The Things That Dreams Are Made Of 3

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Masakit ang ulo na umuwi si Migs galing duty sa Ospital. Akala niya noon ang pagiging chief nurse ay isang madaling trabaho kaya't laking gulat niya nang lalo siyang mahirapan sa pagiging chief nurse kesa sa simpleng head nurse o kaya staff nurse. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo na iyon ang kaniyang anak na si Josh. Dalawang araw ng hindi nagkikita ang dalawa. Nung gabi matapos ipakilala ni Josh si Migs sa kaniyang mga kaibigan bilang “Tito” ay hindi na muli pang nagkaharap ang dalawa, lumabas na lamang si Migs sa kanilang kwarto ni Ed nang papasok na siya sa ospital. Naabutan niya si Josh na nakahiga sa may sofa, ayon kay Ed ay inintay siya nitong lumabas ng kwarto upang humingi ng tawad at nakatulog na nga sa kakaintay.

Hindi na ginising pa ni Migs ang bata at tuloy-tuloy na lamang na umalis para pumasok. Ganun din ng sumunod na araw. Umuwi si Migs galing ospital na wala na si Ed at Josh dahil pumasok na ang mga ito at nang oras naman na para pumasok ni Migs sa ospital nung gabi din na iyon ay naabutan niyang muling natutulog si Josh sa sofa at hindi na niya ulit ginising pa ito.


Pagka-apak na pagka-apak pa lang ni Migs sa loob ng bahay ay alam na agad niya na may mali sa set up ng condo nila sa umagang iyon, mas magulo ito kesa sa karaniwan. Halos mapatalon siya nang makarinig siya ng isang maliit na pagtawa, pamilyar ang pagtawa na iyon. Agad na tumalikod si Migs at nakita niya ang isang projector na nakapatong sa lamesita, sinundan niya kung saan ito nakatutok at nagulat siya nang bumungad sa kaniya ang mabilog na mukha ni Josh.


Alam niya ang video na nagpe-play na iyon, siya mismo ang kumuha noon noong limang taong gulang pa lang si Josh. Tuwang tuwa nitong inaabot ang video cam na hawak hawak ni Migs.


Daddy! Daddy! I want to hold the mamera!” sigaw ni Josh saka humahagikgik.


Say that you love me first and I will give the camera to you.” saad ni migs sa likod ng camera.


I yab you! I yab you!” sigaw ni Josh sa ama sa pagitan ng mga hagikgik.


It's not nice to trick our son like that, Migs. If he loves more, then you shouldn't trick him in loving you with fancy things.” nakangising pangaalaska ni Ed kay Migs.


Haha! You're just jealous because our son loves me more.” sagot naman ni Migs kay Ed. “Here you go baby. I love you too.” dugtong pa ni Migs sabay abot ng camera kay Josh.


I yab you, Daddy! And I yab you too daddy!” sigaw ulit ni Josh sabay yakap kay Migs at humiwalay dito upang yumakap din ng mahigpit kay Ed, tanging sa sahig na lang naka-tutok ang camera na noon ay hawak hawak ni Josh.


Can I show it to my fwends?” rinig na tanong ni Josh sa mga ama habang sa katawan naman ni Ed naka-focus ang camera.


OK. Just be care---” simula ni Ed sa background ngunit naputol iyon nang sumara na ang pinto, don na naputol ang video.


I still love you. I'm sorry.” bulong ni Josh sa likod ni Migs na ikinagulat ng huli. Nang humarap ito kay Josh ay nakita ng bata na mamasa masa ang mga mata nito.


Simple pero ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Josh ang tumunaw sa lahat ng sakit at pagaalangan ni Migs patungkol sa kaniyang pagiging magulang. Nginitian niya si Josh at sinalubong ang yakap nito.


I love you too, Joshie.” bulong ni Migs at niyakap ng mahigpit ang huli. Magkakasya na sana si Migs sa yakap na iyon para sa buong araw nang makaamoy siya ng tila ba may nasusunog.


Nasusunog?!” tarantang sabi ni Migs sa sarili.


What's that smell?” tanong ni Migs sabay pakawala sa yakap sa anak at halos patakbong tinungo ang kusina.


Napatigil siya nang maabutan ang magulong kusina at isang nangingitim at umuusok na na bagay na nakasalang. Agad na tumakbo si Migs papunta sa kalan at pinatay ito, inilagay ito sa may lababo at pinaandaran ng tubig.


Shit!” sigaw ni Josh nang makita ang umuusok na pancakes na kaniyang niluto.


Your dad is going to kill you, first, because you swore and second for burning the kitchen.” nangingiting sabi ni Migs kay Josh na tarantang binubuksan ang bintana upang palabasin ang nasusunog na amoy at manipis na usok.


