kung ano ang sinasabi ni Igi ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata, nakita ang isang palatandaan na iniwan ni Des mula sa kanilang ginawa sa kuwarto nito.


Shit!” mura ni Josh sa sarili sabay halukay sa kaniyang bag upang humanap ng band aid. Nang makita ito ay agad niya itong inilagay sa leeg, huminga ng malalim at tahimik na nanalangin na walang mapansing kakaiba ang kaniyang dalawang ama.


000ooo000


And then there was this---” pagpapatuloy na kuwento ni Ed habang nasa hapag kainan silang mag-anak pero naputol ang pagkukuwentong iyon nang punahin ni Migs ang band aid na nasa leeg ni Josh.


Josh, what's that on your neck?” tanong ni Migs na ikinatigil sa pagkukuwento ni Ed.


Oh uhmm, nahiwa nung nag-ahit ako.” palusot ni Josh sabay yuko.


Wala ka pa namang buhok sa leeg katulad ng sa dad mo ah?” naniningkit matang tanong ni Migs sabay abot sa band aid upang tignan ang sinasabing sugat. Agad namang umilag si Josh na lalong ikinataka ni Migs.


Titignan ko lang baka malalim masyado at magpeklat.”


H-hindi siya malalim, Dad.” nauutal na sagot ni Josh kaya't hindi niya nakita ang pag-abot ng kamay ni Ed sa band aid.


““What the hell?!”” sabay na sigaw ni Migs at Ed nang sa wakas ay matanggal ang bandaid.


Asan yung hiwa?” “Sinong nagbigay sayo niyan?!” sabay na tanong ni Ed at Migs sabay nagkatinginan.


Anong nagbigay? Sabi ni Josh nahiwa daw siya, ngayon asan yung hiwa?” naguguluhan na tanong ni Ed.


Anong hiwa? Chikinini yan oh!” singhal ni Migs na lalong nagpayuko kay Josh at ikinalaki naman ng mata ni Ed nang maliwanagan at maintindihan ang sinasabi ni Migs.


You mean our son is now sexually active?” tanong ni Ed.


Dad!” nahihiyang tawag ni Josh kay Ed.


Don't Dad me! Kapag ikaw nakabuntis o kaya nagkasakit diyan sa pinaggagagawa mo—-!” sigaw ni Ed.


Did you use protection? Please, Josh tell me that you used protection.” nagaalalang tanong ni Migs.


Dad!” tawag ulit ni Josh sa kaniyang mga ama.


You're too young to engage---” “What if you got yourself some disease---” sabay na sabi ni Ed at Migs na talaga namang rumirindi kay Josh.


I'm the new student council vice president are you guys going to tell me how great I am or are we just going to forget about that accomplishment and focus on my shityness?!” galit na sabi ni Josh na nakapagpatigil sa kaniyang dalawang ama.


I get it OK. I'm too young to have sex but Des and I love each other, we know what the consequences are---”


We're not going to give you shit about 'Sex and Marriage', Josh and we're not ignoring the good stuff you did, what we're saying is that you're too young to have sex, sure, you know the consequences, but do you guys know how to deal with them sa oras na mangyari ngang mabuntis mo si Des? This is not about counting all the bad things you did and ignoring all the good ones, we're trying to make you realize that you're not yet ready for this and all the consequences that comes along with it.” marahan, seryoso at mahabang balik ni Migs na siyang gumising sa nagtutumigas na ulo ni Josh.


Naiintindihan mo na ba ngayon na hindi ka namin pinapagalitan kundi pinangangaralan ka lang namin?” naiiritang singhal ni Ed dahil sa panunubok ni Josh na baliktarin sila at sila pa ni Migs ang gawing masama.


Yes. I'm sorry.” matigas na balik ni Josh sa mga ama. Nagkatinginan si Migs at Ed, alam nilang hindi pa tapos ang usapan na iyon at alam din nilang buwan pa ang bibilangin bago pa man nila malagpasan ang problema na iyon.


Can I be excused?” magalang pero matigas na paalam ni Josh sa mga ama, balak pa sana itong kontrahin ni Ed pero nang maramdaman nito ang pagpisil ng malalambot na mga kamay ni Migs sa kaniyang braso ay nagbuntong hininga na lamang siya at pumayag sa gustong mangyari ng anak.