What are these supposed to be, Joshie?” marahang tanong ni Migs na hindi mapigilang mapahagikgik nang makita ang kaawa-awang mga pancakes.


Those are supposed to be pancakes. I'm cooking a special breakfast for you.” nayuyukong sabi ni Josh na ikinangiti ni Migs dahil sa pagkaka-touch sa ginawang effort ng anak.


Ito ang isang ugali ni Josh na gustong- gusto ni Migs. Hindi ito mahilig magpaligoy-ligoy, di kagaya niya na bago pa masabi ang gustong sabihin ay aabutin sila ng siyam- siyam at kung ano-ano pa ang masasabi. Hindi rin ito natatakot na ipakita at gawin ang gusto nitong gawin. Agad niyang napagtanto na may isa pa siyang kakilala na may ugali na ganoon. Si Cha. Di na siya nagtaka pa dito sapagkat magkapatid naman si Ed at Cha at walang duda na doon nga nakuwa ni Josh ang ugaling iyon.


I got it. Just take a seat and wait for me to finish, OK?” utos ni Migs sa anak sabay agaw sa panibagong non stick pan sa kamay ng anak.


No! Suhol ko 'to para patawarin mo ako eh. Hehe. I'm going to cook it!” sigaw ni Josh sabay marahang tinulak si Migs papunta sa dining table at pinaupo sa isa sa mga upuan doon.


Stay put!” utos ulit ni Josh sa umiiling na lang na si Migs.


Ilang minuto pa ay muling nangamoy sa buong unit ang nasusunog na pancake.


Ano yung nasusunog?!” sigaw ni Ed na halatang kagigising lang, tatakbo na sana ito papunta sa kusina nang harangin ito ni Migs.


You're son is just cooking some pancakes.” saad dito ni Migs sabay bigay ng isang ngiti sa labi.


And you let him cook? Do you want the whole building to burn?” kalmado nang tanong ni Ed kay Migs.


Of course not. But this breakfast is his peace offering to me and I can see that this is important to him so pinabayaan ko na lang.” nakangiting sagot ni Migs sabay yakap kay Ed.


See. Josh loves you.” pagpapamukha ulit ni Ed kay Migs na ikinangilid ulit ng luha ni Migs.


I know.”


000ooo000


Matapos ang sunog na agahan ay nagpaalam na si Ed at Josh na aalis na upang pumasok. Matapos magbigayan ng mahihigpit na yakapan at masisiglang “ingat!” ay tumuloy na si Migs sa kanilang kuwarto at natulog, ngunit bago iyon ay naisip niyang marami pang “paano kung” na tanong ang kanilang haharapin bilang ama.


000ooo000


Hi Joshie!” sigaw ni Neph nang makita niya si Josh na papasok ng school habang iniintay si Igi.


Hi Neph!” masigla at nakangiting balik ni Josh sa matagal na niyang kaibigan.


Have you seen Igi? He's running late this morning.” tanong ni Neph sabay lingon sa kaliwa't kanan, umaasa na papalapit na sa kanila si Igi.


Would I be smiling and greeting you like I own the world kung nakita ko siya?” nakangising tanong ni Josh na ikinahagikgik naman ni Neph.


True. Di ko lang makuwa kung paano kayo naging mortal enemies from being best friends.” umiiling na tanong ni Neph na ikinailing din ni Josh.


That's ancient history, Neph. Hey, are you still going to run for treasurer this school year? We will be seniors next year and the election will be held by the end of school year.” agarang pag-iiba ni Josh ng usapan na kinagat naman agad ni Neph.


Yep. Igi already talked to me about it. He's planning to run as president.” matapos sabihin ito ni Neph ay agad-agad na namutla at sumara ang kamay ni Josh na miya mo manununtok.


He's running for president and you're going to be on the same party?” pabulong na tanong ni Josh pero kahit pabulong ito ay halatang-halata naman sa boses nito ang galit.


Uhmmm yeah. Hey, Josh are you OK? You're shaking.” puna ni Neph na agad naman niyang pinagsisihan.


Oh. It's nothing. I'm running for president too and I was actually going to ask you to be my treasurer but I guess I'm too late.” nakayuko at nakasaradong palad paring sagot ni Josh.


Oh.” gulat namang sabi ni Neph, nagaalala na lalo niyang pinalala ang awayan sa pagitan ng kaniyang malalapit na kaibigan.


Hi Neph! Uhmmm Joshie, I mean Josh.” masiyang simula ni Igi pero agad ding sumeryoso nang makita niya si Josh na kasama ni Neph na madalas niyang kasama sa skwelahan.


Sa lahat talaga ng bagay dapat ikaw ang magaling noh?! Pati student body presidency next year kailangan mong gawing kumpetisyon sa pagitan nating dalawa?!” singhal ni Josh sa kararating palang na si Igi sabay talikod at lakad palayo.


Kunot noo at naiiritang pinanood ni Igi si Josh na naglakad palayo kung saan sinalubong ito ni Des at magka-akbay na tumuloy sa bungad ng isang building, tila masama ang loob na ikinukuwento nito ang nangyaring pag-singhal kay Des at nang matapos ay lumingon ang babae at nag-bitiw ng isang tingin kay Igi na agad namang minasama ng huli.


What did I do now?!” naiirita at naguguluhang tanong ni Igi kay Neph na hindi naman mapakali sa kinatatayuan nito.


Well uhmmm--- baka kasi nasabi ko ang plano mong pag-takbo as student body president---” kinakabahang simula ni Neph.


BAKA?!” sigaw ni Igi dito.


He's asking me to run as treasurer at his party, Igi! I said I'll be running for your party, di ako makapagsinungaling sa kaniya dahil sa huli malalaman niyang asa party mo ako tapos ano? sakin naman nagtampo si Josh?!” pagdedepensa ni Neph sa sarili, napabuntong hininga naman si Igi.


Tatakbo din pala siya? Di ko siya ma-gets! Asa kaniya na lahat ng award sa bawat sport at nasuungan niya na ako at lahat ng matatalino sa school sa academics, bakit pati student body presidency tatakbuhin niya pa? And I'm not competing with him in everything! Siya kaya 'tong ginagawang kumpetensya lahat!” bagsak balikat na sabi ni Igi sabay lakad papunta sa pinakamalapit na building ng kanilang skwelahan, agad naman itong sinundan ni Neph upang sabihin ang kaniya ring na-obserbahan sa kaibigan na si Josh.


You know, you're right. He's basically the star of everything but still it's like he's trying to prove something to someone that's why he's still busting his butt to be good at everything.” kibit balikat na sabi ni Neph na ikinaisip naman ng malalim ni Igi.


Do you think someone is pressuring him or something?” tanong ni Igi kay Neph, ang nararamdamang pagkairita ay napalitan na ng pagaalala. Pagaalala kay Josh.


I don't know. Tito Migs and Tito Ed are both cool, I'm sure they're not pressuring Joshie--- Oh---” simula ni Neph pero natigilan agad nang may isang tao na maaaring nagpre-pressure kay Josh.


Oh, what?” natigilang tanong ni Igi kay Neph.


Do you think Des---?” simula ni Neph pero agad ding pinutol ni Igi ang kaniyang pagha-hakahaka.


That bitch! I knew that she's up to something!” singhal ni Igi, muling bumalik ang hindi maipaliwanag na galit niya kay Des.


Hey. We're still not sure, Igi. Calm down---” pag-aalo ni Neph kay Igi. Sasagot pa sana si Igi nang biglang nag-ring ang bell, hudyat na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang klase. Mabilis na nagpaalam si Neph kay Igi dahil sa takot na baka siya ma-late habang si Igi naman ay malalim ang isip na naglakad patungo sa sariling klase.


Bago man makapasok sa silid aralan si Igi ay nakita niya si Josh at Des sa hindi kalayuan na magkahawak ang kamay at mariing nagtititigan na miya mo walang ibang tao sa kanilang paligid. Hindi maipaliwanag ni Igi kung bakit pero tila ba sa nakitang iyon ay lalong nabuo ang kaniyang paniniwala na si Des ang dapat sisihin sa pagiging perfectionist at vain ng kanilang kaibigan na si Josh sa kabila ng sinabi ni Neph na hindi pa sila sigurado patungkol doon.


000ooo000


I'm sure he doesn't mean to run against your party, Josh, both have been your friends since you guys are five year olds and I'm sure Igi doesn't know that your going to run for student body president too. Wala ngang ibang nakakaalam na tatakbo ka kundi ako diba? So I'm sure hindi sinasadya ni Josh ang kalabanin ka.” pag-aalo ni Des kay Josh.


But he's been competing with me---” parang batang simula ni Josh, hindi makapaniwala na ipinagtatanggol ng kaniyang girlfriend ang dating kaibigan.


No, Josh. You've been competing with him, not the other way around. Remember when you suddenly joined the volleyball team?” putol ni Des, tumango lang si Josh bilang sagot sa tanong ng girlfriend.