Mabilis na lumabas ng unit si Josh nang makita niya ang napilitang pagpayag ng amang si Ed sa kaniyang pamamaalam. Hindi niya alam kung san siya dadalhin ng kaniyang mga paa dahil abala ang kaniyang utak sa mga napagusapan nila kasama ang kaniyang dalawang ama. Hindi niya makuwa ang gustong mangyari ng mga ito. Para kasi kay Josh ay ang tangi lamang importante ay mahal nila ni Des ang isa't isa. Na sapat na ang pagmamahal.


000ooo000


Marahang isinasabay ni Igi ang kaniyang ulo sa tugtog na nagmumula sa kaniyang earphones na naka kunekta sa kaniyang iPhone, pero sa kabila ng may kalakasang tugtog ng kaniyang telepono ay nagulat parin siya nang biglang bumukas ang pinto palabas ng sky garden ng kanilang condo na kaniyang kinaroroonan. Nakita niya ang balisang balisa na si Josh, halatang malalim ang iniisip at tila na ilang minuto na lang ay iiyak na. Pinanood niya itong maglakad papunta sa railings, itinuon doon ang mga kamay at nagpalabas ng isang malalim na hininga.


Hindi alam ni Igi pero tila ba habang pinapanood niya si Josh ay para bang bumibigat din ang kaniyang loob. Parang gusto niyang sapakin ang taong dahilan ng pagkabalisa nito, gusto niyang iparamdam ang pinagdadaanan ngayon ni Josh sa taong may responsibilidad ng kalungkutan nito.


Sa ikalawang pagkakataon ay hindi muli alam ni Igi kung ano ang nagtulak sa kaniyang gawin ang mga susunod na nangyari.


000ooo000


Nagulat si Josh nang maramdaman niya ang isang mahigpit na pagyakap mula sa kaniyang likod. Hindi niya maipaliwanag pero tila ba gumaan ang kaniyang loob ng maramdaman ang pamilyar na pagyakap na iyon.


Igi, ang sakit.”


Shhh. Joshie. Wag ka ng umiyak.”


What's the problem, Joshie?” mahinang tanong ni Igi na bumasag sa saglit na pagbabalik tanaw na iyon ni Josh. Marahang kumawala si Josh saglit sa mahigpit na pagkakayakap na iyon ni Igi at halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita na si Igi nga pala ang nagpapagaang ng loob niya sa mga oras na iyon.


Nagtama ang kanilang mga tingin. Iba't- ibang emosyon ang naramdaman ng bawat isa.



Itutuloy...




The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 4”
by: Migs

Comments

  1. Hello guys. Malapit ng pumikit ang aking mga mata kaya naman saglit lang ito. :-)

    jae jae: sorry I made you cry. Choz! Bakit ka umiiyak? Haha!

    Jemyro: some are not so understanding as you. Marami parin talagang uma-a-attitude. Napaka demanding.

    Erwin F.: kayo ba ni Makki? Baka kayo magkatuluyan niyan. Bakit sugpo? Crustacean ba ito? Haha! Ayaw ko ng koreano. Haha! Sabi nga ni Josh, di kami pwede kasi related kami. Haha! Ikaw na bahalang umintindi sa pahayag kong iyan.

    Jay: sa hinaba-haba ng sinabi mo ito lang ang aking masasabi. THANKS! Hehe. OK lang na mahuli ang comments, basta hindi nakaka hassle sayo masyado.

    Michael John: thanks! Di naman siguro everyday dapat. Mga every other day na lang. Haha! THANKS!

    AR: haha! Hilig mo talagang hulaan ang mangyayari sa story. Di ka na nasanay sakin, hindi naman laging nangyayari ang mga iniisip ng readers ko diba? Haha! Baka-- BAKA lang naman mali ka. Choz! Thanks! Mwah!

    Calle 'aso: paunahan ba ito?

    Josh: pinagiisipan ko pa kung isusulat ko. Nawala na kasi ako sa wisyo magsulat. Sobrang busy kasi. I always save the best for last. Alam mo yan. Haha! And when you though my stories are getting predictable dun ko na naman ipru-prove na mali kayo. Diba? Di ka pa nasanay sakin? CHOZ! THANKS! Mwah! :-)

    KV: masama ang nababakante. Maghanap ka na ng pwedeng mag-puno sa pagiging bakante mo. Haha! Thanks!