Igi was the first one to join and the coach is considering to give the MVP to him, alam mo bang tinanggihan niya yung award kasi alam niyang magagalit ka? Alam mo bang he's ready to give up the basketball MVP award nung nalaman niyang sa kaniya rin yun ibibigay para sayo? Kung hindi ka nga lang ba napilayan at hindi nakapaglaro ng huling game edi ikaw nga ang MVP. I'm sure Igi didn't mean to run against you, Josh. Baka nga inaatras na niya ngayon ang pagtakbo niya habang naguusap tayo eh.” pagmumulat matang saad ni Des sa kaniyang nobyo na nagsisimula nang magisip ng malalim.


I—He---uhmmm---” simula ni Josh ngunit wala siyang ibang alam na pwedeng sabihin dahil hindi parin siya makapaniwala na ginawa ni Igi lahat ng iyon para sa kaniya.


You don't have to say anything now, Josh, pero sana pagisipan mong maigi yung sinabi ko. Hindi mo kalaban si Igi, Josh.” makahulugang sabi ni Des sabay halik sa pisngi ni Josh at naglakad patungo sa sariling klase habang si Josh ay napako mula sa kaniyang kinatatayuan.


000ooo000


C'mon, Igi, you can't be serious. Iaatras mo ang candidacy mo because of Josh? Di ako papayag.” mariin na sabi ng student body adviser sa skwelahan nila na si Mrs. Roxas.


But---”


No buts! You are a leader, Igi. Sure, Josh is a good kid but he's not a leader like you, Igi.” pagkasabing- pagkasabi na ito ni Mrs. Roxas ay agad na itong tumalikod bilang hudyat na wala ng diskusyunan pang magaganap. Napabuntong hininga na lang si Igi atsaka lumabas na ng student central board office.


Pagkalabas na pagkalabas ni Igi sa opisina ng student body council ay nagulat siya ng maabutan niya doon si Josh na nakayuko at tila malalim ang iniisip, Nang magtaas ng tingin si josh ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata na tila ba nagulat na andun na sa kaniyang harapan si Igi at nahuli siya nitong nakikinig sa usapan nila ni Mrs. Roxas.


Hindi mapigilan ni Josh at Igi ang kabahan nang makita nilang bumagsak ang isang scoop ng chocolate flavored ice cream sa maganda at mahal na mahal na sofa ni Ram. Kinakabahang tinignan ni Igi si Josh na katulad niya ay nanlalaki ang mga mata at humihingi ng tulong upang malaman kung ano ang dapat nilang gawin sa nagmamantsa ng ice cream sa sofa.


Agad na dinampot ni Igi ang nahulog na isang scoop ng ice cream at itinakbo iyon papunta sa kusina at itinapos sa lababo, pero huli na ang ginawang iyon ni Igi dahil may naiwang marka sa magandang sofa ni Ram.


Anong gagawin natin, Igi?”


Di ko alam, Joshie.”


I'm BAACCCKKK!” sigaw ni Ram pagkapasok na pagkapasok nito sa kanilang pinto, may hawak-hawak itong isang bag ng marsh mallow na ilalagay sana nila sa kinakain nilang ice cream. Natigilan na lang si Ram sa masayang pagbati na iyon nang makita niya ang isang kulay black at malaking mantsa sa kaniyang paboritong sofa.


It's my fault, Dad, sorry---” simulang pag-amin ni Igi nang makita niya ang nagsisimulang apoy sa mga mata ng kaniyang ama. Pero agad siyang pinutol ni Josh.


It's my fault, Mr. Saavedra. Tinulak ko po kasi si Igi kaya nahulog yung isang scoop ng ice cream mula sa hawak niyang cone. Please wag po kayong magalit.” nakayuko at nangingilid luhang pagsisinungaling ni Josh sa nakatatanda na ikinagulat at ikinalaki ng mga mata ni Igi.


Alam ni Josh na hindi magagalit sa kaniya si Ram na tila ba paborito siya sa mga kaibigan ni Igi, pero hindi parin nun mapigilan ang kaniyang mga luha sa pangingilid na ikinatunaw naman ng resolba ni Ram.


It's OK, Joshie. Ipapalinis ko na lang I'm sure it's not that hard to wash.” banayad na sagot ni Ram sabay tapik sa ulo ni Josh.


Hindi napigilan ni Josh ang sarili at patalon siyang tumayo sa sofa at iniyakap ang kaniyang mga mabibintog na kamay sa matipunong katawan ni Ram na hindi naman agad naipaliwanag ang kaniyang nararamdaman pero nagaalangan namang ibinalik ang yakap ng bata.


Thank you and I'm sorry again, Mr. Saavedra.” bulong ni Josh na ikinangiti nila Ram at Igi.


I-I w-would like to---” simula ni Josh na ikinagising sa pagmumuni-muni ni Igi. Ibinalik ni Igi ang tingin sa kaibigan, nakayuko parin ito at kinakabahan na nagpaalala sa kaniya ng araw na iyon nung mga bata pa sila. “--t-to apologize tungkol sa mga sinabi ko kanina, di mo na kailangang i-cancel ang candidacy mo for student body council.” pagtatapos ni Josh habang pilit na isinisiksik sa kaniyang utak na ginagawa niya lang iyon dahil narin sa ulok ng kaniyang girlfriend na si Des.


I—I---” simula ni Igi pero hindi na siya pinatapos pa ni Josh dahil nagmamadali na itong lumayo sa kaniya.


000ooo000


Di parin makapaniwala si Josh na humingi siya ng tawad sa kaniyang mortal na kaaway at kalaban. Iniisip niya na malamang ay pinatatawanan na siya ngayon nito. Gusto niyang batukan ang sarili sa katangahan na ginawa. Habang inuusig ang sarili sa katangahang ginawa ay nagpatuloy lang si Josh papunta sa locker room ng kanilang skwelahan upang i-handa ang sarili sa huling laro para sa linggong iyon.


How can I be sooo stupid!” singhal ni Josh sa sarili habang nagpapalit ng damit.


Pinakalma ni Josh ang sarili bago lumabas ng locker room at harapin ang kaniyang katunggali sa araw na iyon para sa larong tennis, pilit na ikinukundisyon ni Josh ang sarili, pilit na inaalis sa sistema ang paghingi niya ng tawad sa isang tao na hindi nararapat na hingan ng tawad.


Naiinis parin si Josh nang tumuntong na siya sa court. Iniisip na maling ideya talaga ang pag-hingi niya ng tawad kay Igi dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya ito maialis sa kaniyang isip. Lalo pa itong tumatak sa kaniyang isip nang igala niya ang kaniyang mga mata sa manonood at nakita niya doon si Igi na seryoso siyang pinapanood. Katulad ng dati ay naka-tiklop parin ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib at miya mo isang hurado na nag-e-expect ng isang magandang performance sa kalahok na kaniyang huhusgahan.


Damn you, Igi!” pabulong na singhal ni Josh.


Nagsimula na ang laro at ang galit sa sarili at ang galit kay Igi ang ginamit ni Josh na langis upang manalo siya sa palaraong iyon. Bawat serve, back hand at over head passes ni Josh ay tila nag-a-apoy sa bilis na hindi magawang habulin ng kaniyang kawawang kalaban. Nang itanghal ng panalo si Josh ay hindi niya mapigilang ma-hapo at habulin ang sariling hininga, kasabay ng pagpapakawala ng hininga na iyon ay ang pagkatunaw din ng kaniyang matinding galit na nararamdaman.


Muli ay iginala ni Josh ang kaniyang paningin sa mga nanonood ng laro na iyon. Nadaanan ng kaniyang tingin si Des na may malaking ngiti sa mukha nito pero wala siyang naramdamang tuwa sa nakitang iyon kaya't sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muli niyang iginala ang kaniyang tingin. Dumapo ang tingin na iyon sa papatalikod ng si Igi.


Walang mayabang na ngisi siyang nakita sa mukha nito, sa katunayan ay nakita niya itong nakangiti. Sinserong ngiti na tila ba nagsasabi ito na masaya ito para sa kaniyang pagkakapanalo at sa hindi parin maipaliwanag na dahilan, ang nakitang ngiti na iyon ni Josh ay nagbigay sa kaniya ng ibayong saya.


Itutuloy...






The Things That Dreams Are Made Of
Chapter 3”
by: Migs

Comments

  1. Pasensya na sa matagal na pag-update. Alam niyo naman ang sched ko at pinipilit ko talaga ang katawan ko na mag-post kada gabi pero ni buksan ang laptop ay hindi ko na magawa dahil pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay hihilata na lang ako at kakainin na ng tulog. Sensya na talaga, alam ko na nasanay kayo sa mabilisang update galing sakin, pero hindi talaga kaya eh. Sensya na talaga. :(


    May nabasa nanaman akong comment. Kumulo ulit ang dugo ko. Pero humnga ako ng uber lalim at pinigilan ko ang sarili ko. Kung bilyonaryo ba ako edi sana hindi ko na ako nagtrabaho at nagsulat na lang maghapon, diba? So konting pagintindi lang po. :( at taos puso parin po akong humihingi ng pasensya na po talaga. Naiintindihan ko po na hindi rin magandan na masyadong matagal ang pagitan ng aking mga post dahil nawawalan narin kayo ng interes, kaya po pipilitin ko pa ang katawan ko na mag-post. :(


    Mababa na ang page views. Di ko kayo masisisi. Wala na po ako talagang magagawa kundi ang humingi ng tawad.