    Mark Ryan: Asan na ang PACKAGE?! Haha! I want YOUR package! Haha!

    Mr. Suplado: iniisip ko nga na magpabayad na lang sa inyo eh. Piso per word. Haha! JOKE lang! OK lang ako, may 3 hours pa naman ako na tulog. :-)

    rob dela cruz: minsan lang worth it ang pagiintay sa stories ko? Haha! Thanks! Mwah!

    Riley: thanks for loving chapter 3. Haha! And thanks for the support! :-)

    Russ: bakit hinahayaang matigang ang rainbow?! Padiligan na iyan, ora mismo! Haha! Thanks russ! Basta ang request color ko ah?! Haha!

    ANDY: galit ka? Haha! Thanks! Ewan ko ba kung bakit pilit na pumapasok sa utak ko yung huling ginawa ni Aaron kay Nate sa AAO at naisulat ko iyon kay Josh at Migs ngayon. Haha! Aparisyon ba ito ng sequel ng AAO? Hahaha! THANKS ANDY! Mwah!

    ReplyDelete
  2. Ryvis Tan: ganyan din ang naging problem ko noon. Masyadong insecure at kumpetisyon ang naging lahat para sakin. Nice Advice! Sana maraming makabasa! Thanks!

    Foxriver: nahiya naman ako sa english mo. Haha! Ikaw ba ang nagendorse ng blog ko kay Riley o siya pa ang nag introduce ng blog ko sayo? Haha! Thanks!

    Jm_virgin2009: thanks! Pa-follow na lang ako kung hindi mo pa ako nafa-follow! :-)

    ryan: sanay na ang katawan ko! Thanks! Mwah!

    Makki: kayo ba ni Erwin F.? Yung totoo? Haha!may nararamdaman akong something eh. Haha!

    Akosichristian: si Liam? Di ka parin anka move on sa kaniya? Hahaha! Oi san ba pinganak si Sinbad? Siya yung asa Arabian nights, diba? Haha! Sorry! Di ako familiar. Ang alam ko lang Cinderella at snow white. No wonder I turned out to be gay. Haha!

    Rei: thanks! Mwah!

    Almondz: thanks! Di naman ganong katindi ang emotion dito ah. Hahahaha! Thanks! Mwah!

    Boboy Tuliao: i-pm mo ako sa email add ko na nakapost sa disclaimer. Mag usap tayo ng masinsinan. Haha! Gagu ka talaga! Wag mo nga akong niloloko. Kinikilig ako. Ahaha! Thanks Boboy!

    DownDLine: ganon ba? Sige dahil malakas ka sakin. 1 post per two weeks na lang. Ayos ba yun? Haha! Loko lang. Try ko, sige. Pero wag aasa ha? :-)

    januard: maraming salamat sa pagiintindi. Thanks thanks thanks wag ka sanang magsawa. :-)

    Kean Tongol: ano naman ang ginawa mo at naka-relate ka kay Josh? Haha!

    Berto: thanks! Kung hindi mo pa ako pina-follow pa follow na lang po. Thanks!

    Ang lahat po ay inaanyayahan ko na basahin ang mga short stories (nakalagay po ang link nito sa archives sa kanang bahagi ng page o kaya naman ay i-click niyo na lang po ang short stories sa labels at makikita niyo na po ang mga iyon.) umaasa po ako na tumaas ang comments ng mga story under ng catergory na iyon, isa na rin pong paraan iyon upang sa tuwing naiinip kayo sa kakaintay ay mayroon kayong nababasa. Maraming Salamat at mabuhay ang lahat! :-P

    At muli nais ko po ulit magpasalamat sa mga blogspot na patuloy na nageendorse ng aking blogs sa kanilang page! maraming Salamat. Promise kapag naka luwag ako, babawi ako sainyo.


    Marami ulit salamat!

    ZZZzzzzZZZzzzz...