    Nais kong magpasalamat sa aking mga kapatid sa pananampalataya. Sa may ari po ng 4biden.blogspot.com, imbipositive.blogspot.com, rantstoriesetc.blogspot.com at sa blog ni Zekie sa patuloy na pagpa-plug ng aking blog. Sensya na at hindi ko maibalik ito sainyo agad. Hayaan niyo at kukulitin ko si Zekie na lagyan din ang blog ko ng mga ire-refer kong sites gaya ng blog niyo. Salamat!

    Anonymous June 24, 2012 4:01 pm: pasensya na.

    Calle 'aso: Thanks! Sana hindi ka magsawa kahit uber tagal ko ng mag-post.

    KV: Naniniwala akong pleasing ang personality mo pero hindi ako naniniwalang bakante ka. Haha! I think I know you! Haha!

    Rei: No. Thank you for reading. I hope you wouldn't stop supporting my blog.

    Almondz: sana mapaiyak pa kita in the near future. ;)

    ANDY: sana hindi ka mapa-padyak dito sa chapter na ito. Haha!

    Riley: dalawa na kayo ni Kristine na babae sa buhay blog ko. haha! Thanks!

    Kristine: I'll think about it. Siguro kapag maluwag na ang sched ko saka ako magsusulat ng straight story. Haha! Thanks!

    Marlone: say thanks to your fag hag! :-) thanks! Thanks!

    ReplyDelete
  2. Anonymous June 17, 2012 6:47pm: sana po lagyan niyo ng name sa susunod o kaya po i-follow niyo ang blog ko pra mapasalamatan ko kayo ng maayos.

    Andy: iba ka ba sa andy sa taas? Haha! Thanks!

    Russ: thanks! Kamusta na ang rainbow mo?

    IyanChan: thanks sa pag-intindi. I miss you more! ;)

    jemyro: sakit maging secret no? Alam ko din yan eh! Hahaha!

    AR: pilitin ko na at least twice a week. I'm not promising though. Sorry.

    DownloaDLine: thanks. Ngayon ka lang ata ulit nakabalik at nagcomment? Thanks. Thanks!

    Erwin F.: hindi na sila amoy kimchi! Haha! Dito na lumaki yung mga yun eh. Gagaling na nga mag-english at tagalog.

    Kean Tongol: thanks! I miss you more! :-)

    makki: magkakilala pa gayo ni Erwin? Haha! Parang lyceum ba yan? LYCEVM ang nakalagay sa facade ng school nila eh.

    Akosichristian: ay tol, dyan ka nalang at walang kinabukasan ang nurse dito. Gusto mo palit tayo. Haha! Asan ka ba banda? :-)

    Josh: chinese ako! CHINESE! Haha! One fourth pa! Haha!

    Ryvis Tan: thanks! Relate ka naman kay Josh? Thanks thanks!

    Mark Ryan: hindi madram ito. Haha! Palitan tayo ng package! Go! Haha!

    Boboy Tuliao: seryoso ka ba? Papatulan na kita! Haha!

    Rob dela cruz: thanks rob! I know, those guys are great. Gusto ko rin sana i-plug ang kanilang mga blog dito sa aking blog but I don't know how. Hayaan mo, papaturo ako kay Zekie (Zildjian)

    ReplyDelete
  3. yess..meron na..basa muna..tagal ko inantay to :)

    naiyak ako last chap..iiyak kaya ulit ako dito??

    ReplyDelete
  4. Ahihi... Speechless!! Di ako makapagisip! Though nakangiti akong binabasa to... Okay lang ang set up na once a week... Your too busy and we understand, i think others will understand it too... :-))

    ReplyDelete
  5. Ayiiieeeeeh!

    Joshie love Igi! Hehehehe!

    Migs Ah ganun ba? Edi mabuti. Kuha ka na ng isa para happy ka na. Pero fish for a big one. Dali wala ng pero pero or but but babatbatin kita. Hehehehe! Joke lang!

    Si Makki? Ang sugpo? Oo kilala ko yan. Malakas toyo niyan madalas pero mabait naman. Lab lab na friend na din. Db Makki? Namu..... Hahahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang galing mong mag describe ng SUGPO lol hahaha! TAKA! :P

      Delete
  6. Finally! Migs and Josh are okay again but I've got a feeling some of the things boggling Migs' mind might happen. :D

    This previous chapter really had me thinking about it for a week especially the line of Ed that "Well, you have some serious apologizing to do for your Dad to still want you as his son.". It really had me thinking of what will happen between Josh and Migs though fortunately, that question was finally answered here. :D

    Plus those flashbacks really support the story or give life to the story and makes it more whole. Great job Kuya Migs! :D

    I'm glad that Joshie has finally opened his doors and that the icy barriers of competition built between them are slowly melting away.

    As usual, I don't know what will happen next. I just have some guesses but most of the time, Kuya Migs has something different in store so to save me from guessing it wrongly, I won't say my guess for the next chapter. hahaha. :D

    I've been waiting for this since last week. I'm glad I waited for this before I'm going to sleep. I've been refreshing the site since yesterday hahaha. :D

    I can't wait for the next chapter Kuya Migs! :D

    Go! lang ng Go! Kuya Migs!

    Always supportive,
    - Jay!:)

    P.S. Babawi ako sa mga kulang ko na comments sa Different Similarities 2. Promise ko na magcocomment ako very very soon basta may time and I'll stay true to that promise! :D

    Keep on writing. Your stories never bore and always entice the readers to read more and want more. :))

    ReplyDelete
  7. Add on lang. wahahahaha.

    Naiyak rin ako sa last chapter. Great job Kuya Migs! :D

    - Jay!:)

    ReplyDelete
  8. super sweet naman ni Joshie.

    kawawa din si Igi kasi di niya maalala ang ginawa niya dati kug bat galit sa kanya si Joshie.

    anyways, i will be waiting for the next chapter. :)

    everyday visit on your site to see an update. hahaha. super hooked with your stories. :)

    ReplyDelete
  9. AuthorMigs!

    Ok lang kahit once a week parang vampire diaries lang dati a week mong aantayin pero sulit naman:D at may umaaway nanaman sayo? pm ba yan? tsk2..haters haha..

    >uhuh and I thought so Igi likes josh - josh likes Igi haha..obvious naman:D Igi dislikes des being with josh for unknown reasons - rationalization!, Josh hated Igi for being a competetor - Projection! Ram - Migs Centuries Battle - Redeem :D haha

    ReplyDelete
  10. OK lang un Migs. Di ako magsasawa kakahintay noh. Ikaw pa. Fan mo kaya ako. OK na ung may update isa sa isang linggo. Ung iba nga isang taon ng walang update e. OKz lang yan idol. Heheheeh

    Nalate pala ako ng pagdalaw, di tuloy ako ung unang nakacomment. Better luck next time sakin. hahahah :P

    ReplyDelete
  11. hmmmmm? ano kaya ang susunod?

    nasagot na ang mga tanong sa utak ko pero parang may kulang pa. miguel, you're saving the best for last talaga, hahaha

    maiba tayo. susundan mo paba yang chasing pavements? naiintriga talaga ako sa nangyari after nung birthday. hahahaha!

    thnx sa update (",)

    ps: about sa delayed posting, ok lang yun. sadyang busy kalang.

    ReplyDelete
  12. Bakante talaga ako hahahaha uhm, i'm not sure If you know me kasi bihira lang ako nakapagcomment, lately lang tayo nakapag-usap po but i've been reading your work since love at its best that's why I'm kinda excited when migs and ed showed up again sa story ^_^ anyways, keep it up, i dont mind kung matagal posting mo kasi it's understadable na busy ka sa work, keep inspiring us God bless c'',)

    KV

    KV

    ReplyDelete
  13. Hindi nga madrama... ma emote lang haha... sige go!!!

    ReplyDelete
  14. Grabe ka pla kng maka-kayod sa trabaho. Konting ingat at alaga sa sarili. From what you've said parang 24/7 ka ngtatrabaho ah.

    Ok sana kung daily ang updates ng post mo pero ayos lng din maghintay. We're in the position na magreklamo dahil libre lng nmn ang pagbabasa sa blog mo. Pasalamat nga kami at my nababasa kmi ng wala binabayaran eh.


    GOODLUCK AND INGAT...

    ReplyDelete
  15. Making stories is a tough job but updating is much tougher, peo despite that ur update is a little late s0mtyms its worth it naman, tsaka we, readers, undrstand ur situation. Mhrap nga namang mag update pag hectic ang job mo. .

    . . .hmm. ,about this story, its getting m0re excited, hehe. ., abangan ko po ulit nxt chap. .

    T.c and gbu. . ^__^

    ReplyDelete
  16. Okay lang yan migs..naiintindihan ka naman namin..yaan mo na lang yang mga di makaintindi sau,magsasawa din yan haha!the important thing is kaming mga supporters mo..para bigyan mo pa ng time ang pag gawa at pagpost ng stories mo eh malaking bagay na yun sa amin..smile ka na jan:)

    Be safe always migs..by the way thank u sa pagpost ng chapter 3,i love it!