    ReplyDelete
    Replies
    1. galing mo talaga migs..ur really the best writer for me..clap!clap!..kakainlove ka..kng kilala lng kita personally, pakasalan na kita eh..:)

      salamat kuya migs

      ~ronnie bokie here from naga city

      Delete
  3. Salamat po sa mga stories mo, kuya Migs. :D

    ReplyDelete
  4. you never cease to amaze me Kuya Migs, thanks for the wonderful chapter, though the cliff-hanger is a hassle haha..

    sorry ngayon na lang ulet naka pag comment..hehe naiinggit ako sau eh, kaya nagging busy na din..:)

    ReplyDelete
  5. migz!...hindi pa..but i will...promise...hehe..nakabookmarked naman ang site mo sa lappy ko...woah!...nice chapter....start na ba to???...muling ibalik ang tamis ng pag-ibig na ba ang drama ng dalawa???...nice one otor!

    -Berto-

    ReplyDelete
  6. no prob miggy. just keep going! go lang ng go!

    lol

    rei

    ReplyDelete
  7. Haha, kua migz wat i mean is ndi minsan. .haha, i mean is everytime. .char. . .xD. . .by the looks of your story kua migz, i think its getting more and more thrilling. .hehe, at para pla mpataas ang page view mo kua migz in-advertise ko na t0ng blog mo, hehe, sana iyong mga readers dun eh mapuntahan itong blog mo ASAP. .,well then, keep up the good work and God bless ^__^

    ReplyDelete
  8. Ahaha... Natuwa ako... I thought Sunday is your posting period na... Haha... Saviour ka! Konti na lang talaga bibigay na utak ko at mabebelong na ko sa persons who cant give consent! Buti na lang nagpost ka.. Hihi.. Thank you!

    Umm... Great chapter! :-)
    find time to rest! Baka magkasakit ka at matagalan lalo pagsusulat mo... Mag woworry kaming fans mo! Haha..

    ReplyDelete
  9. hanak ng tipaklong! uy migz wag kang ganyan! LOL waaaah! nagulat naman ako sa tanong mo... waaaaaah! isyu isyu! lagot ako neto! bwahahaha! ang sagot sa tanong mo? A BIG NOOOOOOOOOOOOOOOOO! hahaha tropa yang si wintowts migz! sa next chapter na lng ako mag co-comment about sa story! nakakagulat ka! sablay yang something something mo na yan! tawa ako ng tawa! :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hoy sugpong eto kahit san dinadala mo pagka-sugpo mo...
      -yumzz

      Delete
  10. Where is your address? Para maideliver ko na PACKAGE ko hahaha... kailangan all caps? hahaha

    Oh I love this chapter by the way... I smell romance in the air...

    ReplyDelete
  11. ang ganda kuya migs!!!

    ^___________^ ganyan na naman yung ngiti ko oh!!!!

    Sulit na sulit!!! Woooh!!!

    Kakakilig parin si migs at ed. Haha!


    Btw, im in love ngayon kuya migs. Haha! But idk kung dapat ba akong mging happy. LOL!!!

    ReplyDelete
  12. Ok first of, A REALLY BIG THANK YOU KUYA MIGZ for you know what. HAHAHA! Second, Eto na po ang bonggang comment as promised. XD

    Grabe kuya ang ganda ng story na to at mabigat ang epekto sakin. PM ko sayo o alam mo na? Haha! Si kuya syuusuke eh lang kwenta (pareha sa story.hahahahaha!(>:D baka mapagalitan na naman ako nun.XD) the other day lang inamin dun sa nangyari. tsk! Mali2 timing ng ginawa ko dati kaya namisinterpret ata. :/ palaaway kasi ako nun dahil sa maraming kakachat kaya hindi ko namalayan me nasktan na pala ako sa pinagsasabi ko na di nman dapat siya masktan dun dahil di nman siya. naglike at comment pa nga ako sa ilang status niya after nun eh pero ignored ako. Haaaaay..kaya pala...YOU KNOW WHO YOU ARE, SORRY FOR THAT. Di pa kita kayang harapin kasi marami pa rin akong ginagawa at nahiya ako sa ginawa ko. hehe.. gusto ko munang magpublic apology (haha), bago magpersonal. hehe! di narin ako nakikipagchat sa kabila eh. dleted na nga mga messages dun maliban sa "kanya". alam mo na kung sino un at wag mo sabihin ky kuya migz ha! >:] haha! After prelims, I'll fix things. AGAIN, SORRY. :((((((((((

    This story revolves around pride, friendship and longing. Kung si kuya syuusuke pa, "pataasan ng ihi". Quite similar to how many of us treat ourselves and others close to us. We fail to show how much they mean to us as we are overcome by our pride. Minsan nga the simple thought na "lalaki ako" makes us lose the capacity to show some care to everyone around us. Sobrang relate ko dito.Kaya thanks kuya for this story, daming aral na nman talaga nito. :D :D :D :D

    Story structure: I am REALLY SEEING MYSELF sa story. Aside from being realistic, the sequence of events are not necessarily anticipatory but inevitable. That makes you agree more to it.The lines, the quotable lines such as the "hindi ka namin pinapagalitan kundi pinangangaralan" carves the story into you more. The play of words is simply jaw-dropping. It makes you smile kung maganda ang takbo ng story pero makes you think inside about the entirety of it. Mapapaisip ka tlaga. Grabe kuya, sana malathala ang story mo in books tlaga. For that, A BIG CONGRATULATIONS. :D :D :D Thank you more than ever. NOw I can do more things even with my little time. I promise to comment as often as I can. :)

    Life is like baking a cake for someone. It matters not how beautiful the designs or how long you have prepared it. As long as it is heartily given to a person close to you, it will still be appreciated. That there will always be someone who appreciates you and what you do. -ayan ang realization ko kuya. :D


    -->NIX

    ReplyDelete
  13. Bitiiiiinnn!!!haha!!

    Si foxriver ang nag introduce ng blog mo sa ken migs:)bibilang na naman ako ng araw for chapter 5..but thank u migs..take care:)

    Riley

    ReplyDelete
  14. you're really great kuya migs..every chapter is full..hndi bitin nor empty..it's like every chapter is indeed a full story itself..di pwedeng may mapalampas kasi each chap has this kind of pulling attraction that pushes you to wait and anticipate for the next one..iba kasi pag kayo (well, you and lui, or unbroken or jeffy or zild) ang gumawa ng story eh,,i dont know but your story, short or series is not boring and every one s full..bsta, you're a great writer and you're one of the best sa lahat ng mga nabasa ko

    -john el-

    ReplyDelete
  15. Miggy boy... Grabe... excited na akong makilala ka... hahahha.. Already sent you an e mail....

    Ang ganda talaga.. sabi na nga ba eh may past sila...
    Sabagay tayo naman magakakroon ng future.. hahaha.
    Mwuah....

    ReplyDelete
  16. Hala! Mariing pagtanggi! HINDI KAMI NUH!

    Friend ko si Makki kausap ko lagi pag bored ako sa work or may problem or anything.

    Migs issue ka ah! Tapalan kita ng kimchi loko ka. Ahahahaha!

    Sugpo kasi yun sabi niya. Sugpo daw siya.

    Di ko talaga kinaya yung sinabi mo napakagat ako sa unan ko ayun malaway!

    Anyway si Igi yumakap na. Grrrr! Yeah! Yun lang....

    ReplyDelete
  17. Wow Goodluck kay Boboy Tuliao at Kuya migs!!! Hahaha! Lol mas kinilig pa ata ako.

    ReplyDelete
  18. Sooo tama pala ang desisyon ko na hindi muna basahin ang 3rd part at hintayin ang 4th part ng story. Grabe lang Migs mukhang tama ang naamoy ko sa dalawang batang ito. PBB teens lang. :))

    ReplyDelete
  19. hmmmm? akala ko sa team building pa ang "incident" na ganito pero mukhang nagbigay kana ng hint. pero alam kong may kulang pa din. miguel kontrabida ka talaga sa akin kahit kelan hahahaha!

    tigilan mo ako sa "pag iisip" na yan, ayaw mo lang i share yung nangyari nung b-day mo. basta! gawin mo yan! (demanding?) hahahaha :p

    sanay na ako sayo pero may inaabangan akong MAGBABALIK. iyon ang magsasara ng kabanata ng isang istoryang di masyadong nabigyan ng hustisya...alam mo yan =)

    side trip: iba ang sense ko sa over all mood nitong story na ito. sana mabago ang nararamdaman ko sa sususnod or much better sa conclusion ng story =)

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  20. Author Migs!