    Riley

    ReplyDelete
  17. we do understand migs sa posisyon mo ngayon..kaw pa naman ang superhero ng workplace mo hehehe..

    ang rainbow ko? iwan ko mukhang tigang na..nawawala na ang mga kulay..iwan ko ba sa jowa ko..di kasi dinidiligan..hahahaha

    nice chaps...migs..

    ReplyDelete
  18. Kuya Migs, gustong gusto ko yung part na pinakita ni Josh yung video nya nung bata pa sya. Haays. Dont worry kuya migs, sulit parin pinaghintay namen.

    At dun sa mga nagrereklamo, mahiya naman kayo! Anong akala nyo sa pagsusulat ng story? Kasing dali lang ng pagluluto ng kanin sa rice cooker? Nakikibasa na nga lang kayo ng libre, ang maghintay at magpasalamat lang naman sa author ang dapat nyong gawin eh.

    Magpasalamat kayo kasi si kuya migs, hindi katulad ng iba na sa start lang masipag magpost pero after ilang chapter tumitigil na, wala ka ng mababasang

    "WAKAS".

    Ayun lang, hahaha mas nagreklamo pa ako kesa sa may-ari ng blog na to. Haha!

    ReplyDelete
  19. wow a nice chapter again hehehe good thing nagkaayos na ang magdaddy hehehe.

    A friend of mine once told me that competition is not between you and another person but with your own self. Kaya sana Josh should know who the real enemy is before it to late.

    Again Migs thanks and keep on writing

    ReplyDelete
  20. thanks for the update migs, riley is my sister hehehe, don't mind those negative comments, u can't please anybody, ur doin great, detractors will not stop until they stop reading ur fab story..keep it comin.

    ReplyDelete
  21. wow.. it nice story.. best friend turn to enemy and enemy to lover,..
    .. jejejejeje


    nice!

    ReplyDelete
  22. nice one migui!!
    ok lang kahit matagal kang mag update...worth it nman eh....

    -hinay hinay lang sa pag tatrabaho, give yourself a break naman...

    -godbless and keep safe always..:)

    ReplyDelete
  23. Hindi kmi magkakilala ni wintowt! sino ba yan! hahaha Loko lng..

    Nice Chap Migz.. Ayiiee... baby love my baby love.. LOL

    ReplyDelete
  24. cool, worth the wait.. :p

    nagexpect ako na c liam ang kalaban ni josh sa tennis.. :P

    and2 ako sa lugar kung san isinilang si sinbad.. :p

    ReplyDelete
  25. nice update!

    basta go lang ng go! don't let a few rotten comments overshadow
    the ones who admire your work!

    we are always here to support you.

    rei

    ReplyDelete
  26. sa akin naman yung ice cream scene, kung paano inako ni josh ang kasalanan ni igi...

    migs just take your time, maiintindihan naman siguro ng karamihan dito na mayroon ka ring buhay na dapat unahin....ngunit, tandaan mo, ang pagluha ko sa mga eksena sa bawat kabanata ng iyong mga kwento ay magpapatunay na worth it pa rin ang paggawa mo ng kwento... hehe

    ReplyDelete
  27. Kaw lang naman ang hindi seryoso sa akin Miguelito eh... Pwede na ba akong manligaw sayo.?

    ReplyDelete
  28. 1 post per week ay tila tubig sa disyerto sa akin kuya migz! ahahaha... wag mo na pong pilitin kung di kaya ng katawan nyo... mas mahirap pag nagkasakit pa kayo... Ingat po!

    ReplyDelete
  29. ok lang mr. author na medyo matagal ang post. may mga bagay na dapat kang iprioritize. since ikaw ang may-ari ng blog na ito kaya kami ay dapat lamang unawain kung ano lamang ang kayang mong ibigay. maraming salamat sa patuloy mo paring pagsusulat at pagpost ng mga istorya.

    god bless us all.

    ---januard

    ReplyDelete
  30. Relate talaga ako kay josh. :D. I'm so sooo bad!. :DDDD

    Take care always!. Wag masyadong magpagod ng supeeeer, baka maging pasyente ka na naman ng ospital. Haha.

    ReplyDelete
  31. migz!....galing mo talagang magsulat....minarathon ko lahat ng kwento mo simula nung sunday...hehehe....galing talaga....i really like this one...napakainteresting ng plot...who would have thought magkakaroon ulit ng connection sina migz at ram....pagpapatuloy mo lang otor....(like sign)...hehehe

    -Berto-

    ReplyDelete
  32. Ma pride pala itong dalawang ugok na to mahal kong migz. Sana mag usap na ulet sila.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]