    Haha syempre hobby ko na yan, lalo na lagi akong "may boto kung sino ang dapat kanino" :D and ngayon..hehe igi-josh na ko :D haha kahit na may gf yan si josh syempre sa ngayon nasa process pa siya ng tinatawag nating hormones :D pero si igi,gusto ko character niya matured enough for his age, the one who thinks and analyzed first before letting his words fly! konti lang yung may mga ganyang tao (maybe) haha kasi ganyan din ako kaya lang parang autistic na tuloy haha..

    Kay roan at neph naman konti palang yung limelights kaya dedma pa muna pero may hint na ko kay neph:D

    ..and today is a special day for me, well maybe for everyone din:D gugulatin lang kita sa balita ko..soon:D

    ReplyDelete
  21. Nux!. Di na virgin si joshie. Haha. Katawa lang. :D

    Madami na akong nagawa, katulad ng ginagawa ni josh. :D Except sa something something nila ni des. Hahahaha

    Hey. Thanks, take care always. :P

    ReplyDelete
  22. migs grabe ang mga conversation..ehehe honest nakakadugo ng ilong..wapak na englisan..

    about sa rainbow ko tigang pa rin eh kahit na 5th year anniversary namin june 28..la pa din..ground ZERO..hehehe

    hahhahha migs..ang request color mo pupunta muna ako sa ukay ukay baka nandun hehe. kudos migs..

    ReplyDelete
  23. wahaha...sa akin Okay lang since weekly lang din ako makapagsurf..pero kinokonsider ko din ang mga co-readers ko..wahaha..may ganon...OTOH,parang mas gusto ko pang hate-hate relationship na lang sila forever...ahaha...naaasar kasi ako kay luigi ehh..parang ang epal...kinda inaapi si josh ng di-sinasadya,...weeird ng comprehensions ko no...ahaha...well basta may update,yun good luck kuya migs!...haha...

    ReplyDelete
  24. ay hindi migs pahulihan. pahulihan. hehe. nakakatuwa lang kasi kung ikaw ang unang makakacomment, kasi ibig sabihin ikaw ang unang nakatapos magbasa. :)

    ReplyDelete
  25. Sa wakas nabasa ko din. ang cute ng story. haha.

    sobrang raw ng mga eksena. ang inosente ng atake. ang lupet ng sequence. galing!

    pero nakakatuwa na kagaya ng mga anak ang mga dad. puro mga sapantaha ang pinapairal kesa magtanung at linawin na lang. haha. pero deep inside dun makikita yung care sa isat isa. galing talaga.

    excited na ko sa next part. thank you kuya migs. tc.

    ^^,

    ReplyDelete
  26. Nakaka hook ang kwento nila joshie at ni fafa igi ayieeee pero panu na yan im pretty sure ma bubuntis ang gf ni josh panu na c igi boy? Hmmmm xcited na ako sa new episode kuya migs galing mo talaga pa hug nga hehe



    Karl Rickson

    ReplyDelete
  27. ang galing. dami dami daming bumabasa at nakaka appreciate ng work mo Migs.

    ano kaya mangyayari sa Batangas? hmmmmm

    at ano kaya ang gagawin ni Joshie sa ginawa ni Igi sa railings?

    ReplyDelete
  28. thank goodness for this story..

    something new to look forward to..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  29. Hi migs, another great chapter. Geeeh Josh is beginning to get into my nerve. He is to paranoid sa lahat ng ginagawa ni Igi. I think he is being unfair to Igi. He should accept things that are not meant for him. Things in life move with twists and turns. And they happen with valid reasons, So if he doubts why something happens to him, he should understand that We can never learn to be brave and strong if the only thing in this world are joy and happiness. Sometimes we need to fall for us to succeed.

    Thanks me migs have a great day and keep on writing....

    ReplyDelete
  30. im here at oH-man na madaming men.. lol

    eh how can i move on, nakuha ko na rin kasi ang pagpa-ling pakaliwa ng ulo ni liam.. lol

    ReplyDelete
  31. Ayan na. Mag uusap na sila. Hehehe. Buti na lang di na ako mag aantay sa kasunod na chapter. Dahil marathon reading ito. Hehehe. Lab u Migz.

    ReplyDelete
  32. Can you tell us more about this? I'd like to find out more details.


    Look into my website smart circle

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]